You are on page 1of 3

PANITIKAN- ay nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao.

ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Ang Panitikan Ayon sa mga Manunulat Ang panitikan ay nagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa ibat ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Dakilang Lumikha. ( G. Azarias ) Ang panitikan ay bungang-isip na isinatitik. ( G. Abadilla ) Ang panitikan ay nasusulat na mga tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin. ( W. J. Long ) Ang panitikan ay bungang isip na isinatitik at sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na tumutulong sa wastong ikauunawa sa kahapon ngayon at bukas. ( Rufino Alejandro ) Dalawang Anyo/Dibisyon Tuluyan Maluwag na pagsasama ng mga salita sa karaniwang anyo ng pangungusap Patula Pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng salitang binilang sa pantig at pinagtugmatugma sa dulo ng mga taludtod sa loob ng isang saknong. Mga uri ng anyong tuluyan: 1. Pabula Likhang isip ng manunulat ; karaniwang mga hayop ang tauhan at nag-iiwan ng magandang aral sa mga bata at mambabasa 2. Alamat Nagsasalaysay sa pinagmulan ng isang bagay,pook , pangyayari o katawagan 3. Maikling kwento Maikli ngunit masining na anyo ng panitikan; may iisang kakintalan 4. Sanaysay: - anyo ng paglalahad na nagsasaaad ng sariling pananaw ng sumulat hinggil sa isang paksa 5. Anekdota Isang maikling salaysay ng isang nakawiwili,nakalilibang o patalambuhay na pangyayari hango sa tunay na buhay 6. Talumpati Isang maanyong pagpapahayag ng kaisipan sa paraang pasalita. 7. Dula Larawan ng buhay na may mga tauhang gumaganap at itinatanghal sa entablado

8. Balita Naglalahad ng mga pangyayaring pang-araw-araw sa loob at labas ng bansa 9. Talambuhay Naglalahad ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao ,mula nang siya ay isinilang hanggang sa kanyang kamatayan o kasalukuyan 10. Liham Nag-uugnay sa dalawang tao o pangkat ng mga taong magkalayo 11. Editoryal Naglalahad ng mga kuro-kuro at pananaw ng mga manunulat tungkol sa isang napapanahong isyu na may kasamang pamumuna 12. Nobela Tinatawag ding kathang-buhay. Kinasasangkutan ng mga kawing-kawing na pangyayari na sumasaklaw sa mahabang panahon. Mga Uri ng Anyong Patula/Panulaan 1. Tulang pasalaysay: a. Epiko- mahabang patulang paslaysay na inaawit o binibigkas; hinggil sa mga mahihiwagang pangyayari o kabayanihan ng pangunahing tauhan. b. Korido tulang pasalaysay na may walong pantig at inaawit nang mabilis o allegro. c. Awit may labindalawang pantig at inaawit nang marahan o andante. 2. Tulang liriko: a. Oda- tula hinggil sa paghanga sa isang bagay. b. Elihiya- tula ng kalungkutan o hinggil sa isang yumao. c. Soneto-tulang may mga saknong na binubuo ng labing apat na taludtod. d. Dalit- awit ng papuri sa Panginoon o mahal na birhen na nagtataglay ng pilosopiya sa buhay. e. Pastoral- tulang naglalarawan ng buhay sa bukid. 3. Tulang pandulaan: a. Karagatan- larong may paligsahan sa tula. b. Duplo- pagpapalawak ng mga paksang nagsasaklaw ng paligsahan ng tula. c. Senakulo- Dula ukol sa kamatayan ni Kristo. 4. Tulang patnigan a. Balagtasan tagisan ng talinong patula b. Duplo- ginaganap sa bakuran ng namatayan c. Karagatan hango sa alamat ng isang prinsesang inihulog sa dagat ang singsing. d. Batutian sagutang patula na may halong pangungutya at pagpapatawa.

Panitikang Bago Dumating ang mga Kastila Katutubong panitikan- mula sa kamula-mulaang panahon hanggang sa pananakop ni Legaspi noong 1565. Sa panahong ito sumikat ang mga awiting- bayan, alamat , bulong, tulang pambata, salawikain,sawikain at mga dula.

Bakit Kailangang Pag-aralan ang Panitikang Pilipino? 1. Upang mabatid ang magagandang kaugalian, tradisyon at kulturang ikinaiba natin sa ibang mga lahi. 2. Upang malaman at maipagmalaki na tayo ay may mga mahuhusay na manunulat na di pahuhuli sa mga manunulat ng ibang bansa o lahi. 3. Upang mabatid natin ang magaganda at mahuhusay na mga akdang Pilipino at nang sa gayon ay natutunan nating pahalagahan at pagmalasakitan ang mga ito. 4. Upang mabatid ang mga sariling kahusayan sa panitikan, gayundin ang ating mga kapintasan at kahinaan upang maging daan ng pagpapabuti ng mga ito. 5. Upang tuklasin ang ating mga kakayahan o aydentidada bilang mga Pilipino. 6. Upang lubusang makilala at madama ang pagiging Pilipino. 7. Upang maipakita bilang Pilipino ang pagmamahal sa sariling panitikan.

You might also like