You are on page 1of 44

Aralin 9

Dinastiyang Politikal

Inihanda ni: Bb. Kurstine A.


Tamondong
Dinastiyang Politikal
• Sistema kung saan ang
kapangyarihang politikal at
pampublikong yaman ay
kontrolado ng iisa o iilang
pamilya.
Dinastiyang Politikal: Ano ito at Paano ito
Umiiral sa Pilipinas?
• Ang sinaunang pamayanang
Pilipino ay pinamumunuan ng isang
matapang at makapangyarihang
pinuno.
• Tinatawag siyang raja o lakan.
Dinastiyang Politikal: Ano ito at Paano ito
Umiiral sa Pilipinas?

• Ipinamamana niya sa
kanyang anak na lalaki o
sa isang kadugo ang
posisyon.
RAJA SOLIMAN
Naging lubos at
malawak ang
Nagpatuloy ang
kanilang
sistemang ito hanggang
kapangyarihan.
sa panahon ng mga
Espanyol kung saan
Mula sa pinakamaliit o mababa
hinayaan nilang mamuno
hanggang sa pinakamalaki o
ang mga Pilipinong Dito nagsimula
ang
mataas na yunit ng pamahalaan,
mayayaman na kanilang
dinastiyang iisang pamilya o angkan ang
nagugustuhan. humahawak ng kapangyarihan.
politikal.
Legal o Ilegal ba
ang Dinastiyang
Politikal?
Artikulo II Seksiyon 26 ng 1987 Saligang Batas
ng Pilipinas
• Tinitiyak ng estado ang pagkakaroon
ng pantay na pagkakataon sa lahat ng
tao para sa pampublikong
paglilingkod at ipinagbabawal ang
pagkakaroon ng dinastiyang politikal.
• Isinumite ni dating Senador Miriam
Defensor-Santiago noong ika-24 ng
Enero 2011 ang panukalang batas
bilang 2649 na tinawag na Anti-
Political Dynasty Act of the
Constitution
• Sang-ayon sa panukalang batas,
kailangang bukas at pantay ang
labanan para sa lahat ng may
kakayahan at kasanayang
maglingkod sa pamahalaan at hindi
lamang sa mayayaman at mga
makapangyarihang angkan ang
pagiging lider o politiko.
Push Factors sa pagkakaroon ng Dinastiyang Politikal
1. Kawalan ng batas na pumipigil o naglilimita sa
pagkakaroon ng dami ng lider o politiko mula sa iisang
pamilya o angkan sa magkakaparehong pagkakataon. Hindi
gugustuhin ng sinumang lider o politico na nasa pwesto ang
gumawa ng batas na makasasagabal sa pananatili niya sa pwesto.
2. Ang karangalan at kapangyarihang kaakibat ng pagiging
isang lider o politiko ay mabigat na salik na nagtutulak sa
pagkakaroon ng dinastiyang politikal. Habang tumatagal sa
puwesto, dumarami ang mga kaalyado ng isang politiko kaya
tumitibay ang impluwensiya nito.
Push Factors sa pagkakaroon ng Dinastiyang Politikal
3. Ang mga pabor na nanggagaling sa mga tao tulad ng suporta na
nagpapatibay ng kanilang kapangyarihan ay kalimitang nagiging daan
upang maging gahaman ang isang lider o politiko.

4. Kayamanan na kaakibat ng pagiging makapangyarihan.


Maaaring magamit ng isang politiko ang kanyang posisyon sa
pagdedesisyon ng mga bagay na kapaki-pakinabang sa kanyang sarili at
pamilya na hindi iniisip kung may maibibigay bang kabutihan o
pakinabang ang mga ito sa nakararami.
Push Factors sa pagkakaroon ng Dinastiyang Politikal
5. Dugong politiko ang nananalaytay ("It runs in the family"). Habang nasa
puwesto ang naunang miyembro ng pamilya, sinasanay na ang sinumang miyembro
ng pamilya na mahilig sa politika. Inihahanda na ang papalit kahit matagal pa o
bago pa man matapos ang panunungkulan ng kasalukuyang nanunungkulan.
6. Kakapusan o kawalan ng sapat na kaalaman ng mga taong- bayan o
botante. Kalimitang hindi kilala ng mga tao o botante ang mga kandidato. Hindi
nila alam ang kakayahan o kasanayan ng mga ito upang humawak ng posisyon na
hinahangad bilang kandidato. Dahil dito, ibinoboto na lamang nila ang mga taong
popular, madaling isulat ang pangalan, at naririnig nila sa mga radyo o napanonood
sa mga telebisyon.
Push Factors sa pagkakaroon ng Dinastiyang Politikal

