You are on page 1of 18

|

p p 

  


I
Sa nayon kong Mahiwaga, sa bayan ng Panaginip,
Lalawigang Guniguni, Kapuluang Di-Malirip,
Ay mayroon magkatotong nanahanang matahimik,
Si Mahirap, ang kawawa·t si Mayaman, ang magiting.

May tig-isang mutyang bunso·t may tig-isang sintang pugad


Na niyari ng Tadhana sa sanga ng hidwang palad;
Si Mahirap, kung matulog, ang hihiga·y damo·t layak,
Samantalang si Mayaman, ang himlaya·y ginto·t pilak.

Si Mayama·t may anak nga at Pabaya ang pangalan,


May anak din si Mahirap at Masikap ang palayaw;
Si Pabaya, pagkabata·y pinalayaw ng magulang
Ngunit hindi si Masikap--- pinagpastol araw-araw.

Nang dumating ang panahon, palibhasa·y masagana,


Si Pabaya·y iniluwas ng magulang sa Maynila;
Si Masikap na nainggit, sa magulang ay lumuha
At sumamong pag-aralin upang siya·y dumakila.

Si Mahirap ay tumanggi, hindi pagkat sadyang ayaw,


Kundi pagkat siya·y dahop sa salaping kailangan;
Ngunit pagkat si Masikap ay uhaw sa karunungan,
Di maglumay ang damdami·t nilamuyot ang magulang.

Anong laking pagkaiba! Si Pabaya·y sa kleh·yo


Ipinasok ni Mayaman na lulan pa ng auto;
Si Masikap na luhaa·y naiwan sa kanyang kubo,
Hinihimok si Mahirap, ngunit ito·y di nagbago.

4.

p p 

  


Ang panahon ay lumipas at ang gintong mga araw
Ay nalagas na anaki·y dahong tuyo ng halaman;
Nagpatuloy si Masikap sa pagsamong banay-banay,
Sumusuyo, lumuluha·t nagtatampo pa kung minsan.

Kung minsan ay maisipang maghimagsik ang damdamin,


Lisanin na ang tahana·t ipagpatuloy ang layunin,
Ngunit siya palibhasa·y isang anak na may turing,
Di nags·wail sa magulang kundi bagkus naghintay rin.

Kung ang bato·y naaagnas sa tubig na umaagos,


Ang puso pa nga kaya ang sa luha·y di malunos?
Di kawasa, si Mahirap, naawa di·t nalamuyot:
´Yaman--- anyang--- mapilit ka·y mag-aral ka, bunsong irog«µ

Talastas ko---ang dugtong pang---sadyang api ang mulala,


Nililinlang ng marunong, nililingkis ng sagana;
Ginagawang kasangkapan ng politikong masiba
Sa pagpapako sa Bayan sa krus ng pagdaraya!

Sulong---anya--- mag-aral ka·t tayo kapwa ay magtiis


Bubungkalin ko ang lupa·t bubungkalin mo ang isip;
Akong ito·y matanda na·t kung mahina man ang bisig,
Igagapang pa rin kita sa tulong ng dugo·t pawis.

Pinakingggan ni Masikap ang sa amang hakahaka,


Ng alangang ikalungkot at alangang ikatuwa;
Si Mahirap ay niyakap, hinalikang lumuluha,
Inihanda ang balutan at lumakad sa Maynila!

5.
p p 

  

II
Ang panaho·y humagibis, sa iisang paaralan,
Si Pabaya·t Si Masikap ay doon ko natagpuan;
Yao·y laging nakabihis ng sutla araw-araw,
Ito nama·y nanglalanging ang suot ay saplot lamang!

At ang kanyang kagayakan ay hindi ko napagwari;


Ang baro ay anong luwang ang pantalo·y anong igsi,
Doo·t dito ay may butas, sulsi doo·t dito·y tagpi,
Saan di nga tatawanan ng kasamang may salapi!

Ngunit hintay« hindi lahat ng maningning ay brilyante!


