You are on page 1of 22

MGA ANYONG LUPA

AT ANYONG TUBIG
NG PILIPINAS

ARALING PANLIPUNAN (Quarter 1 – Week 6)


MELC: Nailalarawan ang pagkakakilanlang heograpikal ng
Pilipinas: Heograpiyang Pisikal(anyong lupa at anyong tubig)

OBJECTIVES:
 Nakapagbibigay ng opinyon kung paano mapoprotektahan ang Anyong Lupa at Tubig ng
Pilipinas sa pamamagitan ng oral recitation
 Magsaliksik tungkol sa mga anyong Lupa at Tubig sa Pilipinas at maglista ng halimbawa sa
bawat anyo at ilarawan ito sa pagpupuna ng tsart.
 Magbahagi ng iyong opinion kung papaano mo tuturuan ang mga taong patuloy na sinisira
ang mga anyong lupa at tubig at kung ano ang dapat nilang gawin upang aminin ang mga
nagawang pagkakamali? (VALUES)
 Makapagpipinta ng anyong lupa o tubig na nagpapakita ng Landscape Rhythm (ARTS
Integration)
 Makagagawa ng isang Futuristic headgears na kung saan ito’y maaring gamitin ng mga
turistang gustong bumisita sa inyong lugar
PAGTANGGAP NG
KAMALIAN
Values 4
Ang pagtanggap ng kamalian sa sarili
nangangahulugan lamang na ikaw ay mabuting tao.
Walang halong pagkukunwari o pagsisinungaling sa
sarili nagpapatunay lamang na isang kang huwarang
nilalang sa mundo.
ONLINE ACTIVITY

Magbigay ng mga karanasan kung saan ikaw ay Nakagawa ng


pagkakamali at kung paano mo tinanggap ito at paano mo
pinatawad ang iyong sarili?

SAGOT:
ONLINE ACTIVITY

•Anong uri ng Anyong Lupa ang •Anong uri ng Anyong Lupa ang nasa
nasa larawan? Ipaliwanag ang larawan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
iyong sagot.
Mga Anyong Lupa at
Anyong Tubig sa Pilipinas

 Sa ating bansa ay may ibang anyong lupa at anyong tubig na


pinangmumulan ng mga likas na yaman.
 Ang mga ito ay nagsisilbi ring magagandang tanawin ng bansa.
 Ating alamin kung anoanong anyong lupa at anyong tubig ang
matatagpuan sa bansa.
Mga Anyong Lupa
Ang anyong lupa ay tumutukoy sa kahit na anong pisikal at natural na bahaging lupa.

 KAPATAGAN (Plain landform)

Ang kapatagan ay malalawak at mga patag na


lupain. Ito ay mainam na taniman ng iba’t ibang
pananim tulad ng mais at palay. Ang kapatagan ng
Gitnang Luzon ang pinakamalawak na kapatagan
sa bansa. Nagmumula rito ang maraming palay
kaya kilala ito sa tawag na “Kamalig ng Palay sa
Pilipinas.”
 BUNDOK AT BULUBUNDOKIN
Ang bundok ay isang mataas na lupain na kadalasang binubuo
ng matatarik na bahagi. Ito ay mas mataas kaysa burol.
Maraming bundok sa ating bansa. Makikita sa tsart ang tatlong
pinakamataas na bundok sa bawat rehiyon.

Mayroon ding magkakarugtong na hanay ng kabundukan. Ang


tawag dito ay bulubundukin. Ang Sierra Madre sa Luzon ang
pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas.
 BULKAN (VOLCANO)
Ang bulkan ay isang bundok na may butas o
bukas na bahagi na maaaring sumabog dahil sa
init mula sa ilalim na kailangang lumabas. May
tatlong uri ng bulkan—ang aktibo, maaaring
maging aktibo, at di-aktibo.
 Lambak (Valley)

Ang lambak ay isang mababa at patag na lupa na


napaliligiran ng mga bundok. Mataba ang lupa sa
lambak, kaya naman, tulad ng kapatagan, mainam
din itong pagtaniman ng iba’t ibang uri ng prutas
at gulay.

 Talampas (Plateau)
Ang talampas ay patag na lugar sa itaas ng bundok. Ang
ibang talampas ay may matatarik na bahagi. Malamig ang
klima sa talampas kaya mainam itong pagtaniman ng mga
gulay, prutas, at bulaklak. Pinagpapastulan din ng mga
hayop ang mabababang talampas.
Mga Anyong Tubig

Ang anyong tubig ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng katubigan na matatagpuan sa isang
partikular na lugar. Bilang isang arkipelago, ang Pilipinas ay binubuo ng maraming uri ng
anyong tubig.

 KARAGATAN (OCEAN)

Ang karagatan ang pinakamalawak at pinakamalalim na


anyong tubig. Maalat ang tubig nito. Ang karagatan ay
mahalaga sa pagpapanatili ng mga likas na yaman sapagkat ito
ang pangunahing tirahan ng marami sa mga yamang dagat.
Dito rin naglalayag ang malalaking barko patungo sa ibang
bansa. Ang Karagatang Pasipiko na siyang pinakamalaking
karagatan sa mundo ay matatagpuan sa silangang bahagi ng
Pilipinas.
 DAGAT (SEA)
Ang dagat ay isa ring malawak na bahaging tubig na mas maliit
kaysa sa karagatan. Maalat din ang tubig nito sapagkat karugtong
ito ng karagatan. Maraming yamang dagat din ang matatagpuan
sa mga dagat. Bukod pa rito, dinadaanan din ang mga dagat sa
paglalakbay tungo sa mga pulo.