7. Ang kahinaan ng sistemang politikal ng isang bansa ay salik ding


nagtutulak sa pagtatatag ng dinastiyang politikal. Ito ang
tumatayong pundasyon ng iba't ibang partidong politikal. Kalimitan,
ang isang partido politikal ay nabuo mula sa pagsasama-sama ng
mayayaman, malalakas, at mga makapangyarihang pamilya. Batay rito,
pinipili ang isang kandidato sang-ayon sa kakayahan, kayamanan, at
katanyagan ng kanyang angkan.
Mga Paraan sa Pagtatatag ng Dinastiyang Politikal

Pera (Money) Makinarya (Machineries)

Malaking pera ang Pinaniniwalaan na mahihirapang


kailangan ng isang manalo ang isang kandidatong
kandidato sa anumang walang sapat na pera, tauhan, at
posisyon sa makinarya. Maaaring maging
pamahalaan. Panahon dahilan ito ng panunuhol ng
pa lamang ng mayayamang negosyante kapalit
kampanya, kailangan ng mahahalagang pabor kapag
na niyang gumastos. naluklok na sa puwesto ang isang
politiko.
Mga Paraan sa Pagtatatag ng Dinastiyang Politikal

Media/Movies Marriage/Alliances
Nauso na kapag panahon ng May ilang mayayamang
pangangampanya, may mga pamilyang politikal na nagpakasal
artista o sikat na taong sa isang makapangyarihan at
kasama ang isang kandidato. tanyag na pamilya. Sa ganitong
Malakas ang hatak ng mga paraan, lalong tumitibay at
artistang kilala at paborito ng lumalakas ang magkabilang
masa. Sa mga pagpupulong, pamilya.
kapag may artistang kasama
ang kandidato, maraming
dumadalo.
Epekto ng Pagkakaroon ng mga Dinastiyang Politikal

1. Ugat ng graft and corruption.


Ang pagiging makapangyarihan at sobrang pagtitiwala sa sarili
ay nakaaalis ng takot sa isang lider o politiko na gumawa ng
mali. Alam niya na babalewalain ng mga tao ang kanyang mga
ginagawa dahil sa takot o dahil sa alam niya na hindi siya
isusumbong ng kanyang mga kaanak dahil sila man ay
nakikinabang din sa ginagawa ng nasa puwesto.
Epekto ng Pagkakaroon ng mga Dinastiyang Politikal

2. Nepotismo o paglalagay sa puwesto ng isang kapamilya o


kaanak na kulang o walang kaalaman, kasanayan, at
karanasan.
Inilalagay nila sa puwesto o trabaho ang isang kaanak sa halip
na ibang tao upang lalo silang maging makapangyarihan.
Nawawalan ng pagkakataon ang isang tao na may angking
kaalaman at kasanayan na makapasok at makapaglingkod sa
pamahalaan.
Epekto ng Pagkakaroon ng mga Dinastiyang Politikal

3. Nakapagpahina sa ating demokratikong sistema kung


saan lahat ay may karapatang humawak ng puwesto at
magsilbi sa pamahalaan.
Ang mga kandidatong may angking talino, kasanayan, at
nararapat humawak ng puwesto ay hindi nabibigyan ng
pagkakataon. Wala silang kakayahang pinansiyal upang
kalabanin ang nasa puwesto na mayayamang pamilya. Kaugnay
nito ay ang kawalan ng tunay na kompetisyon. Hindi patas ang
labanan dahil mayaman ang nasa puwesto.
Epekto ng Pagkakaroon ng mga Dinastiyang Politikal

4. Kawalan ng kakayahang akademiko ng ibang nasa puwesto. Isa


itong suliraning kaagapay ng nepotismo.
Dahil alam ng mga anak o kaanak na mapapalagay sila sa puwesto
habang nasa posisyon ang isang kaanak, hindi nila hinahangad na
makapag-aral nang wasto at angkop sa hinahangad na posisyon sa
pamahalaan. Bunga nito, wala silang kasanayan sa posisyong
pinaglagyan sa kanila. Ang kawalan ng kaalaman at kasanayang pang-
akademiko na angkop sa puwesto ay hadlang sa pagkakaroon ng isang
maayos at epektibong pamamahala.
Epekto ng Pagkakaroon ng mga Dinastiyang Politikal