May perlas ding nagtatago sa maputik na kabibe---
Si Pabaya·y makisig nga ngunit ´walang sinasabi.µ
Si Masikap, gusgusin ma·y kumikislap sa sarili!

Nag-aaral gabi·t araw, samantalang si Pabaya


Sine ngayo·t sayaw bukas, araw-gabi·y gumagala:
Umiinom ng alak, si Pabaya·y pabaya nga,
Nagsasabong sa Maypaho at sa Pasay, may ´alaga.µ

Kalahati pa ng buwan ay ubos na ang ´sustento,µ


May utang sa kasera·t may utang din sa koleh·yo!
Kung matadtad na ng utang ay susulat ng ganito:
´Tatay, ako ay padalha·t sumakit ang aking ulo.µ

Ang kaisip ng magulang ay tunay ngang nagkasakit,


Padadalhan ng salapi ang anak na sakdal ´baitµ!
Mangyari pa, pag natanggap, ito nama·y nagbabagwis,
Kukunin ang ´kalapati·tµ magpupugad sa kabaret!

6.


p p 

  


Ang aklat ay inaamag, minsan lang isang linggo,


Kung pumasok, kaya nga ba·t nagagalit ang maestro;
Buwan-buwan, pagsusulit, ang ´notaµ ay pawang ´zeroµ
Samantalang si Masikap, ang ´notaµ ay pawang ´ciento.µ

Hindi nito nililimot ang pangaral ng magulang


´Mag-aral ka, magtipid ka·t wala akong kayamanan.µ
Dahil dito, araw-gabi·y nagsusunog nga ng kilay,
Sa pagtuklas ng liwanag na tanglaw ng kapalaran.

Nasa kanyang balintataw ang larawan ni Mahirap,


Mahina na at baluktot, masasakti·t namamayat;
Nag-iisang namamanglaw, ngunit hayu·t umuusad,
Sa gitna ng ula·t hangi·y nagtatanim, naggagapas!

Ito·y kanyang dinaramdam danga·t hindi mangyayari


Na tulungang agad-agad ang magulang na bayani;
Gayon man, ay lalo·t lalong pinagtibay sa sariling,
Gagawin ang magagawa upang siya·y makaganti.

Paglipas ng ilang taon, si Mahirap, isang araw,


Diwa·y sukdol na sa kanyang binabatang kahirapan,
Ay inabot sa paggawa ng matinding karamdaman,
Naparatay at noon di·y nabingit sa kamatayan:

Maratay nga·t nang sandaling papanaw na ang hininga,


May pumasok na lalaking nakangiti·t may diploma;
Si Masikap! subalit o! napatangis nang makita
Ang magulang na noon di·y naghingalong maligaya!

7.

p p 

  

III
At« ang mundo ay pumihit, sa datihang bulaklaka·y
Damo ngayo·t mga dawag ang naroong naghambalang:
Sa datihang lupang tuyo ay bumulas ang halaman,
May bulaklak at may bunga---tamis, samyo, ganda·t kulay!

Si Pabayang dati-rati·y kaharutan ng ligaya,


Ngayo·y isang hampas-lupang sa lansanga·y makikita;
Manunugal na pusakal na natutong magdaya pa,
Naniyope sa sabunga·t may ´sapotaµ sa barha«

Bawat tao·y kumukutya·t baling tao·y umiismid


Naghahanap ng kasuyo·y wala namang makaibig;
Parang langaw na lumaki sa maruming gawa·t hilig
Ni bulaklak ng kantutay, di maganyak na maakit!

Ang lahat ng kasamaha·y mga taong ´walang turoµ;


Nangasilaw sa liwanag nang sa dilim ay matago;
Aralan mo ng mabuti·y sasadyain ka pang lalo,
Ang ibig ay balindangan at salitang biro-biro!

At ang tulad ni Pabayang nadudumog sa masakit


Sa sugala·t katamaran, sa babae, alak, awit«
Kuyumos ng kasalatan, walang puri·t walang isip,
Kung isama sa masama·y ano kaya ang masapit?

