You are on page 1of 7

Kabanata 31 Ang Mataas na Empleado

Ang nagkalat na balita sa mga peryodiko sa Pilipinas ay tungkol sa Europa, mga puri at bola sa predikador ng bansa at sa operatang Pranses kaya ilang bahagi lamang ng peryodiko ang nalaan tungkol sa mga nangyayari sa lalawigan. Nasali doon ang tungkol sa grupo ng mga tulisan na pinamumunuan ni Matanglawin. Nagkakaroon lang ng emphasis ang mga lalawigan kapag ang sinalakay ay isang kumbento o isang espanyol. Hindi napansin ang nangyari sa bayan ng Tiani, bulong-bulongan lamang ang nagkalat at hindi nila matukoy kung sino talaga ang babaeng nahulog sa tuktok ng kumbento. Ang tanging katiyakan sa mga balita ay ang pag-alis ni Padre Camorra sa kumbento at panandaliang pagtuloy sa Maynila. Napalaya na ang mga estudyanteng nakulong. Gaya ng inaasahan unang napalabas si Makaraig, at si Isagani ang huli dahil isang lingo pa bago nakaluwas ang amain nitong si Padre Florentino. Ang tanging naiwan sa piitan ay si Basilio. Ipinagdiinan ng Kapitan Heneral na dapat ay may maiwan sa isa sa mga nakulong upang maisalba ang prestige at authority ng gobyerno, at hindi masabi ng iba na sobra-sobra ang pagpaparaya at ginawang ingaysa walang kuwentang bagay. Nagmungkahi si Pare Irene, na si Basilio ang maiwan dahil ito ay utusan at ulilang lubos na, at tiyakna walang maghahabol. Binigyan ng katwiran ng Mataas na Empleado na si Basilio ay isang estudyante sa medisina, pinupuri ng mga guro, at mawawalan ng isang taon sa kanyang pag-aaral pag nagtagal pa sa piitan, patapos na din kasi ito sa kurso. Matagal na pa lang may samaan ng loob ang Mataas na Empleado at Kapitan Heneral, kaya dagdag dahilan sa Kapitan Heneral na mas lalong pahirapan si Basilio dahil ito ay ipinilit ng mataas na empleado. Dahil ditto nagsisi ang Mataas na empleado sa pagtukoy kay Basilio at naawa siya sa bata dahil mas lalo itong didiinan ng Kapitan Heneral. Sinabi ng Mataas na empleado na si Basilio nga daw ang pinakainosente sa lahat, hindi nga ito kasali sa mga estudyante na nagpulong-pulong sa pansiterya, at ang nahuli lang sa kanya na siyang nagdidiin na sala niya ay ang pagkakaroon ng mga bawal na libro. Ang mga librong tinutukoy ay tungkol sa medisina at ilang mga polyeta tungkol sa Pilipinas. Pero pinipilit pa rin ng Kapitan Heneral dahil isa daw itong magandang ehemplo at mas nakakatakot. Nagpatuloy ang pagtatalo ng dalawa. Umabot sila sa usapin tungkol sa Espanya, na nangako ng hustisya at sisikaping idulot ang kagalingan sa Pilipinas. Sinabi ng Mataas na Empleado na hindi siya tulad ng mga alipin na walang boses at dignidad, ipaglalaban niya ang kung ano sa tingin niya ang tama. Na bago ang Espanya ay tao siya na may dignidad. Ang Espanya ay may dangal, mataas na prinsipyo at moralidad. Ok lang na mawala daw lahat huwag lang ang moralidad ng Espanya. Tinukoy din ng Mataas na Empleado na kung malalaman man ng Espanya ang pinaggagawa ng Kapitan Heneral, tiyak siya na ang mga alipin ang kakampihan dahil ito ang tama at makatarungan. Tinanong ng Kapitan Heneral sa Mataas na Empleado kung kelan ang alis ng huling koreo sa araw na yun, at

napayuko na lang ang Mataas na Empleado. Nilisan n Mataas na Empleado ang palasyo at sumakay sa karwahe. Sinabi niya sa kutsero na pagdating ng araw na magdeklara kayo ng independensiya, nagtaka ang kutsero sa sinabi nito, at tinuloy niya na alalahanin ninyo na hindi nagkulang sa Espanya ng mga pusong tumitibok at lumalaban para sa inyong mga karapatan!. Nagbitiw ang Mataas na Empleado sa kanyang tungkulin. Ipinahayag niya ang pag-alis, sakay sa susunod na Koreo.

