You are on page 1of 16

Ang Parusang Kamatayan: Isang Katarungan o Kasalanan?

INIHARAP NI: Patricia Joie M. Clamonte CAS-22

Kay: Gng. Merlinda Cumbe

Marso 6, 2012 Unibersidad ng Araullo PEN Cabanatuan City

1|Page

INTRODUKSYON Kilala ang Pilipinas bilang isang Katolikong bansa, bansang nakasentro sa paniniwala sa Diyos at pagsunod s autos nito. Ngunit sa kabila nito hindi pa rin maiiwasan ang mga karumal dumal na krimeng gawa ng mga taong walang takot sa Diyos at sa batas, mga krimeng kinabibilangan ng pagpatay, panggagahasa, pagnanakaw at marami pang iba. Ang bawat krimeng ito ay may katumbas na kaparusahan kung saan ang sintensyang pagpatay ang pinakamalupit na kaparusahan. Ilang taon lang ang nakalipas ng ang batas sa pagpatay ay patayin, ipinawalang bisa. Ang pagbalik sa batas na ito ay muli na namang umalingawngaw kamakailan lang, marami nanamang isyu at usapan ang nagkalat. Ang balita ukol rito ay siya mong maririnig sa radio, makikita sa pahayagan at mapapanuod sa telibisyon. Isang malaking komosyan idinnulot pag-asa sa mga naghahanap ng hustisya at kasawian sa mga nagkasala. Ang Republic Act No. 7659 o mas kilala bilang ang Death Penalty Law, isang kaparusahan na syang ipinapataw para sa mga taong nagkasala at lumabag sa batas, pinakamataas na parusa na wala sinuman ang nagnanais. Itoy isang sintensyang nalimot na sa nagdaang panahon ngunit ngayoy nais magbalik. Sa batas na kaya na ito malilinis an gating bansa o wala lang ito sa mga criminal. Sa muling pagalingawngaw ng parusang ito, maraming isyu ang bumulalas, mga panig na may ibat ibang pananaw ukol rito. Sa pananaliksik na ito hahanapin natin ang tunay na kahulugan ng batas na ito, ang sintensyang kamatayan. Katarungan nga ba ang dulot nito para sa mga naghahanap ng hustisya, paglabag sa karapatang pantao o isang kasalanan sa mata ng Diyos.

2|Page

LAYUNIN Pangunahing Layunin Malaman ang pananaw ng mamamayan ukol sa sintensyang kamatayan. Tiyak na Layunin 1. sa ating bansa. 2. Alamin ang pangunahing dahilan ng sintensyang kamatayan gayun Mailahad ang kahulugan at kasaysayan ng sintensyang kamatayan

din ang mga pangunahing pagtaliwas rito. 3. Alamin ang panig ng mga pangunahing sangkot sa isyu ng

pagbabalik ng sintensyang kamatayan. a. Ang simbahan b. Ang pamahalaan c. Ang mga naghahanap ng hustisya d. Ang isang ordinaryong mamamayan 4. Alamin kung ano nga bang pananaw ukol dito ang nakakalamang

dulot nga ba nitoy katarungan o isang kasalanan.

3|Page

REPRESENTASYON NG DATOS Kahulugan Ang Republic Act No 7659, ang parusa ng kamatayan ay isang parusa para sa mga

krimen na kasuklam-suklam, matindi, at kamuhimuhi kung saan, ipinakita nila ang kasamaan, kabangisan, kalupitan, at nakapangipangilabot na gawa kumpara sa karaniwang pamantayan ng pamayanan at lubusang pag taliwas sa utos ng lipunan. ."Ang parusa ng kamatayan ay isang malupit, walang halaga at mapanganib na kaparusahan para sa isang malubhang dahilan na dumadaan sa prosesong pang hukuman. Kasaysayan Panahon ng Kastila (1521-1898) Ilan sa paraan ng parusang kamatayan na ginamit ng mga Kastila ay pagsunog, pagpugot ng ulo, paglunod, garote, pagbitay, pagbaril, pagsaksak at iba pa. Sa Codigo Penal ng 1848, ipinataw ang sentensyang kamatayan sa mga Pilipinong tutol sa pamamahala ng mga Kastila. Panahon ng Amerikano (1989-1934) Ginamit ang parusang bitay sa kampanyang pacification ng mga Amerikano at upang supilin ang mithiing pagsasarili ng mga Pilipino. Ipinasa ang Sedition Law, brigandage Act, Reconcentration Act at Flag Law upang pagtibayin ang marahas na parusa, kabilang na ang death penalty, sa mga makabayang Pilipino. Nang rebisahin ang Codigo Penal noong 1932, idinagdag sa lista ng capital offense (mga krimeng mapaparusahan ng bitay) ang treason, parisidyo, pamimirata, kidnapping, murder, panggagahasa at robbery with homicide.

