You are on page 1of 36

IKALAWANG YUNIT

MODYUL III

ANG PAGTATAMO AT PAGKATUTO


NG WIKA
Aralin 1: Mga Napapanahong Teorya sa
Pagtatamo at Pagkatuto ng Wika

Aralin 2: Mga Yugto sa Pagkatuto ng Wika


Introduksiyon
Ang wika ay maaaring nagagamit ng tao sa dalawang kaparaanan:
pagtamo at pagkatuto. Nagbigay si Krashen (1981) ng magandang
paliwanang hinggil sa pagkakaiba nito.
Ang pagtamo ay nagaganap nang hindi namamalayan at katulad ito
halos kung paano natin natutuhan ang ating unang wika.
Sa kabilang dako ang pagkatuto ay isang binalak na proseso kung
saan pinag-aralan ang wika sa isang organisadong paraan at may
sinusunod na isang tiyak na programa o silabus. Sa pagkatuto ng wika
rin ay may yugto-yugtong proseso kong saan pinag-aaralan ang wika sa
isang paraang organisado at sistematiko: organisado kung saan may
pangkat na nagpapatupad ng wikang sinasalita ng isang bansa;
sistematiko kung saan may sistema ang isang bansa kong paano
gagamitin ang wika.
Aralin 1:

MGA NAPAPANAHONG TEORYA SA PAGTATAMO


AT PAGKATUTO NG WIKA
MGA LAYUNIN:
1. Naipaliliwanag ang bawat napapanahong teorya sa pagtatamo at
pagkatuto ng wika.
2. Nakapipili ng dalawang teorya na naangkop gamitin sa
kasalukuyang panahon.
3. Naipapaliwanag ang pakinabang ng bawat teorya sa pagtatamo at
pagkatuto ng wika para sa epektibong pagtuturo at pagkatuto.
4. Napagtutuunan ng pansin ang malaking gampanin ng magulang sa
pagtatamo ng isang bata sa wika.
5. Naipagkakaiba ang akwasisyon at pagkatuto ng wika.
Ang umiiral na pananalig na natutuhan ang wika sa pamamagitan
ng palagiang paglalaan ng mga input na berbal at may katugong
pagpapatibay (reinforcement) ay malinaw na ipinahayag sa aklat
ni B.F Skinner na VerbalBehavior (1957). Samantala, noong 1959,
sa isang matinding rebyuna isinagawa ni Chomsky sa aklat ni
Skinner, pinanindigan niya na kung ang wika ay matututuhan
lamang sa pamamagitan ng pagpaptibay, magiging mahirap para sa
isang taal na tagapagsalita ng wika (W1) ang pag-unawa sa mga
pangungusap na hindi pa niya naririnig. Idinagdag pa rin ni
Chomsky na hindi lamang sa mga proseso ng pagmememorya at
pag-uulit natutuhan ang wika.
Ang Language Acquisition Device (LAD)

Ang ating isipan ay may taglay na isang aktibong prosesor ng wika,


ang Language Acquisition Device (LAD), na nakalilikha ng mga
tuntunin sa pamamagitan ng walang-kamalayang pagtatamo ng
pansariling pagbabalarila. May tatlong pangunahing ideya ang
nakaimpluwensya sa pagtuturo at pagkatuto ng wika sa
kasalukuyan.
a. Ang paglipat sa isang paradigmang kognitib na nagsasabi ng
pangunguna ng pagkatuto bago pa man ang pagtuturo nito.
b. Naisasaalang-alang nang lubos ang proseso ng
pagtuturo/pagkatuto kung ito ay katugma (compatible) ng mga
prosesong likas na nagaganap sa ating utak.
c. Ang integrasyon ng mga kaalaman ay isang mahalagang
kaisipang kontemporaryo na may kaisahan sa mga layunin ng
lahat ng mga lawak pangnilalaman at pagsanib ng pagtuturo ng
pagsulat, pagsasalita, pakikinig, pag-iisip, at ang pagkilos ay
isang nangungunang simulain sa kasalukuyang kaisipan
tungkol sa pagkatuto ng wika
Mga Napapanahong Teorya sa Pagtatamo ng Wika ng Isang
Indibidwal

1. Ang Balarilang Transpormasyonal


(Transformational Grammar)
Ang mga mambabalarilang transpormasyonal gaya ni Chomsky ay
nananalig na ang isang wika ay may taglay na set ng mga tuntunin
na walang malay na nalalamman at nagagamit ng isang tao sa
kanyang pang-araw araw na pakikipagtalastasan. Tunguhin ng
balarilang transpormasyonal na maipaliwanag at mailarawan ang
likas na mga tuntuning ito ng wika.