Kabanata 32 Mga Bunga ng PaskinPinauwi na ng mga ina ang kanilang mga anak na nag-aaral, para sa madibdibang bakasyon o pagsasaka sa kanilang lupain upang maiwas sa gulo na nangyari. Sa unibersidad naman ay maraming bumagsak at bihira ang pumasa sa mga eksamen at kurso. Si Pecson ay napatawang bobo na lamang at papasok nalang na kawani sa kahit sang hukuman. Ang paglalakwatsa naman ni Tadeo ay nagwakas at pinrangalan ang sarili sa pamamagitan ng pagsunog ng mga aklat. Si Juanito Pelaez naman ay binigyan ng almasen at pinamahala na sa negosyo ng ama. Si Makaraig ay naglakbay patungong Europa. Si Isagani ay pumasa sa asignatura ni Padre Fernandez at bumagsak naman sa iba. Samantalang si Sandoval ay hinilo ang tribunal sa kanyang mga talumpati. Sa kabilang bahagi si Basilio ay hindi bumagsak at hindi pumasa, dahil ito ay namalagi pa rin sa piitan. Na kung saan kada tatlong araw ay iniinterogate, yun at yun pa rin ang mga itinatanong iba-ibang tao lamang ang nagtatanong. Ang tanging bumibisita sa kanya ay si Sinong, binalita nito sa kanya ang tungkol sa nangyari kay Juli. Napabalita sa buong bayan ang ang malaking pagdiriwang na gagawin ni Simoun. Ito diumano ay dahil sa kanyang paggaling at pamamaalam sa bansang nagpalago sa kanyang kayaman. Kuro-kuro sa bayan na pinipilit ni Simoun ang Kapitan Heneral na manatili pa at humingi ng palugit sa hari, pero hindi siya pinapakinggan ng Kapitan Heneral. Hindi na masyadong nakikita si Simoun at malimit na itong makisalamuha at usap sa mga tao. Sinabi nila na gugulatin na lang ang lahat sa pagdiriwang na gaganapin nito. Dahil sa walang sariling bahay si Simoun, gaganapin sa bahay ni Don Timoteo ang pagdiriwang. Napabalita na din ang magiging kasalan ng anak ni Don Timoteo na si Juanito kay Paulita Gomez. Marami ang nagsasabi na napakaswerte ni Don Timoteo, una ay nakabili daw ito ng bahay na mura, pangalawa ay nabenta niya ang kanyang mga yero sa magandang halaga, pangatlo ay nagging kasosyo si Simoun, at ang panghuli ay ang pagpapakasal ng kanyang anak sa isang mayamang eredera. Nang maalala ni Simoun ang tungkol sa kasalan ni Juanito at Paulita, napaisip siya na diba daw si Isagani ang kasintahan ni Paulita, bakit biglang kay Juanito ito magpapakasal?Naisip niya na naging praktikal lang si Paulita. Bakit ba hindi niya pipiliin si Juanito, na ito ay mautak, bihasa, masaya, pilyo, anak ng mayamang negosyante, at isang mestisong espanyol kung ikukmpara kay Isagani na isang probinsyano na nangangarap sa kanyang gubat na tingib ng linta, nanggaling sa napag-aalinlangang pamilya, at may amain na klerigo na ayaw sa luho at sayawan na siyang gustong-gusto ng dalaga. Natural daw na pinili ni Paulita si Juanito, at ihinambing sa teorya ni Darwin na pinili ng babae ang lalaking higit na nababagay sa kanya at marunong makibagay kung saan namumuhay. Lumipas na ang kuwaresma, semana santa, mga prusisyon, at mga seremonya. Ang tanging napabalita sa mga panahong ito ay ang pag-aalsa ng mga artilyero na hindi pinaalam ang dahilan. Giniba ang mga bahay na yari sa mahinang materyales. Buwan na ng Abril at nalimot na ang mga pangamba, ang tanging nasa isip ng mga tao ay ang malaking pagdiriwang na mangyayari. Ninong daw ang Kapitan Heneral at si Simoun ang mag-aayos at maghahanda nito. Pati nag daw ang mga maybahay ay inaaway ang kanilang mga bana, dahil pinipilit nito na makipagkaibigan kay Don Timoteo o kay Simoun upang maimbitahan sa naturang pagdiriwang.

