You are on page 1of 2

Do you know how to play the guitar?

If yes, maybe you’ve experienced these things


about learning how to use the guitar.

• Naaalala mo pa ba nung gusting gusto mong matuto nyan at kung sinu-sino ang
kinukulit mo para turuan ka? Yung tipong sa sobrang kulit mo, napipilitan na
silang turuan ka kahit inis na sila sa’yo.

Parang love lang yan. Usong-uso ngayon yung mga illegal relationship di ba? At ikaw
naman si pilit sa parents mo na payagan ka nang pumasok sa isang relationship. Sa
sobrang kulit mo at sa pagmamahal ng parents mo sa’yo, pumayag sila kahit labag sa
kalooban nila.

• Eh yung mga panahong inaaral mo na yung gitara? Nalaman mo na kung paano


yung A, B, C, D, E, F, G, Em, F#, Bm, etc. at sinimulan mo nang sumubok
tumugtog ng mga kanta? Di ba ang saya ng feeling? Lalo na pag natapos mo na
yung unang kanta na natutunan mo.

Tulad ng love, masaya ang feeling. Lalo na pag bago lang kayo. Marami ka ring
natututunan sa buhay dahil sa partner mo. And mainly, siya yung nagpapasaya sa’yo.
Ang sarap ng feeling di ba? Nandyan pa yung sweet words na masarap pakinggan…
hayyy… ang cheesy nga sabi nila…

• Pero minsan, sa paggigitara, hindi maiiwasang mawala sa tono ang gitara mo.
Minsan rin, kahit nasa tono, ang pangit ng tunog kasi nagkakamali ka.

Sa isang relationship, hindi rin maiiwasang magkaroon ng away, mga di


pagkakaintindihan at tampuhan. Yung mga bagay na dapat inaayos agad. Parang
ganyan din ang pag-gigitara.

• Ang masaklap pa niyan, kung hindi ka marunong magtono, anung gagawin mo?
Hindi naman pwedeng lagi ka na lang hihingi ng tulong sa iba para itono ang
gitara mo di ba? Dapat marunong ka rin.

Parang love. Dapat pag nangyayari yung mga ganung awayan at tampuhan, alam mo
kung paano aayusin. Kasi hindi pwedeng lagi kang hihingi ng tulong sa ibang tao
para maayos ang problema nyo. Kung magaling kang mag-handle ng situation,
siguradong magkakaayos din kayo.

• Eh pano kung hindi ka talaga natutong magtono? Malamang tamarin ka na mag-


gitara at hindi mo na magamit yan. Baka maghanap ka na rin ng ibang hobby na
aaralin mo nanaman mula sa umpisa.

Sa love, pag hindi ka marunong umayos ng gulo, malamang na magsawa ka na at


hindi ka na maging masaya. Dahil sa feeling nay un, malamang na mauwi na rin yan
sa hiwalayan. Pwedeng makakilala ka ng bago pero magsisimula ka nanaman sa
umpisa. Swerte mo kung may lakas ka pa ng loob na pumasok ulit sa isa pang
relationship. Yung iba kasi hindi na rin sumiseryoso pag ganun ang nangyari sa
kanila.

~~~Siguro pagdating sa ganyang mga away, tandaan na lang natin tong bagay na to
na natutunan ko kay Bro. Bo Sanchez nung nag-talk siya sa amin:

If someone says that he or she was hurt, just say sorry and don’t argue. How
would you argue with the feeling anyway? Masasabi mo bang, “No, you were not
hurt!” Eh yun nga ang naramdaman niya eh, may magagawa ka ba?

~end~

You might also like