You are on page 1of 12

INIHAHATID SA INYO NG!!!

GROUP 4 (PSB)
“ANG GROUP 4”
Mga tatalakayin:
 ANG MGA DAPAT TANDAAN SA
EFEKTIBONG PAKIKINIG
 ANG MGA URI NG PAKIKINIG AYON SA
LAYUNIN
 ANG MA KATANGIAN NG KRITIKAL NA
PAKIKINIG
 DALAWANG MAHAHALAGANG
KASANAYAN SA KRITIKAL NA
PAKIKINIG
ANG MGA DAPAT TANDAAN SA
PAKIKINIG
• Alamin ang layunin sa pakikinig
• Iwasan ang magpaunang hatol at
magkaroon ng obhektibong pananaw
sa tao at paksang pakikingan
• huwag umasa nang labis sa
pakikinggan
• Ituon ang buong atensyon sa
nagsasalita
• magdala ng mga kinakailangang
kagamitan para sa pagtatala at
maingat, matalino’t mapamaraan itong
gawin.
• Sikaping maisabalangkas o kaya’y
maisabuod lamang ang pinakikinggan.
ANG MGA URI NG PAKIKINIG AYON
SA LAYUNIN
Bawat tagapakinig ay may kani-kaniyang layunin
sa gawang Pakikinig at ito’y ang mga
sumusunod:
• kaswal. pampakondisyon lamang kaya’y
pampalipas-oras na nakagawiang Pakikinig
nito.
• Halimbawa’y nag-iisa’t nakasanayan nang may
naririnig habang may ibang ginagawang, o
sadyang walang magawa’t ito ang buntunan.
Hindi seryoso ang ganitong Pakikinig kaya
walang layunin, tuloy, wala ring matandaan sa
mga napakinggan.
• Imformal. Karinawan na ang ganitong
uri ng Pakikinig sa mga estudyante na
tipong napipilitan lamang dahil may
Dapat isagawang rekisito ng isang kurso.
Mangyari pa, may layunin pero
pahapyaw lamang tuparin, basta
makakuha lang ng konting imformasyon
tungkol sa itinakdang Gawain.
• Kritikal. Kaakibat ng uring ito ang
pagiging analitikal, ebalwativ.
Masinsin ang level ng pagsusuri,
tinitingnan lahat ng anggulo, ang
pagka-katulad at pagkakaiba,
gayundin and reaksyon dito’t
paghusga, sa gayon, mabigyan ng
obhektibong pagpapahalaga.
ANG MGA KATANGIAN NG
KRITIKAL NA PAKIKINIG
• Ang kritikal o mapanuring Pakikinig ay
may layunin tayahin ang mga bagay na
naririnig mula sa ispiker. Kinakailangan
sa kritikal na Pakikinig ang pag-unawa at
pagsusuri sa mensaheng naririnig. Ang
mga sumusunod na Kundisyon ang
nagpapatunay sa may mapanuring
Pakikinig.
• may kakayahang maipakita ang lohikal na
kaugnayan ng mga detalye sa mga
pangunahing ideya na bumubuo sa paksang
tinatalakay;
• may kakayahang magbigay ng tumpak na
hinuha (hypothesis);
• may kakayahang tukuyin ang mga
mahahalaga at hindi mahahalagang detalye;
• may kakayahang ihiwalay ang katotohanan sa
pawing opinion lamang;
• may kakayahang hatulan o husgahan
ang relayabiliti o katunayan ng
imformasyong iprinisinta ng ispiker;l
• may kakayahang magpasya kung may
kabuluhan ang mensaheng nais ipabatid
ng ispiker, at
• may kakayahang magpahalaga sa
katotohanang nakapaloob sa mensahe
ng ispiker.
DALAWANG MAHAHALAGANG KASANAYAN SA
KRITIKAL NA PAKIKINIG

1. Pagrevyu At Pagrevyu Habang Nakikinig


inaantesipeyt o hinuhulaan natin nang
matalino ang pinatutunguhan ng sinasabi
ng ispiker o ang kanyang susunod na
punto. Sinusundan din natin kung paano
idevelop ng ispiker ang kanyang mga
argumento, at titingnan ang mga isyu na
dapat talakayin ng ispiker.
2.Pagbabalangkas habang nakikinig
bilang kritikal na tagapakinig
tinutukoy natin ang layunin at tesis p
pangunahing ideya (main idea) ng
ispiker. Tinutukoy din natin ang mga
pinakamahalagang puntos o ideya na
bumubuo sa mensahe ng ispiker.
Kaugnay nito, tinataya natin kung
sapat ang mga pangunahing ideya sa
pagpapaliwanag ng ispiker sa
kanyang mensahe.

You might also like