You are on page 1of 8

Kabanata 1: Hiling ng Makata Buod: Nagdasal ang makata sa Birheng Maria para magabay siya ng Birheng Maria.

At para makasumpay ang kwento niya. Kabanata 2: kaharian ng Berbanya Buod: May isang kaharian sa Berbanya, ang hari na si Don Fernando at si Donya Valeryana ay may tatlong anak na si Don Pedro, Diego at Juan. Nagkasakit ang hari. Napanaginapan niya na may masamang nangyari kay Juan. Sinabi ng manggagamot na ang Adarna ang makakatulong sa kanya. Kabanata 3: Hamon kay Pedro Buod: Si Don Fernando ay nagutos kay Pedro na pumunta sa Piedras Platas at kunin ang Adarna. Umakyat siya doon at natulog. Tinaihan siya ng Adarna at naging bato siya. Kabanata 4: Don Diego: Ako naman! Buod: Dahil wala pa rin si Don Pedro, pumunta si Don Diego sa Piedras Platas at nagpahinga sa isang baton a si Don Pedro. Dumating ang Adarna at kumanta, nataihan din si Don Diego. Kabanata 5: Hangad Makatulong. Buod: Gusto ni Don Juan na hanapin sina Diego at Pedro. Tatakas daw siya kung hindi siya papayagan. Lumakbay si Don Juan, isang tinapay ay ang kakainin niya bawat buwan. Sa ikalimang buwan, nakita niya ang isang matandang leproso. Kabanata 6: Gantimpala ng kabutihang loob.

Buod: Lumakbay si Don Juan patungo sa Piedras Platas at may nakita siyang matanda. Binigyan ni Juan ang huling tinapay niya at sinabi ng matanda na pumunta sa ermitanyo. Ang ermitanyo ay nagturo sa kanya sa paghuli ng Adarna at pinapunta siya sa Piedras Platas at naghintay. Kabanata 7: Ang karapat-dapat. Buod: Nakita ni Juan ang Adarna. Nakuha ng ibon at ng puno ang atensyon ni Don Juan. Sinugatan ni Don Juan ang kanyang palad at linagyan ng dayap. Nagising si Don Juan at hinuli niya ang Adarna gamit ng gintong lubid. Binuhusan ni Don Juan ng banga ang dalawang bato. Nakita na ni Don Juan ang kapatid niya.Nagdiwang sila sa bahay ng ermitanyo.

Kabanata 8: Bunga ng masamang gawa. Buod: Naglalakad ang tatlo ng masaya, pero nakaisip ni Don Pedro ng masama. Sinabi niya kay Don Diego ang plano niya. Binugbog nila si Don Juan. Sa Berbanya, sinabi nila kay Don Fernando na hindi nila nakita si Don Juan. Hindi kumanta ang Adarna para kay Don Fernando dahil wala si Juan. Kabanata 9: Sagot sa Taimtim na dasal. Buod: Si Don Juan ay binugbog ng dalawang kapatid niya dahil sa inggit. Iniwan si Don Juan na bugbog na bugbog, samantala si Don Juan ay dasal na dasal sa Diyos at ang Birheng Maria. Mayroong isang matanda na pumunta sa kanya at gumamot sa kanya, nagpasalamat at nagkwentuhan sila. Sinabi ng matanda na dapat na siya umuwi sa Berbanya upang tignan ang tatay niya. Kabanata 10: Ang Katotohanan ay lalabas. Buod:

Umuwi na si Don Juan at kinanta ng Ibong Adarna ang buong pangyayari, si Don Fernando ay nagalit pero si Don Juan ay naghingi ng patawad para sa dalawa. Dahil gustong gusto ng hari ang Ibong Adarna, pinagbantay niya ang Ibong Adarna sa mga anak niya hati hati ng oras ang pagbantay Kabanata 11: Inggit ang sanhi. Buod: May plano si Don Pedro, gisingin ni Pedro si Don Juan sa hindi pa oras ni Juan magbantay, kaya napagod siya at natulog sa kanyang bantay. Pinakawalan ni Pedro ang Adarna, natakot si Juan na akala niya ang may kasalanan. Umalis siya sa kabundukang Armenya. Kabanata 12: Di husto ang tangan. Buod: Maagang nagising ang hari at gustong gusto niyang makita ang Adarna ngunit wala iyon at si Don Juan. Pinahanap si Don Juan at ang Adarna kay Don Pedro at Don Diego. Nakarating sila sa Armenya at nakita din si Juan. Nagandahan sila doon at gusto tumira doon dahil marami ang pagkain, at mga iba.

