You are on page 1of 9

Hawig sa barkadahan

ang isang pamayanan


Tagumpay ng isa, tagumpay ng lahat.
Pasakit ng isa, ipinagluluksa ng lahat.
Love team ng dalawa, kinakikiligan ng lahat.
Lipunang Pampolitika
•Ang tawag sa paraan ng pagsasaayos
ng lipunan upang masiguro na ang
bawat isa ay malayang magkaroon ng
maayos na pamumuhay.
• Ang lipunang pulitikal ay binubuo ng mga
pinuno at lider ng gobyerno. Ang mga
indibidwal na ito ay nagbubuo ng mga
panukalang batas, nagmumungkahi ng mga
patakaran at nagtataguyod ng kanilang mga
pananaw sa kung paano mapahusay ang
pagganap ng ekonomiya ng bansa.
Isang kaloob na tiwala
• Sa barkada at pamayanan, basta sumusunod
ang mga kasapi sa mga tumatayong lider kahit
sa una’y ayaw naman talaga. Mayroong
nakikita sa kanilang pag-aalab ng kalooban.
May matatayog silang pangarap na nakikita
nilang maaaring maabot sa pakikipagtulungan
sa iba.
Ang prinsipyo ng subsidiarity
• ang pakikipagtulungan ng pamahalaan sa mga
mamamayan para sa ikauunlad nito. Maaaring pairalin ang
prinsipyo ng subsidiarity sa pamilya kung ang lahat ng
miyembro nito ay makikipagtulungan sa bawat isa.

• Ang subsidiarity ay nangangahulugan na ang mga bagay ay


naisasagawa sa antas ng pamayanan sa tulong ng mga
naroroon sa mas mataas na antas ng lipunan, hangga’t
maaari. Ang pagtulong ay isang katangian na taglay ng
isang tao na handang ialay kahit ang sarili para sa
kabutihang panlahat.
PRINSIPYO NG PAGKAKAISA
• Ang prinsipyo ng pagkakaisa ay nagbibigay
diin sa kabutihang panlahat, tungkulin,
kooperasyon, at pagkakapantay-pantay. Ito
ang mag-aakay sa estado upang itaguyod
ang kabutihang panlahat kahit na kung
minsan ay maisakripisyo ang
kapakinabangan ng ilang indibidwal.
SA ISANG PAMAYANAN AY
MAYROONG LIPUNANG
PULITIKAL, NA
TUMUTULONG SA MGA
MAMAMAYAN.
NGUNIT KINAKAILANGAN
DIN NA TUMULONG ANG MGA
MAMAMAYAN SA MGA
PINUNO UPANG UMUNLAD AT
MAKAMIT ANG KABUTIHANG
PANLAHAT.

You might also like