You are on page 1of 2

UNANG PANGKAT: ANG KLIMA

 Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system


na kayang makapagpanatili ng buhay. Ang
malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-
ayang atmospera at sapat na sinag ng araw, init
at tubig upang matustusan ang pangangailangan
ng mga halaman at hayop sa balat ng lupa.
 Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o
kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar
sa matagal na panahon. Pangunahing salik sa
pagkakaiba-iba ng mga klima sa daigdig ang
natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar
depende sa latitude at gayon din sa panahon,
distansiya mula sa karagatan, at taas mula sa
sea level. Ang mga lugar na malapit sa equator
ang nakararanas ng pinakasapat na sinag ng
araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig.
 Dahil dito, maraming habitat o likas na tahanang
nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at
hayop ang matatagpuan sa mga lugar na ito.
Kabilang sa mga ito ay ang mga rainforest, coral
reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman
ang pag-ulan at napakainit ng panahon sa isang
pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring
mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito
rin ang maaaring asahan sa mga lugar na
lubhang napakalamig na panahon.
IKA-APAT NA PANGKAT: MGA ANYONG LUPA AT ANYONG TUBIG
 Tinatawag na topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon. Sa
pagdaan ng panahon, ang mga tao ay natutong makiangkop sa kanilang kapaligiran.
Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan ng daigdig
ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog.
 Kabilang dito ang mga lambak ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at
lambak-ilog ng Nile sa Africa. Ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang
nagtataglay lamang ng maliit na populasyon.
 Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig ay matatagpuan
sa Asya, tulad ng Everest (29,028 talampakan o 8,848 metro). Sa Africa,
pinakamataas ang Kilimanjaro (19,340 talampakan o 5,895 metro) at sa Europe, ang
Elbrus sa Russia (18,510 talampakan o 5,642 metro).
PINAKAMATAAS NA BUNDOK NG DAIGDIG BUNDOK
Talahanayan 1.4 : Pinakamataas na BUndok ng Daigdig Taas (sa metro) Lokasyon
Bundok
Everest 8,848 Nepal/Tibet
K-2 8,611 Pakistan
Kangchenjunga 8,586 Nepal/India
Lhotse 8,511 Nepal
Makalu 8,463 Nepal/Tibet
Cho Oyu 8,201 Nepal/Tibet
Dhaulagiri 8,167 Nepal
Manaslu 8,163 Nepal
Nanga Parbat 8,125 Pakistan
Annapurna 8,091 Nepal
 Matagal ding panahong apat na karagatan lamang ang kinilala sa daigdig: Pacific, Atlantic, Indian,
at Arctic. Noong 2000 lamang itinakda ng International Hydrographic Organization ang isang
panibagong karagatan na pumapalibot sa Antarctica: ang Southern Ocean na umaabot hanggang
60o S latitude.

MGA KARAGATAN SA DAIGDIG :


Talahanayan 1.5 : Mga Lawak (sa Average Pinakamalalim
Karagatan sa Daigdig kilometro na lalim na Bahagi
kuwadrado) (sa talampakan) (sa talampakan)
Pacific Ocean 155,557,000 12,926 Mariana Trench, 35,840
talampakang lalim
Atlantic Ocean 76,762,000 11,730 Puerto Rico Trench, 28,232
talampakang lalim
Indian Ocean 68,556,000 12,596 Java Trench, 23,376 talampakang
lalim
Southern Ocean 20,327,000 13,100 (4,000 - 5,000 metro) 16,400
talampakang lalim, ang katimugang
dulo ng South Sandwich Trench,
23,736 talampakang lalim
(7,235 metro)
Arctic Ocean 14,056,000 3,407 Eurasia Basin, 17,881 talampakang
lalim
 Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang pinakamalalim na bahagi ng daigdig, pangunahin sa
talaan ang “Challenger Deep” sa Mariana Trench na nasa kanlurang bahagi ng Pacific Ocean . Iba
pang malalim na trench ang Puerto Rico Trench sa Atlantic Ocean, Java Trench sa Indian Ocean,
at Eurasia Basin sa Arctic Ocean.
 Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na kadalasang bahagyang napaliligiran ng mga
lupain. Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang South China Sea, Caribbean Sea, at Mediterranean
Sea.

You might also like