You are on page 1of 15

Pag-aalaga ng Sanggol

I.Subject Name:EPP-VI(H.E.)
II.Lesson Reference No.:4
III.Lesson Title:Pamamaraan sa pag-aalaga ng Sanggol
IV.Lesson Description:
Ang araling ito ay tunkol sa mga pamamaraan sa pag-aalaga ng sanggol
V.Learning Outcome:
Sa katapusan ng aralin,ang mga bata ay inaasahang:
*matutuhan ang mga pamamaraan sa pag-aalaga ng sanggol
*maisagawa ang mga pamamaraan sa pag-aalaga ng sanggol
VI.Learning Presentation:
Tingnan ang larawan sa ibaba:



















A.Basahin ang mga impormasyon sa link na ito.
http://www.fnri.dost.gov.ph/wp/sanggolpagkain.htm

http://ronibats.com/images/blog/sanggol.jpg

B .Basahin ang sumusunod na mahahalagang impormasyon:
Mga pamamaraan sa Pag-alaga ng Sanggol
1.Pagpapakain(basahin sa link na nasa itaas)
2.Pagpapatulog - ang bagong silang na sanggol ay halos natutulog lamang sa buong
araw.Gumigising lamang siya kapag pakakainin(pasususuhin),paliliguan at bibihisa.Kailangan ng
sanggol ng isang lugar na mahangin,malinis,tuyo at may magandang bentilasyon upang
makatulog siya ng mahimbing.Maaari siyang patulugin sa isang kuna o kolong-kolong ngunit
tiyakin na ito at malinis,lapat ang higaan o may kutson upang maginhawahan siya sa
pagtulog.Huwag siyang gigisingin o gagambalain sa kanyang pagtulog.Kapag siya ay nagising na
at hindi naman umiiyak huwag siyang kargahin upang hindi mamihasa.
3.Pagbibihis at pagpapalit ng lampin - Kailangan ng sanggol ang damit na payak,madaling isuot
at tanggalin.Puti ang karaniwang damit na isinusuot natin sa sanggol upang malaman kaagad
kung ito ay madumi na.Iwasang suotan ang sanggol ng susun suson o patung patong.Palitan
kaagad ang lampin kung ito ay basa na upang maiwasan ang pamumula ng puwitan at
pagkakaroon ng diaper rash.Hugasan ng maligamgam na tubig at sabon ang puwitan ng
sanggol,tuyuin ng bulak at lagyan ng langis o pulbos saka palitan ng diaper.
4.Pakikipaglaro-Mahalaga ang paglalaro sa sanggol sapagkat ito ay nagsisilbing ehersisyo na
makatutulong sa kanya upang lumaki siyang malakas at malusog.Ang paggalaw,pagtaas at
pagbaba ng kanyang mga kamay at paa ay isang laro na para sa sanggol.Kailangan ng sanggol
ang laruan na may matitingkad na kulay,tumutunog,gumagalaw upang mahasa ang kanyang
paningin at pandinig.Iwasan ang pagbibigay ng laruan na matutulis at makasasakit sa
kanya.Kapag ang sanggol ay marunong nang gumapang hayaan siyang maglaro sa sahig ngunit
tiyakin lamang ito ay malinis at ligtas ang sanggol.Kapag isang taon na ang bata hayaan siyang
maglaro sa labas ng bahay upang makasagap siya ng sariwang hangin at sikat ng araw.

MGA DAPAT TANDAAN NG MAHUSAY NA TAGAPAG-ALAGA
1.Tiyaking malinis ang mga kamay bago hawakan ang sanggol o bago gumawa ng anumang
bagay para sa sanggol.
2.Iwasang dalhin ang sanggol sa lugar na masisikip at maraming tao kung saan makakasagap
siya ng sakit at mikrobyo.
3.Iwasang painumin ang sanggol ng kape, tsaa o anumang inuming may halong alkohol.Iwasan
din ang pagbibigay ng kendi at tsokolate upang mapangalagaan ang kanyang mga ngipin.
4.Bigyan ng sapat na oras para matulog ang sanggol.Patulugin siya sa lugar na malinis at may
magandang bentilasyon.
5.Iwasan ang pagkarga sa bata tuwing siya ay umiiyak upang hindi mamihasa.
6.Painumin ang sanggol ng pinakuluang tubig o katas ng kalamansi kapag nauuhaw.Mainam
itong gawin sa umaga pagkatapos maligo ang sanggol.
7.Laging bantayan ang sanggol na marunong nang gumapang upang matiyak na lagi siyang
ligtas.

VII.Learning Activity:
A.Ilarawan ang sanggol na inyong nakita.
Ano ang masasabi ninyo sa larawan?

B.Isulat sa inyong kwaderno ang mahahalagang impormasyon na inyong nabasa sa tungkol sa
pag-aalaga ng sanggol

VIII.Learning Evaluation:
Sagutan ang maikling pagsusulit sa www.prongo.com
IX.Assignment:Anu-ano ang mga gawaing inyong ginagampanan sa inyong tahanan?