4|Page

Japanese Occupation (1941-1945) Walang nakatalang nabitay sa panahong ito dahil laganap naman ang extrajudicial na pagpatay. Pagkatapos ng Ikalawang Digma Idinagdag ang espionage sa mga krimeng may parusang bitay. Sa ilalim ng AntiSubversion Law, ang mga lider Komunista ay papatawan ng parusang kamatayan. Presidente Marcos (1965-1986) Nadagdagan at naging 24 ang mga krimeng may parusang kamatayan, kabilang na ang subersyon, arson, hijacking, Illegal fishing, cattle rustling, unlawful possession of firearms,atbp. Deterrence ang nagging opisyal na kadahilanan sa pagpataw ng death penalty. Ito rin ang gagawing batayan sa pagpataw ng Batas Militar noong 1972. Presidente Corazon Aquino (1986-1992) Sa ilalim ng 1987 Saligang Batas, inabolish ang parusang kamatayan. Lahat ng sentensyang kamatayan ay ibinaba sa reclusion perpetua. Ngunit noong 1988, nagsimulang maglobby ang militari na ibalik ang parusang bitay para sa mga krimeng kaugnay ng insurgency. Presidente Fidel Ramos (1993-1998) Bilang reaksyon sa mga krimeng high-profile, nagkarooon ng sapantahang tumataas ang karumal- dumal na krimen. Ipinasa ang RA 7659 noong Disyembre 1993 diumano upang masugpo ang sinasabing tumataas na kriminalidad. 46 na krimen ang nakalista sa RA 7659 na maaring patawan ng kamatayan. Lethal injection ang magiging paraan ng sentensyang kamatayan.

5|Page

Presidente Joseph Estrada (1998-2001) Sa harap ng malawakang kampanya laban sa death penalty, itinuloy ang pagpataw ng parusa kay Leo Echegaray noong Pebrero 1999. Anim pang iba ang sumunod kay Echegaray. Noong 1999, kung kailan naganap ang karamihan sa execution, tumaas naman ang bilang ng krimen sa bansa ng 15.3% kumpara sa nakaraang taon. Nag-isyu ng de facto moratorium sa pagbitay si Presidente Estrada kaalinsabay sa pagdaos ng Jubilee Year. Presidente Gloria Arroyo (2001-2010) Sinabi ni Arroyo na hindi siya pabor sa parusang kamatayan. Dala ng tumataas na bilang ng krimeng may kaugnayan sa droga at kidnapping, inanunsyo ni Arroyo na ibabalik niya ang pagbitay para matakot ang mga kriminal. Noong Disyembre 5, 2003, tinanggal ni Arroyo ang moratorium sa bitay. Noong Hunyo 2006, nilagdaan ni Arroyo ang batas na nagpapawalang-bisa sa parusang kamatayan. Noong Septyembre 2006 naman, nilagdaan ng Pilipinas ang Second Optional Protocol sa International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR). Kinikilala ng kasunduang ito ang karapatan ng isang tao laban sa parusang kamatayan. Ipinagbabawal ng Protocol ang pagpataw ng parusang kamatayan sa sinumang mamamayan ng isang bansang lumagda sa nasabing protocol. Tahasang ipinagbabawal din ang muling pagpapataw ng death penalty. Mga pangunahing pagsang-ayon sa sintensyang kamatayan Ang pagkakakulong mayroong tatlo itong pangunahing dahilan, una ito ay naghihiwalay sa cmga criminal sa mamayan para sa kaligtasan ng nakararami. Pangalawa, ito ay isang kaparusahan at pangatlo ito ay isang rehabilitasyon para sa pagbabagong buhay ng mga criminal

