You are on page 1of 13

CANAL DE LA REINA

Magandang suriin ang nobelang Canal de la Reina sa aspetong Sosyo-ekonomikal at Sosyo-politikal. Makikita kasi rito ang tunay na kalagayan ngisang lipunan at ang pag-uugali o reaksyon nito sa isang isyungnapapanahon. Sa patuloy na pag-iisang kahig, isang tuka ng karamihan ngmga Pilipino, nahihirapan itong paunlarin hindi lang ang kanyang bansa atlipunan kundi pati na rin ang kanyang sarili. Sa nobela, mapapansing angtema nito ay kahirapan. Ito ay kitang kita sa mismong kabuuan ng nobelapagkat sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora Tentay ang may kaya sabuhay kung kayat siya ang nilalapitan ng lahat ng naninirahan doon upangumutang dahil sa kakapusan sa pera. Imbes na tulungan niya ang mgaito ay tinatapalan pa niya ng malaking interes ang mga umuutang. Nakikitarin dito ang kahirapan dahil mayroong mga katiwalian at bayaran sa mgaopisyal.Katulad ni Nyora Tentay na may maruming katuhan, ang taong walanginisip kung hindi ang sariling kasiyahan at karangyaan ay walang mararatingna maganda sa buhay. Si Nyora Tentay ay may kaunting kaya ngunit angkaugalian ay walang kagandahan kung kayat sa kahuli-hulihang sandali ngkanyang buhay, lahat ng taong kanyang inapi noong simula ay hindi rin siyatinulungan. Tulad ng kasabihan Huwag kang gagawa ng kung anong bagayna ayaw mong gawin sayo, si Nyora Tentay ay masyadong inabuso angkanyang karangyaan at imbes na tumulong siya sa mga nangangailangan ayipinapamukha pa nito sa mga humihingi ng tulong na silay mg a hampaslupa. Katulad ng sa tunay na buhay, ang taong kahit pa gaano ang yaman oganda ay hindi nirerespeto at minamahal ng tao kung ang ugali nito aywalang kagandahan. Ang tao kahit gaano kahirap ngunit may likas nakabutihan ay palaging tinititingala ng mga tao at binibigyang respeto. Isapang aral na ipinararating ng nobela ay walang nananalo sa katiwalian. Kungsa umpisa ay nakukuha nila ang gusto nila, sa huli ay pinaparusahan angmga ganitong tao. Kaya naman sa buhay palaging ang kabutihan pa rin angnaghahari.Sa umpisa ng nobela ay ipinakilala agad ang mga pangunahingtauhan. Binanggit na rin agad ang mga pangalan nito at ang relasyon nila sabawat isa. Malaking tulong ito upang maintindihan agad ang kwento. Sapamamaraan ng pagsasalita ng mga pangunahing tauhan ay masasabingmay-kaya ang mga ito. Gumagamit sila ng taglish, pambansang antas ngwika o minsan ay purong Inggles. Sa pagdaloy ng kwento, mas binibigyangpansin na ang mga tauhang si Caridad at Nyora Tentay. Makikita angkatatagan ng loob ng mga ito sa kabila ng pagiging isang babae. Hindinaging hadlang ang kanilang kasarian upang lumaban sa buhay.Ang mga pangunahing tauhan sa nobela ay binubuo ng dalawangpamilya. Ang pamilyang de los Angeles at Marcial. Ang pamilyang de losAngeles ay kinabibilangan nina Salvador, Caridad, Leni, at Junior. Sila ayisang pamilyang may pagkakaisa at unawaan para sa isat isa. Masasabing isa silang halimbawa ng maayos at halos perpektong pamilya. Dahil sigurosa magandang ugnayan at buhaypamilya, naging mabubuting tao angbawat isa sa kanila.Si Salvador ang padre de pamilya at mabuting asawa ni Caridad. Tahimik lang ito at minsanan lamang kung magsalita. Kahit minsan lamangito magsalita, talagang may kabuluhan at may lalim naman ito. Madalas dinsiyang sumasang-ayon sa mga desisyon ni Caridad lalo nat kung sa tinginniyay itoy tama at para sa ikabubuti ng asawa.Si Caridad ay isang napakamaunawaing ina sa kanyang pamilya.Malaki ang pagmamahal at pagaalala niya sa kanyang asawa lalo na sakanyang mga anak na si Leni at Junior. Isa siyang babaeng may malakas atmatibay na loob. Hindi siya agad-agad nagpapatinag sa mga problemangkanyang kinakaharap.Si Leni naman ang panganay na anak na babae nina Salvador atCaridad. Nagtapos ito ng medisina at kasalukuyang nag-iinternong doktor.Espesiyalidad nito ang Pediatrics at talaga namang makikita ang husay niLeni sa panggagamot. Matalino rin si Leni at sa katunayan ay siya pa angnakakuha ng unang pwesto sa Medical Board Exam . Ang huling miyembro aysi Junior. Kasalukuyan itong kumukuha ng kursong Architecture sa isangunibersidad. Ang tunay talagang nais ni Junior ay ang kumuha ng abogasyangunit tinutulan ito ng kanyang mga magulang. Mahilig si Junior makipag-usap lalo na kung tungkol sa politka at gobyerno. Mabuting anak si Junior atlaging sinusunod ang kanyang mga magulang. Minsan nga lamang aymasyado itong nagiging mapusok at napagaalala niya tuloy si Caridad atSalvador. Nalagay na kasi siya sa kapahamakan dahil sa sobrang niyangpaguusisa.Sa kabilang dako, ang pamilyang Marcial naman ay binubuo nina Nyora Tentay, Victor, Gracia, at Gerry. Kung ang pamilyang de los Angeles ay punong pagmamahalan, ang pamilyang Marcial naman ay puno ng kaguluhan.Wala kasi silang maayos na komunikasyon. Hindi pinakikinggan ni Nyora Tentay ang kanyang anak na si Victor at pilit na