Kabanata 13: Tagumpay at tatag ng loob. Buod: Naglalakad ang magkakapatid hanggang sa may nakita silang balon. Nagtataka sila kung bakit sa ganda ay walang may nagmamay-ari nito. Sabi ni Don Juan ay bababain niya ang balon dahil may hiwaga raw ito. Ngunit ang sabi ng dalawa niyang kapatid ay mas matanda sila kaya dapat sila ang mauna. Nauna si Don Pedro ngunit hindi niya kinaya. Sumunod si Don Diego ngunit hindi ren niya kinaya. Ang nahuli ay si Don Juan at nagawa niya. Namangha siya sa nakita niya sa ibaba ng balon.

Kabanata 14: Walang dambuhalang kalaban. Buod:

Nang makarating sa ibaba ng balon, nakita agad ni Don Juan ang kagandahan ni Donya Juana. Gusto ni Don Juan isama si Donya Juana paalis ng balon ngunit may tagabantay siya. Isang Higante. Pero malakas ang loob ni Don Juan at kinalaban niya. Natalo ni Don Juan at niyaya ulit niya si Donya Juana umalis subalit maiiwan raw niya and kanyang bunsong kapatid na si Donya Leonora na may tagabantay namang isang Serpyente na may 7 ulo. Kaya pupuntahan ren ni Don Juan si Donya Leonora. Kabanata 15: Kahit Pito Ulo ng Serpyente Buod: Nakita ni Don Juan ang hinahanap niyang si Donya Leonora. Kagaya sa nangyari kay Don Juan nang nakita niya si Donya Juana, nagkagusto siya agad kay Donya Leonora. Nag-usap nang matagal ang dalawa at habang nag-uusap ang dalawa, kontikonti silang nahuhulog sa isat isa. Pagkatapos ay kinalaban ni Don Juan ang Serpyente. Sa una ay nahirapan siya ngunit nang ibinigay ni Donya Leonora ang balsamo, mabilis nang natalo ni Don Juan ang Serpyente. Tapos ay dinaanan nila si Donya Juana para maka-alis na ng balon. Kabanata 16: Muling Pagtataksil Buod: Pinagyaman ng mahiwagang lobo si Don Juan Parang taong maliksing kumuha ng tatlong bote ng tubig sa Ilog Jordan at sa pamamagitan nito, buong tapat niyang pinahiran ang bawat pasa ng katawan ng prinsipe. Prinsipe'y agad namang lumakas at sa laki ng katuwaan, ang lobo'y nilapitan, niyakap at pinasalamatan. Kabanata 17: Hanggang Kailan? Buod: Naghiwalay na ang lobo at si Don Juan, Sa pag-iisa ni Don Juan sa kabundukan Hindi niya kinalimutang tumawag at humihingi ng patnubay sa Diyos sa kanyang paglalakbay. Dahil na rin sa kapaguran sa kalalakad, siya ay nagpahinga at nakatulog. Siyang pagdating ng ibong Adarna. Dito ay ginising ng ibon and prinsipe at isinalaysay kung bakit sila nagkahiwalay. Ipinayo ng ibon na kalimutan na si Leonora sapagkat may higit na maganda siyang makikilala. Ito'y si Maria Blanca, anak ni Haring Salermo ng Reyna de los Cristal.

Kabanatay 18: Muling Paghahanap, Muling Pagtatagpo Buod: Samantalang si Don Juan ay patungo na sa Reyna de los Cristal na siyang ipinayo ng Ibong Adarna, si Prinsesa Leonora naman ay tumatangis, araw at gabi. Sakbibi ng kalungkutan at walang laging laman ng isip kung Hindi si Don Juan. Kabanata 19: Ang Ganti sa Mapagkumbaba Buod: Nagkulong si Leonora. Nagpapakasal si Pedro kay Leonora pero ayaw ni Leonora. Humingi si Leonora ng pitong taon para maghintay siya para kay juan. Kabanata 20: Magpakailanman Pa Man Buod: Habang si Leonora'y patuloy pa rin da pagdurusa sa paghihintay kay Don Juan, si Don Pedro nama'y naglulumuhod na iniluluhog ang kanyang pag-ibig kay Leonora. Mukha atang mahirap mapaibig ang isang dalagang mayroon nang ibang minamahal. Dalawang pag-ibig na naghihintay Si Leonora kay Don Juan at si Don Pedro kay Leonora. Kabanata 21: Bunga ng Pinaghirapan Buod: Dito nakilala ni Juan ang tatlong ermitanyo na tumulong sa kanya makapunta sa Kaharian ng De Los Kristales.

Kabanata 22: Agad Kitang Minahal Buod: Lubos ang pasasalamat ni Don Juan dahil sa tulong ng agila, narating niya ang Reyna delos Cristales. Mismong sa banyo Nina Prinsesa Maria Blanca siya iniwan ng ibon. Siya'y pinagbilinan ng agila na matutuklasan ang isang hiwag.

