You are on page 1of 3

HOMEROOM GUIDANCE - Grade 3

QUARTER 1 – MODULE 1

I Love The Way I Am

Let’s Try This

Suggested Time Allotment: 25 minutes


Mula sa natutunan mo sa nakaraang aralin, lagyan ng tsek (/) ang patlang
kung ang tinutukoy nito ay kabilang sa KARAPATAN NG BAWAT BATANG
FILIPINO at ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno..
_____1.Ang mamuhay kasama ng kanyang mga magulang.
_____2.Ang maghanap buhay para sa pamilya kahit bata pa.
_____3.Ang magkaroon ng sapat na pagkain, tahanan at damit.
_____4.Ang maibigay ang lahat ng kanyang nais.
_____5.Makapag-aral at magkaroon ng tamang edukasyon.
_____6.Malaya at masayang makapaglaro.
_____7.Ang maingatan mula sa pang-aabuso.
_____8.Ang mamuhay nang malayo sa masamang impluwensya.
_____9.Maging tagapag-alaga ng nakababatang kapatid.
_____10.Maging isang mabuti at responsableng mamamayan.

Processing Questions:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
1. Ilan sa mga KARAPATAN NG BAWAT BATANG FILIPINO ang natutukoy mo?
Naalala mo ba ang iba pang mga karapatan na hindi nakasaad sa mga nakalista sa
itaas?

2. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit dapat mong matutunan ang mga
KARAPATAN NG BAWAT BATANG FILIPINO?

3. Matutulungan ka ba ng mga karapatang ito upang sa iyong paglaki ikaw ay


maging isang higit na mabuting tao?

Let’s Explore This

Suggested Time Allotment: 30 minutes


Basahin ang mga talata sa ibaba at sagutin ang mga tanong sa iyong kwaderno?

Ang Maalalahaning Batang si Tomas

Si Tomas ay 9 na taong batang lalaki na namumuhay nang simple kasama ang


kanyang pamilya. Isang hapon, nang siya ay umuwi galling sa paaralan. Kinausap
niya ang kanyang magulang at masayang pinakita ang matataas na marka mula sa
mga pagsusulit. Buong pagmamalaki
siyang pinuri ng kanyang mga magulang dahil sa mabuti niyang ginagawa.
Sa gabi, si Tomas ang naglilinis at naghahanda ng mesa para sa kanilang hapunan
Matapos kumain ay tumutulong naman siya sa paghuhugas ng mga pinggan.
Tinutulungan din niya ang nakababata niyang kapatid na gumawa ng takdang-aralin.

Bago pumasok sa paaralan, dinidilig niya ang mga halaman, nililinis ang bahay at
inaayos ang kanyang mga kagamitang pampaaralan. Sa paaralan, nagbabasa siya
ng mga aralin at nagpapakita ng magalang na pakikitungo sa mga guro at kamag-
aaral.

Kung araw naman ng Sabado, tinutulungan niya si nanay na magpakain ng mga


alagang hayop tulad ng manok at baboy. Isang hapon, dumating ang kanyang ama
na may pasalubong na gitara. Ito ang siyang hiling ni Tomas bilang regalo sa kanya.
Nang iniabot ito ng kanya ay mahigpit niyang niyakap ang kanyang ama at ina na
kapwa nagpapasalamat din sa pagkakaroon nila ng anak na tulad ni Tomas.

Processing Questions:

1. Ano ang masasabi mo sa batang si Tomas?

2. Maaari mo bang isaisahin ang mga Gawain niya sa araw-araw?

3. Alin sa mga iyon ang katulad ng iyong ginagawa? Maari mo bang pangalanan
ang limang (5) gawaing paborito mong gawin?

4. Ano ang mga talento o kakayahan na mayroon ka tulad ng kay Tomas?

You Can Do It

Suggested Time Allotment: 20 minutes

Nalaman mo na ang isang tao ay nagiging higit na mabuti habang siya ay lumalaki.
Alalahanin ang tungkol sa iyong mga karanasan bilang isang bata noong ikaw ay
nasa grade 1. Sa tulong ng iyong magulang o tagapag-alaga, ilarawan ang mga
pagbabago na napansin mo sa bawat isa sa mga sumusunod na aspeto. Isulat ang
sagot sa inyong sagutang papel.

Aspeto Naobserbahang Pagbabago


Pagganap sa paaralan

Relasyon sa pamilya

Mga Gawain sa tahanan


What I Have Learned

Suggested Time Allotment: 15 minutes

Sa iyong kwaderno, sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Anong karapatang pambataang maituturing mong mayroon ka?

2. Anong abilidad at kasanayan ang nais mong mapaunlad pa?

3. Subukang ihambing ang mga bagay kung saan ka mahusay noong nasa grade 1
ka pa at ngayon na nasa grade 3 ka na.

Share Your Thoughts And Feelings

Suggested Time Allotment: 10 minutes

Inaalagaan mo ba nang maayos ang iyong sarili? Paano tinitiyak ng iyong


mga magulang o tagapag-alaga na ginagawa mo ito? Isulat ang iyong sagot sa
iyong kwaderno.

Assignment

Suggested Time Allotment: 10 minutes

Ang pag-aalaga ng iyong sarili ay bahagi ng iyong paglaki. Tingnan ang


sumusunod na checklist para sa pangangalaga sa sarili. Makipag-usap sa iyong
magulang/tagapag-alaga at hilingin sa kanila na gabayan ka sa mga pagsubok. Sa
iyong kwaderno, maglagay ng marking tsek (√) sa tabi ng aytem ng aktibidad na
ginagawa mo na.
______1.Pagtulog ng walong oras
______2.Pagdarasal
______3.Pag-eehersisyo
______4. Regular na pag-inom ng tubig
______5.Ipahayag ang pasasalamat sa mga taong nakapaligid sa iyo
______6.Paghinga ng malalim
______7.Pagtawa
______8.Pagsasagawa ng iyong mga pinagkakalibangan
______9.Paggamit ng mobile phones o kompyuter ng ligtas
______10.Pagkain ng regular
______11.Pagiging malinis sa katawan
______12.Paggugol ng oras kasama ang pamilya

You might also like