You are on page 1of 274

Batha Training and Education Center

ARALING PANG-ISLAM
IKALAWANG ANTAS 2
WIKANG FILIPINO

PAUNANG SALITA
Sa panimula ay ang pangalan ng Allah, ang Pinakamapagpala ang
Pinakamahabagin. Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay para sa Allah lamang
na Siyang nagkaloob sa atin nang ganap na biyaya, nagkaloob nang buong
pananampalataya na siyang pinili Niya para sa atin.
Ang pagpapala at kapayapaan ay maitampok nawa sa Kanyang huling Sugo na si
Muhammad( saw sallalahu alayhi wassalam na ang ibig sabihin ay ilayo
nawa siya ng Allah mula sa mga paninira at kawalan ng katotohanan) sa kanyang
pamilya, mga kasamahan, at sa lahat ng mga sumusunod hanggang sa huling araw.
Inihanda ng BTEC (Batha Training and Education Center / Sentrong Pagsasanay at
Pag-aaral Al-Batha) sa ilalim ng pamamahala ng COCG Al-Batha (The
Cooperative Ofce for Call and Guidance / Tanggapang Nakikipagtulungan para sa
Panawagan at Gabay) ang aklat na ito para sa Ikalawang Antas (Level 2) sa
Panimulang Pag-aaral ng Araling Pang-Islam Filipino, na naglalayong
makapagbigay pakinabang sa mga naghahangad na matututo sa
pananampalatayang Islam.
Binubuo ng anim na yunit ang aklat na ito: (1) Tawhid [Kaisahan ng Allah];
(2) Fiqh [Batas ng Islam]; (3) Hadith [mga salaysay na tinuran, ginawa at
pinahintulutan ng Propeta sa kanyang mga Kasamahan (Sahabah)]; (4) Seerah
[ang talambuhay ng Propeta( ;]5) Quran [pagsasaulo ng mga maiikling
kabanata]; (6) Arabic [pag-unawa at pagsaulo sa Alfabetong Arabik]. Ang bawat
yunit ay binubuo ng labindalawang aralin na ang bawat aralin ay tatalakayin
naman sa loob ng isang oras, maliban sa yunit 5 at 6 na anim na aralin lamang
subalit dalawang oras na pagsasanay ang kinakailangan.
Kinalap at isinaayos ang mga aralin mula sa mga sumusunod na sanggunian:
Noble Quran Arb/Eng Dr. Muhsin Khan & Dr. Taqi-ud-Din Al- Hilali; The
Book of Tawheed (Oneness of Allah) Shk. Saleh al-Fozan; Abridged Biography
of Prophet Muhammad Imam Muhammad Ibn Abdul Wahhab At-Tamimi;
Islamic Studies Book 1 to 4 Abu Ameenah Bilal Philips; Help Yourself in
Reading Quran (Arabic English) Qari Abdussalam; The Principles of Islam
Sh. Hamoud M. Al-Lahim, Mahmoud Ridha Murad (Translator)
Sinikap na isalin sa wikang Filipino sa isang payak at malinaw na pama- maraan
upang magkaroon ng isang masiglang talakayan sa pagitan ng mga mag-aaral at
mga tagapagsanay sa pag-unawa ng mga aralin. Ang aklat na ito ay patnubay
lamang para sa mas malawak na talakayan na maaaring ibigay ng tagapagsanay.

Malugod na pinasasalamatan ang mga masugid at matatapat na tagapagsanay sa


aming Sentro na sina Muhammad Dela Pena, Raed Capule, Omar Taron, Amrollah
Diambangan, Rashid Angeles, Omar Tomarocon, Abdurahman Sobrado at Yusuf
Butucan. Maraming salamat din kay Abdulaziz bin Abdullah Gonzales sa kanyang
suporta na maisaayos ang aklat na ito lalo na sa mga disenyo, pabalat, at ilang
pagsulat sa wikang Arabik.
Para sa lahat ng mga naunang mag-aaral ng BTEC at sa mga nagpapalaganap ng
Islam sa COCG Al-Batha, sa aming Tagapamahala na si Shk. Nuh Bin Nasser
Al-Qurain.
Hinihiling namin sa Allah ang pakinabang na makukuha natin dito at nawa ay ilayo
Niya tayo sa anumang bagay na maaaring magligaw sa atin sa tuwid na landas
Amin!

Ahmad Felix Fernandez


Mohammad Dela Pena
Ang Pamunuan
BTEC Batha Training and Education Center
The Cooperative Ofce for Call and Guidance Al-Batha
April 12, 2015

TAWHEED
TAWHEED

ANG A
LAWANG NTA
AN S
KALAW
T

I I

KA

AS

NILALAMAN
Pahina
Aralin 1
Ang Tatlong Uri ng Pagsamba

Mga Pangkaraniwang Anyo ng mga diyus-diyusan na likha ng tao

Aralin 2
Ang Pagkalihis sa buhay ng tao

Aralin 3
Ang mga Uri ng Shirk

14

Shirk sa Tawhid ar-Rububiyyah

15

Aralin 4
Shirk sa Tawhid al-Asma was-Sifat

18

Shirk sa Tawhid al-Ibadah

20

Ash-Shirk al-Akbar

20

Aralin 5
Apat na Uri nang Malaking Shirk

23

Taghut

23

Aralin 6
Ash-Shirk al-Asghar

26

Ang Pinagkaiba sa pagitan nang Malaki at Maliit na Shirk

29

Aralin 7
Ang Tao at ang kanyang mga Pangangailangan

30

Aralin 8
Ang Paglitaw ng Shirk

33

Ang Kaugalian at ang Shirk

34

Aralin 9
Hulool: Ang Pagsasatao ng Diyos (God Incarnate)

36

Aralin 10
Ang kamatayan ng Diyos?

38

Wahdatul Wujud: Ang tao at Diyos ay iisa?

38

Bakit Hindi Itigil ng Allah ang Shirk?

39

Aralin 11
Ang KUFR (Di-Paniniwala)

42

Aralin 12
Ang NIFAQ (Pagkukunwari)

47

ARALIN 1

ANG TATLONG URI NG PAGSAMBA


Ang bawat relihiyon ay mayroong mga kagawian o pamamaraan na
tinatawag na pagsamba. Ang pagsamba ay maaaring sa pasalita, pisikal o
pananalapi.
Ang pasalita na pagsamba ay ang manalangin sa isang tao (o bagay) na
kinikilala niyang diyos, ang manawagan sa kanya (o dito) sa oras nang
pangangailangan, ang pagsambit ng kanyang pangalan sa pamimitagan, ang
makiusap sa kanya (o dito) bilang tagapuno nang kanyang pangangailangan
at tagatulong sa mga nangangailangan, ang mangako sa pangalan niya (o
nito) na kinikilala niyang diyos, at ang maniwala na siya (o ito) ay mayroong
kapangyarihang magpatawad.
Ang pisikal na pagsamba ay kagaya ng pagpapatirapa o pagyuko, ang
pagtuon ng buhay sa pagsunod sa mga kautusan o katuruan nang kinikilalang
diyos upang makamit ang kanyang kaluguran at biyaya, ang pagguhit o
pag-ukit ng pangalan o simbolo nang kinikilalang diyos sa katawan o mga
pag-aari upang makakuha ng biyaya mula rito.
Ang pananalapi na pagsamba ay ang pagbibigay ng kawanggawa sa
pangalan ng kinikilalang diyos, ang pag-aani ng pananim o pag-aalaga ng
mga hayop na inaalay para sa kanya (o dito), ang paglalakbay sa lugar
na kaugnay sa kinikilalang diyos upang sumamba at magalak kayat
pinapalamutian ang lugar, pag-aalay ng mga sakripisyo at regalo, at ang
pagtuturing sa tubig ng lugar nito bilang sagrado at ang kapaligiran bilang
isang banal.
Ang Allah lamang ang may karapatan na sambahin at pagpitaganan.
Ang ilan sa mga nabanggit na pamamaraan ay itinuturing din bilang mga
lehitimong uri nang pagsamba sa Islam subalit pinananatili na tanging
ang Allah lamang ang layon nang pagsambang ito. Maliban sa Islam, ang
lahat ng mga relihiyon ay nagbigay daan sa pagsamba sa mga nilikha.
Ang kasaysayan ay nagpapakita na ang pagsamba sa mga anyo ng diyusdiyusan na likha ng tao ay hindi lamang nakatuon sa mga estatwa at
larawan ng mga ninuno, sa halip ito ay mayroong napakaraming ibat ibang
mga anyo.
5

MGA PANGKARANIWANG ANYO NG MGA


DIYUS-DIYUSAN NA LIKHA NG TAO
Sa kanyang kamangmangan, ang tao ay nagbigay sa maraming mga
bagay nang katayuan bilang mga diyos, ang ilan sa mga kilalang ito ay ang
sumusunod:
1. Kalikasan. Sinamba ng tao ang magagandang mga bato, mga
pinakikinabangan o mababangis na hayop, mga pulidong puno,
matatayog na mga bundok, mga batis, mga bulkan, kahit na ang
mga nakasisindak na mga karamdaman, ang araw, ang mga bituin at
ibang mga planeta.
2. Ang mga Mahal na Propeta. Ang mga di-naniniwalang mga Arabo
ay sumasamba kina Propeta Ibrahim at Ismail, ang mga Hudyo ay
sumasamba kay Propeta Yaqub at Uzair, at ang mga Kristiyano
naman ay sumasamba kay Propeta Hesus.
3. Ang iba ay sumamba sa mga jinn at demonyo sa kanilang
kamangmangan.






Katunayan ay sinamba nila ang mga jinn at marami sa kanila ay
nagkaroon ng pananampalataya sa mga ito.Surah Saba 34:41
4. Mga Hari at Sultan. Sa India, Tsina at Hapon, ang mga emperador
at pinuno ay sinamba sa maraming mga siglo. Ang mga Hindu ay
naniniwala na ang katawan ng hari ay nilikha mula sa mga luwad ng
kalangitan kayat ang pagsamba rito ay nagdudulot nang banal na
kaligayahan.
5. Mga Anghel. Ang mga di-mananampalatayang mga Arabo ay
nagturing sa mga anghel bilang mga anak na babae ng Diyos kayat
ginawa ang mga ito na layon nang kanilang pagsamba.

Sa araw na yaon ay titipunin Niya silang lahat at tatanungin ang mga


anghel: Sila ba ang mga taong sumasamba sa inyo? Surah Saba 34:40
6

6. Mga Matatapat na Ninuno. Ang Propeta ay nagsabi:


Ang mga tao na ito ay katulad nang kung mayroong matapat na tao
sa kanila ang namatay ay nagpapatayo sila ng mga masjid sa kanyang
libingan at lalagyan ito ng kanyang rebulto. Ang mga taong ito ang
pinakahamak sa Araw ng Paghuhukom. Bukhari, Muslim, Nasai at Ahmad
At ang malinaw na kahahantungan nito ay ang pagsamba sa mga rebulto
na kanilang inilagay sa halip na ang mga taong kumakatawan dito.


At nang sabihin ni Ibrahim sa kanyang amang si Azar ginagawa
mo bang mga diyos ang mga estatwa? Katotohanan ay nakikita ko na
kayo at ang inyong tribu ay nasa isang malinaw na kamangmangan.
Surah al-Anam 6:74

Ang pagsamba sa mga libingan nang mga kinikilalang nakatatanda


ay pangkaraniwan pa rin sa ngayon, kahit na sa mga Muslim, sa
kabila nang mga kaparusahan na nakakabit dito. Ang Propeta
ay nagsabi:
Sinumpa ng Allah ang mga Hudyo at Kristiyano dahil ginawa nilang
masjid ang libingan ng kanilang mga Propeta.
Bukhari, Muslim at Ahmad

Ang pagbibigay parangal sa mga labi ng mga ninuno at ang pag-aalay sa


kanila ay laganap sa mga Hindus, Buddhist at Kristiyano.


Pinagbabawal sa inyong kainin ang al-Maitah (patay na mga
hayop, mga hindi kinatay), dugo, karne ng baboy, at kung saan ang
pangalan ng Allah ay hindi binanggit sa pagkatay (ang mga kinatay
bilang alay sa iba maliban sa Allah, o mga kinatay para sa mga
rebulto) o kaya ay ang mga namatay sa pagkakabigti, o sa malupit
7

na pagpalo, o sa paghagis pababa na una ang ulo, o sa pagtusok


ng sungay, o ang mga bahagyang kinain nang mababangis na
hayop (maliban kung ito ay nakatay bago mamatay), ang mga kinatay
(inalay) sa an-Nusub (dambanang bato). Surah al-Maidah 5:3
Ang lahat nang mga nabanggit ay nagpapakita na ang Shirk ay hindi lamang
nakatuon sa pagsamba sa mga rebulto at diyus-diyusan. Napakaraming
anyo ng mga ito at iba-iba ang mga uri subalit lahat ng mga ito ay parepareho lamang na mga Haraam.
Talakayin:
1. Mga uri ng pagsamba at ang kahalintulad nito sa pagsamba sa Islam.
2. Mga anyo na sinasamba ng tao at ang pinagkaiba ng tunay na Diyos
sa mga ito.
3. Ang dahilan kung bakit ang mga tao ay sumasamba sa kanilang mga
ninuno.

ARALIN 2

ANG PAGKALIHIS SA BUHAY NG TAO


Nilikha ng Allah ang lahat upang sumamba lamang sa Kanya, at
pinagkalooban sila ng kanilang mga pangangailangan upang magawa nila
ito. Winika ng Allah:

At hindi Ko nilikha ang jinn at ang sangkatauhan maliban lamang


sa pagsamba sa Akin. Hindi Ko kailangan sa kanila ang anumang
panustos, o di kaya ay ninais Ko sa kanila na bigyan Ako. Katiyakan,
ang Allah ang Siyang patuloy na Nagbibigay, ang matibay na
nagtataglay ng Kapangyarihan. Surah al-Dhaariyaat 51:56-58
Likas sa tao na kilalanin ang kabanalan ng Allah, mahalin Siya, sambahin
Siya, at huwag magtambal sa Kanya. Subalit ang mga demonyong tao at
jinn na bumubuyo sa isat isa ay bumuo ng mga salita upang makapanloko,
linlangin ang kanyang likas na kabaitan, at iligaw siya.
Ang Tawhid (Kaisahan ng Allah) ay matibay na nakatanim sa likas na
kaisipan ng tao; samantala ang politismo (pagtatambal sa Allah) ay disinasadya at bigla-bigla lamang pumasok sa isipan ng tao. Winika ng Allah:







At manatiling maging matatag sa Deen (panuntunan ng buhay
pananampalataya) na Hanifan (ang likas na pagkiling sa tunay na
Deen ng Islam mula sa anumang maling pananampalataya), ang
pananampalataya na siyang nilikha ng Allah para sa sangkatauhan.
Walang pagbabago sa Deen ng Allah. Surah al-Rum 30:30

At sinabi ng Propeta :
Ang bawat sanggol na isinilang ay mayroong likas na pananaw
(ang pagkilala sa Allah kung papaano siya nilikha), subalit ang
kanyang mga magulang ang gumawa sa kanya na maging Hudyo,
Kristiyano o kaya ay Madyano. Bukhari at Muslim
Samakatuwid, ang Tawhid o ang paniniwala sa Kaisahan ng Allah ay ang
likas na paniniwala ng tao. Ang Islam ay ang pananampalataya na pinanatili
ni Propeta Adam, na inilayo ng Allah mula sa kasamaan, at yaong mga
nagsidating pagkatapos niya sa loob nang maraming mga siglo. Winika ng
Allah:


Ang sangkatauhan ay dating isa lamang pamayanan, at ang Allah ay
nagpadala ng mga Propeta bilang tagapaghatid ng mabuting balita at
bilang isang tagapagbabala. Surah al-Baqarah 2:213
Ang politismo at ang pagkalihis sa paniniwala ay unang lumitaw noong
kapanahunan ni Noah na siyang unang Mensahero na isinugo ng Allah at
ito ay pinatutunayan ng Kanyang salita:



Inihayag Namin sa iyo katulad nang pagkakahayag Namin kay Noah
at sa mga Propetang sumunod matapos siya. Surah al-Nisa 4:163
Si Ibn Abbas ay nagsabi: Mayroong nakalipas na panahon na
umabot sa sampung siglo sa pagitan ni Adam at Nuh, at sa panahong
ito ang mga tao ay mga Muslim.
Sa kanyang puna sa sinabi ni Ibn Abbas, si Ibn al-Qayyim ay nagsabi: Ang
salitang ito ay tiyak na totoo dahil si Ubay Bin Kab ay palaging binibigkas
ang Ayah:

10

At sila ay naiba (naligaw mula sa tamang gabay) kayat ang Allah


ay nagpadala ng mga Propeta. Surah al-Baqarah 2:213
Si Ibn Qayyim, kahabagan nawa siya ng Allah, ay nagpakahulagan na ang
paglihis ng tao mula sa makatotohanang Deen, kung saan ang tao ay likas
na naniniwala, ay ang dahilan sa pagpapadala ng mga Propeta. Katulad
ng mga Arabo na nooy sumusunod sa Deen ni Ibrahim, na siyang inilayo
ng Allah mula sa masama, hanggang si Amr b. Luhai al-Khuzai ay nagdala
ng mga diyus-diyusan sa palibot nang Arabya at lalo na sa Hijaz. Hindi
nagtagal at ang mga diyus-diyusan ay sinamba sa halip na ang Allah, at
ang Shirk ay namayani sa sagradong lugar at sa mga karatig-pook nito.
Nagpatuloy ang pagsamba sa mga diyus-diyusan hanggang sa
ipadala ng Allah si Propeta Muhammadr, ang panghuli sa Kanyang
mga Propeta. Hinikayat niya ang mga tao na panghawakan
ang Aqidah (pananampalataya) ng Tawhid, at sundan ang
Deen ni Ibrahim. Siya ay nakipaglaban sa landas ng Allah sa
pinakamahusay na pamamaraan hanggang sa siya ay mamayani,
winasak ang mga diyus-diyusan at winakasan ang paniniwalang
pagano. Kinumpleto ng Allah ang Deen sa pamamagitan niya, at
ginawang ganap ng Allah ang Kanyang tulong para sa mga tao at
jinn.
Ang pinakamahusay na henerasyon ng Pamayanang ito ay
pinanghawakan ang Sunnah ng Propetar noong mga naunang
panahon ng Islam. Di nagtagal ang kamangmangan ay namayani
noong mga huling siglo na kung saan ay naglitawan ang mga
bagong paniniwala at pananampalataya. Ang Shirk ay sumulpot
muli at isinagawa ng maraming mga Muslim dahil sa pagpupunyagi
ng mga nagtataguyod ng pagkalihis. Ang mga puntod ay itinatayo
sa mga libingan ng mga kinikilalang mga tao para sa pagdalaw,
at ginagawa nilang mga diyus-diyusan na kanilang sinasamba (na
hindi kasama ang Allah). Ang mga ritwal nang katapatan katulad
ng panalangin, paghingi ng tulong, at ang pagbibigay ng alay sa
kanila. Sila ay nagbibigay ng katuwiran sa Shirk sa pamamagitan
nang pagbibigay paliwanag tungkol dito, manawagan sa mga
matatapat na tao upang sabihin na minamahal lamang sila at
hindi sila sinamba. Nakalimutan nila na ganito ang katuwiran ng
mga naunang pagano na nagsasabi:

11



Sinasamba lamang namin sila upang nang sa gayon ay ilapit nila
ang aming katayuan sa Allah. Surah al-Zumar 39:3
Sa kabila nang paglitaw ng Shirk sa mga nakalipas at pangkasalukuyang
mga tao ay marami pa rin sa kanila ang naniwala sa Tawhid ar-Rububiyyah.
Sila ay nagkasala ng Shirk sa pamamagitan nang pagsamba ayon sa winika
ng Allah:


At karamihan sa kanila ay hindi naniwala sa Allah malibang sila ay
nagbigay katambal sa Kanya. Surah Yusuf 12:106
Iilan lamang ang nagtanggi sa pagkakaroon ng Panginoon katulad ni Firawn
na isang taong walang Diyos. Ang kanilang pagtanggi ay dahil lamang sa
kanilang pagmamatigas sapagkat sa kanilang kalooban ay napipilitan
silang maniwala sa pagkakaroon ng Allah. Winika ng Allah:


At kanilang itinanggi ang mga ito (Ayat) nang may kamalian at
pagmamalaki, gayung ang kanilang kalooban ay umaayon sa mga
ito. Kayat tingnan kung ano ang naging wakas ng mga taong Mufsid
(di-naniniwala, sumusuway sa Allah, mapaggawa ng kasalanan, at
iba pa.) Surah al-Naml 27:14
Ang kanilang talino ay kumikilala na ang bawat nilikha ay nararapat na
may tagapaglikha at ang pagkakaroon nang bawat bagay ay nararapat na
may pinagmulan. At ang tama at wastong pagkakaayos ng mundong ito ay
nararapat na may Isa na Siyang namamahala nito. Sinumang magtanggi
ng katotohanang ito ay mangmang o nagmamatigas at hindi ginagamit
ang kanyang talino at kinukutya ang kanyang sarili. Ang mga taong ito ay
walang mga halaga.

12

Talakayin:
1. Ang pagbubuyo na siyang naglilihis sa tao.
2. Likas na pananaw ng tao.
3. Ang katuwirang ibinibigay nang mga gumagawa ng Shirk sa
pagsamba nila sa mga matatapat na ninuno.

13

ARALIN 3

ANG MGA URI NG SHIRK


Ang Tawhid ay hindi lubusang mauunawaan maliban lamang kapag ang
kabaligtaran nito, Shirk, ay masusi ring pinag-aralan. Ang kasalanang Shirk
ay nagpapawalang-saysay sa pinakalayunin nang pagkakalikha sa tao, at
para sa Allah ay ang pinakamalaking kasalanan:



Katiyakan na hindi patatawarin ng Allah ang pagbibigay
ng mga katambal [Shirk] sa Kanya, subalit pinatatawad
Niya [ang mga kasalanan] ang sinuman na Kanyang
naisin Quran an-Nisa 4:48
Ang literal na kahulugan ng Shirk ay tambalan, bahaginan o
samahan, subalit sa pananaw ng Islam ito ay tumutukoy sa
pagbibigay ng mga katambal sa Allah sa anumang maaaring
anyo. Upang ang Tawhid ay maging tama at dalisay para sa isang
tao, ang lahat ng anyo ng Shirk ay kinakailangang mabura mula
sa kanyang mga paniniwala at gawa. Ito ang dahilan kung bakit
ang pagsaksi ng pananampalataya ay binubuo nang dalawang
bahagi: Ang una ay nagtatakwil ng mga diyus-diyusan at Shirk,
at ang pangalawa ay pinatutunayan ang pagiging bukod-tangi ng
Allah. Ang La ilaha ay nagtatakwil na ang sinuman o anuman ay
hindi karapat-dapat sambahin, at ang illallah ay nagtatakda ng
pagsamba para lamang sa Allah. Ang dalawang ito ay bumubuo
nang isang ganap na paglalahad nang paniniwala sa Tawhid.
Ang mga sumusunod na pagsusuri ng Shirk ay naaayon sa tatlong
mga uri na pinalawak sa pag-aaral ng Tawhd sa Level One.
Uunawain muna natin sa mga pangunahing pamamaraan kung
saan ang Shirk ay maaaring maganap sa bahagi ng Rububiyyah
(Pagka-Panginoon), tapos ay ang Asma was-Sifat (Banal na mga
Pangalan at Katangian), at pang-huli ay sa Ibadah (Pagsamba).

14

SHIRK SA TAWHID AR-RUBUBIYYAH


Nabibilang sa uri ng Shirk na ito ang parehong paniniwala na may iba
pang kabahagi ang Allah sa pagpapatakbo at pamamahala ng mga nilikha,
gayundin ang paniniwala na walang sinumang Panginoon ang mga nilikha.
Sa ganito nahahati sa dalawang pangunahing mga bahagi ang uri ng Shirk
na ito:
A.

Shirk sa pamamagitan nang pagbibigay katambal

Ito ang uri ng Shirk kung saan ang karamihan ay naniniwala sa lahat ng
mga katangian at kapangyarihan ng Diyos, subalit naniniwala sila na ang
Diyos ay may mga bahagi. Ang Diyos ay kinikilala bilang tagapaglikha at
tagapanustos ng daigdig at ang Kanyang mga kapangyarihan at kaalaman
ay pinapaniwalaang walang-hangganan, subalit Siya, sa sarili Niya, ay
itinuturing na nahahati.
Halimbawa, kahit na ang mga Kristiyano ay magsabi na sila ay naniniwala
sa Isang Diyos, sila ay nagsasabi din na Siya ay Trinity. Sinasabi nila
na Siya ay binubuo nang tatlong bahagi, lahat magkakahiwalay, subalit
nararapat na magkakapantay: Diyos na ama, Diyos na anak at Diyos na
Espiritu Santo.
Ang mga Hindu ay naniniwala rin sa isang diyos na tinatawag na
Brahma, subalit sila rin ay naniniwala na Siya ay may tatlong
uri: Brahma ang diyos na tagapaglikha, Vishnu ang diyos na
tagapanatili, at Shiva ang diyos na tagawasak.
Sang-ayon sa Tawhid, ang Diyos ay isa sa lahat ng mga pagkakataon.
Siya ang natatanging Isa at hindi maaaring mahati katulad nang
alinman sa Kanyang mga nilikha. Siya ang Nag-iisang ganap at
walang anuman na makatutulad sa Kanya.
Isa pang halimbawa nang ganitong uri ng Shirk na nagaganap sa
panahon ngayon ay yaong mga nananalangin sa patay. Naniniwala
sila na ang mga kaluluwa ng mga namatay na matutuwid na tao
ay maaaring magpatuloy sa pagpapatakbo ng mga pangyayari rito
sa mundo, kahit na matapos ang kanilang mga kamatayan. Ang
kanilang mga kaluluwa ay pinaniniwalaang makatutugon sa mga
pangangailangan ng tao, makapagtatanggal ng mga kalamidad at
15

makatutulong sa sinumang manawagan sa kanila. Samakatuwid,


ang mga sumasamba sa libingan ay nagbibigay sa mga kaluluwa
ng tao nang banal na kakayahan upang makasanhi o makapagbago
ng mga pangyayari sa buhay na ito, na sa katotohanan ay tanging
ang Allah lamang ang makagagawa. Ang kanilang paniniwala na
ito ay nangangahulugan lamang na may mga ibang kabahagi ang
Allah sa pamamalakad ng mga nilikha. Ang tamang paniniwala sa
Islam ay walang kakayahan ang isang namatay upang pakialaman
ang mga nabubuhay. Si Propeta Muhammad ay naiulat na
nagsabi:
Kapag ang isang tao ay namatay, ang kanyang mga gawa ay nagwakas
na, maliban lamang sa tatlong pagkakataon: ang patuloy na pagbibigay
ng tulong, ang kaalaman na pinakikinabangan, o ang matuwid na anak na
nananalangin para sa kanya.
B.

Shirk sa pamamagitan nang pagtatwa

Sa uri ng Shirk na ito, ang pagkakaroon ng Diyos ay tuluyang


itinatwa. Isang halimbawa mula sa sinaunang pangyayari ay tungkol
kay Firawn noong kapanahunan ni Propeta Moises. Binanggit ng
Allah mula sa Quran na kanyang itinatwa ang pagkakaroon ng
Diyos sa halip ay inangkin niya kay Moises at sa mga taga-Ehipto
na siya, si Firawn, ay ang tanging tunay na panginoon nang lahat
ng nilikha. Winika ng Diyos na sinabi niya kay Moises;


Kanyang sinabi: Kung magkakaroon ka diyos maliban sa
akin, tiyak na isasama kita sa mga nakakulong. Surah ashShura 26:29

- at sa mga tao ay kanyang inihayag;



Ako ang inyong Panginoon, ang Pinaka-Mataas.
Surah an-Naziat 79:24.
16

Isa pang halimbawa ng uri ng Shirk na ito ay ang paniniwala


sa ilang mga pilosopo na ang mundo ay walang hanggan,
walang panimula at katapusan. Pilit nilang tinatakasan ang mga
katanungan na nakapalibot sa panimula nang pagkakalikha sa
tao at kagaya ng kalawakan sa pagsasabi na ito ay wala noon.
Upang pangatawanan ang kanilang sinasabi, sila ay bumuo nang
kanilang mga palagay na nagbigay sa mga katangian ng Allah
bilang isang nilalalang na walang panimula at katapusan sa mga
bagay na Kanyang nilikha. Ang kasalukuyang nagtataglay nang
ganitong paniniwala ay ang mga komunista, gayundin ang ilan sa
mga dalubhasa na nagsasabi na ang bagay ay walang pinagmulan
at ang lahat ay bunga lamang ng bagay, kasama na ang isipan ng
tao at ang buhay na ito mismo.
Talakayin:
1. Ang pinawawalang-saysay ng Shirk.
2. Shirk sa pamamagitan nang pagbibigay katambal
3. Shirk sa pamamagitan nang pagtatwa.

17

ARALIN 4

SHIRK SA TAWHID AL-ASMA WAS-SIFAT


Nabibilang sa uri ng Shirk na ito ang parehong paniniwala na ang Diyos
ay katulad ng tao at ang paniniwala na ang tao ay katulad ng Diyos. Ang
anyong ito ay maaari ring hatiin sa dalawang uri na tungkol sa Diyos sa
bahagi ng mga pangalan at katangian.
A.

Shirk sa pamamagitan nang pagbibigay nang uri ng tao

Sa uri ng Shirk na ito, ang Diyos ay binibigyan nang anyo at mga katangian
ng tao. Ang mga ipininta at nililok ay gawa sa Kanya kung saan Siya ay
binibigyang hugis ng isang tao. Ang mga Hindu at Buddhist ay sumasamba
sa mga rebulto na kahalintulad ng tao at tinatawag nilang Diyos. Katulad
din nito ay maraming mga simbahan ng Kristiyano ang nagtataglay
ng mga larawan at rebulto ng tao, Hesukristo, na kanilang sinasabi na
kumakatawan sa Diyos. Dahil naniniwala sila na ang Diyos ay kamukha
ng tao, binibigyan din nila ang Diyos nang mga kahinaan katulad ng tao.
Sa Bibliya matutunghayan na ang Diyos ay nagpahinga matapos ang anim
na araw na paglikha Niya sa mundo. At sa ibang bahagi pa, ang Diyos ay
nagsisisi sa Kanyang masamang kaisipan katulad nang ginagawa ng mga
tao kapag kanilang napag-isip ang kanilang mga kamalian. Gayunpaman,
sa banal na Quran, itinuturo ng Allah na Siya ay hindi katulad ng anuman:

Wala Siyang katulad, gayung Kanyang naririnig at nakikita ang


lahat ng bagay. Surah ash-Shura 42:11
A.

