Professional Documents
Culture Documents
Aral Pan 4 (Q1W1)
Aral Pan 4 (Q1W1)
KAHULUGAN NG BANSA
ARALING PANLIPUNAN 4 (Quarter 1 – Week 1)
MELC: Natatalakay ang kahalahagan ng Bansa
OBJECTIVES:
Nakapagsasabi ng kahulugan at kahalagahan ng pagsabi ng katotohanan
wika
Kilalanin o tukuyin ang konseptong nakapaloob sa bawat larawan. Pumili ng tamang sagot mula sa kahon.
Isulat ito sa nakalaang patlang
batas
Kilalanin o tukuyin ang konseptong nakapaloob sa bawat larawan. Pumili ng tamang sagot mula sa kahon.
Isulat ito sa nakalaang patlang
kultura
Kilalanin o tukuyin ang konseptong nakapaloob sa bawat larawan. Pumili ng tamang sagot mula sa kahon.
Isulat ito sa nakalaang patlang
pamahalaan
Kilalanin o tukuyin ang konseptong nakapaloob sa bawat larawan. Pumili ng tamang sagot mula sa kahon.
Isulat ito sa nakalaang patlang
kasaysayan
Ang konsepto ng isang bansa ay nakabatay sa pagiging isang estado nito. Lahat ng bansa ay kinikilala
bilang isang malayang estado dahil sa kasunduan sa Montevideo Convention noong 1933.
Estado
Ang isang estado bilang bahagi ng pandaigdigang komunidad ay
dapat magtaglay ng sumusunod:
•permanenteng populasyon,
•tukoy na teritoryo,
•pamahalaan, at
•kakayahang makipag-ugnayan sa iba pang estado.
Mga Karapatan ng Isang Malayang Bansa o Estado Sang-ayon sa mga probisyon ng Montevideo
Convention, tinukoy rin sa United Nations Charter ang mga karapatan ng isang estado o bansa. Ang mga ito
ay ang sumusunod:
Karapatang Maging Malaya at Pamahalaan ang Sarili Ang pagkamit ng mga karapatan ng isang bansa ay
hindi dapat maapektuhan o kontrolin ng iba pang bansa. Ibig sabihin, ang kaniyang mga gawain ay hindi
dapat pakialaman ng iba pang estado.
Karapatang Protektahan ang Sarili Ang isang bansa na nakakaramdam ng anumang panganib o banta
para sa kaniyang nasasakupan ay may kapangyarihang ipagtanggol ang kaniyang sarili sa pamamagitan
ng pakikialam sa panloob at panlabas na pakikipag-ugnayan nito.
Mga Elementong Bumubuo sa Isang Bansa
Pamahalaan
Ito ang namamahala o nagpapatakbo sa isang bansa. Binubuo
ng mga mamamayang karaniwang pinili upang pagsilbihan at
pangasiwaan ang bansa.
Batas
Ito ang mga alituntuning ipinatutupad upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa isang
bansa.
Kasaysayan
Ito ang kuwento ng mahahalagang kasanayan ng mga mamamayan
ng bansa na bumuo sa kanilang pagkakakilanlan at kamalayan.
Wika
Ito ang ginagamit ng mga mamamayan sa pakikipag-usap sa
isa’t isa.
Kultura
Ito ang mga gawain at paniniwala ng mga mamamayan ng
isang bansa.
Teritoryo
Ito ay lahat ng kalupaan, katubigan, at himpapawid na
nasasakupan ng isang bansa.
Populasyon
Mahalaga sa isang bansa na magkaroon ng mga taong
naninirahan at namamahala rito.
Ano ang kahulugan ng bansa?
Mahalaga bang magkaroon ng isang pambansang wika ang isang bansa? Patunayan
ang iyong sagot.
SURIIN NATIN
ANG INYONG
KAALAMAN
PAG-ISIPAN NATIN
1. Cebuano =
2. Senador =
3. Bayanihan =
4. Saligang batas =
5. Peoples power revolution ng 1986 =
6. Paggamit ng po at opo =
7. Kautusang pambayan =
8. Kapitan ng barangay =
9. Filipino =
10.Labanan ng Look sa Maynila =
Mga Elemento ng Bansang Pilipinas
Elemento Halimbawa
Pamahalaan
Batas
Kasaysayan
Wika
Kultura
Panuto: Magsaliksik at maglista ng isang bansa sa iba’t ibang rehiyon ng
mundo. Tukuyin din ang mga elemento na bumubuo rito.
Asya
Hilagang
Amerika
Timog
Amerika
Europa
Africa
GROUP ACTIVITY
Makakagawa ng kanta na
nagtatalakay sa konsepto ng bansa
LAYUNIN: Makabubuo ng kanta na nagtatalakay sa konsepto ng bansa