You are on page 1of 2

ng duckweed (Lemna perpusilla) ay isang uri ng maliit at lumulutang na halaman sa tubig tabang.

Wala itong sanga, luntian o berde ang dahon at may sukat na 0.1-0.3 sentimetro. Ang kanyang mga ugat ay pino at kulay krema. Nabubuhay ang duckweed sa mga lugar na hindi dumadaloy ang tubig. Mabilis itong dumami sa tubig na may agricultural at domestic waste. Bumubuo ito ng maliliit at makakapal na pulutong o colonies. Resources Region 4A, Regional Fisheries Research and Development Center Freshwater Fisheries Research Station (BFAR 4A-RFRDC-FFRS), Bambang, Los Banos, Laguna, ang paggamit ng tuyong ipot ng manok sa pagpaparami ng duckweed ay nakapagpataas ng produksyon, nutrient composition, at protina mula 11.04%-22.60%, mahigit na 48% na pagtaas ng crude protein (Chavez, et al, 2005). Gayundin, napag-alaman na ang kombinasyong 30% sariwang duckweed at 70% komersyal na pakain ay mainam para sa pagpapalaki ng GET-EXCEL tilapia (Chavez, et al, 2004).

PAMAMARAAN SA PAGPAPARAMI
1. Paghahanda ng palaisdaan a. Patuyuin ang palaisdaan upang maalis ang mga isda at iba pang mga organismo na maaaring kumain sa duckweed. b. Hugasan/linisin ang palaisdaan upang maalis ang mga dumi lalo na ang mga nakakalasong kemikal. c. Patuyuin sa araw upang maalis ang mga nakakalasong gas. d. Alisin ang iba pang dumi at sobrang putik. e. Kung maasim (acidic) ang lupa, maglagay ng apog sa daming 500 kilo bawat ektarya bawat buwan. f. Magpapasok ng tubig mula sa lalim na limang pulgada hanggang isang talampakan. g. Maglagay ng 4,000 kilong tuyong ipot ng manok bawat ektarya bawat buwan sa pamamagitan ng tea bag method. 2. Pagkalipas ng tatlong araw, maglagay ng dalawang kilong sariwang duckweed sa palaisdaan.

Ang duckweed ay isa sa mga halaman na may mataas na protina (depende sa paraan at kundisyon ng pagpaparami). Ito ay may 24% oxalic acid (katumbas na bigat) na siyang dahilan ng pagiging masustanya nito at dagliang pagkatunaw. Dahil dito, angkop itong gamitin bilang dagdag-pakain o feed supplement sa isda, tulad ng tilapia at karpa. Maaari itong ipakain ng sariwa o bilang sangkap ng pakain sa isda. Sa kasalukuyan, kakaunti pa lamang ang nagpaparami ng duckweed sa Pilipinas kung kayat wala pang gaanong teknolohiya na maaaring gamitin. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic

3. Anihin ang duckweed makalipas ang pitong araw. Gumamit ng salok sa pag-aani. Ang dami ng aanihin ay ayon sa kinakailangang pakain ng inaalagaang isda.

4. Pagkaraan ng isang buwan ulitin ang pamamaraan ng pagpaparami ng duckweed. Sukat Paunang dami ng punla Pang-araw-araw na produksyon Kabuuang produksyon sa loob ng isang linggo Halaga ng produksyon Halaga ng pagpapatubo ng isang kilong duckweed 200 m 2 kilo 17.3 kilo 121.1 kilo P 236.14 P 1.95

PAGPAPANATILI NG KALIDAD NG TUBIG


P ar m et r a e s Tem per t r , aue C pH D i sol ed O xygen,m g/ s v l Tot lH ar ness,m g/ a d l R ange 29. -30. 8 2 7. 5 -7. 5 1 4 0. 2 -1. 3 6 8 107. -130. 5 0
Para sa dagdag kaalaman, makipag-ugnayan sa: BFAR Region 4A REGIONAL FISHERIES RESEARCH AND DEVELOPMENT CENTER Freshwater Fisheries Research Station Bambang, Los Baos, Laguna
Tel.: (049)827-0183 Fax: (049)536-8206
Layout: H.J.F. Noscal

You might also like