Kabanata 33 Ang Huling KatwiranNaging abala si Simoun sa pag-aayos ng kanyang mga alahas at armas. Sasabay na siya sa pag-alis ng Kapitan Heneral, na ayaw pahabain ang panunungkulan dahil natatakot sa sasabihin ng mga tao. Ayaw daw diumano magpaiwan ni Simoun dahil wala na ang suhay. Ibinilin niya sa kanyang tauhan na papasukin na lang ang binatang si Basilio dahil ito ay inaasahan niyang dumating. Si Simoun ay lalong tumigas at lumungkot ang mukha, lumalim ang kunot sa pagitan ng kilay at palagi na lamang nakayuko. Naawa siya sa sarili niya, pero nung Makita niya si Basilio, mas higit pa pala itong nakakaawa, humpak na ang pisngi, gusot ang damit at gulo-gulo ang buhok. Para daw itong bangkay na nabuhay sa sindak. Nagsalita si Basilio na siya ay isang masamang anak at kapatid, kailangan niyang gumanti, kahit na ibig sabihin nito ay krimen sa krimen, o dahas sa dahas. Utang niya diumano kay Simoun ang kanyang paglaya, at gusto niya ng makisapi para sa pagsiklab ng himagsikan. Si Simoun pala nung mga panahong ito ay nawalan na ng pag-asa na ipagpatuloy ang himagsikan, pero dahil sa paglapit ni Basilio tila ito ay nabuhayan ng loob. Ayon sa kanya hindi pa huli ang lahat, maganda ang kombinasyon nilang dalawa dahil si Simoun ang mamahala sa itaas samantalang si Basilio naman sa ibaba. Pinakita ni Simoun ang isang napakagandang lampara at nilapag sa mesa, namangha si Basilio sa ganda nito. Sunod na binuksan ni Simoun ang aparador at kinuha ang isang bote. Nang mabasa ni Basilio ang nakasulat sa labas ng bote bigla itong napaurong at sinabing ang laman ng bote ay nitro glycerine. Kinuwento ni Simoun ang tungkol sa plano niya. Ilalagay niya ang Lampara sa gitana ng isang mesa na sinadya niya pa. Sa loob naman ng lampara nakalagay ang nitro glycerine. Ang bahay na gaganapan ng pagdiriwang ay nalagyan na ng maraming pulbura para walang maisasalba sa naturang pagsabog. Sinagot ni Basilio si Simoun na di na daw niya kailangan ang kanyang tulong kasi buo na ang kanyang plano. Tugon naman ni Simoun na may iba siyang misyon na ibibigay kay Basilio. Sa pagputok ng lampara pumunta siya sa bodega ni Quiroga at kunin ang mga nakatagong mga armas dun. Si Basilio ang inatasan niyang mamuno sa pamimigay ng mga baril sa mga tao. Sinabi ni Simoun na isali at isama ang lahat ng kalalakihan, ang tatanggi ay papatayin, dahil magsusupling lang din ito ng duwag na lahi. Tinukoy niya din na sa pagputok ng lampara ay sabay