6|Page

sa kanilang paglaya. Ang lohika ng kaparusahang kamatayan rito ay ang kulungan ay para lamang sa mga taong lalaya at ito ay hindi sa mga taong hindi na lalaya, kaya ang parusang kamatayan ay para hindi na magtagal pa ang mga kriminal sa kulungan gayong hindi naman na sila lalaya pa. Kaligtasan, karaniwang ang mga taong naisasailalim sa kaparusahang ito ay mga biolente inaasahang sila ay magdudulot lamang ng kaguluhan at pasakit sa kanilang mga kasama sa kulungan. Karapat dapat na kaparusahan, isa sa pinakasikat na kasabihan ay ang mata sa mata at ngipin sa ngipin sa pagpataw ng kaparusahan ito ay isa ring matinding basehan kahit nung una pa man. At pinaniniwalaan kung ano ang ginawang kasalanan ng isang criminal ay dapat rin nyang tanggaping kaparusahan. Kung ito ay pumatay ay kamatayan rin nya ang kaparusahan. Mga pangunahing pagtaliwas sa sintensyang kamatayan Hindi makatao, ito ang pangunahing dahilan ng pagtaliwas sa sintensyang kamatayan. Pinaniniwalaan ang pagpatay sa isang tao ay hindi makatao kahit ang papatayin any hindi makatao. Pagkakapantay, isinasaad na hindi mapagbabayaran ng kamatayan ang isa pang kamatayan at hindi maitatama ang kasalanan ng isa pang kasalanan. Maling hatol, may mga taong nahahatulan ng batas ng kamatayan para sa kasalanang hindi naman nila ginawa, sa pagpataw na parusang kamatayan rito ito ay mamamatay ng wala naman siyang kasalanan. Karapatang pantao, sinasabing ang parusang kamatayan ay lumalabag sa karapatang mabuhay ng isang tao. Ngunit wala namang saktong depinisyon ang karapatang pantao ito ay nananatiling pinagtatalutalunan.

7|Page

Panig ng mga sektor sa pagbabalik ng sintensyang kamatayan Ang Simbahan Ayon sa CBCP Ang isang tao ay hindi lamang isang kasapi ng lipunan ito ay isang miyembro ng isang buhay na katawan. Habang ang isang tao ay dapat mabuhay para sa ikabubuti ng lipunan, ang lipunan ay umiiral upang isulong ang kagandahan ng isang indibidwal. Ang isang tao ay may halaga sa kanyang sarili at sa mga layunin ng

lipunan Kaya, ang isang kriminal ay dapat tratuhin lamang tulad ng isang may sakit. Sinabi rin nila na ang mga nagtutulak sa sintensyang kamatayan naghahanap lamang ng madaliang pagresolba ng mga krimen. Sa panig ng mga relihiyoso, ipinaglalaban ng mga tagapaglunsad ng karapatang pantao ang karapatan ng tao sa kanyang buhay. Mula nang ibalik ang parusang kamatayan sa sistema, matatag na silang nagpahayag ng pagsalungat dito. Ayon sa kanila, sa pagbibitay, ang parating nadedehado at madalas na napagbibintangan ay ang mga mahihirap, ang mga maliliit sa lipunan. Ilan din sa kanila, ang naniniwalang lumilikha lamang ito ng isang ilusyong may ginagawa ang pamahalaan sa lumalalang kriminalidad sa bansa, gayong pakitang-gilas lamang ito. Sapagkat sa sistema, kung sino ang may kapangyarihan at nakaaangat, siya ang napapawalang-sala. Kung sino nga naman ang dapat nasa kulungan, siya ang malaya. Ang Gobyerno Ayon kay Aquino, bagaman hindi agad-agad na makakapagdesisyon ang Palasyo na ibalik ang bitay, panahon na upang magkaroon ng malawakang konsultasyon dito at pakinggan ang pulso ng taumbayan. Noon pa man ay tagasuporta na si Aquino ng death penalty subalit nagbago ito ng kanyang posisyon ng maging Presidente dahil na rin sa nakikita nitong imperfect justice

