You are on page 1of 21

KLIMA NG

PILIPINAS
ARALING PANLIPUNAN 4 (Quarter 1 – Week 5)
REVIEW FOR MUSIC
Accented and Unaccented Beats

GUIDE QUESTIONS:

What is Accented beats?


What is unaccented beats?
MELC: Nailalarawan ang pagkakakilanlang heograpikal ng
Pilipinas: Heograpikang Pisikal (Klima ng Pilipinas)

OBJECTIVES:
 Makapagbabahagi ng kanilang sariling karanasan tungkol sa kung
papaano nila tinanggap ang kanilang pagkakamali (VALUES Integration)
 Makapanayam ang mga kamag-anak o kaibigan mula sa ibang rehiyon, lalawigan
at bayan sa Pilipinas upang makakalap ng impormasyon na pupunan sa
talahanayan
 Makagagawa ng isang Futuristic headgears na kung saan ito’y maaring gamitin
tuwing tag-ulan at tag-araw.
PAGTANGGAP NG
KAMALIAN
Values 4
Ang pagtanggap ng kamalian sa sarili
nangangahulugan lamang na ikaw ay mabuting tao.
Walang halong pagkukunwari o pagsisinungaling sa
sarili nagpapatunay lamang na isang kang huwarang
nilalang sa mundo.
KAPATAWARAN at pagtanggap sa
sarili ang siyang sagot sa ating pag-
unlad.

Ang pagpapatawad sa sarili ay kakabit ng pagtanggap sa ating kamalian. Walang taong perpekto at lahat tayo ay
nagkakamali, ngunit ang bawat pagkakamali ay ituring nating leksyon para sa ating sarili.
Madalas tayo humingi ng tawad sa ibang tao dahil sa nagawa nating mali minsan pa nga ay ang kapalit ng
kasalanan natin ay ang pagsilbihan sila. Minsan pa ay kailangan natin silang bayaran upang tayo ay mapatawad.
Ngunit nakakalimutan natin na patawarin din ang ating sarili.

Mas makikilala mo ang iyong sarili. Ang pagpapatawad natin sa ating sarili ay daan din upang mas makilala
natin kung sino tayo. Dahil dito mas maiintindihan natin na hindi tayo perpekto at ayos lang na kung minsan ay
magkamali dahil ang mahalaga ay yung may natutunan tayo sa ating karanasan.  Ang bawat pagkakamali rin na
nalagpasan natin ay ang siyang magpapaintindi sa atin na kaya nating magbago at mayroon pa pala tayong
magagawa para maayos ang ating sarili.  
Pagiging positibo. Dahil sa pagpapatawad at pagtanggap natin sa ating sarili
ay mas nagiging positibo tayo sa buhay na siyang makakatulong sa ating
disposisyon at pag-unlad bilang isang tao. At kapag tayo ay positibo, mas
maraming darating na oportunidad sa atin.
 
Pagiging malakas. Makakatulong din ang pagpapatawad natin sa ating sarili
sa pagiging malakas, hindi sa pisikal na aspeto  kundi sa bawat pagsubok na
ating kinakaharap. Dahil sa ating pagpapatawad sa sarili ay mas nagiging
matatag tayo at handa muling harapin ang mga panibagong pagsubok.
PAG-ISIPAN NATIN

Makapagbabahagi ng kanilang
sariling karanasan tungkol sa kung
papaano nila tinanggap ang
kanilang pagkakamali
Tukuyin kung anong uri ng klima o kalagayan ng panahon ang ipinahihiwatig ng
bawat larawan.
KLIMA NG PILIPINAS

 Ang Pilipinas, bilang isa sa mga


bansa sa Timog-Silangang Asya,
ay isang bansang tropikal.
 Ang klima ay ang
pangmatagalang kalagayan ng
panahon sa isang tiyak na lugar.
Ang klima ng isang lugar ay hindi
basta-basta nagbabago sa loob
lamang ng isang oras o ilang
araw.
Uri 1
•Dalawang tiyak na panahon
• Tag-init → Nobyembre hanggang Abril
• Tag-ulan → Mayo hanggang Oktubre
•Pinakamaraming ulan mula Hunyo hanggang
Setyembre

Uri 2
•Walang inaasahang tagtuyot buong taon
•Panahon ng ulan ay Nobyembre hanggang
Enero
•Masagana sa ulan
Uri 3
•Paiba-iba ang panahon sa bawat buwan
•Ngunit kadalasang walang ulan na nararanasan tuwing
Nobyembre hanggang Abril
•Inaasahan na magiging maulan sa natitirang buwan ng taon

