You are on page 1of 17

HEOGRAPIYA

NG ASYA
• Ang daigdig ay sadyang napakalaki. Binubo ito ng maraming mga lupain at mga bahagi ng katubigan.
Sa mga lupain at katubigang ito naninirahan ang lubos pang nakararaming halaman, hayop, at iba pang
may buhay sa mundo.
•  
• Sa yunit na ito, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa
paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano. Gayundin, inaasahang higit mong makikilala ang
kontinenteng kinabibilangan ng iyong bansa sa pamamagitan ng mga araling naghahayag sa pisikal na
katangian ng kontinenteng Asya. Masusuri mo ang mga katangiang pisikal at likas na yaman nito, mga
isyu at suliraning pangkapaligiran, pati na impluwensya ng kapaligiran at likas yaman sa kabuhayan,
kultura, at lipunan ng sinaunang Asyo. Mapag-aaralan mo rin ang ugnayang nagaganap sa pagitan ng
tao at kapaligiran tungo sa paghubog ng kabihasnang Asyano
Konsepto ng Asya
• Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Ang pangalang Asya ay nagmula sa salitang
Griyego na Asie. Mula ito sa pangalan ng isang nimpa ng karagatan sa mitolohiyang Griyego na
pinaniniwalaang nagmula sa dulong silangan ng Europa. Ayon pa sa mitolohiya, siya ay asawa ni
Phometheus, isang Titan na lumikha sa sangkatauhan. Ang pangalan namang ito ay pinaniniwalaang
hango sa salitang Akkadian (2500 BKP hanggang 800 BKP) na asu na ang ibig sabihin ay lumabas at
bumangon, marahil dahil sa bahaging ito namamataang sumikat ang araw. Si Herodotus, ang ama ng
kasaysayan, ang unang sumulat at tumukoy sa bahaging ito ng daigdig bilang Asya noong 440 BKP.
Dahil sa lawak ng sakop ng Asya, magkakaiba ang uri ng topograpiya, klima, at vegetation cover ng
mga lupaing kabilang ditto. Bunga nito, nagkakaiba rin ang uri ng pamumuhay at kultura ng mga
taong naninirahan ditto.
• Samantala, ang salitang “heograpiya” ay hango sa mga salitang Griyego na “geo” na
nangangahulugang “daigdig” at “graphien” na nangangahulugang “pagsulat” o
“paglalarawan” ng pisikal na kaayusan ng balat ng lupa. Ang heograpiya ay tumutukoy
sa pag-aaral ng mga katangiang pisikal ng daigdig, mga pinagkukunang yaman, klima,
vegetation cover, at aspektong pisikal.
Ang Asya bilang pinakamalaking kontinente
• Dahil sa laki nito, ang Asya ay hinati sa maraming paraan. Hinati ang Asya ayon sa mga kardinal na lokasyon,
kagaya ng hilaga, kanluran, silangan, timog, at timog-silangan. Isa sa mga paraan ng pagkuha ng lokasyon ng
isan kontinente at bansa ay sa pamamagitan ng pagtukoy ng latitude (distansyang angular na natutukoy sa hilaga
o timog ng equator) at longitude (mga distansyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng Prime
Meridian) nito. Ang Equator ay ang zero-degree latitude at humahati sa globo sa hilaga at timog na hemisphere
nito, at ang Prime Meridian naman ay ang zero-degree longitude. Nasasakop ng Asya ang mula 10 0 Timog
hanggang 900 Hilagang latitude at mula 110 hanggang 1760 Silangang longitude. Hinati rin ang Asya sa paraan na
ang oryentasyon ay ang Europa kaya naman mayroong malapit na silangan, gitnang silangan, at malayong
silangan. Nariyan din ang pagkakahati na batay sa mga magkakalapit na mga bansang lubos na magkakaugnay
ang ekonomiya at pamumuhay. Nariyan ang bahagi ng Asya-Pasipiko at ang bahagi ng bayan ng mga Arabo
bilang ilang halimbawa. Nagbunga ang paghahating ito sa iba’t-iba at kadalasang nakalilitong, mga katawagan.
Nagpapatunay lamang ito na ang Asya bilang bahagi ng daigdig ay tunay na malaki at komplikado.
• Sakop ng Asya ang halos may ikatlong bahagi ng kabuuang lupain sa daigdig na humigit-
kumulang sa 44,579,000 kilometro kuwadrado (worldatias.com). Ang kabuuang sakop ng Asya
ay nagmula sa pinakakanlurang bahagi nito sa Cape Baba, Turkey hanggang sa pinakasilangang
bahagi nito sa Cape Dezhnev sa Hilagang-silangang Siberia, at mula sa katimugang dulo ng
Malay Peninsula hanggang sa Cape Chelyuskin sa Hilangang Siberia pa rin. Ang hangganan sa
pagitan ng Europe at Asia ay bumabagtas sa mga bundok ng Caucasus at Black Sea.
• Ang baybaying bahagi ng Asya ay binubuo sa malawak na tangway. Binubuo naman ng
mga pulo at kapuluang bansa ang mga baybaying dagat nito. Matatagpuan sa Indian
Ocean ang bansang Sri Lanka, kapuluang Maldives, at Andaman. Matatagpuan naman sa
timog-silangang bahagi nito ang mga kapuluan tulad ng Indonesia at Pilipinas, at Japan
naman sa silangan.
Ang Rehiyong Heograpikal ng Asya

