You are on page 1of 4

History of Islam in the Philippines -----------------------------------

------ Ang Islam ay nakilala sa Pilipinas noong 13 siglo sa


pamamagitan ng isang Arabong Misyonaryo na si Sharif Makhdum
na lumapag sa Sulu. Ipinagawa niya ang unang Masjid sa
Pilipinas sa Tubig-Indangan, Pulo ng Simunol, Lalawigan ng Tawi-
Tawi. Ang natitirang bahagi ng Masjid ay makikita pa rin sa dati
niyang kinalalagyan. Si ...Makhdum ay namatay sa Pulo ng
Sibuto, Lalawigan ng Tawi-Tawi at ang kanyang puntod ay
dinadayo ng mga turista hanggang sa ngayon Ng taong 1390, si
Rajah Baginda ay dumating sa Bansa at pinagpatuloy ang
pagpapalaganap ng Islam na sinimulan ni Sharif Makhdum. Si
Abu Bakr ay dumating sa Jolo noong 1450 at pagkatapos ay
pinakasalan niya ang dalagang anak ni Rajah Baginda na si Putri
(Princess) Paramisuli. Si Abu Bakr ang nagtatag sa tinatawag na
Sultanate of Sulu na kung saan silang mag-asawa ang naging
unang Sultan at Sultana. Pagkatapos maitatag ang Islam sa Sulu,
ang mga Muslim ay naglakbay patungong Mindanao sa
pamumuno ni Sharif Kabungsuwan. Siya ay lumapag sa
Maguindanao (Cotabato) sa taong 1475 at pagkatapos ay
pinakasalan niya si Putri Tunina. Sila rin ang kauna-unahang
Sultan at Sultana sa Maguindanao. Sa paglipas ng maraming
taon, maraming Datu na Muslim ang pumunta sa Pilipinas
pagkatapos marinig ang magandang balita sa magandang
pagtanggap sa mga naunang Muslim. Magmula sa Borneo ay
dumating ang sampung Datu na lumapag sa Panay. Ang mga
Datung ito ay sina : Datu Puti, Datu Sumakwel, Datu Bangkaya,
Datu Dumalogdog, Datu Paiburong, Datu Paduhinog, Datu Lubay,
Datu Dumangsil, Datu Kalantiaw at si Datu Balensula. Si Datu
Puti ang siyang pinuno ng grupo ng mga Datu. Si Datu Puti ay
dalubhasa sa paglalakbay at sila'y lumapag sa San Joaquin, Iloilo
(ang pangalan nito noong una ay Siwaragan). Si Datu Puti at ang
mga kasama niya ay binili ang mababang lupa sa Iloilo na
nagmula kay Marikudo, ang pinuno ng mga Ita. Nagtatag sila ng
sarili nilang pamayanan. Nang ang pamilya ng mga taga Borneo
ay natatag sa Panay, si Datu Puti, si Datu Balensula at si Datu
Dumangsil ay naglakbay muli at kanilang narating ang Batangas
na sakop ng Luzon. Si Datu Balensula at si Datu Dumangsil ay
nagtatag ng sarili nilang pamayanan at si Datu Puti ay nagbalik
sa Borneo sa daang Mindoro at Palawan. Isinalaysay niya ang
kanyang karanasan sa mga Borneans at dumami ang nabighani
para makapunta sa Pilipinas. Nang lumapag si Magellan sa Pulo
ng Limasawa noong ika-16 ng Marso 1521, ang Pilipinas ay isa ng
Bansa ng mga Muslim sa kadahilanang ang karamihan ng
populasyon ay mga Muslim na. Pinatutunayan din sa kasaysayan
na noong dumating si Legaspi (ang pumalit kay Magellan na
napatay ni Lapu-Lapu), ang kaharian ng mga Muslim ay naitatag
na sa Batangas, Pampanga, Mindoro, Panay, Catanduanes, Cebu,
Bohol, Samar, Manila, Palawan, na hindi pa kasali ang solidong
mga Pulo ng Mindanao. Noong ika-13 ng Hunyo 1571, ang mga
Kastila ang nagpasimula ng mainit na digmaan laban sa mga
Muslim ng Maynila na pinamumunuan ng huling haring Muslim na
si Rajah Soliman (ang pinuno ng mga Sultan sa Luzon).
Ipinagtangol ni Rajah Soliman ang kanyang kaharian ng buong
tatag hanggang sa kahulihulihang hibla ng kanyang buhay na
nangyari sa Bangkusay, (sa dalampasigan ng Tondo). Sa
pagkatalo ni Soliman, ang mga Kastila ay nagdulot ng lagim sa
Pulo ng Luzon. Pinatay nila ang mga lalaki at babae, matanda at
bata. Ang mga Muslim sa karatig bayan ay nagtangol sa kanilang
mga sarili hanggang sa kanilang huling hininga. Itak at palaso
laban sa baril at kanyon. Itinatag ng mga Kastila na pangunahing
lugar ang Manila at nagplano sila na lusubin ang Visayas. Sa
maikling sandali, nalupig nila ang Visayas. Ang mga Muslim na
hindi namatay sa digmaan ay napilitang talikdan ang kanilang
relihiyon at tanggapin ang Kristiyanismo. Pero ang mga
matatapang at bayani ay mas nilubos pa nilang mamatay kaysa
sumira sa ALLAH (Subhanahu Wa Taala). Ang mga katutubo na