Mahinang Kumain
is Baby

OTHER PUBLICATIONS
Written by Elsie R. Navarro, NCS-RUMD
Ayon sa "Nutritional Guidelines for Filipinos", ang sanggol ay dapat na pasusuhin ng gatas ng
ina lamang, simula pagkasilang hanggang sa ika-anim na buwan. Pagkaraan ng anim na buwan,
dapat ay bigyan na siya ng mga karagdagang pagkain upang sanayin siya sa mga bagong lasa na
siyang kailangan ng kanyang katawan upang siya'y lumaking maayos at malusog.
Mga paraan ng pagpapakain kay baby:
* Subukan si baby kung siya ay handa na sa pagtanggap ng bagong pagkain sa pamamagitan ng
paglalagay ng kutsarita sa kanyang bibig.
- kung isinara ni baby ang kanyang bibig o patuloy naitinutulak ang kutsarita, siya ay hindi pa
handa; huwag pilitin.
- kung si baby ay magpakita naman ng pagtanggap ng pagkain sa pamamagitan ng paggamit ng
kutsarita, simulan na siyang dulutan ng malabnaw na lugaw. Gawing malapot ito, kung siya'y
sanay nang kumain. Unti-unting idagdag ang linigis, hinimay at hiniwang maliliit na pagkain
habang lumalaki si baby.
* Pasimulan ang pagdudulot ng bagong pagkain ng kaunti kaysa itinatagubilin, at unti-unting
dagdagan hanggang matamo ang daming kinakailangan habang nasasanay sa lasa.
* Bigyan ng pagkaing tinadtad ng pino sa simulang magka-ngipin ang sanggol. Ang biskotso o
malutong na tinustang tinapay ay mainam ibigay sapagkat tumutulong itong maging malusog
ang gilagid, at maayos na paglabas ng ngipin.
* Bigyan siya ng mga pagkaing may iba't-ibang hugis at kulay, tulad ng mga tinadtad na
berdeng dahon at iba pang dilaw na gulay.
* Sanayin muna ang sanggol ng 3 hanggang 4 na araw bawat bagong pagkain, bago pasimulang
muli ng ibang pagkain.
* Iwasan ang pagdudulot ng sabay ng dalawang bagong pagkain.
* Iwasan din ang mga sumusunod:
- ang maaalat na pagkain na makapipinsala sa kanyang bato
- ang mga pagkaing matatamis na magiging sanhi ng labis na timbang o pagkasira ng ngipin
* Ipakita ang inyong kasiyahan habang pinakakain ang sanggol, upang siya ay mawili at
masiyahan ding kumain ng iba't-ibang pagkain.

Sa ganitong mga paraan, si baby ay lalaking malusog at maganang kumain.

anging Gatas ng Ina - Sapat sa Unang 6
na Buwan

WP - Jan-Dec 2003
Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and
Technology (FNRI-DOST), ang gatas ng ina ay sapat nang makatutugon sa pagkain at likidong kailangan
ng sanggol mula pagkasilang hanggang anim (6) na buwan.
Ang ika-lawang mensahe ayon sa Gabay sa Wastong Nutrisyon Para sa Pilipino ay "Pasusuhin ang
sanggol ng gatas ng ina lamang mula pagkasilang hanggang 6 na buwan at saka bigyan ng mga angkop
na pagkain habang pinapasuso pa."
Ang gatas ng ina ang pinaka angkop na gatas para sa sanggol. Ito ay nagtataglay ng lahat ng
sustansyang kinakailangan ng sanggol sa tamang uri at sukat. Ang likidong kailangan ng sanggol ay
makukuha rin sa gatas ng ina kaya ang pagbibigay ng tubig, tubig na may asukal o katas ng prutas bago
mag-anim na buwan ang sanggol ay hindi pa minumungkahi.
Isang dahilan dito ay, hindi pa handa ang digestive system ng sanggol upang tanggapin ang ibang
pagkain maliban sa gatas ng ina. Dagdag pa rito, kung ang bote at tsupon o dili kaya ang tubig na
gagamitin ay hindi malinis, ito ay puwedeng mauwi sa pagtatae ng sanggol.
Marami sa mga ina ang nangangamba na baka hindi sapat ang daloy ng kanilang gatas. Narito ang
ilang mga praktikal na palatandaan na makapagbibigay hudyat na nakakakuha ng sapat na gatas si
baby.
Dalas ng breast-feeding - iminumungkahi na pasusuhin ang sanggol kapagdaka napanganak.
Ang ina ay maaaring magpasuso makalipas ang 30 minuto pagkapanganak. Kadalasan ang
sanggol ay sumususo ng 2 hangang 4 na beses sa unang dalawang araw. Pagdating ng
tatlong araw dumadalas ang pagsuso ng sangol sa 10 beses o higit pa. Sa kalaunan nagiging
regular ang paghingi ng gatas ni baby tuwing lilipas ang 3 o 4 na oras.
Mahimbing na pagtulog - ang sanggol na nakasuso ng sapat na gatas ay nakakatulog ng
mahimbing. Minsan nakakatulog ang sanggol habang sumususo, Ingatan lamang ang pag-
awat sa bibig ng sanggol upang hindi magising.