pinasusunod ito sa kanyangmga nais kahit na ayaw naman nito. Kahit na naging masama si Nyora Tentay sa umpisa ng nobela ay nabago naman itong lahat pagdating sakatapusan. Tinanggap niya ang kanyang mga pagkakamali at ito ay dapathangaan ng lahat. Tunay nga namang mahirap gawin ang pagtanggap sapagkakamali. Hindi lang tayo nagpapatawad at nagtatanggal ng sisi sa ibakundi nililinis din natin ang ating mga pusot konsensiya.Si Victor ay ama ni Gerry at asawa ni Gracia. Sunud-sunuran ito sakanyang ina. Hindi man kita ay mahal na mahal niya ang kanyang pamilya.Napilitan lamang siyang hiwalayan ang asawa dahil sa kagustuhan ng ina. Sakarakter ni Victor, makikitang masama ang epekto ng pagiging masyadongsunud-sunuran sa kagustuhan ng mga taong nakatataas sayo. Sa paggawang desisyon sa buhay, dapat din nating isipin ang ating sariling kaligayan atkabutihan. Tayo ang may hawak sa ating kapalaran at hindi dapat tayonagpapa-apekto sa mga ginagawa sa atin ng iba Sa kabila ng paghihiwalay nina Gracia at Victor, nagawa ni Graciangbuhayin ang kanyang anak na si Gerry. Naging maunlad at marangya angkanilang pamumuhay dulot na rin ng pagtitiyaga niya. Si Gerry ay katuladdin ni Leni. Isang doctor na espesiyalista sa pangagamot ng mga bata.Iniwan man ng ama ay wala siyang kinikimkim na galit laban dito. Tanggapniya ang lahat at naiintindihan niya ito. Sa huli ay magkaka-ayos naman angpamilyang Marcial ngunit sa umpisa ng nobela ay talagang magulo ito.Ganun din ang kanilang tinitirhan, ang Canal de la Reina.Inilarawan ang tagpuan bilang isang maburak, mabaho, atpinamumutiktikan ng mga iskuwater, at si Nyora Tentay ang nagmimistulangpinuno rito. Ang lugar na ito ay simbolo ng mga lunggati ng bawat isa, lalona ng mga mahihirap. Ipinapakita rin nito na hindi lamang mga bagay o mgatao ang maaaring maging simbolo ng pagbabago. Nagkaroon ng relasyonang mga tauhan sa tagpuang Canal de la Reina dahil ang lupang pagmamay-ari ni Caridad ay nadirito. Maraming pangyayari ang naganap sa lugar na itoat dito umikot ang pinaka-kalamnan ng nobela.Ang suliranin ay nag-umpisa nang malaman ni Caridad na binili angkanyang lupa, di umano ni Nyora Tentay mula sa dating katiwala nila na siOsyong. Dahil sa mga pangyayaring ito, hindi naiwasang magkaroon ngalitan sa pagitan ng dalawa. Nagkaroon ito ng solusyon nang isang araw aymay dumating na napakalakas na bagyo sa bansa. Naging dulot nito ay angpagkakatangay sa baha ng mga naninirahan sa Canal de la Reina at kasamarito si Nyora Tentay. Sa di inaasahang pangyayari ay napunta sa pamilyangde los Angeles ang mga papeles ni Nyora Tentay sa pamamagitan ni Inggangunit pinili pa rin itong isauli ng pamilya dahil nais nilang maging patas.Dahil na rin siguro sa mga pangyayari ay naisip na ni Nyora Tentay namasama ang kanyang mga ginagawa. Tinanggap nito ang kanyang pagkataloat ibinalik ang lupa sa tunay na nagmamay-ari. Makikita rito na ang tao aymaaaring magbago para sa ikabubuti nito. Hindi lahat ay isinilang namasama dahil tayo ay nilikha ayon sa katangian ng Diyos. Kahit kalian ayhindi mananaig ang kasamaan sa kabutihan.Maraming makiktang isyung-panlipunan sa nobela. Bukod sa kahirapanay makikita rin ang tungkol sa kurapsyon. Sa pagnanais ni Nyora Tentay bamapasakanya ang mga lupain sa Canal de la Reina, maging ang mga pulis atmismong mayor ay sinuhulan niya. Hanggang sa ngayon ay nagaganap parin ito sa ibat ibang panig ng ating bansa. Maliit man o matataas na tao aynasasangkot sa ganitong mga gawain. Dahil dito, buhay ng mgamamamayan ang naaapektuhan. Bumababa na rin tuloy ang ekonomiya athindi nagiging maayos ang pamamalakad ng batas ng ating bansa.Ang kalutasan ng nobela ay naging maayos at masaya. Ang lahat aynagdiwang dahil ang kanilang mga suliranin ay natapos sa isang maayos atmapayapang paraan. Si Junior ay pinayagan nang kumuha ng abogasya at siLeni at Gerry naman ay nagpakasal na. Nagpasya silang mag-umpisa ngbagong buhay at mga pangarap sa kanilang lupa sa Canal de la Reina

Pinaglahuan (Kabanata III) Ni Faustino Aguilar


GABI AT UMUULAN. GABING DAPAT SUMPAIN NG mga may sakit na rayuma dahil sa kalamigan ng hanging himihihip. Gabing dapat ipinalangin ng mga matatakutin sa dahil sa mahuhugong na kulog at nagniningasang kidlat. An g patak ng ulan ay ga-mais halo at siyang ipinaglulusak ng mga lansangan ng Maynila na kaya lamang maganda ay kung tag-araw, tulad din naman sa isang babayi na kung bihis lamang saka nakikitaan ng gara. Ang mga ilaw-eletriko ay waring nangag-aantukan sa inandap-andap at sa mg daang dating matao ay ilan-ilan lamang ang nagsisipaglakad, matangi ang mga pulis na may katungkulang magbantay ay nangagyayaot ditong matalas ang tainga sa ano mang kilatis o yabag kaya na di karaniwan. Ito ang biyayang napapala sa kanilang ibinubuwis ng mga naninirahan sa Maynila na nang gabing iyong pinasungitan ng ulan ay maagang nagsipaglapat ng pinto. Tulog ang bayan at hindi naririnig ang dagundong ng mga kalesa at ang pinatatagintingan ng salapi sa mga bahay-kalakal. Nagpapahinga ang lahat, naghapunat hindi, bundat at gutom, mula sa mga ulo ng yaman hanggang sa kadukha-dukhaang anak ng pawis, at parang-parang nagsisihanap sa pagtulog ng lakas na kinabukasay gagamitin ng iba sa pagsasaya, at nang karamihan sa pagkita ng ikabubuhay. Ang pagtulog ay sintulad din ng kamatayan, walang itinatangi, lahat ay pinaghaharian, lahat ay nasasaklaw; pagdating ng gabi ay siya ang panginoon. Mapalad na panginoong walang kawal at malalaking hukbo ni laksa-laksang salapi ay makapangyarihan naman at tinatalima. Ngunit isa lamang masuyain, ang sa gayong kalakas na ulan ay sumasagasa at sugod nang nakikipag-unahan sa bilis ng kidla na maminsan-minsang nakalilito sa kaniyang mga paningin. Pagliko sa isang daan at sa tapat ng isang tila nag-aantok na ilaw, ay nakikilalang siya pala ang binatang nakatalo ng pulis sa Opera. Lalo pang lumalakas ang ulan, ngunit lalo namang nagdudumali ang masuwayin na pagkapat sa isang bahay sa daang A. ay tumigil at nagmasid. Lapat na ang mga pintot bintana ng kinatatapatang bahay na di naman lubhang mataas. Ang bahay na iyong salat sa karingalan ng mga bagong tayo, ay napagkikilalang matanda na at marahil ay di lamang lilimampung taong pinamamhayan. Malaki nga kung sa malaki, dapwat di sasalang yari noon pang walang mga kawani ang municipio na nag-uutos paris ngayong ang tataas ng mga bahay at pagpantay-pantayin , sapagkat mababa, at sa katunayay pantay-ulo lamang ang mga palababahan ng bintana. Ang bahay na iyon marahil ay labi ng isang marahas na sakuna, pagkat sa biglang tingin ay napagkikilalang dating mataas at nagsasabi ng ganitoy ang ayos ng kabahayan na alangang-alangan sa kababaan ng silong. Itoy bahagya nang umaangat sa lupa. Sa gayong kadilim na gabi ay pagkakamalan ang bahay na ito at wiwikain ng kahit sino na marahil isang simbahang matanda, at kabilang na ng mga bagay na kakahapunin ng pananampalatayang Kristiyano. Siyang-siya ng sa isang simbahan ang tabas-kamalig niyang bubong na tisa na sa may gitna at sa pinakatuktok ay may isa pang maliit na gola na natatapos sa isang kurus na kahoy. Ang kurus na iyoy di sasalang nakasaksi ng panahon sa malalaking bagay na nagyari; gaano karaming lihim ang nalalaman niyang pipi naman at hindi makapagsalita. Kung ang bahay na itoy nagkataong napagitna sa matataas na pader ay maipalalagay sanang isang monasterio o tahanan ng mga babaying walang puso kung sa mga lalaking tagalupa, maliban kay Kristong hindi na pinagsawaang pag-ukulan ng kani-kanilang pag-ibig ng libu-libong dalaga. Ngunit hindi , at ang bahay na iyong alangang simbahan, alangang monasterio ay tahanan ng isang mayamang kilala sa buong Maynila sa pangalang Nicanor Gutierrez. Iyon ang bahay ni Don Nicanor na kinatatapatan ng masuyain kay Pagtulog. Sa mga kilos at anyo ng taong natatapat sa bahay ay napagkikilalang hirati siya sa gayong tinayu-tayo. Ang kalaliman ng gabi, ang malakas na ulang bahagya pa lamang nagbabawa, ang putik sa lansangang abot sa may bukung-bukung, ang mangisa-ngisa dapwat maririing kulog, ay hindi man niya pansin, at waring natatalagang