mahihina ang pananampalataya sa kanilang dating relihiyon ay
tinangap ang relihiyon ng mga Kastila. Hindi huminto ang mga
Kastila sa pagsakop sa Luzon at Visayas. Di pa sila nakontento,
pinangarap pa nilang masakop ang mayamang lupain ng
Mindanao. Pero ang mga tribu ng Kalagan, Maguindanao, Iranon,
Maranaw, Tausog, Yakan at Sama, nilabanan nila at pinahinto
ang pangarap ng mga Kastila. At doon nagsimula ang tumanyag
na digmaan ng mga Muslim at Kastila. Dalawang bagay ang
dahilan kung bakit nagkaroon ng digmaan : 1) Gusto ng mga
Kastila na siyang maghari at sakupin ang mga Muslim pero mahal
ng mga Muslim ang kanilang kalayaan at mas gugustuhin pa
nilang mamatay kaysa maging alipin ng mga Kastila. 2)
Nagpahayag ang mga Kastila ng mensahe ng Kristiyanismo sa
pamamagitan ng espada kaya't nag-alsa ang mga Muslim at
ginamit ang kanilang kris at bolo para ipagtanggol ang Islam
hangang sa huling sandali. Ang mga Datus na nagtangol sa lupain
ng Mindanao laban sa kasakiman ng mga manlulupig na Kastila
ay ang mga sumusunod : 1) Si Sultan Pangiran na isang Tausog,
ipinagtanggol niya ang lugar ng Zamboanga at Sulu. 1) Pinatay
nila Datu Sirugan at ang kanyang kapatid na si Datu Ubal ng
Maguindanao si Kapitan Figueroa na isang Kastilang mananakop.
1) Sa ginawang paglusob ng mga Kastila sa Mindanao, naghiganti
sina Datu Sirugan ng Maguindanao at si Datu Buisan ng Lanao ng
isa ring maingat na paglusob. Nilusob nila ang Cebu, Negros at
Panay at nabihag nila ang maraming Kristiyano at sila ay kanilang
ginawang alipin. 1) Si Datu Tagal ng Cotabato ay nakapatay ng
maraming mandirigmang Kastila. 1) Si Sultan Kudarat ng
Cotabato, ipinagtanggol niya ang Lamitan hanggang siya'y
napilitang lumipat sa Iligan dahil sa napakalakas na puwersa ng
mga Kastila. 1) Si Sultan Bungsu ng Zamboanga ay nakipaglaban
sa mga mananakop ng buong giting. Nang ang kanyang asawa na
si Pangian Tuan Baloca ay nahuli ng mga Kastila, sinikap niyang
maging maganda ang kanyang pakikidigma hanggang sa makuha
niya ang Jolo noong taong 1645 sa mga kamay ng mga Kastila at
iniutos niyang sirain ang kanilang garison na itinayo sa
Zamboanga. 1) Si Sultan Jamaluddin Al Alam at si Sultan
Badruddin II ang siyang nagpatuloy ng pakikidigma para
protektahan ang Mindanao hanggang sa dumating ang mga taga-
Britanya. Sa dahilang hindi malupig ng mga Kastila ang mga
Muslim, sila ay napilitang lumagda ng kapayapaan at nagbayad
ng buwis kay Jamaluddin at Badruddin. 1) Si Datu Udtog ng
Cotabato ang siyang pumatay kay Gobernador Emilio Terrero na
isang Kastila. 1) Si Datu Ali ng Baloi, Lanao, napatay niya ang
Gobernador ng Misamis na si Valeriano Weyler. 1) Pinatay ng
mga magigiting na Maranaw si Heneral Ramon Blanco sa huling
pagsubok ng mga Kastila na sakupin ang Mindanao. Ang
pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas ay nagwakas noong taong
1898 at ang mga Amerikano ang siyang pumalit sa mga Kastila.
Sa mahigit na tatlong daang taon na sinubukan ng mga Kastila na
sakupin ang mga Muslim, ang Espanya ay bumagsak at napahiya
dahil ang mga Muslim sa Mindanao ay nagtagumpay na
maipagtangol ang Islam sa Mindanao. Ganoon din ang nangyari
sa mga Amerikano at Hapon na walang nagawa para sakupin ang
mga Muslim. Dito natin makikita ang kapangyarihan at
kadakilaan ng ALLAH (Subhanahu Wa Taala) na kapag ginusto
Niya, walang makapipigil lalo na't ipinaglalaban ng mga Muslim
ang relihiyon ng ALLAH, ang Islam. Kaya't masugid naming
mambabasa, buksan ang kaisipan at damdamin para ang ganap
na gabay at liwanag tungo sa Kanya at makamtan. Manumbalik
loob tayo sa dati nating relihiyon, ang Islam, at ang kapayapaan
at kapanatagan ay mapapasaatin. Nawa'y gabayan tayo ng
ALLAH (Subhanahu Wa Taala) para makamtan natin ang
kaligtasan at kaligayahan tungo sa buhay na walang hanggan -
ang PARAISO. References : 1) Muslim In The Philippines by Prof.
Muhammad Kurais 2) Philippine Islamic History by Ustadz Ismael
Iljas 3) The Land Of Promise " MINDANAO " by Senator Santanina
Tillah Rasul (Al Hadja) 4) Salsila by Ustadz Habib Zain

You might also like