You are on page 1of 20

ANTAS NG KAALAMAN AT SALOOBIN NG MGA ESTUDYANTENG NARSING NA NASA IKALAWANG TAON SA KOLEHIYO NG DIVINE WORD HINGGIL SA PAGKAKALULONG SA BISYO

Isang Balangkas-Papel na Inihanda sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino Kolehiyo ng Edukasyon, Kolehiyo ng Divine Word Lunsod ng Legazpi

Bilang Pagtupad sa Isa sa Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

Nina: Roden D. Berdin Charmaine A. Cabiles Regina A. De Luna

Marso 19, 2012

PASASALAMAT

Taus-pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot sa mga sumusunod na individwal at tanggapan dahil sa mahahalagang tulong, kontribusyon at/o suporta tungo sa matagumpay na reyalizasyon ng pamanahong-papel na ito: kay Bb.. Maylen M. Marbella, ang aming masigasig na guro sa Filipino, sa pagtulong sa amin at paggabay sa paggawa ng isang pamanahong-papel sa pamamagitan ng pagtuturo ng tamang paggawa at mga tamang hakbangin sa pagsulat ng isang pamanahong-papel, sa mga awtor, editor, at mananaliksik ng mga akdang pinaghanguan naming ng mahahalagang informasyong aming ginamit sa pagsulat ng una at ikalawang kabanata ng pamanahong-papel na ito, sa aming mga respondent, sa paglalaan ng panahon upang matapat na masagutan ang aming inihandang kwestyoneyr, sa aming kaniya-kaniyang pamilya, sa pag-unawa at pagpapahintulot sa amin na umuwi sa oras na hindi naming kinagawian matapos lamng ang pamanahong-papel na ito, at higit sa lahat sa Poong Maykapal, sa pagdinig sa aming mga dalangin lalong-lalo na sa sandaling kami ay pinaghihinaan na ng pag-asang matapos namin ito ng maayos sa tinakdang-panahon.

Muli, maraming-maraming salamat po. Mga Mananaliksik ii

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangagailangan ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na pinamagatang Mga Sanhi at Bunga ng Pagkakalulong sa Bisyo ng mga Estudyanteng Narsing sa Ikalawang Taon sa DWCL ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa BSN-I na binubuo nina:

Regina De Luna

Charmaine Cabiles

Roden Berdin

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Edukasyon, Kolehiyo ng Divine Word, Lunsod ng Legazpi, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Bb. Maylen M. Marbella Guro sa Filipino 2

iii

TALAAN NG NILALAMAN Pahina ng Pamagat Pasasalamat Dahon ng Pagpapatibay Talaan ng Nilalaman Kabanata I, Ang Suliranin at Kaligiran Nito 1. Introduksyon 2. Layunin ng Pag-aaral 3. Kahalagahan ng Pag-aaral 4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 5. Definisyon ng mga Teminolohiya Kabanata II, Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Kabanata III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik 1. Disenyo ng Pananaliksik 2. Mga Respondente 3. Instrumentong Pananaliksik 4. Tritment ng mga Datos Listahan ng Sanggunian Apendiks A Apendiks B 8 8 9 9 10 11 12 1 2 2 3 3 5 8 i ii iii iv 1

iv

KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Introduksyon Ang kalusugan ay kayamanan. isa ito sa mga pinakatanyag na kasabihan. Subalit tanyag lamang ito. Hindi ito gaano inuunawa at isinasabuhay. Sa halip na higit itong pagtuunan ng pansin ay mas binabalewala ito. Ayon nga sa kasabihan masarap ang bawal. Ang kalusugan ay isa sa ating tanging yaman. Nahihiga ka man sa salapi ay balewala ang kayamanan mo kung ikaw ay may sakit at lalo na kung may taning na ang buhay. Kailangan nating maging malusog upang magampanan natin ang mga pang arawaraw na gawain. Sa kahit anong organismo, isang anyo ng homeostasis ang kalusugan (Blaxter, 1990). Sa mga nilalang na may kamalayan katulad ng mga tao, malawak ang kaisipan ng kalusugan. Binibigyan ng kahulugan ng Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan ang kalusugan bilang "isang kalagayan ng buong pangkatawan, pangkaisipan at panlipunang kagalingan, at hindi lamang binubuo ng pagkawala ng sakit o kahinaan. (http://tl.wikipedia.org/wiki/Kalusugan). Isa sa mga hadlang upang makamtan ang malusog na pangangatawan ay ang pagkakalulong sa bisyo. Kinabibilangan ito ng sigarilyo, alak, droga, sugal, at marami pang iba. Marahil nga ay masarap ang mga ito. Subalit, kapag itoy nakagawian na at naging parte na ng ating pamumuhay o lifestyle. Sa kasawiang palad, ang mga kabataan na siyang kinabukasan ng ating bayan ay mismong pinakalulong nito. Isang hamon sa bawat kabataan at mamamayan ngayon ang panatilihing malusog ang pangangatawan sa kabila ng makabagong panahon at pamumuhay. Huwag sana natin