makipagtagalan sa nooy tila matatalo na niyang bubo ng tubig mula sa itaas. Isa pang b ugsong malakas kaysa mga nauna, at ang ulay tumugil, ngunit hindi ang mga kidlat at kulog na patuloy rin at waring nagtatawag pa ng unos. Isa, dalawa, tatlo, hanggang limang ubo ang narinig sa gitna ng dilim at hindi na umulit. Iba namang tunog ang narinig: marahan ngunit hugong ng isang bintanang kapis na binubuksan. Luis, Luis? ang salitang gumambala sa kadiliman ng gabi. Oo, Danding, ako nga. Matagal ka na bang naghihintay? Ngayun-ngayon lamang ako naiinip. Oo nga at inakala ko nang baka hindi tayo magkausap. At bakit? Sapagkat baka napahimbing ka na naman. Ah, hindi na mangyayari uli ang gayon, lubha pat ganitong ang puso koy ginigiyagis ng mararahas na damdamin. Danding, binibigla mo ako. Ngayon lamang kita nakausap nang ganyan. Ako kayay malilimot mo na? Hindi hangga ngayoy iyung-iyo ang aking pananalig, hindi pa sumasagi sa aking gunita ang paglililo. Ngunit, oh, manhik ka, at tila babagsak na naman ang ulan. At siyanga naman, ang inambun-ambon ay unti-unting lumalakas at ang dating maitim na langit ay nagpanibagongsapot at bumanta na namang magbuhos sa lupa ng katakut-takot na tubig. Dapwat malayo na sa pagkabasa si Luis, sa isang imbay ay nakapanhik sa itaas ng silid na tutulugan ni Danding at ang bintanang d inaanan niyay muling napalapat ng pagkakalapat na nagsasabing: ditoy walang nangyayaring ano man. Wala nga ngunit sa loob ng dalawang pusong kapwa bata ang nagsusuob ng mababangong kamanyang, dalawang pag-ibig na pinapagtali ng kapalaran ang nagsusumpaan, dalawang pag-asa ang nagtatago sa mata ng marami, hindi sapagkat masama ang silay magmahalan kundi sa sukat masabi. Sa gaano kalalaking paglilihim naitutulak ang tao niyang pag-ilag sa sukat masabi! iyang mabigat na pasaning ipinadadalang pilit sa balana ng mga kabulaanan sa pamumuhay. Si Danding at si Luis ay hindi nakailag na pabuwis na ito, at hindi miminsang nag-uusap sila nang palihim at malayo sa sukat masabi, samantalang ang mga magulang ng dalaga ay nangagpapahinga sa kabilang silid naman ng bahay. Ang pag-uusap nila ng gabing ito ay napaiba sa lahat: waring nakikibagay sa panahon,malungkot at walang katamisang gaya ng dati, lubha pa nang makaraan na ang mga unang sandali. Oo, Danding, ang sabi ng binata, sasamantalahin ko ang pa g-uusap nating ito upang sabihin sa iyong akoy napakasawing-palad. Tuwinay ganito, para akong magnanakaw na di makalantad sa marami, patago kung makasilay sa maligaya mong mukha, paumit kung iyong makaharap, ano pat sa dilim lamang ng gabi naipagtatapat ang aking pag-ibig at sa liwanag ng araw ay hindi na. Mapalad daw ako, ang sabi ng ilan. Mapalad nga, pagkat may isa akong minamahal na nagmamahal naman sa akin, mayisa akong iniibig na hindi maipahayag kangino man sa takot na baka ngayon pay mawala na. Luis, Luis!