Shirk sa pamamagitan nang pagbibigay papuri sa nilikha

Ang uri ng Shirk na ito ay nangyayari kapag ang mga nilikhang tao o bagay
ay binibigyan ng mga pangalan at katangian ng Allah. Nakagawian nang
mga sinaunang mga Arabo ang pagsamba sa mga diyus-diyusan na ang
mga pangalan ay hinango mula sa mga pangalan ng Allah. Ang tatlo sa
mga pangunahing diyus-diyusan ay si al-Lat, hinango mula sa pangalan
18

ng Allah na al-Ilah; al-Uzza na hinango mula sa al-Aziz; at al-Manat na


hinango naman mula sa al-Mannan. Mayroon din sa lugar nang Arabia
ang tinaguriang Yamamah na isang bulaang Propeta na nagpangalan ng
Rahman, na natatangi lamang para sa Allah.
Ang Theory of Relativity [E=mc2, energy is equal to mass times the
square of the speed of light] ng scientist na si Einstein, na itinuturo sa lahat
ng mga paaralan ay katunayang naglalahad ng Shirk sa al-Asma was-Sifat.
Ang theory ay nagbibigay paliwanag na ang energy ay hindi maaaring
likhain o wasakin, ito lamang daw ay nagbabago na maging matter at
gayundin sa kabaligtaran. Gayunman, parehong ang matter at energy ay
mga nilikhang bagay at pareho rin na maaaring wasakin, kagaya nang
malinaw na paglalahad ng Allah:





Ang Allah ang Tagapaglikha nang lahat ng bagay
Surah az-Zumar 39:62


Lahat ng bagay dito sa mundo ay maglalaho
Surah ar-Rahman 55:26

Ang theory ay nagpapahiwatig din na ang mass at energy ay walanghanggan (eternal), na walang panimula at katapusan, dahil ang mga ito ay
ipinapalagay na mga hindi nalilikha at nagbabago lamang sa pamamagitan
nang pagpapalitan ng kanilang mga anyo. Gayunman, ang ganitong
katangian ay natatangi lamang para sa Allah, na Siyang tanging walang
panimula o katapusan.
Ang paniniwala ng mga Kristiyano na si Hesus ay Diyos ay maituturing din
na Shirk sa pamamagitan nang pagbibigay papuri sa nilikha. Si Hesus ay
isang tao at Propeta ng Allah. Ang kanyang kapanganakan na walang ama
ay isang himala, subalit gayundin ang pagkakalikha kay Eba na walang ina
at ang pagkakalikha kay Adan na walang ama at ina.

19

SHIRK SA TAWHID AL-IBADAH


Ang uri ng Shirk na ito ay tumutukoy sa gawa nang pagsamba sa iba
kasama ang Allah. Sa uri na ito, ang pagsamba na nararapat lamang sa
Allah ay ibinabahagi sa iba. Katulad nang ibang mga uri, nahahati rin ito sa
dalawang pangunahing mga bahagi:
A.

Ash-Shirk al-Akbar (Malaking uri ng Shirk)

Kung ang anumang anyo nang pagsamba ay isinagawa para sa iba maliban
sa Allah, ito ay uri na matatawag bilang ash-Shirk al-Akbar (Malaking
Shirk). Ito ay kumakatawan sa pinakahayag na uri nang pagsamba sa
diyus-diyusan kung saan ay siya ring kadahilanan nang pagpapadala ng
Allah sa mga Propeta upang manawagan sa sangkatauhan na iwasan ang
uri nito at itatag ang Tawhid al-Ibadah sa tamang pamamaraan. Winika ng
Allah sa Quran ang sumusunod:


Katiyakan ay nagpadala Kami sa bawat bansa ng isang Sugo na
nagsasabi, Sambahin ang Allah at iwasan ang Taghut (maling mga
diyus-diyusan). Surah An-Nahl 16:36
Katunayan, ang Taghut ay nangangahulugan nang anumang bagay
na sinamba kasama ang Allah o sa halip na ang Allah. Halimbawa,
pagmamahal, sa kasukdulan nito, ay anyo nang pagsamba na
nararapat lamang ituon para sa Allah. Sa Islam, ang pagmamahal
sa Allah ay inihahayag sa pamamagitan nang buong-pusong
pagsunod sa Kanya. Ang uri ng pagmamahal na maituturing na
pagsamba ay hindi uri ng pagmamahal na likas na nararamdaman
ng tao para sa mga nilikha, katulad ng mga magulang, mga anak,
pagkain, atbp. Ang pagtuon nang likas na uri ng pagmamahal
para sa Allah ay nagpapababa sa Kanya sa antas ng Kanyang
mga nilikha, na maituturing na isang Shirk sa al-Asma was-Sifat.
Ang pagmamahal na isang pagsamba ay ang ganap na pagsuko
nang sariling kagustuhan. Kaya winika ng Allah sa Propetar upang
ipabatid sa mga mananampalataya:

20



Sabihin: Kung minamahal ninyo ang Allah, sundin ninyo ako at
mamahalin kayo ng Allah at patatawarin Niya kayo sa inyong mga
kasalanan.Surah Al-Imran 3:31
Sinabi rin ng Propeta sa kanyang mga kasamahan,
Walang sinuman sa inyo ang tunay na mananampalataya hanggang
sa ako ay maging mas mahal sa kanya nang higit sa kanyang anak,
kanyang ama at sa buong sangkatauhan. Bukhari
Ang pagmamahal sa Propeta ay hindi nakabatay sa kanyang
katauhan sa halip ay mula sa banal na pinagmulan ng kanyang
mensahe. Sa ganitong paraan, katulad ng pagmamahal sa Allah,
ito rin ay inihahayag nang ganap na pagsunod sa kanyang mga
kautusan. Winika ng Allah sa Quran,



Sinuman ang sumusunod sa Sugo ay sumusunod sa Allah Surah
An-Nisa 4:80

At:




Sabihin: Sundin ang Allah at sundin ang Propeta
Surah Al-Imran 3:32

Kung pahintulutan nang isang tao ang anuman o sinuman na


mamagitan sa pagitan niya at ng Allah, samakatuwid siya ay
sumamba sa bagay na ito. Sa ganitong paraan, ang pera ay
maaaring maging diyos ng isang tao, o kaya naman ang pagnanasa
nang isang tao ay maaari niyang maging diyos. Sinabi ng Propeta,
Ang sumasamba sa salapi ay palaging kaawa-awa. Bukhari

21

Winika ng Allah sa Quran,




Nakita nyo ba ang isang tao na ginagawang diyos ang sarili niyang
pagnanasa? At kung magkagayon ay mapananagutan mo ba siya?
Surah Al-Furqan 25:43

Ang dahilan kung bakit maraming pagpapaalala sa Shirk sa pamamagitan


ng Ibadah ay dahil ito ay sumasalungat sa pinakalayunin ng pagkakalikha
na inihayag sa pangungusap ng Allah:

At hindi ko nilikha ang mga Jinn at sangkatauhan maliban sa


pagsamba sa Akin. Surah Adh-Dhaariyat 51:56
Ang anyo ng Shirk na ito ay kumakatawan sa pinakamalaking gawa nang
paghihimagsik laban sa Panginoon ng daigdig at ang pinakamalinaw na
kasalanan. Ito ang kasalanan na sadyang napakalaki na siyang magiging
sanhi nang kawalang-kabuluhan ng mga mabubuting gawa ng isang tao at
magbibigay katiyakan sa kanya ng lugar sa Impiyerno.
Talakayin:
1.
2.
3.
4.

22

Shirk sa pamamagitan nang pagbibigay ng uri ng tao.


Shirk sa pamamagitan nang pagbibigay papuri sa nilikha.
Ang paniniwala na si Hesus ay Diyos ay isang Shirk.
Malaking uri ng Shirk.

ARALIN 5

APAT NA URI NG MALAKING SHIRK


1. Ang Shirk sa pamamagitan nang Pagsusumamo o Panawagan
(Panalangin sa iba maliban sa Allah).
2. Ang Shirk mula sa mga Layunin, Naisin at Hangarin.
3. Ang Shirk sa pamamagitan nang Pagsunod (Pagpapakita nang
handang pagsunod sa mga utos ng iba na nagiging sanhi nang
pagsuway sa Allah).
4. Ang Shirk sa pamamagitan ng Pagmamahal (Pagpapakita nang
pagmamahal sa iba na dapat ay para lamang sa Allah).

TAGHUT
Ang Taghut ay isang malawak na kataga na tumutukoy sa lahat ng bagay na
sinasamba maliban sa Allah. Tawaghit ang pangmaramihang katawagan
nito. Ang mga pangunahin o nangunguna sa mga Tawaghit ay ang limang
sumusunod:
1. Si Satanas ang isinumpa na nagbubuyo sa tao na sumamba
sa iba maliban sa Allah. Ang patunay ay ang pahayag ng Allah:

Hindi ba Aking ipinag-utos sa inyo, o mga anak ni Adan, na huwag


ninyong sambahin si Satanas. Katotohanan na siya ay isang hayag
na kaaway para sa inyo. Surah Yasin 36:60
2. Ang Sinumang Pinunong Mapaniil (Malupit) na binabago ang
mga Batas ng Allah (Kautusang Islamiko). Ang katibayan ay ang
pahayag ng Allah:

23

Hindi ba ninyo nakita yaong (mga mapagkunwari na) nagaangking sila ay naniniwala sa ipinahayag sa inyo at sa (mga
nauna) ipinahayag (bago dumating ang inyong panahon), at
nagnais dumulog sa Taghut para sa pasiya (hinggil sa kanilang mga
pinagtatalunan) samantalang sila ay inutusang tanggihan ang mga
ito. Subalit minimithi ni Satanas na iligaw sila ng landas.
Surah an-Nisa 4:60

3. Ang Sinumang Tagapamahala na sinusunod ang mga Batas


maliban sa Batas ng Allah. Ang patunay ay ang pahayag ng
Allah:



at sinumang hindi maghatol ayon sa ipinahayag ng Allah,
magkagayon sila ay mga Kafirun (sila ay itinituring bilang mga
taong may mababang uri ng di-paniniwala sa dahilang sila ay hindi
gumagawa ayon sa mga Batas ng Allah). Surah al-Maidah 5:44
4. Ang Sinuman na nag-aangkin na siya ay may Kaalaman tungkol
sa Ghaib1, na sa katotohanan, ay tanging ang Allah lamang ang
ganap na nakakaalam. Ang patunay ay ang pahayag ng Allah sa
Quran:


[Siya ang] ang nakababatid ng Al-Ghaib(di nakikita) at hindi Niya
ipinahahayag ang Kanyang kaalaman sa Al-Ghaib kahit na kanino,
maliban sa yaong mga mensahero na Kanyang pinagtibay, at sa
katotohan, Siya ay nagsugo ng mga tagamasid (mga anghel)sa bawat
mensahero upang magmasid sa kanyang harapan at sa kanyang likuran
(bilang tagapangalaga). Surah al-Jinn

24

1 Ang Ghaib ay isang salitang Arabik na tumutukoy sa lahat ng bagay na hindi nakikita. Halimbawa ng Ghaib
ay ang pagkakaroon ng paraiso at impiyerno. Bagamat walang sinumang nabubuhay na tao ang nakakita sa
paraiso at impiyerno, ito ay pinaniniwalaan ng sinumang mayroong paniniwala at pananalig sa Diyos.

5. Ang Taong sinasamba dahil sa kanyang kapahintulutan sa


halip na ang Allah. Ang patunay ay ang pahayag ng Allah:

At kung sinuman sa kanila ang magsabi: Katotohanan ako ay


isang diyos bukod sa Kanya (Allah), ang isang tulad niya ay Aming
papatawan nang Impiyerno. Sa gayon kung Kami ay magparusa nang
mga mapaggawa ng kasalanan.
Surah al-Anbiya 21:29

Nararapat malaman ng tao na hindi siya magiging tunay na mananampalataya


at tunay na naniniwala hanggat hindi niya itinatatwa at isinusumpa ang
Taghut. Ang katibayan mula sa pahayag ng Allah:

Sinuman ang hindi maniwala sa Taghut at (tapat na) maniwala


sa Allah ay tunay na tumangan sa pinakamatatag na hawakan na
kailanman ay hindi malalagot. Ang Allah ang Lubos na nakaririnig,
Lubos na Maalam. Surah al-Baqarah 2:256
Talakayin:
1. Mga uri ng malaking Shirk.
2. Ang mga Tawaghit.

25

ARALIN 6

ASH-SHIRK AL-ASGHAR (MALIIT NA URI NG SHIRK)


Ang maliit na uri ng Shirk ay hindi nagiging dahilan sa pagtalikod ng isang
tao sa Islam subalit ito ay nakasisira sa Tawhid at hindi malayong maging
daan sa paggawa ng malaking uri ng Shirk. Ito ay may dalawang uri:
1. Hayag na Shirk
Binubuo ng mga salita at gawa.
a. Para sa mga salita katulad ng panunumpa sa iba bukod sa
Allah, ang Sugo ng Allah ay nagsabi:
Siya na sumumpa sa iba bukod sa Allah ay nakagagawa ng Kufr o
Shirk. Tirmidhi
O ang pagsasalita katulad nang: Kung ano ang naisin ng Allah at
naisin mo. Ang pangungusap na ito ay sinabi ng isang lalaki sa
Propetar na itinanggi ang pangungusap na ito at nagsabi:
Ginagawa mo ba akong karibal sa Allah? Sabihin mo, Anuman ang
Naisin lamang ng Allah.
O kaya naman ay ang pangungusap na: Kung hindi dahil sa Allah at
sa kanya. Ang tamang pangungusap ay: Anuman ang naisin ng Allah
at pagkatapos ay ang kanyang naisin. At Kung hindi dahil sa Allah,
pagkatapos ay para sa kanya. Sapagkat ang katagang pagkatapos ay
nangangahulugan ng pagkakasunud-sunod at pagpapaliban, sa ganitong
paraan ay magbibigay kahulugan na ang kagustuhan ng alipin ay sumusunod
lamang sa kagustuhan ng Allah. Winika ng Allah:

At wala kayong magagawa maliban sa kung ano ang naisin ng


Allah, ang Panginoon ng Alamin (sangkatauhan, mga jinn at lahat ng
nilalang). Surah al-Takwir 81:29
26

At para naman sa at ito ay nangangahulugan nang lubos na


pagsasama at pagtatambal, ito ay hindi nangangailangan nang
pagsasaayos o pagkakasunud-sunod
b. At para naman sa mga gawa, katulad ng pagsusuot ng
singsing o sinulid upang magtaboy ng masama, o ang
pagsusuot ng mga agimat o anting-anting panlaban sa
kinatatakutang masamang pagbati, o kaya naman ang
taong nagsusuot nito ay naniniwalang ito ay magbibigay
lunas. Sa ganitong pagkakataon, ang pagsusuot ng mga
ito ay maituturing na maliit na Shirk dahil ang mga bagay
na ito ay hindi ginawa ng Allah bilang pamamaraan nang
pangangalaga. Subalit kung siya ay maniwala na ang
mga bagay na ito sa kanilang sarili ay makakapag-alis
ng masama, samakatuwid ang ganitong paniniwala ay
bumubuo nang malaking Shirk dahil siya ay umaasa sa iba
maliban sa Allah.
2. Nakatagong Shirk (ash-Shirk al-Khafi)
Ay tumutukoy sa mga layunin at hangarin katulad ng pagkilos nang
pakunwari at katanyagan, ito ay ang paggawa ng mga bagay na kalimitang
ginagawa bilang daan upang mapalapit sa Allah, subalit ginagawa lamang
upang mapuri siya ng mga tao; halimbawa, pagsasagawa ng Salah sa
mahusay na pamamaraan, o pagbibigay ng kawanggawa upang mapuri,
o pagpapalakas ng kanyang tinig sa pagsasagawa ng dhikr (pag-aalaala
sa Allah) o pagbigkas ng Quran upang marinig siya ng mga tao at purihin.
Si Mahmud Ibn Lubayd ay nag-ulat na ang Sugo ng Allah ay nagsabi,
Ang bagay na kinatatakutan ko nang higit sa inyo ay ang ashShirk al-Asghar (Mababang uri ng Shirk). Ang mga kasamahan ay
nagtanong, O Sugo ng Allah, ano ang mababang uri ng Shirk? Siya
ay sumagot, ar-Riya (pagpapakitang-tao), dahil sa katotohanan ang
Allah ay magsasabi sa Araw ng Pagkabuhay na muli habang ang mga
tao ay tumatamasa ng kanilang mga biyaya, Puntahan ninyo yaong
pinagpapakitaang-tao ninyo sa mundo at tingnan kung magkakamit
kayo ng biyaya mula sa kanila. Ahmad, Tabarani at al-Bayhaqi
Ang Riya ay ang pagsasagawa ng anumang uri ng pagsamba para lamang
27

makita at mapuri ng mga tao. Ang kasalanang ito ang sumisira sa lahat ng
mga pakinabang na nakasalalay sa mga mabubuting gawa at magdudulot
sa sinumang gumagawa nito nang isang mabigat na kaparusahan.
Bahagi na ng tao ang paghahangad na manguna at mapuri. Ang paggawa
ng mga kabutihan para lamang pahangain ang mga tao upang purihin
siya ay ang pinaka-nakatatakot na kasamaan. Ang panganib nito ay
napakahalaga sa mga Muslim sapagkat ang kanilang layunin ay ang gawin
ang lahat nang ginagawa nila sa buhay bilang mga gawa ng pagsamba.
Sa katotohanan, ang pagkiling ng mga mananampalataya na makagawa
ng ash-Shirk al-Akbar ay napakaliit sapagkat ang mga palatandaan nito ay
madaling makita. Subalit, para sa mga tunay na mananampalataya, ang
pagkakataon na makagawa ng Riya ay malaki dahil ito ay nakatago. Si Ibn
Abbas ay nagpahiwatig sa katotohanan nito nang kanyang sabihin,
Ang Shirk sa sambayanang Muslim ay higit na nakatago kaysa sa
isang itim na langgam na gumagapang sa ibabaw ng itim na bato sa
kadiliman ng gabi. Ibn Hatim
Nag-uugnay lang ito sa isang simpleng gawa nang pagpapalit ng layunin.
Gayundin, ang mga puwersang bumubuyo sa likod nito ay napakalakas
dahil ito ay nagmumula mismo sa kaibuturan ng isang nilalang.
Ibayong pag-iingat ang kailangang isaalang-alang upang makatiyak na
ang iyong layunin ay dalisay sa panimula at mananatiling dalisay kapag
ang mga mabubuting gawa ay naisagawa. Kaya nga ba ang pagbanggit
ng pangalan ng Allah ay iniaakibat bago ang lahat ng mahahalagang mga
gawa. Mayroon ding mga Dua (panalangin) na ipinapayo sa atin bago at
matapos ang lahat ng ating mga gawain katulad ng pagkain, pag-inom,
pagtulog, at kahit na ang pagpunta sa palikuran, upang ang lahat ng mga
pang-araw-araw na mga gawaing ito ay maging pagsamba at mahubog
sa mga Muslim ang kamalayan para sa Allah. Ang kamalayan na ito ay
tinatawag na Taqwa (kabanalan) na siyang nagti-tiyak na ang mga layunin
ay nananatiling dalisay.
Ang Propeta ay nagbigay din ng mga proteksiyon laban sa mga
di-maiwasang mga gawa ng Shirk sa pagtuturo nang ilang mga
panalangin na maaaring banggitin sa anumang sandali. Sinabi ni
Abu Musa,
Isang araw ang Sugo ng Allah ay nagbigay ng kanyang aral, O
28

mamamayan, matakot sa Shirk, dahil ito ay mas higit na nakatago


kaysa sa paggapang nang isang langgam. At sila ay nagtanong,
Papaano namin ito maiiwasan kung ito ay mas higit na nakatago
kaysa sa paggapang nang isang langgam, O Sugo ng Allah?
Siya ay sumagot: (Allahumma inna naudhu bika an nushrika bika
shayan nalamuh, wa nastaghfiruka lima la nalamuh). O Allah,
nagpapakukop kami sa Iyo mula sa mga alam naming Shirk na
magagawa namin sa Iyo, at hinihingi naming ang Iyong kapatawaran
tungkol sa mga bagay na hindi namin nalalaman. Ahmad at Tabarani

ANG PINAGKAIBA SA PAGITAN NANG MALAKING SHIRK


AT NANG MALIIT NA SHIRK
1. Ang malaking Shirk ay nagiging dahilan nang paglisan sa Islam
subalit ang maliit na Shirk ay hindi.
2. Ang gumagawa nang malaking Shirk ay parurusahan nang
habang buhay sa Apoy samantala ang gumagawa nang maliit
na Shirk ay hindi panghabang buhay ang parusa sa Impiyerno
kung siya man ay mapasok dito.
3. Ang malaking Shirk ay nagpapawalang-saysay sa lahat nang
mga kabutihang nagawa, samantala ang maliit na Shirk naman ay
hindi nagpapawalang-saysay sa lahat nang kabutihang nagawa
maliban lamang sa kanyang mga gawa na may pagkukunwari o
para sa materyal na kapakinabangan.
4. Ang malaking Shirk ay pinangangatwiranan ang pagpinsala sa
buhay at ari-arian nang nakagawa nito samantala ang maliit na
Shirk ay hindi.
Talakayin:
1. Hayag na Shirk.
2. ash-Shirk al-Khafi.
3. Ang pinagkaiba nang Malaki at Maliit na Shirk.

29

ARALIN 7

ANG TAO AT ANG KANYANG MGA PANGANGAILANGAN


Ang mga pangangailangan natin bilang mga nilalang ay napakarami at
ibat iba. Ito ay umiikot sa ating pang-espirituwal na katayuan at pisikal na
kalusugan, pagkain at pananamit, ari-arian at mga kayamanan, pamilya at
kaibigan, karangalan at kalayaan. Ang ating panlabas at panloob na mga
mundo ay palagiang nababago, nagbubunga ng mga pangangailangan na
kinakailangang punuan at mga suliranin na kinakailangang bigyan ng lunas.
Kailangan natin ng pagkain kapag tayo ay nagugutom, gamot sa ating mga
karamdaman, mga anak na mamahalin, mga kaibigan na makakaramay,
mga libangan na mag-aalis ng inip, at kung anu-ano pa. Subalit sa
lahat ng pagkakataon ang mga bagay ay nagkakaroon ng suliranin. Ang
pagkakaibigan ay nasisira, ang hanap-buhay ay nawawala, ang mga mahal
sa buhay ay nagkakaroon ng karamdaman. Kailangan natin ng tulong, sa
parehong pisikal at espirituwal, kayat tayo ay nahuhumaling sa panalangin
sa isang mas malakas kaysa sa ating mga sarili.
Ang Makapangyarihang Allah ay nilikha ang mundo para sa ating kapakanan.
Siya ay lumikha ng mga panustos para sa ating mga pangangailangan.
Nabibilang dito ang araw, mga ulan, ang kabundukan, ang pananim, ang
lupa at ang mga hayop. Ang lahat ng mga ito ay nananatili sa ilalim ng
kanyang pangangalaga at hindi maaaring makagawa ng anuman maliban
na kanyang pamahalaan.
Bakit kinakailangan nating manalangin sa libingan ng isang namatay kapag
tayo ay nangangailangan ng ulan, kung saan ang namamahala ng mga ulan
ay naririyan lamang upang hilingan? Bakit kailangan nating manalangin
sa mga nilalang upang magkaroon ng mga anak samantalang mayroong
isang Tagpaglikha na Siya lamang ang nabibigay ng buhay at nagsasanhi
ng kamatayan?
Kapag ang tao ay nanalangin, maging sa puno, anghel, Propeta o santo,
ginagawa niya ito sapagkat siya ay nangangailangan o di kaya ay nais
niyang magpakita ng kanyang pasasalamat. Naniniwala siya na ang punto
ng kanyang pagsamba ay nasa katayuan na matutulungan siya. Ang mga
tao ay nananawagan kay Shaikh Abdul Qadir, kay Buddha, kay Krishna,
kay Propeta Hesus o kay Propeta Muhammad. Ang ibang mga maglalayag
ay nanawagan kay Khwaja Mueenud-din Chishti upang dumaong nang
30

mapayapa sa pampang. Mayroon din nananawagan sa mga bayani


katulad ni Jose Rizal. Ang mga tao, mga namatay at mga nabubuhay, ay
nagkamit ng mga katangian nang dahil sa kanilang labis na kabanalan. Kapag
nabubuhay pa, sila ay sinusunod nang napakaraming mga tagahanga. At
kapag namatay na, ang kanilang libingan ay nagiging lugar ng paglalakbay
at panalanginan.
Ang isang kakaibang pagkasalungat na makikita natin sa ating mga bansa
ay ang pangitain na ang mga tao ay nananalangin para sa kanilang mga
anak at kalusugan sa libingan ng kanilang mga santo. Kung ang santong
ito ay makapagbibigay ng buhay at kalusugan, hindi ba nila uunahin ang
kanilang mga sarili para sa kakayahang ito? Hindi ba nila papalitan ang
karimlan at kakiputan ng mundo ng libingan upang gawing malawak,
maaliwalas na lugar ng mundo? Hindi ba nila papalitan ang mga mapapait
na karanasan ng kamatayan sa isang masayang buhay?
Mapupunuan ba ng tao ang ating mga pangangailangan?
Hindi natin maitatanggi na ang tao ay maaaring magpuno sa
pangangailangan ng iba. Ang tao, na nagpapakain, nangangalaga sa mga
may karamdaman o nagpapalaya ng mga bilanggo, ay nakapagpupuno
ng kanilang mga pangangailangan. Ang sapatero ay napupuno ang
pangangailangan sa sapatos, ang mananahi ay nagbibigay kasuutan at
ang nagmamaneho ay nakapaghahatid sa mga lugar. Tayong mga tao ay
hindi lamang nakikinabang sa isat isa subalit sa ibang mga bagay din.
Ang mga puno ay nakapagdudulot ng lilim mula sa nakasusunog na init
ng sikat ng araw. Ang mga kamelyo at mga kabayo ay kinakailangan ng
mga manlalakbay. Kailangan natin ng mga karayom upang makapanahi
at gunting upang makagupit. Kung ililibot lamang natin ang ating mga
paningin sa paligid ay makikita natin na halos ang buong panahon natin
ay ibinubuhos sa paggawa ng mga bagay na makapagpapagaan ng ating
mga buhay. Ang mga sasakyan ay naimbento subalit hindi pa ito sapat, ang
bawat modelo ng sasakyan ay kinakailangang maging mas mahusay at
matulin kaysa sa nakalipas. Iilan na lamang sa mga gawaing-bahay ngayon
ang hindi ginagamitan ng mga makina. Ang mga computer ay ginagamit na
sa maraming lugar upang makapagdulot nang bilis at bisa. Subalit kahit na
umaasa tayo nang lubos sa mga kagamitan na ito ay hindi natin maituturing
na ang mga ito ay parang mga diyos. Ang mga ito ay halos hindi na natin
maiwasan sa kasalukuyan ito ay totoo, subalit hindi pa rin ito nagiging
mga banal. Kahit na gaano kahusay at kabuti ang isang makina, ang lahat
31

nang mga papuri na naidudulot nito ay napupunta lahat sa gumawa nito.


Sa kahalintulad na paraan, kahit na gaano kalakas o matulungin ang isang
tao ay, ang mga papuri ay dapat lamang mapunta sa Allah.
Ito ay isang malinaw na kamalian na ipalagay na ang isang munting
nilalang ay magkaroon ng bahagi sa pagkakalikha ng sandaigdigan. Ang
mga Mushrik na bansa katulad ng mga Hindus at Buddhist ay tinanggap
ang paniniwala na dahil sa ang Allah ang Tagapanustos at Tagatulong,
gayundin ang kanilang mga santo at mga bayani ay mga tagapanustos at
tagatulong din. Binigyan sila ng kislap ng kabanalan ng Allah upang sila ay
maging kabahagi ng Kanyang dakilang gawain.
Ang ganitong paniniwala ay isang kasinungalingan at paninira. Napakalayo
nito sa mga katuruan ng Islam at isa itong panlalait sa Kapangyarihan at
Kadakilaan ng Allah. Siya lamang ang lumikha ng kalangitan, ng mundo, at
ang nasa lahat ng pagitan ng mga ito. Siya lamang ang may kapangyarihan
at makapangyayari sa lahat ng bagay. Siya lamang ang nagbibigay ng
buhay at nagdudulot ng kamatayan, maging ito man ay isang maliit na
langgam o isang makapangyarihang pangulo. Ang tagtuyot na nagwasak
sa napakaraming mga buhay, ang buhawi na sumalanta sa maraming
pananim, ang unos na pumuksa sa napakaraming mga siyudad lahat ay
nasa pamamahala ng Allah.
Talakayin:
1. Ang pangangailangan ng tao.
2. Napupunan ng tao ang pangangailangan ng kapwa.
3. Ang paniniwala ng kasinungalingan at paninira.