na susugod pababa ng bundok ang grupo ni Tales. Kaya daw hindi nagtagumpay ang unang balak ng himagsikan sapagkat kulang daw ito ng pagpaplano at koordinasyon, pero ngayon na may tiyak na silang signus sa pagsimula ng himagsikan tiyak na ito ay magtatagumpay. Kabanata 34 Ang KasalHinanap sa kung saan-saan ni Basilio Isagani. Pinuntahan niya ito sa kanilang bahay pero hindi niya talaga ito Makita. Bigla niyang inimagine ang sarili kung ano ang magaganap at mararamdaman niya pagkatapos ng himagsikan. Magkakaroon daw sa wakes ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang ina at kapatid. Ang higpit lamang na tugon ni Simuon sa kanya ay lumayo siya sa kalye Anloage. Hindi na tinukoy ni Simoun kung anong pagdiriwang at kung saan ito gaganapin, basta ang alam ni Basilio ito ay isang malaking pagdiriwang na gaganapin sa isa sa mga bahay sa kalye Anloage. Pumunta ni Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago upang kumuha ng mga ilang gamit. Marami siyang karwahe na nakita na nakaprada sa kalye, at napansin niya ang bahay na puno ito ng mga palamuti at mga nakabitin na mga kung anu-ano at doon niya napagtanto na ang pagdiriwang na tinutukoy ni Simoun ay ang gaganapin sa dating bahay ni Kapitan Tiago. Biglang may dumaan na karwahe na sakay si Juanito Pelaez at isang babae na nakabelo. Ang pagdiriwang pala ay para sa pag-iisang dibdib ni Juanito kay Paulita Gomez? Biglang nalito si Basilio dahil sa kanyang pagkakaalam ay si Isagani ang kasintahan ng dalaga, naawa siya kay Isagani. Napaisip na naman siya, na ano kaya siya kung hindi siya nabilanggo at nakilahok? Malamang ay nakapagtapos na siya ng medisina, nanggagamot na siya at malamang ay nag-asawa na din. Naalala niya si Juli, ang kawawang si Juli, biglang nagtiim ang kanyang bagang at napuno ng poot ang kanyang damdamin, dapat niya ding ipagtanggol ang nangyari sa kanyang kasintahan. Nakita niya si Sinong na nagmamaneobra ng karwahe na sakay si Simoun. Puno na ang bahay. Ang pinakamapanpansin sa loob ng bahay ay ang pagkagalak ni Don Timoteo, feeling fulfilled diumano sa mga kaswertehan at karangyaan na nararanasan nito ngayon. Lahat ng gamit sa bahay ni Kapitan Tiago ay pinalatan, hindi na sana ginalaw ni Simoun ang mga litograpiya ng mga santo pero pilit itong pinapalitan ni Don Timoteo ng mga matitingkad na kulay ng kromo. Nilalait ni Don Timoteo ang gawa ng mga Pilipino dahil higit na maganda ang mga bagay na yari sa Europa.