Dami ng ihi - ang nakakasuso ng tamang gatas ay umiihi at dumudumi ng normal. Hindi
bababa sa anim na beses sa isang araw ang pag-ihi ng sanggol, at manilawnilaw ang kulay
nito. Normal din na dumumi ang sanggol pagkatapos sumuso. Sa kalaunan nagiging regular
sa isa hangang dalawang beses sa isang araw ang pagdumi ng sanggol.
Timbang - ang timbang ang pinaka mabisang tanda kung ang sanggol ay nakakasuso ng
sapat na gatas ng ina. Sinasabi ng mga dalubhasa na ang birth weight ng sanggol ay dapat
dumoble makalipas ang anim na buwan, at ito naman ay dapat maging triple makalipas ang
isang taon. Ang Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ay sumusunod ang
pamantayan ng International Reference Standard (IRS) upang ihambing at masubaybayan
ang tamang paglaki ng mga bata.


Breastfeeding

Tatalakayin sa FNRI
WP - Jan-Dec 2003
Naniniwala ang mga mambabatas ng Pilipinas na ang gatas ng
ina ang pinakamainam para sa sanggol. Kung kaya ipinagtibay ng kongreso ng Pilipinas ang batas na
Republic Act (RA) 7600 "The Rooming-In and Breast-feeding Act of 1992", mahigit ng isang dekada ang
nakalilipas.
Ang rooming-in ay ang pagsasama ng ina at sangol sa isang silid sa halip na ilagak ang sanggol sa
nursery room. Layunin ng rooming-in na mapasuso ni nanay ang kanyang sangol sa sandaling
mangailangan ng gatas si baby.
Naniniwala tayo na karapatan ng bawat ina na pasusuhin ang kanyang sanggol at karapatan din ni
baby na masuso ang gatas ng kanyang ina.
Ang unang daloy ng gatas ng ina ay tinatawag na colostrum. Manilaw-nilaw ang kulay nito, mayaman
sa bitamina at antibodies na panlaban sa mikrobyo.
Iminumungkahi ng Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology
(FNRI-DOST) na "Pasusuhin ang sanggol ng gatas ng ina lamang mula pagkasilang hanggang 6 na
buwan at saka bigyan ng mga angkop na pagkain habang pinapasuso pa".
Napagalaman na ang gatas ng ina ay nagtataglay ng lahat ng sustansya na kailangan ng sanggol sa
tamang kombinasyon sa unang anim na buwan.
Sapat din ang likido ng gatas ng ina upang matugunan ang pangangailangan ni baby kaya ang
pagpapasuso ng tubig o pagbibigay ng tubig na may asukal at fruit juice ng mas maaga kaysa anim na
buwan ay hindi iminumungkahi.
Tatlong palatandaan upang makasiguro na sapat ang gatas ng ina;
- Ang sanggol ay sumususo ng 15-20 minuto at nakakatulog ng mahimbing pagkatapos sumuso;
- Ang sangol ay umiihi ng hindi bababa ng 6 na beses sa isang araw;at
- Patuloy na tumataas ang timbang ng sanggol. Napag-alaman na dumodoble ang birth weight ng
sanggol makaraan ang anim na buwan at nagiging triple naman ito makalipas ang isang taon.



Alamin ang Wastong Pagkain Para sa Inyong
Sanggol

WP - Jan-Dec 2004
Written by Ma. Idelia G. Glorioso, RUMD
Alam nating lahat na ang gatas ng ina o "mother's milk" ang pinakamabuti at
pinakamahusay na pagkain para sa inyong sanggol sa unang anim na buwan. Ito ay para sa
kanyang mabilis na paglusog at paglaki. Subali't pagsapit ng ika-anim na
buwan ng sanggol, ang gatas ng ina ay hindi na sapat sa kanyang
pangangailangan kaya kailangan na niya ng complementary foods.
Ang pagbibigay ng complementary foods ay dapat napapanahon, sapat, ligtas at
angkop. Napapanahon ang karagdagang pagkain bukod sa gatas ng ina pagkatapos
ng anim na buwan at pataas. Sapat ito kung nasa tamang dami . Ligtas ang pagkain
ng sanggol kung ito ay malinis at walang nilalaman na maaaring magbigay ng sakit. Angkop ito kung
nasa tamang consistency o lapot o labnaw.

