You are on page 1of 3

Edukasyon sa Pagpapahalaga II

YUNIT IV

4.4 Natutukoy ang mga limitasyon sa pakikisama sa kapwa

PAKSA: MGA LIMITASYON SA PAKIKISAMA SA KAPWA


A. PEER PRESSURE- sa panahon ngayon, maraming kabataan ang nalululong sa
masamang bisyo tulad ng pagsisigarilyo, pag-inom ng alak o minsa’y
nahahantong sa paggamit ng droga dahil sa peer pressure. Sa ganitong
sitwasyon, napipilitang gumawa ng isang bagay na hindi tama ang isang
indibidwal dahil saiya na lamang ang hindi nakakaranas ng ganitong gawain.
Minsan nama’y nagagawa niya ang mga bagay na ito dahil pinipilit siya ng
kanyang mga kaibigan.
B. FRATERNITY- Ang salitang “fraternity” na kalimitang tinatawag na “frat” ay
tumutukoy sa panlalaking samahan, ang pambabaeng bersyon nito ay
“sorority”.Ang mga “fraternities” ay isang uri ng barkadahan, malakas ang
impluwensya dahil ang mga kabataan ay madaling matukso, ang lahat ay nais
subukin lalo na’t bago sa paningin at pandinig. At may mga kabataan din na sa
murang edad pa lamang ay natikman na ang lahat ng bisyo, tulad ng
paninigarilyo, pag-inom ng alak paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
C. BARKADAHAN- Ito’y naihahalintulad din sa peer pressure. May masamang dulot
at impluwensya sa iyo. Do not be misled: Bad company corrupts good character.
D. GANG- Ito ay uri ng grupo na naghahamon ng gulo, hindi lang basta away. Sa
grupong ito nangyayari ang kadalasang natutunghayan sa telebisyon na ang
kapwa miyembro ay sinaktan sa pamamagitan ng pagpalo ng malaking kahoy o
dos por dos.

TUON:
Sa pakikisama sa kapwa ay may mga limitasyon na dapat isaalang-alang. Dapat
isaalang-alang ang iyong kinabukasan sa mga desisyon na gagawin, di ito
nasusukat sa pakikisama kundi sa pagmamalasakit, pag-uunawaan at pagmamahal
ng bawat isa.

4.5 Nailalahad ang masamang bunga ng walang batayang usapan

PAKSA: MGA BUNGA NG WALANG BATAYANG USAPAN


Ang walang batayang usapan ay nagbubunga ng hindi maganda sa ating buhay,
kalimitan ay nasisira nito ang isang magandang relasyon at samahan.
Nagkakasakitang pisikal o sakit ng kalooban na mas madalas ay humahantong sa
barangay.

TUON:
Napakatalas nang nagagawa ng dila lalo pa’t kung hindi iniingatan ang paggamit
nito, kaya nararapat lamang na laging isaalang-alang ang kapwa at iwasan na pag-
usapan ang mga pangyayari ng walang batayan upang di maging daan sa pagkasira
ng magandang samahan.
Sa ikauunlad ng mabuting samahan, narito ang ilang mungkahi para sa isang
mabuting usapan.
1. Kung di maiwasan ang pag-iiringan, sikaping humungi ng tawad kung nakasakit
ng damdamin, ipagpaliban muna ang usapan.
2. Kung mainit ang ulo ng kausap, mabuti pang ipagpaliban ang usapan.
3. Sikaping magtapos sa maganda at kaaya-aya ang paksang pinagtatalunan.
4. Gawing mahinahon ang pag-uusap, iwasan ang pagtatalo.
5. Iwasan at isiping mabuti ang masamang ibubunga ng walang batayang usapan.