Ang mesa na pinasadya ni Simoun ay wala sa loob ng bahay, ito ay nasa asotea at dito nakalaang uupo ang mga pinakamamalaking Diyoses ng bayan.

KABANATA 36 MGA KAGIPITAN NI BEN ZAYB

SI Ben Zayb ay dali-daling umuwi sa kanilang bahay at nagsulat ng ukol sa nangyari sa kasalan. Sa kanyang mabulaklak na salaysay ay kung anu-ano ang mga kasinungaling inilagay at ginawa. Ipinakita ang pagkabayani daw ng Kapitan Heneral at ang katapangan ni Padre Irene sapagkat ito ay dumaan sa ilalim ng mesa sa paghahabol sa nagnakaw ng lampara. Nagsulat, nagbura, nagdagdag at nagkinis si Ben Zayb upang lumabas na dakila ang kanyang sulatin at pawang katotohanan lamang. Kinabukasan sa kanyang pgakamangha ay ibinalik sa kanya ang kanyang lathala at hindi naimprinta sapagkat ayaw daw ng Kapitan Heneral na may lumabas na kahit anong balita ukol sa nangyari ng nakaraang gabi sa kasalan. Ito ay lubhang ikinalungkot ni Ben Zayb at ayon sa kanya maihahantulad daw ito sa pagpatay sa isang anak na maganda at matapang na dalaga! Ang gayong karaming paghihirap ay hindi pwedeng walang gantimpala sa Diyos kung kayat wala pang isang araw at mayroon na namang isang balita siyang tinanggap na pwedeng isulat at malathala! Ang balita : Ang mga tulisan ay lumusob at nakakuha ng mahigit sa dalawang libong piso at sinugatan ang pari at dalawa pang alila. Ang kura ay nagkasira-sira ang kamay sa paggamit ng isang silya bilang pananggol!. Ang itinala naman ni Ben Zayb ay apatnapu o limampung tulisan sa paraang pataksil,l mga rebolber, itak, eskopeta, pistola, leong nananandata, silya, mga tatal, sinugatan ang walang kaawa-awasampung libong piso. Hindi pa nakontento si Ben Zayb sa narinig kung kayat pumunta sya sa pinangyarihan ng krimen at doon ay napag-alaman na si Padre Camorra ay nasugatan lamang ng munti sa kamay at isang bukol sa ulo, ang tulisan ay tatlo lamang at pawang itak ang ginamit, ang halagang ninakaw ay limampung piso! Ang mga tulisan ay nahuli at sinabi na ang may pakana ng lahat ay isang lalaking kamukha ni Simoun sa kanilang pagkakalarawan. Noong una ay hindi makapaniwala ang mga maykapangyarihan at mga pari subalit ng mapansing nawawala nga si Simoun ay naniwala na din at sya ay ipinahahanap sa mga guardia sibil.v Makikita natin si Ben Zayb na isang walang kwentang tao at nagpapanggap na matalino subalit hindi naman. Ipinapahiwatig dito ni Rizal ang kamangmanagan at pagbabalatkayo ng mga Espanol noong panahon na iyon at dahil sa kanilang mabulaklak na pananalita ay napapaniwala ang mga indio. At makikita din natin na sa kabanatang ito unang nalaman ng mga maykapangyarihan na si Simoun ang ulo ng mga tulisan.