Ang mga sumusunod ay mga tagubilin tungkol sa wastong pagdulot ng pagkain sa inyong sanggol:
1) Karaniwan, pagkatapos sa ika-anim na buwan, ang sanggol ay handa na sa karagdagang pagkain,
Subukan kung siya ay handa na sa pagtanggap ng bagong pagkain sa pamamagitan ng paglalagay ng
kutsarita sa kanyang bibig:
a) Kung isinasara ng sanggol ang kanyang bibig o patuloy na itinutulak ang kutsarita, ang sanggol ay
hindi pa handa. Huwag na munang pilitin ang sanggol.
b) Kung ang sanggol ay magpakita naman ng pagtanggap ng pagkain sa pamamagitan ng kutsarita,
simulan dulutan ng malabnaw na lugaw. Gawing malapot kung sanay na. Unti-unting idagdag ang
linigis, hinimay at hiniwang maliliit na pagkain habang lumalaki ang sanggol.
2) Pasimulan ang pagdudulot ng bagong pagkain na mas kaunti kaysa sa itinatagubiling dami. Ang
mga sumusunod ay inirerekomendang daming pagkain: Unti-unting dagdagan hanggang matamo ang
daming kinakailangan habang nasasanay sa bagong lasa.
Karagdagang Pagkain
Gulang ng
Sanggol
(Buwan)
Dami o Sukat
Lugaw o Oatmeal
6
10-12 tasa malabnaw na lugaw
2 kutsarang linigis na lamang-ugat
8 tasa malapot na lugaw
1 tasa malambot na kanin
10-12 1 piraso tinapay o biscuit
Prutas
6 2 1/2 kutsarang hinog na saging, papaya o mangga
8 3 kutsarang hiniwa-hiwang malambot na prutas
10-12 4 kutsarang hiniwa-hiwang kahit na anong prutas
Gulay
7
1 kutsarang karot, sayote, abitsuwelas, patatas,
talbos ng kamote, kangkong, petsay at dahon ng
malunggay, niluto ng malambot at linigis.
8 1 kutsara, lahat ng gulay
10-12 1 kutsara, lahat ng gulay, niluto at tinadtad
Karne at kauri
Itlog

Karne /Isda/Manok

7 piraso, pula na itlog, luto
11 piraso, buong itlog, luto
6-11 1 1/3 serving* ng tinadtad na karne, isda o manok
10-12

1 tasa niligis na munggo, tatlong beses sa isang
linggo
12 2 tasang gatas
Ibang pagkain 8 1 kutsarita, custard, pudding, gulaman o jello
Taba (mantika,
margarina, mantikilya)**
6-11 4 kutsaritan margarina o mantika
Asukal 6-11 3 kutsaritang asukal
* 1 serving ng lutong karne = 30 gramo karne , 2 piraso katamtamang laki ng isda
** Ang taba o mantika ay maaaring isama sa lugaw o linigis na gulay o ginisa o piniritong lutuin.
3) Iwasan ang pagdudulot ng sabay nang dalawang bagong/uring pagkain. Sanayin muna ang
sanggol ng 2-3 araw sa bawa't pagkain. Halimbawa, dulutan ang inyong sanggol ng papaya. Sanayin
muna ang inyong sanggol sa papaya sa loob ng 2-3 araw bago dulutan uli ng ibang uri ng prutas tulad
ng saging, o mangga.
4) Ipakita ang inyong kasiyahan habang kumakain ang sanggol upang mawili siyang kumain ng iba't-
ibang pagkain.
5) Painumin ang sanggol ng tubig sa pagitan ng pagpapakain para sa mahusay na panunaw.
6) Sa ika-pitong buwan, turuan ang sanggol na uminom ng tubig at ibang likido mula sa tasa.
7) Bigyan ng pagkaing tinadtad nang pino sa simulang magkangipin ang bata. Ang biskotso o
malutong na tinapay ay mainam ibigay.
8) Iwasan ang pagbibigay ng mga maalat na pagkain na makapipinsala sa kanyang bato at mga
pagkaing matatamis na magiging sanhi ng labis na timbang at pagkasira ng ngipin.
9) Tanging bagong lutong pagkain o bagong talop na prutas lang ang ipakakain sa sanggol. Iwasan
ang pagbibigay ng mga tirang pagkain sa sanggol.
Tandaan na kahit ang inyong sanggol ay tumatanggap ng ibang pagkain kailangan pa ring ipagpatuloy
ang pagbibigay ng gatas ng ina. Sa wastong pagkain, higit na lulusog at sisigla ang inyong sanggol.


Kalusugan at pangangalaga ng bagong silang
Pangangalaga sa bagong panganak na sanggol
Ang mga sanggol ay lumalaki sa ibang kapaligiran na kakaiba mula sa katawan ng ina
pagkatapos nilang maisilang. Ang yugto ng bagong panganak (neonatal), isang buwan
pagkatapos silang maisilang, ay mahalaga para sa kanila na makibagay sa bagong kapaligiran.
Maghahandog tayo ng mga pangangalaga dahil maaaring may ilang mga physiological na
problema.
[Katahimikan]
Ang mga bagong panganak na sanggol ay kadalasang gumugugol ng panahon sa pagtulog
maliban sa pagpapasuso. Pagkatapos, ang silid ng sanggol ay dapat panatilihing maayos at
tahimik. Kahit na, hindi kailangang sadyang iwasan ang lahat ng tunog dahil ang wastong tunog
na kailangan para sa pagpapahusay ng pakikinig ay siyang magiging dahilan na magawa nilang
makibagay.