Uri 4
•Halos pantay ang pagbagsak ng ulan sa buong taon
•Walang nararanasang tagtuyot
Epekto ng Klima sa mga Pananim at Hayop sa Pilipinas

Dahil sa klimang tropikal, maraming nabubuhay na halaman at mga


hayop sa bansa. Mayroong mga halamang kahit hindi alagaan ay patuloy
na nabubuhay. Mayroon namang mga halamang sadyang itinatamin at
inaalagaan hanggang sa ang mga ito ay mapakinabangan ng mga tao.
SURIIN NATIN
ANG INYONG
KAALAMAN
 Ilan ang uri ng klima sa Pilipinas?
 Magbigay ng mga tunog na maririnig tuwing may malakas
na ulan at mahangin na araw.
 Ano ang iba’t ibang uri ng halaman ang nabubuhay dito sa
Pilipinas?
 Ano ang iba’t ibang uri ng hayop ang nabubuhay dito sa
Pilipinas
 Ano ang epekto ng klima sa mga halaman at hayop na
nabubuhay dito?
SURIIN NATIN (Online & Offline)

A. Tukuyin ang tipo o uri ng klima. Isulat ang 1, 2, 3, o 4 sa patlang.

__________ 1. Mayroong dalawang tiyak na lagay ng panahon: tag-init mula Nobyembre


hanggang Abril; tag-ulan naman mula Mayo hanggang Oktubre.
__________ 2. Halos pantay lamang ang pagbagsak ng ulan sa isang buong taon. Walang
nararanasang tagtuyot.
__________ 3. Panahon ng tag-ulan tuwing Nobyembre hanggang Enero. Walang inaasahang
tagtuyot sa buong taon. Sagana sa ulan higit sa mga buwan ng Disyembre hanggang Pebrero.
__________ 4. Paiba-iba ang panahon sa bawat buwan. Kadalasang walang ulang nararanasan
tuwing Nobyembre hanggang Abril.
PERFORMANCE TASK :
Makaguguhit ng paraan kung anong mga nararapat na gawin kung sakaling nakakaranas tayo ng ganitong uri
ng klima?

Pagbaha dulot ng malakas na Sobrang init ng araw (El


ulan niña)
Panoorin ang video tungkol sa
klima ng Pilipinas
PERFORMANCE TASK :

Gumawa ng
Headgears
LAYUNIN: Inaatasan kang gumawa ng isang futuristic headgears

PAPEL: Ikaw ay isang scientist

MADLA: mga kompanyang naghahanap ng makabagong imbensyon

SITWASYON: Dahil sa pabago-bagong klima na ating nararanasan at dahil na


rin sa Climate change, ang ibang kompanya ay naghahanap ng makabagong
imbensyon ng mga headgears kung saan itoy pwedeng gamitin tuwing tag-araw
at tag-ulan.
Gamit ang mga recyclable materials, gumawa ng isang futuristic headgears

PRODUKTO: Futuristic Headgears


PAMANTAYAN Napakahusay Magaling Kailangan pa ng
Pagsasanay

KONSEPTO Nakakagawa ng headgears Nakagagawa ng headgears Ang nagawang headgears


na pasok sa konseptong na pasok sa konseptong ay hindi angkop sa
ibinigay na kung saan ibinigay, ngunit nagagamit konseptong binigay
maaring gamitin tuwing lamang tuwing tag-ulan.
tag-araw at tag-ulan.

PAGGAMIT NG Gumamit ng mga lumang Gumamit ng mga lumang Hindi gumamit ng lumang
bagay or material na bagay or material na bagay.
RECYCLABLE kagamitan upang kagamitan upang
MATERIALS makalikha ng isang makalikha ng magandang
napakagandang headgears. headgears

PAGKAMALIKHAIN Nagpapakita ng Hindi gaanong ang Hindi nagpapamalas ng


pagkamalikahain sa pagkamalikahain sa pagkamalikhain sa
paggawa ng headgears. nagawang headgears. paggawa ng headgears.
(QUIPPER)

Gamit ang social media, makipag-ugnayan sa mga pinsan o kaibigan mula


sa ibang rehiyon, lalawigan, at bayan sa Pilipinas. Alamin mula sa kanila
ang sumusunod upang mabuo ang tsart.

You might also like