You are on page 1of 1

Bahagi ng Aklat Pabalat - ito ang takip ng aklat.

Karaniwan itong may matingkad na larawan upang makatawag pansin sa mambabasa. Pahina ng Pamagat - nakasaad dito ang pamagat ng aklat at pangalan ng may-akda nito. Pahina ng Karapatang-ari - makikita sa bahaging ito kung sino ang nagpalimbag ng aklat at kung kailan ito ipinalimbag. Paunang Salita - nakasaad dito ang dahilan kung bakit isinulat ng may-akda ang aklat kasama ang paliwanag sa paggamit nito. Talaan ng Nilalaman - makikita rito ang pahina ng bawat paksang tinatalakay sa aklat. Katawan ng Aklat - makikita rito ang mga paksa at araling nilalaman ng aklat. Glosari - nakatala rito ang mga kahulugan ng mahihirap na mga salitang ginamit sa aklat. Bibliograpi - nakatala rito ang pangalan ng manunulat at aklat na pinagkunan ng may-akda ng ilang mahahalagang impormasyon. Indeks - nakasulat dito ang pangalan, mga paksa na nakaayos nang paalpabeto, at ang pahina kung saan ito matatagpuan sa aklat.

Mga Bahagi ng Aklat 1. Pabalat- Ito ang pinakamakulay na bahagi at may ilustrasyon makikita din ang pamagat, may akda at ang naglimbag ng aklat. 2. Bakanteng Dahon- Ito ang pahinang walang nakasulat na nagsisilbing proteksyon nng mga nilalaman. 3. PAhinang Pampamagat- ipinakikitang muli ang pamagat , may akda at tagapaglimbag. 4. Karapatang Ari- dito makikita ang taon kung kailan inilimbag ang aklat, ang may akda at tagapaglimbag,sa pahinanag ito isinasaad ang pagmamaya ari ng aklat at walang sinumang tumulad sa mga nilalaman nito. 5. Pag-aalay o Pasasalamat- dito iniaalay ng may akda ang aklat o ang kanyang pasasalamat sa mga taong tumulong sa kanya upang mabuo ang aklat. 6. Paunang salita- sinasabi dito ang layunin kung bakit isinulat ng may akda ang aklat. 7. Talaan ng mga nilalalaman- dito nakatala ang mga nilalaman at ang mga pahina kung saan makikita ang bawat seleksyon. 8. Katawan ng aklat- ito ang pinakamakapal na bahagi ng aklat, duito makikita ang lahat a ng seleksyon na nakatala sa talaan ng mga nilalalaman. 9. Glosari o Talahhulugan- dito nakatala ang mga mahihirap na salita na ginamit sa aklat at ang katumbas na kahulugan nito. Ang mga Tala ay nakahanay ng ayos alpabeto. 10. Indeks- Ito ang bahagi ng aklat kung saan nakatala ang mga paksa na maaring makita sa aklat. Ang mga salitang- paksa ay nakaayos sa pagkasunod sunod ng mga letra sa alpabeto ang bawat paksa ay may katumbas na bilang na pahina kung saan makikita ito sa hulian na pahina ng aklat.

You might also like