Samantala si Masikap na nang una·y namulubi


Ngayon naman ay hindi na·t ibang-iba na sa dati;
May dunong na·y may yaman pa, tinitingna·t pinupuri,
May kasuyo sa tahanan at may nak na marami.

8.

p p 

  

Kung nang una ang tahana·y bahay-kubong nakagiri,


Ngayon naman ang tahana·y ang matayog na gusali;
Kung nang una ang sasakya·y ang karetang sakdal gigi,
Ngayon naman ang sasakyan ay autong kidlat wari:

Ngunit hindi tulad diyan ng maraming marurunong


Na mayapa·t marunong na ay palalo·t mapanghamon;
Di katulad ng maraming nagsiyamang manlilipol,
Dambuhala ng mahirap at buwaya ng gintong layon!

O, hindi nga! Hindi ganyan si Masikap na butihin,


Mahanga, pa·y mapag-amo·t sa kawawa·y mahabagin;
Kung kaya nga·t nang humirang ng ´Punoµ ang bayan namin,
Lahat, lahat, ang pinili·y si Masikap, ang magiting!

At noon nga, noon aming ipagdiwang ang tagumpay


Lahat kami·y nangagpuri·t ang sigawan ay ´Mabuhay!µ
Ngunit noon, samantala·y may kinulong sa piitan,
Nahuli raw na nandukot si Pabayang magnanakaw!

Dito ganap na natapos dakilang kabanata


Ng ´buhayµ ng mga taong pinagpalit ng Tadhana;
Narito ang isang aral, mapupupol ng may nasa,
Kitlin ninyo kung mabuti at kayo na ang bahala«

Mababait na magulang na may bunsong iniibig,


Pamanhik kong inyo sanang itanim sa inyong isip
Itong ´awitµ na nayari sa bayan ng Panaginip,
Lalawigang Guniguni, Kapuluang Di-malirip!

9.
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
| |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|  |
 
|
|||
|
|

|
|
| |
|
 |
 |
|
 ||  |
|
|
||

 | ||  |

|
|
|
||

 | ||
 |

|
|
|
  |||
|
|
|
|
|
?| p ? 

Ang tula ay sining« Ang katauhang nagbalik sa dati niyang sarili« Sa sarili
niyang damarama lamang« Sa sarili niyang nagmamatuwid« Sa sarli niyang
daigdig ng karurukan«Sa kaharian ng Bathala«ito ay ilang linya lamang mula
kaY Alejamdro G. Abadilla na tunay kong kinakatigan.
Ang pagsusuring ito ay naglalayong mabigyang buhay ang isang masining na
akdang pampanitikan na nahihimlay.
Marubdob na sinikap na palitawin ang nakararahuyong kahalinahan ng tula sa
pamamagitan ng paghimaymay sa element nito, ang estropa, sukat at tugma,
tayutay na ginamit, ali-iw at talinhaga nito. Ang teoryang realism naman ang
nagsilbing gabay sa pag-aaral sapagkat naghuhumiyaw sa bawat bahagi nito ang
realya.
Sa huli, mapatutunayang ang tulang nililok ng matayog na kaisipan ni Maestro
Ildefonso Santos ay nararapat na tawaging obra-maestrang maningning, walang
kamatayan at sadyang mahirap pamarisan o pamantayan ma lamang. Isang obrang
sining na kapuri-puri na maaring maging matatag na tuntungang bato sa paghulma
ng isang tula.