• Sa kasalukuyan ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon: ang Silangang Asya, Timog-
silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya, at Hilagang/Gitnang Asya. Ang
pagkakabahagi ng Asya sa mga rehiyon ay naayon sa ipinahihiwatig na pagkakalilanlan
at kaugnayan ng mga lupaing sakop nito ayon sa pisikal, politikal, kultural, at historical
na pagkakaiba sa isa’t isa.
Silangang Asya Kabisera Sukat

China Beijing 9,584,492 km2

Japan Tokyo 377,835 km2

Mongolia Ulaanbaatar 1,566,424 km2

North Korea Pyongyang 122,762 km2

South Korea Seoul 99,274 km2

Taiwan Taipei 35,980 km2


     
Timog Asya Kabisera Sukat

Bangladesh Dhaka 147,570 km2

Bhutan Thimphu 47,000 km2

India New Delhi 3,166,416 km2

Maldives Mala 297 km2

Nepal Kathmandu 147,181 km2

Pakistan Islamabad 803,940 km2

Sri Lanka Colombo 65,609 km2


Kanlurang Asya Kabisera Sukat

Afghanistan Kabul 648,000 km2


Armenia Yerevan 29,784 km2
Azerbaijan Baku 86,505 km2
Bahrain Manama 694 km2
Cyprus Nicosia 9,251 km2
Georgia Tiblisi 69,670 km2
Iran Tehran 1,638,056 km2
Iraq Baghdad 435,053 km2
Israel Jerusalem 20,699 km2
Jordan Amman 88,945 km2
Kuwait Kuwait 17,819 km2
Lebanon Beirut 10,230 km2
Oman Muscat 306,007 km2
Qatar Doha 11,427 km2
Saudi Arabia Riyadh 2,240,339 km2
Syria Damascus 186,178 km2
Turkey Ankara 756,768 km2
United Arab Emirates Abu Dhabi 77,699 km2
Yemen Sana’a 531, 869 km2
Hilagang Asya Kabisera Sukat

Kazakhstan Astana 2,717,415 km2

Kyrgyzstan Bishkek 198,501 km2

Tajikistan Dushanbe 143,226 km2

Turkmenistan Ashgabat 487,997 km2

Uzbekistan Tashkent 447,290 km2


ACTIVITY
NOTEBOOK
• Sa isang buong long bond paper,
iguhit ang mapa ng Asya at
gumamit ng iba’t-ibang kulay
upang mapaghiwalay ang mga
rehiyon nito
Binigyan ng Tuon
10 puntos 7-8 puntos 2-4 punto
Natatangi Katamtamang Kagalingan Nangangailangan ng Tulong

Natapos ang proyekto subalit kapos ang


Ang kabuuan ng proyekto ay nagpakita ng Natapos ang proyekto subalit hindi gaanong
Pagiging Orihinal at Pagkamalikhain paggamit ng pagkamalikhain at walang
lubusang orihinalidad at pagkamalikhain. orihinal at hindi gaanong malikhain.
orihinalidad.

Kinakitaan ng lubusang pagsusumikap, Kinakitaan ng pagsusumikap ang natapos na


Kinakitaan ng kaunting pagsusumikap ang
Pagsisikap at Pagtitiyaga lampas pa sa kinakailangan,  ang natapos  na proyekto subalit may ilang mga kulang na
natapos na proyekto.
proyekto. detalye.

Natapos ang proyekto subalit may mga Natapos ang proyekto subalit lubhang magulo
Kasanayan sa pagbubuo Mahusay at maganda ang nabuong proyekto.
depektong nakita. at hindi maunawaan.

Masigasig na gumawa upang matupad ang Masigasig na gumawa subalit kinakailangan Walang sigasig sa paggawa at kailangan pang
Saloobin at responsibilidad
layunin ng pangkat. pa ng tulong buhat sa iba. paalalahanan nang malimit.
Pagsagot sa Journal Prompts at Pagbubuod!
Sa isang buong papel, kopyahin at sagutan ang sumusunod na aktibiti.
Gawain 1: Maramihang Pagpipilian!

• Panuto; Isulat ang titik at salita ng tamang sagot sa sagutang papel.


•  
• 1. Ito ay mga distansyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng Prime Meridian
• a. longitude b. latitude c. Prime Meridian d. Equator
• 2. Ang zero-degree latitude at humahati sa globo sa hilaga at timog na hemisphere.
• a. longitude b. latitude c. Prime Meridian d. Equator
• 3. Ito ay mga distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator
• a. longitude b. latitude c. Prime Meridian d. Equator
• 4. Ang salitang Asya ay galing sa salitang Akkadian “Asu” na nangangahulugang _____?
• a. mabundok b. bukirin c. lumabas at bumangon d. malayong silangan
• 5. Ito tumutukoy sa pag-aaral ng mga katangiang pisikal ng daigdig, mga pinagkukunang yaman, klima,
• vegetation cover, at aspektong pisikal.
• a. social science b. heograpiya c. archeology d. cartography

You might also like