You are on page 1of 30

Paano ka

Ginawa?
KAHULUGAN NG PRODUKSIYON
• Hindi lahat ng bagay sa kapaligiran ay maaaring
ikonsumo agad ng tao. Minsan kailangan pang
idaan sa proseso ang isang bagay upang maging
higit na mapakinabangan. Halimbawa, ang kahoy
o troso ay maaaring gamiting panggatong upang
mapakinabangan. Ngunit maaari din itong
gamitin upang makabuo ng mesa o silya.
• Ang produksiyon ay proseso ng pagpapalit
anyo ng produkto sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng mga salik upang
makabuo ng output.
• Ang mga salik na ginamit sa pagbuo ng
produkto ay tinatawag na input.
• Sa isang ekonomiya, ang produksiyon ay isang
mahalagang gawain kung saan ang paglikha
ng mga produkto ay isinasagawa upang
matugunan ang pangangailangan ng bansa.
• May dalawang uri ng produkto ang malilikha
ng mga negosyo:
1. Consumer goods- tinatawag ding final
goods. Ang mga ito ay direktang
ipinagbibili sa mga konsyumer upang
matugunan ang kanilang pangangailangan.

Halimbawa:
De-latang pagkain, tinapay, soft drinks, gatas,
mga gamit pang-eskwela
2. Producer goods- tinatawag ding capital goods.
Ang mga ito ay ginagamit upang makalikha ng iba
pang produkto
Halimbawa:
Makinarya, mga planta, pabrika
2. Producer goods- tinatawag ding capital goods.
Ang mga ito ay ginagamit upang makalikha ng iba
pang produkto
Halimbawa:
Makinarya, mga planta, pabrika
Mga Salik ng Produksiyon
1. Lupa
2. Paggawa
3. Kapital
4. Entrepreneurship
• Sa paggawa ng produkto, mayroong
tinatawag na input. Ang mga input ay
ginagamit upang makalikha ng produkto. Ito
ay may dalawang uri:
1. Fixed input
2. Variable input
1. Fixed input
Ito ay tumutukoy sa mga salik ng
produksiyon na hindi nagbabago o hindi
kayang baguhin sa ikli ng panahon na
ginagamit sa pagpoprodyus.
Halimbawa:
Lupa, gusali at planta
2. Variable input
Ito ay tumutukoy sa mga bagay na
magbabago o madaling baguhin.
Halimbawa:
Bilang ng manggagawa, mga hilaw na
materyales
ANG APAT NA SALIK NG
PRODUKSIYON
1. Lupa
Sa ekonomiks, ang lupa ay hindi lamang
tumutukoy sa tinataniman ng mga magsasaka o
pinagtatayuan ng bahay. Kasama rin dito ang
lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito,
pati ang mga yamang tubig, yamang mineral, at
yamang gubat.
Hindi tulad ng ibang salik, ang lupa ay may
naiibang katangian sapagkat ito ay fixed o
takda ang bilang. Samakatuwid, ang
wastong paggamit ng lupa ay mahalaga.
Malaki man o maliit ang sukat nito,
kailangang tiyakin ang pagkakaroon ng
produktibong paggamit.
2. Paggawa
Ang lakas-paggawa ay tumutukoy sa
kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o
serbisyo.
May dalawang uri ang lakas-paggawa:
2.1. White collar job
2.2. Blue collar job
2.1. White collar job
Mga manggagawang may kakayahang
mental. Mas ginagamit ng manggagawang
may kakayahang mental ang kanilang isip
kaysa sa lakas ng katawan sa paggawa.
Halimbawa ng mga ito ay doktor, abogado,
inhinyero at iba pa.
2.2. Blue collar job
Mga manggagawang may kakayahang
pisikal. Mas ginagamit naman nila ang lakas
ng katawan kaysa sa isip sa paggawa.
Halimbawa nito ang mga karpintero, drayber,
magsasaka at iba pa.
Sahod o sweldo- tawag sa pakinabang ng
manggagawa sa ipinagkaloob na paglilingkod.

 Ang mga manggagawa ay may malaking


ginagampanan sa ating pang araw-araw na
pamumuhay sapagkat ang kanilang paggawa
ng produkto at serbisyo ang tumutustos sa
ating iba pang pangangailangan at
kagustuhan.
3. Kapital
Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal na
nakalilikha ng iba pang produkto. Mas
magiging mabilis ang paggawa kung may
mga makinarya o kasangkapang gagamitin
ang mga manggagawa. Ang mga kagamitang
ito na gawa ng tao ay ginagamit sa paglikha
ng panibagong kalakal ay isang halimbawa
ng kapital.
 Ang kapital ay maaari ding iugnay sa
salapi at imprastruktura tulad ng mga
gusali, kalsada, tulay pati na ang mga
sasakyan.

 Ang kabayaran sa paggamit ng kapital sa


proseso ng produksiyon ay tinatawag na
interes.
4. Entrepreneurship
Itinuturing na pang-apat na salik ng
produksiyon ang entrepreneurship. Ito
ay tumutukoy sa kakayahan at
kagustuhan ng isang tao na magsimula
ng isang negosyo.
Ang entrepreneur ang tagapag-ugnay ng
naunang salik ng produksiyon upang makabuo
ng produkto at serbisyo. Siya rin ang nag-
oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran
sa mga desisyon sa mga bagay na makaaapekto
sa produksiyon.
Taglay ng isang entrepreneur ang pag-iisip na
maging malikhain, puno ng inobasyon at handa sa
pagbabago. Ayon kay Joseph Schumpeter, isang
ekonomista, napakahalaga ng inobasyon para sa
isang entrepreneur. Ipinaliwanag niya na ang
inobasyon o patuloy na pagbabago ng entrepreneur
sa kaniyang produkto at serbisyo ay susi sa
pagtamo ng pagsulong ng isang bansa.
Mga katangian na dapat taglayin ng isang
entrepreneur:

1. Pagiging magaling na innovator


2. Kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo
3. Matalas ang pakiramdam hinggil sa pagbabago
sa pamilihan
4. May lakas ng loob na humarap at
makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo
Tubo o Profit
Tumutukoy sa kita ng isang entrepreneur.
Ito ay kita ng entrepreneur matapos
magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa
negosyo. Sinasabing hindi nakatitiyak ang
entrepreneur sa kaniyang tubo dahil hindi
pa niya alam ang kahihinatnan ng kaniyang
pagnenegosyo.

You might also like