You are on page 1of 5

Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. Sagot: kandila Baboy ko sa pulo, ang balahiboy pako.

Sagot: langka Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. Sagot: ampalaya

Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. Sagot: ilaw Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. Sagot: anino Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. Sagot: banig

Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. Sagot: siper Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. Sagot: gamu-gamo Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. Sagot: gumamela

Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. Sagot: kubyertos Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. Sagot: kulambo Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. Sagot: kuliglig

Baka ko sa palupandan, ungay nakakarating kahit saan. Sagot: kulog May bintana ngunit walang bubungan, may pinto ngunit walang hagdanan. Sagot: kumpisalan Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. Sagot: palaka

You might also like