Bagama’t hindi naging modelo ang paradigmang ito sa pagtuturo ng


wika perse, malaki ang naiambag nito sa monitormodel ni Krashen.
2. Monitor Model ni KRASHEN
May iminungkahing teorya bsi Krashen (1981, 1982) hinggil sa
pagtatamo ng pangalawang wika (W2) na nagging batayan ng isang
balangkas para sa pag-unawa ng mga proseso kung paano natutuhan ang
pangalawang wika. May limang haypoteses na nakapaloob sa teoryang
ito ni Krashen: ang acquisition learning hypothesis, na nagpapakita ng
kaibahan ng pagtatamo (na patungo sa katatasan) sa pagkatuto (na
sangkot ang kaalaman sa mga tuntuning pangwika); ang natural order
hypothesis, nagpapahayag na ang mga tuntuning pangwika ay natatamo
sa isang mahuhulaang pagkakasunod-sunod; ang monitor hypothesis, na
nagpapalagay na may isang paraan ng pag-iisip para sa pagtatamo ng
katatasan; ang input hypothesis, nagpapahayag din na ang unawa sa mga
mensahe; at ang affective filter hypothesis, na nagpapaliwanag hinggil sa
mga sagabal na pang-isipan at pandamdamin para sa ganap na pagtatamo
ng wika.
Bagama’t marami ring pagtuligsa ang ibinato sa monitor model,
nakapaglaan naman ito ng isang matibay na kaisipang teoretikal
para sa natural approach, na malaki ang impluwensya sa
pagtuturo at pagkatuto ng pangalawang wika.

a. Ang acquisition learning hypothesis(pagtatamo-


pagkatuto). Isinasaad ng haypotesis na ito na ang
pagtatamo at pagkatuto ay dalawang magkahiwalay na
proseso sa pagiging dalubhasa sa wika. Ang pagkatuto ay
“kaalaman tungkol” sa wika.
b. Ang natural order hypothesis. Ayon sa haypotesis na ito, may
mga tuntuning pangwika na mas naunang natamo kaysa sa iba.
Nananalig din ito sa paniniwalang may likas na sinusunod sa
natural na order ang bata sa pagtatamo ng wika.

c. Ang monitor hypothesis. Malinaw na isinasaad ng haypotesis


na ito ang ugnayan ng pagtatamo at pagkatuto ng wika. Sa
tulong ng kaisipang Monitor ni Krashen, napag-ibayo ang
kalakaran sa pagtuturo ng wika sa pamamagitan ng paglalaan ng
isang language-rich environment na makapagpapadali sa natural
o likas na pagkatuto nito.
d. Ang input hypothesis. Naninindigan ang haypotesis na ito na ang
wika ay natatamo sa isang prosesong payak at totoong kamangha-
mangha-kapag naunawaan natin ang mga mensahe. Ang
kahusayan ay mapauunlad kung patuloy na tatangkilikin ang mga
sinasabi ni Krashen na comprehensible input. Ipinagpapalagay ni
Krashen na ito ay input na maaaring ihalintulad sa “caretaker
speech,” anyo ng pagsasalita para sa mga batang bago pa lamang
nagsasalita na maririnig sa mga yaya o caregiver. Ang caretaker
speech (maikling pangungusap, madaling maintindihan,
kontrolado ang bokabularyo, iba’t-ibang paksa) ay nakapokus sa
komunikasyon.
e. Ang affective filter hypothesis. Ang hypothesis na ito ay may
kaugnayan sa mga baryabol na pandamdamin gaya ng
pagkabahala, motibasyon, at pagtitiwala sa sarili. Mahalaga
ang kabatiran ukol dito dahil nagagawa ng mga ito na
mahadlangan ang mga input para gisingin ang Language
Acquisition Device (LAD). Kung mahahadlangan ng affective
filter ang ilan sa mga comprehensible input, maaaring
kaunting input lamang ang makapapasok sa LAD ng mag-
aaral. Ang isang kontekstong affective at positibo ay
nakapagpapataas ng input.
Mga Gawaing Pampagtuturo na Umaalinsunod sa
MONITOR MODEL

