You are on page 1of 24

JUAN 8 : 40 Datapuwat ngayoy pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG sa inyoy nagsasaysay ng KATOTOHANAN, na AKING NARINIG SA DIOS: itoy

hindi ginawa ni Abraham. JUAN 20 : 17 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagkat HINDI PA AKO NAKAKA AKYAT SA AMA, ngunit pumaroon ka sa aking mga KAPATID, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA, at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.

DEUT 18 : 18 Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at AKING ILALAGAY ANG AKING MGA SALITA SA BIBIG NIYA, at KANIYANG SASALITAIN SA KANILA ANG LAHAT NG AKING IUUTOS SA KANIYA. AMOS 3 : 7 Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin, kundi kaniyang IHAHAYAG ANG KANIYANG LIHIM sa kaniyang mga lingkod na mga PROPETA.

MATEO 21 : 11 At sinabi ng mga KARAMIHAN, ITOY ANG PROPETA, JESUS, na taga Nazaret ng Galilea. JUAN 6 : 14 Kaya nang makita ng mga tao ang tandang ginawa niya, ay kanilang sinabi, TOTOONG ITO NGA ANG PROPETA NA PARIRITO SA SANGLIBUTAN. JUAN 7 : 40 Ang ilan nga sa karamihan, nang marinig ang mga salitang ito, ay nangagsabi, TUNAY NA ITO ANG PROPETA

EXO 29 : 45 At AKOY TATAHAN SA GITNA NG MGA ANAK NI ISRAEL, at akoy magiging kanilang Dios. EZE 36 : 27 At AKING ILALAGAY ANG AKING ESPIRITU SA LOOB NINYO, at palakarin kayo ng ayon sa aking mga PALATUNTUNAN, at inyong iingatan ang aking mga KAHATULAN, at ISASAGAWA.

MATEO 3 : 16 At nang mabautismuhan si Jesus, pagdakay umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang ESPIRITU NG DIOS na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya;

1. 2. 3. 4. 5. 6. 7.

Katotohanan. Ilaw. Pagibig. Kapangyarihan. (lakas) Paglikha. (paggawa) Karunungan. (may unawa) Buhay. (walang hanggan)

JUAN 16 : 13 Gayon may kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa boong katotohanan.

JUAN 3 : 19 At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagkat masasama ang kanilang mga gawa. JUAN 9 : 5 Samantalang akoy nasa sanglibutan, ako ang ilaw ng sanglibutan.

1 JUAN 4 : 8 Ang hindi umiibig ay hindi nakikilala ang Dios; sapagkat ANG DIOS AY PAGIBIG. 1 JUAN 4 : 16 At ating nakikilala at ating sinampalatayanan ang pagibig ng Dios sa atin. Ang Dios ay pagibig; at ang nananahan sa pagibig ay nananahan sa Dios, at ang Dios ay nananahan sa kaniya.

JOEL 2 : 28 At mangyayari pagkatapos, na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman, at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula; ang inyong mga matatanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain. 29 At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa araw na yaon ang aking Espiritu. 30 At akoy magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok.

Isa 66 : 2 Sapagkat lahat ng mga bagay na ito ay nilikha ng aking kamay, at sa gayoy nangyari ang lahat ng mga bagay na ito,

1 SAM 2 : 3 Huwag na kayong magsalita ng totoong kapalaluan; Huwag mabuka ang kahambugan sa inyong bibig; Sapagkat ang Panginoon ay Dios ng kaalaman (karunungan). At sa pamamagitan niyay sinusukat ang mga kilos.

JUAN 6 : 33 Sapagkat ang tinapay ng Dios ay yaong bumababang mula sa langit, at NAGBIBIGAY BUHAY SA SANGLIBUTAN. EZE 37 : 14 At AKING ILALAGAY ANG AKING ESPIRITU SA INYO, at aking ilalagay kayo sa inyong sariling lupain, at inyong mangalalaman na akong panginoon ang nagsalita, at nagsagawa, sabi ng Panginoon.

JUAN 12 : 49 Sapagkat AKOY HINDI NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI; Kundi ang AMA na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS, kung ANO ANG DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT KONG SALITAIN. JUAN 14 : 10 Hindi ka baga nananampalataya na akoy nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ANG MGA SALITANG AKING SINASABI SA INYOY HINDI KO SINASALITA SA AKING SARILI: kundi ang AMA na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.

JUAN 5 : 30 HINDI AKO MAKAGAGAWA NG ANOMAN SA AKING SARILI: humahatol ako ayon sa aking narinig: at ang paghatol koy matuwid; sapagkat hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin.

1. Kung siyay totoong tao sa likas na kalagayan. 2. Kung siyay hindi nagsasalita sa kaniyang sariling pagmamatuwid. 3. Kung siyay hindi gumagawa ng anoman sa kaniyang sarili. 4. Sino kung gayon ang ganap na may kinalaman sa mga salitang lumabas sa kaniyang bibig?

MATEO 16 : 18 At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng HADES ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.

JUAN 14 : 10 ANG MGA SALITANG AKING SINASABI SA INYOY HINDI KO SINASALITA SA AKING SARILI: kundi ang AMA na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.

JUAN 12 : 49 Kundi ang AMA na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS, kung ANO ANG DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT KONG SALITAIN.

Nang sabihin niyang, sa ibabaw ng batong itoy itatayo ko ang aking iglesia (kawan) ay napakaliwanag na ang tinig ay kay Jesus, datapuwat ang salita ay sa Espiritu ng Dios na namamahay at naghahari sa kaniyang kalooban at kabuoan.

1. 2. 3. 4. 5. 6. 7.

Katotohanan. Ilaw. Pagibig. Kapangyarihan. (lakas) Paglikha. (paggawa) Karunungan. Buhay.

1. Saan man at kailan may HINDI NAGTATAG o NAGTAYO ng anomang iglesia si Jesus. Bagkus ay yaong Espiritu ng Dios (Espiritu Santo) na nasa kaniya ang siyang may gawa niyaong mga bagay na may kinalaman sa pagtatayo ng kawan (iglesia) sa ibabaw ng bato. 2. Maliwanag ding nararapat tanggapin ng lahat, na ang siyang ulo ng nabanggit na kawan ay ang Espiritu ng Dios na kaisaisang nagtatag nito. Samantalang si Jesus ay kabilang lamang sa katawan ng kawan, gaya ng iba pang lumalapat sa kalagayan ng tunay na kabanalan.

1. Ang ulo ang siyang nagpapanukala ng anomang maaaring gawin ng katawan. 2. Dahil dito, si Jesus ay kinasangkapan ng Espiritu ng Dios sa ikagaganap ng dakila niyang layunin sa sangbahayan ni Israel, 3. Gaya ng iba pang inaring banal ng Ama sa kalupaan ay nabibilang si Jesus sa kawan ng mga tupa (anak ng pagsunod).

4. Ang kawan ng mga tupa ay kalipunan, o katawan ng Iglesia na pinangunguluhan ng ating Ama na nasa langit. 5. Sa makatuwid ay katotohanan na nararapat tanggapin ng lahat, na si Jesus ay hindi kailan man lumapat sa kalagayan ng isang Dios. 6. Sa tanggapin nyo man, o hindi, siya (Jesus) ay isang TAO na totoo sa likas niyang kalagayan. Amen.

Amen

You might also like