[Preserbasyon sa init]
Ang thermoregulation na kapasidad ng mga bagong panganak ay mas masama. Dapat alagaan
ng mga magulang ang temperatura ng kanilang katawan, panatilihin ang temperatura ng silid ng
sanggol na nasa mga 25-28, at mas pagbutihin ang pagiging mahangin ng loob.

[Mga damit]
Magmungkahi ng magaan, malambot, komportable, hindi kumukupas na mga damit, at iwasan
ang mga telang nylon na madaling masunog. Ang mga cotton na pang-ilalim, sumisipsip ng
pawis at hindi nagbibigay iritasyon, ay ang pinaka-akma. Ang estilo ng mga damit ay dapat
simple, hindi masyadong masikip o masyadong maluwag na makapigil sa galaw ng sanggol.

[Pagpapalit ng diaper]
Palitan kaagad ang mga diaper sa sitwasyon ng pag-ihi at pagdumi, hugasan ang puwit ng
mainit-init na tubig, at saka banayad na patuyuin gamit ang tuwalya na cotton.
[Paliligo]
Paliguan araw-araw ang mga sanggol, kung saan mapapanatili silang malinis at komportable,
mapapansin natin kung may mga abnormalidad ng katawan tulad ng erythema, ecchymosis at
trauma, at saka nagpapaalab din ito sa relasyon ng magulang -anak. Imungkahi ang pagligo
kalahating oras bago ang pagpapasuso, o isang oras pagkatapos magpakain upang maiwasan
ang pagsuka ng gatas, sa panahon na ang temperatura ay napakataas sa araw (mga 10:00
A.M.~02:00 P.M.). Panatilihin ang mainit-init na temperatura sa loob (mga 26-29) at wastong
temperatura ng tubig, at ipaagos muna ang malamig na tubig bago ang mainit(37.5-39),
gamitin ang panloob ng iyong pulso upang subukan kung ang tubig ay mainit at hindi
bumubukal. Kung gayon, maligo mga 5-10 minuto, mas mabuti. Iwasan ang pag-agos ng tubig
papunta sa mga tainga dahil sa takot ng otitis media o pamamaga ng tainga, linisin ang panlabas
na bahagi ng mga tainga ng malinis na bulak, at iwasan ang pagsuksok sa bulak nang malalim sa
loob ng tainga at ilong. Huwag iwanan ang mga sanggol nang hiwalay sa bathtub upang
maiwasan ang mga aksidente habang naliligo.

[Pangangalaga sa umbilical cord]
Layunin: Iwasan ang impeksiyon sa umbilical cord (mahabang bahagi ng pusod). Patuyuin ang
umbilical cord at madali itong matanggal. Obserbahan kung nagdurugo ito o di-normal.
Karaniwang natatanggal ito 7-14 araw pagkatapos maisilang ang mga sanggol. Bago iyan, dapat
tayong mangalaga sa umbilical cord bawat pagkakataon kada matapos maligo. Kung ito ay basa
o nangangamoy, dapat tayong higit na mangalaga at panatilihin itong tuyo. Makipagkita sa
doktor para sa diyagnosis kung ang bahagi sa paligid ng umbilical cord ay namumula, ang pusod
ay nagdurugo, may granulasyon at amoy kapag natatanggal ang pusod, hindi gumagaling ang
sugat. Pamatay-mikrobyo para sa umbilical cord: 75% ethanol at 95% ethanol.
Mga paraan ng pagpuksa sa mikrobyo: Patuyuin ang tubig ng pusod sa pamamagitan ng bulak
pagkatapos maligo, ibabad ang bulak sa kemikal na pamuksa ng mirobyo, idiin ang bahagi sa
paligid ng pusod sa pamamagitan ng hinlalaki at hintuturo upang ilantad ang lupi (ruffle), at
saka mag-disinfect mula sa loob ng pusod papunta sa labas nang 1-2 beses.
Itakip ang diaper sa umbilical cord upang maiwasan ang impeksiyon mula sa ihi. Pangalagaan
muli ang pusod kung basa ito sa pamamagitan ng ihi.

[IPag-iwas ng impeksiyon]
Dahil ang imunidad sa impeksiyon ng mga sanggol ay mababa, dapat nating hugasan ang ating
mga kamay bago sila hawakan o maghahanda ng pagkain ng sanggol, ihiwalay sila mula sa mga
taong may nakakahawang sakit, halimbawa, pagbawalan ang mga taong may sipon sa paghalik
sa kanilang mga labi upang maiwasan ang impeksiyon.