32

ARALIN 8

ANG PAGLITAW NG SHIRK


Mayroong tatlong pangunahing kadahilanan sa likod nang pagkakaroon o
paglitaw ng mga gawain ng Kufr at Shirk: ang maling pananaw sa Allah,
ang maling pananaw sa pagsamba, at ang maling pang-unawa ng ugnayan
sa pagitan ng Tagpaglikha at ng Kanyang mga nilikha.
Ang ugnayan sa pagitan ng Allah at ng Kanyang nilikha
Ang ibang mga tao ay nagmumungkahi na ang pinakamatatapat na tao ay
nagiging malapit sa Allah na sila ay Kanyang pinakikitunguhan na kagaya
ng Kanyang sariling mga anak o asawa. Sa madaling salita, ang mga
kamag-anak ng Allah ay maaaring palitan o baguhin ang Kanyang mga
gawa katulad ng isang asawa o anak na humihiling sa kanilang asawa o
ama. Ang ganitong mga tao ay nasa isang malinaw na kalagayan ng isang
maituturing na kapangyarihan kaya ngat ang panalangin sa kanila sa halip
na diretsong sa Allah ay mas kaaya-aya. Subalit ang pananaw na ito ay
mahigpit na itinanggi ng Allah:





At Siya, ang Kataas-taasang Kadakilaan ng ating Panginoon, ay
hindi nagkaroon ng asawa o di kaya ng anak. Surah al-Jinn 72:3
At sa ibang bahagi ay ating mababasa:




Ang mga Hudyo ay nagsasabi na si Uzair ay anak ng Allah, at ang
mga Kristiyano ay nagsasabi na si Kristo ay anak ng Allah. Ito ay
mga salita lamang na nagmula sa kanilang mga bibig, sa ganito ay
ginagaya lamang nila kung ano ang sinasabi ng mga naunang tao ng
mga di mananampalataya. Mapasakanila nawa ang sumpa ng Allah,
kung paano sila naligaw sa katotohanan. Surah at-Tawbah 9:30

33

Ang paghanga ng Allah sa Kanyang mga nilikha


Ang kahalintulad nang paniniwala na kapag ang tao ay naging labis na
matapat hanggang sa tuluyan niyang iwanan ang mga materyal na bagay
sa mundo, ang Makapangyarihang Allah ay nagkakaroon nang paghanga
sa kanya. At katulad ng isang nilalang, ang Allah ay handang magkaloob
ng anumang nais o kahilingan sa taong kanyang hinangaan. At ang taong
ito ay nagkakaroon ng pagkakataon na makiusap para sa kapatawaran ng
kasalanan ng kanyang mga tagasunod.
Ang paniniwalang ito ay pawang gawa-gawa lamang at walang batayan at
isang malaking paghamak sa ating Tagpaglikha. Ang paghanga ay isang
kamalian na matatagpuan sa sangkatauhan na siyang nagiging dahilan
nang pagiging bulag sa katotohanan at katarungan. Ang Allah ay malayo
sa ganitong mga uri ng damdamin at Siya ay Walang-kapintasan. Sa
pagpapaliwanag ng ugnayan sa pagitan ng Tagapaglikha at ng Kanyang
nilikha, ang Quran at Sunnah ay gumamit ng mga konsepto ng pagmamahal.
Subalit ang pagmamahal ng Allah ay kahalintulad ng iba pa Niyang mga
katangian: ito ay dalisay, naiiba, at hindi kayang maunawaan nang lubos
ng isipan ng isang nilalang. Ang katotohanan na kapag ang Allah ay may
minamahal ito ay pangkaraniwang nangangahulugan na iginabay siya
ng Allah, pinatatawad ang kanyang mga kamalian at binibigyan siya ng
tagumpay sa mundong ito at sa kabilang-buhay.

ANG KAUGALIAN AT ANG SHIRK


Isa sa pinakapangunahing kadahilanan sa pagpapatuloy nang pagsasagawa
ng Shirk ay ang mga kaugalian. Katulad ng isang bansa na may sariling
politikal, sosyal at pambansang mga kaugalian, kayat sila ay nagkakaroon
ng mga pagkakamali sa kanilang mga kaugaliang panrelihiyon. Ang mga
bagong kaisipan at mga kagawian ay nabuo sa ngalan ng relihiyon kahit na
ito pa ay ganap na sumasalungat sa mga katuruan ng relihiyong ito.
Ang mga Hudyo at mga Kristiyano ay ginugunita at ipinagdiriwang ang mga
araw ng kapanganakan at kamatayan ng kanilang mga kilalang pinuno.
Ang mga espesyal na seremonya ay isinasagawa, ang mga puntod ay
itinatayo, maging ang mga espesyal na pagkain ay inihahanda, gayong
walang mga batayan o anuman mula sa kanilang Luma o Bagong mga
Tipan ang ganitong mga kaugalian. At sa katotohanan, ang mga Kasulatan
ay hindi sumasang-ayon sa ganitong mga kaugalian sapagkat ang mga
ito ay nagpapalaganap ng Kaisahan ng Diyos. Kapag ang mga taong ito
34

ay tinanong tungkol sa batayan ng kanilang mga kaugalian, kanilang


isasagot na ang kanilang mga mag-anak, tribu at mga bansa ay ginawa
ang mga ganito sa haba nang panahon kayat kanila lamang sinusunod ang
mga yapak ng kanilang mga ninuno.
Kinutya sa Quran ang ganitong katuwiran:

Nang sila ay sinabihan na sundin ang inihayag ng Allah, sila ay


nagsabi: Hindi, dapat naming sundin ang mga kaugaliang nakita
namin sa aming mga ninuno. Ano! kahit na ito ay si Satanas na
nagtutulak sa kanila sa kaparusahan nang naglalagablab na Apoy?
Surah Luqman 31:21

Tinatanggap sa Islam na ang pagmamahal sa iyong bansa at mga


mamamayan ay isang likas na pangyayari, subalit itinatakwil na ito ay
isang katanggap-tanggap na dahilan upang maipagpatuloy ang mga
pagsasagawa ng Shirk. Ang pagsunod sa inyong mga ninuno ay hindi
kinakailangan at hindi rin ito madali sa mga pagkakataon. Kasama sa ating
mga ninuno ang mga malulupit, mga gahaman na mamamatay-tao, at mga
hindi makatarungang pinuno. Tayo ba, ang kanilang mga anak, ay iisipin na
ito ay isang kaugalian upang tularan ang kanilang mga ginawa?
Ang ating mga ninuno ay gumamit ng mga kamelyo at mga kabayo sa
kanilang paglalakbay, nagsuot ng mga balat ng mga hayop, nagsaka at
gumawa ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng kanilang mga kamay.
Sa pamamgitan ng pag-imbento at paggamit ng mga sasakyan, daanan,
makinarya at mga computer ay iwinaksi natin ang kanilang mga kaugalian.
Walang sinuman ang nakipagtalo tungkol sa mga kaunlarang pang-agham
na nakapalibot sa atin, subalit kapag ang tinanong ay tungkol sa kaugaliang
panrelihiyon ng ating mga ninuno ito ay nagiging isang mabigat na usapin.
Ang tao ay naparusahan hindi dahil sa pakikipagtalo sa kaugalian subalit
sa pakikipagtalo niya nang dahil sa relihiyon kahit na ang kaugalian na
kanyang pinaglalaban ay walang katuturan sa relihiyon ng mga tao.

35

ARALIN 9

HULOOL: ANG PAGSASATAO NG DIYOS (GOD


INCARNATE)
Ito ang palagay na kapag ang sangkatauhan ay nasa mabigat na pagsubok,
ang Allah ay dumarating upang sila ay tulungan sa pamamagitan nang
pagsasatao at pagliligtas sa mga tao sa kanilang kalagayan. Ang salitang
Arabik sa ganitong konsepto ay Hulool. Ito ay naging bahagi na ng
pananampalataya nang napakaraming mga relihiyon sa mundo. Ang mga
Hindus ay naniniwala na hinati ng Diyos ang Kanyang sarili sa maraming uri
ng mga diyos, at ang lahat ng mga ito ay bumaba sa mundo sa mga anyo
ng tao o hayop. Ang mga Buddhist ay naniniwala na si Buddha ay isang
banal na anyo, at gayundin ang mga Parsis na mayroong kahalintulad
na paniniwala tungkol kay Zoroaster. Ang mga Hudyo ay naniniwala na
sila Propeta Dawud, Yaqub, at Uzair (alaihimus salam) ay mga anak ng
Allah, na mayroong mga banal na katangian at iisang layunin na tulungan
ang mga Angkan ng Israel. Subalit ang konsepto ng Hulool ay higit na
kumakatawan sa paniniwala ng mga Kristiyano sa Trinity. Hinati ng Diyos
ang kanyang sarili sa tatlong magkakaibang mga anyo, ang lahat ng mga
ito ay magkakahiwalay ngunit bahagi ng kabuuan na banal.
Nakalulungkot isipin na ang konsepto ng Hulool ay nangyari sa
mga unang panahon sa Islam. Ang tagapagpalaganap nito ay si
Abdullah Ibn Sabah na nabuhay noong panahon ng pamumuno
ni Kalipa Umar (ra). Si Ibn Saba ay nagpahayag na ang Allah ay
nagsatao sa katauhan ng pinsan ng Propetar na si Ali. At noong si
Ali na ang naging Kalipa, ang bilang ng mga tao na tumanggap ng
pahayag ni Ibn Saba ay umabot sa pitumpo. Paulit-ulit na itinanggi
ni Ali (ra) na siya ang Allah, subalit matigas ang paniniwala ng
mga taong ito na si Ali ang Allah. Sa bandang huli ay itinapon ng
Kalipa ang mga taong ito sa apoy. Subalit sadyang malakas ang
pananalig ng mga Mushrik na ito na kahit na sila pa ay nasusunog
na sa apoy ay patuloy pa rin ang pagsigaw na Si Ali ay diyos.
Ang kanilang kaparusahan ay lalo lamang nagpalakas ng kanilang
pananampalataya sapagkat sang-ayon sa kanila: Tanging ang
panginoon ng apoy lamang ang makapagpaparusa sa apoy.

36

Hussein Ibn Mansoor Hallaj


Si Hussein Ibn Mansoor ay ipinanganak sa Iran noong ikalawang siglo
matapos ang Hijrah. Hindi lamang niya ipinalaganap na ang Diyos ay
maaaring magsatao, gayundin ay kanyang ipinalaganap na ang Allah ay
nagsatao sa pamamagitan ng kanyang katawan. Itinaas niya ang sagisag
na Ako ang katotohanan at ang kinahantungan nito ay ang pagpatay sa
kanya ng Kalipa ng Abbasid sa Baghdad noong ika-310 matapos ang Hijrah.
Ang talata na palagiang binibigkas ni Hallaj ay;
Sinuway ko ang relihiyon ng Allah. Ang pagsuway ay kinasusuklaman ng
mga Muslim subalit ito ay kinakailangan sa akin.
Sa ganitong pagmamataas inihayag ng taong ito ang pagtatwa nang
kanyang pananampalataya sa Allah.
Mali ang konsepto ng Hulool
Katawa-tawang isipin na ang Makapangyarihang Allah ay mararamdaman
ang pangangailangan na bumaba sa mundo at magkunwaring tao kapag
ninanais Niyang tulungan ang Kanyang mga nilikha. Bilang Panginoon,
Tagapaglikha at Tagapamahala ng sanlibutan, sasabihin lamang Niya na
Mangyari at ito ay magaganap! Hindi Niya kailangan ang bumaba at
mabuhay na katulad ng tao, pinaghihirapan ang kanyang mga pagsubok,
magpapaliwanag sa mga makikinig, pagmamalabisan ng mga nilikha na
Siya sa sarili Niya ang lumikha. Matatanggap ba natin ang tadhana ng
paghihirap, luha at kabiguan para sa Kanya na nagbibigay ng mg utos sa
mga ulan, mga hangin, mga anghel, mga jinns at ang mga bulkan? Ang
ganitong pananaw ay kasiraan nang pangangatuwiran at pagpapasiya at
isang malaking paglapastangan sa Kapangyarihan at Kadakilaan ng ating
Panginoon.
Kung pag-aaralan natin ang mga buhay ng mga taong sinasamba na
ginawang diyos sa pagbabalat-kayo. Ang mga taong ito ay nangangailangan
ng pagkain, tubig, damit, tirahan at pahinga na kagaya rin ng pangangailangan
ng lahat ng mga pangkaraniwang tao. Ang kanilang mga layunin ay
nagtagumpay subalit nagtamo rin ng kabiguan at kahihiyan. At higit sa
lahat, nang sumapit na ang wakas ng kanilang oras dito sa mundo, hindi
nila napigilan ang kamatayan.
37

ARALIN 10

ANG KAMATAYAN NG DIYOS?


Inaangkin ng mga Hindus na si Krishna ay banal, at inaangkin din nila na
walang siyang nagawa habang nakikita niya na ninanakawan at nililimas
ang kanyang kaharian. Ang pighati na hindi niya nailigtas ang kanyang
mga tao ang nagdulot ng kanyang kamatayan sa nagyeyelong lugar ng
Himalayas. Ang tao ba na namighati sa paghihirap ng kanyang mga tao ay
maituturing na isang ordinaryong tao o isang makapangyarihang diyos?
Ang mga Buddhist ay naniniwala na ang bangkay ni Buddha ay sinunog sa
Nepal at ang kanyang mga abo ay inilibing sa walong magkakahiwalay na
lugar, at sa bawat taas nito ay nagtayo ng bantayog. Ang pinaggutay-gutay
ba na katawan ay karapat-dapat bigyan ng parangal na pagsamba?
Ang mga Kristiyano ay nagsabi na si Hesus ay kinaladkad patungong
Jerusalem na dala-dala ang mabigat na krus, na ang koronang tinik ay
ipinatong sa kanyang ulo, at siya ay ipinako at pagkatapos ay inilibing.
Habang nasa krus, siya ay nanangis at nanalangin sa kanyang Panginoon
na tulungan. Papaano natin mapapaniwalaan na ang Diyos ay kaawa-awa
at kinakailangan niyang lasapin ang hapdi ng mga pagdurusa?
Ang ibang mga Muslim ay nanawagan sa pangalan ni Ali (ra) at Hussein
(ra) sa sandali ng kanilang paghihirap. Nakalimutan nila na si Ali at ang
kanyang anak na si Hussein ay mga nilalang na nabuhay bilang mga tao
at namatay bilang mga martir. Kung sila ba ay naging mga diyos sana ay
madali nilang nailigtas at naipagtanggol ang kanilang mga sarili mula sa
kanilang mga kalaban.

WAHDATUL WUJUD: ANG TAO AT DIYOS AY IISA?


Ang konsepto ng Wahdatul Wujud (Pagkakaisa ng Nilalang at Diyos) ay
naging isang pangunahing dahilan sa pagkalat ng Shirk sa pagitan ng mga
Hindus at ng ibang grupo ng mga Muslim. Ang palagay na ito ay nagbibigay
paniwala na lahat ng bagay sa mundo ay bahagi ng Diyos, na ang Diyos
at ang Kanyang nilikha ay di-maaaring paghiwalayin. Ang mga naniniwala,
ang atheist at ang mapagkunwari, ang tapat at ang masama, ang kamelyo
at ang baboy, lahat ay iisa. Sa anyo ay maaaring sila ay magkakaiba subalit
38

sa katotohanan silang lahat ay magkakapareho.


Ang konseptong ito ay ipinasok sa kabuuan ng mga Muslim sa pamamagitan
ng iskolar na Sufi na si Ibn Al Arabi. Isa sa kanyang mga talata ay nagsasabi:
Ang aso at ang baboy ay tanging mga diyos natin. Ito ay isang mali at
mangmang na konsepto na sumasalungat sa lahat ng katuruan ng Islam.
Halimbawa, sinasabi sa Quran na ang Allah ay Nag-iisa at Natatangi,
subalit ang palagay na ito ay nagsasabi na ang Allah at Kanyang nilikha ay
magkakaparehong lahat. Ang Quran ay nagsasabi na ang Allah ay walang
mga magulang o mga anak, subalit ang palagay din na ito ay nagsasabi na
ang lahat ng mga magulang at mga anak ay ang Allah. Binigyang-diin ng
Quran na si Propeta Muhammad ay Sugo ng Allah at ang ulirang huwaran
para sa sangkatauhan. Ang konsepto ng Wahdatul Wujud ay naglalayo sa
pangangailangan upang sundin ang kanyang mga halimbawa dahil ito ay
nagsasabi na ang mga ordinaryong mga tao ay kasing-banal at halaga na
katulad ng mga Propeta. Ito ay maituturing na isang radikal na palagay na
sumasalungat sa mga pangunahing katuruan ng Islam

BAKIT HINDI ITIGIL NG ALLAH ANG SHIRK?


Maraming mga tao ang dumadaing na dapat ay itigil na ng Allah ang
napakaraming pagsasagawa ng Shirk kung ang mga ito ay kinamumuhian
Niya.


Ang mga gumagawa ng Shirk ay nagsasabi: Kung ninais ng Allah,
maaaring hindi kami o ang aming mga ninuno ang nakagawa ng
Shirk. At maaaring hindi namin naipagbawal ang anuman (na labag
sa Kanyang Kagustuhan). Surah al-Anam 6:148
Upang sagutin ang hinaing na ito ay kinakailangan muna nating maunawaan
ang kalikasan ng ating mga buhay. Malinaw na nasasaad sa Quran na ang
ating mga buhay ay pagsubok upang suriin ang ating pananampalataya.
Sinusubukan tayo ng Allah mula sa ating mga kayamanan, dangal
at kaligayahan, sa kahirapan, kasaganahan at kahihiyan. Ang taong
matagumpay sa mga pagsubok na ito ay yaong mga mapagpasalamat sa
mga sandali ng kaligayahan, at nagtitiis sa mga sandali ng kahirapan.
39


At para sa tao na kapag sinubukan siya ng kanyang
Panginoon, binigyan siya ng dangal at mga handog, siya
ay nagsasabi Pinarangalan ako ng aking Panginoon. At
nang siya ay Kanyang subukan, hindi ibigay ang kanyang
mga pangangailangan, magkagayon siya nagsasabi
Pinahiya ako ng aking Panginoon! Surah al-Fajr 89:15-16
Ang pagsubok ay hindi lamang panandalian sa halip ay nagsisimula
ito mula pagsilang hanggang sa kamatayan. Sa ganitong
kadahilanan, hindi tayo dagliang parurusahan o bibiyayaan sa ating
mga gawa. Ang isang kriminal ay hindi kaagad pinapatawan ng
kaparusahan sa sandali na siya ay pumatay. Ang mga matutuwid
at matiising mga sumasamba ay hindi kaagad binibiyayaan ng
ginto mula sa langit. At kahit na pantay ang pakikitungo ng Allah
sa mga mananampalataya at di mananampalataya, ang ganap
na katarungan ay igagawad lamang sa Araw ng Paghuhukom.
Ito ang pagkakataon kung saan mararanasan ng sangkatauhan
ang ligaya sa hardin ng Paraiso o ang kilabot sa Impiyerno. Ang
mga gawa na katulad ng mga Shirk ay nagpapakita ng malaking
pagkakaiba sa pagitan ng mga gawa na ikinalulugod ng Allah at
yaong Kanyang pinahihintulutan. Hindi nais ng Allah ang Shirk,
subalit pinahintulutan Niya itong magpatuloy upang subukan ang
pananampalataya ng Kanyang mga nilikha. Ang mga matagumpay
na mananampalataya ay yaong mga tumatanggi na gawin ang mga
magagaan na bagay na iniaalok ng Shirk, at sa halip ay sinusunod
ang mahaba at mahirap na landas ng Tawhid.
Karapat-dapat alalahanin na ang kayamanan at katanyagan sa
mundo ay hindi nangangahulugan na ito ay mga palatandaan ng
kaluguran ng Allah, o di kaya na ang kahirapan ay nangangahulugan
na ito ay palatandaan ng Kanyang galit. Ang mga ito ay magkatulad
na pagkakataon ng pagsubok kung saan sinusuri ng Allah ang
ating pasasalamat at pagtitiyaga.

40

Sa pagitan ng mga tao ay mayroong mga sumasamba


sa Allah na may hangganan: kung mabuti ang kanilang
nakamit, sila ay nasisiyahan dito. At kapag pagsubok
ang sumapit sa kanila, sila ay nagsisimulang sumama ang
loob. Pareho silang nawalan dito sa mundo at sa kabilangbuhay: ito ay kawalan upang makita ng lahat. Surah al-Hajj
22:11

Talakayin:
1.
2.
3.

Kung ang Diyos ay binawian ng buhay sino ang bumawi?


Pagkakaisa ng Tao at Diyos maaari ba?
Pinahintulutan ng Allah ang Shirk.

41

ARALIN 11

ANG KUFR (DI-PANINIWALA)


Kahulugan
Kufr, sa lingguwistikal na kahalugan ay pagtatakip o pagtatago.
Ayon sa gamit: kabaligtaran ng Iman, dahil ang Kufr o di-paniniwala ay
ang di paniniwala sa Allah at Kanyang mga Sugo, maging ang kawalan ng
paniniwala ay kaugnay sa pagtanggi o hindi, o kaya ay may pag-aalinlangan,
pagdududa, pagsalungat, paninibugho, pagmamataas, o pagsunod sa mga
hilig na humahadlang sa pag-ayon sa Mensahe. Kahit na ang pagiging di
tapat ng isang nagtatakwil ay mas masama kaysa iba, gayundin ang isa na
hindi naniniwala at nagtatanggi dahil sa paninibugho samantala kinikilala
ng kanyang puso ang katotohanan ng mga Sugo.2
Mga Uri ng Kufr
A. Ang Malaking Kufr
Na nagtataglay ng pagbalikwas ay may limang uri:
1. Kufr ng pagtatwa, sang-ayon sa sumusunod na Ayah:

At sino pa ba ang higit na di makatarungan sa isa na gumawa ng


kasinungalingan laban sa Allah, o di pinaniniwalaan ang katotohanan
kapag ito ay dumating sa kanya? Wala bang kahahantungan sa
Impiyerno ang mga di naniniwala? Surah al-Ankabut 29:68

42

2 Majmou al-Fatawa, Sh. Al-Islam b. Taymiyyah, vol. 12 p.335

2. Kufr ng pagmamataas na may pagkilala, katulad ng


pagpapatunay ng Allah:

At nang inutos Namin sa mga anghel na magpatirapa kay Adan, lahat


sila ay nagpatirapa maliban kay Iblis (Satanas). Siya ay isa sa mga jinn,
Sinuway niya ang utos ng kanyang Panginoon
Surah Al-Kahf 18:50

3. Kufr ng pag-aalinlangan, katulad ng nabanggit sa mga salita ng


Allah:


At siya ay nagtungo sa kanyang hardin habang siya ay nagkakamali
sa kanyang sarili (sa pamamagitan ng pagmamataas). Kanyang
sinabi, Hindi ko inisip na ito ay maglalaho; o di kaya ay inisip ko na
ang Oras ay darating. At kahit na ako pa ay ibalik muli sa aking Rabb,
kinakailangan ko, sa katiyakan, na maghanap ng mas mainam na
paraan kaysa dito. Sinabi ng kasama niya sa kanya, habang sila ay
nagtatalo, Hindi ka ba naniniwala sa Kanya na lumikha sa iyo mula
sa lupa, pagkatapos ay sa patak ng semilya, pagkatapos ay inanyuan
ng isang ganap na tao? Subalit para sa akin, naniniwala ako na ang
Allah lamang ang aking Rabb, at hindi ako magbibigay katambal sa
aking Rabb. Surah al-Kahf 18:35-38
4. Kufr ng pagkamuhi, ang patunay nito:

43

At yaong mga hindi naniniwala ay tumalikod mula sa kung saan sila


binigyan ng babala nang may pagkamuhi. Surah al-Ahkaf 46:3
5. Kufr ng pagkukunwari, katulad ng pinatunayan mula sa salita
ng Allah:



Ito ay sa dahilan na sila ay naniwala noong una at pagkatapos ay
hindi naniwala. Kayat sinaraduhan ng Allah ang kanilang mga puso
hanggang sa sila ay tuluyang hindi makaunawa.
Surah al-Munafiqin 63:3

B. Ang Maliit na Kufr (o ang Kufr sa gawa)


Ito ay hindi nagtataglay ng pagbalikwas. Ang mga uri ng Kufr na ito ay
binubuo ng mga kasalanan na tinutukoy sa Aklat at sa Sunnah bilang Kufr,
subalit hindi naman umaabot sa katayuan ng malaking Kufr, katulad nito ay
ang hindi pagpapasalamat sa mga biyaya ng Allah, winika ng Allah:



At ang Allah ay naghanda sa inyo nang isang parabula nang
isang siyudad na tumatamasa ng katiwasayan at kapanatagan,
ang kanilang mga pangangailangan ay madali nilang nakakamit na
nagmula kahit saan subalit kanilang itinanggi ang mga tulong ng
Allah. Surah al-Nahl 16:112
Kayat pinalasap ng Allah sa kanila ang pagkagutom at takot na
ginawa upang sumira sa kanila bunga ng kanilang pinaggagagawa.
At ang labanan sa pagitan ng mga Muslim na tinukoy sa Hadith ng
Propetar:
44

Ang pang-aabuso ng Muslim ay isang pagsuway at ang


pakikipaglaban sa kanya ay Kufr. Bukhari at Muslim
At sa kanyang mga kasabihan:
Huwag kayong manumbalik sa pagpanaw na para bang
nagpapatayan na mga di-mananampalataya. Gayundin sa
panunumpa sa iba maliban sa Allah.
Sinabi pa rin ng Propeta :
Siya na sumumpa sa iba maliban sa Allah ay gumagawa ng Kufr o
Shirk. At-Tirmidhi
Ang pinagkaiba sa pagitan nang malaking Kufr at nang maliit na Kufr
1. Ang malaking Kufr ay nagtatakwil ng pananampalataya at
nagpapawalang-saysay ng mga mabubuting gawa samantala
ang maliit na Kufr ay hindi nakapagtatakwil ng pananampalataya
o di kaya ay nagpapawalang-saysay ng mga mabubuting
gawa, subalit nagbabawas sa mga ito, at magtutulak sa isang
kinatatakutang parusa.
2. Isinusumpa ang gumagawa nang malaking Kufr na mapunta
sa Impiyerno at manatili dito ng habang-buhay. Samantala
ang nakagagawa nang maliit na Kufr, kung mapunta man sa
Impiyerno, ay hindi mananatili dito ng habang-buhay. Maaari na
mapatawad pa siya ng Allah at tuluyan nang maiwas dito.
3. Ang malaking Kufr ay pinangangatuwiranan ang pagpinsala sa
buhay at ari-arian ng nakagawa nito samantala ang maliit na
Kufr ay hindi.
4. Ang malaking Kufr ay nagbibigay sa mga mananampalataya
nang pagkasuklam sa mga gumagawa nito, kaya ngat hindi
pinahihintulutan sa isang mananampalataya na mahalin o
kaibiganin ang sinumang gumagawa nito kahit pa na siya ay
isang malapit na kamag-anak. At para naman sa maliit na Kufr,
hindi siya pinipigilan na mahalin o kaibiganin ang nakagagawa
nito sa halip ay kaibiganin siya nang ayon sa pananampalataya
na kanyang tinataglay at kamuhian nang ayon sa pagsuway na
45

kanyang ginagawa.
Mga Puntos ng Talakayan:
1.
2.
3.
4.

46

Ang kabaligtaran ng Iman.


Mga uri ng malaking Kufr.
Pagpapakita ng maliit na Kufr.
Pinagkaiba ng malaki at maliit na Kufr.

ARALIN 12

ANG NIFAQ (PAGKUKUNWARI)


Kahulugan
Nifaq, sa lingguwistikal na kahalugan ay hinango mula sa lungga ng daga,
o mga butas sa lansangan, na kapag ang hayop na ito ay hinabol mula sa
isang butas ito naman ay lalabas sa kabila, o kaya ito ay nangangahulugan
na kanal o mga hinukay na ginagamit sa pagtatago.
Ayon sa gamit: Nifaq (pagkukunwari) ay nangangahulugan ng isang
pakunwaring pagmamahal sa Islam samantalang siya ay nagkikimkim ng
Kufr at kasamaan. Ang mapagkunwari ay inihahalintulad sa ganito dahil
pinapasok niya ang Islam sa isang pintuan at lumalabas naman sa kabila.
Nagbigay babala ang Allah laban sa mga mapagkunwari:


Katotohanan na ang mga mapagkunwari ay yaong mga
mapanghimagsik. Surah at-Tawba 9:67
Ang mga mapanghimagsik ay ang mga naghihimagsik laban sa mga batas
ng Islam. Itinuring ng Allah ang mga mapagkunwari na higit na masama
kaysa sa mga di-nananampalataya:

Katotohanan, ang mga mapagkunwari ay mapupunta sa kailaliman


ng apoy. Surah an-Nisa 4:145
Winika ng Allah:






47

Ang mga mapagkunwari ay naghahangad na malinlang nila ang


Allah subalit sa katotohanan Siya ang nakaligaw sa kanila.
Surah an-Nisa 4:142

Winika ng Allah:

Kanilang iniisip na nalinlang nila ang Allah at ang mga mananampalataya


sa halip ay nilinlang nila ang kanilang mga sarili subalit hindi nila
nababatid. Sa kanilang mga puso ay mayroong isang karamdaman at lalo
pang pinalala ng Allah ang karamdaman para sa kanila, at para sa kanila
ay ang isang malupit na parusa sapagkat sila ay nagsinungaling.
Surah al-Baqarah 2:9-10

Mga Uri ng Pagkukunwari


1. Pagkukunwari sa Layunin (Malaking Pagkukunwari)
Ito ang malaking uri ng pagkukunwari. Ang gumagawa nito ay nagpapakita
ng Islam at nagtatago ng di-paniniwala. Ang uri nito ay nagtataglay ng
isang ganap na pagtalikod at maisusumpa ang mga gumagawa nito na
mapunta sa pinakamalalim na kalalagyan sa Impiyerno. Ipinaliwanag ng
Allah na ang mga gumagawa nito ay nag-aangkin ng lahat ng masasamang
mga katangian; katulad ng Kufr na walang pananampalataya, panlalait sa
pananampalataya at sa mga tagasunod nito na kumakampi sa mga kaaway
ng Islam. Ang mga taong ito ay nananatili sa bawat panahon lalo nat kapag
ang Islam ay nangingibabaw at hindi nila ito kayang labanan nang harapan.
Sila ay nagkukunwaring mga Muslim upang makagawa sila ng mga palihim
na plano laban sa Islam at mga tagasunod nito. At dahil sa sila ay nakatira na
kasama ang mga Muslim, nakasisiguro sila sa kaligtasan ng kanilang mga
buhay at ari-arian. Ang isang mapagkunwari ay nagpapakita ng kanyang
paniniwala sa Allah, sa Kanyang mga anghel, mga Aklat, mga Sugo, at
ang Huling Araw. Subalit sa katotohanan ay malayo ang paniniwala niya
sa mga ito, sa halip ay itinatatwa niya ang lahat ng ito at ang paniniwala sa
48

Allah.
Sa panimula ng Surat al-Baqarah ay hinati ng Allah sa tatlong uri ang
mga tao: ang mga mananampalataya, ang mga di matapat, at ang
mga mapagkunwari. Inahayag ng Allah ang apat na ayat para sa mga
mananampalataya, at dalawang ayat para sa mga di matapat, samantala
labintatlong mga ayat ang Kanyang inihayag para sa mga mapagkunwari
dahil sa dami ng kanilang mga bilang at ang kasamaan ng kanilang
nararamdaman at ang pagkakapare-pareho ng kanilang mga panloloko.
Malaki ang hirap na naranasan ng Islam sa pamamagitan nila sapagkat
sila ay itinuturing na mga Muslim at tagapangalaga ng Islam subalit sa
katotohanan ay mga kaaway. Ipinahahayag nila ang galit nila sa Islam sa
bawat anyo na ang isang walang alam ay mag-iisip tungkol dito bilang mga
kaalaman at pagpapabuti, subalit sa katotohanan ito ay mga anyo nang
kamangmangan at paninira.
Ang Pagkukunwari sa Layunin ay may anim na uri:
a.
b.
c.
d.
e.
f.

