You are on page 1of 14

• Tagumpay sa Unang Laban

• (Sinulat ni: Nianita S. Pamintuan)

• Bansang Pilipinas, perlas ng Silanganan,


• Pinagnanasaan dahil sa angking yaman.
• Madaling pasukin dahil paligid ay katubigan,
• Kaya pagpasok ng mga dayuha’y hindi
nahirapan.
•Sa kanilang pagdating katutubo’y
nangabigla
•Sa tunay na pakay hindi naging handa.
•Magalang na pananalita sa mga
katutubo ang sinalita
•kaya mga datu’t raha ay napaamo
talaga.
•Tinanggap nang lubos itong mga
dayuhan
•At humantong pa sa sanduguan
•Ito’y tanda ng kapatiran at
samahan
•Na magbibigkis sa kanila nang
tuluyan.
•Kung may tumanggap, meron ding
pumalag
•tulad ni Lapu-Lapu na hari ng Mactan.
•Hindi napaamo ni Ferdinand Magellan
•Kaya’t pakikipagkaibigan ay
tinanggihan.
•Sa pagtalikod ni Lapu-lapu sa mga
dayuhan
•Animo’y Leon sa galit ay biglang
sumalakay.
•Sa dalampasigan ng Mactan, naganap
ang laban
•Na humantong pa sa kamatayan ni
Magellan.
•Mabuhay! mabuhay ang tanging
sigaw
•ng mga katutubong Bisaya na
matatapang
•na di napaghandaan ng mga dayuhan
•at walang nagawa kundi lumisan
nang tuluyan.
• Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Ilagay sa
sagutang papel ang iyong mga sagot.
• 1. Ano ang iyong naramdaman habang binabasa ang tula?
• 2. Bakit pinagnasahang pasukin ng mga dayuhan ang
Pilipinas?
• 3. Bakit napaamo ng mga dayuhan ang mga datu at raha?
• 4. Ano ang naging tanda ng pagkakaibigan ng mga
dayuhang Espanyol at mga datu o raha?
•Piliin ang wastong paglalarawan
sa mga sumusunod na pahayag
tungkol sa tugon ng mga
katutubo sa kolonyalismo. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
• 1. Ano ang naging bunga ng pagkakaroon ng
edukasyon ng mga kabataan noong panahon ng
kolonyalismo?
• A.Ginamit nila ito upang makilala sa lipunan.
• B. Naging mulat sila at naghangad ng pagbabago.
• C. Napabilang sila sa mga pinuno ng pamahalaan.
• D.Nanatili silang tahimik sa nagaganap sa bansa.
• 2. May mga Pilipino na likas na makasarili upang makuha
ang pansariling kagustuhan.
• A. Nagtago sila sa mga Espanyol upang malibre sa mga
patakarang Espanyol.
• B. Nagbayad sila ng mga kapwa Pilipino upang sila ang
gumawa ng mga gawaing nakatakda sa kanila.
• C. Nakipagsabwatan sila sa mga Espanyol para malibre sa
mga patakaran.
• D. Naging tapat sila sa kapwa Pilipino.
• 3. Si Jose Rizal ay naglayon na mamulat ang mga
katutubo sa malupit na pamamahala ng mga
Espanyol.
• A.Nagtatag siya ng pangkat na magmamanman sa
mga sundalong Espanyol.
• B. Naghikayat at namuno siya sa pagsasagawa ng
mga lihim na pag-aalsa.
• C. Sinulat niya ang librong Noli Me Tangere at El
Filibusterismo upang tuligsain ang dayuhan.
• D.Nagpagawa siya ng maraming sandata upang
ipamigay sa mga katutubo.
• 4. Naranasan ng mga Pilipino ang lupit ng mga
patakarang ipinatupad sa kolonya.
• A.Nagsawalang-kibo ang nakararaming mga
katutubo dahil sa takot sa mga sundalong Espanyol
• B. Tumutol sila sa pamamahala ng mga dayuhan at
piniling takasan ang kalupitan ng mga dayuhan.
• C. Bumuo sila ng samahan upang simulan ang pag-
aalsa.
• D.Lahat ay tama.
• 5. Ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan
ay nakaranas ng diskriminasyon mula sa mga dayuhan ay
hindi nanatiling sunud-sunuran na lamang.
• A.Nanatiling tikom ang bibig at takot na sumalungat sa
patakaran ng mga dayuhan.
• B. Mga kababaihan na sumali sa pag-aalsa ay hindi naging
hadlang ang kanilang kasarian.
• C. Mga magsasaka na hinayaang kunin ang kanilang lupain.
• D.Gumawa ng kasunduan na babayaran ang mga katutubo
sa kanilang gawain.

You might also like