?? |  

´Ang tula ay isang pagbabagong-hugis ng buhay. Isang paglalarawan ng buhay na


hinango sa guniguni na pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa
pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong mainam sa mga sukat
at tugma,µ ayon kay Alejandro at Pineda. Samakatwid, ito ay panitikan na kilala
sa malayang paggamit ng wika sa iba·t ibang anyo at estilo.
Mayroon itong apat na uri: ang Tulang Liriko na nagtatampok sa makata at ang
kanyang sariling damdamin, pagninilay , hindi gaano ang mga panlabas na
pangyayari at tagpo sa buhay o ang kalagayang kinaroroonan,
nabibilang dito ang Awit na pag-ibig ang diin katulad ng kundiman, Sonetong may
labing-apat na taludtod at nangangailangan ng matinding pagkukuro, Odang

1.
nagbibigay parangal o paghanga, Elehiya na mapanglaw at Dalit tungkol sa
pagpapala ng Diyos; ikalawa ang Tulang Pasalaysay na naglalarawan sa mga
mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay na natatagpuan sa mga taludtod na
nagsasaysay ng isang kwento, nakapaloob naman dito ang|Epiko o Tulang Bayani na
puno ng pakikipagsapalaran at salamangka, Awit na binubuo ng
lalabingdalawahing pantig at pumapaksa sa pag-ibig at Koridong binubuo naman ng
wawaluhing pantig ang bawat taludtod, tuon nito ang kabayanihan ng tauhan;
ikatlong uri ay ang Tulang Patnigan na itinatanghalng mga nagtutunggaliang
makata ngunit hindi sa paraang padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran at
tagisan ng mga talino sa paraang patula, kasama rito ang Karagatan sa panahon ng
ating mga ninuno at buhat sa salaysay ng singsing ng prinsesa, Duplo na umusbong
noong panahon ng mga Kastila na hango sa ang katwiran sa bibliya o kasabihan at
ang Balagtasan na pinatanyag ni Francisco Baltazar; ang panghuli ay ang TUlang
Pandulaan na sadyang ginawa ito upang itanghal, saklw nito ang Parsang
naglalayoong magpatawa, Melodramang namimiga ng luha sa manonood, Trahedyang
may nakalulunos na wakas, Komedyang masaya naman ang katapusan at
Sayneteng pumupuna sa maling gawi o asal.
Ito rin ay nagtataglay na apat na anyo ang Malayang Taludturan Tradisyonal,
May sukat na walang tugma at Walang sukat na may tugma.Samantala ang mga
elemento ng tula ay ang« Saknong o Estropa x isang grupo ng mga salita sa loob ng
isang tula na may dalawa o higit pang taludtod, maaring ito ay 2 linya(couplet), 3
linya(tercet), 4 linya (quatrain), 5 linya (quintet), 6 linya (sestet), 7 linya
(septet) at 8 liny( octave); ang susunod ay ang Sukat na bilang ng pantig ng tula;
narito rin ang Tugma, ang pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod, may
dalawang uri ito« ang Tugmang Ganap na na maaring Tugmang Patinig(Rima) O
Tugmang Katinig(Kaanyuan) na ang unang lipon ay salitang nagtatapos sa b, k, d,
g, p, t, s at ang iklawang lipon ay yaong nagwawakas sa l,m, n, ng, w, r, y; ang ikatlo
ay ang Kariktan pumapasok dito ang paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita
at maging na mga tayutay( pagtutulad, pagwawangis, pagsasatao, pagmamalabis,
pabaligho, pag-uyam, onomatopeya atbp.); isa pa sa elemento ng tula ay ang
Talinhaga, ito ang kaisipang nangingibabaw dito; nariyan rin ang Aliw-iw o Tono,

2.
ang damdaming namamayani sa kabuuan nito; maari ring ibilang dito o panghuli ay
ang Persona, ang mga nangungusap sa tula.
Yarin ang tula na na daigdig ng mga kaluluwa at kahariang rurok-lalim ng
karimlan at mahiwaga.

??? |  ?

