Ramdam ko, ang mga mapapait mong tangis, taghoy Na sa bayang nagnanais, lunggatiy sinisimoy. Kapara ng kanyang dagat, sa tinig ng along marahan, Ligayay marating ka lamang, pinipintuhong dalampasigan!
Gumising kat hinog na, nasasayo ang kalayaan. Iyong malasin sa lilim ng mga lorong nag-aawitan. Ang kagandahang hatid sa tigib na kapaligiran, Hindi bat mapagkandili ang kalong ng likas na kundiman?
Tila hungkag lamang sa ilan ang pag-ngiti ng umaga, Na ang handog sa bayay munting paghaharana. Sumisinag ang kwento ng dalawang magsing-irog Ang nag-iisang pag-iibigang walang maliw, walang tuldok.
Manaog ka, giliw, pagkat alintana ang kundiman Na sa nalalantang buhay, ay libret walang kabayaran. Tahan na ang pagluha, ihinto na maging ang himagsikan! Ano pa at sa huliy totoong kaligayahan.