 ILOG (RIVER)
Ang ilog ay isang makipot at mahabang bahaging tubig na umaagos
patungo sa dagat. Kadalasang nagmumula ang ilog sa bundok.
Mahalaga ang ilog sapagkat napagkukuhanan ito ng suplay ng tubig
para sa sakahan. Maaari din itong daanan ng maliliit na sasakyang
pantubig at pagkuhanan ng enerhiya at mga yamang tubig gaya ng
isda.
 LAWA (LAKE)

Ang lawa ay napaliligiran ng lupa. Hindi umaagos ang tubig


sa lawa. Karaniwan, ang tubig sa lawa ay matabang.
Kadalasang makikita ang lawa malapit sa mga bulkan.
Maaari din mabuhay ang ilang isda sa mga lawa. Ang ilang
lawa sa bansa ay gawa lamang ng tao para makalikha ng
hydroelectric power na gamit sa industriya o sa agrikultura.

 TALON (FALLS)
Ang talon ay anyong tubig na nagmumula sa mataas na lugar
at bumabagsak sa ilog o sapa.
Ang talon ay pinagkukuhanan ng kuryente ng ilang lugar sa
Mindanao.
SURIIN NATIN
ANG INYONG
KAALAMAN
 Paano mo mapoprotektahan ang Anyong Lupa at Tubig
ng Pilipinas

 Ano ang mga anyong lupa at tubig sa Pilipinas?

 Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dagat at


karagatan?

 Bakit mainam pagtaniman ang kapatagan?


Try to think (QUIPPER ESSAY)

Magbahagi ng iyong opinion


kung papaano mo tuturuan ang
mga taong patuloy na sinisira
ang mga anyong lupa at tubig?
SURIIN NATIN (QUIPPER)
Panuto: Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap.
________1. Ang lawa ay mas malaki kaysa sa karagatan.
_______ 2. Ang Karagatang Pasipiko ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Pilipinas. ________3. Ang
rehiyon ng Bicol ay kilala rin sa tawag na “Kamalig ng Palay ng Pilipinas” dahil sa mataas na suplay ng palay sa
lugar.
________4. Ang tatlong uri ng bulkang matatagpuan sa Pilipinas ay ang aktibo, maaaring maging aktibo, at di-
aktibo.
________5. Ang Bulubundukin ng Sierra Madre ang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas.
________6. Ang lawa ay isang anyong tubig na maaaring maging likas o gawa ng tao (man-made)
_______ 7. Ang Bulkang Mayon ay isang halimbawa ng aktibong bulkan na matatagpuan sa Bicol.
_______8. Ang dagat ay isang mainam na pagkukuhanan ng mga yamang tubig ng bansa. _______9. Hindi
mainam na taniman ang talampas dahil sa klima at uri ng lupa na mayroon dito.
______10. Ang pagputok ng bulkan ay nakapipinsala sa mga tao, hayop, at halaman.
PERFORMANCE TASK :

Gumawa ng
Head dress
HEAD DRESS (Sample)
LAYUNIN: Inaatasan kang gumawa ng isang futuristic headgear

PAPEL: Ikaw ay isang mamamayan na naninirahan sa Baguio

MADLA: Mga turistang dumadayo sa inyong lugar

SITWASYON: Dahil sa dumaraming turista na gustong bumisita sa


inyong lugar. Ikaw ay naka isip ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng
paggawa ng makabagong headgear.

PRODUKTO: Futuristic Headgear.


PAMANTAYAN Napakahusay Magaling Kailangan pa ng
Pagsasanay

KONSEPTO Nakakagawa ng headgears Nakagagawa ng headgears Ang nagawang headgears


na pasok sa konseptong na pasok sa konseptong ay hindi angkop sa
ibinigay na kung saan ibinigay, ngunit nagagamit konseptong binigay
maaring gamitin tuwing lamang tuwing tag-ulan.
tag-araw at tag-ulan.

PAGGAMIT NG Gumamit ng mga lumang Gumamit ng mga lumang Hindi gumamit ng lumang
bagay or material na bagay or material na bagay.
RECYCLABLE kagamitan upang kagamitan upang
MATERIALS makalikha ng isang makalikha ng magandang
napakagandang headgears. headgears

PAGKAMALIKHAIN Nagpapakita ng Hindi gaanong ang Hindi nagpapamalas ng


pagkamalikahain sa pagkamalikahain sa pagkamalikhain sa
paggawa ng headgears. nagawang headgears. paggawa ng headgears.
(QUIPPER)
Panuto: Magsaliksik tungkol sa mga anyong tubig at lupa sa Pilipinas. Maglista ng
dalawang halimbawa sa bawat anyo.

ANYONG LUPA LUGAR ANYONG TUBIG LUGAR


BULKAN ILOG

BUNDOK TALON

KAPATAGAN KARAGATAN

You might also like