You are on page 1of 22

1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humihintay Sagot: kandila 2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako. Sagot: langka 3.

Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. Sagot: ampalaya 4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. Sagot: ilaw 5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. Sagot: anino 6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. Sagot: banig 7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. Sagot: siper 8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. Sagot: gamu-gamo 9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. Sagot: gumamela 10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. Sagot: kubyertos 11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. Sagot: kulambo 12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.

Sagot: kuliglig 13. Baka ko sa palupandan, unga'y nakakarating kahit saan. Sagot: kulog 14. May bintana nguni't walang bubungan, may pinto nguni't walang hagdanan. Sagot: kumpisalan 15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. Sagot: gunting 16. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa. Sagot: kasoy 17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. Sagot: paruparo 18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating. Sagot: mga mata 19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita. Sagot: tenga 20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. Sagot: baril 21. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi. Sagot: bayong o basket 22. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop. Sagot: batya 23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.

Sagot: kamiseta 24. Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad. Sagot: saraggola 25. Apat na paa hindi lumalakad. Sagot: mesa 26. Nagbibigay na, sinasakal pa. Sagot: bote 27. May puno walang bunga, may dahon walang sanga. Sagot: sandok 28. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. Sagot: kampana o batingaw 29. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona. Sagot: bayabas 30. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa. Sagot: balimbing

2. 1. Bastong hindi mahawak-hawakan, sinturong walang mapaggamitgamitan. (ahas) 2. Bahay ni ka huli, haligi'y balibali, ang bubong ay kawali. (alimango)

3. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo. (aso)

4. Kahit hindi tayo magkaano-ano, ang gatas ng anak ko, ay gatas din ng anak mo. (baka)

5. Ibon kong saan man makarating, makababalik kung saan nanggaling. (kalapati)

6. Bagama't maliit, marunong nang umawit. (kuliglig)

7. Dala mo't sunong, ikaw rin ang baon. (kuto)

8. Hulaan mo, anong hayop ako. Ang abot ng paa ko'y abot rin ng ilong

ko? (elepante)

9. Kung manahi 'y nagbabaging at sa gitna'y tumitigil. (gagamba)

10. Kulisap na lilipad-lipad, sa ningas ng liwanag ay isang pangahas. (gamugamo)

12. Isang uod na puro balahibo, kapag nadikit sa iyo ang ulo, tiyak mangangati ang balat mo. (higad)

13. Isda ko sa tabang, pag nasa lupa ay gumagapang. (hito)

Ang lokong si Hudas, dila ang tsini-tsinelas. ( suso)

Heto na si kurdapya may sunong na baga. ( manok)

