You are on page 1of 49

Ano ang BALITA?

Ang balita ay mahahalagang pangyayaring nagaganap sa loob at labas ng bansa.

Ang mga mamamahayag ay may ganitong kasabihan: kapag ang tao ay nakagat ng aso, hindi ito balita; ngunit kapag ang aso nakagat ng tao, ito ay balita.

Sa ibang pakahulugan, ang balita ay isang pangyayaring hindi pangkaraniwan. Ito ay maaaring tungkol sa mga pangyayaring naganap o nagaganap na bago sa pandinig ng madla.

Ibat Ibang Uri ng Balita


1.Paunang paglalahad -itinuturing na hilaw pa ang ganitong uri ng balita, subalit inilathala na rin bunga ng pangangailangang maipaabot agad sa madla.

2. Tuwirang paglalahad Sa ganitong uri ng paglalahad, tinatalakay ang pinakamahalagang impormasyon tungo sa maliliit na detalye.

3. Balitang bunga ng pakikipanayam

Karamihan sa balitang nabasa, naririnig at napapanood ay bunga ng pakikipanayam. Sa ganitong uri, ang pinakamahalaga lamang ang dapat isulat.

4.

Kinipil na Balita

Ang ganitong uri ng balita ay dulot ng kakulangan sa espasyo sa pahayagan kung kaya ang buod ng maliliit na balita ay pinagsasamasama.

5. Balitang Pambansa nagaganap sa bansa. 6. Balitang Pandaigdig pangyayaring nagaganap sa ibat ibang bansa sa daigdig.

7. Balitang Pampulitikal may kinalaman sa pulitika.

8. Balitang Pampalakasan may kinalaman sa mga palaro o kumpetisyong pangkalakasan.

9. Balitang Pang-edukasyon may kinalaman sa edukasyon. 10. Balitang Pantahanan may kinalaman sa pamamahala sa tahanan.

11. Balitang Pangkabuhayan may kinalaman sa negosyo o takbo ng kabuhayan sa bansa.

12. Balitang Panlibangan may kinalaman sa larangan ng telebisyon, radyo, pelikula at tanghalan.

13. Balitang buhat sa talumpati itoy buhat sa pinaghandaang okasyon tulad ng palatuntunan, seminar, panayam o pulong.

Ang isang balita ay maaaring sumagot sa anim na pahiwatig


1. Ano itinatampok ang pinakamahalagang pangyayari. 2. Sino tinutukoy ang isang tanyag o kilalang tao.

3. Bakit tinatalakay ang sanhi o dahilan

ng pangyayari. 4. Paano itinatampok ang paraan ng pagkakaganap ng pangyayari.

5. Kailan binabanggit ang petsa.

6. Saan itinatampok ang pook o lugar na pinangyarihan.

Kahalagahan ng Balita
1. Nagpapayaman ito ng talasalitaan.

2. Nagbibigay ito ng dagdag na karunungan. 3. Nagpapalawak ito ng kaalaman tungkol sa paligid.

4. Nagpapabatid ito sa takbo ng

panahon at kalagayan. 5. Nagpapatalas ito ng kakayahang mangatwiran batay sa mga tiyak na kaalaman.

POP QUIZ

1.Mahahalagang pangyayaring nagaganap sa loob at labas ng bansa. a. Balita b. Patimpalak c. Palatuntunan d. Pagpupulong

Aaay, mali ang iyong sagot!!

Magaling, tama ka!...

2. Balitang may kinalaman sa larangan ng telebisyon, radyo, pelikula at tanghalan. a. Balitang Panlibangan b. Bali tang Pampalakasan c. Balitang Pandaigdig d. Tuwirang Balita

Sori, Hindi mo nakuha!

Korek, may tama ka!

3. Itinuturing itong hilaw na balita.

a. Tuwirang Balita b. Paunang Balita c. Balitang Pampalakasan d. Balitang Pampulituka

Haynaku, mali pakibasa ulit!

Tumpak, tama ka!

4. May kinalaman sa pangyayaring nagaganap sa ibat ibang bansa sa daigdig. a. Balitang Pantahanan b. Balitang Pambansa c. Balitang Pandaigdig d. Kinipil na Balita

Aaay, mali ka dyan!

Wow, ang galing mo hah!

5. May kinalaman ito sa mga palaro at kumpetisyong pampalakasan. a. Paunang Balita b. Balitang Pambansa c. Balitang Pandaigdig d. Balitang Pampalakasan

Mali ka tuloy!

Magaling ka

6. Ito ay buhat sa pinaghandaang okasyon. a.Tuwirang Balita b. Kinipil na Balita c. Balitang buhat sa Talumpati d. Paunang Balita

Haynaku, mali kah!

Galing mo naman!

7. Ito ang buod ng maliliit na balita na pinagsasama-sama. a. Balitang Pambansa b. Balitang Pang-edukasyon c. Paunang Balita d. Kinipil na Balita

Sori, hindi tama ang sagot mo..

Mahusay, nice one!

8. May kinalaman ito sa mga pangyayaring nagaganap sa larangan ng edukasyon. a. Balitang Pantahanan b. Balitang Pang-edukasyon c. Balitang Pandaigdig d. Balitang Pambansa

Paki basa nga ulit ang tanong..

Magaling, tumpak ang iyong sagot!

9. Mga pangyayaring may kinalaman sa larangan pulitika at mga pulitiko. a. Balitang Pampulitikal b. Balitang Pambansa c. Balitang Pandaigdig d. Balitang Pantahanan

Aaay, mali kah!

Ang husay mo naman

10. May kinalaman sa wastong pamamahala ng tahanan. a. Tuwirang Balita b. Kinipil na Balita c. Balitang Pantahanan d. Balitang Pang-edukasyon

Haynaku, mali ang sagot mo!

Mahusay, binabati kita

Maraming Salamat po!


at

Magandang Araw
Inihanda ni: Angelica V. Ayson

BSE II Filipino

You might also like