Danding, bayaan mong sa gabing itong maulan ay mailalantad ko sa iyo ang mga sugat ng aking puso, nitong pusong sapagkat iyoy hindi dapat maglingid ng anung-ano man. Matagal ko nang napupuna na ikaw ay may ipinaglilihim sa akin, mula noong sumulat ka nang kayoy pasa Tayuman. Ang matatalinghaga mong sinabi sa liham ay natatala pa sa aking isip: may sasabihin ako sa iyo, ngunit hangga ngayoy hindi mo pa nasasabi. Aywan kung nawalang-tiwala ka sa akin o talagang ang pag-ibig ko sa iyong di na malilimot kailan man ay ipinalalagay mong kabang walang susi, kaya ang sasabihing iyon ay ipinakakalihim-lihim. Lason mang nakamamatay sa aking pananalig at pag-asa ang iyong sasabihin ay ipagtapat mo nang hindi ko mawikang wala kang pagmamahal. N gunit huwag at baka wala akong matwid na humingi sa iyo ng ganito kalaking bagay. Sukat na, ang pagkarakay naisagot ng dalaga sa gayong paghihinampo. Bawat salita moy patalim na umiiwa sa aking laman, bawat bigkas moy aking ikamamatay. Ako ngay nagkasala sa iyo, ngunit pagkakasalang di ko naman dapat ipagsisi. Kinusa ko ang paglilihim, at nalaman mo kung bakit? Ang binatay hindi nakakibo, hindi malaman kung ano ang isasagot sa kaniyang kausap na sa sandaling iyoy nagtila anyo ng Kasawian dahil sa kalumbayang napalarawan sa mukha at sa unti-unting pangingilid ng luha sa magaganda niyang mata. Nalaman mo kung bakit? ang ulit pagkasandali. Sapagkat hindi ko ibig mamatay, sapagkat hinahangad kong ang puso ko na lamang ang madurog. Luis, kulang-palad tayo! Ang ilang luhang nag-unahan sa pagpatak ang nagsabi binata ng kadalamhatiang kinakabaka ni Danding. Lalo pang napatigagal si Luis at ang malalam na ilaw ng isang maliit na globong kulay luntian ang sumaksi sa kaniyang pagkahabag sa pinakaiirog nang higit sa buhay. Luis, huwag kang matakot sa pighati. Ikaw ang sumalang ng sugat, ang patuloy nang buong kalungkutan ng nagsasalita. Tapos na sa atin ang lahat. Ito ang wakas ng ating pag-iibigan. Oh! Kaydaling natapos. Ngayon ay sasabihin ko sa iyo ang bagay kong ipinaglilihim. Wala akong ipagkakaila anung-ano man, lahat ay aking sasabihin yamang ibig mo. Ang dalagang umiibig sa iyo at kung palayawan moy aking Danding ay hindi na iyo ngayon. Siyay wala nang sariling puso, siyay isang kasangkapan lamang na ipinagbibiling di magluluwat. Ipagbibili, Luis, at sa halagang di mo maaabot. Alam kong sa pag-ibig mo sa akin, sampung buhay man ay iyong ipapalit, dapwat di sukat ang buhay, kailangan ang salapi, kailangan ang pilak na mataginting, na panira sa lalo mang mahal na mga tipanan, at makaaalipin sa napakataas mang hari, kaya ngayoy hindi na ikaw ang may karapatan sa aking pag -ibig, iniirog man kita, kundi si Rojalde na mula ngayoy kinapopootan ko. Kung gayon, si Rojalde ang bahagyang nasnaw sa bibig ng binata. Oo, Luis, siyang bibili sa akin at ang magbibili namay ang aking mga magulang. At marahil sa pagkalunos, ang dalagay napatigil. Hindi na nakapagpatuloy, at walang naisaksi ang kaniyang puso sa sakbibing dalamhati kundi ang saganang luha at ang pinipigilang paghikbi. Sabay sa pagluha, sabay sa paghikbing isinalaysay ng dalaga ang buong nangyayari. Siyay pingsabihan na ng kaniyang ama at nang sumagot na may kapaitang lunukin ang maagap na pagkakapaoo kay Rojalde nang hindi naman sumangguni sa kaniya, ay nagalit, napoot, at siyay tinawag na masamang anak. Di -umanoy kaligtasan nilang mag-anak ang gayong pag-aasawa at alang-alang sa pagkaligtas na ito sa isang napakalaking panganib at kahihiyang kapapasukan kung sakali ay dapat siyang sumunod. Nasabi pa rin ng kaniyang amang kung hindi siya sasang-ayon ay mapipilitang magpatiwakal na muna bago masamsaman ng lahat na pag-aari at lumabas na kahiyahiya sa karamihan. Ang kanila palang dangal at kapurihang mag-anak ay maaaring siklut-siklutin ni Rojalde. Napakalaki ang sagutin ng kaniyang ama rito na di na makauurong pa kahit ibigin. At ako, sa harap ng ganyang sigalot ay nalilito. Iniibig ko ang aking magulang at iniibig din naman kita, ang mga huling salitang sakdal kapaitan ng dalaga.

Ang gayong dagok ng kasawiang-palad ay hindi inasahan ni Luis. Hanggang nang mga sandaling yaoy hindi pa nagkakasugat ang kaniyang puso. Naniniwala ng paniniwalang bulag sa kaligayahan ng pag-ibig na sa palagay niyay isang bulaklak na napakabango at di na mauubusan ng samyo. Hanggang sa gabing iyon ay pawang paglasap ng katamisan sa sinapupunan ng kaniyang pinakamamahal na Danding ang natatamo, minsan may di nakadama ng isang tinik na sukat ikapagsabing nagsapot sa kaniya ang kalangitan, minsan may di nakalagok ng kapaitan g ikapagtuturing na siyay nasawi. Lahat ay ligaya, lahay ay aliw at katamisan, walang lungkot ni pighati ni luha at pagdaramdam. Alam niyang may mga pag-ibig na taksil at nakamamatay, dapwat kailan may di nag-akalang ang ganito sa kaniyang Danding na makalilibong sumumpa sa pagmamahalan nila. Hindi akalain ni Luis na sa isang sandali lamang ay mapapawing parang aso ang lahat niyang pag-asa sa isang babaying hindi naman masasabing sa iba pa kundi kaniya nang lubos. Nang mga sandaling iyoy nagunita ni Luis ang pagkakapagkilala nila ni Danding, isang hapon sa Luneta, nang itoy kagagaling pa lamang sa isang colegio rito sa Maynila at inilabas ng ama dahil sa nalalapit na pagdiriwang ng Del Pilar sa Sta. Cruz. Biglang sumagi sa kaniyang gunita ang ikalawang pagtatagpo nila, makasanlinggo lamang sa isang sayawan, at nagunita tuloy ang kaniyang pagkakapahayag sa sayawang iyon, na ipinagtamo kay Danding ng kung hindi man isang oo ay isa namang pagpapaasang sukat nang makaaliw sa isang nangingibig. Oh! Hindi maaari, na ang gayong pag-iibigang pinapagtibay na mahigit ng isang pag-irog na dalisay at wagas ay magbunga ng kapait-paitang pagkadusta. Hindi, kailangang mamatay na muna siya upang makapanalig sa ganito. Gayunmay kaharap si Danding, nadinig sa mga labi nito ang buong katotohanan, ang pagbibili ng isang pusong may dinadalanginan man ay pilit na ipinasasaklaw sa iba, at siya ay naroong walang namang magaw at di makapagsalita ng anung-ano man palibhasay pinipi ng gayong kasawiang ikawawala ng kaniyang muty a at tunay na ligaya. Ibig na ayaw paniwalaan ni Luis na may mga magulang ngang nangangalakal ng anak. Pinag-aalinlangan niyang ang pangangalakal na ito, kung totoo man, ay iukol ni Don Nicanor sa kaniyang kaisa-isang anak na babayi, pagkat si Don Nicanor ay mayaman at di mangangailangan ng salaping ipananakip sa tainga upang huwag marinig ang sigaw ng isang pusong tumututol. Ang pangingibig ni Rojalde ay kaniyang talastas. Nalalaman niyang itoy nagpapakamatay halos kay Danding, at sa katunayay di miminsang nakapagdahilanan pa ng kaniyang mga pagtatampong lambing lamang naman sa nagmamahal na si Danding, dapwat di niya sinapantaha kailan mang gayon ang magiging wakas. Si Din Nicanor, sa kaniyang palagay, ay isang amang may katuwiran at hindi kabilang ng mga magulang na sa supot tumitingin at hindi sa kaligayahan ng kanilang anak, dapwat naroroon si Danding na nagpapabulaan sa ganitong palagay. Oo, ang Danding na iyong kinaniya-kaniya at pinaglalaanan ng buong pagkatao at pagmamahal ay ipinabili ng magulang, at siya sapagkat dukhay di man lamang makasali sa pamamakyaw. Ang kaniyang maliit na sahod sa pinapasukang isang bahay-kalakal na dayo ay hindi maipangangahas sa gayong pagbibilihan: sukat na lamang ang magtiis, at ang pagmumuni-muning itoy siyang nagsurot sa kaniyang mga mata ng napakaruhaging palad ng dukha, na pinanaligan niyang nauuwi sa ganito: ngayoy malakas, bukas ay mahina at sa makalaway matanda nang pinatatapun-tapon hanggang sa mamatay na dayukdok. Ipagbibili ako sa halagang hindi mo maaabot! ito ang sabi ni Danding at may katotohanan nga naman, pagkat siya ay dukha, isang maralitang salamat sa kaunting nalalaman kaya nakagigitaw-gitaw nang kaunti. Dapwat ganito man ay nag-uulik-ulik ang kalooban ng binata. Hindi makapani-paniwala sa lahat ng narinig, at ipinalalagay na ang mga ipinaturing ng kaniyang minamahal ay isang panaginip lamang kung hindi man isang pagbiro. Nang mga sandaling iyon si Luis ay napatulad sa isang ayaw mamatay na tinutulan pati ng paghihingalo. Si Danding ay kaniya, at laban ditoy wala nang katuwiran pang maibabali. Kapagkarakay walang lunas na minagaling kundi ang pagtatanan. Sa lilim ng malayang pamamalakd tungkol sa bagay na ito ay makisisilong sila ni Danding: dooy di na makaaabot ang lakas atmasagwang pagkaama ni Don Nicanor, kaya ang sabi pagkatapos ng matagal na di pagimik.

