You are on page 1of 15

Falasi ng Pangangatwiran

April M. Bagon-Faeldan
Sa pagsulat ng akademikong papel,
kailangang iwasan ang mga falasi sa
pangangatwiran dahil nagpapahina ang mga
ito sa argumento. Ngayon ay ilalahad sa inyo
ang karaniwang falasi na madalas katisuran ng
marami.
1. Argumentum ad hominem
-pag-atake a personal na katauhan at hindi sa
paksa o argumento.

Halimbawa:
Hindi magiging mabuting lider ng bayan si
Juan sapagkat siya’y binabae.
2. Argumentum as baculum
- paggamit ng pwersa o awtoridad.

Halimbawa:

Gawin na ninyo ang aking sinabi. Ako yata ang


Pangulo at ako ang dapat masunod.
3. Argumentum as misericordiam
- pagpapa-awa o paggamit ng awa sa
pangangatwiran.

Halimbawa:
Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na
mag-aaral sapagkat lalo silang magiging
kaawa-awa kung sila ay lalagapak.
4. Argumentum ad ignorantiam
- nagpapalagay na hindi totoo ang anumang
napatutunayan kaya’y totoo ang anumang
hindi napasisinungalingan.

Halimbawa:
Ito ay isang ebidensya at kailangan iitong
tanggapin dahil wala namang tumututol dito.
5. Non sequitor
- paggamit ng mga argumentong hindi
magkakaugnay o ng argumentong does not
follow the premise.

Halimbawa:
Ang mga babae ay higit na masisipag
magtrabaho kaysa mga lalaki, kung gayon sila
ay may higit na karapatang magreklamo sa
trabaho.
• 6. Ignoracio elenchi
- pagpapatotoo sa isang kongklusyon hindi
naman siyang dapat patotohanan.

Halimbawa:
Hindi siya nanggahasa ng dalaga, sa
katunaya’y isa siyang mabuting anak at
mapapatunayan iyan ng kanyang mga
magulang, kapatid, kamag-anak at kaibigan.
7. Maling Paglalahat
- pagbatay ng isang kongklusyon sa isa o ilang
limitadong premis.

Halimbawa:
Mahirap mabuhay sa Maynila kung kaya’t
masasabing mahirap mabuhay sa buong
Pilipinas.
9. Maling Saligan
- paggamit ng maling batayan sa
humahantong sa maling kongklusyon.

Halimbawa:
Lahat ng Amerikano ay nasa Amerika, kung
gayon, si Pedro Madlangbayan ay isang
Amerikano dahil siya ay nasa California.
8. Maling Analohiya
- paggamit ng hambingang sumasala sa
matinong kongklusyon.

Halimbawa:
Magiging mabenta ang sorbetes kahit tag-
ulan, kasi’y mabenta naman ang kape kahit
tag-init.
10. Maling Awtoridad
- paggamit ng tao o sangguniang walang
kinalaman sa isang paksa.

Halimbawa:
Wika nga ni Aiza Seguerra, higit nating
kailangan ang wikang Ingles kaysa wikang
Filipino.
12. Mapanlinlang na Tanong
- paggamit ng tanong na ano man ang maging
sagot ay maglalagay sa isang tao sa kahiya-
hiyang sitwasyon.

Halimbawa:
Hindi ka na ba nagtataksil sa iyong asawa?
11. Dilemma
-pagbibigay ng dalawang opsyon lamang na
para bang wala nang iba pang alternativ.

Halimbawa:
Alin sa dalawa ang mangyayari: ang puumatay
o kaya ay mamatay?
Isang
magandang
araw sa inyong
lahat!!!!

You might also like