You are on page 1of 9

Reproductive Health Bill

Ano nga ba ang pakay nito?

I. Panimula Ang Reproductive Health Bill o mas kilala bilang RH Bill, ay isang mainit na usapin dito sa Pilipinas. Ito ay tungkol o ito ay naglalayong masiguro ang mga pamamaraan at mga impormasyon sa birth control, o family planning. May dalawang panukalang batas na may iisang layunin. Ang Reproductive Health Act and Population o House Bill No. 96 at ang Development Act ng 2010 na ipinapakilala ng Albay District Representative na si Edcel Lagman. Isa rin dito ay ang ipinakilala ni Senador Miriam Defensor Santioago na Senate Bill No. 2387 o ang Reproductive Health Act na may iisang layunin na katulad ng dalawang panukalang batas. Kung ito ay maisasabatas, magtatakda ang estado ng pondo upang maipatupad ang programang pang-reproduktibo, kabilang ang pag-paplano ng pamilya para sa mga mag-asawa lalo na sa mahihirap. Nais din ng panukalang ito na bigyan ng impormasyon ang mga mag-asawa tungkol sa mga paraan ng pagpa-plano ng pamilya ng ligtas, at abot-kaya. Dahil sa kasalukuyan, tanging ang mga may pambili lamang ng kontraseptibo ang nakakapag-plano ng kanilang pamilya. Isa pang layunin ng RH Bill ay ang pagpapa-unlad ng populasyon sa Pilipinas. Iba ito sa pag-kontrol, kung ikokontrol, ito ay ang sapilitang pagpapagamit ng mga kontraseptibo sa mga mag-asawa na labag naman sa kagustuhan ng mag-asawa. Pinipigilan din nito ang maagang pagbubuntis ng kabataan. Pinili ko ito dahil ito ay may malaking epekto sa mga pamilya dito sa ating bansa. Isa rito ay ang family planning, o ang pag-kontrol sa bilang ng miyembro ng pamilya sa iligal na paraan. Para sa

mga mag-asawa, tinatawag itong iligal, dahil tinatanggal dito, o nawawala ang karapatan ng bawat isa upang mag-desisyon kung ilan ang gusto nilang maging kasapi ng pamilya. Pangalawa, sa Section 16 ng Mandatory AgeAppropriate Reproductive Health and Sexuality Education, matututunan ng mga nasa ika-limang baitang hanggang ikaapat na taon sa hayskul ang pagkakaroon ng disiplina, at bukas na kaisipan sa mga paksang ito. Ang kabataang natuturuan, mas nagiging maingat sa mga bagay-bagay lalo na kung may kinalaman sa pagtatalik. At pangatlo, napaka-interesado ng paksang ito sa simbahan, pamahalaan, at pati na rin sa taong bayan, dahil dito, ikaw mismong kasapi ng lipunan, ay magkakaroon ng karapatan upang pag-isipan kung ito nga ba ay nararapat sa ating lipunan, kung may mga magagandang maidudulot ito sa lipunan, o kaya naman masasamang dulot nito sa ating bayan. Ayon sa Senate Policy Brief na Promoting Reproductive Health, ang kasaysayan ng RH Bill sa Pilipinas ay nagsimula noong 1967 nang nagkaroon ng pagpupulong ang ibat ibang bansa, kasama ang Pilipinas at nilagdaan ni dating pangulong Ferdinand Marcos ang Declaration on Population. Dito, sumang-ayon ang Pilipinas na ang populasyon ng bansa ay ang isa sa mga pangunahing problema kung bakit hindi umuunlad at ekonomiya ng bansa. Kaya naman naitatag ang Population Commission para maisulong ang pagkakaroon ng maliit na bilang ng miyembro sa bawat pamilya. Isinulong ni dating pangulong Marcos ang coercive o ang sistematikong pagbibigay ng kontraseptibo sa mga mag-asawa sa buong bansa. Ngunit lumipas ang termino ni Marcos, sumunod si Corazon Aquino. Pinagtuunan naman niya ng pansin ang pagkakaroon ng karapatang magkaroon ng kahit ilang miyembro ng pamilya ang mag-asawa. Sa panahon ni Ramos, mula sa pag-kontrol ng

populasyon, hinayaang niya pamahalaan ang populasyon ng bansa. Kay Estrada, gumamit siya ng ibat ibang paraan upang mabawasan ang porsyento ng mga babaeng nabubuntis. Sa termino ni Arroyo, iginiit niyang hindi gumamit ng kontraseptibo o anumang gamot na makakapigil na mabuntis ang isang babae. Natural na pag-paplano ng pamilya ang kanyang itinaguyod.