Makatotohanan ang panitikan. Ito ay gising, mulat at matapat. Sa realismong
pananaw, obhektibo ang paglalarawan sa tao at lipunan at sa mga puwersang
nakapangyayari sa buhay. Ang teksto ay tumatalakay sa mga suliranin sa mundo at
ang kanilang pinag-ugatan. Inilalantad ang mga katotohanan sa pamamagitan ng
mga paksa at salitang karaniwan ngunit gumagamit ng matapang kung hindi man
mapangahas na paraan. Ang mga kaisipang inihahanay ay payak ngunit
nakapagpapakilos.
Binibigyang-buhay ang mga tauhang nakikisangkot, nanunuligsa o
nanghihikayat upang mapabuti at maiangat ang kalagayan ng tao sa lipunan.
Kadalasang paksain ang karanasan ng mga mahihirap,pagiging bulag ng katarungan,
paglabag sa karapatan at ang tunggalian ng iba·t ibang uri ng tao sa lipunan. Ang
awtor ay malaya at walang kinikilingan sa paglalantad ng buong katotohanan.
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-
akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay
ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan
at pagkaepektibo ng kanyang sinulat.

? |  ??

Pasig, 17 Nobyembre 1925« sumilang ang isang akdang nagpapakita ng agwat ng


pagkakaiba ng mga kariton³lupa³tuyo³kandila³dampa o sa madaling sabi ay
MAHIRAP at ang mga oto³gusali³letson³ilaw³mansyon na kinilalang MAYAMAN.

3.
|
|
|
|
 | ?

Tumahak sa landasin ng buhay« Humarap sa biro ng tadhana«Bumuo ng
kapasyahan«Linasap ang dita ng mga aksyon« Humulma ng sariling
kapalaran« Dito umikot ang talambuhay ng dalawang personang nililok ni
Ildefonso Santos sa kanyang akdang PINAGPALIT NG TADHANA.
Ang mga elemento ng tulang trdisyonal o yaong ayon sa pamantayan ng mga
manunulat na romantesista ang pinalutang ng awtor. Binubuo ito ng
tatlumpu·t anim (36) na saknong na pawang mga quatrain. Ang sukat naman
ay lalabing-animing pantig, na tunay na walang mintis mula una hanggang
huling taludtod nito. Tugmang ganap na pinagsalitang tugma sa patining at
dalawang lipon ng tumag sa katinig ang ginamit, masisilayan agad ito sa unang
anim na saknong ng tula hanggang sa katapusan. Diniligan ni G. Santos ng
pinaghalong tayutay at mga idyomatikong pahayag ang bawat saknong ng tula
upang lalong mapatingkad ang kulay nito o kariktan. Ang mga tayutay na
lumitaw ay ang«pagpapalit-tawag sa mga linyang SA NAYON KONG
MAHIWAGA SA BAYAN NG PANAGINIP, LALAWIGANG GUNIGUNI,
KAPULUANG DI MALIRIP at SA PAGTUKLAS NG LIWANAG NA TANGLAW
SA KAPALARAN , sa mga pariralang ANG HIHIGA·Y DAMO·T LAYAK, ANG
HIMLAYA·Y GINTO·T PILAK, AT SA PASAY MAY ´ALAGAµ at KUKUNIN
ANG ´KALAPATIµ ; pabaligho sa mga taludtod na MAY PERLAS DING
NAGTATAGO SA MAPUTIK NA KABIBE , SA DATIHANG LUPANG TUYO ANG
BUMULAS AY HALAMAN, HINDI LAHAT NG MANINING AY BRILYANTE,
GUSGUSIN MA·Y KUMIKISLAP SA SARILI at NANGASILAW SA LIWANAG
NANG SA DILIM AY MATAGO; pagsasatao sa ANG GINTONG ARAW AY
NALAGAS; pagtutulad sa mga linyang PARANG LANGAW NA LUMAKI SA
MARUMING GAWA·T HILIG at NGAYON NAMAN ANG SASAKYAN AY AUTONG
KIDLAT WARI; pagwawangis sa pariralang BUWAYA NG GINTONG LAYON; at