isugal ang pagkakataon na makita ang bunga ng ating mga paghihirap bilang mag-aaral. Matuto sana tayo pumanig sa kung ano ano ang wasto at nararapat. Huwag sana nating talikuran ang malusog na pangangatawan. Sapagkat ang malusog na katawan ay tungo sa magandang kinabukasan. Layunun ng Pag-aaral Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay impormasyon hinggil sa Antas ng Kaalaman at Saloobin ng mga Estudyanteng Narsing sa Ikalawang Antas ng DWCL HInggil sa Pagkakalulong sa Bisyo ay naglalayong matugunan ang mga sumusunod na mga tanong: 1. Ano ang antas ng kaalaman at saloobin ng mga estudyanteng narsing ng DWCL hinggil sa pagkakalulong sa bisyo? 2. Ano ang maaring maging bunga o epekto nito sa pag-aaral at kalusugan ng mga estudyanteng narsing ng DWCL? 3. Paano maiiwasan ang pagkakalulong sa bisyo ng mga estudyanteng narsing ng DWCL? Kahalagahan ng Pag-aaral Naniniwala ang mga mananaliksik na napakahalaga ng pag-aaral na ito. Maaari itong maging babala sa mga tao o estudyanteng nalululong sa bisyo lalo na sa mga estudyanteng kumukuha ng narsing sa DWCL. Mahalaga ang mga impormasyong nakasaad dito sapagkat malaki ang maitutulong nito sa pagliit ng bilang ng mga estudyanteng nalululong sa bisyo. Makatutulong ito sa mga mambabasa, upang maiwasan nilang malulong sa bisyo.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaari ring malaman ng mga estudyante ang antas ng kaalaman, saloobin at maaaring maging bunga o epekto ng pagkakalulong sa bisyo ng mga estudyante. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagtuklas ng antas ng kaalaman at

saloobin ng mga estudyanteng Narsing ng DWCL hinggil sa pagkakalulong sa bisyo ng mga estudyanteng nasa ikalawang antas. Sakop din nito ang pagtukoy sa mga dahilan at epektong dulot ng pagkakalulong sa bisyo. Napili ng mga mananaliksik ang mga estudyanteng ito, sapagkat sila ay naniniwala na sa ikalawang taon ng pagiging kolehiyo nagsisimula ang lahat. Ang ikalawang taon sa kolehiyo ay madalas na itinuturing bilang adapting stage. Definisyon ng mga Terminolohiya Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat naming bigyan ng definisyon ang mga sumusunod na terminolohioya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa ang terminolohiya sa pamanahong-papel na ito:
Ang alak ay isang uri ng inumin na may halong katas ng ubas at espiritu ng alkohol. Ang ipinagbabawal na mga gamot, ilegal na mga droga, inaabusong mga gamot, o mapanganib na mga gamot ay tumutukoy sa anumang sangkap, hindi kasama ang tubig at mga pagkain, na nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan ng tao at katawan din ng tao. Ang homeostasis ay ang pagkakabalanse ng gampanin at mga kemikal sa loob ng katawan ng organism, equilibrium sa physiology ng katawan.

Ang Organisasyong Pandaigdig ng Kalusugan o Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan oWorld Health Organization o WHO ay isang natatanging sangay ng mga nagkakaisang bansa na gumaganap bilang isang katuwang na kapangyarihan sa pandaigdigang pampublikong kalusugan.

