You are on page 1of 3

ARALIN 22 ANG U.S. AT PAGSUPIL SA NASYONALISMONG PILIPINO Ang araling ito ay tumatalakay sa mga layunin at hangarin ng U.S.

sa mga unang taon ng pananakop sa Pilipinas gayundin ang mga nagging patakaran ng mga Amerikano upang supilin ang nasyonalismong Pilipino. ANG KASUNDUAN SA PARIS Mayo 1898 nang magapi ng pwersang Amerikano ang hukbong Espanol. Ang pagkapanalo ng U.S. ay nagbigay daan sa paghahangad na maisulong ang pansariling interes. Upang mapag-usapan at lutasin ang mga sigalot sa pagitan ng U.S. at Spain, nagpulong ang mga kinatawan ng dalawang bansa mula Oktubre hanggang Disyembre 1898 sa Paris. Ang bawat bansa ay may limang kinatawan. Matapos ang mga pag-uusap at pagtatalo, nilagdaan ang Kasunduan sa Paris noong Disyembre 10, 1898. Dito ipinagkaloob ng Spain ang pamamahala ng Pilipinas sa U.S. kapalit ng $20 milyon bilang kabayaran sa mga pagbabagong inihatid ng mga Espanol sa bansa. Binigyang karapatan ng U.S. ang Spain upang makapagpasok ng mga produkto nito sa Pilipinas sa loob ng 10 taon. Ito ay kinailangan munang sangayunan ng Senado ng U.S. bago maipatupad ang mga probisyong nakapaloob dito.

Nagpadala din ng kinatawan ang pamahalaang rebolusyonaryo ni Emilio Aguinaldo sa pagpupulong sa Paris sa katauhan ni Felipe Agoncillo. Si Agoncillo ay nagtungo sa U.S. upang asikasuhin ang pagkilala ng mga Amerikano sa kalayaan ng Pilipinas. Ngunit siya ay nabigong makipag-usap sa Pangulo ng U.S. kaya siya ay nagtungo sa Europa upang kausapin ang mga kinatawang Amerikano sa tunay na saloobin ng mga Pilipino. Muli nabigo si Agoncillo sa kanyang mithiin kaya siya ay bumalik sa Washington upang tutulan sa Senado ang pagpapatibay ng kasunduan.

Maraming Amerikanong senador ang naniniwalang hindi naging makatarungan ang nasabing kasunduan para sa mga Pilipino. Inakalang hindi makukuha ng mga tagapagtaguyod ng kasunduan ang sapat na boto ngunit sa kasamaang-palad dahil sa pagsiklab ng digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero 4, 1899 na inakalang pinasimulan ng mga Pilipino, tuluyang nasang-ayunan ang nasabing kasunduan noong Pebrero 6, 1899.

ANG BENEVOLENT ASSIMILATION PROCLAMATION Bago nilagdaan ang Kasunduan sa Paris, hindi tiyak ni Pangulong William McKinley ang nararapat gawin sa Pilipinas. Siya ay humingi ng payo sa iba t-ibang panig. Ngunit walang ding nangyari sa mga ito. Ilang gabi siyang di nakatulog

ngunit makailang ulit magdasal kanyang napagtanto ang mga sumusunod na kasagutan. 1. Hindi maaaring ibalik ng U.S. ang Pilipinas sa Spain sapagkat iyon ay nagpapakita ng kahinaang loob at kawalang dignidad. 2. Hindi maaaring ipagkaloob ng U.S. ang Pilipinas sa France o Germany sapagkat sila ay katunggali sa kalakalan sa Asya. 3. Ang mga Pilipino ay hindi kayang pamahalaan ang kanilang sarili at ito ay maaaring magdulot ng kaguluhang mas malala pa sa panahon ng mga Espanol sa Pilipinas. 4. Wala nang iba pang maaaring gawin kung hindi kunin na lamang ang kabuuan ng Pilipinas. Ito ay nararapat gawin sa abot ng makakaya ng mga Amerikano. Ito ay tinawag na Benevolent Assimilation Proclamation ni Pangulon McKinley na pinalabas noong Disyembre 21, 1898. Batay din sa kasunduan, ang mga Pilipino ay ay pagkakalooban ng kalayaan sa relihiyon at mga karapatang sibil ngunit ito ay nararapat munag sang-ayunan ng Kongreso ng U.S.