10.
pagpapalit-saklaw sa MAY TIG-ISANG SINTANG PUGAD at SA PAGPAKO SA
BAYAN SA KuRUS NG PANDARAYA. Ang ilan naman sa mga idyomatikong
pahayag ay NAGSUSUNOG NG KILAY, HAMPAS-LUPA, KAHARUTANG
LIGAYA, HIDWANG PALAD, DUGO·T PAWIS at SAKDAL-BAIT. Kakaiba din
ang istilo na awtor, una, kung paano niya ito sinimulan gayun din ang naging
wakas; ikalawa, hinati niya ito sa tatlong bahagi, ang panahon ng
kamusmusan, kabataan at katandaan; ikatlo may bahging tuwirang
kinakausap ng may-aka ang mambabasa at panghuli gumamit din siya ng
paraang paghahambing sa dalawang persona upang higit niyang maipakita ang
pinapaksa ng kanyang akda. Masasabing ang tulang ito ay masinop na inihanda
at isinatitik ng awtor.
Pamagat pa lamang ng tula ay nagbabadya na ng hiwaga ng buhay,
malakas ang hatak na tila baga bumubulong ´Masisilayan mo ang iyong buhay,
halika·t basahin mo ako.µ Siyanga, pinamutiktik ng makata sa akdang ito ang
mga katangian ng realismo. Binigyang-diin niya ang iba·t ibang kaganapan ng
ating kani-kaniyang buhay, nariyan ang senaryo o pader sa pagitan ng
mayaman at mahirap:
May tig-isang mutyang bunso·t may tig-isang sintang pugad
Na niyari ng Tadhana sa sanga ng hidwang palad;
Si Mahirap, kung matulog, ang hihiga·y damo·t layak,
Samantalang si Mayaman, ang himlaya·y ginto·t pilak.

Anong laking pagkaiba! Si Pabaya·y sa kleh·yo


Ipinasok ni Mayaman na lulan pa ng auto;
Si Masikap na luhaa·y naiwan sa kanyang kubo,
Hinihimok si Mahirap, ngunit ito·y di nagbago.

Ang panaho·y humagibis, sa iisang paaralan,


Si Pabaya·t Si Masikap ay doon ko natagpuan;
Yao·y laging nakabihis ng sutla araw-araw,
Ito nama·y nanglalanging ang suot ay saplot lamang!

At ang kanyang kagayakan ay hindi ko napagwari;


Ang baro ay anong luwang ang pantalo·y anong igsi,
Doo·t dito ay may butas, sulsi doo·t dito·y tagpi,
Saan di nga tatawanan ng kasamang may salapi!

11.
Narito rin ang pagdama ng panibugho ng mahirap sa kaginhawaang mayroon ang
mga mayayaman:
Nang dumating ang panahon, palibhasa·y masagana,
Si Pabaya·y iniluwas ng magulang sa Maynila;
Si Masikap na nainggit, sa magulang ay lumuha
At sumamong pag-aralin upang siya·y dumakila.
Isa pa ang pagpapakita ng dalawang uri ng mag-aaral at tao; isang MASIKAP AT
ang PABAYA:
Nag-aaral gabi·t araw, samantalang si Pabaya
Sine ngayo·t sayaw bukas, araw-gabi·y gumagala:
Umiinom ng alak, si Pabaya·y pabaya nga,
Nagsasabong sa Maypaho at sa Pasay, may ´alaga.µ

Ang aklat ay inaamag, minsan lang isang linggo,


Kung pumasok, kaya nga ba·t nagagalit ang maestro;
Buwan-buwan, pagsusulit, ang ´notaµ ay pawang ´zeroµ
Samantalang si Masikap, ang ´notaµ ay pawang ´ciento.µ
Kasama rito ang pagpupumilit ng kagustuhan, lalo na ng mga kabataan:
Ang panahon ay lumipas at ang gintong mga araw
Ay nalagas na anaki·y dahong tuyo ng halaman;
Nagpatuloy si Masikap sa pagsamong banay-banay,
Sumusuyo, lumuluha·t nagtatampo pa kung minsan.

Kung minsan ay maisipang maghimagsik ang damdamin,


Lisanin na ang tahana·t ipagpatuloy ang layunin,
Ngunit siya palibhasa·y isang anak na may turing,
Di nags·wail sa magulang kundi bagkus naghintay rin.

