You are on page 1of 2

KASUNDUAN

SA MGA KINAUUKULAN NITO,


Ang kasunduang ito ay ginawa at nilagdaan ng dalawang paning ngayong ika 17 ng
MARSO, 2015 ,dito sa Old Capitol Site, Quezon City, nina G./ Gng./ Bb.
___________________________, may sapat na gulang,Pilipino, at naninirahan sa
_________________________________________ na siyang tatawaging UNANG PANIG, dito
kina G./ Gng./ Bb. ___________________________, Pilipino, may sapat na gulang, at
naninirahan sa _________________________________________ na siyang tatawagin
IKALAWANG PANIG.
Na alang-alang sa halagang ISANG DAANG LIBONG PISO (P 100,000) salaping
Pilipino nababayaran sa kaparaanang nagsasaad sa ibaba nito, ang UNANG
PANIG ay pumapayag na ipagbili sa IKALAWANG PANIG ang bahay at lupa.
Na ang IKALAWANG PANIG ay pumapayag na bilhin ang bahay at lupang
nasasaad sa nabanggit na halagang ISANG DAANG LIBONG PISO (P100,000),
salaping Pilipino na ang pagbabayad at mga kasunduan ay katulad ng
sumusunod:
a.) Na sa sandaling lagdaan ang Kasunduang ito, ang halagang LIMANPUNG
LIBONG PISO (P 50,000.00) sa salaping Pilipino bilang paunang bayad
ay umiiral sa sandaling matanggap nila ang nasabing halaga at ito ay
ibabawas sakabuuang bayad ng nasabing lupa;
b.) Na ang natitirang balanse na halagang LIMANPUNG LIBONG PISO (P
50,000.00) sa salaping Pilipino ay babayaran sa ika 15 ng HUNYO sa
kasalukuyang taon.
c.) Na ang kuryente ay babayaran sa halagang P18 kada kilowatt-hour at
tubig ay babayaran sa halagang itinalaga ng leader sa tubig kada buwan.
d.) Na sandaling mabayaran ang kabuuang halaga ng bahay at lupa ang UNANG
PANIG ay tumitiyak sa IKALAWANG PANIG na ito ang may maylubos na
karapatan at pagkamay-ari sa nasabing bahay at lupa.

At sa katunayan ng lahat ng ito, ang mag-kabilang panig ay nagkasundo at lumagda


ngayong ika- 17 ng MARSO, 2015, dito sa OLD CAPITOL SITE, QUEZON CITY sa
tulong ng Poong Maykapal.
NILAGDAAN:

_____________________
____________________

UNANG PANIG

IKALAWANG

PANIG
MGA SAKSI SA KASUNDUAN:

You might also like