Laban sa ganyang paggahasa ng iyong ama ay kagahasaan din ang panlaban. Magtanan tayo, lumayo rito at salirinin ang ating palad. Ang ganitong mga salitay binigkas ni Luis nang biglang-bigla at natatatakan ng katigasang-loob. Hindi minasama ni Danding ang gayong hikayat. Siya may nakapag-akala na ring di miminsan ng gayon, dapwat kinahahabagan ang kaniyang ama at ang kaniyang ina. Dito niya utang ang pagkatao, ang nalalaman, ang lahat. Ang kaniyang pagsunod ay talagang sa mga magulang, ngunit ang kaniyang puso? Isang pakikipagtunggali sa mga udyok ng puso ang nangyayari kay Danding ng mga sandaling iyo. Isang matamis na damdamin ang nagtutulak sa kaniyang sumama kay Luis, lumayo, at sa gitna ng kalayaan lasapin ang katamisan ng paggiliw, ngunit magpikit man ng matay isinusurot naman sa kaniyang mga balintataw ng pagsunod sa magulang ang larawan ng amang nagpatiwakal dahil lamang sa kaniyang di pagsunod. Matay mang pakakuruin ang sinasapit niya ay di mapanibulos kung saang dako kikiling: saat saan man ay may kamatayan, may lasong makamandag, may sundang na pang-iwa. Napaiyak, at di kinukusay sa balikat ng binata napahilig. Isang halik na pasiil ang inilunas ni Luis sa gayong kapighatian, at ang sabing sabay ng paghaplos sa noo ni Danding: Alam kong iniibig mo ako kaya wala akong katiga-tigatig. Ikaw ay akin at di kay Rojalde. Napakahirap kang papaniwalain, ang pahikbi-hikbing sagot ng dalaga, at ngayong makilala ko ang kadakilaan ng iyong puso at ang karangalan ng iyong pag-ibig ay lalo kitang minamahal. Ngunit maniwala ka sa akin, Luis. Limutin mo na ako, huwag kang umasa ng ano man at ang pagbibili sa akin ay hindi na mauurong. Luis! Luis! Bakit di ka naging mayaman? Danding! Oh, hindi ko sinusugatan ang iyong pagkatao. Nasabi ko ang gayon pagkat kung may salapi ka ay hindi ako kay Rojalde, kundiy iyo na lamang. Siya na. Akoy hindi mo na iniibig kaya ka nagsasalita nang ganyan. Pusong babayi ka nga mayroon. Ipinagpapauna mo sa pag-ibig, diyan sa dalisay na dumadaming bibihis sa katauhan, ang kahinaang-loob. Dinaya mo ang aking pag-asa. Hindi mo na ako minamahal. May katuwiran ka, akoy dukha at di dapat mangarap ng pag -akyat diyan sa kalangitn handa lamang sa mga mapalad na manggagaga. Oo, lilimutin kita sapagkat ikaw ay mayaman, hindi sapagkat hinihingi mo. Aalis ako ritong gahak ang puso at walang paniwala. At pagkasabi ng ganitoy tumindig ang binata at humandang aalis. Wala kang awa, Luis. Ikaw pa ang maghihinanakit sa akin. Ibig kong sa pag-alis mo ritoy magtaglay ng paniniwalang hindi kita nililimot. Iniibig kita nang higit pa kaysa rati dapwat ang aking mga magulang, ang pagpapahalaga sa kanilang naipangako, ang kabaitang dapat taglayin n g isang anak Luis,kaawaan mo ako! Nauunawaan kita, ngunit ano ang magulang, ang pangako, ang kabaitan sa harap ng isang oag -ibig? Ikaw ay akin at hindi sa iba, bakit nmgayoy ikaw na rin ang magkukusa ng pagwawalat sa ating ligaya? Lahat nang iyay totoo, maaaring akoy iyong pag-itingan ng sisi at pagdusta, dapwat huwag mong hinalain kailan man na kitay hindi iniibig, pagkat ito ang lasong makamamatay sa akin. Iniibig kita ngunit Kung gayon ay di mo makakayang suwayin ang mga magulang? Sila ang aking pangalawang Diyos dito sa lupa, at bago ko sirain ang ganitong tadhana ng aking pananampalatayang kinagisnan ay ibig ko munang mamatay.

Sukat na, Danding. Maituturing mong ikaw ay nagwagi. Iiwan ko rito ang aking puso. Aalis akong wala nang pagasa ni pananalig. Isang buhay ang inalisan mo ng halaga, dapwat hindi kita sinisisi sa pagkakaganito, nalalaman kong ikaw ay walang sala, ang aking pinakasusumpa ay ang mga kamaliang bunga ng dalawang gawa ng tao: salapi at ang pananampalataya. Pagkaraan ng may isang oras, si Luis ay malungkot na nanasok sa pinto ng kaniyang bahay na sa isang nayon ng Maynila ay kaumpok ng ilang bahay na pawid na paris din ng kaniyang tinatahanay naghihiwatig ng di totoong mariwasang buhay ng nagsisitira. Hanggang sa makakubli sa mga patak ng ulan ng gayong kasungit na gabi ay walang nauulit-ulit ang binata kundi ang mga salitang: Ang salapi, ang pananampalataya, napaka

Ang buod ng nobelang titser ni liwayway arceo Mga Tauhan sa Nobelang Titserlita Si Amelita ang pangunahing tauhan ng nobela na nagpamalas ng kakaibangkatapangan sa pagpapahayag ng sariling desisyon sa kabila ng ibang planona nais ng ina para sa kanya. Mas pinili niya ang maging titser kaysa saibang karera sanhi ng kakaibang kasiyahan na nararanasan tuwing nagtuturokahit kakarampot lamang ang kanyang nakukuha mula rito. Pinatunayanniya sa kanyang ina na ang pagiging titser ay isang marangal na trabaho. Aling Rosa Ang mapang-api at tusong ina kay Amelita. Bunga ng hindi pagsunod nganak sa kanyang kagustuhan, naging malamig ang pakikitungo nito sakanya. Pinabayaan nito si Amelita at minaliit ang kanyang propesyon. Isangmahalagang pangyayari sa kanyang buhay ang gigising sa kanyangkamalayan at magpapabago sa kanya ng tuluyan. Mauro Kapwa titser ni Amelita sa paaralang pinapasukan at hindi nagtagal aynaging kanyang asawa. Siya ang inspirasyon ni Amelita noong naging guroniya ito upang pasukin ang mundo ng pagtuturo. Si Mauro ay isang mabaitna asawa at matulungin sa kapwa. Mas priyoridad niya ang pamilya kaysaibang bagay. Osmundo Si Osmundo ay isang mayamang binata na umiibig kay Amelita. Mas pabor si Aling Rosa na makatuluyan ni Amelita si Osmundo kaysa kay Mauro naisa lamang guro. Sa simula ay masama ang kanyang mga hangarin subalit sahuli ay natuklasan niya na masarap ang pakiramdan na tumulong sa kapwa. Mang Ambo Maunawain na ama ni Amelita na mas nakakaintindi kaysa sa kanyang ina.Pinayagan niya si Amelita sa karerang nais niya sa kabila ng pagtutol ngasawa. Si Mang Ambo ay patuloy pa rin na tumutulong at umuunawa saanak kahit kasal na ito kay Mauro.lakas ang mga kaaway kong ito.