Pagtatwa sa Sugo
Pagtatwa sa bahagi ng kung ano ang ipinadala sa Sugo.
Pagkasuklam sa Sugo
Pagkasuklam sa bahagi ng kung ano ang ipinadala sa Sugo.
Pagkatuwa sa panghihina ng deen ng Sugo.
Pagkagalit sa pangingibabaw ng deen ng Sugo

1. Pagkukunwari sa Gawa (Maliit na Pagkukunwari)


Ito ay ang pagtataglay ng mga katangian ng mga mapagkunwari
samantala nanatili ang Iman sa kanilang puso. Hindi ito nagtataglay
ng pagtalikod subalit maituturing na maaaring maging daan
para rito. Ang taong gumagawa nito ay pinagsasama ang Iman
at pagkukunwari. Kapag ang huli ang namayani ay maituturing
siya na isa talagang mapagkunwari. Ang patunay nito ay mula sa
salaysay ng Propeta :
Apat na mga katangian; sinuman ang magtaglay nito ay isang tunay
na mapagkunwari at sinuman ang magtaglay ng isa sa mga ito ay
magtataglay pa rin ng katangian ng isang mapagkunwari hanggang
sa ito ay kanyang maalis. Kapag siya ay pinagkatiwalaan, - sinisira
49

niya ang tiwala, kapag siya ay nagsasalita siya nagsisinungaling,


kapag siya ay nakipagkasundo siya ay nagtataksil, at kapag siya
ay nakipagtalo sa iba siya ay kumikilos ng masagwa.
Bukhari, Muslim atbp.

Ang Pinagkaiba sa pagitan nang Malaki at Maliit na Pagkukunwari


1. Ang malaking pagkukunwari ay nagtatakwil ng pananampalataya
samantala ang maliit na Pagkukunwari ay hindi.
2. Ang malaking pagkukunwari ay nagpapakita ng pagkakaiba sa
pagitan ng panloob at panlabas paniniwala, samantala ang maliit
na pagkukunwari ay nagpapakita ng pagkakaiba sa pagitan
ng kanyang pansarili at panlabas na mga kilos, hindi ng mga
paniniwala.
3. Ang malaking pagkukunwari ay hindi tinataglay ng isang
mananampalataya, samantala ang maliit na pagkukunwari ay
maaring taglayin ng isang mananampalataya.
4. Ang taong gumagawa ng malaking pagkukunwari ay hindi
kalimitang nagsisisi, subalit kahit na ito ay gawin pa niya, ang
mga iskolar ay nagkaiba tungkol sa pagtanggap ng tagahatol ng
kanyang pagsisisi. Samantala kapag ang maliit na pagkukunwari
ay ginagawa ng isang tao at nagsisi sa Allah, tatanggapin
ng Allah ang kanyang pagsisisi. Sinabi ni Shaikul-Islam Ibn
Taymiyyah: Maraming pagkakataon na ang mananampalataya
ay magtataglay ng katangian ng isang mapagkunwari, at
patatawarin siya ng Allah, at maaari siyang makagawa ng kung
ano ang sinasabing pagkukunwari, subalit pangangalagaan
siya ng Allah mula rito.
Talakayin:
1. Ang kahulugan ng Nifaq ayon sa gamit.
2. Pagkukunwari sa layunin.
3. Pagkukunwari sa gawa.

50

FIQH

ANG A
LAWANG NTA
AN S
KALAW
T

I I

KA

AS

NILALAMAN
Pahina
Aralin 1 Mga Kategoriyang Legal
Halal

Wajib o Fard

Mustahab

Mubah

Aralin 2
Makruh

Haram

10

Aralin 3 Zakah
Zakah

13

Aralin 4
Nisab at Halaga ng Zakah

19

Aralin 5
Pamamahagi ng Zakah

23

Aralin 6
Zakah al-Fitr

27

Aralin 7
Sawm o Siyam (Pag-aayuno)

30

Aralin 8
Mga Pakinabang sa Pag-aayuno

35

Aralin 9
Mga pinahihintulutang hindi mag-ayuno sa Ramadhan

39

Kaffarah (ang pagbabayad sa kasalanang nagawa)

40

Mga gawaing pinahihintulutan habang nag-aayuno

41
3

Aralin 10
Mga pangunahing bagay na dapat malaman sa pag-aayuno

43

Aralin 11
Ang Hajj at Umrah

47

Al-Ihram

49

Aralin 12

Ang Haligi ng Hajj at Umrah

52

Pamamaraan ng Umrah

52

Pamamaraan ng Hajj

54

Aralin 1

MgA KAtegoriyAng LegAL


Ang lahat ng mga bagay ay nahahati sa dalawang kategoriya o uri: ang mga
pinahihintulutan, na kilala bilang Halal, at ang mga ipinagbabawal, kilala
bilang Haram. Walang anumang bagay na hindi napapaloob sa alinman sa
dalawang mga uri nito.

HALAL
Ang kategoriya ng Halal (pinahihintulutan) ay lalo pang hinati
sa apat na mga bahagi na batay sa pamamaraan na ginawang
ipinahihintulutan.

WAjib o FArd
Ang mga gawa na itinuturing na Wajib (tungkulin) ay kinakailangang gawin.
Kapag ito ay ginawa, makatatanggap ng biyaya mula sa Allah, at kapag
ito ay hindi ginawa (na sinasadya), siya ay nakagawa ng isang kasalanan
at parurusahan. Papaano natin malalaman na ang isang gawa ay Wajib?
Kapag ang Allah at ang Kanyang Sugo ay nag-utos sa atin na gumawa ng
isang bagay na walang anumang pagliliban, ito ay itinuturing na Wajib. Ang
patunay nito ay ang nasa pangungusap ng Allah sa Quran:





Anuman ang iutos sa inyo ng Sugo, gawin ito, at anuman ang
ipagbawal sa inyo, iwanan ito!.. Quran 59:7
Ang Quran ay nag-utos sa atin na sambahin ang Allah na walang
pagtatambal, magtatag ng Salah at magbayad ng ating Zakah sa
Surah al-Bayyinah (98), kabanata 5:

At sila ay hindi pinag-utusan maliban lamang na sila ay sumamba


sa Allah, maging matapat sa pananampalataya sa kanya, magtatag
ng pagdarasal at magbayad ng Zakah. Ganito ang tunay na
pananampalataya. Quran 98:5
Magkagayon, Wajib na sambahin lamang ang Allah, magsagawa ng ating
limang beses na pagdarasal at magbigay ng ating taunang Zakah para sa
mahihirap. Kung gagawin natin ito, malaking biyaya ang ipagkakaloob sa
atin ng Allah, subalit kung tayo ay sasamba sa iba o anuman maliban sa
Allah, pabayaan ang ating pagdarasal o tumanggi sa pagbabayad ng ating
Zakah, tayo ay parurusahan. Ang Propeta ay nag-utos sa atin sa pagsasabi
na:
Kayong lahat ay magdasal katulad nang pagkakita ninyo sa akin na
magdasal. Bukhari
Magkagayon, Wajib sa lahat ng mga Muslim na magdasal (Salah) na
kahalintulad ng pagdarasal ng huling Propeta. Kung gagawin natin ito,
makakukuha tayo ng kumpletong biyaya ng Salah, subalit kapag alam
natin ang tamang pamamaraan at nagdasal ng ibang pamamaraan, tayo ay
parurusahan ng Allah at ang ating Salah ay hindi tatanggapin.

MustAHAb
Ang mga gawa na Mustahab ay isa sa mga hinihikayat ng Sugo na gawin natin.
Kapag ito ay ginawa ng isa, siya ay bibiyayaan ng Allah, subalit kapag hindi
niya ito ginawa, siya ay hindi nakagawa ng kasalanan at hindi parurusahan.
Ang mga Mustahab na bagay ay makatutulong na makasanayan natin ang
pagsunod sa Allah at sa Kanyang Propeta nang sa ganoon kapag tayo
ay binigyan ng anumang Wajib na gawain ay magiging mas magaan sa
atin itong gawin. Ito rin ay pamamaraan upang mapagtakpan natin ang
pagkakamali na nagawa sa mga obligado o Fard na mga gawain.
Paano natin malalaman na ang isang bagay ay Mustahab (hinihikayat
gawin)? Ang mga gawa na binigyang uri bilang Mustahab ay yaong mga,
a. Ang palagiang ginagawa ng Propeta.
b. Ang kanyang mga inihihikayat na gawin natin.
c. Ang kanyang mga inutos na gawin at nang nagtagal ay
pinahintulutan na hindi na gawin, o kaya ay
6

d. Ang kanyang mga ipinagbawal at nang nagtagal ay ipinagutos.


Ang ganitong mga gawa ay Mustahab. Halimbawa, ang Propeta ay
palaging nagdarasal ng 2 rakah ng mga kusang-loob bago siya magdasal
ng obligadong Salah ng Fajr, kahit na nang siya ay naglalakbay at itinigil
ang pagdarasal ng ibang mga dasal bago at matapos ang mga obligadong
mga Salah.1 Kayat maituturing na Mustahab para sa atin na magdasal ng
2 rakah na ito kung maaari. Ang Propeta ay naghikayat din sa atin na magayuno sa ilang mga araw na labas sa buwan ng Ramadhan. Halimbawa,
kanyang sinabi na kapag tayo ay nag-ayuno ng anim na araw sa buwan ng
Shawwal2 kasama ng buong buwan ng Ramadhan, tayo ay makakukuha
ng biyaya ng pag-aayuno ng buong taon.3 Gayundin ay iminungkahi niya
ang Umrah sa Ramadhan sa pagsasabi na ang isang nagsagawa nito
ay katumbas ng nagsagawa ng Hajj na kasama niya.4 Ang halimbawa ng
ikatlong uri ng gawa ng Mustahab ay ang kautusan sa pagsasagawa ng
Ghusul sa Biyernes. Mula rito ay sinabi ng Propeta na:
Ang Ghusul sa Biyernes ay kinakailangan sa bawat umabot sa
tamang gulang. Bukhari
Subalit hindi nagtagal ay kanyang sinabi,
Sinuman ang magsagawa ng ng Wudhu sa Biyernes ay pinagpala,
subalit ang pagsasagawa ng Ghusul ay higit na mabuti. Abu Dawud
At ang halimbawa ng ikaapat na uri na dating ipinagbawal na gawa at
katagalan ay ipinag-utos ay ang pagdalaw sa mga libingan. Tungkol dito,
ang Propeta ay nagsabi,
Palagi kong ipinagbabawal sa inyo ang pagdalaw sa mga libingan,
subalit ngayon ay dalawin ninyo sila, sapagkat ito ay magpapaalala
sa inyo sa kabilang buhay. Abu Dawud

1 Bukhari at Abu Dawud


2 Ang ika-10 buwan ng kalendaryong Hijri, ang buwan pagkatapos ng Ramadhan
3 Muslim at Abu Dawud
4 Abu Dawud

MubAH
Ang gawa na itinuturing na Mubah (pinahihintulutan) ay yaong mga hindi
ipinag-utos, iminungkahi, di-kanais-nais o ipinagbabawal ng Allah at
ng Kanyang Propeta. Ito ay ang mga bagay na hindi sapilitan, ang ibig
sabihin ay maaari natin itong gawin o hindi. Kapag ginawa natin ito na
walang anumang layunin na sadya, walang biyaya mula sa Allah, at kapag
hindi natin ito ginawa, walang kaparusahan. Ang ketogariya ng Mubah ay
nagdaragdag ng pagkakataon sa mga gawaing Halal at nagbibigay sa tao
ng mas maraming kalayaan ng pagpili upang nang sa gayon ay wala siyang
dahilan na makapunta sa Haram. Halimbawa ay ang sumusunod:
Si Khalid ibn al-Walid ay nag-ulat na siya ay nagtungo na kasama
ang Sugo ng Allah upang dalawin ang kanyang tiyahin na si
Maymunah, na isa sa mga asawa ng Propeta, at natagpuan na siya
ay nag-iihaw ng Dabb (animoy bayawak mula sa disyerto). Nang
ialay niya ang lutong Dabb sa Sugo ng Allah, tinanggihan niya ito,
kayat tinanong siya ni Khalid kung ito ay pinagbabawal kainin. Siya
ay sumagot, Hindi, subalit wala ito sa aming lugar at hindi ko ito
gusto. Sinabi na Khalid, Ako ay kumagat ng isang piraso, nginuya
at kinain ito habang ang Propeta ay nakamasid sa akin.
Bukhari at Muslim

Sa gayon, ang pagkain ng Dabb ay Mubah. Hindi ito nagustuhan ng Propeta


para sa kanyang sarili, subalit pinahintulutan niya para sa iba.
talakayin:
1. Ang Wajib
2. Ang Mustahab
3. Ang Mubah

Aralin 2

MAKruH
Ang mga gawa na itinuturing na Makruh (di-kanais-nais) ay ang mga
bagay na ipinaliwanag ng Allah at ng Kanyang Sugo bilang nakapandidiri
o kinasusuklaman o ang bagay na ipinagbawal ng Propeta subalit nang
nagtagal ay ginawa, upang malaman natin na ito ay hindi kasalanan, at ito
ay mga bagay na kinsusuklaman lamang. Ang kategoriya ng mga ganitong
gawain ay nagtataglay ng mga anyo ng kapahamakan. Ang kapahamakan
ay maaaring pisikal o espiritwal, gayunpaman, ang idudulot nito ay hindi
malubha upang ang mga gawa ay ipagbawal. Halimbawa, ang ama ni
Yaish ibn Tikhafah ay nagsabi:
Habang ako ay nakadapa nang kaagahan, isang lalaki ang tumapik
sa akin sa pamamagitan ng kanyang paa at nagsabi, Ganyan ang
pamamaraan ng paghiga na kinasusuklaman ng Diyos. Nang
tingnan ko siya ay nakita ko na siya ay ang Sugo ng Allah.
Bukhari at Muslim

Matapos ang masusing pananaliksik sa mga karamdaman sa gulugod


at ang mga kadahilanan nito, ang mga dalubhasa ng propesyon medikal
ay nagbigay ng kanilang mga tagubilin: Ang maling paghiga ay tiyak na
maghihikayat ng mga sakit sa likod. Gumamit ng mga matitibay na higaan.
Kumiling sa gilid na nakabaluktot ang mga tuhod. Iwasan ang paghiga
nang nakadapa, ang posisyon na nagdaragdag ng pagbaluktot ng katawan,
nagiging sanhi ng kilalang paglundo na tinatawag na sway-back.5 Kaya
ngat ang pag-iwas sa pagtulog ng nakadapa ay mangangalaga sa tao
mula sa mga pisikal na kapahamakan. Maaaring may iba pa na mga
kapahamakang pisikal gayundin sa espiritwal na lingid sa atin.
Tayo ay hinihikayat na iwasan ang mga gawaing Makruh sapagkat ang mga
ito ay nalalapit na maging pinagbabawal. Ang pag-iwas sa mga gawang
Makruh ay nagsasanay sa tao na magkaroon ng pagpipigil sa sarili upang
mapadali ang pag-iwas sa mga gawaing Haram. Kung iiwasan natin ang mga
ito, tayo ay bibiyayaan ng Allah, subalit kung gagawin natin ito ay walang
kaparusahan. Kapag ang isang tao ay nasanay sa palagiang paggawa ng
mga bagay na Makruh magiging madali sa kanya ang makagawa ng mga
ipinagbabawal na mga bagay. Kayat hanggat maaari ay iwasan natin ang
5 Time Magazine (European Edition: July 4, 1980) p. 34

mga ito.
Halimbawa, sinabi ng Propeta:
Ang sinumang naglalaro ng backgammon ay katulad ng isang
nagtitina ng kanyang kamay sa pamamagitan ng dugo ng baboy.
Muslim at Abu Dawud

Sapagkat ang pagtitina ng kamay sa pamamagitan ng dugo ng baboy ay


nakapandidiring gawa, gayundin ang paglalaro ng backgammon, kayat
iwasan natin ito at ang mga kahalintulad na mga laro nito. Kung iiwasan
natin, bibiyayaan tayo ng Allah, subalit kung magpipilit tayong maglaro nito,
maaari tayong mauwi sa paglalaro na may kasamang pusta at mahulog
sa kasalanan ng pagsusugal, na mahigpit na ipinagbabawal at may
kaparusahan dito sa mundo at sa kabilang buhay.
Isang halimbawa ng ikalawang kategoriya ay maaaring makita sa
pagbabawal ng Propeta na uminom ng nakatayo. Si Abu Hurayrah ay nagulat na ang Sugo ay nagsabi,
Walang sinuman sa inyo ang dapat na uminom na nakatayo; at
kapag may isang nakalimot, dapat niyang isuka. Muslim
Gayunpaman ay napag-alaman din na ang Propeta ay uminom ng nakatayo.
Si Ali ibn Abi Talib ay nagdasal ng pangtanghaling dasal at pagkatapos ay
umupo sa malawak na bakuran ng Masjid ng Kufah upang pakitunguhan ang
mga gawain ng mga tao hanggang sa panghapong dasal. Siya ay dinalhan
ng tubig. Ininom niya ang iba nito, nagsagawa ng Wudhu, at pagkatapos ay
tumayo at ininom ang natitirang tubig habang nakatayo at nagsabi:
Mayroong mga tao na hindi nila nais ang uminom ng tubig habang
nakatayo, subalit ginawa ito ng Propeta katulad ng pagkakagawa
ko. Bukhari

HArAM
Ang isang gawa ay naituturing na Haram (pinagbabawal) kapag ang Allah at
ang Kanyang Sugo ay pinagbawal sa atin na huwag itong gawin, na walang
anumang mga pagtutol. Kung iiwasan natin ang mga gawang ganito, tayo
ay bibiyayaan ng Allah, subalit kung gagawin natin ito, tayo ay nagkasala
10

at parurusahan.
Paano natin malalaman na ang isang bagay ay Haram? Ang isang gawa ay
maituturing na Haram kapag ang Allah o ang Propeta ay nagsabi na:
1. ito ay ipinagbabawal maaaring sa pamamagitan ng pagsasabi
na bawal o sa pagsasabi ng huwag. Halimbawa ang Propeta
ay nagsabi na:
Huwag kumain na gamit ang inyong kaliwang kamay, dahil sa
katiyakan ang Satanas ay kumakain na gamit ang kanyang kaliwang
kamay. Muslim at Abu Dawud
Ang Allah ay nagwika sa Quran:
Ipinagbabawal sa inyo na mapangasawa ay: ang inyong mga ina,
ang inyong mga anak na babae, ang inyong mga kapatid na babae,
ang mga kapatid na babae ng inyong ama, ang mga kapatid na babae
ng inyong ina... Surah an-Nisa 4:23
2. Kinakailangan nating iwasan ito nang lubusan katulad ng
binanggit ng Allah sa Quran:
...Katotohanan na ang alak, pagsusugal at panghuhula ay mga dumi
mula sa mga gawa ng Satanas, kayat iwasan ito nang lubos upang
maging matagumpay. Surah al-Maidah 5:90
3. ito ay may kaparusahan sa batas ng islam (shariah). si uqbah
ibn al-Harith ay nagsabi,
Si an-Numan o ang kanyang anak ay dinala sa Propeta na lasing.
Nagalit ang Propeta at inutos sa mga naroon na siya ay paluin. Lahat
sila ay pumalo sa kanya na gamit ang mga tangkay ng palmera at
mga sapatos, at isa ako sa mga pumalo sa kanya. Bukhari
4. sinuman ang gumawa nito ay susunugin sa impiyerno. si Haritha
ibn Wahab ay nag-ulat na ang sugo ng Allah ay nagsabi,
...Ipababatid ko ba sa inyo ang mga tao sa Impiyerno? at ang mga
11

Kasamahan ay sumagot, Oo. Ang Propeta ay nagsabi, Ang


bawat mapagmataas, mataba (mula sa sobrang pagkain) at mga
mapagmalaki. Muslim
O di kaya ay hindi sila makapapasok sa Paraiso, katulad ng pangungusap
ng Propeta:
Ang mga mapaggawa ng balita ay hindi makapapasok sa Paraiso.
Bukhari

5. ito ay sumpa. Halimbawa, si Abu Hurayrah ay nagsabi,


Ang Sugo ng Allah ay isinumpa ang mga lalaki na nagsusuot ng
mga pambabae at mga babae na nagsusuot ng panlalaki. Abu Dawud
Iniulat din ni ibn Abi Mulaykah na mayroong nagtanong kay Aisha kung
maaaring magsuot ang babae ng panlalaking sandalyas, siya ay sumagot:
Ang Sugo ng Allah ay isinumpa ang mga babae na kumikilos-lalaki.
Ang dahilan sa likod ng mga kategoriya ng mga gawang Haram ay:
1. upang pangalagaan ang tao mula sa mga bagay na labis na
makapipinsala sa kanya sarili at sa pamayanan, maaaring
sa pisikal (katulad ng alak) o kaya ay espiritwal (katulad ng
pagmamalaki).
2. upang subukan ang pananampalataya ng isang tao at
upang malaman ang pinagkaiba sa pagitan ng mga tunay na
mananampalataya, mahihina sa pananampalataya at mga dinaniniwala.
3. upang tulungan ang tao sa kanyang kamalayan sa Allah sa
pagpilit sa kanya na umiwas mula sa ganitong mga gawa kahit
na hindi niya nadarama ang kapahamakan mula rito.
talakayin:
1. Ang Makruh
2. Ang Haram
12

Aralin 3

ZAKAH
Ang literal na kahulugan ng Zakah ay pagdami o pagdadalisay, gayunpaman,
sa Islam, ang Zakah ay tumutukoy sa isang anyo ng kawanggawa na
kinakailangang bayaran sa tiyak na halaga ng kayamanan. Ang ganitong
uri ng kawanggawa ay tinatawag na Zakah sapagkat ang mga biyaya sa
natitirang mga kayamanan ay dinaragdagan ng Allah kahit na ang dami nito
ay nabawasan. Winika ng Allah sa Quran:
Pagkakaitan ng Allah ng biyaya ang pagpapatubo (Riba), subalit
daragdagan Niya ang biyaya ng kawanggawa (Sadaqah). At hindi
nais ng Allah ang sinumang nagkakasala na di-mananampalataya.
Surah al-Baqarah 2:276

Ang Propeta Muhammad ay nagsabi:


Sinuman sa inyo ang nagbibigay ng kawanggawa mula kanilang
mga pinaghirapang kayamanan at ang Allah ay tumatanggap lamang
mula sa mabubuti. Ang Allah, ang Pinakamahabagin, ay kukunin ito
mula sa Kanyang kanang kamay. At kung ito ay isang piraso lamang
ng tamar, ito ay lalago sa palad ng Pinakamahabagin hanggang sa
ito maging sinlaki ng isang bundok, kahalintulad ng isa sa inyo na
nagpapalaki ng kanyang guya o batang kamelyo.
Iniulat ni Abu Hurayrah at tinipon ni Bukhari

Pag-uuri
Ang Zakah ay itinuturing na isang Wajib (ang kinakailangang tungkulin) sa
lahat ng mga Muslim na nakakamit niya ang mga itinakdang kondisyon sa
pagbabayad nito. Ang patunay na ito ay Wajib ay matatagpuan sa parehong
Quran at Sunnah. Sa Quran ay winika ng Allah:



...
...at magbigay ng Zakah. Surah al-Baqarah 2:43
13

Sa Sunnah, sinabi ng Propeta kay Muadh ibn Jabal:


Ituro mo sa kanila (mga mamamayan ng Yemen) na ginawa ng Allah
ang Sadaqah (kawanggawa) na tungkulin para sa kanila. Ito ay dapat
kunin sa mga mayayaman mula sa kanila at ibigay sa mga mahihirap
sa kanila. Iniulat ni Ibn Abbas at tinipon ni Bukhari
Kahalagahan
Ang simulain ng Zakah ay napakalaki ang kahalagahan sa sistema ng Islam
at ang mga sumusunod na mga puntos ay ilan lamang sa napakarami na
maaari nating banggitin upang ipakita ang kahalagahan ng Zakah.
1. Ang Zakah ay itinuturing na pangatlong pinakamahalagang
haligi ng islam. inilista ng Propeta ang mga limang haligi ng
islam kagaya ng sumusunod:
Ang Islam ay itinatag sa lima: Ang pagpapahayag na walang ibang
diyos maliban sa Allah at si Muhammad ay Kanyang alipin at Sugo;
pagtatatag ng Salah; pagbabayad ng Zakah; pag-aayuno sa buwan
ng Ramadhan; at ang paglalakbay sa Hajj sa Tahanan (Kabah) kung
ang isa ay may kakayahan. Bukhari at Muslim
Dapat din nating tandaan na sa tuwing magbabanggit ang Allah ng kautusan
na magsagawa ng Salah, palagi Niyang isinasama ang utos sa pagbabayad
ng Zakah. Halimbawa:



At sila ay hindi pinag-utusan maliban lamang na sila ay sumamba
sa Allah, maging matapat sa pananampalataya sa kanya, magtatag
ng pagdarasal at magbayad ng Zakah. Ganito ang tunay na
pananampalataya. Quran 98:5
2. Ang Zakah ay napakahalaga sa islam na kapag ang sinumang
Muslim ang magsabi na ang Zakah ay hindi kinakailangang
tungkulin sa islam ay maaari siyang parusahan ng gobyerno
14

kung hindi siya magsisisi at bawiin kung ano ang kanyang


sinabi. Ang batas na ito ay batas sa pinagkaisahang kasunduan
(ijma) ng mga sahaba upang labanan ang mga Muslim na
tumatangging magbayad ng kanilang Zakah matapos ang
pagpanaw ni Propeta Muhammad.
3. Ang pangangalaga ng gobyerno para sa mahihina at mahihirap
ay nakasalalay sa pangangalap ng Zakah. Ang pondo ng bayt
al-Mal (ang sentrong ingat-yaman ng gobyernong islamiko) ay
kalimitang nagmumula sa pangangalap ng Zakah. At mula sa
mga pondo na ito na ang gobyernong islamiko ay nangangalaga
sa mga pangangailangan ng mga mahihirap ng kasapi ng
pamayanan. noong mga unang panahon, ang gobyerno ay
pinapatnugutan ng mga mayayaman at ang mga buwis na nakalap
nila mula sa mahihirap at mga manggagawa ay napupunta sa
mga bulsa ng mga pinuno. Magkagayon, sa sistema ng islam
ito ay ang kabaligtaran lamang. Ang salapi ay kinakalap mula sa
mga mayayaman at ibinibigay sa mga mahihina at mahihirap na
kasapi ng lipunan.
4. Pinananatili rin ng Zakah ang pag-ikot ng kayaman sa lipunan
na nagbubunga ng pag-unlad ng mga hanapbuhay at ang
pagdagdag ng bilang ng mga trabaho na mapagkukunan. Kung
ang kayamanan ay kukunin sa pag-ikot nito mula sa panininggal,
mas maraming Zakah ang kinakailangang bayaran dito kaysa sa
ito ay ipinuhunan. sa gayon, ang mga mayayaman ay mapipilitan
na panatilihin ang kanilang mga kayamanan na gamitin para sa
kanila, gayundin para sa lipunan, upang mapangalagaan ito
mula sa pagkaubos sa pamamagitan ng Zakah.
Layunin
Ang Zakah ay isang anyo ng pagsamba na mayroon, bilang pangunahing
layunin nito, na espiritwal na pag-unlad katulad ng katayuan ng Salah, Sawm
atbp. Magkagayon, hindi natin dapat itong tingnan bilang isang tungkuling
pang-ekonomiya lamang. Ang espiritwal na layunin ng Zakah ay naitala sa
mga sumusunod na talata ng Quran:
15




Kumuha ng Sadaqah mula sa kanilang mga kayamanan upang
dalisayin sila at pagyamanin... Surah at-Tawbah 9:103
Ang kayamanan na ibinibigay ng mayaman ay nakatutulong sa kanila upang
linisin ang kanilang mga puso mula sa pagiging gahaman, kakuriputan at
ang labis na pagkahumaling sa mga kaligayahan sa mundong ito. Sinasanay
din sila na maging mapagbigay mula sa mga kayamanan na ipinagkaloob
ng Allah sa kanila, na siyang nag-aambag sa kanilang espiritwal na pagunlad. Gayundin, ang mga kayamanan na ibinibigay sa mahihirap at mga
kapus-palad na mga kasapi ng lipunan ay nakatutulong na iwasto ang
kanilang mga puso sa pamamagitan ng pagtanggal ng ibang mga likas na
pagka-inggit at galit na kinikimkin nila para sa mayayaman.
Mga Kalagayan
Upang ang Zakah ay maging Wajib, ang mga sumusunod na apat na
kalagayan ay kinakailangang makamit.
1. Ang isa ay dapat na matinong Muslim na nasa hustong gulang.
Walang tungkulin sa mga hindi Muslim sa pagbabayad ng Zakah
kahit na sila pa ay maaaring isa sa mga makatatanggap nito.
sapagkat ang Zakah ay isang uri ng pagsamba, kinakailangan
na ito ay may kalakip na tamang paniniwala sa Allah upang
matanggap. Ang kinakailangan sa mga hindi Muslim ay ang
pagtanggap ng islam. At para sa mga wala sa tamang pag-iisip
at mga bata, ay walang tungkulin, sapagkat hindi sila itinuturing
na may pananagutan sa kanilang mga gawa dahil sa kakulangan
ng kanilang pag-iisip. sinabi ng Propeta ang batas tungkol dito
sa mga sumusunod niyang pangungusap:
Ang panulat (na nagtatala ng mga gawa) ay nakataas mula sa aklat
(ng mga gawa) para sa tatlong mga tao. Ang isang bata hanggat
marating niya ang pagbibinata, ang natutulog hanggat sa siya ay
magising at ang wala sa tamang pag-iisip hanggat sa bumalik siya
sa katinuan. Iniulat ni Aisha at tinipon ni Abu Dawud, Tirmidhi at Ibn Majah
2. Ang isa ay dapat na nagtataglay ng salapi o kayamanan nang higit
o mas marami sa kanyang mga pangunahing pangangailangan.
16

Kung ang isa ay may mga natirang salapi matapos niyang


punan ang kanyang mga pangunahing mga pangangailangan
katulad ng mga pagkain, kasuutan, tirahan, sasakyan, atbp.,
gayundin ang pangangailangan ng kanyang pamilya, ang
sumobrang kayamanan ay nagiging karapat-dapat na bawasan
ng Zakah.
3. Ang isa ay dapat na mayroong sumobrang kayamanan na higit
sa pinakamababang hangganan ng kataliwasan (nisab), ang
pinakamababang halaga ng kayamanan na kung saan ang
pagbabayad ng Zakah ay kinakailangan. si Abu said ay nagulat na ang sugo ng Allah ay nagsabi:
Walang Zakah ang nararapat sa mga pag-aari na ang halaga ay mas
mababa pa sa limang Uqiyahs ng pilak (400 na gramo), o mas kaunti
sa limang kamelyo, at sa mas kaunti pa sa limang Wasqs (1000 na
kilogramo) ng mga pagkaing butil. Bukhari
Sinuman ang hindi nagtataglay ng mga sumobrang kayamanan mula
sa mga nabanggit na Nisab ay maituturing na mahirap at maituturing na
nararapat makatanggap ng Zakah.
4. Ang isa ay dapat na magtaglay ng mga sobrang kayamanan ng
higit sa nisab sa loob ng isang taon (kalendaryong lunar) bago
siya kailanganing magbayad ng Zakah. si ibn umar ay nag-ulat
na ang sugo ng Allah ay nagsabi:
Sinuman ang magkamit ng kayamanan ay hindi obligadong
magbayad ng Zakah hanggat hindi lumilipas ang isang
taon. Tirmidhi at Ibn Majah
Para sa kaukulang kinita mula sa mga pananim, ang Zakah na kilala bilang
Ushr (1/10) ay ibinabayad sa panahon ng pag-aani kapag ito ay humigit sa
Nisab, maging ang isang taon ay lumipas man o hindi. Winika ng Allah sa
Quran:




17

Siya ang nagpapatubo ng mga hardin na ginamitan ng balag


at hindi ginamitan ng balag, mga palmera at bunga na ibat ibang
hugis at lasa, mga oliba at granada, magkakatulad (sa uri) at
magkakaiba (sa lasa). Kainin ang mga prutas na ito sa kanilang
kapanahunan, subalit bayaran ang nararapat sa panahon ng pagaani... Surah al-Anam 6:141
talakayin:
1. Pag-uuri ng Zakah
2. Kahalagahan ng Zakah
3. Layunin ng Zakah
4. Mga Kalagayan upang ang Zakah ay maging wajib.