5. Tagal ng panunungkulan o paghawak ng puwesto.


Habang tumatagal sa puwesto ang isang lider o politiko, lalong
dumarami ang kanyang mga tagasunod. Lalo ring dumarami ang mga
kaanak na nagkakaroon ng puwesto at kapangyarihan sa pamahalaan.
Ginagamit nila ang kapangyarihan at puwesto para sa sarili nilang
kapakanan. Nakapagpaplano sila ng mga bagay o programang
pangmatagalan na hindi nag-aalala na may makikialam sa kanila.
Epekto ng Pagkakaroon ng mga Dinastiyang Politikal

6. Pagtaas ng lebel ng kahirapan dahil hindi ginagamit o nagagamit


ng mga politiko ang perang nakalaan para sa mga nasasakupan.
Walang kakayahan ang mga taong naninirahan sa mga lugar na sakop
ng dinastiyang politikal na kalabanin ang mga nasa puwesto. Bukod sa
walang kakayahan, pinipigilan silang mag-alsa laban sa nakaupong
kandidato.
Performance Task
Poster

Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita ng suliraning pampolitikang


nagaganap sa Pilipinas at ibang bansa. Kaugnay ng larawan, bumuo
ng isang family tree ng kilalang pamilya sa Pilipinas o sariling
rehiyon, lungsod, o munisipalidad na kabilang sa nakapaloob na isyu
sa larawan.
Aralin 10

Graft and Corruption

Inihanda ni: Bb. Kurstine A.


Tamondong
Graft and Corruption
• Korupsiyon - maling paggamit ng
kapangyarihang ipinagkatiwala ng
taong-bayan para sa sariling
kapakanan at hindi para sa taong-
bayan; paggawa ng desisyon para
sa iilang tao o grupong
pinapaboran
Graft and Corruption
• Ang korupsiyon ay itinuturing na
isang gawaing karumal-dumal at
hindi katanggap-tanggap sa
lipunan.
• Pinaniniwalaan na ito ang pinag-
uugatan ng maraming problema
sa lipunan.
Uri o Klase ng Corruption

Administrative o petty Political o grant


corruption corruption
Administrative o petty corruption
• Kabilang dito ang lagay (bribery), tong, kickback, at grease
money na hinihingi ng isang politiko o pampublikong
pinuno bilang kabayaran sa desisyong pumapabor sa taong
lumalapit.
• Naririnig o nababasa natin na may mga pinuno o opisyal na
humihingi ng kabahagi sa tinubo ng isang kontratista mula
sa isang pampublikong proyekto na naibigay sa kanya.
Kalimitan ang kontratistang ito ay pinapaboran ng politiko
o ng opisyal. Minsan, ibinibigay sa kanya ang proyekto
nang walang isinagawang public bidding.
Administrative o petty corruption
• Ang extortion o panghihingi ay hindi lamang nasa anyong
pera. Maaaring paglilingkod ang hingin ng pinuno mula sa
kliyente na sinasang-ayunan naman ng kliyente para
mapadali ang kailangan niya.
• Ang "tong" o protection money naman ay maaaring
hinihingi ng isang pinuno o hindi kaya naman ay kusang
ibinibigay ng kliyente. Nangyayari ito upang mapagtakpan
ang maling ginagawa ng kliyente. Ang nanghihingi at
nagbibigay ay parehong may kasalanan sa ilalim ng Batas
Republika Blg. 3019 o Anti-Graft and Corrupt
Practices Act.
Administrative o petty corruption

• Ang "lagay" (bribery) ay nangyayari din dahil sa


maling sistema sa pamahalaan. May opisina na sobra
ang dami ng papeles na hinihingi at napakahaba ng
pila. Bukod dito, may mga empleyado na hindi
kabisado ang trabaho at hindi propesyonal makitungo
sa mga kliyente. Upang maiwasan ang pabalik-balik,
naglalagay na lamang ang mga kliyente o
nagbabayad sa mga fixer upang sila ang maglakad o
makipagtransaksiyon sa mga kaugnay na opisina.
Political o grant corruption

• Tinatawag din itong state capture kung saan ang


politiko ay naglalaan ng pondo mula sa pambansang
badyet o kaya naman ay nagsusulong ng isang batas
o desisyong politikal na makatutulong para
magkaroon ng isang proyekto na personal niyang
pakikinabangan.
Kabilang din ang sumusunod sa corruption na nagaganap
sa Pilipinas