[Kunin ang temperatura]
Dahil ang sentro ng thermoregulation (pagpapanatili ng matatag na temperatura ng katawan)
para sa mga bagong panganak na sanggol, ay hindi matatag, ang pagbabago nito ay madaling
naaapektuhan ng panlabas na kapaligiran, mababa sa 36.1 at karaniwang mataas sa 37.7.
Ang bahagi para sa pagkuha ng temperatura ay ang puwit ng sanggol, o ang kilikili sa kaso ng
natatanging mga sitwasyon tulad ng pagtatae at polyp sa puwit. Dapat kunin ang temperatura
bago ang paliligo kada araw, sa anumang panahon na namumula ang mukha ng sanggol,
nanginginig ang mga braso at paa.

Pangangalaga ng ngipin Pag-iwas sa pagkakaroon ng bulok ng ngipin sanhi ng bote ng
dede
*Makikita ng mga magulang ang palatandaan ng bulok ng ngipin na sanhi ng bote ng dede
kapag ang bata ay mga isang taon at kalahating gulang. Ang bahagi sa harapang ngipin ng
sanggol na malapit sa gilagid ay mawalan ng calcium sa puti, saka magiging mapusyaw na dilaw
hanggang dahan-sahang maging matingkad na kayumanggi. Kung hindi mo iyan makokontrol,
ang mga bulok sa ngipin ay madaling pupuno sa paligid ng ngipin. Pagkatapos, ang mga ngipin
ay malamang na mabasag kung matumba ang mga bata (madalas sa mga maliliit na bata) at
magpapasunggo sa ngipin. Ang hindi wastong paraan ng pagpapadede at oras ay nagpapadali sa
pagkalat ng mga bulok sa bagang.
*May apat na aspeto na idinadahilan sa pagkabulok ng ngipin sa mga bote ng dede mikrobyo,
fermentation carbohydrate, mga ngipin at panahon, walang maitatapon. Ang pansamantalang
mga ngipin ay tumatanggap ng streptococcus mutans mula sa mga magulang o minder
pagkatapos ng pagngingipin, ang fermentation carbohydrate ay nananatili nang mas matagal sa
paligid ng ngipin sa pamamagitan ng hindi wastong mga paraan ng pagpapadede, ang lahat ay
sanhi ng paglabas ng mga bulok sa ngipin.

Paano gamutin ang mga bulok sa ngipin sa pagpapadede?
Ang mga bulok sa ngipin sa pagpapadede ay makapagdudulot ng sakit sa sukdulan, pupuno sa
wormhole sa maliit na kaso, magdudulot ng pamamaga sa malubhang kaso, at maging sanhi pa
ng pamamaga ng mukha, na kailangang tanggalin o gamutin sa pamamagitan ng root canal
therapy. Ang malubhang bulok ng ngipin sa pagpapadede ay magdudulot ng kawalang-
kaginhawaan sa pagkain, makakaapekto sa pagbigkas at sa pagkakaayos ng permanenteng
ngipin. Mas higit na mahirap para sa dentista ng mga bagong panganak na sanggol ang
paggamot sa mga nagtitiis ng mga bulok na ngipin sa pagpapadede na mas bata. Kaya, kung
paano iwasan ang mga bulok sa ngipin sa pagpapadede ay mahalaga.

Paano iwsan ang mga bulok ng ngipin sanhi ng pagpapadede?
Kargahin ang mga sanggol sa mga bisig para sa pagpapadede ng nakaboteng gatas o ng gatas ng
ina pagkatapos silang maisilang, at imungkahi ang pagpapadede nang higit sa 20 minuto.
Tanggalin ang nalalabing gatas mula sa cavity ng bibig sa pamamagitan ng mamasa-masang
gasa o tuwalya kada matapos ang pagpapadede kahit na hindi pa nagngingipin. Samantala,
maaari nating sipilyuhan ang kanilang ngipin ng malambot na sipilyo pagkatapos lumabas ang
ngipin upang mabuo ang magandang kaugalian mula pagkabata. Hayaang uminom ang mga
bata ng gatas sa baso nang dahan-dahan kapag sila ay 6-9 na buwan. Dalhin sila sa dentista
kung ang pansamantalang ngipin ay paisa-isang lumabas kapag sila ay 6 na buwan~1 taong
gulang.