Kabanata 23: Pagsubok sa Binatang Nagmamahal Buod:

Sa ginawang pangungubli ni Don Juan, napagmasdan niya ang kagandahan ni Dona Maria. Sa labis na paghanga, kanyang ninakaw ng damit ng dalaga. Sa ganoong pangyayari ang galit ni Maria Blanca ay Hindi mapasusubalian. Subalit dahil sa ginawang pagpapakumbaba at pagsusumamo ni Don Juan at pag-amin sa kanyang ginawa, ang dating galit ng prinsesa ay nauwi sa isang pag-ibig. Kabanata 24: Tagisan ng Talino Buod: Ipinakita ni Salermo ang negrito kay Juan. Ipinawala niya ang labin dalawang negrito at inutos niya si Juan na maghuli ang negrito na gamit ng gintong prasko. Ang sunod n autos ng hari ay kailangan iusog ni Don Juan ang bundok para mahanginan. Tinulungan siya ulit ni Donya Maria. Gusto naman ng hari namaghulog ni Juan ang bundok sa dagat tapos igamit niya ang bundok para maggawa ng isang palasyo na moog. Sinadyang hulugin ng hari ang kanyang singsing. Pinahanap niya ang sing-sing kay Don Juan. Tinulungan nanaman ni Donya Maria si Don Juan sa pagsusulit. Kabanata 25: Malayang Umibig Buod: Nasisiyahan si Haring Salermo sa unang pagsubok subalit Hindi siya naglubay. Binigyan ng ikalawang pagsubok ang labindalawang Negrito na nasa loob ng prasko. Pinakawalan ang mga ito sa karagatan pagkatapos. Si Don Juan ang magsisilid na muli sa prasko ng walang labis, walang kulang. Nais ng hari na kinabukasan, sa kanyang pag-aalmusal ay naroon sa kanyang hapag ang prasko. Sa tulong ng mahika ni Dona Maria, naisilid ang mga ito. Hindi ito matanggap ni Haring Salermo kayat nag-isip muli ng higit na mabigat na pagsubok. Kabanata 26: Ikakasal Ka Nga Ba? Buod:

Ang ikatlong utos ng hari ay may layuning masubok kung talagang may galing nga ang prinsipe - ang bundok ay maiusod sa harap ng kanyang bintana. Kung Hindi ito magagawa mauutas ang kanyang buhay. Kabanata 27: Bakas ng Nalimot na Lumipas Buod: Dahil sa nagawa ni Don Juan ang mga pagsubok, binigyang muli ni Haring Salermo ng sunod-sunod na pagsubok si Don Juan upang sukatin talaga ang galling ng prinsipe - ang pagtabon sa dagat upang maging kastilyo. Ang paghahanap sa singsing nito at pagsupil sa mabangis na kabayo na walang iba kundi ang hari mismo. Ang lahat ng ito ay napagtagumpayan ni Don Juan sa tulong ng mahika ni Dona Maria. Kabanata 28: Nagbalik ang Alaala ng Pag-ibig Buod: Dahil napagtagumpayan ni Don Juan ang lahat ng pagsubok siya'y ipinatawag ng hari upang papiliin ng sisitahin sa kanyang mga anak. Dahil sa talagang nagmamahal, tiyak ni Don Juan ang pipiliin. Labag man sa kalooban ng hari, ibinigay niya ang bendisyon sa pinakamamahal na anak na dalaga bagamat sa loob niya, may lihim na balak ito laban sa prinsipe. Subalit Hindi pinahintulutan ni Maria Blanca. Gumawa siya ng paraan upang matakasan ang ambang paghihiwalay sa kanila. Kabanata 29: Masaya ang Buhay Buod: Nalagpasan Nina Maria Blanca at Don Juan ang paghabol ni Haring Salermo pagkat iba't ibang paraan ang ginamit ng prinsesa upang Hindi sila abutan: naghulog ng sabon sa lupa at biglang natabunan ng bula ang bundok. Naglaglag ng kohe at ang dating lupa ay naging dagat. Sa pagyayaring iyon, isinumpa siya ni Haring Salermo. Sa sama ng loob, ang hari ay nagkaroon ng karamdam at di nagtagal ay namatay. Tumalad ang sumpa ng hari Ang bilin ni Maria Blanca kay Don Juan na huwag makitungo sa mga babae ay nakalimutan niya. Nang bumalik si Don Juan sa Berbanya, ang lahat ay nagalak, pati na si Leonora na biglang yumakap sa kanya

kabanata 30: Buod:

Nagbalik sa alaala ni Don Juan ang naganap sa kanila ni Maria Blanca. Sinabi ni Don Juan sa hari na si Maria Blanca na ang kaniyang pakakasalan. Sa pangyayaring ito, nagulo ang palasyo. Iginiit ni Leonora ang kanyang panig. Inihayag niya ang kanyang ginawang pagtitiis at pitong taong paghihintay sa muling pagbabalik ni Don Juan sa kanyang buhay. Nagpasya ang hari na si Leonora ay nararapat na pakasalan ni Don Juan.

You might also like