About these ads

Kabanata 35 Ang PagdiriwangUnang dumating sa pagtitipon ang mga mababang bathala ng bayan. Nagsidatingan ang mga empleado ng gobyerno. Bati doon bati dito si Don Timoteo, may nagkomento na tuwang-tuwang daw nag matanda at para nang papet! Tsaka dumating ang magnobya. Sadyang mapansin na nasisikip na ang frak na suot ng pilyong si Juanito. Hindi na daw ito makapaghintay hanggang mamyang gabi at mapag-isa na ang dalawa. Napagod din si Don Timoteo sa kababati sa mga taong dumalo at ito ay naipin dahil hindi pa dumadating ang Kapitan Herenal. Dumating na ang matataas na Diyoses, sina Padre Irene, Padre Salvi, at iba pang mga pari. May pumansin sa mga kromong nilagay ni Don Timoteo, hindi daw ito nababagay at minamantsahan lamang ang mga dingding ng bahay. Nagalit ang Don, at minungkahing nanggaling sa iyon sa Europa, napakamahal, at walang mabibiling ganun sa Maynila. Natigil nalang si Don Timoteo nang dumating ang Kapitan Heneral, nataranta siya kung ano ang gagawin, kung siya ba ang unang kakamay o hihintayin niyang iabot ng Kapitan Heneral ang mga kamay nito sa kanya. Tinugtog ang Marcha Real. Malungkot ang Kapitan Heneral sapagkat ito ay aalis na. Napaisip siya sa pagpipilit ni Simoun na magtagal pa, pero sabi niya sa sarili na delikadesa muna bago ang lahat. Nasa harap ng bahay ni Kapitan Tiago si Basilio, minamasdan ang mga taong pumapasok sa pagdiriwang, nagdalawang isip siya dahil sa dami ng madadamay na mga inosenteng buhay. Nakita niyang bumaba sa karwahe si Padre Salvi at Padre Irene, at naisip niya na pabayaang magbayad ang mga mabuti kasama ang mga makasalanan. Dumating si Simoun na hawak ang lampara, na sadyang napakaganda at kaayaaya, sumond dito ang pagdating ng Kapitan Heneral. Naawa ulit si Basilio at tinangkang pumasok sa bahay ngunit hindi siya pinapasok,dahil sa napakaaba ng kanyang bihis. Pinigilan siya at binalaan na tatawagin ang isang pares ng beterana, pag pinagpilitan niya pang pumasok sa pagdiriwang. Malugod na tinanggap an lampara na hawak ni Simoun, lahat ay manangha at pinuri ang lampara. Nasunod sa plano ito ay nilagay sa gitna ng mesa na pinsadya ni Simoun. Hinay-hinay na umalis si Simoun na hindi na napansin ng mga tao sa loob dahil sa pagkamangha sa lampara. Makaraan ang ilang minuto lumabas si Simoun na bahagyang namumutla. Parang tinutukoy nito na wala na itong magagawa dahil tapos na ang pagtaya o :Alea Jecta Est. Sa pagsakay niya sa karwahe ay sinabi niya na bilisan ang pagpunta sa Escolta. Dahil doon naisip ni Basilio ang kanyang kaligtasan, naglakad-takbo papalayo si Basilio sa bahay, nababangga ang sino mang makasalubong sa daan. Bigal siyang nabunggo kay Isagani at itoy niyaya niya papalayo sa bahay. Sinagot naman siya ni Isagani na bakit daw ito aalis, pag pinatagal niya mag-iiba na si Paulita bukas. Sinabi ni Basilio na may malaking sakuna ang darating, mamaya niya ikukuwento ang detalye, ang importante ay mapalayo sila sa bahay ni Kapitan Tiago. Pero pinagpilitan pa rin ni Isagani ang tumuloy sa pagdiriwang. Mabilis na umalis at naglakad papalayo si Basilio. Matapos nun, at napaisip si Isagani at napagtagpi-tagpi ang, mga sinabi ni Basilio. Nawala sa isip niya ang pag-aalinlangan, at selos, at tanging nasa isip niya ay ang maisalba ang buhay ng kanyang minamahal, si Paulita. Sa loob pala ng pagdiriwang ay may isang papel ang pinasapasa na may nakasulat na Mane thecel phares at sa ilalim nito ang pangalan at lagda ng isang nagngangalang Juan Crisostomo Ibarra. Nagtanong ang Kapitan Heneral kung sino ito, at sinagot naman siya na ito nga ay matagal ng patay, isang pilibustero. Nagpatuloy ang kasiyahan. Napaisip si Don Custodio sa mensahe ng sulat, kamatayan ng lahat sa gabing ito? Bigla niyang nabitawan ang kanyang hawak na kubyertas, baka sila ay lalasunin sa pagkain. Namatay ang ilaw ng lampara, nagkagulo at inutos ng Kapitan Heneral na itaas ang mitsa uoang magkailaw ulit. Ngunit biglang may taong kumuha sa lampara at dalian itong tumalon palabas ng bahay patungong ilog. Nagsigawan ang mga nakakita, at nagkagulo ulit dahil may magnanakaw daw! Hindi na nila ito nakilala dahil dalian itong tumalon sa ilog.