ANG MGA KOMISYONG IPINADALA SA PILIPINAS Ipinadala ang isang lupong pinamunuan ni Jacob Gould Schurman noong Enero 1899 upang makalikom ng kaalaman hinggil sa Pilipinas. Ito ay tinaway na Schurman Commission. Dumating ang komisyon sa Pilipinas at ipinahayag ang nabuting layunin ng U.S. sa mga Pilipino. Kailangan tanggapin ng mga Pilipino ang soberanya ng U.S. sa kanilang lupain, Hindi pinaniwalaan ng pangkat ni Aguinaldo ang mga pangako ng komisyon. Ang mga nakalap ng mga Amerikano ay nagmula lamang sa iilang kasapi ng mga Ilustrado. Dahil dito iminungkahi ng komisyon ang pagtatalaga ng isang gobernador-heneral na mamumuno sa Pilipinas. Iminungkahi din ang pagtatatag ng isang hiwalay na hukuman. Upang maisakatuparan ang mga mungkahi ng Schurman Commission, isang panibagong lupon ang binuo ni Pangulong McKinley noong Marso 1900. Ito ay pinamunuan ni William Howard Taft at tinawag na Taft Commission. Dito inilahad muli ni Mc Kinley ang pangunahing adhikain ng U.S. sa Pilipinas. Pinasimulan ang pagtuturo ng wikang English sa mga paaralan. Naiiba ang Taft Commission dahil hindi nito layuning magsiyasat lamang kundi sa halip ay manatili sa Pilipinas. Unang ipinatupad na batas ng komisyong ito ay maglaan ng dalawang milyong piso upang maisaayos ang mga lansangan at tulay. Nagpatibay pa ito ng mahigit 400 na batas na nauukol sa pagtatatag ng pamahalaang sibil.

Inihain ni Senador John C. Spooner ng U.S. ang pagwawakas ng pamahalaang military sa Pilipinas at inilipat ang pangangasiwa sa Kongreso. Noong Hulyo 4, 1901 isang pamahalaang sibil ang itinatag kung saan si Taft ay hinirang bilang unang

gobernador-sibil ng Pilipinas. Nang lumaon si Taft ay nagging kalihim ng kagawarang pandigma, pangulo at punong hukom ng Korte Suprema ng U.S. Noong Pebrero 6, 1905 pinalitan ang gobernador-sibil ng gobernador-heneral. Si Luke E. Wright na humalili kay Taft.

PAGSUPIL SA NASYONALISMONG PILIPINO

Sa kabila ng mabubulaklak na salita at magagandang adhikain ng U.S. marami pa rin mga Pilipino ang hindi nahihikayat sa mga binitawang pangako ng mga Amerikano. Ipinagpatuloy pa rin ng ilang mga rebolusyonaryo ang pakikibaka sa mga kabundukan. Tinawag na bandolero ang mga nakikibaka sa mga dayuhan na nag-udyok sa mga dayuhang magpatupad ng mga batas upang supilin ang nasyonalismong Pilipino. Pinagtibay noong Nobyembre 4, 1901 ang Sedition Law na nagbabawal sa mga Pilipinong magsalita o sumulat ng laban sa U.S. o bumigkas ng mga pananalita na nagsusulong ng rebelyon o paghihiwalay sa U.S. Ipinagbabawal din ang pagkakaloob ng tulong sa mga kaaway ng Amerikano.

Pinagtibay din ang pamahalaang kolonyal noong Nobyembre 12, 1902 ang Bringandage Act. Dito ipinagbabawal ang pakikilahok at pagsali sa mga kilusan ng mga tulisan. Ang mahuhuling lumabag dito ay maaaring mahatulang ng kamatayan o habambuhay na pagkabilanggo. Maliwanag ang pangmamaliit na ginawa ng mga Amerikano sa mga Pilipinong makabayan bilang makinarya ng kanilang propaganda. Isang batas ang ipinatupad noong 1903 upang pigilan ang panunulisan sa mga lalawigan. Ito ay Reconcentration Act. Sa pamamagitan nito ang taumbayan ay pinagbawalang lumabas mula sa isang takdang lugar. Dahil dito nawala ang suportang binigay nila sa mga gerilyang Pilipino at nakapagpahina sa kanila. Ipinairal din nila ang Flag Law na nagbabawal sa sinuman ang pagsabit na watawat noong 1907. Ang lahat ng mga nabanggit na batas ay nagpapakita lamang ng pagnanais ng mga Amerikano na supilin ang nasyonalismong Pilipino at isulong ang pansarili nilang interes.

You might also like