II.Nilalaman Sa kasalukuyan ,ang RH bill ay nalagdaan na ng pangulong Benigno Aquino III. Ito na ngayon ay kilala bilang, Republic Act No.10354 o ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012. Ang bagong batas na ito ay tuluyang naging epektibo makaraan ang 15 araw na ito ay naisapubliko sa official gazette o sa 2 uri ng pampublikong babasahin. Ang RH Bill ay niratipikahan noong Desyembre 12,2012. sa ibaba ay isang tunay na kopya ng paglalagda sa RH bill:

Kung sa usaping ito, marami rin ang mga magagandang maidudulot nito sa ating bansa. Una, iniiwasan ng batas na ito ang makakalap ng sakit ang babae o lalaki na nakikipagtalik, katulad na lamang ng AIDS, STD, at HIV na makukuha sa pakikipagtalik sa ibat ibang tao na maaaring maipasa sa iba. Sa pagbibigay ng mga kontraseptibo, mas magiging ligtas ang pakikipagtalik. Pangalawa, sa panahon ngayon, mababaw ang isipan ng mga mag-aaral sa elementarya ukol sa usaping sex , at dahil nilagdaan at ginawa na itong batas, mas matututunan ng mga estudyante magkaroon ng disiplina, at bukas na isipan ukol sa mga isyung ganito. At isa pa, mas matututunan nilang pahalagahan ang pag-aaral. Pangatlo, mas magkakaroon tayo ng disiplina sa sarili natin. Mas magiging bukas ang kaisipan natin sa maagang pagbubuntis at malalaman kung gaano nga ba kahirap magkaroon ng anak, lalo nat wala pang trabaho at hindi pa nakakapagtapos sa pag-aaral. Sa ating bansa, hindi nakakakuha ng trabaho ang mga hindi nakapagtapos ng hayskul, kaya naman, mas mahirap ang maghanap ng trabaho. Sa kabila ng lahat ng ito, may mga negatibong epekto rin ito sa taong bayan. Una, maraming mga magulang ang nagsasabi na masyado pang maaga para matutunan ng mga bata ang tungkol sa Sex Education, sinasabi na dapat hindi ito ituturo sa paaralan dahil hindi nila maiintindihan ng mabuti, kaya naman, hindi sila pabor sa batas na ito. Pangalawa, kung bubuksan ang paksang ito sa mga relihiyosong sektor, hinding-hindi sila papayag na maipasa ang bill na ito. Ngunit bakit nga ba naisama ang relihiyon dito? Simple lamang, ang tao at ang simbahan ay iisa.

Dahil ang mga tao, iisa lamang ang pinaniniwalaan; ang Diyos. Karamihan ng populasyon sa Pilipinas, hindi pabor sa RH Bill dahil ang aborsyon ay isang kasalanan para sa tao. Kung ganito ang sitwasyon, mas marami ang magproprotesta na hindi dapat maipasa ang bill na ito. Pangatlo, maraming Pilipino ang hindi kayang bumili ng kontraseptibo, dahil para sa kanila, mas mahalaga ang pera kung naigagastos ito para sa mga pangangailangan nila katulad na lamang ng pagkain.