TITSER Ni Liwayway B. Arceo


Mula sa kinatatayuan ni Aling Rosa sa tabi ng bintana ay nakita niyang papasok na sa tarangkahan si Amelita. Hindi naikubli ng nag-aagaw na dilim at liwanag ang hapung-hapong anyo ni Amelita at ang hapis na mukhang pinalamlam ng pagod. Ngunit hindi rin nagkubli sa paningin ng matanda and wari ay walang nadaramang pagod o hirap ang anak. Magaang din ang pag-angat at pagbagsak ng mga paa nito. Tila may kasiyahang walang kahulilip ang imbay ng kanang braso, at ang kaliwa ay may kipkip na aklat at makapal na kuwaderno. Hindi man lamang kumibo si Aling Rosa nang humalik ng kamay si Amelita, ba gamat hindi niya nailihim ang nagpupuyos niyang damdamin. Natitiyak niyang napansin iyon ni Amelita: ilang saglit napatitig sa kaniya ang anak bago unti-unting ibinaba ang tingin. Ala ata ang Tatang? mahinang tanong ni Amelita. Ewan ko! paasik na tugon ni Aling Rosa. Sinundan niya ng tingin si Amelita nang pumasok ito sa sariling silid. Talagang pinakagaga sa lahat ng anak ko ang isang to, oo! Himutok ni Aling Rosa. Maaari naming kumuha kahit anong mabuti-buting karera nagpilit na maging titser lang! Ngayonano? Alila ng buong nayon! Bumabalik sa gunita ni Aling Rosa ang mga natupad na pangarap sa pagpapalaki sa kaniyang mga anak nang pumasok si Mang Ambo. Bahagyang hinukot na ng panahon ang mga balikat ni Mang Ambo, katuwad ng malalapad at tila higit na matatag na mga balikat ni Aling Rosa . May ilang gatla na sa mga pisngi si Mang Ambo na hindi naging sagabal sa anyong kapita-pitagan: nagbibigay-tingkad iyon sa payak ngunit kagalang-galang na anyo. Ang katalinuhang kumikislap sa mga mata ay pinatitingkad ng mga salit na pilak sa buhok. At ang tinig na mahina at banayad, kaibayo ng matigas at makapangyarihan at buung-buong tinig ni Aling Rosa. Oy, salubong ni Mang Ambo sa kaniya, dumating na bang anak mo? Oo, naryan na sa kuwarto niya! matabang na tugon ni Aling Rosa, kilalang-kilala nito ang asawa. Ewan ko hindi ko pa naman sinsabi! Ganon pala naman, e...anot parang bigung-bigo ka na? Ku...e makikita ko lang ang ayos ng anak mong yan, pinagsisiklaban na ko ng galit! Bakit naman? Naku, Ambomanong huwag ka nang magmaang-maangan! Hindi ba ikaw nga itong laging nakapupunang nangangayayat na sa pagtuturo ang anak mong yan? Pano laging pagod na pagod! Napatango si Mang Ambo. Sa tingin koy nasisiyahan naman sa pagtuturo ang batang yan abayan mo na lang! Pumayag ka na rin lang na yan ang pag-aralan niya Bakit nga hindi pa ko papayag, e sa nakita kong kahit patayin koy ang gusto rin niya ang susundin! Gigil na gigil si Aling Rosa sa pagsasalita at lumilitaw ang mga ugat sa leeg. Bayan mo natalagang ganyan ang bunso! Bunso! Hinagod ni Aling Rosa ang buhok na nakalag sa pagkakapusod at padarag na ibinuhol uli yon, at sinundan ng pagpalis sa ilang hiblang nalaglag sa noo. Kung hindi ka lang inaalalang masisira ang l inya ng ating pamilya sa pagkakaroon ng isang anak na hindi de titulo...kailan ako pumayag? Hindi kumibo si Mang Ambo. Hindi nito masasabing mali ang asawa. Nakita nito ang katuwiran niya sa pagpipilit na makatapos ang mga anak sa pag-aaral at makakuha ng mga karerang tinitingala. Hindi sila mayaman, ngunit sadyang hinahangaan sila ng buong nayon sa ginawang pagpapaaral sa mga anak. Halos nahuhulaan na ni Aling Rosa kung ano ang nasa isipan ni Mang Ambo. Ayaw ka lang maniwala sa kin nong una at ika moy mahihirapan tayoo, anong nangyari? Kung hindi natin iginapang si Norberto at naging inhinyero...papatusin ba ni Marina? Siyempre pang isang masalapi ring tulad niya ang kukunin ni Marina. O kaya, isang propesor din sa musika, paris niya. Pero hindi, e. Naibigan niya si Norberto dahil may sariling dunong at titulo. At nakatulong pa sa pagpapaaral sa mga sumunod sa kaniya. O, anohindi ba? Tumango si Mang Ambo. Ang itinatanong ko lang naman e kung napag -usapan na ninyo ni Amelita. Sasama raw ba siya o hindi? Pinag-initan na nga ako ng ulo nang makita ko ang itsura ng anak mo! mariing sagot ni Aling Rosa. Bakit nga? Parang mahuhulaan ko ang isasagot. Pihong sasabihin nyan ay pagod siya sa maghapong pagtuturo!