Ang sakit at isang di-normal na kalagayan ng katawan o isipan na nagdudulot ng di- maayos na pakiramdam o kawalan ng kakayahan na makagawa ng normal, kaiba sa pagkasugat o di-kaaya-ayang pakiramdam.
Ang sigarilyo o cigarette ay isang produktong ginagamit sa pamamagitan ng pagpapausok nito o paninigarilyo, at gawa mula sa pinong hiwang dahon ng tabako. Ang sigarilyo ay sinisindihan sa kabilang dulo na bahagi nito at sa kabila naman ay kung saan maaaring hithitin ang usok, (kadalasang may pilter). Ang sugal ay tumutukoy sa paggagamit ng salapi o mga bagay na may halaga sa mga kaganapan na hindi tiyak ang kakahantungan na ang pangunahing intensyon ay manalo na karagdagang salapi o/at mga materyal na bagay.

KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Marami nang mga kabataang nalululong sa masasamang bisyo ngayon. Marami ang uri ng mga bisyo, nangunguna sa mga bisyo ay ang paninigarilyo. Ayon sa aklat na Pharmacology for the Primary Care Provider (2004), ang paninigarilyo ay ang sanhi ng maraming sakit. Ito ay ang pagkakaroon ng cancer sa baga, esophagus at larynx, coronary artery disease, stroke at Chronic Obstructive Pulmonary Disorder o COPD. Sinasabi din na 27.3 porsyento ang naninigarilyo edad 25-44, 23.3 porsyento edad 45-64, at 10.5 porsyento ang naninigarilyo edad 65 pataas. Ang mga bata ay may posibilidad din na magkaroon mg sakit sa puso dahil sa mataas na kolesterol na nakukuha mula sa pagkalanghap ng usok ng sigarilyo sa loob ng bahay. Sinasabi na mahigit 420,000 ang namamatay taon taon dahil sa pagkakasakit sanhi ng paninigarilyo. Ang nicotine ay nakakataas ng heart rate at blood pressure gawa ng pagtaas ng epinephrine. Ito din ay nakakababa ng oxygen dahil sa pagtaas ng carbon dioxide sa katawan. Sinasabi din na maaring mabawasan ang pag-iisip ng paninigarilyo kumpara sa matatandang hindi naninigarilyo at ang kanilang katawan ay dumidependa sa droga. Ang biglaang hindi paninigarilyo ng tao ay nakakaranas ng pagiging iritable, pagiging pagod, pagdagdag ng timbang gawa ng madaming pagkain, depresyon, pagkasakit ng ulo, pagkahirap magpokus. Ang mga ito ay maaring mabawasan sa paggamit ng nicotinecontaining smoking deterents na kung saan binabawasan nito ang nicotine plasma sa katawan. Ang taong tumigil sa paninigarilyo o hindi nanigarilyo ay maiiwasan ang pagkabaho ng hininga, paninilaw ng ngipin, panunuyot ng buhok at balat, at pagkasira ng panlasa.

Ayon sa aklat na Critical thinking in respiratory care (2002), ang chronic obstructive pulmonary disease o COPD ay ang epekto ng kapaligiran sa ating buhay o dahil sa namana ito. 80-90 porsyento ay dahil sa paninigarilyo at sa second hand smoke na isang halimbawa ng pangkapaligiran. Ang mga may sakit na COPD ay nakakaranas ng sintomas na cyanosisbilang epekto ng hypoxia, pagkahingal, at bronchoconstiction kung kaya masasabi na ang COPD ay sakit na may pagharang sa daanan ng hangin. Sinasabi na ang mga naninigarilyo ng dalawampung taon ay ang mga nakararanas ng mga nabanggit na sintomas. Ayon naman sa World Health Organization o WHO, dalawang daang milyong katao ang magkakaroon ng tuberculosis sa gitna ng taong 200 at 2020 at tatlumput limang milyong katao ang namamatay sa sakit na ito. Ang librong ito ay naglalaman ng patnubay sa mga nars at pagbibigay kaalaman sa epektibong pagdiagnose, pag-iwas, paglunas at pag-alaga. Nakasaad rin dito ang mga bagong pagkanya at konsepto ukol sa sakit na tuberculosis. Ang librong ito ay naghihikayat sa mga nars at iba pang propesyonal na nasa linya ng medesina na gawin ang mga nasabing konsepto at epektibong pamamaraan upang maging mas mabisa ang pagiwas at paglunas sa sakit na tuberculosis.

