Parang nakikipag-usap ka lang sa anak mo. Isulat mo lang ‘yung nasa loob mo, ‘yung gusto mong sabihin.
‘Di ba nakakaalangan ‘yun. Eh, ‘di ko alam kung pa’no ‘yung
magiging reaction niya. Baka … tsk … alam mo na …
Special letter ‘yun. Pananabikan niya. Matutuwa siyang
makatanggap sa iyo. Marami kasi sa pag-iisipan niya sa retreat ay may kinalaman sa iyo, sa inyo, sa pamilya ninyo. Mahalagang muli’t muli’y marinig, mabasa niya sa inyo, na iniisip n’yo rin siya.
Eh, paano ko ba uumpisahan?
‘Pili ka ng maganda-gandang papel, o di kaya’y card. Kasing
simple lang ng “Dear Anak,” umpisa na ‘yun.
Ano pa’ng sasabihin ko?
Puwedeng sabihin mo kung anu-ano ang ikinatutuwa mo sa kanya.
Bakit proud ka sa kanya. Ano ‘yung sa araw-araw ay pinasasalamatan mo sa Diyos na nangyayari sa kanya’t sa pamilya n’yo. Sa Tagalog, sa Ingles, sa Taglish, o khit txt msg ang dating, ok lang.
Tapos?
Ikuwento mo rin ‘yung mga pangarap mo para sa kanya. Ano
‘yung hinihiling mo sa Diyos para sa kanya. Kung paano mo nakikita ang future niya.
Tapos?
Sabihin mo lang kung gaano mo siya kamahal. Kung gaano mo
siya iniisip, pinaglalaanan ng panahon at buhay. Na kung ‘di mo man ito nasasabi’y, ito na ‘yung pagkakataon.
Parang … nangingimi pa rin ako …
Sa umpisa lang ‘yan. Walang makapagsasabi sa anak ng mga gusto
mong sabihin. Sa iyo’t iyo lang manggagaling. ‘Di mo mai- imagine kung ano’ng epekto nito sa relasyon ninyo. Basta sigurado akong maganda. Maniwala ka. It’s going to be worth it.
Sige na nga. Para sa anak ko … Para sa akin na rin …