You are on page 1of 49

Banghay Aralin sa

FILIPINO
ANNE ALFARO
Teacher
KASARIAN NG
PANGNGALAN
MELC COMPETENCY:
Natutukoy ang
kasarian ng
pangngalan
BALIKAN
NATIN
PANUTO:
Tukuyin kung ang
sumusunod na halimbawa
ay tao, bagay, hayop, lugar
o pangyayari.
1. Pasko
2. Nanay
3. Lapis
4. Paaralan
5. Aso
SUBUKIN
NATIN
PANUTO: Pag-aralang
mabuti ang mga salita sa
ibaba. Isulat ang PL kung
pangngalang panlalaki, PB
kung pangngalang
pambabae, DT kung di-tiyak
at WK kung walang
kasarian.
___1. Binata
___2. magulang
___3. Inahin
___4. aklat
___5. nanay
ALAMIN
NATIN
Panuto: Basahin at
unawain ang kwento.
Sagutin ang mga
tanong pagkatapos.
SA BUKID NI LOLO
Si Lolo Berto ay nasa bukid.
Marami siyang alagang hayop
doon at tanim na gulay. Mayroon
siyang alagang bibe, manok,
baka, kambing, baboy at
kalabaw.
Tatlo ang barakong bibe at
lima naman ang tandang.
Mayroon din siyang anim na
inahing manok at limang inahing
bibe.
Marami siyang tanim na gulay
at prutas. Sariwa ang mga ito ay
masasarap.
Ang baka at kalabaw ay
malulusog at nagbibigay ng
gatas araw-araw. Ang
kambing naman ni lolo ay
may tatlong anak. Masaya sa
bukid dahil tahimik at sariwa
ang hangin.
1. Sino ang nag-aalaga ng hayop
sa bukid?
2. Ano-ano ang mga alaga niya?
3. Basahin ang may salungguhit.
4. Ano-ano ang kasarian ng may
mga salungguhit?
TUKLASIN
NATIN
Ang PANGNGALAN ay tumutukoy sa
ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at
pangyayari. Mayroon itong apat (4) na
kasarian at ito an gating tatalakayin
ngayon.
PANLALAKI- ito ay kasarian ng
pangngalan na tumutukoy sa lalaki.
Halimbawa:
tatay, binata, kuya, lolo,
ninong, tito pari, barako,
tandang at iba pa
PAMBABAE-ito ay
pangngalan na tumutukoy
sa babae..
Halimbawa:
lola, ate, tita, ninang,
madre, inahin, dalaga
at iba pa.
DI-TIYAK-ito ay pangngalan
na hindi tiyak ang kasarian
kung lalaki o babae. Ito mga
hayop at tao na maaaring lalaki
o babae.
Halimbawa:
Guro, anak, magulang, alaga,
pamangkin, mag-aaral, baboy,
manok, bibe kalabaw at iba pa.
WALANG KASARIAN- ito ay
pangngalan na hindi tao at
hindi rin hayop. Maaari itong
bagay, lugar o pangyayari.
Halimbawa:
Bote, bulaklak, papel, bag,
kusina, paaralan, palengke,
Pasko, kaarawan at iba pa.
SURIIN
NATIN
Panuto: Tukuyin kung ano ang kasarian ng
may salungguhit. Isulat ang PL kung
pangngalang panlalaki, PB kung
pangngalang pambabae, DT kung di-tiyak
at WK kung walang kasarian.
1. Si ate ay maganda.
2. Tatlo ang kapatid ko.
3. Masarap ang tinapay.
4. Tahimik sa simbahan.
5. Si tatay ay masipag.
ISAGAWA
NATIN
Tukuyin ang kasarian ng
pangngalan. Kulayan ng ASUL
ang kahon kung panlalaki,
PULA kung pambabae,
BERDE kung di tiyak at
DILAW kung walang kasarian.
bahay pusa

tito Cazandra
payong sundalo

Piolo Aling Eva


PAGYAMANIN
NATIN
Panuto: Basahin ang mga salita sa
loob ng kahon at isulat sa tamang
hanay ng kasarian ng pangngalan
ang mga salita.
Lapis ninang guro
TIta Nely Doctor panyo
dalaga G. Leo Reyes
Pambabae Panlalaki Walang Di-Tiyak
kasarian
ISAISIP
NATIN
Ang pangngalan ay may apat na kasarian; (1)
Panlalaki- pangngalang nagsasaad ng kasarian ng
lalaki, (2) Pambabae- pangngalang nagsasaad ng
kasarian ng, (3) Di-Tiyak- pangngalang nagsasaad
ng kasarian na maaaring lalaki o babae at (4)
walang kasarian- pangngalang walang kasarian
TAYAHIN
NATIN
PANUTO:
Masdan larawan at basahin
ang salita. Isulat ang wastong
kasarian ng pangngalan.
Keyk
Dr. Cris Rivera
Reyna Anna
Mag-aaral
baka
Karagdagang
Gawain
Panuto:
Sumulat ang maikling
pangungusap gamit ang
mga pangngaln sa
ibaba.
1.Bb. Ramos
2.Papel
3.Mang Nato
4.Lola Mercy
5.guro

You might also like