You are on page 1of 24

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur
Bantay, Ilocos Sur

Aralin 4: FLYERS AT
LEAFLETS
PAGGAWA NG FLYERS
GINAGAMIT ANG FLYERS SA
DISEMINASYON O PAGPAPAKALAT
NG IMPORMASYON TUNGKOL SA
ISANG PERSONAL NA GAWAIN O SA
ISANG NEGOSYO. KARANIWANG
GINAGAMIT ITO BILANG
PROMOSYONAL NA MATERYAL.
TIPS SA PAGGAWA NG FLYER
1. SUMULAT NG PAMAGAT.
2. GAWING SIMPLE ANG MENSAHE.
3. MAGDAGDAG NG LARAWAN O
GRAPIKONG PRESENTASYON.
4. MAGLAGAY NG DESKRIPSIYON SA
IBABA NG LARAWAN.
5. HUWAG KALIMUTANG ILAGAY ANG
NUMERONG DAPAT TAWAGAN NG MGA
TAONG NAIS TUMUGON O
INTERESADO SA NILALAMAN NG
FLYER.
6. PAGSASAPUBLIKO NG
IMPORMASYON ANG
PINAKAMAHALAGANG BAHAGI SA
PAGBUO NG FLYER.
PAGGAWA NG LEAFLETS
LEAFLETS
• ISANG URI DIN NG PROMOSYONAL NA
MATERYAL TULAD NG FLYERS.
• HIGIT NA MALAKI AT MAS
KOMPREHENSIBO ANG NILALAMAN NG
LEAFLETS KAYSA SA FLYERS.
• TINATAWAG DING BROCHURES O
PAMPHLETS.
LEAFLETS
• KARANIWANG GINAGAWA NG MGA
NAGSISIMULA NG ISANG NEGOSYO.
• KARANIWANG ISANG BUONG PAPEL NA
ITINUPI SA DALAWA O HIGIT PANG
BAHAGI, NA MAY IBA'T IBANG DISENYO AT
TEKSTO AYON SA PARTIKULAR NA
LAYUNIN.
HAKBANG SA PAGSASAGAWA...
1. PLANUHIN ANG MGA DETALYENG
NAIS ILAGAY SA LEAFLET.
2. GUMAMIT NG MGA PARIRALA PARA
SA MGA PAMAGAT AT TEKSTO.
3. KOMPARA SA FLYERS, MAS MALAKI
ANG ESPASYONG INILALAAN SA
LEAFLETS AT MAAARING MAGDAGDAG
NG IMPORMASYON TUNGKOL SA
PRODUKTO O SERBISYO.
4. MAAARING GUMAMIT NG MS WORD,
NA POPULAR SAPAGKAT KARANIWAN
NA ITONG GINAGAMIT SA HALOS LAHAT
NG KOMPYUTER.
5. MAGSAMA NG MGA LARAWAN
UPANG MAIWASAN ANG
PAGKAKAROON NG BULTO NG TEKSTO
NA HINDI NAMAN BABASAHIN NG MGA
TAO.
6. TINGNAN KUNG MAY MGA
PAGKAKAMALI SA BAYBAY AT SA
GRAMATIKA.
7. MAGLIMBAG NG MGA SAMPOL BAGO
IPAMAHAGI ANG MGA KOPYA.
ACTIVITY...
SANGGUNIAN:

Filipino sa Piling Larangan (Tech Voc) Rex


Book Store PP. 86-93
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKIBAHAGI!

INIHANDA NINA:
JOHN CARLOS B. TAJON,
TEACHER II-LUSSOC NATIONAL HIGH SCHOOL
JASMIN T. PASCUA,
TEACHER II- SINAIT NATIONAL HIGH SCHOOL

You might also like