Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more ➡
Download
Standard view
Full view
of .
Add note
Save to My Library
Sync to mobile
Look up keyword
Like this
18Activity
×
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Sagisag Kultura Ng Filipinas 005

Sagisag Kultura Ng Filipinas 005

Ratings: (0)|Views: 12,492|Likes:
Published by buenaventura_f_a

More info:

Published by: buenaventura_f_a on Sep 22, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See More
See less

05/20/2013

pdf

text

original

 
Manuel Luis Quezon
(19 Agosto 1878-1 Agosto 1944)
Si
Manuel Luis Quezon
(Man·wél Lu·wís Ké·zon) ang unang pangulo ng pamahalaang Komonwelt at itinuturing na “Ama ng Wikang Pambansa”dahil sa pagpapahayag niya sa Tagalog bílang batayan ng WikangPambansa. Siyá ang unang pangulong Filipino na nagtira sa Malacañangat nanungkulan hábang nása Estados Unidos dahil sa Pananakop ng mgaHapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.Isinilang si Quezon noong 19 Agosto 1878 kina Lucio Quezon at MariaDolores Molina sa Baler, Tayabas (Aurora ngayon). Pagsiklab ngDigmaang Filipino-Amerikano, sumapi siyá at naging medyor sa hukboni Heneral Tomas Mascardo. Bumalik siyá sa pag-aaral pagkatapos ngdigmaan at nagtapos ng abogasya. Naglingkod muna siyáng piskal bagokumandidato’t nagwaging gobernador ng lalawigan ng Tayabas. Ikinasalsiyá sa kaniyang pinsang si Aurora Aragon Quezon. Nagbitiw siyánggobernador nang magkaroon ng eleksiyon para sa Asamblea ng Filipinas.
 Nagwagi siyá at naging majority oor leader. Si Sergio Osmeña ang naging
ispiker ng kapulungan, at ito ang simula ng pagsasáma’t pagtutunggali sa
 politika nina Quezon at Osmeña.
 Naging resident commissioner siyá sa Kongreso ng Estados Unidos atitinuturing na tagumpay niya ang pagpapatibay sa Batas Jones. Ipinanga-ngako ng batas ang dagliang pagbibigay ng kasarinlan ng Filipinas. Nagpatuloy siyá sa paglalakad ng kasarinlan hanggang mapagtibay ang
Batas Tydings-McDufe na nagtatadhana ng pansamantalang pamahalaang
Komonwelt. Nahalal siyáng pangulo ng Komonwelt noong 1935. Inilíkasang pamahalaan sa Estados Unidos sa buong panahon ng Pananakop ngmga Hapones at doon namatay si Quezon noong 1 Agosto, 1944.Dahil sa mga ginawa niya para sa mga mahirap sa lipunan, tinawag siQuezon na “Ama ng Katarungang Panlipunan.” Itinaguyod naman niya sa1935 Kumbensiyong Konstitusyonal ang isang Wikang Pambansa batay saisang katutubong wika at pinagtibay ang batas na nagtatatag sa NationalLanguage Institute na nagsuri at nagpasiya sa Tagalog bílang batayan ngWikang Pambansa, kayâ tinawag siyáng “Ama ng Pambansang Wika.”Kaugnay nitó, ang pagdiriwang ng Araw ng Wikang Pambansa ay itinapatsa kaniyang kaarawan tuwing Agosto 19. (VSA)
 
Carlos Quirino
(14 Enero 1910-20 Mayo 1999)
Si
Carlos Quirino
(Kár·los Ki·rí·no) ay isang
 