18

Aralin 4

nisAb At HALAgA ng ZAKAH


Ang Nisab sa ibat ibang anyo ng kayamanan ay nagkakaiba kayat
nagkakaiba rin ang halaga ng Zakah. Ang halaga ng Zakah ay ang
kasalukuyang dami na kinakailangang bayaran kapag umabot sa Nisab.
Ang Propeta sa sarili niya ang nagtakda ng parehong mga Nisab at mga
halaga ng Zakah.
Zakah sa ginto
Kapag ang dami ng ginto na nasa pag-aari sa loob ng isang taon ay umabot
ng 20 mithqal (isang mithqal ay katumbas ng 4.25 na gramo), o 85 na gramo
ng ginto, ang halaga ng Zakat na dapat bayaran ay 2.5%.
Zakah sa Pilak
2.5% din ang nararapat na bayaran sa pilak kapag ang dami nito ay umabot
sa 595 na gramo at napanatili sa pag-aari sa loob ng isang taon.
Pinahihintulutan sa kababaihan na magsuot ng mga alahas ginto at pilak,
subalit ito ay nasasakop ng Zakah kapag umabot sa Nisab at napanatili sa
kanyang pag-aari sa loob ng isang taon.
Zakah sa Pananalapi
Ang mga pananalapi ay sakop din ng Zakah at ang halagang babayaran ay
2.5% kapag umabot sa Nisab
Zakah sa Hayupan
Ang hayupan ay sakop ng Zakah kapag ang mga ito ay malayang nanginain
sa loob ng isang taon o halos buong taon, kapag ito ay umabot sa nisab.

19

nisab ng tupa o Kambing

MuLA

HAnggAng

ZAKAH

40
121
201

120
200
pataas

1
2
3

Pagkatapos nito, isang kambing/tupa sa bawat 100 kambing/


tupa.
nisab ng baka

MuLA

HAnggAng

ZAKAH

30
40
60

39
59
pataas

1 na guya
1 na dalawang-taong gulang
2 na guya

Pagkatapos nito, isang guya sa bawat 30 baka at 1 dalawang-taong gulang


na baka sa bawat 40 mga baka.
nisab ng Kamelyo

20

MuLA

HAnggAng

ZAKAH

5
10
15
20
25
36
46
61
76
91
121

9
14
19
24
35
45
60
75
90
120
pataas

1 na tupa
2 na tupa
3 na tupa
4 na tupa
1 na isang-taong babaeng kamelyo
1 na dalawang-taong ginagatasang kamelyo
1 na tatlong-taong babaeng kamelyo
1 na apat-na-taong babaeng kamelyo
2 na dalawang-taong ginagatasang kamelyo
2 na tatlong-taong babaeng kamelyo
3 na dalawang-taong ginagatasang kamelyo

Pagkatapos nito, isang dalawang-taong babaeng kamelyo sa bawat 40


na mga kamelyo at isang tatlong-taong babaeng kamelyo sa bawat 50 na
mga kamelyo.
Kapag ang may-ari ang nagbibigay ng pagkain sa kanyang hayupan sa
pagbili o pagkakalap ng kanilang mga pagkain, magkagayon ay walang
Zakah na dapat ibayad sa mga ito, subalit kapag ang mga ito ay inaalagaan
para ipagbili, ang halagang 2.5% ay nararapat na ibayad sa mga ito. Ang
mga babaeng hayop lamang ang dapat bigyan ng Zakah.
Ang pagbibigay ng lalaking hayop para sa Zakah ay pinahihintulutan lamang
sa katayuan ng mga kinapon na toro. Isang dalawang-taong gulang na toro
kapalit ng isang dalawang-taong gulang na baka, kapag ang hayupan ay
nagkataon na binubuo lamang ng mga lalaking hayop.
Zakah sa Pananim
Ang mga pinatubong butil ay sakop ng Zakah, gayundin ang bawat
nasusukat at naiimbak na mga prutas, katulad ng mga pinatuyong prutas.
Ang nisab ng mga ganitong prutas ay humigit sa 612 kilogramo. Ang ibang
mga uri ng prutas ay maaaring pagsamahin upang makabuo ng nisab
(halimbawa ay ibat ibang uri ng pasas o dates).
Halaga ng Zakah sa mga butil at Prutas
Isang-kapulo (1/10) bahagi ng ani mula sa patubig ng ulan.
Kalahati (1/2) ng isang-kapulo (1/10) bahagi ng ani mula sa patubig ng
balon, makina, o ang mga kahalintulad.
Isang-katlo (1/3) ng isang-kapulo (1/10) bahagi ng ani mula sa pinag-anib
na patubig mula sa ulan at mga balon o poso.
Kapag ang mga butil ay handa nang anihin at ang prutas ay hinog na, ang
Zakah ay dapat nang bayaran.
Zakah ng rikaz (mamahaling metal o mineral)
Ang Rikaz na nakabaon sa lupa, isang-kalima (1/5) ng nahukay ay dapat
ibigay na Zakah, maging anuman ang dami nito. Dapat itong ipamigay sa
mahihirap at mga nangangailangang mga tao. Ang nakakita ay magtataglay
21

ng apat na-kalima (4/5) ng nahukay.


Zakah ng Kalakalan
Ang mga kalakal at paninda ay kasama kung anuman ang inihanda para sa
pagpapalitan at pangangalakal upang kumita, maging ito ay mga paupahang
ari-arian, hayop, pagkain, makinarya, o ang mga kahalintulad.
Kung ang ganitong mga kalakal ay umabot sa nisab at napanatili sa pagaari sa loob ng isang taon, dapat alamin ang halaga nito at ang 2.5% ay
kinakailangang ibigay. Pinahihintulutan na magbigay ng 2.5% Zakah ng
uri nito. Kapag ang mga nabanggit ay hindi itinabi para sa pangangalakal,
walang Zakah na dapat ibawas dito.
Si Shaikh Bin Baz, kahabagan nawa siya ng Allah, ay nagsabi na kasama rito
ay mga ari-arian na ginagamit pang-komersiyo, mga gusali, sasakyan, mga
makinarya, at iba pang mga bagay na ipinagbibili. Karagdagan ay kanyang
sinabi, At para sa mga ari-arian na pinauupahan at hindi ipinagbibili, ay sa
kita lamang magbabayad ng Zakah kapag ito ay napanatili ng isang taon,
at hindi sa halaga ng ari-arian, sapagkat ito ay hindi ipinagbibili. Gayundin,
ang mga pribado at mga pang-serbisyong mga sasakyan ay di-kasama
kung ang mga ito ay gamit pansarili. Kung ang may-ari ng pampasaherong
sasakyan ay kumita na umabot sa nisab, kinakailangan siyang magbayad
ng Zakah mula sa kinita kapag ito ay napanatili niya sa loob ng isang taon,
maging ito man ay itinabi niya sa anumang kadahilanan.
Gayundin, ang mga salapi na itinabi bilang laang-gugol sa mga naulila,
nasiraan ng bait o mga mahihinang tao, ang Zakah ay nararapat dito kapag
umabot sa nisab at napanatili sa loob ng isang taon. Ang tagapangalaga
nito ay dapat magbayad ng Zakah nito para sa kanila.
talakayin:
1. Nisab at halaga ng Zakah ng hayupan
2. Nisab at halaga ng Zakah ng pananim

22

Aralin 5

PAMAMAHAgi ng ZAKAH
Malinaw na tinukoy ng Allah sa Quran yaong mga karapat-dapat na
tumanggap ng Zakah. Siya ay nagwika:




Sa katotohanan, ang pamamahagi ng Zakah ay para lamang sa mga
nangangailangan, mga dukha, ang tagapangasiwa ng Zakah, mga
taong ang mga puso ay upang malapit sa Islam, pagpapalaya ng mga
alipin, pagtulong sa mga may-utang, para sa landas ng Allah at para
sa mga naglalakbay. Ito ay isang tungkulin na iniatas ng Allah, at ang
Allah ang nakababatid ang Maalam sa lahat. Surah at-Tawbah 9:60
Magkagayon, ang pamamahagi ay hindi lamang inihahabilin sa pamahalaan.
Ang tungkulin ng pamahalaan ay ang tipunin ang Zakah, hanapin yaong
mga higit na nangangailangan na mula sa mga kategoriya na tinukoy ng
Allah, at ipamahagi ang Zakah sa kanila. Ang mga sumusunod ay maikling
paliwanag sa bawat kategoriya ng mga karapat-dapat na tumanggap ng
Zakah.
1. Ang nangangailangan (al-Fuqara)
Ang isang tao ay itinuturing na Faqir (nangangailangan) kapag kinakailangan
siyang umasa sa iba para sa kanyang pang-araw-araw na pagkain. Kasama
rito ang mga walang-kakayahan na tao na nangangailangan ng tulong sa
pananalapi at pakikipagtulungan mula sa iba, maging ito ay pansamantala o
pangmatagalan. Sa gayon, ang Zakah ay maaaring gugulin upang tulungan
ang mga maysakit, naulila, balong babae, matatanda, mga walang hanapbuhay at yaong mga nasalanta ng mga kalamidad. Sila ay maaaring bigyan
ng pansamantala o pangmatagalang mga panustos sang-ayon sa kanilang
pangangailangan, at maaaring magpatayo ng tahanan at umupa ng tao
upang tumingin sa kanila.

23

2. Ang dukha (al-Masakin)


Ipinaliwanag ng Propeta ang kahulugan ng kategoriyang ito bilang:
Siya na hindi kumikita nang sapat para sa kanyang mga
pangangailangan, subalit ni hindi nakikilala bilang mahirap o di kaya
siya ay namamalimos, ay isang dukha. Bukhari at Muslim
Mula sa hadith na ito ay maaari nating mahinuha na ang dukha ay yaong
mga labis ang hirap, subalit dahil sa kanilang paggalang sa sarili ay hindi
sila namamalimos o di kaya ay humihingi ng tulong mula sa iba. Ang
pamahalaang Islamiko o pamayanan ay obligado na alamin ang ganitong
mga tao sa pamamagitan ng maingat na imbestigasyon upang makita na
ang kanilang mga pangangailangan ay nakamit.
3. Ang tagapangasiwa ng Zakah (al-Amilina alayha)
Ito ay tumutukoy sa mga opisyal na ahente na itinalaga ng pamahalaang
Islamiko o pamayanan upang tipunin at ipamahagi ang Zakah, gayundin
sa pagpapanatili ng Zakah ng komunidad. Ang kanilang mga sahod ay
mula sa mga Zakah, maging ito man ay nasa nisab o hindi. Si Abu Humayd
as-Saidi ay nag-ulat na ang Sugo ng Allah ay nagtalaga ng isang tao na
nagngangalang Litbiyah mula sa tribu ng Asd upang manguha ng Zakah
mula sa tribu ng Sulaym, at nang siya ay nagbalik, siya ay binayaran niya.6
4. upang mapalapit ang kanilang mga puso (al-Muallafah qulubuhum)
Ang katawagang ito ay may kaugnayan sa mga taong ang kanilang mga
puso ay maaaring mapalapit sa Islam sa pamamagitan ng mga materyal
na pabuya dahil na rin sa katotohanan na sila ay nangangailangan nito.
Halimbawa, maaaring sila ay mga hindi Muslim o di kaya ay mga bagong
yakap sa Islam na ang kanilang pananalig sa Islam ay hindi pa ganoon
kalakas upang sila ay hikayatin na maglingkod para sa kapakanan ng Islam
at ng pamayanang Islamiko. Kaugalian ng Propeta na hikayatin yaong mga
may pagkawili sa Islam sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga
bahagi sa mga labi mula sa digmaan sa pag-asa na sila ay tumanggap ng
Islam at sa katagalan ay mauunawaan at isasabuhay nila ang mga espiritwal
na simulain na kaakibat nito. Pagkatapos ng digmaan ng Hunayn (630 CE)
ang Propeta ay nagbigay ng halos lahat ng mga labi sa mga hindi Muslim
na taga Makkah na nakipag-anib ng lakas sa mga Muslim. Nang tanungin
24

6 Bukhari

siya ng kanyang mga kasamahan siya ay sumagot:


Nagbigay ako sa mga tao na kailan lamang ay lubos na nasa
kawalan ng paniniwala, kayat maaari ko silang mailapit sa
katotohanan. Hindi ba kayo natutuwa na ang mga taong ito ay
naghahangad ng kayamanan samantalang kayo ay nagbabalik sa
inyong mga lugar na kasama ang Sugo ng Allah?
Iniulat ni Anas at tinipon ni Muslim.

Ang ganitong mga tao ay maaari ding bigyan ng salapi mula sa Zakah kahit
pa sila ay may kakayahan.
5. Pagpapalaya ng alipin (Fi ar-riqab)
Ang Zakah ay maaari rin gamitin sa pagpapalaya ng mga Muslim na bilanggo
ng digmaan, o di kaya ay alipin sa lipunan na pinahihintulutan ang pangaalipin. Kung sa pagkakataon na walang mga bilanggo ng digmaan o di
kaya ay mga alipin, ang kategoriyang ito ay maaaring ipagpaliban hanggat
sa ang pagkakataon ay dumating.
6. Mga may utang (al-gharimun)
Ang kategoriyang ito ay tumutukoy sa mga taong nabaon sa utang
na wala na silang magawang paraan upang makaipon ng pambayad
sa kanilang mga utang. Ang pondo ng Zakah ay maaaring gamitin
upang tulungan silang makaahon mula sa pagkakautang, maging
sila ay naghahanap-buhay, o di kaya ay walang hanap-buhay dahil
sa kakulangan ng mga mapapasukan o kaya naman ay mayroong
mga kapansanan.
7. Para sa landas ng Allah (Fi sabilillah)
Sa pariralang para sa landas ng Allah ay magagamit nang higit sa lahat sa
Jihad (pakikipaglaban sa mga puwersa ng di-paniniwala) at kasama lahat
ng pagpupunyagi ng gawa ng mga Muslim upang itaguyod ang Islamikong
katiwasayan sa mga lugar na hindi sistemang Islamiko ang pinatatakbo.
Ang kategoriyang ito ay ginawa ring pangkalahatan ng mga iskolar na
isama ang lahat ng pagsisikap upang maipalaganap ang mensahe ng Islam
(Dawah), kayat kasama rin dito ang pagpapalimbag ng mga literaturang
Islamiko at iba pa.
25

Ang mga nagsasagawa ng Hajj sa Makkah na nawalan ng kakayahan


dahil sa mga hindi inaasahang sakuna, gayundin ang mga mag-aaral
na naghahanap ng kaalamang panrelihiyon, ay maaaring ibilang sa
kategoriyang ito. Pareho silang may karapatan na makatanggap ng tulong
mula sa Zakah sang-ayon sa kanilang mga pangangailangan.
8. Manlalakbay (ibn as-sabil)
Ito ay naaangkop sa mga manlalakbay na nawalan ng kakayahan dahil sa
kakulangan ng salapi o mga pangyayari na hindi inaasahan. Ang ganitong
mga tao ay maaari ring bigyan ng tulong mula sa Zakah upang mapagpatuloy
niya ang kanyang paglalakbay, maging siya man ay mayroong salapi sa
kanyang tahanan o wala. Ang simulain na ito ay maaari ring palawakin sa
pagsasama ng halaga ng tuluyan para sa mga manlalakbay.
talakayin:
1. Mga karapat-dapat tumanggap ng Zakah

26

Aralin 6

ZAKAH AL-Fitr
Ang Zakah al-Fitr ay madalas na tinutukoy bilang Sadaqah al-Fitr. Ang
salitang Fitr ay singkahulugan ng Iftar, pagkain matapos mag-ayuno, at
parehong nagmula ang mga ito sa salitang ugat na Futur na ang kahulugan
ay pagkain matapos ang pag-aayuno. Magkagayon, sa punto ng Islam,
ang Zakah al-Fitr ay ang pangalan na ibinigay sa kawanggawa na ibinahagi
sa katapusan ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan.
Pag-uuri
Ang Sadaqah al-Fitr ay isang tungkulin na Wajib (obligado) sa bawat
Muslim, babae man o lalaki, bata o matanda, hanggat sa siya ay may
kakayahan na magbigay. Ang patunay na ang ganito anyo ng kawanggawa
ay kinakailangan ay matatagpuan mula sa Sunnah kung saan ay inulat ni
Ibn Umar na ang Propeta ay ginawang obligado ang Zakah al-Fitr sa bawat
alipin, malayang tao, lalaki, babae, bata at matanda sa mga Muslim; isang
Sa (dalawang salok ng mga kamay) ng pinatuyong dates o isang Sa ng
barley.7 Ang pinuno ng tahanan ay maaaring bayaran ang kinakailangang
halaga para sa ibang kapamilya. Si Abu Said al-Khudri ay nagsabi:
Para sa ating mga anak at magulang, malalayang mga tao at mga
alipin, palagi nating kinukuha, noong kapanahunan ng Sugo ng
Allah, isang Sa ng butil, keso o pasas. Muslim
Kahalagahan
Ang mahalagang papel na ginampanan ng Zakah sa pagpapalibot ng
kayamanan sa loob ng pamayanang Islamiko ay ginampanan din ng
Sadaqah al-Fitr. Subalit, sa katayuan ng Sadaqah al-Fitr, ang bawat isa ay
kinakailangang magbilang kung gaano karami ang dapat niyang bayaran
para sa kanyang sarili at sa kanyang mga nasasakupan at magpunta sa mga
komunidad upang hanapin ang mga nararapat sa ganitong kawanggawa. Sa
gayon, ang Sadaqah al-Fitr ay ginagampanan ang isang napakahalagang
papel sa pag-unlad ng mga ugnayan ng komunidad. Ang mga mayayaman
7 Bukhari, Muslim at Abu Dawud

27

ay obligadong puntahan ng harapan ang mga mahihirap, at ang mga


mahihirap ay haharapin ang mga labis na mahihirap. Ang pagkikita ng
ibat ibang antas ng pamayanan ay tumutulong na itaguyod ang tunay na
pagkakabuklod ng pagkakapatiran at pagmamahalan sa loob ng Islamikong
komunidad at sinasanay yaong mga mayroon upang maging mapagbigay
sa mga kinakapos.
Layunin
Ang pinaka layunin ng Zakah al-Fitr ay upang mapunuan ng mga nag-ayuno
ang kanilang mga pagkukulang habang nasa buwan ng pag-aayuno. Ang
Zakah al-Fitr ay nagkakaloob din sa mga mahihirap ng mga pamamaraan
na kung papaano nila ipagdiriwang ang pista ng pagputol ng pag-aayuno
(Eid al-Fitr) na kasabay ng lahat ng mga Muslim. Si Ibn Abbas ay nag-ulat:
Ginawa ng Propeta ang Zakah al-Fitr bilang obligado upang ang
mga nag-ayuno ay maaaring madalisay mula sa kanilang mga
walang-saysay na mga gawa at mga usapang nakahihiya (na nagawa
sa buwan ng Ramadhan) at upang ang mga mahihirap ay mapakain.
Sinuman ang magbigay nito bago ang Salah ay matatanggap ito
bilang Zakah, samantala siya na nagbigay nito pagkatapos ng Salah
ay nakapagbigay ng Sadaqah. Tinipon ni Abu Dawud at Ibn Majah
Samakatuwid, ang layunin ng Sadaqah al-Fitr ay ang espiritwal na pagunlad ng mga mananampalataya. Sa pamamagitan ng pamamahagi ng ilan
sa kanilang mga kayamanan, ang mga mananampalataya ay tinuturuan
na magkaroon ng mataas na katangiang moral ng pagiging mapagbigay,
simpatiya, pasasalamat sa Diyos at pagiging matuwid. Subalit, dahil sa ang
Islam ay hindi pinababayaan ang materyal na mga pangangailangan ng
tao, bahagi sa layunin ng Zakah al-Fitr ay ang kabutihang pang-ekonomiya
ng mga mahihirap na kasapi ng pamayanan.
Mga Kalagayan
Ang Zakah al-Fitr ay Wajib lamang sa mga partikular na panahon. Kung
nakalimutan ng isa ang panahon ng pagbibigay nito na walang mahusay na
dahilan, siya ay nagkasala at hindi ito maaaring mapunuan pa. Ang anyo ng
kawanggawang ito ay nagiging obligado mula sa pagsikat ng araw sa huling
araw ng pag-aayuno at nanatiling obligado hanggang sa bago magsimula
28

ang Salatul Eid (hal. Makalipas ang ilang sandali pagkatapos ng pagsikat
ng araw sa sumunod na araw). Gayunpaman, ito ay maaaring ibigay ng
mas maaga sa nabanggit na panahon, sapagkat marami sa mga Sahaba
ang nagbibigay ng kanilang Sadaqah al-Fitr ilang araw bago sumapit ang
Eid. Si Nafi ay nag-ulat na ang Kasamahan ng Propeta na si Umar ay
palaging nagbibigay nito sa mga magnanais na tumanggap nito at ang mga
tao ay nakasanayan nilang magbigay nito sa isa o dalawang araw bago
ang Eid.8 Si Ibn Umar ay nag-ulat na ang Propeta ay nag-utos na ibigay ito
(Zakah al-Fitr) bago pa magtungo ang mga tao sa pagdarasal ng Eid.9 At si
Ibn Abbas ay nag-ulat na ang Propeta ay nagsabi:
Sinuman ang magbigay nito bago ang Salah ay matatanggap ito
bilang Zakah, samantala siya na nagbigay nito pagkatapos ng Salah
ay nakapagbigay ng Sadaqah. Tinipon ni Abu Dawud at Ibn Majah
Magkagayon, sinuman ang makalimot na magbayad ng kanyang Zakah alFitr sa takdang oras ay nararapat na gawin ito sa lalong madaling panahon
kahit na ito pa ay hindi na kabilang sa Zakah al-Fitr.
Halaga
Ang halaga ng Zakah ay pareho sa bawat isa maging anuman ang katayun
nila sa buhay. Ang pinakamababang halaga ay isang Sa (dalawang salok)
ng pagkain, butil o mga pinatuyong mga prutas sa bawat miyembro ng
pamilya. Ang pagbibilang na ito ay batay sa iniulat ni Ibn Umar na ang
Propeta ay ginawang obligado ang Zakah al-Fitr at dapat bayaran sa
pamamagitan ng isang Sa (dalawang salok ng mga kamay) ng pinatuyong
dates o isang Sa ng barley.10 Ang Sahabi na si Abu Said al-Khudri ay
nagsabi rin, Sa kapanahunan ng Propeta, palagi kaming nagbibigay nito
(Zakah al-Fitr) bilang isa Sa ng pagkain, pinatuyong dates, barley, pasas o
mga pinatuyong keso.11
talakayin:
1. Zakah al-Fitr
2. Ang pagkalimot sa pagbayad ng Zakah al-Fitr
8
9
10
11

Bukhari, Muslim at Abu Dawud


Bukhari, Muslim at Abu Dawud
Bukhari, Muslim, Abu Dawud at Malik
Bukhari, Muslim , Abu Dawud at Malik

29

Aralin 7

sAWM o siyAM (PAg-AAyuno)


Sa literal na kahulugan ang sawm ay ang pagliban ng sarili mula sa anumang
bagay. Halimbawa, pinahiwatig sa atin ng Allah na si Maryam ay nagsabi:

...Katiyakan na ako ay namanata sa ar-Rahman (ang


Pinakamahabagin, Allah) na mag-ayuno... Surah Maryam 19:26
Ang pag-aayuno dito ay nangangahulugan na maging tahimik, na umiwas
sa pakikipag-usap. Sa punto ng Islam, ang Sawm ay nangangahulugan ng
pagliban mula sa pagkain, inumin at pakikipagtalik mula bukang-liwayway
hanggang sa paglubog ng araw.
Pag-uuri ng sawm
Ang Sawm ay Wajib (obligado) sa mga Muslim, sang-ayon sa Quran at
Sunnah, sa loob ng ikasiyam na buwan ng kalendaryong Hijri, tinatawag na
Ramadhan, bawat taon. Winika ng Allah sa Quran:


Ang Buwan ng Ramadhan kung saan inihayag ang Quran, isang
gabay sa sangkatauhan at malinaw na mga patunay para sa gabay at
sa Panuntunan (sa pagitan ng tama at mali). Kayat sinuman sa inyo
ang makatanaw (ng bagong buwan sa unang gabi ng) Ramadhan,
kinakailangan niyang mag-ayuno...
Surah al-Baqarah 2:185

Si Ibn Umar ay nag-ulat na ang Propeta ay nagsalaysay,


30

Ang Islam ay itinatag sa limang mga haligi... pag-aayuno sa


Ramadhan. Bukhari at Muslim
Si Talhah ibn Ubaydullah ay nag-ulat na may isang lalaki na magulo ang
buhok ang lumapit sa Propeta at nagsabi:
O Sugo ng Allah! Ipabatid mo sa akin kung ano ang ginawa ng Allah
na fard (obligado) sa akin na may kinalaman sa pag-aayuno. Siya
ay nagsabi; Ang buwan ng Ramadhan. Kayat siya ay nagtanong,
Mayroon pa bang iba maliban dito para sa akin? Kanyang sinabi,
Wala na, maliban na lamang sa mga ginagawa mo na mga kusangloob. Nagtanong siyang muli, Sabihin mo sa akin kung ano ang
ginawa ng Allah na fard sa akin na may kinalaman sa Zakah?
Kayat ipinabatid niya ang mga alituntunin ng Islam. At pagkatapos
ay kanyang sinabi, Sa Kanya na Siyang nagbigay karangalan sa
iyo, hindi ako magkukusang-loob na gumawa ng anumang bagay
o di kaya ay magbabawas sa anumang pamamaraan kung ano
ang ginawa ng Allah na obligado para sa akin. Ang Propeta ay
nagsabi, Siya ay magtatagumpay kung siya ay nagsasabi ng
katotohanan (o kaya, siya ay makapapasok sa Paraiso kung siya ay
makatotohanan). Bukhari
Ang pangalang ramadhan
Ang salitang Ramadhan ay nagmula sa pangngalang Ramad, na tumutukoy
sa ang init ng mga bato na nagmula sa matinding init ng araw. Ang ika
siyam na buwan ay tinawag na Ramadhan sapagkat noong ang mga Arabo
ay nagpalit ng pangalan ng mga buwan mula sa sinaunang lengguwahe,
pinangalanan nila ang mga ito sang-ayon sa mga kapanahunan kung saan
ang mga ito ay nagkataon na tumapat. Ang buwan na ito, na kalimitang
tinatawag na Natiq, ay natapat noong tag-init, ang panahon na matindi ang
kainitan.12
Ang mga kahusayan ng ramadhan
a) Ang Propeta ay naiulat na nagsabi na:
Kapag sumapit ang Ramadhan, ang mga tarangkahan ng Paraiso ay
nakabukas. Bukhari at Muslim
12 Bukhari

31

Ang buwan ng Ramadhan ay isang malaking pagkakataon para sa isang


tao na makagawa ng mga gawain na maaaring maglapit sa kanya sa
Paraiso.
b) Ang pag-aayuno sa ramadhan ay isa ring pagkakataon upang
mapagbayaran ang mga kasalanan. si Abu Hurayrah ay nag-ulat na
ang Propeta ay nagsabi:
Sinuman ang mag-ayuno sa buwan ng Ramadhan nang buong
katapatan ng pananalig at umaasa ng biyaya mula sa Allah ay
patatawarin ang kanyang mga nakalipas na mga kasalanan. Bukhari
c) Ang pag-aayuno ay nagbibigay din ng panangga mula sa kasamaan
para sa mga taong matapat na nag-aayuno. Ang sugo ng Allah ay
naiulat na nagsabi na, Ang pag-aayuno ay isang kalasag.13
d) Ang Allah ay mayroong espesyal na gantimpala na siya mismo sa
Kanyang sarili ang magkakaloob sa mga matatapat na nag-aayuno.
si Abu Hurayrah ay nag-ulat na ang Propeta ay inulat na ang Allah na
nagwika:
Ang bawat gawa nang nagmula sa angkan ni Adan ay para sa
kanilang mga sarili, maliban sa pag-aayuno. Ito ay para sa Akin,
lamang, at Ako, lamang, ang magbibigay gantimpala para rito.
Muslim

e) Marahil ang pinakadakila at pinakahigit na kakaibang kahusayan


ng ramadhan ay nakasalalay sa katotohanan na ang Quran, na
siyang panghuli at tanging hindi nabago na aklat ng banal na gabay
na nanatili dito sa mundo, ay inihayag sa kapanahunan ng buwan na
ito. Ang Allah ay nagwika:


Ang Buwan ng Ramadhan kung saan inihayag ang Quran, isang
gabay sa sangkatauhan at malinaw na mga patunay para sa gabay at
sa Panuntunan (sa pagitan ng tama at mali). Kayat sinuman sa inyo
32