Ayon sa http://konseptongpapel.blogspot.com, ang drogang marijuana pinaka may masamang idudulot sa tao, nakaksira ito ng isipan, nakakaadik at maaari nitong sirain ang buong buhay at pagkatao ng isang nilalang. Ang marihuwana ay isang uri ng ipinagbabawal na gamut. Kilala rin ito bilang "damo"; at sa Ingles bilang "Mary Jane" at joint. Mataas ang nilalamang alketran o tar ng marihuwana kung ihahambing kaysa tabako. Nagdurulot ng bronchitis, kanser sa bibig, lalamunan, baga, at iba pang mga

karamdamang may kaugnayan sa paninigarilyo, ang matagalan at patuloy na paggamit ng marihuwana. Nakakaapekto rin ito sa panandaliang memorya at makatwirang pag-iisip ng tao. Ayon sa National Reference Laboratory ng Department of Health, nagsagawa sila ng random drug tests sa mga secondary o high school students ng public at private schools sa bansa. Ito umano ay kumakatawan sa 0.24 porsyento o wala pang 1 porsyento ang gumagamit ng droga sa mga estudyanteng sumailalim sa random drug tests, bilang bahagi ng National Drug Education Program ng DOH at Department of Education. Una umanong nakapagtala ng 90 estudyante na positibo sa paggamit ng iligal na droga mula noong Pebrero hanggang Disyembre 2009, sa isinagawang screening subalit nang isailalim sa confirmatory laboratory tests ay nakumpirmang 70 lamang ang positibo sa marijuana habang 2 lamang sa paggamit ng shabu.

Ang alak naman ay isang uri ng inumin na may halong katas ng ubas at espiritu ng alkohol. Ang epekto ng alak sa atay ay ang pinakamabigat. Dahil ang alcohol ay isang lason sa katawan at ang atay ang pangunahing bahagi ng katawan na tiga-linis ng mga lason at ibat ibang kemikal, kapag sobra ang nainom mong alak, hindi kinakaya ng atay na linisin lahat ng alcohol sa katawan, at itoy namamaga at nasisira. Kapag tuluyang nasira ang atay isang kondisyong tinatawag na cirrhosis maaaring magtuloy-tuloy ang isang tao sa pakasira ng bato, coma, o kamatayan. Hindi lamang atay ang apektado ng sobrang pag-inom ng alak. Pinakaganit ng alak ang mga ugat ng dugo, na maaaring magdulot ng high blood at sakit sa puso. Marami pang epekto sa katawan ang alak, gaya ng pagkasira sa utak ng mga brain cells, pagkasira ng pancreas, bangungot, at iba pa.

KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK Disenyo at Paraan ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng pamaraang palarawan na pananaliksik. Ilalarawan sa pag-aaral na ito ang antas ng kaalaman, saloobin at sanhi sa pagkakalulong sa bisyo ng mga respondente. Respondente Ang mga napiling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa ikalawang taon ng Kolehiyo ng Narsing sa Divine Word College of Legazpi sa ikalawang semestre ng taong-akademiko 2010-2011. Sa kasalukuyan, may isang pangkat ng mga estudyante sa kolehiyo ng narsing sa Divine Word College of Legazpi, (17) labing pitong lalake at (30) tatlumpung babae na may kabuuang bilang na (47). Talahanayan 1 Bilang ng Respondente sa Ikalawang Taon sa Kolehiyo

Kurso BSN-II

Babae 30

Lalake 17

Kabuuang Dami 47

Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondente sa ikalawang taon sapagkat sila ang pinakamadaling makatugon sa pamanahong-papel na ito. Instrumento ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarvey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng sarvey-kwestyoner upang makangalap ng mga kaukulang datos o impormasyon ukol sa sanhi at bunga ng pagkakalulong sa bisyo ng mga

respondente. Sa pamamagitan ng kwestyoner na ito ay mapapadali ang pagsagot ng mga respondent sa mga tanong na nakahanda. Tritment ng mga Datos Dahil ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis at disertasyon, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyoner ang inalam ng mga mananaliksik. Samakatwid, ang pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinakailangang gawin ng mga mananaliksik. Pagkuha ng porsyento: Bilang ng respondenteng sumagot X 100 = Kabuuang bilang ng respondente