iskolar at historyador.Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining sa PanitikangPangkasaysayan noong 1997. Ang panitikang pangkasaysayan ay idinagdagna larangan sa parangal na Pambansang Alagad ng Sining noong 1997 sailalim ng Pangulong Fidel Ramos at si Quirino ang unang ginawaran ngnaturang pagkilala.Unang naging bantog ang pangalang Carlos Lozada Quirino bílangmanunulat ng talambuhay ni Pangulong Manuel L. Quezon sa
Quezon Manof Destiny
noong 1935. May-akda ng maraming sanaysay at talambuhay,mga aklat niya ang
 Lives of the Philippine Presidents
(1952),
 Magsaysayof the Philippines
(1958),
 Maps and Views of Old Manila
(1971),
The History of Philippine Sugar Industry
(1974),
 Filipinos at War: The Fight  for Freedom from Mactan to EDSA
(1981), at
Who’s Who in Philippine History
(1995). Natatangi rin at umani ng papuri ang kaniyang aklat na
 Philippine Cartography
. Nagsilbi siyáng direktor ng National Librarynoong 1961 sa panahon ni Pangulong Diosdado Macapagal. Tagapagtatagsiyá,
curator 
, at direktor ng Ayala Archives (Ayala Musuem ngayon).Isinilang noong 14 Enero 1910, si Quirino ay supling ng doktor na si JoseA. Quirino, isang nangungunang gynecologist, at ni Dolores Lozada, aponi Ramon Lozada na nagmula sa Espanya. Nagtapos siyá ng hay-iskul saDe la Salle at kursong Batsilyer sa Sining sa Peryodismo sa University of Wisconsin. Tatlong beses siyáng ikinasal. Una kay Peggy Dawson, isangAmerikana, ikalawa kay Nena Bowen, at pinakahuli kay Liesl Commans,isang mestisang Aleman-Espanyol. Ang kasal sa kanilang tatlo ay nagbungang anim na anak: sina Cory, Carlitos, Cecil, Denden, Caloy, at Ritchie.Pumanaw siyá noong 20 Mayo 1999. (RVR) (ed GSZ)
 
Elpidio R. Quirino
(16 Nobyembre 1890-20 Pebrero 1856)
Pumalit na pangulo ng Republika ng Filipinas si
Elpidio R. Quirino
(El·píd·yo Ar Ki·rí·no) noong 17 Abril 1948 nang biglang mamatay siPangulong Manuel A. Roxas. Ipinagpatuloy niya ang mga sinimulanggawaing pambansa ni Roxas, bukod sa inasikaso ang mga industriya.Tinagurian siyáng “Ama ng Industriyalisasyong Pambansa” dahil sa mgaipinatayô niyang planta, gaya ng NASSCo
drydock 
, planta ng abono, IliganSteel,
hydro-electric
sa Lanao at sa Ambuklao, Benguet, pabrika ng sementosa Bacnotan, La Union, at marami pa. Gayunman, malaking problema ngkaniyang administrasyon ang Pag-aalsang Huk at ang maalingasngas nadayaan sa eleksiyon ng 1949.Isinilang si Quirino noong 16 Nobyembre 1890 sa Vigan, Ilocos Sur kinaMariano Quirino at Gregoria Rivera. Naglingkod muna siyáng klerk saSenado bago kumandidatong kinatawan at nanalo noong 1919. Ikinasalsiyá kay Alicia Syquia ng Vigan noong 16 Enero 1921. Tatlo sa mga anak niya at si Alicia ang pinatay ng mga Hapones noong 1945.Sa unang kandidatura niya bílang senador ay tinálo siyá ni Isabelo de losReyes. Muli siyáng kumandidato noong 1925 at nagwagi. Muli siyángnagwaging senador noong 1931 ngunit nagbitiw upang kumandidatongdelegado sa Kumbensiyong Konstitusyonal. Napiit siyá sa panahonng Pananakop ng mga Hapones. Noong Hunyo 1945 ay nagmiting angKongreso at nahalal si Roxas na pangulo ng Senado at si Quirino bílang protempore. Ito ang simula ng kombinasyon nilá na nagwagi sa halalang pampanguluhan noong 1946. Dahil hindi malinaw ang tungkuling ng pangalawang-pangulo, nahirang siyang kalihim ng pananalapi at sakâkalihim ng suliraning panlabas.Dahil sa Pag-aalsang Huk ay hinirang niyang kalihim ng tanggulan siRamon Magsaysay. Nagtagumpay ito sa pagpapahupa ng rebelyon ngunitlubhang naging popular kayâ inamuki ng Partido Nacionalista na magingkandidatong pangulo sa halalang 10 Nobyembre 1953. Nang matálo sahalalan, namahinga si Quirino sa bahay sa Novaliches at doon namataynoong 20 Pebrero 1956. (VSA)

Activity (18)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
psykosomatik liked this
Genil Gonzales liked this
Angela Marie Lat liked this
Gee Nel liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->