13 Muslim

ang makatanaw (ng bagong buwan sa unang gabi ng) Ramadhan,


kinakailangan niyang mag-ayuno...
Surah al-Baqarah 2:185

Ang ganitong gawa ng pagpapahayag ay kumakatawan sa pinakadakilang


biyaya mula sa Makapangyarihang Allah para sa sangkatauhan, na
nalugmok sa karimlan at kamangmangan simula ng kapanahunan bago pa
ang kapahayagan. Kung wala itong pinakamataas na gawa ng pagbibigay
habag, ang nanghihinang kinang ng gabay ay maaaring maglaho nang
tuluyan at ang pang-aapi ay maaaring maghari sa lahat ng sulok ng mundo.
Ang layunin ng pag-aayuno
Ang pinakalayunin ng pag-aayuno ay ang mabuo ang taqwa (kamalayan
sa Diyos) sa mga tao, katulad ng winika ng Allah sa Surah al-Baqarah ng
Quran, talata 183, ...upang kayo ay magkaroon ng taqwa sa inyong
sarili... Ang Taqwa ay isa sa mga pinakamataas na katangiang moral na
maaaring maabot ng isang Muslim. Ito ay makakamit sa pamamagitan ng
paglagay ng panangga sa pagitan ng kanyang sarili at ang galit ng Allah,
kung ano ang ipinapahiwatig ng salitang ugat nito (hal. Taqwa ay nagmula
sa pandiwang waqa, na nangangahulugan na pangalagaan). Ito ay
makakamit sa pamamagitan ng pagiging maalalahanin sa Allah at sa lahat
ng Kanyang mga kautusan sa lahat ng pagkakataon, na nangangahulugan
ng pag-iwas sa haram (ipinagbabawal) gayundin sa makruh (di-kanaisnais) at kahit na ang halal (pinahihintulutan), kung saanman magkaroon ng
pag-aalinlangan.
Mga katayuan na kinakailangang mag-ayuno
1. Ang maging isang Muslim
2. Ang maabot ang pagbibinata/pagdadalaga.
Gayunpaman, sa maliliit na mga bata kaugalian ng mga Kasamahan ng
Propeta na hikayatin sila na mag-ayuno upang kanila itong makasanayan
sa murang gulang pa lamang.14
3. Ang maging matino
14 Muslim

33

Si Ali Ibn Abi Talib at Aishah (kalugdan nawa sila ng Allah), ay parehong
nag-ulat na ang Propeta ay nagsabi:
Ang panulat (na nagtatala ng mga gawa) ay nakataas mula sa aklat (ng
mga gawa) para sa tatlong mga tao. Ang isang bata hanggat marating niya
ang pagbibinata, ang natutulog hanggat sa siya ay magising at ang wala sa
tamang pag-iisip hanggat sa bumalik siya sa katinuan.
4. Ang maging malakas sa pangangatawan
5. Ang maging residente, hindi naglalakbay
Ang mga kababaihang may buwanang pagdurugo ay hindi na kinakailangang
magsalah o mag-ayuno. Ang pagdarasal ay hindi na kinakailangan isagawa
matapos ang pagdurugo, subalit, ang pag-aayuno ay kinakailangang
isagawa kapag natapos ang kanyang pagdurugo. Pinahintulutan ng Allah
ang mga Muslim na may karamdaman o walang kakayahang pisikal na magayuno o kaya ay ang mga naglalakbay sa kapanahunan ng Ramadhan, na
itigil ang kanilang mga pag-aayuno at gawin sa ibang mga araw ang dami
ng beses na itinigil nila ang pag-aayuno sa kapanahunan ng Ramadhan.
Winika ng Allah sa Quran:







...at sinuman ang may karamdaman o naglalakbay, para sa kanya
ay ang kapalit na bilang ng mga araw. Ninais ng Allah sa inyo
ang kagaangan at hindi ninais para sa inyo ang kahirapan; kayat
nararapat ninyong buuin ang bilang at dakilain ang Allah sa Kanyang
paggabay sa inyo, na marahil ay maaari kayong magbigay ng mga
pasasalamat. Surah al-Baqarah 2:185
talakayin:
1. Pag-aayuno
2. Ang kahusayan ng pag-aayuno
3. Ang layunin ng pag-aayuno
4. Mga katayuan na kinakailangang mag-ayuno
34

Aralin 8

Ang MgA PAKinAbAng ng PAg-AAyuno


1. Ang pag-aayuno ay nagbibigay sa isang tao ng tunay na
pakiramdam ng nagugutom at nauuhaw na makatutulong sa
kanya upang mapag-alaman ang nararanasan ng mga mahihirap.
Ang karanasan na ito ay dapat na magtanim ng isang pagnanasa
na magnais tumulong sa mga taong mahihirap sa pamamagitan
ng pagbabahagi ng pagkain o kayamanan sa kanila.
2. Kinakailangan na ang isang tao ay itigil hindi lamang ang
pagkain, pag-inom at pakikipagtalik, subalit lahat na rin ng anyo
ng pagsisinungaling (hal. Paninirang-puri, panlilibak, atbp.). ito
ay pinatunayan mula sa pangungusap ng Propeta:
Walang pangangailangan ang Allah sa pagkagutom at pagka-uhaw
ng isang tao na hindi tumitigil sa pagsasabi ng kasinungalingan
at ginagawa ang mga ito habang siya ay nag-aayuno. Iniulat ni Abu
Hurayrah at tinipon ni Bukhari at Abu Dawud

Kanya ring sinabi na:


Kapag ang isa sa inyo ay nag-aayuno, dapat niyang iwasan ang
malalaswang mga gawa at mga walang-kabuluhang salita, at kapag
ang isa ay nagsimula ng isang mahalay na usapan o di kaya ay
naghahamon ng pagtatalo, dapat lang niyang sabihin sa kanya, Ako
ay nag-aayuno. Iniulat ni Abu Hurayrah at tinipon ni Bukhari, Muslim at Abu
Dawud

Kaya, kapag ang isang tao ay nag-aayuno sang-ayon sa mga alituntuning


nabanggit, dapat nitong paghusayin ang kanyang pag-uugali, siya ay
magiging mas makatotohanan at mas maingat kung ano ang kanyang
sinasabi at ginagawa.
3. napag-alaman din ng mga dalubhasang medikal na ang
pag-aayuno ay pinaghuhusay ang pisikal na kalusugan sa
napakaraming mga pamamaraan. Halimbawa, habang nagaayuno ay ginanagamit ng katawan ang kolesterol na palaging
naka imbak sa dugo, gayundin sa ibang bahagi ng katawan na
35

may mga taba. Magkagayon, nakatutulong ito sa pagpapapanatili


ng matibay na pangangatawan at binabawasan ang panganib ng
pag-atake sa puso.
4. Ang pag-aayuno ay nagsasanay sa isang tao para sa jihad
(pakikipaglaban sa landas ng Allah) sa pamamagitan ng
pagbibigay sa kanya ng tamang pagkakataon ng pagpipigil sa
kanyang sarili. sa panahon ng digmaan ang pagnanasa ng tiyan
at pribadong bahagi ay palaging magtutulak sa mga sundalo
na makagawa ng kalabisan o kaya naman ay ang paglalagay sa
kanila sa kapahamakan.
Ang pagkakita ng buwan
Isang fard kifayah (pangkalahatang tungkulin) sa mga Muslim na magsikap
na makita ang buwan ng Ramadhan sa ika-29 ng Shaban. Mali na umasa
na lamang sa kalendaryo at iba pang astronomikal na pagbibilang upang
umpisahan ang pag-aayuno, katulad sa inutos ng Propeta:
Magsimula ng pag-aayuno sa pagkakita ng buwan at itigil ang
pag-aayuno sa parehong pagkakataon, subalit kapag ang langit
ay maulap (sa ika-29 ng Shaban), sa gayon ay ipalagay ito (sa
pamamagitan ng pagbubuo) na ang Shaban ay binubuo ng 30 mga
araw. Bukhari at Muslim
Mga uri ng pag-aayuno
1. Wajib (mga obligadong pag-aayuno)
ramadhan
Dalawamput siyam o tatlumpong mga araw ng pinagpalang buwan ng
Ramadhan sa bawat taon. Sinuman ang tumanggi na ang pag-aayuno
na ito ay wajib ay lumalabas sa panuntunan ng Islam. Ang mga araw ng
pag-aayuno na hindi naisagawa ay kinakailangangan punuan sa ibang
pagkakataon.
nadhr (Panata)
Kung ang isa ay nangako sa Allah na magsasagawa ng isang karapatdapat na pag-aayuno, kinakailangang buuin niya ang pag-aayunong ito.
36

Kaffarah (pagbabayad sa kasalanang nagawa)


Kapag ang isang tao ay kailangang mag-ayuno para sa kapatawaran
ng kanyang mga kasalanan na kanyang nagawa, siya obligado na
isagawa ang pag-aayuno na ito.
Pagpupuno
Kapag ang isang tao ay kinakailangang punuan ang isang obligadong
gawain na wala siyang kakayahang gawin (halimbawa, sampung
araw ng pag-aayuno bilang kapalit ng alay sa pagsasagawa ng Hajj),
kinakailangan niyang gawin ang pag-aayuno na ito.
2. Mustahab (mga itinatagubiling pag-aayuno)
Ashura (ang ika-10 ng Muharram)15, kasama ang ika-9 o ika-11 ng
Muharram.16
Ang pag-aayuno sa araw ng Arafah (ika-9 ng Dhul-Hijjah)
Ang ika-13, ika-14, at ika-15, o anumang 3 mga araw sa bawat
buwan ng Hijri.17
Anumang anim na mga araw sa Shawwal (ang ika-10 buwan).18
Mga Lunes at Huwebes sa anuman/bawat linggo sa taon.
Ang buwan ng Shaban (ang ika-8 buwan)19
Ang pag-aayuno ni Propeta Dawud, hal., pag-aayuno sa bawat
ibang araw.20
3. Mubah (mga pinahihintulutang pag-aayuno)
Halimbawa, mga pag-aayuno sa dahilan ng kalusugan. Gayunpaman,
ang mga gawa ay hinuhusgahan sang-ayon sa mga layunin ng gumawa.
Makakukuha ng pakinabang na pangkalusugan mula sa mga pag-aayuno
na ginawa upang ikalugod ng Allah, datapuwat hindi makakukuha ng
gantimpala ang isang tao na ang layunin niya sa pag-aayuno ay upang
maging malakas ang katawan at magbawas ng timbang.
4. Makruh (mga hindi kanais-nais na pag-aayuno)
15
16
17
18
19
20

Bukhari at Muslim
Muslim
Bukhari at Abu Dawud
Muslim
Bukhari
Bukhari

37

Wisal (tuluy-tuloy na pag-aayuno na walang Suhur o Iftar)


Ang pag-aayuno sa ika-10 ng Muharram na hindi mag-aayuno sa
ika-9 o kaya ay sa ika-11.
Ang pag-aayuno ng isang babae na walang pahintulot ng kanyang
asawa.
Pag-aayuno ng isa o dalawang araw bago magsimula ang Ramadhan
kapag ito ay ginawa upang makatiyak lamang, sa pangyayari na
maaaring ito na ang Ramadhan. Subalit, kapag mangyayari na ito
ay araw na madalas siyang nag-aayuno, katulad ng Lunes o kaya ay
Huwebes, ito ay tiyak na katanggap-tanggap.21
Ang araw-araw na pag-aayuno nang walang tigil.
Ang pag-aayuno sa araw lamang ng Sabado.22
5. Muharram (mga ipinagbabawal na pag-aayuno)
Pag-aayuno sa Jumuah (araw ng Biyernes) na hindi mag-aayuno ng
Huwebes o kaya ay Sabado.23
Pag-aayuno sa araw ng Eid al-Fitr o Eid al-Adha.24
Pag-aayuno sa mga araw ng Tashriq (ang ika-11, 12, at 13 ng Dhul
Hijjah).25
talakayin:
1. Mga pakinabang ng pag-aayuno
2. Simula ng Ramadhan
3. Mga uri ng pag-aayuno

38

21 Na hindi kasama ang Ramadhan. Bukhari at Abu Dawud


22 Abu Dawud at Bukhari
23 Bukhari at Muslim
24 Bukhari at Muslim
25 Bukhari

Aralin 9

MgA PinAHiHintuLutAng Hindi MAg-Ayuno sA


rAMAdHAn
1. Paglalakbay (safar)
Pinahihintulutan sa isang manlalakbay na itigil ang kanyang pag-aayuno
habang naglalakbay, maging siya ay nahihirapan sa kanyang paglalakbay
o hindi.26
2. Karamdaman (Maradh)
Kapag ang isa ay may karamdaman na mapapasama ng pag-aayuno, o
kaya naman ang pag-aayuno makapag-aantala ng kanyang paggaling,
ang pag-aayuno ay maaaring huwag gawin. Halimbawa, ang taong may
karamdaman na diabetes ay kinakailangang kumain tuwing makalipas ang
ilang oras upang mapanatili ang kanyang blood sugar, o kaya naman ang
may karamdaman na epilepsiya ay kinakailangang uminom ng gamot sa
karaniwang agwat ng oras upang maiwasan ang pagsumpong.27
3. Pagbubuntis (Haml)
Kapag nararamdaman ng isang babae na kung siya ay mag-aayuno, ang
bata ay maaaring mapinsala o kaya naman ay siya sa kanyang sarili ay
manganib na manghina, siya ay pinahihintulutan na huwag mag-ayuno.28
4. Pagpapasuso (ridaah)
Kapag ang inang nagpapasuso ay nakaramdam na ang pag-aayuno ay
makasasama sa bata o sa kanyang sarili, pinahihintulutan siyang huwag
mag-ayuno.
5. Kahinaan (daf) o katandaan (Kibar as-sinn)
Kapag ang isang tao ay kagagaling pa lamang mula sa karamdaman
26 Tingnan sa Quran 2:185, Sahih al-Bukhari Vol. 3 hadith bilang 164, Sahih Muslim Vol. 2 hadith bilang 2487
27 Tingnan sa Quran 2:185
28 Abu Dawud

39

at pinangangambahan na ang pag-aayuno ay maaaring maging


sanhi muli ng karamdaman, siya ay pinahihintulutan na ipagpaliban
ang pag-aayuno.
Kapag ang isang tao ay naging napakahina dahil sa kanyang
katandaan, pinahihintulutan siya na huwag mag-ayuno.29
6. jihad (Pakikipaglaban)
Kapag ang isang tao ay sasama sa jihad at pinangangambahan
na ang pag-aayuno ay magpapahina sa kanya, maaari niyang
ipagpaliban ang pag-aayuno.
Kapag ang jihad ay nagaganap, ang mga kasama rito ay
pinahihintulutan na ang pag-aayuno ay ipagpaliban.

KAFFArAH (PAgbAbAyAd sA KAsALAnAng nAgAWA)


Ang Kaffarah ay isang kaparusahan bilang isang kabayaran sa isang
kasalanan na nagawa o kaya ay para sa isang obligadong gawain na ang
isa ay walang kakayahan na ito ay gawin o kaya ay ang sinasadyang pagsira
ng pag-aayuno sa Ramadhan. Ang kaffarah sa pagsira ng pag-aayuno ng
Ramadhan ay ang mga sumusunod:
1. Kapag ang pag-aayuno sa ramadhan ay sinasadyang sinira sa
pamamagitan ng pakikipagtalik, ang kabayaran nito ay ang pagaayuno ng sunud-sunod sa loob ng dalawang buwan. Kung wala
siyang kakayahan na mag-ayuno sa loob ng animnapung araw,
kinakailangan siyang magpakain ng animnapung mahihirap o
isang tao sa loob ng animnapung mga araw.30 dapat malaman,
bagaman, na ang mga gawaing ito ay hindi makapagpupuno sa
mga nawalang araw ng pag-aayuno.31
2. Ang isang tao na naging labis ang panghihina dahil sa katandaan
o karamdaman at walang pag-asa na gumaling nang maaga at
walang kakayahan na mag-ayuno, ay kinakailangan (mula sa
shariah) na magpakain ng isang mahirap sa bawat araw na hindi

40

29 (Quran 2:184), Bukhari Vol. 6 hadith bilang 32


30 Bukhari at Muslim. Ang hadith ay tinutukoy na ang kabayarang ito ay para sa pangyayari na ang
pakikipagtalik ay nagawa sa panahon ng pag-aayuno ng Ramadhan.
31 Bukhari, Vol. 3 Kabanata 29

siya nakapag-ayuno. Maaari niya itong ibigay sa pamamagitan


ng pagkain o kaya naman ay maaari siyang magtalaga ng
isang tao na bibigyan niya ng pera upang bumili ng pagkain at
ipamahagi sa mahihirap. Ang pagpapakain ng mahirap kapalit
ng pag-aayuno ay tinatawag na fidyah (pagtutubos).
3. Ang babae na sinira ang kanyang pag-aayuno sanhi ng kanyang
buwanang regla (hayd), pagdurugo matapos manganak (nifas),
pagdadalantao, pagpapasusuo (ridaah) o ang kahalintulad ay
kinakailangan lamang na punuan ang mga araw na nasira ang
kanyang pag-aayuno bago sumapit ang susunod na ramadhan.
Ito ay sa pangkalahatang kalagayan. Kinakailangan ding malaman na
kapag ang isang babae ay nagpapasuso sa loob ng dalawang taon, maaari
niya itong ipagpaliban hanggang sa ikatlong Ramadhan kung siya rin ay
hindi nag-ayuno dahil sa kanyang pagdadalantao. At maaari ring siya ay
magdalantao muli pagkatapos ng dalawang taon ng pagpapasuso. Sa
ganitong kadahilanan, marahil, si Ibn Abbas ay nagturo sa isang babaeng
nagdadalantao na magpakain ng mahirap sa bawat araw ng Ramadhan na
hindi siya nakapag-ayuno.

MgA gAWAing PinAHiHintuLutAn HAbAng nAg-AAyuno


Paglilinis ng ngipin sa paggamit ng siwak (panglinis ng ngipin) o
ang makabagong kapalit nito, ang sepilyo, ay pinahihintulutan,
sapagkat ang Propeta ay madalas na ginagamit ang siwak habang
nag-aayuno.32 Mas mabuti na iwasan ang paggamit ng toothpaste sa
mga oras ng pag-aayuno.
Ang pagbibigay ng dugo o ang pagsuka nang hindi sinasadya ay
hindi nakasisira ng pag-aayuno.33
Ang paghalik sa asawa habang nag-aayuno ay hindi nakasisira ng
pag-aayuno, habang pinananatili ang pagiging katamtaman.34
Pagturok ng injection bilang gamot, nasal sprays o mga eye drops
ay hindi nakasisira ng pag-aayuno, sapagkat ang mga ito ay wala
sa anyo ng pagkain.35
32
33
34
35

Bukhari, Vol. 3 Kabanata 27


Bukhari, Vol. 3 Kabanata 32
Bukhari, Vol. 3 hadith bilang 150; Muslim, hadith bilang 2436
Bukhari, Vol. 3 kabanata 28

41

Pagkain o pag-inom ng hindi sinasadya o dahil nakalimutan ay hindi


nakasisira ng pag-aayuno.36
Pagligo, paglangoy, o pag-upo sa tubig upang magpalamig habang
nag-aayuno ay pinahihintulutan.37
Para sa isang tao na magmumumog ng kanyang bibig o titikim ng
pagkain o inumin na inihahanda, idudura ang lahat ng ito na hindi
lulunukin ang anuman sa pagkain o inumin, ay pinahihintulutan.38
Ang paglunok ng sariling laway ay hindi nakasisira ng pag-aayuno.39
talakayin:
1. Mga pinahihintulutang hindi mag-ayuno sa Ramadhan
2. Kaffarah
3. Mga gawaing pinahihintulutan habang nag-aayuno

42

36
37
38
39

Muslim, hadith bilang 2575


Bukhari, Vol. 3 kabanata 25
Bukhari
Bukhari

Aralin 10

MgA PAngunAHing bAgAy nA dAPAt MALAMAn sA


PAg-AAyuno
niyyah (Layunin)
Para sa obligadong pag-aayuno ng Ramadhan upang maging katanggaptanggap, ang layunin na mag-aayuno ay dapat isinagawa bago sumapit
ang Fajr sa bawat araw. Ang Propeta ay iniulat ni Hafsah na nagsabi:
Sinuman ang hindi magsagawa ng layunin na mag-aayuno bago ang
Fajr ay hindi magkakaroon ng pag-aayuno. Abu Dawud, Tirmidhi at Nasai
Katulad ng Salah, walang binabanggit na salita upang maging palatandaan
ng layunin. Ang paggising bago magbukang-liwayway upang kumain ay
isang palatandaan ng layunin sa pag-aayuno. Kahit hindi pa siya nakagising
para sa suhur, ang isaisip lamang bago matulog na siya ay mag-aayuno
kinabukasan ay sapat na.
suhur (ang pagkain bago magbukang-liwayway)
Ang pag-aayuno ay nagsisimula sa pagkain ng kaunti na tinatawag na suhur,
na ginagawa ilang sandali bago sumapit ang pagbubukang-liwayway.
Hinikayat ng Propeta ang kanyang mga tagasunod na kumain sa suhur,
kahit ito ay pag-inom lamang ng tubig. Si Anas ibn Malik ay nagsabi na ang
Propeta Muhammad ay nagsabi:
Kumain sa suhur sapagkat sa katiyakan ay mayroong pagpapala
rito. Bukhari at Muslim
Kapag narinig na ang adhan ng Fajr, ito ay nagpapahiwatig nang panimula
ng pag-aayuno at hindi dapat kumain ng anuman sa pagkakataong ito. Ang
isa na may tangan ng pagkain o inumin kapag itinawag na ang adhan,
nararapat na tapusin niya ang pagkain kung alinman ang gusto niya sa
mga ito bago niya ilapag. Iniulat ni Abu Hurayrah na ang Sugo ng Allah ay
nagsabi:
43

Kapag ang isa sa inyo ay narinig ang adhan at ang sisidlan ay


nanatiling nasa kamay, hindi niya dapat itong ilapag hanggat hindi
niya nakukuha ang gusto niya rito. Abu Dawud
iftar (ang pagtigil ng pag-aayuno)
Mahigpit na itinatagubilin na ang pagtigil ng pag-aayuno kapag sumapit na
ang Maghreb (paglubog ng araw). Ang Propeta ay nagsabi:
Ang mga tao ay mananatiling maligaya at masagana habang sila ay
nagmamadali sa pagtigil ng kanilang pag-aayuno. Bukhari, Muslim at
Abu Dawud

Itinatagubilin din na ang pag-aayuno ay itigil sa pagkain ng dates at tubig


kung mayroon. Si Anas ibn Malik ay nagsabi:
Ang Propeta ay palaging itinitigil ang kanyang pag-aayuno sa
pamamagitan pagkain ng ilang mga dates bago sumapit ang Salat
al-Maghrib. Kung ang sariwang dates ay wala, gumamit siya ng
pinatuyong dates, at kapag ang pinatuyong dates ay wala rin, maaari
niyang itigil ang kanyang pag-aayuno sa pamamagitan ng pag-inom
ng kaunting tubig. Abu Dawu at Tirmidhi
Ang Dua sa pagtitigil ng pag-aayuno
Dhahaba adh-dhamau wab-tallatil-uruqu wa thabatal-ajru in sha
Allah.
Ang uhaw ay napawi, ang mga ugat ay nabasa, at ang gantimpala ay
nakahanda, pahihintulutan ng Allah.40
Para sa pangkaraniwang dua:
Allahumma laka sumtu wa ala rizqika aftart.
O Allah, para sa Iyo ako ay nag-ayuno, at dahil sa Iyong mga panustos ay
itinigil ko ito.

44

40 Abu Dawud

salat at-tarawih (ang pagdarasal sa gabi)


Ang Tarawih sa literal na kahulugan ay pahingang sandali. At ang
pangalan na ito nang naglaong mga henersayon ay itinawag sa pagdarasal
sa gabi sa kapanahunan ng Ramadhan dahil sa mga pahinga o paghinto na
napagmasdan matapos ang bawat ikaapat na rakah. Ang katawagan na
ito ay hindi ginamit ng Propeta, ni siya ay nagsalah ng dalawampung rakah.
Sa katotohanan, tinawag niya itong Salatul Layl at nagsalah ng labing-isang
rakah, binubuo ng dalawang magkakasamang apat na mga rakah na may
kasamang tatlong rakah ng witr. Si Abu Salamah ibn Abdulrahman ay nagulat na tinanong niya si Aisha, Paano ang salah (sa gabi) ng Sugo ng Allah
sa Ramadhan? Si Aisha ay sumagot:
Ang Sugo ng Allah ay hindi kailanman lumagpas ng labing-isang
rakah sa Ramadhan o ibang mga buwan. Siya ay magsasalah ng
apat na rakah huwag mo akong tanungin sa husay ng mga ito
at ang haba pagkatapos ay apat muling mga rakah huwag mo
rin akong tanungin sa husay ng mga ito at haba pagkatapos ay
magsasalah pa siya ng tatlo. Bukhari
Ang pagsasalah na ito ay maaaring gawin nang nag-iisa sa bahay o kaya
naman ay bilang magkakasama sa masjid, sapagkat parehong ginawa ng
Propeta ang mga ito.41
Ang kahusayan ng tarawih
Ang pagsasalah sa gabi ay isang pamamaraan na makamit ang kapatawaran
ng Allah para sa mga nakalipas na kasalanan, kung ang pagdarasal ay
matapat na naisagawa. Ang Propeta ay inulat ni Abu Hurayrah na nagsabi:
Sinuman ang magsalah sa gabi sa buong buwan ng Ramadhan
ng buong katapatan at nagnanais ng biyaya mula sa Allah ay
mapatatawad ang lahat ng kanyang mga nakalipas na mga
kasalanan. Bukhari
Siya rin ang nag-ulat sa pangungusap ng Propeta:
Sinuman ang matapat na magtatag ng mga salah sa Gabi ng
Pagtatakda (Laylatul-Qadr), naghahangad ng kanyang biyaya mula
41 Bukhari, Vol. 3, p. 127-28, hadith bilang 229

45

lamang sa Allah, ay mapatatawad ang kanyang mga nakalipas na


mga kasalanan. Bukhari
Ang kakaibang gabi na ito ay isang dakilang habag at pagpapala mula sa
Allah. Ang pagsamba sa kapanahunan ng Laylatul-Qadr ay katumbas ng
humigit na 83 taon (1,000 isang libong mga buwan) ng pagsamba, katulad
ng winika ng Allah ang Pinakadakila at Pinakamahabagin:

Ang Gabi ng Pagtatakda ay nakahihigit pa sa isang libong mga


buwan. Surah al-Qadr 97:3
Hinihikayat din na gugulin ang sampung mga huling araw ng Ramadan na
nag-iisa sa masjid (Itikaf), sapagkat palagi itong ginagawa ng Propeta.
Isinalaysay ni Aisha:
Ang Propeta ay palaging nag-iisa sa masjid sa kapanahunan ng
sampung mga huling araw ng Ramadhan hanggang sa huling yugto
ng kanyang buhay, at ang kanyang mga asawa ay ipinagpatuloy ang
ganitong gawain pagkatapos niya. Bukhari at Muslim
talakayin:
1. Pagsasagawa ng layunin na mag-aayuno
2. Iftar
3. Salat at-Tarawih

46

Aralin 11

Ang HAjj At uMrAH


Ang Batas sa pagsasagawa ng Hajj.
Ang Hajj ay isa sa mga saligan ng Islam at tungkulin ng tao para sa Allah,
sinabi ng Allah sa banal na Quran:

) 97( }

(Tungkulin ng tao sa Allah ang pagsasagawa ng hajj sa sinumang


may kakayahang tustusan ang daan sa paglalakbay.) Al-Imran:97
at ang batayan sa sunnah ay hadith ni Jibril mula kay Umar bin Al-khattab
(raa) na sinabi ni Jibril kay Muhammad (saw):
O Muhammad Ipaliwanag mo sa akin ang Islam, at sumagot ang
Sugo (saw): ang islam ay ang pagsasaksi na walang ibang diyos
maliban sa Allah at si Muhammad ay Sugo ng Allah at itatag mo ang
Salah at magbigay ka ng tulong pangkawanggawa at mag-aayuno ka
sa buwan ng Ramadhan at magsasagawa ng hajj ang mga taong may
kakayahang tustusan ang daan sa paglalakbay. Muslim
At ito ay obligado isang beses sa tanang buhay ng isang Muslim:
Ipinag-uutos ng Allah bilang obligasyon noong ikasiyam na taon ng hijrah
at katunayan nag-hajj ang Sugo ng Allah nang isang beses at ito ay ang
hajjatul wad`a.
Ang Batas sa pagsasagawa ng Umrah.
Ang Umrah ay obligado isang ulit sa buhay ng isang Muslim.
Ang mga Kondisyon ng pagiging obligado ng hajj at ang Umrah:
1- Islam, bawal sa mga hindi Muslim.
2- Matinong pag-iisip, bawal sa mga wala sa tamang pag-iisip.
47

3- May-tamang Gulang, hindi obligado sa mga batang maliliit.


4- May kakayahan: may sapat na halaga bilang baon, sasakyan,
mapayapa ang pagpunta sa Makkah at ang babae ay mayroong
mahram na kasama.
Ang mawaquit ng Hajj at umrah
Ang himpilang kung saan isasagawa ang pangunahin alituntunin ng paghahajj at pag-uumrah.
Ang mawaquit ay mayroong dalawang uri:
Una: Mawaquit zamaniyah: Ang Panahong kung kailan uumpisahan ang
pagsasagawa ng hajj, at ito ay ang mga buwan sa sumusunod:
1- Buwan ng Shawwal.
2- Buwan ng Dhul Qa`dah.
3- Buwan ng Dhul Hijjah.
Maliban sa Umrah dahil ito ay maaaring isasagawa kahit kailan mo gusto.
Pangalawa: Mawaquit makaniyah: Ito ay ang mga himpilan kung saan
isasagawa ng Muslim ang pag-iihram sa hajj at umrah, ito ay ang mga lugar
na tinaguriang:
1- dhulhulaifah, ang pangalan niya ngayon ay (Abyar Ali) ito ang miqat ng
mga taga-Madinah.
2- Qarnul manazil, na ang pangalan niya ngayon ay (Assaylul Kabir) ito
naman ang miqat ng mga taga-Taif at Najd.
3- Alzuhfah, ito naman ang miqat ng mga tao na nagmula sa Sham at
Ehipto at Moroko, at mag-iihram ang mga tao sa (rabig)
4- yalamlam, at ang pangalan niya ngayon ay (Assa`diyah) ito naman ang
miqat ng mga taga Yemen.
5- dhatu irq, ito naman ang miqat ng mga taga-Iraq at ang pangalan niya
ngayon ay (Adharibah).
Ito ang mga lugar kung saan isinasagawa ang pag-iihram ng mga
taong nagmula sa mga lugar na nabanggit at sa mga taong daraan
dito na magsasagawa ng hajj at umrah.
48

At sinumang nakatira sa pagitan ng miqat at ng Makkah ay


maaaring magsagawa ng ihram sa kanilang mga lugar.
Sa mga tao namang nakatira sa Makkah, sila ay mag-iihram ng hajj
sa Makkah at sa labas ng hangganan ng haram katulad ng Attan`im
at Azza`ranah para sa mag-iihram sa umrah.
Kapag ang daan ng magsasagawa ng hajj at umrah ay hindi sa mga
miqat na nabanggit, sila ay magsasagawa ng ihram sa bandang
malapit na miqat kung saan sila daraan. At ang batayan dito ay ang
hadith ni Ibn Abbas (raa) na ang Sugo ng Allah (saw) ay itinuro niya
ang Dhul Hulaifah bilang miqat ng mga taga Madinah, at ang Zu`fah
ay miqat ng mga taga-Sham, at ang Qarn Manazil ay miqat ng mga
taga Najd, at ang Yalamlam ay miqat ng mga taga Yemen, ito ang
kanilang mga miqat at miqat ng mga taong dadaan sa kanila na may
layuning magsagawa ng hajj at umrah. Maliban sa kanila ang miqat
sa ibang tao ay kung saan sila naparoon kahit na ang mga taga
Makkah ay sa Makkah na lang ang kanilang miqat.