III. Reaksyon Sa aking nakalap at nasaliksik, halos lahat ng aking natanong ay pabor sa RH Bill. Bakit? Sabi nila, pabor sila sa RH Bill dahil mahirap ang bumuhay ng mga anak, lalo na kung marami. Mahirap para sa sitwasyon ng babae ang pagbubuntis, at ang masaklap dito, walang trabaho at walang pananagutan ng lalaki. Mahirap maghanap ng trabaho, lalo na kung hindi nakapagtapos ng hayskul, at para sa mga anak, mas mahirap ang sitwasyon dahil naisasakripisyo ang pag-aaral nila, kailangan mag-aral muna ang iba nilang kapatid. At nawawalan sila ng karapatan upang magkaroon ng maayos, at magandang buhay. Ngunit sa sitwasyong ito, ginagamit ng ibang kabataan ang kanilang kakayahan sa mga bagay-bagay para naman maabot ang kanilang pangarap, kahit na naghihirap sila. Dito rin, mas napapalakas ang loob nila na mag-aral ng mabuti, at hinding-hindi susuko. Sa iba pang aking tinanong, pabor sila. Dahil ang batas na ito ay para sa ating kapakanan at kalusugan, hindi natin alam na sa araw-araw na tayo ay nabubuhay, libo-libong mga babae ang namamatay sa panganganak. Marami rin ang komplikasyon nito dahil sa hindi inaasahang pagbubuntis. Maaaring laging naninigarilyo ang babae habang nagdadalang-tao, pag-inom ng gamot na hindi pwede sa mga buntis, o kaya naman pag-inom ng alak dahil sa problema sa pamilya, at sa dinadalang tao. Isa pang reaksyon, nararapat lamang na maipatupad ang batas na ito dahil may mga plano ang gobyerno para sa taong bayan. Gusto ng gobyerno na mas kaunti ang populasyon ng bansa dahil marami ang walang trabaho at marami ang naghihirap. Para sa reaksyon ng hindi pabor, sinabi ng aking pinagtanungan na hindi siya pabor dahil ang buhay ay mahalaga. Hindi dapat ito kino-kontrol ng gobyerno. Ang mga tao ay may kanya-kanyang isipan.

Maiisip nila kung nararapat nga bang mag-asawa ng maaga, o kaya naman pagtuunan muna ang pag-aaral upang makatapos at makahanap ng trabaho. Isa pang rason ay ang tao may disiplina, hindi lamang ito naipapakita dahil nakikisunod sila sa kung ano man ang uso. Ngunit, kung alam mo ang tama at mali, hindi ka mapupunta sa maling kalagayan. Para sa aking reaksyon, ako ay pabor sa RH Bill, dahil sa paraang ito, tuturuan tayong maging responsable bilang isang kabataan. Tuturuan tayo upang malaman natin kung ano nga ba ang haharapin natin kung tayo ay napariwara. Sa henerasyong ito, kakaunti na lamang ang responsable, kakaunti nalang ang alam kung ano ang tama at mali. Karamihan sa kabataan ngayon ay umiinom, naninigarilyo, nag-rerebelde, at maagang nabubuntis; napapariwara. Bakit nga ba? Hindi ba kung susuriin natin, may malaking epekto ang pag-aalaga ng mga magulang sa kanyang mga anak? Kaya naman sa batas na ito, hindi lamang ang mga kabataan ang matututo, pati rin ang mga magulang. Matututunan ng mga magulang na mas maging responsable. Dahil kung hindi sapat ang pag-aalaga sa mga anak, magiging malaki ang epekto nito sa anak. Hindi maiintindihan ng bata kung ano ang mga nangyayari sa pagitan ng kanyang mga magulang, kaya mas pipiliin na lamang mag-isa, at mag-asawa. Baka sakaling mas magiging maganda ang buhay at malaya sa problema sa pamilya; kung iisipin ng bata. Ngunit na sa huli ang pagsisisi. Kaya para sa akin, pabor ako. Dahil ako mismo, hindi ko maturuan ang aking sarili sa mga kaunting bagay-bagay. Nangangailangan ako na pag-aaruga sa aking mga magulang. At kailangan ko ring intindihin kung ano ang mga isyu na mayroon sa aking paligid. Kailangan ko ring matuto kung paano magkaroon ng disiplina at kung paano maging responsableng tao. Sa paraang ito, makakatulong din ako sa iba, na dapat mas pagtuunan ng pansin

ang pag-aaral, at dapat marunong buksan ang isipan sa mga usapin sa lipunan. Mas matututo ang kabataan, kung kami mismo ay may pang-intindi sa mga nangyayari sa ating lipunan.

You might also like