Maidaragdag din ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga magulang sa paghubog


ng kanilang anak:
Si Mayama·t may anak nga at Pabaya ang pangalan,
May anak din si Mahirap at Masikap ang palayaw;
Si Pabaya, pagkabata·y pinalayaw ng magulang
Ngunit hindi si Masikap--- pinagpastol araw-araw.
Nandito rin ang pagpapakasakit at pagsuporta ng mga magulang sa pagtaguyod ng
pag-aaral ng anak:
Pinakingggan ni Masikap ang sa amang hakahaka,
Ng alangang ikalungkot at alangang ikatuwa;
Si Mahirap ay niyakap, hinalikang lumuluha,
Inihanda ang balutan at lumakad sa Maynila!

12.

Nasa kanyang balintataw ang larawan ni Mahirap,


Mahina na at baluktot, masasakti·t namamayat;
Nag-iisang namamanglaw, ngunit hayu·t umuusad,
Sa gitna ng ula·t hangi·y nagtatanim, naggagapas!
Isa rin ang kawalan ng magawa dahil sa labis na kakapusan sa pananalapi:
Si Mahirap ay tumanggi, hindi pagkat sadyang ayaw,
Kundi pagkat siya·y dahop sa salaping kailangan;
Ngunit pagkat si Masikap ay uhaw sa karunungan,
Di maglumay ang damdami·t nilamuyot ang magulang.
Masasama pa ang pagsuko at pagkagupo ng katawang pumas an ng sandamakmak
na hirap:
Paglipas ng ilang taon, si Mahirap, isang araw,
Diwa·y sukdol na sa kanyang binabatang kahirapan,
Ay inabot sa paggawa ng matinding karamdaman,
Naparatay at noon di·y nabingit sa kamatayan:
Nariyan din ang pagtanggap sa kamatayan nang may pinaghalong lungkot at
ligaya:
Maratay nga·t nang sandaling papanaw na ang hininga,
May pumasok na lalaking nakangiti·t may diploma;
Si Masikap! subalit o! napatangis nang makita
Ang magulang na noon di·y naghingalong maligaya!

Kasama pa ang panlilinlang ng isang anak sa kanyang magulang:


Kalahati pa ng buwan ay ubos na ang ´sustento,µ
May utang sa kasera·t may utang din sa koleh·yo!
Kung matadtad na ng utang ay susulat ng ganito:
´Tatay, ako ay padalha·t sumakit ang aking ulo.µ

Ang kaisip ng magulang ay tunay ngang nagkasakit,


Padadalhan ng salapi ang anak na sakdal ´baitµ!
Mangyari pa, pag natanggap, ito nama·y nagbabagwis,
Kukunin ang ´kalapati·tµ magpupugad sa kabaret!
Idagdag na rin ang pagkakaloob ng kasuklian o ganti sa kabutihang tinanggap:
Hindi nito nililimot ang pangaral ng magulang
´Mag-aral ka, magtipid ka·t wala akong kayamanan.µ
Dahil dito, araw-gabi·y nagsusunog nga ng kilay,
Sa pagtuklas ng liwanag na tanglaw ng kapalaran.

Nasa kanyang balintataw ang larawan ni Mahirap,


Mahina na at baluktot, masasakti·t namamayat;
Nag-iisang namamanglaw, ngunit hayu·t umuusad,
Sa gitna ng ula·t hangi·y nagtatanim, naggagapas!

13.

Isa pa ang kara-karang pagpihit ng kapalaran:


At« ang mundo ay pumihit, sa datihang bulaklaka·y
Damo ngayo·t mga dawag ang naroong naghambalang:
Sa datihang lupang tuyo ay bumulas ang halaman,
May bulaklak at may bunga---tamis, samyo, ganda·t kulay!