8|Page

system. Gayunman, kung ibabalik anya ang bitay na hindi perfect ang justice system ay baka mabitay ang isang inosenteng tao.Kaya mahalagang ma-perfect umano ang justice system bago ibalik ang death penalty. Nagkakaisa naman ang mga senador sa ideya na muling pag-usapan ang death penalty sa Senado. Sinabi ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr., na iba na ang panahon ngayon dahil lumalabas na wala ng takot sa batas ang mga kriminal. Ipinunto ni Revilla na kahit ang maliliit na krimen ngayon gaya ng snatching at theft ay madalas na humantong sa pamamaslang. Ngayon nanakawan ka lang ng cellphone papatayin ka na. Ang buhay ng tao parang ang baba na ng halaga, sabi pa ni Revilla. Kabilang si Revilla sa mga senador na bumoto para sa abolisyon ng death penalty noong 2006 pero ngayon ay isusulong nito ang pagbabalik ng parusang bitay dahil sa pagbabago umano ng panahon. Sumusuporta rin sa pagbabalik ng parusang bitay sa bansa si Sen. Juan Miguel Zubiri, pero kontra sa panukala sina Sens. Kiko Pangilinan at Miriam Defensor Santiago. Ang mga naghahanap ng hustisya Ang pagbabalik sa sintensyang kamatayan ay maaring isang magandang daan sa pananaw ng mga pamilya at kaibigan na nagawan ng krimen na nagresulta sa pagkamatay o pagkasira ng kanilang minamahal. Sa pagbalik ng sintensyang kamatayan ay sa pananaw nila itoy magbibiggay ng lubusang hustisya sa nagawan ng krime. Ito rin ay isang kanais nais na parusa ganti sa kriminal na gumawa nito. Ngunit kung susumahin may iba pa rin na kahit na namgamgailangan ng hustisya ay iba ang pananaw. Sila ay nagnanais lamang na mapatunayan ang siyang may sala at makakamit ng hustisya hindi nila ninanais na makaganti pa sa mga criminal at naniniwala silang ang kanilang

9|Page

mahal sa buhay ay nananahimik na at ito may nanaising huwag ng kitilin ang buhay ng criminal upang hindi narin maranasan ng pamilya nito ang naranasan ng kanilang pamilya. Ang isang ordinaryong mamamayan Una, ang pagpapataw ng parusang kamatayan ay lumalabag sa karapatan ng isang tao upang mabuhay. Artikulo III Seksyon 1 ng 1987 Saligang-Batas, "Walang tao ay dapat bawian ng buhay, kalayaan, o ari-arian " Sa pamamagitan ng parusang kamatayan, ang karapatan ng isang kriminal upang mabuhay ay nalabag. Bukod dito, ito ay isang kilalang katotohanan na karamihan ng Pilipino ay Katoliko.tulad ng sinabi, kami ay may isa sa mga pinakamalaking Kristiyanong populasyon sa mundo. Ayon sa Sampung utos ng Iglesia, hindi kayo dapat pumatay. Samakatuwid, walang karapatan ang sinuman para kitilin ang buhay ninoman. Kung ang taong iyon ay isang kriminal o hindi, walang sinuman ang dapat tumayong Diyos at magpatakbo ng buhay ng iba. Pilipino dapat igalang at pahalagahan ang kabanalan ng buhay ng tao at panindigan ang kabutihan at mga relihiyosong doktrina na ang inaasahan sa atin bilang isang nangingibabaw na kristyanong bansa." Pangalawa, ito ay isang napaka-malupit, hindi makatao at hindi katanggap tanggap na pagsasanay. Ito ay masyadong malupit at dahil sa tao ang mga tao ay namamatay. Ito ay isang patunay. Kapag ang isang tao ay namatay, ang gawa ay hindi maaaring baligtad. Pangatlo,ang parusang kamatayan ay laban sa mahihirap. Sa isang bansa tulad ng Pilipinas sa isang napaka-mabagal, minsan hindi sanay, hindi patas at hindi makatarungan na panghukuman na sistema.Karamihan ng sa 1200 mga tao na nakahilera sa kamatayan ay mahirap. Siguro, para sa ilan, yuon ang karapat-dapat sila. Ngunit para sa marami, ang kahirapan na nagdala sa kanila doon. Hindi lahat ng nasa hanay ay dapat mamatay.Maraming mga nandoon