AL-iHrAM
Ang Kahulugan ng ihram: Ang Ihram ay ang isa-isip ang pagpasok sa
nusok - ang pagsasagawa ng mga alituntunin ng pagha-hajj o pag-uumrah.
Ang batas sa pagsasagawa ng ihram:
Ang Ihram ay isa sa mga saligan ng pagsasagawa ng hajj at Umrah at
sinuman ang magnais magsagawa ng hajj o umrah ay kinakailangan
magsagawa muna ng ihram mula sa miqat.
Ang mga sunnah sa pagsagawa ng ihram:
1- Pagliligo at Paglilinis.
2- Ang Pagpapabango sa katawan at hindi sa damit.
3- Pagsuot ng dalawang telang puti na malinis para sa mga lalaki, at kahit
anong uri ng damit para sa mga babae huwag lang kasing damit ng mga
kalalakihan at mga hapit na damit.
Pamamaraan ng Pag-iihram;
Kinakailangan ang isusuot sa Ihram ay walang tahi, ito ay isuot at isa-isip
ang pagpasok sa nusok pagsagawa ng hajj o umrah at bigkasin ang
49

(Labbayka hajjan) kung ang nusok ay hajj o (Labbayka Umratan) kung


Umrah.
At bigkasin ang (Labbaykallahumma labbayk, labbayka la sharika laka
labbayk, innalhamda wanni ma`ta laka walmulk, la sharika lak) at sunna na
damihan ang pagbigkas nito at ilakas ang boses ng mga lalaki at sunnah sa
mga kababaihan na huwag ilakas ang kanilang boses.
Ang mga nakasisira sa Ihram at ang kabayaran nito (fidyah)
Kapag nag-ihram na ang magsasagawa ng umrah o hajj ay kinakailangan
iwasan na niya ang anumang makasisira nito na tinatawag na
) ( at kapag nagawa niya ang isa sa mga ito ay kinakailangan
magbigay siya ng fidyah.
Ang mga nakakasira sa ihram:
1- Pagputol sa buhok.
2- Pagputol ng kuko.
3- Takpan ang ulo.
4- Magsuot ng maytahi.
5- Pagpapabango sa katawan o damit.
6- Pagpatay at pangangaso ng mga hayop.
Ang Fidyah (Kabayaran)
Pumili ang sinumang nakagawa sa unang limang nakasisira sa ihram
mula sa tatlong uri ng fidyah bilang kabayaran:
1- Mag-aayuno ng tatlong araw.
2- Magpakain ng anim na miskin na ang bawat miskin ay kalahating (sa`a)
na Bor o bigas at iba pa.
3- Magkatay ng kambing (Shath).
At kung pumatay siya at nangaso ng Hayop pumili siya sa mga
:sumusunod
1- Kakatay siya ng kapareho ng kanyang pinatay o hinanting na mula sa
50

mga iyon na )( .
2- Palitan niya ang halaga ng hayop ng pera at ibili niya ng pagkain at
ipamahagi sa mga miskin na ang bawat miskin ay isang (mod).
3- Mag-aayuno siya sa bawat isang mod at ang isang mod ay katumbas
ng ng isang Sa`a.
talakayin:
1. Ang batas sa pagsasagawa ng Hajj
2. Ang batas sa pagsasagawa ng Umrah
3. al-Ihram

51

Aralin 12

Ang HALigi ng HAjj At uMrAH


Ang Haligi ng Hajj:
1- Al-Ihram.
2- Ang Pagtigil sa Arafah.
3- Ang Pgsasagawa ng Tawaful Ifadah.
4- Ang Pagsasagawa ng Sa`iey.
Wajibatul Hajj:
1- Ang pagsasagawa ng Ihram mula sa Miqat.
2- Ang pagtigil sa Arafah hanggang sa paglubog ng araw.
3- Ang pananatili sa Muzdalifah sa gabi ng nahr.
4- Ang pananatili sa Mina sa mga araw Tashriq.
5- Pagbabato sa Jamaraat.
6- Ang pagbabawas o pagputol ng buhok.
7- Ang pagsasagawa ng Tawaful Wida.
Ang haligi ng umrah:
1- Ang Ihram.
2- Ang Tawaf.
3- Ang Pagsasagawa ng Sa`iey.
Wajibatul umrah:
1- Ang Pag-iihram mula sa miqat.
2- Ang Pagputol o pagbawas ng buhok.
Sinuman ang hindi nakagawa ng haligi ng Hajj o Umra ay hindi naging tama
ang kanyang hajj o umrah hanggat hindi niya ito isinasagawa, at sinuman
ang hindi nakagawa ng wajib ay kinakailangang mag-alay ng Dam.

PAMAMArAAn ng uMrAH
Sinuman ang magnais magsagawa ng Umrah ay kinakailangang sundin
niya ang mga sumusunod:
1- Kapag dumating na siya sa miqat ay mag-ghusul at magsuot ng ihram
at bibigkasin niya ang (Labbayka Umratan) at patuloy niyang bibigkasin
ang talbiya hanggang sa makita niya ang Kabah.
52

2- Kapag dumating na siya sa Haram, umpisahan na niya ang


pagsasagawa ng tawaf, at magtawaf siya ng pitong ikot mula sa
Kaabah.
Pamamaraan ng pagsasagawa ng tawaf:
Mag-uumpisa mula sa Itim na Bato at halikan niya ito o hawakan niya kung
sakaling kaya niyang gawin subalit kung hindi naman ay sapat na ang itaas
niya ang kanyang kanang kamay at bigkasin ang ) ( umikot
na siya at gawin niyang nasa bandang kaliwa ang kaabah hanggang sa
makarating muli sa Itim na Bato para sa pangalawa, dito natapos ang unang
pag-ikot. Muli naman niya itong ikutin hanggang sa matapos niya ang pitong
ikot at sa tuwing dadaan siya sa Itim na Bato ay gawin niya ang nabanggit
at bigkasin niya habang nasa pagitan ng rukn alyamani at Itim na Bato ang:

)(
Rabbana atina fi dunya hasanah wa fil akhiratil hassanah waqina
adhaba nar
3- At pagkatapos niyang umikot magsasagawa siya ng Salah na dalawang
rakaah mula sa likod ng makamo Ibrahim (asw) kung kaya niya, kung
hindi niya kaya, magsalah na siya kahit saan lugar niya kaya sa loob ng
haram.
4- Lakarin ang Pagitan ng bundok Safa at Marwa ng pitong beses,
uumpisahan ang unang mula sa Safah at matatapos sa pagdating sa
bundok Marwa.
(Ang Paglalakad mula sa Safa patungo sa Marwa ay maibibilang na isang
ikot, ang pagbalik mula sa Marwa patungong Safah ay pangalawang
ikot na)
5- Mas mainam na magpakalbo kaysa magbawas lamang ng buhok.
At kapag nagawa niya ang mga nabanggit na Alituntunin ng Umrah
ay tama ang kanyang umrah at maaari na siyang gumawa ng
anumang ipinagbabawal sa kanya nang siya ay nakaihram, katulad ng
pagpapabango at pagsuot ng maytahi takpan ng ulo o putulan ang kuko
at pagpapagupit ng buhok.

53

Ang PAMAMArAAn ng HAjj


tatlong uri ng nusok Pamamaraan ng Hajj:
1- Attamatto: ang mag-iihram para sa Umrah sa mga buwan ng hajj, ngunit
tatanggalin din niya ito at magtatahallol siya mula sa kanyang ihram, at
muli siyang mag-ihram ng hajj sa taon ding yon.
2- Al-Qiran: ang pagsabayin ang pag-iihram sa umrah at hajj.
3- Al-ifrad: Ang mag-iihram para sa hajj lamang.
Maaaring mag-iihram ang sinumang nais niyang magsagawa ng hajj kahit
anung uring ihram mula sa tatlong ito , ang pinakamainam dito ay ang
Attamato.
Hadi ng tamato at Qiran:
Sha, uri ng kambing, Kamelyo, babae o lalaki, at Baka, babae o lalaki,
kakatayin ito sa loob ng haram.
Ang tamato at qiran, kapag hindi sila nakatira sa makkah ay nararapat ang
hadi, magkatay ng kambing, ngunit ang mufrid walang hadi.
Ang sinumang hindi nakapagbigay ng hadi ay kinakailangan mag-aayuno
ng sampung araw, tatlo sa mga araw ng hajj at pitong araw naman kung
makaka-uwi na sa kanyang mga pamilya.
Pamamaraan ng Hajj tamato:
una: ang pagsagawa ng Umrah:
Mag-iihram siya sa mga buwan ng hajj at tatanggalin niya ito kapag natapos
na ang kanyang umrah.
Pangalawa: Ang mga gawa mula sa Pangwalong araw ng Hajj (Tarwiyah)
Mula sa Pangwalong araw ng hajj ay kinakailangang magsagawa ng ihram
ang maghahaj ng ihram ng hajj at bigkasin niya ang Labbayka hajjan,
maninirahan na siya sa Mina mula sa gabi ng pang-siyam na araw.
Pangatlo: Ang mga gawa mula sa pansiyam na araw (Araw ng Arafah)
Mula sa pansiyam na araw ay kinakailangan lisanin na ang Mina at
magtungo sa Arafah mula pagkatapos sumikat ng Araw. Mananatili siya
roon sa mga nalalabing araw ng Arafah at magsasagawa siya ng maraming
54

mga panalangin, at istigfar, paggunita sa Allah at pagbasa ng Quran.


Kapag lumubog na ang araw ay lumakad na siya patungong Muzdalifah at
mananahan siya roon hanggang sa makapagdasal doon ng Fajr, hindi siya
maaaring lumabas ng Muzdalifah bago magsalah ng fajr, maliban lang sa
mga mahihina, mga babae, mga bata at ang mga nagangalaga sa kanila.
Pang-apat: mga gawa mula sa pansampong araw ng Hajj:
(Araw ng eid)
Mula Pansampong araw ng dhul Hijjah:
Lalabas na ang mga naghahajj mula sa Muzdalifah pabalik ng Mina
pagkatapos lumiwanag. Kapag dumating na sa Mina ay kinakailangan
isagawa ang mga sumusunod:
1- Pagbabato sa Jamarat al-aqabah nang pitong bato at ang bawat
bato ay kasabay ang pagsabi ng takbir.
2- Pagkatay ng hadi.
3- Pagbawas ng buhok at mas mainam ang pagpapakalbo.
4- Tawaf Ifadhah.
5- Sa`ei mula sa Safa patungong marwa.
At pagkatapos ng pagbabato mula sa jamrah aqabah at ang pagputol o
pagbawas ng buhok ay magsagawa na ng tahallull o ang pagpalit ng ihram
ng karaniwang kasuutan.
Panglima: Ang mga gawain mula sa panglabing-isang araw:
Mula sa panglabing-isang araw ng Dhul Hijjah ay magbabato sa tatlong
jamaraat mula sa tanghalingtapat ng sunud-sunod, sa bawat jamrah ay
pitong bato na may kasamang pagsabi ng takbir sa bawat pagbabatoUnang Jamarah- ang Jamarah na nasa gitna at ang malaking Jamarah na
tinguriang Jamaratul aqabah.
Pang-anim: Mga gawain mula sa Panglabingdalawang Araw at Panglabingtatlong Araw:
Mula sa panglabindalawang araw at panglabintatlong araw ay kailangang
isagawa ng naghahaj ang kagaya ng kanyang ginawa noon panlabing-isang
araw at maaari na siyang lumabas mula sa Mina sa panglabing-dalawang
araw bago lumubog ang Araw.
55

Pampito: Ang manatili sa Mina sa mga araw ng tashriq at ito ay ang


panglabing-isa, panglabindalawa at panglabintatlong araw ng hajj.
Pangwalo: Tawaful Wida
Kapag nais ng nagha-hajj na lumabas na ng Makkah kinakailangan
magsasagawa muna siya ng tawaful wida.
talakayin:
1. Pinagkaiba sa pagitan ng haligi ng Umrah at Hajj
2. Ang pamamaraan ng Umrah
3. Ang pamamaraan ng Hajj

56

HADITH
HADITH

ANG A
LAWANG NTA
AN S
KALAW
T

I I

KA

AS

NILALAMAN
Pahina
Aralin 1 Ang Pinagmulan ng Sanad
Ang pagtuturo ng Sunnah: Ang kapanahunan ng Propeta

Ang kapanahunan ng mga Sahabah

Bakit ang lahat ng mga pagpupunyaging ito?

Ang kapanahunan ng mga Tabiin

Aralin 2
Hadith-1: Mabuting Katangian

11

Aralin 3
Hadith-2: Paghihinala

16

Aralin 4
Hadith-3: Paninibugho

20

Aralin 5
Hadith-4: Pahintulot

24

Aralin 6
Hadith-5: Pandaraya

28

Aralin 7
Hadith-6: Ang Mapagpatawa

32

Aralin 8
Hadith-7: Pag-iwas sa Di-mahahalagang Bagay

36

Aralin 9
Hadith-8: Mga Pagbabago sa Relihiyon

39

Aralin 10
Hadith-9: Ang Islam: sa Diwa at sa Gawa

42

Aralin 11
Hadith-10: Pagsuhol

46

Aralin 12
Hadith-11: Pagpipigil sa Sarili

49

Aralin 1

Ang PinAgmulAn ng SAnAd


Ang pagtuturo ng Sunnah: Ang kapanahunan ng Propeta
Anumang sinabi o ginawa ng Propeta ng Islam ay maituturing na bahagi ng
kanyang Sunnah (hal. Pamamaraan), na siyang kumakatawan sa praktikal
na pagsasagawa ng Islam sang-ayon sa banal na gabay.
Palaging hinihikayat ng Propeta ang kanyang mga Sahabah1 na pag-aralan
at isaulo ang kanyang Sunnah sa maraming mga pamamaraan. Kapag
minsan ay pinupulong niya sila at ipinapaulit niya sa kanila ang ilan sa mga
Dua2 na ninais niyang maisaulo nila, na katulad ng pamamaraan na ninanais
niyang matutunan nila sa Quran. Sa ibang mga pagkakataon ay uulitin
niya sa kanyang sarili ng makatatlong ulit upang maisaulo nila nang higit
ang mga pangungusap na mas mahalaga. Kapag minsan ay magsasagawa
siya ng ilang mga pamamaraan, pagkatapos ay sasabihin niya sa kanila na
gawin ito katulad ng pagkakagawa niya. Sa ibang mga panahon, ipinaguutos niya sa ibang mga Sahabah na itala sa pamamagitan ng pagsulat
ang ilan sa mga mahihirap na bagay.
Ang kapanahunan ng mga Sahabah
Matapos bawian ng buhay ang Propeta, ang mas nakatatandang mga
Sahabah ay nagsimulang turuan ang mas nakababatang mga Sahabah ng
mga kasabihan at kaugalian ng Propeta noong sila ay wala pa upang ang
mga ito ay marinig o makita. Ang parehong nakababata at nakatatandang
mga Sahabah ay nagturo sa mga katatanggap lamang ng Islam noong mga
huling araw sa buhay ng Propeta, sapagkat sila ay hindi na nagkaroon ng
pagkakataon na tuwirang matuto ng anumang mga bagay mula sa Propeta.
Nang lumaganap ang Islam sa buong Arabia patungo ng Syria, Iraq, Persia
at Ehipto sa panahon ng pamamahala ng mga Makatarungang Kalipa, ang
1 sila ang mga nakakita sa Propeta Muhammad at namatay na nasa kalagayan ng
Islam ay tinatawag na Sahabi, Sahabah sa pangmaramihan, na nangangahulugan
na Kasamahan, kahit na siya ay bata pa.
2 mga panalangin o kahilingan

mga Sahabah ay nagsimulang magturo ng mga simulain ng relihiyon sa


mga kayayakap pa lamang sa Islam. Kanilang sinasabi sa mga nakapalibot
sa kanila na, Nakita ko ang Propeta na ginawa ito, o kaya ay Narinig ko
ang Propeta na nagsabi na. Ganito ang pamamaraan kung papaano nagumpisa ang daloy ng mga tagapag-ulat ng Sunnah. Silang mga bagong
Muslim na nag-aral mula sa mga Sahabah katagalan ay tinaguriang mga
Tabiun.
Karamihan sa mga Tabiun ay nagsaulo ng mga kasabihan ng Propeta na
kalimitang binabanggit ng mga Sahabah. Gayundin, ang ilan sa kanila ay
itinala ang mga Sunnah ng Propeta sa pamamagitan ng pagsusulat. Palagi
silang naglalakbay sa mga lugar ng mga Muslim ng mga panahong iyon
upang higit matutuhan ang mga Sunnah ng Propeta na kung maaari ay
mula sa mas maraming mga Sahabah.
Bakit ang lahat ng mga pagpupunyaging ito?
Likas sa mga tao na subukang tignan at alalahanin ang mga sinabi at ginawa
ng sinuman na mahal sa kanila, at walang pag-aalinlangan na ang Propeta
Muhammad ang pinakamahal na tao para sa kanyang mga tagasunod
sa ibabaw ng mundo. Ipinag-utos ng Propeta ang pagmamahal na ito sa
kanyang mga nasasakupan sa pagsasabi na:
Walang sinuman sa inyo ang tunay na naniniwala maliban lamang
na mahalin nila ako nang higit kaysa sa kanyang anak, kanyang ama
at sa lahat ng mga nilalang. Bukhari at Muslim
Binigyang diin ng Allah, mula sa Quran, ang sukdulan na kahalagahan
ng Sunnah ng Propeta para sa kabuuan ng Ummah ng mga Muslim sa
pamamagitan ng pag-uutos sa kanila na sundin ang lahat ng kanyang mga
kautusan:





At kung anuman ang ipinag-utos sa inyo ng Sugo
sundin ito; at anuman ang ipinagbawal sa inyo iwasan
ito
Surah al-Hashr 59:7

Papaano masusunod ng Ummah ang banal na kautusang ito


matapos bawian ng buhay ang Propeta? Papaano nila malalaman
kung ano ang ipinag-utos at ipinagbawal ng Propeta kung siya
hindi nila nakasama? Samakatuwid, ibayong pag-iingat ang
kinakailangang isagawa upang mapanatili ang Sunnah at maisalin
ito sa bawat sumusunod na henerasyon ng mga Muslim. Pinagdiinan
din ng Propeta ang napakalaking kahalagahan ng pagpapasa ng
Sunnah na walang anumang pagbabago sa pamamagitan ng
pagbibigay pangako sa kanila ng mga biyaya ng Allah:
Binibiyayaan ng Allah ang sinumang nakarinig ng kasabihan mula
sa akin, isinaulo at inunawa ito, pagkatapos ay ipinahayag ito katulad
ng pagkakarinig niya rito; sapagkat marahil ang isang pinagsabihan
ay higit na nakaunawa kaysa sa isa na nakarinig nito. Abu Dawud at
Tirmidhi

Pinagdiinan din niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay babala sa kanila sa


malupit na kaparusahan na naghihintay sa sinumang pinagsisinungalingan
siya sa pagsasabi na:
Sinumang pinagsisinungalingan ako ay makakamit niya ang
kanyang lugar sa Impiyernong-Apoy. Bukhari, Muslim at Abu Dawud
Ang kapanahunan ng mga Tabiin
Nang ang mga Sahabah ay isa-isang binawian ng buhay at ang Islam ay
lumaganap sa India, Afghanistan, Rusya, Tsina, Hilagang Africa at Espanya,
ginampanan ng mga Tabiun ang anumang iniwanan ng mga Sahabah at
nagsimula ang napakalaking gawain sa pagtuturo ng mga bagong yakap sa
Islam ng mga simulain ng relihiyon. Kanilang sinasabi sa mga nakapalibot
sa kanila na, Narinig ko ang ganito na sinabi ng Sahabi na nagsabi na
nakita niya ang Propeta na ginawa ito, o kaya ay Narinig ko ang ganito na
sinabi ng Sahabi na nagsabi na narinig niya ang Propeta na nagsabi na,
Sa ganitong paraan ang pangalawang dugtungan sa daloy ng tagapag-ulat
ng Sunnah ay naidagdag.
Ang mga nag-aral mula sa Tabiin katagalan ay tinawag na Atba at-Tabiin
(tagasunod ng mga Tagasunod). Marami sa mga bagong mag-aaral na ito
ay kalimitang naglalakbay ng ilang mga araw o kahit na mga buwan upang
makita at makapag-aral mula sa sinumang Tabiin, puspusang pag-iingat sa
7

pagsasaulo at pagsusulat ng mga salaysay mula sa kanilang mga guro.


Noong kapanahunang ito, ang makatarungang kalipa na si Umar ibn
Abdulaziz ay nag-utos sa lahat ng mga kilalang iskolar na tipunin ang lahat
ng mga kasabihan at kagawian ng Propeta na itinuturo sapagkat ang
ilang mga to sa Iraq ay nagsimulang gumawa ng mga kuwento tungkol sa
Propeta. Ang isa sa mga naunang iskolar mula sa Tabiun na nagtala ng
mga salaysay tungkol sa Propeta ay si Muhammad ibn Muslim ibn Shihab
az-Zuhri. Si Ibn Shihab ay hindi lamang nakapagtala ng mga kasabihan,
subalit gayundin ang mga pangalan ng mga tagapag-ulat at ang mga
kaalaman tungkol sa kanila upang madaling makilala ang mga nag-uulat ng
mga gawa-gawang hadith.
Kahit na nasimulan ang malawakang pamamaraan ng pagusulat ng mga
hadith, nagpatuloy pa rin ang pagsasalin ng mga hadith sa pamamagitan
ng pasalita sapagkat mas marami ang maihahatid nito sa mas maikling
panahon. Ang pagsusulat ay mabagal at napakahirap na pamamaraan
noong mga panahong iyon. Ang mga kagamitan sa pagsusulat ay kapos at
ang mga imprenta ay hindi pa naiimbento.
Kayat ang mga Atba at-Tabiin ay nagturo sa mga nakapalibot sa kanila
ng katulad sa pamamaraan na kung papaano sila tinuruan. Sinasabi nila
sa kanilang mga mag-aaral, Narinig ko ang ganito na sinabi ng Tabii na
nagsabi na narinig niya ang ganito na sinabi ng Sahabi na nagsabi na
nakita niya ang Propeta na ginawa ito. o kaya ay Narinig ko ang ganito na
sinabi ng Tabii na nagsabi na narinig niya ang ganito na sinabi ng Sahabi
na nagsabi na nirinig niya ang Propeta na nagsabi na, Iilan lamang sa mga
aklat ng hadith ang umabot sa atin mula sa panahon ng Atba at-Tabiin.
Ang pinaka kilala sa mga ito ay ang aklat ni Malik ibn Anas na tinatawag na
al-Muwatta, at ang pinaka bantog na sipi ng al-Muwatta ay ang mula sa
mag-aaral ni Malik na si Yahya ibn Yahya ng tribu ng Berber sa Masmudah.
Sa ikalawang aklat ng sipi ng al-Muwatta ni Yahya, sa kabanata tungkol sa
Dabb (bayawak), ay makikita natin ang sumusunod:
Sinabi sa akin ni Malik mula kay Ibn Shihab mula kay Abu Umamah
ibn Sahl (ibn Hurayf) mula kay Abdullah ibn Abbas mula kay Khalid
ibn Walid na kanyang sinamahan ang Propeta sa bahay ng asawa
niyang si Maymunah at ang inihaw na Dabb ay hinain sa kanya
kayat ang Sugo ng Allah ay umabot upang kumain mula rito.
Ang ilan sa mga kababaihan na kasama ni Maymunah ay nagsabi,
8

Ipaalam mo sa Sugo ng Allah kung ano ang kakainin niya. Nang


sinabi sa kanya na ito ay Dabb, binawi niya ang kanyang kamay
mula rito at si Khalid ibn Walid ay nagtanong, Ito ba ay Haram, O
Sugo ng Allah? Siya ay sumagot, Hindi, subalit wala ito sa lugar
namin at hindi ko ito gusto. Pagkatapos ay sinabi ni Khalid, Kayat
kumuha ako ng kaunti at kinain ito habang ako ay pinapanood ng
Propeta. Muwatta Imam Malik
Ang Sanad (daloy ng pagsasalin) ng hadith ay ang sumusunod:
Propeta muhammad <<<
Sahabah
Khalid <<< ibn Abbas <<< Abu umamah <<<
Tabiun
ibn Shihab <<<
Atba at-Tabiin
malik <<<
Atba atba at-Tabiin
Yahya
Sina Khalid ibn al-Walid, Ibn Abbas at Abu Umamah ay mga Sahabah,
subalit si Ibn Abbas ay ang batang Sahabi at si Abu Umamah ay nakita
lamang ang Propeta bago siya binawian ng buhay. Kayat si Khalid ang
nagsalaysay ng pangyayaring ito kay Ibn Abbas nang tanunging niya ito
tungkol sa pagkain ng Dabb at si Ibn Abbas naman ang nagsalaysay nito
kay Abu Umamah na nagsabi naman kay Ibn Shihab na nagsabi kay Malik,
na siya namang nagsulat nito at nagsabi kay Yahya.
Kaugnay sa hadith na ito ay ang isa pang salaysay sa parehong paksa:
9

Ipinabatid sa akin ni Malik mula kay Abdullah ibn Dinar mula


kay Ibn Umar na isang lalaki ang nagtanong sa Propeta ng Allah,
O Propeta ng Allah, ano ang masasabi mo tungkol sa Dabb? Ang
Propeta ng Allah ay sumagot, Hindi ko ito kinakain at hindi ko ito
ipinagbabawal. Muwatta Imam Malik
Sa ganitong pagkakataon, ang Sanad ay mas maikli sapagkat ang
Sahabi na si Ibn Umar ay tuwirang nagsalaysay nito sa kanyang
mag-aaral na si Ibn Dinar. Ang Sanad ay ang sumusunod:
Propeta Muhammad >>>
Sahabah
Ibn Umar >>>
Tabiun
Ibn Dinar >>>
Atba at-Tabiin
Malik >>>
Atba atba at-Tabiin
Yahya

10

Hadith 1

Aralin 2

mABuTing KATAngiAn



: ) (


.