At noon nga, noon aming ipagdiwang ang tagumpay


Lahat kami·y nangagpuri·t ang sigawan ay ´Mabuhay!µ
Ngunit noon, samantala·y may kinulong sa piitan,
Nahuli raw na nandukot si Pabayang magnanakaw!
Litaw rin ang paglasap ng tagumpay ng isang dukhang dumanas ng mga hagupit
ng buhay:
Samantala si Masikap na nang una·y namulubi
Ngayon naman ay hindi na·t ibang-iba na sa dati;
May dunong na·y may yaman pa, tinitingna·t pinupuri,
May kasuyo sa tahanan at may anak na marami.

Kung nang una ang tahana·y bahay-kubong nakagiri,


Ngayon naman ang tahana·y ang matayog na gusali;
Kung nang una ang sasakya·y ang karetang sakdal gigi,
Ngayon naman ang sasakyan ay autong kidlat wari:
Maisasama rin ang hindi pagbabago ng pagkatao sa kabila ng pagpanhik sa
tugatog ng pag-unlad:
Ngunit hindi tulad diyan ng maraming marurunong
Na mayapa·t marunong na ay palalo·t mapanghamon;
Di katulad ng maraming nagsiyamang manlilipol,
Dambuhala ng mahirap at buwaya ng gintong layon!
Nariyan din ang tuluyang pagkalugmok sa putik ng kasamaan ng taong hindi
marunong magpahalaga sa buhay at wastong pamumuhay:
Si Pabayang dati-rati·y kaharutan ng ligaya,
Ngayo·y isang hampas-lupang sa lansanga·y makikita;
Manunugal na pusakal na natutong magdaya pa,
Naniyope sa sabunga·t may ´sapotaµ sa barha«

Bawat tao·y kumukutya·t baling tao·y umiismid


Naghahanap ng kasuyo·y wala namang makaibig;
Parang langaw na lumaki sa maruming gawa·t hilig
Ni bulaklak ng kantutay, di maganyak na maakit!

Ang lahat ng kasamaha·y mga taong ´walang turoµ;


Nangasilaw sa liwanag nang sa dilim ay matago;
Aralan mo ng mabuti·y sasadyain ka pang lalo,
Ang ibig ay balindangan at salitang biro-biro!
14.
At ang tulad ni Pabayang nadudumog sa masakit
Sa sugala·t katamaran, sa babae, alak, awit«
Kuyumos ng kasalatan, walang puri·t walang isip,
Kung isama sa masama·y ano kaya ang masapit?
At ang panghuli ay ang pagiging isang huwarang pinuno ng bayan, yaong
naglilingkod para sa kapwa:
O, hindi nga! Hindi ganyan si Masikap na butihin,
Mahanga, pa·y mapag-amo·t sa kawawa·y mahabagin;
Kung kaya nga·t nang humirang ng ´Punoµ ang bayan namin,
Lahat, lahat, ang pinili·y si Masikap, ang magiting!
Mapagkukuro sa dulo na ito·y nangangaral ngunit hindi sa paraang sapilitan
kundi sa pagbibigay sa karapatan sa mambabasa na siya na ang maggawad ng
kanyang kahatulan.

? |

Tradisyonal na Tula«Mayaman sa Mahiwagang


Pahayag..Mahabang Salaysayin«Positibo ng Kaisipan ang Hatid«
Buhay na akda«Lahat ng ito ang pinakapuso ng awit na ito ng
makata.
Kayat sa kabuuan ang manuskriptong ito ni Ildefonso Santos ay
nababagay hindi lamang sa mga kabataan; mga nakikini-kinitang
magiging pabigat o tungkod ng bayan; para rin ito sa mga magulang,
dukha man o masalapi«Sadyang makabagbag damdaming
magpapaluha sa sinumang susubok na ito·y namnamin« Isang
panitikang ika nga sa wikang Latin ay Ad Vitam Aeternam.

15.

?   

I.| PANIMULA «««««««««««««. 1

II.| KATUTURAN NG TULA «««««««.. 2

III.| REALISMO «««««««««««««.. 3

IV.| SUSURIING-TULA «««««««««« 4

V.| SURI ««««««««««««««««.. 10

VI.| KONGKLUSYON «««««««««««. 15

You might also like