You are on page 1of 9

BOTANTE

ANO ANG VOTER REGISTRATION?

Ang voter registration o pagpaparehistro ng isang


botante ay tumutukoy sa pag-accomplish at pagpapasa
ng isang sinumpaang aplikasyon ng isang
kwalipikadong botante sa harap ng Election Officer ng
lungsod o munisipalidad kung saan nakatira ang
aplikante.
BAKIT KO KAILANGANG MAGPA-
REHISTRO BILANG ISANG BOTANTE?

Kung ang isang tao ay hindi isang rehistradong


botante, hindi siya maaaring bumoto sa isang
halalan. Ito ay nangangahulugan na hindi ka
maaaring lumahok sa pagpili iyong susunod na
public official.
ANO ANG MGA KINAKAILANGAN SA
PAGPAPAREHISTRO?

Ang mga pangunahing kinakailangan ng isang Pilipino sa


pagpaparehistro bilang isang botante ay simple lamang: dapat
siya ay hindi bababa sa 18 taong gulang, at isang residente ng
Pilipinas sa loob ng isang taon at ng bayan o munisipalidad
kung saan siya ay nagnanais na bumoto ng hindi bababa sa 6
na buwan bago ang araw ng halalan.
SAAN AKO DAPAT PUMUNTA UPANG MAGPAREHISTRO?

Ayon sa batas, ang pag-file ng mga aplikasyon para sa


pagpaparehistro ay dapat isagawa sa Office of the Election Officer
(OEO), ang iyong lokal na COMELEC office.

Ang COMELEC ay pinapayagan ang set up ng hindi bababa sa isang


satellite registration center para sa bawat barangay. May mga satellite
registration centers para sa mga detainees, PWDs, at mga miyembro
ng ICC o IPs.
May mga pagkakataon na ang isang registration record
ay maging deactivated o walang bisa dahil sa ilang mga
kadahilanan na nakasaad sa batas, at ang pinaka-
karaniwan dito ay ang pagkabigong bumoto sa
dalawang magkasunod na regular na halalan. Kapag
nangyari ito, kailangang mag-apply para sa reactivation
ng kanyang registration record ang kinauukulang
botante.

You might also like