Ikaw naman, oo! Hindi mo pa pala nasasabi, egumagawa ka na ng hula kung anong isasagot. Tawagin mo nga! Aba, kung hindi siya makakasama kay Osmundo, magsabi na agad. Mahirap nang maghintay sa wala yong tao! Sus, bakit naiba ang salita mo ngayon? Datiy ikaw tong nagtatanggol sa anak mo. Sa kin ka pa nagagalit at ika moy lagi ko na lang pinipilit ang anak mo! Alam mo, Oyinaabot na rin ako ng kahihiyan kay Osmundo! Kung pakiharapan moy parang may pag-asa yong tao. E itong paguukulan ng pagpapagod, e hindi natin matiyak ang kal ooban! Hindi malaman ni Mang Ambo kung paano magpapaliwanag. Bahagyang napawi ang pangungulimlim ng mukha ni Aling Rosa.Tinawag ni Mang Ambo si Amelita. Nang lumabas ito mula sa silid ay nakasuot na ng pambahay at hawak sa kanang kamay ang isang walang takip na fountain pen. Aba, narito na pala kayo, Tatang! sabay ang paghalik sa kamay ng ama. May sasabihin daw ang Inang mo sa halip ay tugon ni Mang Ambo at sinulyapan si Aling Rosa. Ano yon, Inang? Kinukumbida ka ni Osmundomay benepisyo sa kapitolyo. Dadaan daw rito ngayon Walang kagatul-gatol ang pagsasalita ni Aling Rosa. Ang dami kong trabaho ngayon, e matatag na tugon ni Amelita. Ngunit napatungo. Aba, biglang tumigas ang tinig ni Aling Rosa, nakasagot na ko. Mag-ayus-ayos ka na! Pero, Inang Nangapos ang paghinga ni Amelita. Amelita! Mariin ang pagbibigkas ni Aling Rosa sa pangalan ng anak. Bukod -tangi ka sa lahat ng anak ko, ha? Walang-hiya ka! Ikaw pang bunsoikaw pang natutong sumuway sa lahat ng gusto ko! Tungung-tungo si Amelita. Hindi bat sa simula pa lang, ayoko niyang kinuha mong karera? Ayoko, dahil magiging alangan ka nga sa mga kapatid mo! Hindi ka nahihiya nyan? Ang Kuya Norberto moy inhinyero, ang hipag moy propesora. And Dikong Jose mo, abogado,...kayat ang napangasawa, abogada. And Ate Lourdes mo, palibhasay parmasiyutikamadaling nakapag-asawa ng doktor. And Ditseng Felisa mo, doktoranakapag-asawa ng doktor din! May kani-kaniya nang bahay, may kotsee, ikaw? At sinabayan ng surot sa mukha ni Amelita. Hinawakan ni Mang Ambo sa braso si Aling Rosa at tinangkang hadlangan siya sa naiisip pa niyang isagawa. Ngunit mabilis niyang pinalis ang kamay ng asawa. Bayan mo nga ako! at pagalit na hinarap si Mang Ambo. Bakit, ito bang ginagawa ko e para sa sarili ko lang? Hindi ba para sa kaniya? Ayan...hindi ako sinunod ng anak mong yan, kayat siya lang ang hirap na hirap sa trabaho! Siya ang halos walang kinikita dahil abunadong lagi sa klase. Trabahong-alipin ang ginagawa! Nagtaas ng mukha si Amelita. Nasisiyahan naman ako sa pagtuturo, Inang! Mahina, ngunit matatag ang tinig. Sasabihin mo nga bang nasisiyahan? Talagang hindi ka makapagreklamo dahil ikaw ang pumili ng karerang yan. Pero may paraan naman para makalayo sa ganyang buhay... Isang makahulu gang tingin ang ipinukol ni Aling Rosa kay Mang Ambo. Kung mapapangasawa mo si Osmundo. Napaungol si Amelita. Tinapunan ito ng tingin ni Aling Rosa. Namumutla ang mga labi nito. Hindi mailihim ang pagkabigla. Bakithindi ba totoo ang sinasabi ko? patuloy ni Aling Rosa. Sa laki ba naman ng kayamanan ni Osmundosa lawak ng mga lupain at sakahan, kakailanganin mo pa ang magturo? Napansin ni Aling Rosa ang pagtigas ng kalamnan sa mukha ni Amelita. Nangilid ang luha sa mga mata nito. Matagal nang nakikiusap sa kin si Osmundo, patuloy ni Aling Rosa, at palagay ko naman, napapanahon na para sumagot ka! Nag-uutos ang tinig niya. Pero, Inang nangangatal ang tinig ni Amelita nang magsalita, hindi ko maaaring sundin ang Alin ang hindi maaari? agaw ni AlingRosa. Lahat ng gusto koy nasuway mo na, Amelita...pero ang isang itoy hindi mo maaaring baliin! Inang, higit nang matatag ang tinig ni Amelita, kailangang malaman ni Osmundo na ngayon na...na hindi maaari... Nagdilim ang mukha ni Aling Rosa. Bakit hindi maaari? Bakit? at niyugyog niya ang dalawang balikat si Amelita hanggang mabitiwan nito ang hawak na fountain pen. Maging si Mang Ambo ay hindi nagkaroon ng lakas ng loob na damputin ang nabitiwan ni Amelita.

TIMAWA ni Agustin Fabian


Si Andres ay isang Pilipinong mahirap na tinupad ang pangarap sa Amerika. Isang kasama ang ama ni Andres at isang araw ay isinama si Andres ng kanyang ama sa bahay ng kanyang amo ngunit s Hindi inaasahan ay dumating ang Donya ang asawa ng amo ng kanyang ama at sinbihan silang Timawa parang isang aso s unay Hindi ito naitindihan ni Andres kaya`t nang ipinaliwanag sa kanya ito ng kanyang ama ay Hindi na nya ito nalimutan. Ang sabi ng kanyang ama ay dapat magsikap ka Andres sa pag-aaral at wag mong sasayangin ang pagkakataon ang gabi ay gingawang araw ng ama ni Andres para lang siya makapagtapos sa intermedya ngunit namatay ito dahit sa pagkakasakit ng pulmonya. Ito ang dahilan ni Andres kaya`t siyay nag sikap sa pag-aaral sa amerika para doon mag-aral ng medisina at maging isang doctor si Andres ay matalino at madaling makaisip ng paraan sa lahat ng bagay. Sa pagpunta niya sa amerika ay naging matalik niyang kaibigan si Bill at Alice na kapwa niya kaparehong nag tatrabaho sa ladies dormitory. Una pa lamang ay halata na kay Alice dahil sa ito daw ay magiging sagabal lang sa kanyang pangarap sa buhay. Ngunit Hindi na rin naitago ni Andres ang kanyang nararamdaman kay Alice naging magkatipan ang dalawa at isang araw habang sila ay nasa loob ng ladies dormitory ay may naghihintay na isang babaeng Filipina agad namang ipinakilala ni Alice sina Bill at Andres ngunit sa una palamang ay kinakitaan na ng kagaspangan si Andres nag pabayaan siya sa pagdala ng maleta ni Estrella nagalit si Alice sa ginwa ni Andres at ang sabi ni Andres ay tama lang yun sa kanya dahil ang tulad nilang mayaman ay walang pakialam sa timawang tulad ko. Ang sabi pa ni Andres ay ipakikilala nila si Estrella kay Alfredo at ang Hindi alam ni Estrella ay nagkaroon ng kasunduan ang dalawa ni Andres ay Hindi na sasama si Andres kina Estrella, Bill at Alice kapalit ng isangdaan kada buwan. Ganoon na nga ang nangyari si Andres o Andy ay sa iba na sumasama at kung pupunta ng dormitoryo ay lagging nagmamadali sa pagpunta sa pagtapos ng gawain at isang gabi ay nagabot-abot ang apat na mag kakaibigan tinanong nila Alice, Bill at Estrella kung bakit Hindi na sumasama sa kanila at ang sagot ni Andy ay busy lang daw sya sa laboratoryo. Ngunit Hindi naniwala si Alice kay Andres kaya`t nagusap silng dalawa nang masinsinan Hindi maintindihan ni Alice si Andres kung bakit niya gigawa iyon ngunit nahantong ang kanilang usapan sa paghihiwalay at sa paglipas ng mga araw ay laging magkasama sina Estrella at Andres ay iaanyayahan pa silang pumunta sa konsiyerto nila Estrella at doon na umamin si Andres sa kasunduan nila ni Alfredo na babayarab siya ng sangdaang piso para Hindi na ito sumama sa kanila ang sagot ni Estrella babayaran kit ang higit kay Alfredo sumama ka lang ulit sa amin nila Alice. Si Andres ay hinalikan at inakbayan si Estrella at ito ay Hindi nagustuhan ngdalaga sinampal sampal niya ito at pumasok siya saladies dormitory ng umiiyak nagtka si Alice at ito`y sinundan ni Alice sa kuwarto at ikinuwento ang nangyari nagtawanan nalang ang dalawa at sabi ni Bill luko-luko talaga si Andres. Si Andres ay Hindi muna sumama sa kanila hanggang sa sila makagraduate. Binati ni Mrs. Grey (itinuring na pangalawang ina ni Andres) sina Bill, Alice at Andres tuwang-tuwa si Mrs. Grey, ngunit si Estrella ay kailangan pa ng isang taon para makatapos dahil sa mga kanyang pamilya ay bumagsak daw ang negosyo