Pagsasanay sa pag-ihi at pagdumi
*Oras ng pagsasanay
Ang anal sphincter ay nasa kontrol kapag ang mga sanggol ay 18-24 buwang gulang. Tungkol sa
oras ng pagsasanay sa pag-ihi, ang pantog ng ihi ay maaaring mag-imbak ng ihi nang dalawang
oras kapag sila ay 1 taon at tatlong buwang gulang o isa at kalahating taong gulang, ngunit hindi
ito nangangahulugan na makapagkokontrol sila sa kanilang kagustuhan. Karaniwan, mas mabuti
para sa pagsasanay kapag namulat sila sa pagbinat ng pantog sa 18-24 buwang gulang.
*Mga hakbang ng pagsasanay
Sa panahon ng pagsasanay, dapat ang mga magulang ay may ugali na mabuti, relaks natural at
hindi masyadong mahigpit na makahanap ng problema at maglalagay sa kanilang anak sa ilalim
ng pamumuwersa. Bago nila matutunan ang ekspresyon, sasabihin natin sa kanila nang malinaw
na ang sanggol ay umihi sa kama, dumumi ang sanggolkapag sila ay umihi o dumumi
sa salawal. Samantalahin ang kilos na likas ng sanggol sa paggaya, hayaan ang mga sanggol na
obserbahan kung paano ang mas malalaking bata o nasa hustong gulang pumunta sa palikuran,
o magsagawa ng demonstrasyon sa pamamagitan ng mga manika. Habang nagsasanay, huwag
gumamit ng mga diaper, hayaan silang magsuot ng mga salawal na madaling tanggalin at
maghanda ng karagdagang mga salawal. Kung sasabihin nila sa mga magulang ang tungkol sa
pag-ihi sa higaan, dalhin sila sa palikuran, at tulungan sila sa bedpan, at subukan silang kumilos
nang sarili, bigyan sila ng lakas ng loob at papuri. Turuan sila nang paulit-ulit nang hindi sinisisi
kung di-sinasadyang mabigo sila. Kung walang pag-unlad pagkatapos ng sampu o labinlimang
araw ng pagsasanay, ibig sabihin na hindi pa hinog ang physiology ng mga sanggol, maaari
tayong huminto sa pagsasanay pagkatapos ng ilang araw. Huwag ipakita ang iyong pakiramdam
o pagkasuklam na ang dumi ng mga sanggol ay marumi. Hayaan silang matuto na gumamit ng
ibat ibang mga kasangkapan para sa pag-ihi o pagdumi sa ibat ibang kapaligiran.

Karaniwang problema sa bagong panganak na sanggol
*Pagsuka ng gatas at pagsusuka
Pag-iwas at paggamot:
Iwasan na masipsip ng mga bagong panganak ang hangin, palabasin ang hangin pagkatapos ng
pagpapadede upang maiwasan ang pagsuka ng gatas. Sa sitwasyon ng pagsusuka, dapat natin
itong linisin, iangat ang kanilang mga ulo at likod, o hayaan silang humigang nakatagilid sa
kanilang kanang bahagi.
*Jaundice
Ang atay at apdo ng bagong panganak na sanggol ay hindi pa nagma-mature, hindi makatanggal
ng mas napinsalang erythrocyte o pulang selyula ng dugo, mas dinagdagan ang problema sa
heme metabolism, at saka nagpapalitaw sa jaundice. Ang jaundice ay karaniwang nagaganap sa
ika-3 hanggang ika-4 na araw pagkatapos maisilang ang mga sanggol, dumating sa sukdulan sa
4-5 araw at dahan-dahang nawawala mga 7-10 araw pagkatapos. Ito ay normal at tinatawag na
physiological jaundice.
*Mga tatandaan:
Kung hindi mawawala ang jaundice, painumin ang mga sanggol ng mas maraming tubig at ilabas
ito sa ihi at dumi. Mapapansin pa rin natin ang kulay ng kanilang balat, galaw at gana sa pagkain
pagkatapos sila mailabas mula sa ospital, kargahin sila sa mga bisig sa lugar na may sinag ng
araw o sikat ng araw, at idiin ang noo, ilong at pisngi nang banayad gamit ang mga daliri upang
tingnan kung ang balat ay mas mataas at mas mataas pa rin. Mangyaring makipagkita kaagad sa
doktor kung ang jaundice ay tumatagal nang 10 araw nang hindi nawawala.
*Milium
Sanhi ng pagkabara ng sebaceous gland, ang milium ay nagaganap kapag isinilang ang mga
sanggol, mas marami sa noo, tulad ng puti at maliliit na tigdas at nawawala sa iilang linggo nang
hindi nangangailangan ng paggagamot.
*Miliaria Ang tanging paraan ng pagpigil ay iwasan ang pamamawis. Upang matupad ang
layunin, dapat pasuutin ang mga sanggol ng maluwang at sumisipsip ng pawis na mga damit,
hindi napakaraming kasuutan, dapat panatilihin ang pagka-mahangin.
*Namumulang balakang
ang namuulang balakang ay madaling naidudulot sa mga sanggol na may sensitibong
Sanhi:
Dahil ang mga balakang ay naiistimula ng maraming beses ng ihi at dumi, natatakpan ng mga
diaper na hindi napapasukan ng likido, at pagkatapos balat.
*Sintoma:
May ekstensibong erythema, pamumula o kahit na mga vesicle fester sa puwit at perineum.
Ang ilang mga bahaging magaspang tulad ng kraftpaper ay namumula at nagtatalupan, at iba
pa.
*Mga tatandaan:
Palitan nang madalas ang mga diaper, linisin ang balat na naabot ng diaper at panatilihin itong
tuyo pagkatapos ng pag-ihi at pagdumi. Habang naglalagay ng telang diaper, labhan ito gamit
ang sabon sa halip ng washing power at pampaputi na tubig, ibilad ito sa araw para sa
pagpapaalis ng mikrobyo at pagpapatuyo. Ibilad ang apektadong bahagi sa tuyong init, kaysa
maglatag ng pampaligong pulbo sa bahagi dahil magdudulot ito ng mas maraming iritasyon.
Makipagkita sa doktor para sa diyagnosis kung hindi bumuti ang mga sintoma.
*Eczema
Malamang na magdulot ito ng miliaria o hidradenitis kapag ang mga bagong panganak na
sanggol ay nagsususot ng mas maraming damit, mga coating o namamawis sa mahalumigmig at
mainit na klima. Ang katulad na eczema ay karaniwang nakatuon sa ulo, leeg, balakang at hilera
ng buhok. May mga namumulang nodule na may ibat ibang sukat o maliliit na tigdas sa
malinaw na bagay, kumakati hanggang sa malubhang sukdulan. Kaya, mahalaga na panatilihin
ang pagkatuyo, magsuot ng komportable, sumisipsip ng pawis at mahangin na mga damit.
Makipagkita sa doktor para sa diyagnosis sa kaso ng pangangati.
*Thrush
Ang thrush ay isang impeksiyon ng trace bacteria sa bibig, na may hitsura na katulad ng bloke
ng gatas tingnan. Mahirap itong tanggalin, at makakaapekto sa dami ng gatas ng bagong
panganak. Dapat nating panatilihin na malinis ang bibig para sa pag-iwas.

