patayo para makita na ang lugar o place value sa isahan, sampuan, sandaanan at libuhan ay magkakahanay 2. Isulat ang simbolo ng pagsasama-sama ng bilang at maglagay ng linya sa ibaba ng mga bilang. 3. Pagsama-samahin ang mga bilang simula sa isahan, sampuan, sandaanan at libuhan. Tandaan: Ang “regroup” o “carry over” ay ginagamit kapag ang sagot sa pinagsamang bilang ng bawat place value ay lagpas sa siyam (9). Ang numero na nasa sampuan ng sagot ay ilalagay sa itaas ng unang numero ng kasunod na lugaro place value na nasa kaliwa nito.