4.6 PAKSA: DISKRIMINASYON SA PAKIKIPAGKAPWA

“Kung wala kang buting masasabi sa iyong kapwa, huwag ka nang magsalita”

TUON:
Hindi maiiwasan ang taglay na kahinaan ng tao, ang nagawang pagkakamali ay bahagi
ng kanilang pagkatuto at ito ang paraan upang ituwid ang kasalanan sa kapwa Huwag
sayangin ang buhay dahil sa intriga o tsismis sapagkat ito ay tatatak na sa iyong malinis
na pagkatao.

Diskriminasyon Huwag Pairalin

Paano ka ba tumingin sa iyong kapwa,


Sa panloob o Panlabas ng iyong kapwa?
Ano nga ba ang dapat maging batayan
Upang pantay-pantay ang pagtingin.

Dapat bang uriin ang tao dahil sa anyo?


O mas tamang itanong, dapat bang mag-uri tayo?
Bakit magkaiba ang trato sa may pinag-aralan o wala,
Mayaman at mahirap, pangit at maganda.

Madaling maging tao, mahirap magpakatao,


Lalo na ang makipag-kapwa-tao;
Kung ang puso’t isipan ay sarado,
Wala ang tunay na pag-ibig at habag sa ‘yo

Mag-ingat sa mga alitang bibitawan;


Mahirap nang mabawi upang pagsisihan
Dahil kamalasan ang ganti sa nasabi
Di na maiaalis, tatak na iyong pangalan
4.7 PAKSA: ANG EPEKTO NG PANGGIGIPIT SA KAPWA

TUON:
Ang tao ay binigyan ng kalayaang makapamili ng makakasama sa buhay. Hindi
kailangang gipitin ang sinuman para makita at mapatunayan ang katapatan sa
samahan. Ang lahat ay may karapatang makapamuhay nang malaya at walang pag-
aagam-agam.

4.8 Naipapakita ang paggalang sa awtoridad sa pamamagitan ng wastong pagkilos at


pananalita sa tamang pagkakataon.

PAKSA: PAGGALANG SA AWTORIDAD


Magkakaiba ang paraan ng pagbibigay galang natin sa taong may katungkulan.Ang
ating mga magulang ay ginagalang natin sapagkat sila ang taong may awtoridad sa
tahanan. Ang mga guro ay ginagalang din natin sapagkat sila rin ay awtoridad ng
paaralan. Ang mga pulis, tanod, punong barangay maging mga gwardya at janitor o
katiwala ay binibigyan natin ng paggalang ayon sa kanilang ginagampanang tungkulin.
Sila ay mga awtoridad na binigyan ng mga karapatan upang igalang, malaki o maliit
man ang kanilang posisyon o tungkulin.

TUON:
Pangunahing katungkulan nang mabuting mamamayan ang pagkakaroon ng disiplina.
Ngunit hindi maiiwasan na ang darating na suliranin o pagsubok na hahamon sa
pakikipag-ugnayan sa kapwa. Nararapat lamang na irespeto at pahalagahan ang mga
may katungkulan o mga awtoridad dahil sila ang nagpapairal ng mga batas na dapat
sundin upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng lipunan.

4.9 PAGLUTAS NG MGA ISYU AT SULIRANIN KAUGNAY SA PAKIKIPAGKAPWA


Mga paraan upang malunasan ang di pagkakasundo-sundo
1. Tuwirang pagharap o paglutas kung saan gumagamit ng pasalita o pisikal na
paraan.
 Mahinang pakikipag-usap sa katunggali
 Iwasang manakit o magsalita ng di manganda dahil kaguluhan ang
magiging bunga.
2. Di tuwirang pagharap o paglutas sa pamamagitan ng paggamit ng ibang tao o
tagapamagitan.
 Ang taong namamagitan ay dapat na walang kinikilingan at tinitimbang
kung ano ang makabubuti sa magkabilang panig.
3. Pag-iwas
 Sa unang tingin ito ay mabuti ngunit kung minsan ito ay hindi mabuting
paraan pagkat hindi nabibigyan ng solusyon ang problema dahil sa pag-
iwas na ginagawa ng bawat panig.

You might also like