You are on page 1of 18

Watawat ko

hulaan mo
CANADA
CHINA
THAILAND
RUSSIA
SOUTH KOREA
APEC
ASIA-PACIFIC ECONOMIC
COOPERATION
Ano ang Asia-Pacific Economic Cooperation at bakit ito
itinatag?
Itinatag ang Asia-Pacific Economic Cooperation, o APEC, noong 1989. Nagsimula ito
bilang isang impormal na pangkat kung saan nagdidiyalogo sa ministeryal na nibel ang 12
miyembro nito: Australia, Brunei Darussalam, Indonesia, Japan, South Korea, Malaysia,
New Zealand, Pilipinas, Singapore, Thailand, Canada, at United States.

Nag-umpisa ito bilang taunang pagpupulong ng mga ministrong pangkalakalan ng mga


bansang nabanggit sa itaas tungkol sa pagpapanatili ng momentum ng pagbubukas ng
merkado at kooperasyong pang- ekonomiya na mahalaga sa pagkamit ng kaunlaran at
kasaganahan sa Asya- Pasipiko.
Ang APEC ay naitatag sa pagnanasang magkaroon ng mga pagpupulong na
magbibigay-daan para mapabuti ang ekonomiya ng mga bansang kasapi dito.
Nangangahulugan ito ng pagpapabilis ng kaunlaran, pagsulong ng kooperasyon
sa pagitan ng mga miyembro nito, liberaisasyon ng kalakalan at pagbibigay ng
pagkakataon na makapamuhunan sa komundan ng Asya- Pasipiko
Sinu-sino ang mga bansang miyembro ng APEC?
Sa kasalukuyan, binubuo ang APEC ng 21 miyembrong ekonomiya na may iba-
ibang kakayahang pang-ekonomiya. Kabilang sa mga ito ang developed at
developing countries - mga bansang mauunlad at papaunlad pa lamang. Ang 21
miyembrong ekonomiya ay ang Australia, Brunei Darussalam, Indonesia, Japan,
South Korea, Malaysia, New Zealand, Pilipinas, Singapore, Thailand, Canada,
United States, Chinese Taipei, People's Republic of China, Hong Kong, Mexico,
Papua New Guinea, Chile, Peru, Russia, at Viet Nam. Member economies ang
tinatawag sa mga kasapi ng APEC sapagkat ang pangunahing layunin ng
organisasyon ay tungkol sa mga isyung pangkalakalan at ekonomiya.
Ano ang nais makamit ng APEC?
Pangunahing layunin ng APEC na mabigyan ng mga paraan ang mga kasapi nito para
magkaroon ng pangmatagalang kaunlaran at kasaganahang pang- ekonomiya. Ang layuning
ito ay naipakita sa Bogor Goals of 1994 na nagsususlong ng Malaya at bukas na kalakalan
at pamumuhunan sa rehiyon. Nakikinita ng APEC na makakamit ito sa taong 2010 para sa
developed economies at taong 2020 naman para sa developing economies.
Sino ang nagtatakda ng agenda at plano ng APEC?
Ginagabayan ang mga gawain ng APEC ng Economic Leaders at
Ministers ng member economies na nagpupulong sa kahabaan ng taon
upang tukuyin ang kinabukasan ng kooperasyong pangkalakalan at
pampamumuhunan sa Asya-Pasipiko
Sino ang tagapagdaos ng taunang APEC Leaders'
Meeting?
Bawat taon, isa sa 21 APEC Member Economies ang gumaganap na
host o tagapagdaos ng APEC Meetings at nagsisilbing APEC Chair o
tagapangulo nito.

You might also like