KABANATA 37 ANG HIWAGAAng lugar ay sa bahay ng pamilya Orenda, mayamang mag-aalahas. Narito ang ama ng tahanan na si Kapitan Toringgoy, ang totoong ngalan ay Domingo, ay kanyang asawang si Kapitana Loleng, ang kanilang mga anak na dalaga na sina Tinay, Sensia at Binday. Narito din sa kanilang tahanan ang kasintahan ni Sensia na si Momoy at si Isagani na dumalaw sa bahay na iyon. Ang pinakasentro sa mga tauhan ay si Chichoy na siyang pinapakinggan ng lahat sapagkat ikinukwento niya ang nangyari sa kasalan

ng nakaraang gabi at kung sino ang may pakana ng lahat ng kaguluhan. Lahat ng tainga ay nakikinig sa kanya habang sinasabi nya ang sako-sakong pulbura na natagpuan sa buong bahay at mabuti na lamang at walang nanigarilyo kundi sabog sana ang buong bahay at patay ang lahat ng tao at mga bisita maging ang mga prayle at ang Kapitan Heneral. Sinabi din ni Chichoy na ang may kagagawan ng lahat ay walang iba kundi si Simoun na nagpapanggap na kaibigan ng Kapitan Heneral at ngayon ay pinaghahanap na siya ng kinauukulan. Hindi makapaniwala ang lahat ng nakarinig at si Kapitana loleng ay nag-alala sapagkat lahat daw ng kanilang pinautang ay nasa kasalang iyon at maging ang isa pa nilang bahay ay nasa tabi ng bahay na pinagdausan ng nasabing kasalan.

Sa kabanatang ito ay makikita natin kung gaano kabilis lumaganap ang usapan sa buong bayan (gaya ng paglaganap ng usapan sa paghahanda ni Kapitan Tiago sa pagdating ni Ibarra sa Noli at sa mga usapusapan sa pag-aaway ni Ibarra at Padre Damaso). Makikita din natin dito na may pagkatsismoso ang mga Pilipino at may iba na walang inisip kundi ang kanilang kayamanan. Dulot na din siguro ng kahirapan dati kung kayat sa oras na nagkaroon ng pera ay lubha ng kumakapit dito ang mga Pilipino.
KABANATA 38 KASAWIANIpinakita sa kabanatang ito ang mag-amang Tales at Tano at ang kanyang lolo na si Tandang Selo. Si Kabesang Tales ay isa ng kilabot na tulisan at tinatawag ng Matanlawin. Si Tano ay isa ng Guardia Sibil at mas kilala sa ngalang Carolino at si Tandang Selo ay isa na ding tulisan. Makikita natin dito si Tano/Carolino at kasama pa ang ibang indiong guardia sibil na nagpapahirap sa mga bihag nilang pinaghihinalaang tulisan. Walang awa nilang pinapalakad sa ilalaim ng init ng araw ang mga ito ng walang saplot sa paa at uhaw na uhaw at di man lang maabutan ng tubig. Si Carolino sapagkat mabait ay pinagalitan ang kanyang kasamahang si Mautang sa paghahagupit sa mga bilanggo kapag natutumba at di na makayanang maglakad. Sinabi ni Carolino na maawa ito sapagkat tao din naman ang mga bilanggong iyon at katulad din nila, subalit hindi sya pinakinggan ni Mautang. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may mga tulisang lumusob sa kanilang paglalakbay sa gilid ng gubat na iyon at nagkaroon ng palitan ng putok, namatay si Mautang at iba pa nitong kasamang guardia sibil. Nang may isang tao silang nakita sa itaas ng bato sa bundok ay iniutos kay Carolino na ito ay barilin sapagkat tulisan din iyon. At ginawa nga ni Carolino. Nang matapos ang putukan, tinignan nila ang mga tulisang nagkamatay din at doon ay nakita ni Carolino ang isang mukhang hindi nya maaring kalimutan, at iyon ay walang iba kundi ang kanyang Lolo Selo. Siya ang nakapatay sa kanyang Lolo Selo. At si Tano ay parang nawalan ng lakas at imik.