Isang maikling buod ni Krashen ay ang pananalig na matatamo


ang mga istrukturang pangwika (W1 o W2) sa isang
mahuhulaang pagsusunod-sunod kung may natatamong
comprehensible input at kung mababa ang affective filters at
maluwag na makakapasok ang input.

a. Pagtatamo vs. Pagkatuto. Ang bahagyang komprehensyon


at di-kumpletong pagsasalita ay tinatanggap.
b. Natural Order. Inaasahang tatanggapin ng mga guro na ang
pagbubuo sa isipan ng mga pangungusap ay hindi nagsisimula
sa payak patungo sa mas kompleks na mga pangungusap.

c. Monitor. Maaaring maglaan ng mga karagdagang pantulong sa


pamamagitan ng mga mungkahi o tuwirang tuntuning
gramatikal.
d. Comprehensible Input. Ang pinagaang wika gaya ng caretaker
speech ay maaaring epektibo sa ibang mag-aaral.

e. Ang Affective Filter. Mapabababa ng mga guro ang affective filter


sa pamamagitan ng isang pagkaklase na relaks ang lahat ng bata,
may paggalang ang bawat bata.
3. Ang Pagtuturong Nakapokus sa Mag-aaral (Learner-
Centered Teaching)
Ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit ng mga
teknik na:
a. Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin, at istilo sa pag-
aaral;
b. Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral (halimbawa:
pangkatang gawain o pagsasanay)
c. Nakadaragdag ng pagtitiwala sa sariling kakayahan at
kagalingang pansarili;
d. At kurikulum na may konsultasyon at isanasaalang-alang ang
input ng mag-aaral at hindi itinatakda kaagad-agad ang mga
layunin.
Ang ganitong kalagayan sa loob ng klasrum ay nagbibigay ng
kamalayan na “maangkin” ng mga mag-aaral ang kanilang
pagkatuto at nakadaragdag sa kanilang intrinsic na motibasyon.
4. Ang Pagkatuto ng Tulong-Tulong (Cooperative Learning)

Ang isang klasrum na kooperatib-samakatuwid ay hindi


pagalingan o paligsahan kaugnay ng mga katangian ng
pagkatutong nakapokus sa mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay
isang “koponan” na ang layunin ng bawat manlalaro ay
mapagtagumpayan ang anumang itinakdang gawain.

Dagdag na konotasyon ng “kooperatib” ay ang pagbibigay diin


nito sa sama-samang (collaborative) pagsisikap ng guro at mag-
aaral upang matamo ang mga itinakdang layunin.
5. Ang Pagkatutong Interaktib (Interactive Learning)

Mapadadali ang paggamit ng wika kung ang pansin ay nakapokus


sa pagbibigay at pagtanggap awtentikong mensahe (mensaheng
taglay ang impormasyong kawili-wili sa nagsasalita at
tagapakinig). Ayon kay Wells, ang palitang-salita ang siyang
pangunahing yunit ng dikors. Ang interaksyong panlinggwistika
ay isang sama-samang gawain na nangangailangan ng triyadikong
pag-uugnayan ng nagpapadala (sender), tagatanggap (receiver), at
ng konteksto ng sitwasyon sa isang komunikasyong pasalita o
pasulat man.
Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga
sumusunod:

a. Madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan.


b. Paggamit ng mga awentikong wika bilang input sa konteksto
ng tunay na paggamit nito.
c. Paglikha ng mga tunay na wika para sa makabuluhang
komunikasyon.
d. Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang
paghahanda para sa aktwal na paggamit ng wika sa “labas”.
e. Pagpapasulat na totoo ang target na awdyens.
6. Ang Whole Language Education