10 | P a g e

lamang dahil sila tumakbo laban sa ilang marumi, mayaman at makapangyarihang tao o sila ay hindi kayang makakuha ng isang mahusay na abogado upang ipagtanggol ang mga ito. Panghuli, ang parusang kamatayan ay hindi nabubuhay sa kanyang layunin.Ito ay hindi upang maglingkod ang layunin nitong iwasan ang mga krimen at upang mapanatili ang kapayapaan at pagkakasunod-sunod. Kung ang parusang kamatayan ay epektibo, mas mababa na dapat ang krimen. Gayundin, walang kongkretong katibayan tulad ng pag-aaral o mga pagsubok na maaaring magpatunayan na ang pagpapataw ng parusang kamatayan ay talagang humahadlang sa krimen at nagpagpapanatili ng kapayapaan at order sa bansa. Sintensyang kamatayan : KATARUNGAN/HUSTISYA Subalit ano nga ba ang hustisya para sa isang biktima? Kung iisiping mabuti, ang tuluyang pagbitay sa isang napatunayang may sala sa ilalim ng paghuhukom ay hindi naman talaga nangangahulugang makakamtan na ng biktima at ng kanyang pamilya, gayon din ng pamilya ng nasasakdal ang hustiya nang ganoon na lamang. Kung ibabatay lamang natin ang katarungan sa panandaliang gaan ng loob na madarama matapos makitang hindi na humihinga ang sumira ng iyong pagkatao, masasabi pa rin bang nakamtan mo na nga ang hustisya? Kapag sinindihan ko ang isang tambak ng basura sa gitna ng isang komunidad upang sa pagsisiga nitoy tuluyan na itong maglaho, masasabi ko bang magtatagumpay ako? Hindi, sapagkat ang makapal na usok na lilikhain nitoy walang hanggang mananalatay, kukupas, at magpapahina sa mga baga, sa dugo at sa pangangatawan ng mga makalalanghap, lalung-lalo na ang mga kaunaunahang maaabot nito. Gayundin sa parusang kamatayan: ang mga alaalang manggagaling sa pagkitil ng buhay ng bawat isang nasasakdal ay magiging paulit-ulit naalaalang walang hanggang tatatak sa pusot isipan ng kanyang pamilya, ng pamilya ng kanyang nabiktima, at ng kanyang biktima. Isang pagsisiga lamang ito na wala rin namang naidulot sa Pilipinas kundi

11 | P a g e

makapal na usok na dumurog at nag-iwan ng mapanglaw na lamat sa moralidad ng kanyang naapektuhan. Sintensyang kamatayan : KASALANAN Ang parusang kamatayan ay nagpapakita ng di magandang asal ang pagkakaroon ng parusang kamatayan sa isang bansa ay isang kasalanan. Ito ay isang kasalanan sa mata ng Diyos, siya lamang ang kumokontrol sa buhay ng tao ngunit sa pagpataw ng parusang kamatayan ang hukom ang lumalabas na Diyos. "Tiyak, sa kabihasnan ng pangkalahatan, ang parusa ang dapat kapantay ng krimen. Ngunit sa

lipunan, itinatanggi ang, ang isang mata para sa isang mata,ang prinsipyo

ng literal na pagpataw ng parusa sa mga kriminal kung ano ang ginagawa nila sa kanilang mga biktima. Ang parusa para sa panggagahasa ay hindi maaaring panggagahasa, o panununog ng pagsunog. Hindi natin dapat, parusahan ang mamamatay-tao ng kamatayan. Kapag ang gobyerno at ang paghihiganti ay nagsanib ang kahalagahan ng buhay ay nawawala. Sa wakas, ang parusang kamatayan ay maling asal . Ito ay legal na pagpatay. Ang pamahalaan ay walang karapatan na tapusin ang buhay ng isang tao o sabihin kung kalian ito dapat

magtapos. Ang parusa ay dapat na akma sa krimen. Kaya marapat na gugulin ng kriminal ang kanilang buhay sa kulungan.

