You are on page 1of 20

MGA BATAYANG

HEOGRAPIKAL:
DISTANSYA
ARALING PANLIPUNAN 4 (Quarter 1 – Week 4)
OUTSTANDING PUPIL
OF THE WEEK:
MOST PARTICIPATIVE
PUPIL:
MELC: Nasusuri ang ugnayan ng lokasyon Pilipinas sa
heograpiya nito

OBJECTIVES:
 Makakapagsaliksik tungkol sa distansiya ng Pilipinas mula sa ibang bansa:
 Makapagbibigay ng halimbawa kung anu-ano ang mabubuting ugali sa
kaugaliang Pilipino sa pamamagitan ng paglalahad ng sariling karanasan
(VALUES Integration)
 Magsaliklik tungkol sa Distansiya ng Pilipinas mula sa mga bansang
ibibigay ng inyong guro at isulat ang palatubasan sa iskala na pupunan sa
talahayanan
DISTANSYA
 Ang distansiya ay ang layo sa pagitan ng dalawang
lugar.
 Madaling masukat ang distansiya ng dalawang
lugar kung magkalapit lamang ito.
 Subalit kung ang dalawang lugar ay may malaking
distansiya sa isa’t isa, kinakailangan ng iskala
upang makuha nang maayos ang distansiya sa
pagitan ng dalawang lugar.
 Isa ring mahalagang
katangian ng mapa ang
pagpapakita ng
distansiya. Nakatutulong
ito sa pagtukoy ng layo
sa pagitan ng dalawa o
higit pang lugar sa isang
mapa.
HALIMBAWA:
Bawat maliit na guhit sa isang tuwid na linya ay katumbas ng isang
kilometrong layo. Kung gayon, batay sa bilang ng linya, ang paaralan ay
may distansiyang 8 kilometro mula sa inyong bahay. Ang pagkuha ng
distansiya sa pagitan ng dalawa pang mas malaking lugar, tulad ng
dalawang bansa, ay halos katulad din lamang ng halimbawang nabanggit.
Madaling makukuha ang aktuwal na distansiya sa pagitan ng
mga lugar gamit ang iba’t ibang instrumentong panukat.
Maaaring gumamit ng maliliit na linya upang makuha nang
mas maayos ang distansiya sa pagitan ng dalawang lugar.
Ang pagsusukat sa mapa gamit ang mas maraming maliliit
na linya ay nagpahihiwatig ng mas tamang sukat ng
distansiya sa pagitan ng dalawang lugar. Maaari ding
gumamit ng instrumentong tinatawag na opisometer. Ito ay
isang mekanikal na kagamitan na nagsusukat ng distansiyang
nalakbay.
Manood ng Video
SURIIN NATIN
ANG INYONG
KAALAMAN
 Bakit isang mahalagang katangian ng mapa ang
pagpapakita ng distansya?

 Gaano kahalaga sa isang batang katulad mo ang may sapat


na kaalaman tungkol sa distansya sa mapa?

 Paano mo magagamit ang kaalaman sa distansya sa pang-


araw-araw na buhay?
SURIIN NATIN (LMS)
Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang bawat pangungusap.
_______1. Ang distansiya ay mahalaga sa pagkuha ng lokasyon ng isang lugar sa mapa.
_______2. Ang distansiya ay ang layo sa pagitan ng dalawang lugar.
_______3. Ang paglalapat ng mundo sa mapa ay hindi nagdudulot ng mga distorsiyon sa distansiya
na naipakikita sa mapa
_______4. Mahirap masukat ang distansiya ng dalawang lugar kung magkalapit lamang ito.
_______5. Ang pagsusukat ng distansiya sa mga maliit na mapa ay nangangailangan ng iba pang
estilo at kagamitan.
_______6. Sa mga mapang may malaking iskala, hindi nagkakaroon ng mga distorsiyon dahil mas
maliit ang sinusukat na lugar.
_______7. Hindi kailangan ng iskala sa pagkuha ng distansiya sa pagitan ng dalawang lugar na
sobrang magkalayo.
_______8. Madaling makukuha ang aktuwal na distansiya sa pagitan ng mga lugar gamit ang iba’t
ibang instrumentong panukat.
_______9. Maaaring gumamit ng instrumentong opisometer sa pagkuha ng distansiya sa pagitan ng
dalawang lugar.
_______10. Maaaring gumamit ng maliliit na linya upang makuha nang mas maayos ang distansiya sa
pagitan ng dalawang lugar.
(LMS)

Panuto: Magsaliksik tungkol sa distansiya ng Pilipinas mula sa


sumusund na mga bansa:

a. Argentina
b. b. Singapore
c. c. Belgium
d. d. Australia
ANG MGA MABUTING
KAUGALIAN
Values 4
 Bilang isang mamamayan, taglay ba natin ang mga
mabubuting kaugalian ng Pilipino?

 Paano mo pinapakita ang mabuting Gawain sa iyong kapwa


tao?

 Nagkaroon ba ng pagkakataon na kung saan ikaw ay


nahirapan na lumayo o dumistansya sa paggawa ng
masamang Gawain?
PERFORMANCE TASK :

Gumawa ng
Mapa
LAYUNIN: Inaatasan kang gumawa ng isang mapa ng inyong lugar

PAPEL: Ikaw ay isang Cartographer

MADLA: Mga turista

SITWASYON: Gumawa ng isang mapa papunta sa inyong lugar. Nakasaad sa


mapa ang mga sumusunod:
 Mga establishimentong malapit sa inyong lugar
 Distansya mula sa establishimento papunta sa inyo.
 Lagyan ng pananda
 Kulayan ang iyong mapa

PRODUKTO: Mapa at distansya


Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

PAMANTAYAN Napakahusay Magaling Kailangan pa ng


Pagsasanay

PAGKUHA NG Nakapagbibigay ang tama Nakapagbibigay ng tama Walang distansya ang


at angkop na distansiya at angkop na distansiya nabigay
DISTANSYA sa pagitan ng lahat na sa pagitan ng ilang lugar
lugar

PANANDA/LABEL 90-100% ng mga 70-89% ng mga label/ Halos walang inilagay na


label/pananda ay pananda ay madaling label o pananda na
madaling makita, makita, mabasa, at makakatulong sa pag-
mabasa, at maunawaan maunawaan unawa ng mapa

KAAYUSAN AT Malinis at maayos na Malinis at medyo maayos Hindi masyadong malinis


inilatag ang gawain na inilatag ang gawain na inilatag ang gawain
KALINISAN

You might also like