You are on page 1of 9

Mga Salik ng Produksiyon at Pagnenegosyo

PRODUKTO SERBISYO

Ang paggawa ay paggamit ng lakas ng tao upang linangin ang mga likas na yaman sa paglikha ng mga produkto. Ang kapakinabangan ng hilaw na materyales sa paglikha ng mga ito. Kaya mahalagang maging produktibo ang bawat miyembro ng lakas paggawa sapagkat ang paglinang sa ibang salik ng produksiyon ay nasa kamay nila.

Ang capital o puhunan ay material na ginagawa ng tao upang magamit sa produksiyon, tulad ng makinarya at ibang yaring produkto.

Bahagi ito ng likas na yaman ng bansa. Ang mga hilaw na materyales na kailangan sa produksiyon ay nanggagaling sa salik na ito.

Ang entreprenyur ay mahalagang salik ng produksiyon. Itinuturing siya ang pinakaulo ng negosyo. Handa siyang makipagsapalaran sa negosyo at produksiyon . Ang isang entreprenyur ay may taglay na lakas ng loob, talino, sipag, tiyaga, abilidad , kakayahan, at bukas ang isip sa pagbabago ng negosyo. Ang mga katangiang taglay niya ay nakatutulong para sa ikabubuti at ikauunlad ng produksiyon at negosyo.

SALIK NG PRODUKSYON PAGGAWA KAPITAL LUPA ENTREPRENYUR

KABAYARAN SAHOD INTERES UPA TUBO

TAONG GUMAGANAP LAKAS PAGGAWA KAPITALISTA LANDLORD ENTREPRENYUR

Sa isang market na ekonomiya . Ang pagnenegosyo ay mabisang paraan upang magkaroon ng sapat na kita at yumaman. Ito ang dahilan kung bakit maraming tao ang naghahangad na magkaroon ng sariling negosyo. Ang mga samahang pagnenegosyo ay inuuri sa apat: isahang pagmamay-ari, sosyohan, korporasyon at kooperatiba.

You might also like