Listahan ng mga Sanggunian

Aklat: Edmunds, M. W., & Mayhew, M. S. (2009).Pharmacology for the primary care provider. St. Louis, MO: Mosby. Mishoe, S. C., & Welch, Jr., M. A. (2001).Critical thinking in respiratory care. Canada: McGraw-Hill Medical Publishing Website:

http://konseptongpapel.blogspot.com http://www.who.int/countries/phl/en/ http://tl.wikipedia.org/wiki/Kalusugan

APENDIKS A

March 20, 2012

Mrs. Nelsa Malong, RN, MAEd, MAN Dekano, Kolehiyo ng Narsing Divine Word College of Legazpi Madam: Maligayang pagbati! Kami po ay isang pangkat ng mga mag-aaral sa BSN-I na kasalukuyang kumukuha ng asignaturang Filipino 2, sa ilalim ng pamamahala ni Bb. Maylen Marbella. Isa po sa mga pangangailangan ng nasabing asignatura ay ang pagsulat ng isang papelpampananaliksik. Sa kasalukuyan po, kami ay nagsusulat ng isang pamanahong-papel tungkol sa Antas ng Kaalaman at Saloobin ng mga Estudyanteng Narsing na nasa Ikalawang Antas ng DWCL Hinggil sa Pagkakalulong sa Bisyo. Kaugnay po nito, humihingi po kami ng pahintulot mula sa inyong tanggapan upang kamiy makapamahagi ng sarvey-kwestyoneyr sa apatnaput pitong mag-aaral na kumukuha ng kursong Narsing. Ang mga datos na aming makakalap sa sarvey ay makakatulong po nang lubos sa aming pag-aaral. Inaasahan po namin ang iyong positibong pagtugon sa aming kahilingan.

Lubos na gumagalang, Roden D. Berdin Lider ng Pangkat Nabatid:

Bb. Maylen M. Marbella Guro

APENDIKS B

Mahal naming Respondente, Maalab na pagbati! Kami ay mga mag-aaral ng Filipino 2 na kasalukuyang nagsusulat ng isang pamanahong-papel hinggil Antas ng Kaalaman at Saloobin ng mga Estudyanteng Narsing na nasa Ikalawang Antas ng DWCL Hinggil sa Pagkakalulong sa Bisyo.

Kaugnay nito, inihanda namin ang kwestyoneyr na ito upang makapangalap ng mga datos na kailangan namin sa aming pananaliksik. Kung gayon, mangyaring sagutan ng buong katapatan ang mga sumusunod na aytem. Tinitiyak po namin na mananatiling lihim ang inyong pangalan at mga kasagutan . Marami pong salamat!

-Mga Mananaliksik

Direksyon: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga kasunod na patlang. Kung may pagpipilian, lagyan na lamang ng tsek ang patlang na tumutugma sa iyong sagot. 1. Pangalan (opsyunal):____________________________ 2. Kasarian: 3. Edad: ___ 4. Sa iyong pansariling assessment, sa anong antas ang iyong kaalaman tungkol sa mga bisyo? ____Alam na alam ____Kaunti ang kaalaman ____Walang kaalaman Lalake:____ Babae:______

5. Saan mo natutunan ang kaalaman mo hinggil sa bisyo? ____Radyo ____Dyaryo ____Televisyon ____Libro At iba pa._________________________________________

6. Ano ang damdamin mo hinggil sa pagdami ng estudyanteng nalululong sa bisyo? ____Natatakot ____Nadidismaya ____Nababahala ____Hindi nangangamba At iba pa.____________________________________________

7. Bilang isang Narsing Student, apektado ka ba sa pagdami ng nalululong sa bisyo? ____Apektadung-apektado ____Apektado ____Hindi gaano

8. Ano-ano ang mga dahilan o sanhi ng mga estudyanteng Narsing sa pagkakalulong sa bisyo? ____problema ____barkada ____pamilya At iba pa.__________________________________________________

9. Ano-ano ang mga epekto/bunga nito ? ____karamdaman ____mababang marka ____bumabagsak sa klase ____suliranin ng pamilya/guro at lipunan

____nagiging mapangahas ____nawawalan ng respseto At iba pa_____________________________________________

10. Ano ang iyong maimumungkahing paraan upang maiwasan ang pagkakalulong sa bisyo ng mga estudyanteng narsing ng DWCL na nasa ikalawang taon? _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ ________________________________________________________________

You might also like