Sa mga unang panahon ng kanilang pananalakay, ang mga Indo-
Aryan ay nakipag-asawahan sa mga Dravidian. Hindi nagtagal ang
kaugaliang ito sapagkat nakita ng mga Indo-Aryan na sila ay maaaring maging kasing-itim ng mga Dravidian sa mga susunod na salinlahi. Nagpatupad ang mga Indo-Aryan ng diskriminasyon o pagtatangi laban sa mga Dravidian upang patatagin ang kanilang kapangyarihan. Lumikha sila ng isang mahigpit bs sisteme ng pagkakahati ng lipunan sa mga pangkat. Ang tawag sa sistemang ito ay caste.
Ang sistemang caste ay may apat na pangkat. Ang
una at pinakamataas ang mga Brahmin o pari. Ang pangalawa ay ang mga kshatriyas o mandirigma. Ang pangatlo ay ang mga vaishya o magsasaka at mangangalakal. Ang pang-apat ay ang mga sudras o alipin. May isa pang pangkat ng tao na kung tawagin nila ay “untouchables”. Sila ang itinuturing na outcast ng lipunan.
Sa mahabang panahon, ang mga kshatriyas ang una
BRAHMIN sa pagkakahanay. Nang Maglaho ang mga digmaan at ang pananampalataya ay naging higit na mahalaga, nagsimulang mangibabaw ang mga Brahmin.
Sa caste, ang mga kasapi ng bawat pangkat ay
kailangang sundin ang mga tuntuning namamahala sa pag-aasawa, hanapbuhay, seremonya sa pananampalataya, at mga kaugaliang panlipunan KSHATRIYAS tulad ng pagkain at pag-iinom. Halimbawa, kailangang humanap ng asawa sa loob ng pangkat at manatili sa pangkat kung saan ipinanganak hanggang sa mamatay.