Ang katawagang ito ay bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa


at ginagamit upang bigyang-diin a) ang “kabuuan” ng wika
laban sa pananaw na pagbabahagi ng wika sa mga maliliit
nitong elemento gaya ng ponema, morpema, at sintaks; b) ang
interaksyon at pag-uugnayin sa pagitan ng pasalitang wika
(pakikinig at pagsasalita) at wikang pasulat (pagbasa at pasulat);
at c) ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na ito’y likas at
umuunlad, na katulad din ng alituntuning pasalita.
Ang whole language ay isang leybel na ginagamit upang
mailarawan ang:

a. Tulong-tulong na pagkatuto
b. Pagkatutong partisipatori
c. Pagkatutong nakapokus sa mag-aaral
d. Integrasyon ng “apat na kasanayan”
e. Paggamit ng mga awtentiko at natural na wika
7. Centered Education

Ayon kina Brinton, Snow, at Weshe (1989), ang content-


centered education ay ang integrasyon ng mga pagkatuto ng
mga nilalaman sa mga layunin ng pagtuturo ng wika.
8. Ang Pagkatutong Task-Based

Ayon kay Micheal Breen (1987), ang task ay alinmang


binalangkas na pagkatutong pangwika na may tiyak na layunin,
nilalaman, paraan, at mga inaasahang matatamo ng mga
magsasagawa ng task.
9. Ang Brain- Based Learning

Sa ganitong kalagayan, marapat sigurong alamin natin ang


mga teoryang neurofunctional at ang pagtatangka nitong
ipaliwanag ang koneksyon sa pagitan ng tungkulin ng wika at
neuroanatomy-para matukoy hangga’t maaari kung aling mga
bahagi ng utak ang may tungkulin para gumana ang wika sa
pakikipagtalastasan.

Inilahad sa talahanayan sa ibaba ang mga simulain hinggil sa


brain-based learning (Caine at Caine, 1991) at naglaan ito ng
paraan kung paano ilalapat ang ilang kaalaman sa utak sa
pagtuturo ng wika.
Kabuuang Pagtanaw sa Iba Pang Teorya ng Language
Acquisition o Pagkatuto ng Wika

Ipinaliwanag ni Stephen Krashen sa kanyang aklat na Second


Language Acquisition and Second Language Learning ang
pagkakaiba ng pagtatamo ng wika o language acquisition at
pagkatuto ng wika o language learning. Ayon kay Krashen
(1981):

a. Ang Pagtatamo ng Wika (Language Acquisition) – ay


nangangailanagan ng makabuluhang interaksyon sa target na
wika-natural na komunikasyon o pakikipagtalastasan kung
saan ang tagapagsalita ay nakatuon sa ipinaparataing at
pagkakaunawa sa mensahe.
b. Ang Pagakatuto ng Wika (Language Learning) – ay isang
aktibong proseso na nagsisimula mula sa pagsilang
hanggang sa dulo ng buhay.

Ang kamalian sa tuntunin ay hindi mahalaga sa pagtatamo


ng wika ngunit maaaring modepikahin ang kanlang pahayag
upang matulungan silang maunawaan ito habang ang pagkatuto
ng wika o language learning ay itinuturo upang matulungan sa
pagtatama ng mga kamalian.
1. Teoryang Gramsci's of Language

Ang wika ay mahalaga upang mapatatag ang cultural hegemony


o kapangyarihan ng kultura. Ang turo ng prescriptivist kailangan
mapataas ang antas ng wika ng mga manggagawa at mahihirap
upang mabigyan sila ng kapangyarihan.
2. Teoryang Bakhtin's of Polyphony o Dialogics

Hindi maaaring mapag-aralan ang wika ng hiwalay sa sosyal at


politikal na aspeto nito. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng
linguistic diversity at pluralismo. Ang wika ay dinamiko at
naaapektuhan ito ng kultura.
3. Ang Competition Model