11. Isdang parang ahas, sa karagatan pumapagaspas. (igat )

12. Bato na ang tawag ko, bato pa rin ang tawag mo, turan mo kung ano. (ibong batu-bato)

13. Ibon kong kay daldal-daldal, ginagaya lang ang inuusal. (loro)

14. Hakot dito hakot doon, kahit maliit ay ipon ng ipon. (langgam)

15. Pag munti'y may buntot, paglaki ay punggok. (palaka)

16. Tumatanda na ang nuno, hindi pa rin naliligo. (pusa)

17. Narito na si pilo, sunong-sunong munting pulo. ( pagong)

18. May alaga akong hayop, malaki ang mata kaysa tuhod. (tutubi)

19. Kawangis niya'y tao, magaling manguto, mataas kung lumukso. (unggoy)

20. Anong insekto sa mundo na naglalakad na walang buto. (uod)

21. Naghain na si Lolo, unang dumulog ay tukso. (langaw)

22. Heto na si Ingkong, bubulong-bulong. (bubuyog)

23. Iisa na, kinuha pa. Ang natira ay dalawa. (tulya)

24. Hindi naman bulag, di makakita sa liwanag. (paniki)

25. Maliit pa ang linsiyok, marunong nang manusok. (lamok)

26. Munting anghel na lilipad-lipad, dala-dala'y liwanag sa likod ng pakpak. (alitaptap).

27. Pagkatapos na ang reyna'y makapagpagawa ng templo, siya na rin ang napreso. (anay)

28. Pinisa ko at pinirot bago sininghot. (surot)

29. Nakakalakad ako sa lupa, nakakalangoy din ako sa sapa, nakakalipad din ako ng kusa. (gansa)

30. Umuusad-usad sapagkat sa paa ay salat, pinahihirapan pa ng pasan-pasang bahay na ubod ng bigat.(kuhol) 3. 1. Ipinalilok ko at ipinalubid, naghigpitan ang kapit. Sagot: Sinturon 2. Nang munti pa at paruparo, nang lumaki ay latigo. Sagot: Sitaw 3. Utusan kong walang paat bibig, sa lihim koy siyang naghahatid, paginutusay di n babalik. Sagot: Sobre 4. Bagamat nakatakip, ay naisisilip. Sagot: Salamin ng mata 5. Aling mabuting retrato ang kuhang-kuha sa mukha mo? Sagot: Salamin (mirror) 6. Butot balat, lumilipad. Sagot: Saranggola 7. Hindi naman hari, hindi naman pare, nagsusuot ng sarisari. Sagot: Sampayan 8. Aling bagay sa mundo, ang inilalakad ay ulo? Sagot: Suso (snail) 9. Dalawang punsu-punsuhan, ang laman ay kaligtasan. Sagot: Suso ng Ina 10. Kaban ng aking liham, may tagpi ang ibabaw. Sagot: Sobre 11. Hindi hayop hindi tao, nagsusuot ng sumbrero. Sagot: Sabitan Ng Sumbrero 12. Naligo si Adan, hindi nabasa ang tiyan. Sagot: Sahig 13. Hindi Linggo, hindi piyesta, naglawit ang bandera. Sagot: Dahon ng saging 14. Alin sa mga santa ang apat ang paa? Sagot: Sta. Mesa Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin. Sagot: Sumbrero 15. Isang tabo, laman ay pako. Sagot: Suha 16. Isang panyong parisukat, kung buksay nakakausap. Sagot: Sulat

17. Kahoy ko sa Marigundong, sumasangay walang dahon. Sagot: Sungay ng Usa 18. Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin. Sagot: Saging 19. Buklod na tinampukan, saksi ng pag-iibigan. Sagot: Singsing 20. Sapagkat lahat na ay nakahihipo; walang kasindumit walang kasimbaho; bakit mahal natit ipinakatatago. Sagot: Salapi (pera) 21. Isda ko sa Maribeles, nasa loob ang kaliskis. Sagot: Sili 22. Sinampal ko muna bago inalok. Sagot: Sampalok 23. Ang uloy nalalaga ang kataway pagala-gala. Sagot: Sandok 24. Huminto nang pawalan, lumakad nang talian. Sagot: Sapatos 25. Baboy ko sa parang, namumula sa tapang. Sagot: Sili 26. Dikin ng hari, palamuti sa daliri.Sagot: Singsing 27. May punong walang sanga, may dahong walang bunga. Sagot: Sandok 28. Walang paa, lumalakad, walang bibig, nangungusap, walang hindi hinaharap na may dala-dalng sulat. Sagot: Sobre 29. Kung tawagin nilay santo hindi naman milagroso. Sagot: Santol 30. Alipin ng hari, hindi makalakad, kung hindi itali. Sagot: Sapatos 31. Usbong ng usbong, hindi naman nagdadahon. Sagot: Sungay ng Usa 32. Pitong bundok, pitong lubak, tigpitong anak. Sagot: Sungkahan 33. May tubig b pingpala, walang makakakuha kundi bata. Sagot: Suso ng Ina 34. Walang sala ay ginapos tinapakan pagkatapos. Sagot: Sapatos 35. Aso ko sa muralyon, lumukso ng pitong balon. Sagot: Sungkahan 36. Isang bahay na bato, ang takip ay biloa. Sagot: Suso (snail)

37. Munting tampipi puno ng salapi.Sagot: Sili 38. Isang lupa-lupaan sa dulo ng kawayan. Sagot: Sigarilyo 39. Hiyas akong mabilog, sa daliri isinusuot. Sagot: Singsing

You might also like