1. Tax evasion (hindi pagbabayad ng tamang


buwis).
Maaaring maganap ang ganitong gawain sa
pamahalaan o sa lupon ng mga namumuno at mga
pribadong mamamayan. Sa panig ng mga namumuno,
maaaring hindi sila nagdedeklara ng kanilang kinikita
taon-taon. Hindi sila nagsusumite ng tinatawag na
SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net
Worth).
Kabilang din ang sumusunod sa corruption na nagaganap
sa Pilipinas

2. Ghost projects and payrolls (mga kunwa-


kunwariang pampublikong proyekto at payola).
Malimit itong gawin ng mga taong sangkot sa mga
proyektong bayan. Pinalalabas ng mga korap na
politiko na mayroong ginawang proyekto kahit wala.
Minsan naman, mayroon talagang proyekto pero ang
kayarian nito ay hindi katumbas ng kabuuang pondo.
Kabilang din ang sumusunod sa corruption na nagaganap
sa Pilipinas
3. Evasion of public bidding in the awarding of
contracts (hindi nagkaroon ng subasta o tasahan ng
halaga para sa kontrata).
Ang anumang proyektong bayan o malakihang pagbili
ng mga kagamitan at suplay ay kailangang dumaan sa
isang subasta (bidding). Bawat kontratista o suplayer
na may kakayahan at interesado ay kailangang
magsumite ng kanilang subasta na nakalagay sa
selyadong envelope sa panahong itinakda ng Bids and
Awards Committee (BAC).
Kabilang din ang sumusunod sa corruption na nagaganap
sa Pilipinas
4. Practice of passing contracts from one contractor
to another (pagpapasa o pagbibigay ng kontrata sa
isang kompanya na hindi naman karapat-dapat).
Nagaganap ito pagkatapos ng subasta. Kapag may mas
malaking kontrata, ibinibigay ng nanalong kompanya
ang proyekto sa ibang kompanya na handang
tumanggap. Kapalit nito ay bibigyan niya ng
porsiyento ang nanalong kompanya. Upang hindi
malugi ang pinagbigyang kompanya, gagamit siya ng
mga materyales na mababa ang kalidad.
Kabilang din ang sumusunod sa corruption na nagaganap
sa Pilipinas

5. Nepotism and Favoritism.


Anyo rin ng korupsiyon ang nepotismo at favoritism.
Inilalagay ng nakaupong lider ang isang kaanak na
wala namang kasanayan, kaalaman, at kakayahan sa
isang posisyon sa halip na isang taong may kasanayan
at kaalaman ang ilagay.
Epekto ng Graft and Corruption

1. Sagabal ito sa paglago at pag-unlad ng


ekonomiya. Ang maling alokasyon at paggastos ng
pondo at pinagkukunang-yaman ay hindi makatutulong
sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa. Tulad ng
nabanggit na, kapag hindi ginastos sa nararapat na
paglagyan ang pera, maghihirap lalo ang bayan.
Maraming pamilya ang lalong maghihirap.
Epekto ng Graft and Corruption

2. Hadlang sa tamang pagpili ng mga proyektong


pambayan.
Mas epektibo ang maliliit na proyektong maisagawa sa
tamang paraan. Mas madaling mapakinabangan ng
mamamayan. Minsan, mas hinahangad ang malalaking
proyekto dahil sa kaakibat na malaking pondo.
Epekto ng Graft and Corruption

3. Naaapektuhan din ng korupsiyon ang labor


market.
Nasisira ang alokasyon sa pagitan ng mga
manggagawang may talento at kasanayan at mga
gawaing makatutulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
Kalimitan na ang kinukuhang manggagawa ay hindi
angkop sa gawain
Epekto ng Graft and Corruption

4. Nakapagpapababa ito ng pamumuhunan at


ekonomiyang pag-unlad.
Ang paglaki ng gastos dahil sa mga maling gawain ay
nakapagpapababa ng puhunan na nakaaapekto sa kita
ng isang kapitalista. Kapag lumiit ang kita, liliit din ang
taunang kita ng pamahalaan. Maaapektuhan ang mga
serbisyong pampubliko, dadami ang posibleng
mawalan ng trabaho kaya lalong maghihirap ang mga
tao.
Epekto ng Graft and Corruption

5. Nakapagpapalago ang korupsiyon ng


ekonomiyang impormal ounderground economy
(labag sa balangkas ng ekonomiyang legal).
Dahil hindi makayang magbayad ng halagang hinihingi
para mabigyan ng permiso at makakuha ng mga legal
na dokumento, ang ilang mamamayan ay
naghahanapbuhay nang labag sa batas.
Thank's For Listening!

You might also like