Ang wika ay may apat na pangunahing anggulo pagkakasunod-


sunod ng mga salita, talasalitaan, uri ng salita, at intonasyon.
Anuman ang gustong iparating ng tagapagsalita, makakamit ito sa
pamamagitan ng apat na anggulo ng wika.
4. Ang Modelong Akulturasyon
(Socio-educational Model)
Ang matagumpay na pagkatuto ay nangangahulugan ng
akulturasyon, ito ay ang pagiging bahagi ng kultura ng target
na wika. Hindi dapat nakikita na mataas o mababang uri ang
target na wika upang mas matutuhan niya ito. Ang sosyo-
kultura na aspeto ay maaaring mahalaga sa pagkatuto ng
pangalawang wika ahit hindi na maging bahagi ng lipunan ng
target na wika.
5. Ang Submersion Theory (Batay sa pananaw ng
Environmentalist)

Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang pangalawang wika ay


maaaring matutunan kung ang gagamitin sa pagtuturo ay hindi ang
unang wika kung hindi ang target na wika. Ito ay partikular na
nangyayari sa mga mag aaral na imigrante na papasok sa paaralan.
Pagkatuto vs. Akwisisyon ng Wika
Nagbigay si Krashen (1981) ng magandang paliwanag hinggil sa
pagkakaiba ng pagkatuto at akwisisyon ng wika. Ang pagkatuto ay isang
binalak na proseso kung saan pinag-aaralan ang wika sa isang
organisadong paraan at may sinusunod na isang tiyak na programa o
silabus. Ang ganitong pagkatuto ay humahantong sa pag-alam ng mga
tuntunin sa pagamit wika at pagsasalita nito ayon sa kung paano ito
inilahad sa isang sitematiko at pormal na paraan.

Sa kabilang dako, ang akwisisyon ay nagaganap nang hindi


namamalayan at katulad ito halos kung paano natutuhan an gating unang
wika. Ito ay nagaganap sa isang sitwasyon na ang mag-aaral ay
nahaharap sa maraming pagkakataon na natural na ginagamit ang wika.
“Pinupulot” ng mag-aaral ang wikang kanyang naririnig na sa palagay
niya’y kailangan sa pakikipag-usap sa mga tao sa kanyang paligid.
Mahalaga ang mga kaalamang ito sa pagtuturo ng wika lalo’t higit kung
pangalawang wika ang ituturo dahil sumusuporta at nagbubuo ang
dalawang ito sa isa’t isa.

Kung sisilipin natin ang nangyayari sa loob ng klasrum at sa loob ng


tahanan hinggil sa pagkatuto ng wika, makikita natin ang ganitong tanawin.
Sa loob ng klasrum, ipinalalagay na kailangang ituro sa mga bata ang mga
tuntunin para matutuhan ang wika. Sa halip na ihantad ang bata sa
mayamang kaligiran ng wikang sinasalita, ang input ay may hangganan at
inihahanay nang may kontrol ayon sa paniniwala ng humuhubog ng
kurikulum. Ang pag-aaral ay nagsimula sa paglalahad ng mga titik at tunog
patungo sa pagbuo ng salita. Ang pokus ng pag-aaral ay ang wika sa halip
ng mga makabuluhang o konteksto na kinapapalooban nito. Sa pagsagot ng
mga bata, isang mahigpit na batas na ang sagot ay sa kompletong
pangungusap.
Sa loob ng tahanan, malaya ang bata sa kanyang pagkatuto. Walang
mga tuntunin na kailangan sundin. Walang kontrol ang dami ng
wikang naririnig. Hindi ang pagkatuto ng magkakahiwalay na tunog
at salita ang kanilang natutuhan kundi mga natural na wika na
kanilang naririnig at ginagamit araw-araw. Positibo palagi ang
kanilang pidbak at walang nagsasabi sa kanila na “ulitin mo nga sa
kompletong pangungusap.” Ayon kay Krashen, ang ganitong
kaligiran sa pag-aaral ng wika ay may “low affective filter” kaya
ang pagkatuto ay madali at mabilis.
Ano ang implikasyon ng mga senaryong inilalahad sa pagtuturo
ng wika? Sa epektibong pagtuturo ng wika, hindi sapat ang pag-
alam lamang sa iba’t ibang pamamaraan sa pagtuturo. Dapat ay may
sapat na pagkaunawa ang guro sa mga teoryang linggwistika at
sikolohiya na pinagbabatayan ng mga pamaraan sa pagtuturo.

You might also like