You are on page 1of 2

Mga Uri ng Pagsulat Maraming uri ang pagsulat.

. Mauuri ito ayon sa ibat ibang pangangailangan ng mga tao sa lipunan. Ang isang manunulat ay maaaring magbigay-impormasyon ukol sa isang paksa o isyu. Maaari rin naman siyang tumalakay sa kasaysayan ng isang bagay, pangyayari at pook o kayay magsulat ng isang simpleng akdang nagbibigay-aliw sa mga mambabasa. Ang mga ito ang itinuturing na mga batayan at mahahalagang dahilan kung bakit nagsusulat ang isang tao. Akademik Halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay masasabing akademik mula sa antas primarya hanggang sa doktoradong pag-aaral. Ang akademik na pagsulat ay maaaring kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, term paper o pamanahong papel, tisis o disertasyon. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan. Teknikal Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitib at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa, at minsan, maging ng manunulat mismo. Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang komplikadong suliranin. Malawak itong uri ng pagsulat at saklaw nito ang iba pang subkategorya tulad ng pagsulat ng feasibility study at ng mga korespondensyang pampangangalakal. Karaniwan nang katangian nito ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng science o technology Samakatwid, ang pagsulat na ito ay nakatuon sa isang ispesipik na audience o pangkat ng mga mambabasa. Journalistic Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin. Napakaispesyalisado ang uring ito ng pagsulat kung kaya nga may ispesipik na kurso para rito, ang AB Journalism, bagamat bahagi rin ito ng pag-aaral ng ibang kurso tulad ng AB at BSE sa Ingles at Filipino. May mga pagkakataon ding ino-offer ang uri ng pagsulat na ito bilang isang elektib sa mga paaralang panghayskul Reperensyal Reperensyal ang uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod o pinaiikli ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal, talababa o

endnotes para sa sinumang mambabasa na nagnanais na mag-refer sa reperens na tinutukoy. Madalas itong makita sa mga teksbuk na tumatalakay sa isang paksang ganap na ang saliksik at literatura mula sa mga awtoridad. Makikita rin ito sa mga pamanahong-papel, tisis at disertasyon lalo na sa bahaging Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura. Dahil nga reperensyal ang pangunahing layunin nito, samakatuwid, ang paggawa ng bibliograpi, indeks at maging ang pagtatala ng mga impormasyon sa note cards ay maihahanay sa ilalim ng uring ito. Propesyonal Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusib sa isang tiyak na propesyon. Bagamat propesyonal nga, itinuturo na rin ito sa mga paaralan bilang paghahanda sa isang tiyak na propesyon na napili ng mga mag-aaral. Maituturing na halimbawa nito ang pagsulat ng police report ng mga pulis, investigative report ng mga imbestigador, mga legal forms, briefs at pleadings ng mga abugado at legal researchers at medical report at patients journal ng mga duktor at narses. Malikhain Masining ang uring ito ng pagsusulat. Ang pokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat, bagamat maaaring piksyonal at di-piksyonal ang akdang isinusulat. Layunin din nitong paganahin ang imahinasyon, bukod pa sa pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. ito ang uri ng pagsulat sa larangan ng literatura. Samakatwid, ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at malikhaing sanaysay ay maihahanay sa ilalim ng uring ito. Karaniwan nang mayaman sa mga idyoma, tayutay, simbolismo, pahiwatig at iba pang creative devices ang mga akda sa uring ito.

You might also like