Pagsusuri para sa bagong panganak na sanggol
Ang pagsusuri sa bagong panganak na sanggol o neonatal screening ay ang daglat ng
Neonatal inborn errors of metabolism screening, na may layunin na hanapin nang mas maaga
ang mga sanggol na nagtitiis mula sa mga inborn error (pagkakamaling dala ng pagkasilang) ng
metabolismo pagkatapos silang maisilang, magbigay nang mas maagang paggamot, subukang
lumaking normal ang mga nagtitiis, at mabawasan ang nakamit na mga kapansanan. Nagsimula
mula Hulyo 1, 2006, ang mga item sa screening na idinagdag ng Kagawaran ng Edukasyon ng
Asemblea ay hanggang 11. Karaniwan, ang dugo sa sakong ay kokolektahin para suriin
pagkatapos ng 48 oras kapag ang sanggol ay naisilang at napakain, at ang resulta ay makukuha
sa isang buwan. Kung hindi normal, ipapaalam sa iyo ng medikal na institusyon para sa
ikalawang pagsusuri, kung normal, walang mga abiso.



TAMANG PAGPAPALIGO SA SANGGOL


Ang pagpapaligo sa sanggol ay maaaring gawin isang beses sa isang araw ngunit ito lamangay
limitado sa pagpupunas ng mukha at katawan ng sanggol at ang pagpapalit ng lampin(diaper).


Bago simulan ang pagpapaligo, siguraduhin ang temperature ng paligid ay mainam para
sasanggol; hindi masyadong malamig


Dapat nakahanda ang mga gamit na kailangan para sa papapaligo ng sanggol gaya ng
sabon,bimpo, twalya, suklay, palangganang may tubig, damit at diaper.


Siguraduhing maligamgam ang tubig na gagamitin para sa pagpapaligo sa sanggol.
Maaringgamitin ang siko para malaman kung katamtaman na ang temperatura ng tubig
pampaligo.


Magsimula muna sa mata at mukha, isunod ang katawan at ihuli ang pagpapalit ng
diaper.Punasan ang mata ng sanggol simula sa loob papalabas gamit ang bimpo. Ang
paghuhugassa mukha ay hindi ginagamitan ng sabon sapagkat ito ay nakakairita sa balat ng
sanggol.


Sa paghuhugas ng buhok ng bata, sabunin muna ang buhok ng sanggol habang ito aynakahiga
sa palanggana. Banlawan at punasan ng mabuti ang buhok para maiwasang ginawinang sanggol


Hugasan ang buong katawan gamit ang sabon. Banlawan ng mabuti upang walang
maiwangsabon na nagdudulot ng panunuyo ng balat ng sanggol.


Sa pagpapalit ng diaper, linisin muna ang pwet ng sanggol at punasan ito ng maigi
paramaiwasan ang pagpapantal dulot ng diaper.


Bihisan ng maayos ang sanggol para hindi ito lamigin.Mula sa: Maternal and Child health
nursing (Pilliteri)Gawa ni: Katrine Belle M. Valdez, SN

You might also like