Makikita natin dito ang irony ng buhay nila Tandang Selo, Kabesang Tales at Tano. Sila ay nagkahiwahiwalay ng landas sapagkat sila ay napilitan. Ito ay hindi nila kagustuhan! Dahil sa paghihirap at kasamaang dinulot sa kanila ng mga prayle ay nawalan sila ng kabuhayan at nagkahiwa-hiwalay. Dahil dito ay napilitan silang maghigante sa kanilang sari-sariling paraan. At si Tano ay nagdurusa sa kanyang

trabaho. Makikita din natin na sa kabanatang ito huling binanggit si Kabesang Tales at Carolino at sila ay nanatili pa ring tulisan at guardia sibil. Walang klarong paglalahad kung ano talaga ang nangyari sa kanila.
KABANATA 39 ANG PAGTATAPOSSi Simoun ay sugatan at nanghihinang kumatok sa tahanan ni Padre Florentino, ang amain ni Isagani. Walang tanong-tanong ay buong pusong tinanggap ng indiong si Padre Florentino si Simoun at pinagyaman ang maysakit. Inisip na lamang nya na kaya ganoon si Simoun ay dahil umalis na ang kaibigan nitong Kapitan Heneral kung kayat hinahabol sya ng mga naiinggit sa kanyang kayamanan at yaong kinuhanan nya ng mga kayamanan. Nang araw ding iyon ay may dumating na sulat na nagsasabing may huhulihin silang tao sa bahay ni Padre Florentino buhay man o patay ay huhulihin nila ito. Sa pagaakala ni Don Tiburcio de Espadana na noon ay nakikitira kay Padre Florentino na sya ang huhulihin at dahil kagagawan iyon ng kanyang asawa ay dali-dali syang nag-empake at umalis upang hindi abutan ng mga guardia sibil. Kahit anong paliwanag ni Padre Florentino na si Simoun ang pinatutungkulan ng sulat ay hindi naniwala si Don Tiburcio at umalis pa din ito. Samantala, hindi alam ni Padre Florention kung ano ang gagawin kay Simoun, patatakasin ba ito o ano, kung kayat sinabi niya kay Simoun ang ukol sa sulat at nagulat siya sapagkat ayaw ni Simoun na tumakas at ngumiti pa ito ng pauyam. Umalis ang pari at pagbalik ay napansing nahihirapan si Simoun kung kayat kanyang tinanong at sinabi nito na Opo, konti lang pongunit sa loob ng ilang sandali ay matatapos na din ang paghihirap ko! At nalaman ni Padre Florentino na uminom pala ng lason si Simoun. Mas nanaisin pa daw nitong mamatay kaysa mahuli ng buhay ninuman. Bago malagutan ng hininga si Simoun ay ipinagtapat niya kay Padre Florentino ang lahat ng kanyang lihim na siya si Crisostomo Ibarra na nagbagong anyo upang maghigante subalit siya ay nabigo. Ayon kay Pdre Florentino ang kanyang pagkabigo ay kagagawan ng Panginoon sapagkat hindi Nito nais ang paraan na pinili ni Simoun. Ang kailangan ng bayan ay magtiis at gumawa upang makamtam ang kanyang layunin at tanging pag-ibig lamang ang makapagliligtas. Sa pagtatapos ng kanilang usapan ay wala ng buhay si Simoun at itinapon na ni Padre Florentino ang baul ng kayamanan ni Simoun sa dagat Pasipiko.

Sa katapusan makikita natin na inamin ni Simoun na sya ay nagkamali subalit pinanindigan pa din na dapat makamtam ng mga Pilipino ang kalayaan sa mapagparusang kamay ng mga Kastila. At hindi pinahintulot na sya ay mahuli ng buhay mas ninais pa niyang mamatay na lamang. Ipinakita din ang pagkakaiba ng kanilang pananaw ukol sa paghihiganti, Diyos, at sa mga paraan Nito. Nakita din natin ang kabutihan ng isangn paring indiyo at ang kasawian at katapusan ni Ibarra na nagpanggap na si Simoun.

You might also like