12 | P a g e

SANHI AT BUNGA Sa panahong ngayon kung saan ang mga kriminal ay hindi mo na makikitaan ng pagkakaiba sa mga tao. Laganap na laganp na krimen saang sulok man ng bansa, walang habas ang mga kriminal sa paggawa ng kanilang mga di kanais nais na gawain. Matapos lamang ang ilang taon mula ng patayin ang batas ng pagpatay ay muli nanaman itong nais ibalik ng ibang sektor ng lipunan. Sa kanilang pananaw ito ay magbibigay ng karapat dapat na hustisya sa mga biktima at kaparusahan sa mga nagkasala. Ang muling paglaganap ng usaping pagbabalik ng parusang kamatayan at mga isyu rito ang pangunahing sanhi ng pananaliksik na ito. Isa pa sa nagging sanhi ng pananaliksik na ito ay ang patuloy na pagdami ng mga pananaw ng mamayan rito. Kasama rin sa mga sanhi nito ay ang paghanap ng lubusang pag-unawa sa parusang ito. Ang muling pagtaas ng krimen sa Pilipinas ang syang sanhi ng nais na pagbabalik ng parusang kamatayan. Sa pagdaan at hindi pagkaresolba ng mga kaso, nais na gawing panakot ang parusang ito upang bumaba ang bilang ng krimen sa bansa. Sa pagtatapos ng pananaliksik na ito ay nawa lalo pang napayabong ang kaalaman tungkol sa kaparusahang kamatayan. Nailahad na ang ibat ibang panig ng mga pangunahing sektor na syang may kaugnayan sa isyu na ito. Itoy magbibigay linaw sa mga katanungan nakaukit sa ating isipan. Sa pananaliksik na ito matutunan ang tunay na kahulugan ng parusang kamatayan sa ibat ibang pananaw. Ang parusang kamatayan ay maraming bunga, itoy maaaring makapagpababa ng bilang ng krimen, makapagbigay ng hustisya, makapatay ng inosenteng buhay o maging kasalanan at anu pa man itoy mananatiling isang parusang walang magnanais na makkakamit.

13 | P a g e

REKOMENDASYON Sa pagwawakas ng pananaliksik inaasahan na ito ay nagdulot at nagbigay ng bagong kaalaman sa mambabasa. Ipinapayo sa mga susunod na magaaral ukol sa paksa na ito na una, huwag lamang mangalap ng mga impormasyon sa mga sulatin , mas magiging epektibo ang pag-aaral kung sila mismo ang bubuo ng komposisyon para sa kanilang pananaliksik mula sa mga interbyu sa mga taong may direktang kaugnayan sa paksa. Pangalawa, magbigay ng mas maraming kaso o halimbawa ng mga taong may mga kinalalaman sa sintensyang kamatayan, mas palawakin din ang sakop ng pag-aaral, maari ring magsagawa ng mga sarvey upang mas malinaw na masukat ang pulso ng mamamayan ukol sa isyu. At huli, maglahad ng mga bago at kapanapanabik sa impormasyon ukol sa paksa, mga impormasyong mahalaga sa katayuan ng isang ordinaryong mamamayan.

14 | P a g e

BIBLIOGRAPI "The Death Penalty." 123HelpMe.com. 05 Mar 2012

<http://www.123HelpMe.com/view.asp?id=41089>. The Criminal Justice System and the Death Penalty, Mamamayang Tutol sa BitayMovement for Restorative Justice, 2006. Bitay ibabalik!(2011, January 20). Andal Rudy, Escuedro Malou, pp. 1 David, Randy (2006 Hunyo-Nobyembre). Ang Pagpatay sa batas pagpatay. Matanglawin. 31, 21-23 De Castro, Mardane (2006). Helium Where Knowledge Rules, Death Penalty in the Philippines. Available at http://www.helium.com/items/68046-death-penalty-in-the-

philippines [2012, March 1] Morelos, Carmelo. (1992 July 24) CBCP Statement on the Non-Restoration of the Death Penalty. Statement presented at the CBCPs Plenary Session, Tagaytay City

15 | P a g e

CURRICULUM VITAE

Name : Patricia Joie M. Clamonte Address : H. Concepcion Cabanatuan City Telephone : (044) 463-0576 Cell Phone : 09269552334 Email : clamonte_patricia@yahoo.com.ph

Personal Information Date of Birth : April 5, 1995 Place of Birth : Gapan City Citizenship: Filipino Gender : Female

Education College of the Immaculate Conception (2000-2007) Nueva Eciga High School (2007- 2011) Araullo University (2011 to present)

16 | P a g e

You might also like