Pusong Walang Pag-Ibig (Ang Kamaynilaan Noon)


May Akda : Si Roman G. Reyes ay ipinanganak noong ika-28 ng Pebrero, 1858 sa Bigaa, Bulacan. Nang makatapos ng pag-aaral sa Bigaa ay dinala siya sa Maynila upang mag-aral sa Colegio deSan Jose at nagtapos noong 1874 bilang maestro superior. Nagturo siya sa Sta. Maria, Bulacanna kilalang bayan ng makata at manunulat. Dito niya nakilala at pinakasalan noong 1883 siSebastiana Ramos, 16 anyos lamang samantalang si G. Reyes ay 25 anyos. Ayon kay Dr. MonaHighley, si G. Reyes ay isang mahigpit na magulang. Labintatlo ang mga anak ng magasawa.Kabilang sa mga ito si Gng. Trinidad Reyes-Cruz na kaibigan ni Dr. Highley. Mga Tauhan LolengAsawa ni Enrique at ina ni Nene EnriqueAma ni Nene, at iniwan si Loleng. NeneAnak ni Loleng at Enrique, nawawala ito. Aling BuroAsawa ni Tomas, may mabuting loob na tumulong kay Loleng TomasAsawa ni Aling Buro at tumulong kay Loleng Pinuno/ TenyenteAng nagwikang kung aanib sa kanila ay maliligtas sila sapagkabusabos. Tagpuan Deskripyon ng Tagpuan: Kamaynilaan noon, magulo at maingay, dahil sa digmaan Ibinase si Roman G. Reyes ang ilang parte ng nobela sa mgahistorikal na pangyayari tulad ng malawakang Rebolusyon sa Pilipinas at ang pagdating ngAmerikano na pinalitan ang mga Espanyol sa pamumuno sa kolonya. Nagdagdag ng historikal namga lugar at pangyayari tulad ng Maynila na pinagdausan noon ng giyera ng mga Pilipino,Kastila at Amerikano. Buod Dumukal ang nobela sa mga tunay na pangyayari noong 1890-1900bilang panlipunang konteksto na ang mga tauhan sa nobela ay namuhay sa kapani-paniwalang dulang nagsasalimbay ang kasaysayan at pansariling buhay. Si Enriqueay disinuwebe anyos na sugarol, bolero at guwapo, na pinakasalan ang beynte-siyete anyos na si Loleng upang makaraos sa utang at napipintong paghahabla.Isinugal ni Enrique ang munting mana ni Loleng. Nagkaroon sila ng anak, si Nene,na lumaking hindi kilala ang sariling ama sa pag-aakalang sumapi ito sa mga Katipunero. Ngunit ang totoo'y tinalikuran ni Enrique ang himagsikan. Nagkahiwalay sina Loleng at Nene nang magbakbakan ang mga Kastila at Katipunero. Hinanap ni Loleng ang anak, hanggang matagpuan iyon sa kalinga ng mabuting doktor at ngkaniyang asawang namumuhay sa Maynila na nasa ilalim ng kapangyarihan ngAmerikano. Nang pauwi na si Enrique upang makita ang

kaniyang mag-ina,nasagasaan naman siya ng kotse, at namatay makaraang makipagayos sa kaniyang pamilya. Aral Isang kahalagahan ang pagiging responsable. Naipakita ni Roman G. Reyes angkatotohanan sa mga iresponsableng ama noon at maging sa ngayon. Ang pagpapakasal ay hindikaning isusubo at kapag napaso ay iluluwa. Ang kasal ay isang banal na pakikipagtipan na may basbas ng Diyos. Kailangang magsikap na isang magulang lalo na ng isang padre de pamilya angmaitaguyod sa magandang kondisyon ang kanyang pamilya sa halip na magbisyo dahil masamaang magiging epekto nito Isang kahalagahan ang pagiging responsable. Naipakita ni Roman G. Reyes angkatotohanan sa mga iresponsableng ama noon at maging sa ngayon. Ang pagpapakasal ay hindikaning isusubo at kapag napaso ay iluluwa. Ang kasal ay isang banal na pakikipagtipan na may basbas ng Diyos. Kailangang magsikap na isang magulang lalo na ng isang padre de pamilya angmaitaguyod sa magandang kondisyon ang kanyang pamilya sa halip na magbisyo dahil masamaang magiging epekto nito Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang isang tao dahil may maawaing Diyos sa Langit.Manalig lamang sa Kaniya at kumilos ng tama at Kanyang ibubuhos ang biyaya. Matatag siLoleng dahil sa kalagitnaan ng alitan giyera ng mga Amerikano sa Pilipino ay kanyang buonggiting na hinanap sa mapanganib na lansangan ng Maynila ang kanyang anak na si Nene. Isipin muna ng maraming beses ang isang bagay bago ito gawin. Maraming beses na pumalpak si Enrique dahil napasubo lamang siya at hindi inisip kung ano ba ang tamanggagawin. Mali ang pagiging pabiglabigla sa pagdedesisyon dahil baka hindi magustuhan angmagiging dulot nito. May mga taong nakakatanda at maraming karanasan Dapat pahalagahan ang edukasyon dahil itoy magbibigay sa tao ng magandangkinabukasan. Sinikap ni Loleng na mapag-aral si Nene at masasabi ko na tama ang kanyangdesisyon. Samantalang nagsikap magaral ng mabuti si Nene dahil sa pagiging masunurin sa ina.Maging masunurin sa magulang dahil ito ay isa sa mga utos ng Diyos na may pangakong pagbibigay ng magandang kapalaran balang araw. Sumunod si Nene sa mga tagublin ng kanyangina at kahit kailan ay hindi siya naligaw ng landas. Maging matulungin sa kapwa katulad ng pagtulong ni G. Ricardo at Aling Nitang kay naLoleng at Nene. Hindi sila kailanman humingi ng kapalit bagkus lalo pa nilang sinuportahan ang mag-ina para umasenso. Pagsusuri : Ayon sa pagsusuri, ang Pusong Walang Pag-Ibig ay isa sa mga maganda at kapaki- pakinabang na basahin dahil sa pagiging dramatiko nito at sa mga mapupulot na aral. Hindinakakatamad suriin ang nobela dahil sa magandang kuwentong taglay. Iba Pang Aral

You might also like