You are on page 1of 2

Mga Talasalitaan Mula sa Dekada 70 1.

Piyudal batay sa pagkakagamit sa nobela ni Lualhati, ito ay nangangahulugang Diyos ang kalalakihan at ang kababaihan ay sadyang alipin niya lamang; ito ang sinabi ni Amanda na nasa dugo na ni Julian sapagkat siya ay walang karapatang kumibo sa mga isyung pulitikal at negosyo. 2. Burgis dahil na rin sa kawalang-katiyakan ay naisip kong sumangguni sa internet at ito ang aking nakita kong pinakamatinong sagot burgis is actually bourgeois in English just spelled as it is pronounced Pinoy way. The meaning is the same (associated with affluent middle-class people, who are often characterized asconventional, conservative or materialistic in outlook). 3. Pananaw-Victorian di ko na babanggitin ang iba pang ibig sabihin nito sapagkat ibibigay ko lang ang kahulugan nito batay sa pagkakagamit sa akda; ang babaey itinuturing na libangan lang o dili kayay pampaantok lang. 4. PR Public Relation; ito yung sinabi ni Pareng Daniel kay Amanda nang magtanong siya dito ukol sa anunsyong trabaho sa diyaryo na nangangailangan ng tao sa advertising; dapat din daw ay mahusay sa Ingles; nang sabihin niya to kay Julian ay nagalit ito ng sobra, grabe. 5. Nilo Tayag siya ang lider ng Kabataang Makabayan. 6. Kabataang Makabayan-isang organisasyon ng mga estudyanteng nangangalampag laban sa patakaran ng paaralan; nang ikulong si Nilo Tayag ay libu-libong mag-aaral ang nagmartsa sa lansangan kasabay ng sigawang humihingi ng kalayaan nito. 7. Communist Party of the Philippines Partido Komunista ng Pilipinas; Binuo ang partido sa isang malayong barangay sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan noong 26 Disyembre 1968 ni Jose Maria Sison 8. Martial Law Idineklara ang Batas Militar noong ika-21 ng Setyembre, taong 1972 sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1081 na nilagdaan ng dating pangulong Ferdinand Marcos. Ang hakbang na ito ay binatikos ng maraming puna at pagtuligsa mula sa mga Pilipino at pagbabago sa estado ng Pilipinas. 9. Presidentet Uncle Sam Ang tinutukoy dito ay si dating Presidenteng Ferdinand Marcos at ang bansang Amerika na nooy may kolonya sa atin 10. PC-Metrocom Philippine Constabulary Metropolitan; nabuo dahil sa Executive Order of the President noong Hulyo 4, 1967 na mga pulis na nagkokontrol sa nagkikilos-protesta; sila ang tagapanatili ng kaayusan sa lahat ng welga o humaharang sa hangganan ng lugar na dapat pagdausan ng welga. 11. CCP Cultural Center of the Philippines 12. UG Under Ground o yung sikretong tagpuan ng mga NPA, mga lugar na sila lang ang nakakaalam 13. Ang Bayan opisyal na pahayagan ng Communist Party of the Philippines; ito yung ginawang saranggola ni Bingo na nakuha umano niya sa kuwarto ng kanyang Kuya Jules; sa pagpapatupad ng Batas Militar, ito ay itinuturing na subersibo kaya ikinukulong ang sinumang mahulihan nito.

14. National Democratic Movement ito ang programa ni Marcos o KBL (Kilusan ng Bagong Lipunan) na nakapaloob sa pagpapatupad ng Batas Militar 15. Subersibo -ito ay radikal o nagpapahayag ng kasalungat na paniniwala o bagay laban sa pamahalaan. 16. NPA New Peoples Army 17. PTA Parents and Teachers Association 18. ROTC Reserved Officers Training Corps 19. Writ of Habeas Corpus - Ang habeas corpus [bigkas: /hey-bi-yes kor-pus/], mula sa Latin: literal na"[Iniaatas namin] na mapasaiyo ang katawan" o "nasa iyo ang katawan" ay isang salitang nangangahulugangatas o utos ng hukuman sa kinauukulan na dalhin sa korte ang isang tao upang ipaliwanag kung bakit ipinipiitang isang tao. Isa sa mga karapatan ng isang tao ang makahingi ng tinatawag na "kasulatan ng utos ng hukumano kinauukulan," ang writ of habeas corpus sa Ingles, bilang pananggalang laban sa ilegal o hindimakatarungang pagkakakulong sa bilangguan. Kaya, sa larangan ng Batas, isang kasulatan ang habeas corpusna nag-uutos sa isang opisyal upang maipakita ang dahilan kung bakit ipiniit ang isang tao. 20. MNLF Moro National Liberation Front na naghahangad magtayo ng sariling bansa sa Mindanao sa pamamagitan ng armadong pagkilos, mga maka-kanan na grupong radikal sa simbahan, mga grupong oligarkiko, at mga dayuhang nanghihimasok sa panloob na kalagayan ng bansa. 21. Presidential Decree 823- nagbabawal sa lahat ng welga at sa pagtulong ng ibang sektor sa mga manggagawa nang walang pahintulot ang Department of Labor (DOL). 22. BLISS Bagong Lipunan Indigent Settlement Services, programang pabahay ni Marcos noong Batas Militar 23. KBL Kilusan ng Bagong Lipunan; ang partidong kinabibilangan ni Marcos. 24. LABAN Laban ng Demokratikong Pilipino; ito ang kalabang partido ni Marcos 25. Political Officer ito ang posisyon ni Jules sa kanilang kilusan 26. NBI National Beaurue of Investigaton 27. Masagana 99 - magkaroon ng ani na 99 kaban bawat ektarya; pagbabagong dulot ng Batas Militar.

You might also like