Si An-Nawwas ibn Saman ay nag-ulat na ang Propeta ay nagsabi: Ang
pagiging makatwiran ay mabuting katangian at ang kasalanan ay kung
ano ang bumabagabag sa iyo at ayaw mong malaman ng mga tao.
Sahih Muslim, Vol. 4, p. 1358-1359, hadith blg. 6196

Ang nag-ulat
Si An-Nawwas ibn Saman ay isang kilalang Sahabi mula sa tribu ng Kallab
na nanirahan sa Syria matapos bawian ng buhay ang Propeta.
Ang nagtipon
Ang buong pangalan ni Muslim ay Muslim ibn al-Hajjaj al-Qushayri. Siya
ay ipinanganak noong 817 C.E. sa lungsod ng Nishapur na nasa hilagang
silangan na bahagi ng Iran malapit sa lungsod ng Meshed. Si Muslim ay
nagsimulang nag-aral ng hadith sa gulang na 15 at naglakbay patungong
Iraq, Hijaz (kanlurang baybayin ng Arabya), Syria at Ehipto upang mag-aral
sa mga tanyag na iskolar ng hadith katulad nila Bukhari, Ahmad Ibn Hanbal,
Abd ibn Humayd at Ibn Abi Shaybah. Katagalan ay nagkaroon siya ng mga
mag-aaral na nagpatuloy at naging mga iskolar matapos siyang bawian ng
buhay. Mula sa mga tanyag niyang mga mag-aaral ay sina Tirmidhi at Ibn
Abi Hatim.
Natipon ni Muslim ang mga hadith sa isang aklat na naglalaman ng 9,200 na
mga hadith na tinawag niyang al-Musnad as-Sahih, subalit hindi nagtagal
ay nakilala bilang Sahih Muslim at itinuring ng karamihan sa mga iskolar
bilang pinaka wastong aklat ng hadith pagkatapos ng kay Bukhari. Ito ay
11

naisalin sa wikang Ingles ni Abdul Hamid Siddiqui at nailimbag sa apat


na mga aklat sa Pakistan noong taong 1976. Si Imam Muslim ay binawian
ng buhay sa lungsod ng kanyang kapanakan noong taong 875 C.E. sa
maagang gulang na 58, subalit nakapag-iwan sa lahat ng mga henerasyon
ng Muslim na sumunod sa kanya ng isang napakalaking kontribusyon sa
Islam.
Pangkalahatang Kahulugan
Ang hadith na ito ng Propeta ay nagtuturo sa atin na ang mabuting
katangian (hal., pagiging mabait, magalang, makatotohanan, atbp) ay ang
pinakamahalagang bahagi ng kung ano ang tinatawag sa Islam na pagiging
Makatwiran. Ito ay nangangahulugan na hindi maaaring ituring na tunay
matuwid ang sinuman samantalang siya ay nagtataglay ng masamang
katangian. Kalimitang iniisip ng mga tao na ang pagiging makatwiran ay
katulad ng isang matapat na pagsasagawa ng mga relihiyosong gawa
katulad ng Salah at Zakah. Subalit ang ganitong mga relihiyosong gawain
ay mga pamamaraan lamang upang makapagtaguyod ng isang mabuting
katangian. Winika ng Allah:





Katiyakan na ang Salah ay pumipigil sa masamang pananalita at
masamang mga gawa Surah al-Ankabut 29:45
Ang Propeta ay nagsabi:
Katiyakan, isinugo lamang ako upang gawing ganap ang
pinakadakilang katangian ng pag-uugali. Bukhari, al-Hakim at al-Bayhaqi
At winika ng Allah sa Quran:


Katiyakan na ikaw (muhammad) ay may dakilang katangian. Surah
al-Qalam 68:4

12

At nang tanungin ang asawa ng Propeta na si Aishah tungkol sa katangian


ng Propeta, siya ay sumagot, Ang kanyang katangian ay kung ano
ang nasa Quran.3
Samakatuwid, ang kanyang pag-uugali ay naaayon sa mga kautusan ng
Allah sa Quran. Kayat kung nais nating maging mabuti ang ating katangian,
kinakailangan nating sundin nang matapat ang Quran at ang mga katuruan
ng Propeta. Winika rin ng Allah sa Quran:




Katotohanan na kayo ay mayroong magandang halimbawa (ng paguugali) mula sa Sugo ng Allah. Surah al-Ahzab 33:21
Kung gayon, hindi natin maihihiwalay ang Islam mula sa mabuting paguugali. Ang Islam ay nagtuturo sa tao kung papaano tutuparin ang isang
matuwid na buhay sa pamamagitan ng pagtuturo ng tamang pamamaraan
upang mabuhay. Ang sinumang Muslim na nagpapakita ng masamang
pag-uugali katulad ng panunumpa at pagsisinungaling ay maaaring isang
mapagkunwari na nagkukunwaring isang Muslim o di kaya ay isang tunay
na napakahinang Muslim.
Ang Islam ay nagtuturo ng malaking paggalang sa mga magulang at
nakatatanda bilang isang napakahalagang bahagi ng mabuting katangian.
Winika ng Allah:

Ang inyong Panginoon ay nag-utos na sambahin lamang Siya, at


kayo ay maging magalang sa inyong mga magulang. Maging ang
sinuman sa kanila ay umabot sa katandaan na kasama kayo, huwag
magsalita ng masakit sa kanila o kaya ay ipagtabuyan sila. Makipagusap sa kanila ng may kabutihan.
Surah al-Isra 17:23

Muslim, Abu Dawud at Ahmad

13

Sinabi rin ng Propeta:


Sinuman ang hindi mabuti sa ating mga kabataan at hindi magalang
sa ating mga nakatatanda ay hindi kabilang sa atin. Tirmidhi
Kayat hindi magiging isang tunay na mabuting Muslim ang isang tao
malibang pakitunguhan niya ng maayos ang kanyang mga magulang at
mga nakatatanda sa pamamagitan ng pagsunod sa kanila at pakikipagusap sa kanila ng malumanay.
Ang hadith ay nagtuturo rin sa atin na tayo ay pinagkalooban ng mga
pamamaraan sa paghuhusga ng mabuti at masama na nasa loob ng ating
mga sarili. Ginawa ito ng Allah na maging bahagi ng ating kalikasan.
Winika ng Allah:



At ipinakita sa kanya kung ano ang mali para sa kanya at ano ang
tama para sa kanya. Surah al-Shams 91:8
Kung mayroong isang bagay na ikinalulugod natin at wala tayong pagaalinlangan sa ating puso tungkol dito, maituturing natin itong mabuti.
Kapag ito ay hindi sumasalungat sa anumang mga batas ng Islam. Subalit,
kung mayroong isang bagay na nagbibigay ng pag-aalinlangan sa ating
mga puso at ayaw nating malaman ng iba na iniisip natin ang tungkol dito,
dapat nating iwasan at malaman na ito ay masama. Minsan ay mayroong
isang lalaki na lumapit sa Propeta upang tanungin siya tungkol sa pagiging
matuwid at sinabi niya sa kanya, Tanungin ang iyong puso.4
Ang Propeta ay nagsasabi sa atin na kapag nakinig tayo sa ating puso
tayong lahat ay magagabayan sa Katotohanan. Maaari rin itong masabi na
ang pinakabuod na mensahe ng hadith ay; (a) ang pagiging makatarungan
ay isang katangian na kinakailangang taglayin ng lahat na tunay na mga
Muslim, (b) ang bawat isa ay may kakayahan na maging mabuti kung siya
ay magiging matapat sa kanyang sarili.

14

Inulat ni Wabisah at tinipon ni Ahmad at Darimi

Mga aral
1. Kinakailangan na subukan nating sanayin ang mabuting katangian.
2. Ang mabuting pag-uugali ay isa sa mga dakilang anyo ng pagiging
makatwiran.
3. Kinakailangan umiwas sa mga bagay na may pag-aalinlangan.
4. Kinakailangan din nating makinig sa ating mga puso.

15

Hadith 2

Aralin 3

PAgHiHinAlA



: ) (

.
Si Abu Hurayrah ay nag-ulat na ang Sugo ng Allah ay nagsabi: Mag-ingat
sa paghihinala, sapagkat sa katotohanan ang paghihinala ay ang
pinakanakaliligaw na uri ng pakikipag-usap. Muslim, Bukhari, Abu Dawud

Ang nag-ulat
Ang tunay na pangalan ni Abu Hurayrah ay Abdulrahman ibn Sakhr.
Siya ay ipinanganak sa Yemen, subalit siya ay naglakbay sa Madinah
upang tanggapin ang Islam mula na rin mismo sa Propeta. Binansagan
siyang Abu Hurayrah sapagkat palagi siyang nagkakarga ng kuting sa
kanyang mga braso. Ang kahulugan ng Hirrah ay pusa at ang Hurayrah ay
nangangahulugan na isang kuting, samantala ang Abu ay nangangahulugan
na ama o may-ari ng. Kayat ang Abu Hurayrah sa literal na kahulugan
ay ang nagmamay-ari ng kuting.
Si Abu Hurayrah ay nakapag-ulat ng 1,236 na mga Hadith mula sa Propeta
na higit sa sinumang mga kasamahan na nakapag-ulat. Siya ay binawian
ng buhay sa Madinah at inilibing dito noong ika-59 na taon makalipas ang
Hijrah (679 C.E.) sa gulang na 78.

Ang nagtipon
Ang buong pangalan ni Bukhari noong siya ay ipinanganak sa taong 810
C.E. ay Muhammad ibn Ismail. Siya ay tinawag na Bukhari sapagkat
ipinanganak siya sa lungsod ng Bukhara na ngayon ay nasa timog silangang
16

Rusya na estado ng Uzbekistan. Nagsimula si Imam Bukhari sa pagaaral niya ng hadith mula sa maagang gulang na 10. Ang kanyang ama,
Ismail ay isa ring iskolar ng hadith, na napag-aralan ang paksa sa ilalim
ng ilang mga tanyag na iskolar katulad nila Malik ibn Anas at Hammad
ibn Zayd. Si Bukhari ay naglakabay sa buong mundo ng mga Muslim
sa pagtitipon ng mga hadith at binuo ang kanyang tanyag na tinipon na
mga hadith na kanyang tinawag na al-Jami al-Musnad as-Sahih, subalit
sa katagalan ay nakilalala bilang Sahih al-Bukhari. Ang Sahih al-Bukhari
ay naglalaman ng 2,602 na mga hadith na kanyang pinili mula sa ilang
libo na kanyang naisaulo. Siya ay binawian ng buhay sa Samarkand, ang
pangkasalukuyang kabisera ng Uzbekistan, noon ika-870 C.E. sa gulang
na 60. Ang Sahih al-Bukhari ay itinuturing ng mga iskolar na Muslim na
siyang pinakamakatotohanang aklat sa Islam matapos ang Quran.
Ang talambuhay ni Imam Muslim ay matatagpuan sa Hadith 1.
Pangkalahatang kahulugan
Sa Quran, ang Allah ay nagtalaga ng mga pangkalahatang gabay para sa
mga Muslim tungkol sa paghihinala. Kanyang winika:
Iwasan ang anumang paghihinala, sapagkat sa katotohanan ang
ilang mga paghihinala ay kasalanan Surah al-Hujurat 49:12
Ang paghihinala batay sa mga katunayan ay likas at pinahihintulutan.
Halimbawa, kung may isang bagay na nawawala mula sa bag ng isang magaaral at isa sa mga mag-aaral ay nalaman na nag-iisa sa silid-aralan, tiyak na
siya ay paghihinalaan. Subalit dapat iwasan ang labis na paghihinala. Ang
tunay na Muslim ay hindi labis na mapaghinala. Hindi niya hinuhusgahan
ang lahat ng nasa kapaligiran niya hanggat hindi ito napatutunayan. Ang
ganitong kalabisan ay kalimitang nauuwi sa katiwalian. Kalimitan ang isang
tao na labis maghinala ay hayagang nagbibigay ng kanyang haka-haka
tungkol sa iba sa pamamagitan ng pagbibintang sa kanila, na mayroong
kakaunti o di kaya ay walang katunayan. At sa pagsasagawa nito siya ay
nahuhulog sa malaking kasalanan ng paninirang-puri.
Ang Propeta sa hadith na ito ay pinatunayan ang babala ng Allah na iwasan
ang labis na paghihinala sa pamamagitan ng pagsasabi sa atin na maging
maingat sa pakikitungo sa paghihinala maging ito ay sa malawakan o maliliit
na pagkakataon. Siya ay nagpatuloy sa pagpapaliwanag kung bakit dapat
kailangang gawin ang labis na pag-iingat. Kapag ang paghihinala ay nasabi
17

na, ito ay nagiging isang nakalilitong uri ng usapan. Kalimitan nitong


nalilinlang ang taong nagpapahayag nito at gayundin ang nakikinig nito,
sapagkat ito ay kalimitang nagdadala ng kaisipan na maaaring ito ay totoo.
Ang isang nagpapahayag ng kanyang paghihinala ay hindi nararamdaman
kung siya ay nagsisinungaling sapagkat iniisip niya na siya ay nagpapahayag
lamang ng isang kaisipan. Ang isa naman na nakarinig nito ay nabubuo ang
paghihinala. At siya naman ay ipapasa ang paghihinalang ito sa mga iba
at ang mga iba sa mga iba, at ganito kung papaano ang mga bali-balita ay
nabubuoo at kumakalat.
Habang ang paghihinala ay nananatiling isang kaisipan, ang nagtataglay
nito ay walang pananagutan para dito. Ang Propeta ay nagsabi sa ibang
hadith na:
Hindi binibigyang-pansin ng Allah ang mga masasamang isipan ng
bansang Muslim hanggat hindi nila ito sinasabi o ginagawa. Muslim
Kung gayon, ang isang taong mapaghinala ay nagkakaroon lamang ng
pananagutan kapag ang paghihinala ay nag-iwan sa mundo ng kaisipan at
naging isang Gawain, maging ito ay sinasabi o ginagawa.
Kinamumuhian sa Islam ang paghihinala sa ibang mga pananaw din.
Ang paninirang-puri, panlilibak at bali-balita ay mangyayari lamang at
lalaki kapag mayroong paghihinala. Ito ay, kapag ikaw ay naghihinala sa
isang tao at nakarinig ka ng isang masamang kuwento tungkol sa kanya,
maaari mo agad itong paniwalaan kaysa kung ikaw ay hindi naghihinala.
Sa gayon, dahil ang paghihinala ay kalimitang pinagmumulan ng ibang
mga negatibong katangian, ang Islam ay tutol dito kahit na ito ay sa isipan
lamang sa pamamagitan ng paghihikayat sa atin na iwasan ang karamihan
nito.
Upang maiwasan ang paghihinala na huwag mabuo, ang Propeta ay
nagsabi:
Kung mayroong tatlong tao na magkakasama, hindi dapat magusap ang dalawa ng palihim sa pagitan nila na hindi isinasama ang
pangatlo. Bukhari, Muslim, Abu Dawud
Ang tao na hindi nakasama ay maaaring maghinala na siya ay pinaguusapan ng dalawa. Ang ganitong uri ng paghihinala ay may maliit na
pagkakaiba mula sa iba, subalit sila ay parehong sangkot sa masamang
18

kaisipan tungkol sa mga tao, na hindi mabuti.


Ang hadith ng kabanata ay ang panimula lamang ng mas mahabang hadith.
Ang Propeta ay nagpatuloy sa pagsasabi:
At huwag maging mapagtanong tungkol sa bawat isa, o di kaya
ay tiktikan ang bawat isa. At huwag makaramdam ng pagkainggit,
di-pagkagusto, hinanakit o pagka-kalaban sa bawat isa. Sa halip ay
maging mga magka-kapatid at mga lingkod ng Allah na sama-sama.
Ang natitirang bahagi na ito ng salaysay ng Propeta ay naglalarawan ng
maraming mga masamang idinudulot ng paghihinala sa pagkakapatiran sa
Islam. Kayat ang Propeta ay winakasan ito sa pamamagitan ng panawagan
sa atin sa pagkakapatiran sa pananampalatay tungkol sa kung ano ang
winika ng Allah:
Katiyakan na ang mga mananampalataya ay iisa sa pagkakapatiran
kayat mamagitan sa pagkakasundo ng iyong mga kapatiran Surah
al-Hujurat 49:10

Ang pinaka-mapanganib na paghihinala ay kapag ito ay nauwi sa paghihiwalay


ng pagkakaibigan at ng mga komunidad. Ang tiwala ay winawasak ng
paghihinala. At kung wala ang tiwala ay wala ang pagkakaibigan at
komunidad. Kayat ang Islam ay tumututol sa paghihinala sa pamamagitan
ng paghihikayat sa tiwala sa lahat ng mga Muslim. Dapat nating isipin
palagi ang ikabubuti ng iba hanggat sa ito ay kanilang mapatunayan sa
kanilang sarili. Sa ganitong paraan, ang maliliit na di-pagkakaunawaan ay
hindi magiging sanhi ng galit at poot at paghihiwalay ng mga ugnayan.
mga aral
1. Ang paghihinala ay kinakailangang iwasan hanggat maaari.
2. Ang paghihinala ay nagiging sanhi ng mga bali-balita at paninirangpuri na ipinagbabawal sa Islam.
3. Ang Islam ay nababahala sa pangangalaga ng Komunidad ng Muslim
mula sa mga gawi na maaaring maging sanhi ng paghihiwalay.
4. Ang katangian na nais ng Propeta na mabuo sa atin sa hadith na ito
ay ang tungkol sa tiwala.

19

Hadith 3

Aralin 4

PAniniBugHO



:


.
Si Abu Hurayrah ay nag-ulat na ang Sugo ng Allah ay nagsabi: Magingat sa paninibugho sapagkat katotohanang ito ay sumisira ng mga
mabubuting gawa kung papaanong ang kahoy ay tinutupok ng apoy.
Sunan Abi Dawud, (English Trans.) Vol. 3, p. 1366, hadith bilang 4855.

Ang nag-ulat
Matatagpuan ang talambuhay ni Abu Hurayrah sa Hadith 2.
Ang nagtipon
Ang buong pangalan ni Abu Dawud ay Sulayman ibn Ashath as-Sijistani.
Siya ay ipinanganak noon ika-202 A.H./818 C.E. pinag-aralan ang hadith
mula kay Imam Ahmad na kasama si Bukhari, at nagturo sa mga sumunod
na iskolar ng hadith, katulad ni Tirmidhi at Nasai.
Pinili ni Abu Dawud ang 4,800 na mga hadith mula sa humigit na 500,000
na kanyang natipon at naisaayos sa isang aklat na kanyang pinangalanang
Sunan (pangmaramihan ng Sunnah na nangangahulugan na kagawian ng
Propeta). Itinuro ni Abu Dawud ang kanyang Sunan sa Baghdad at iba pang
mga pangunahing sentro ng Islam noong panahong iyon. Siya ay binawian
sa Basrah noong 275 A.H. / 889 C.E.
Pangkalahatang kahulugan
Ang paninibugho at inggit ay kabilang sa mga labis na nakasasakit ng
20

damdamin na maaaring maramdaman ng isang tao. Nagtutulak ito sa


kanya sa mga sandali ng kanyang kahinaan upang kunin ang ari-arian
ng iba ng walang pakundangan o kaya ay ang tumanggi na tumulong
sa iba kapag sila ay nangangailangan ng tulong. Nagiging sanhi ito para
sa kanya na magnais ng masama para sa iba at maging masaya kung
mayroong masamang mangyayari sa kanila. Ang paninibugho ay maaari
ring magtulak sa kanya na lagpasan ang kanyang kakayahan at maglustay
ng kanyang mga kayamanan upang mabuhay lamang na katulad ng mga
mayayaman. Ang paninibugho ay nasasangkot din sa Kufr (di-paniniwala
sa Allah) sa ibang mga hakbang, sapagkat nagiging dahilan ito ng isang
naninibugho na maramdaman na ang Allah ay hindi naging patas sa kanya.
Ang kanyang pakiramdam ay nararapat na siya ay magkaroon nang higit pa
sa ipinagkaloob ng Allah sa kanya at kinakalimutan ang lahat ng mga habag
ng Allah na ipinagkaloob sa kanya, kahit na ang mga ito ay hindi nararapat
para sa kanya.
Kusang ibinigay ng Allah sa ilang mga tao ang mas maraming kayamanan,
katalinuhan, kagandahan, kalakasan, mga anak, atbp., kaysa sa iba:



Mas tinangkilik ng Allah ang ilan sa inyo mula sa iba ng kanyang
mga biyaya Surah an-Nahl 16:71
Subalit Kanyang ipinagbawal sa atin ang paghahangad kung anong
mayroon ang mga iba:





Huwag maghangad sa kung ano ang ipinagkaloob ng Allah sa ilan
sa inyo mula sa mga iba. Surah an-Nisa 4:32
Sapagkat ang mga biyayang ito ng Allah ay mga pagsubok ng
pananampalataya. Mas maraming biyaya, mas maraming mga pagsubok.
Ang mga materyal na bagay dito sa mundo ay hindi magagawa sa isa na
maging higit sa iba sa pananaw ng Allah. Ang tunay na pagiging higit ay
nakasalalay sa pananalig sa Diyos. Ang Allah, ang Pinakamaluwalhati, ang
Mahabagin, ay nagwika:
21


Katiyakan na ang pinaka mahal ng Allah sa inyo ay ang may
pinakamalaking takot sa Kanya Surah al-Hujurat 49:13
Upang maiwasan ang inggit ang Propeta Muhammad ay nagsabi:
Huwag ninyong tignan ang mas nakaaangat sa inyo. Tignan ang
mas mababa sa inyo, sapagkat ito ay makapagpapaalala sa iyo sa
mga biyayang ipinagkaloob ng Allah.
Inulat ni Abu Hurayrah at tinipon nina Bukhari at Muslim

Ito ay may kinalaman sa mga materyal na bagay dito sa mundo katulad ng


sinabi ng Propeta sa ibang pagkakataon:
Kung ang isa sa inyo ay titingin sa isang mas mayaman at mabuti
ang katayuan kaysa sa kanya, kinakailangan din niyang tignan ang
isang tao na mas mababa ang uri kaysa sa kanyang sarili. Muslim
Gayunpaman, sa mga espiritwal na bagay ay kinakailangan nating mas
tignan ang mga mas nakaaangat sa atin sapagkat ito ang maghihikayat sa
atin na maging mas mabuti. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng Propeta na:
Ang inggit ay pinahihintulutan lamang sa dalawang pagkakataon:
Sa pagkakataon na ang isang tao ay pinagkalooban ng Allah ng
Quran at binibigkas niya ito sa magdamag at maghapon; at ang
isang tao na pinagkalooban ng Allah ng kayamanan na kanya itong
ipinamimigay sa magdamag at maghapon. Bukhari at Muslim
Sa ibang pagkakataon pa ng kahalintulad na hadith, ang Propeta ay
nagpaliwanag kung ano ang maaaring sabihin:
Sana ako ay pinagkalooban kung ano ang ipinagkaloob sa kanya at
gawin ko ito ang katulad ng ginawa niya.

Iniulat ni Abu Hurayrah at tinipon ni Bukhari

Kayat ang paninibugho ay hindi lamang sa mga ipinagkaloob subalit ito ay


maaari rin sa mga tamang paggamit.
22

Nagbigay babala ang Propeta sa atin tungkol sa inggit na hanggat maaari


ay inihalintulad niya ito sa apoy na tumutupok nang tuluyan sa kahoy,
sapagkat ang inggit at paninibugho ay ganap na sumisira anumang maliliit
na kabutihan na nagawa natin. Sa katotohanan, ang inggit at paninibugho
ay labis na mapanganib na ang Allah ay nagpahayag ng isang kabanata sa
Quran upang bigkasin bilang pangangalaga laban sa mga taong naiinggit
sa atin. Sa Surah al-Falaq (113), winika ng Allah:
Sabihin: Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng bukangliwayway mula sa kasamaan ng mga mapanibugho kapag siya ay
naninibugho.
Gayunpaman, ang pangunahing mensahe ng hadith na ito ay makuntento
ang mga naniniwalang mga Muslim sa kung ano ang itinalaga ng Allah sa
kanila. Itinuro ng Propeta ang pagtanggap sa kahihinatnan bilang ika-anim
na haligi ng Islam (pananampalataya). Ito ay hindi nangangahulugan na
ang mga mananampalataya ay hindi na magsisikap upang umunlad ang
kanyang kalagayan. Nararapat siyang magpunyagi sa abot ng kanyang
makakaya sa anumang mga pangyayari na maaaring maganap. Subalit,
sa pagsasagawa nito, ang mananampalataya ay nararapat tanggapin kung
ano ang itinakda ng Allah para sa kanya.
mga aral
1.
2.
3.

Isinasaalang-alang ng Islam ang tungkol sa pag-aalis ng mga


negatibong pakiramdam mula sa mga tao upang makapaghatid ito
ng mabuting pagkaka-ugnayan at kapayapaan sa lipunan.
Kinamumuhian ang paninibugho sa Islam, at nararapat na iwasan
ito ng mga Muslim hanggat maaari.
Ang masasamang mga gawa ay nakasisira sa mabubuting mga
gawa kayat sapat na ang gumawa ng kabutihan at isipin na tayo ay
kusang makapapasok sa paraiso sapagkat tayo ay mga Muslim.

23

Hadith 4

Aralin 5

PAHinTulOT






: ) ( ) (



: : ) (

.
Si Khaladah ibn Hanbal ay nag-ulat na siya ay inutusan ni Safwan ibn
Umayyah na magdala ng ilang gatas at pipino sa Propeta na noon ay
naninirahan pa sa itaas na bahagi ng lambak (ng Makkah). Kanyang
sinabi, Ako ay pumasok sa kanyang tahanan na walang pahintulot o
pagbibigay ng Salam, kayat ang Propeta ay nagsabi sa akin, Bumalik
ka palabas at sabihin: as-Salamu alaykum, maaari bang pumasok?
Sunan Abu Dawud, hadith blg. 5157

Ang nag-ulat
Si Kaladah ay mula sa tribu ng Aslam at tinanggap niya ang Islam matapos
ang pagsakop sa Makkah at ang labanan ng Hunayn. Siya ay isang Sahabi
at isa sa mga nagturo ng Sunnah sa mga bagong yakap matapos bawian
ng buhay ang Propeta.
Ang nagtipon
Matatagpuan ang talambuhay ni Abu Dawud sa Hadith 3.
Pangkalahatang kahulugan
Ang kuwentong ito ay nangyari noong ang kapatid ni Kaladah sa ina na si
Safwan ibn Umayyah ay inutusan siyang maghatid ng ilang gatas at mga
24

gulay sa Propeta. Dahil bago pa lamang sa Islam si Kaladah, kailangan


pa niya ng gabay, ang Propeta ay nag-utos sa kanya ng wastong paguugali sa pagdalaw.
Ang pangkalahatang pamamaraan ng pagdalaw ay nabalangkas na mula
sa Quran, winika ng Allah:




O mga mananampalataya, huwag pasukin ang mga tahanan
maliban sa inyong mga sarili hanggat hindi kayo nakahingi ng
pahintulot at nakapagbigay ng Salam sa mga taga roon
Surah an-Nur 24:27

Ang hadith ay isang halimbawa ng pagsasagawa ng talatang ito mula sa


Quran.
Ang dahilan kung bakit ang pagbibigay ng Salam ay mahalaga ay upang
maiwasan ang pagkagulat ng nakatira sa bahay na maaaring siya ay
nakasuot o walang suot na ayaw niyang makita sa ganitong ayos. Ito ay
upang maiwasan din na makita ang mga kababaihang naroroon.
Upang maiwasan ang biglaang pagtingin sa loob ng ibang bahay kapag ang
pintuan ay nakabukas. Ang Propeta ay nagdagdag ng payo sa pamamaraan
ng pagtayo. Sinabi ni Huzayl:
Ang isang lalaki ay lumapit sa pintuan ng Propeta, nakatayong
nakaharap dito at humingi ng pahintulot na makapasok. Sinabi ng
Propeta sa kanya, (Tumayo) malayo mula dito! (Tumayo) sa tabi nito
o diyan. Sapagkat sa katotohanan ang paghingi ng pahintulot ay ang
pag-iwas sa pagtingin na labag sa batas. Abu Dawud, hadith blg. 5155
Ang isang bata ay maaaring magbukas ng pinto bago maihanda ang
tahanan o kaya naman ang isang ama ay magagawa ito na hindi muna niya
natitignan ang ayos ng kanyang pamilya. Upang maiwasan ang ganitong
mga hindi inaasahang pangyayari, tayo ay pinapayuhan na huwag humarap
sa bukana ng pintuan habang naghihintay ng pahintulot na makapasok,
lalo na kapag ang pintuan ay nakabukas. Mahigpit na binigyang babala ng
Propeta ang mga tao na may pagnanais na manilip. Si Abu Hurayrah ay
nag-ulat na ang Sugo ng Allah ay nagsabi:
25

Sinuman ang manilip sa bahay ng isang tao na walang pahintulot


at ang kanyang mata ay napukol, nawalan siya ng mata na walang
masisingil para rito. Abu Dawud, hadith blg. 5153
Sa isang pagkakataon isang lalaki ang sumilip sa Propeta habang siya
ay nasa kanyang bahay at binato siya ng pana ng Propeta kayat siya ay
umalis.5
Hindi rin nais ng Propeta na ang bisita ay hindi magpapakilala ng maayos
kapag siya ay tinanong. Si Jabir ay nagtungo sa Propeta upang tanungin
ang tungkol sa utang ng kanyang ama. Siya ay nagsabi:
Ako ay kumatok sa pintuan. nang siya ay nagtanong, Sino yan?
Ako ay sumagot, Ako ito. inulit niya, Ako?, na para bang hindi niya
ito gusto. Abu Dawud hadith blg. 5168
Sa iba pang hadith na iniulat ni Abu Said al-Khudri, isinalarawan ng
Propeta kung gaano talaga ang bilang ng Salam at paghingi ng pahintulot
na makapasok ang dapat ibigay. Iniulat niya na ang Propeta ay nagsabi:
Kung sinuman sa inyo ang humihingi ng pahintulot (na makapasok)
ng tatlong ulit at hindi siya pinagkalooban ng pahintulot, nararapat
na siya ay umalis na lamang.
Muslim hadith blg. 5354, Abu Dawud hadith blg. 5161

Ang Allah ay nagbigay pa ng mas malawak na kautusan para sa pananarili


sa loob ng kanyang tahanan. Kanyang winika:
O kayong naniniwala! Hayaan ang inyong mga alipin, at ang inyong
mga anak na wala pa sa tamang gulang na humingi ng pahintulot
bago lumapit sa inyo sa tatlong pagkakataon: bago ang pagdarasal
sa umaga (Salatul-Fajr), kapag hinubad mo ang iyong damit sa init ng
katanghalian, at matapos ang pagdarasal sa gabi (Salatul-Isha). Ito
ang tatlong ulit na pansarili para sa iyo. Maliban sa mga nabanggit na
oras na ito, hindi mali para sa iyo o sa kanya na kumilos. Surah al-Nur
24:58

26

Samakatuwid, kahit sa ang mga kasambahay, ang pahintulot ay


kinakailangang hingin sa mga pagkakataon na ang mga tao ay kalimitang
nasa katayuan na walang damit (panarili).
5 Iniulat ni Anas at tinipon ni Tirmidhi

Ang hadith na ito ay nagpapakit ng malaking pagsasaalang-alang na


ipinagkaloob ng Islam kahit na sa pinakamaliit na pangyayari upang
magkaroon ng gabay at isang sistema ng pag-uugali para sa lahat ng
pagkakataon sa buhay. Kung walang kautusan na naiwanan sa mga
ganitong pagkakataon, ang bisita ay madaling makapahiya ng kanyang
dinadalaw sa pagkakataon na makita niya siya o ang kanyang kapamilya
sa ayos na kahiya-hiya o kaya naman ay makita ang kanyang lugar na
makalat. Maaari rin niyang pindutin ang door-bell ng maraming beses na
siyang magpapasuya sa kanyang sarili.
mga aral
1.
2.
3.

Ang mga Muslim ay obligadong magbigay ng Salam at humingi ng


pahintulot bago pumasok sa mga bahay ng iba.
Ang mga bagong yakap sa Islam ay kinakailangang turuan sa mga
bagay na hindi nila nalalaman.
Ang pamamaraan ng Islam ay nasasakop ang lahat ng bagay sa
buhay at nangangalaga sa mga tao mula sa mga hindi inaaasahang
pagkakataon na makapahiya ng iba.

27

Hadith 5

Aralin 6

PAndARAYA




) (


:
:

:


:
.

Si Abu Hurayrah ay nag-ulat na:
Ang Sugo ng Allah ay napadaan sa isang tumpok ng mga pagkain at
isinuksok niya ang kanyang kamay dito. Nang maramdaman niyang
itong basa, tinanong niya ang may-ari, Ano iyan? Ang tindero ay
sumagot, Nabasa ito ng ulan, O Sugo ng Allah. Pagkatapos ay
sinabi ng Propeta Bakit hindi mo ito ilagay sa ibabaw ng sa gayon
ay makita ito ng mga tao? Sinuman ang mandaya sa atin ay hindi
kabilang sa atin. Muslim hadith blg. 183, Abu Dawud hadith blg. 3445
Ang nag-ulat
Ang talambuhay ni Abu Hurayrah ay matatagpuan sa Hadith 2.
Ang nagtipon
Ang talambuhay ni Muslim ay matatagpuan sa Hadith 1, at ang kay Abu
Dawud naman ay sa Hadith 3.
Ang pangkalahatang kahulugan
Isang araw ang Propeta ay nasa palengke, inihayag ng Allah sa kanya na isa
sa mga nagtitinda ay nandaraya sa mga tao. Kayat nang siya ay dumaan
28

sa bunton ng mga butil ng trigo na pag-aari ng nagtitinda, isinuksok niya


ang kanyang kamay dito at naramdaman niyang basang butil sa gitna
nito. Kayat tinanong niya ang nagtitinda na nagmamay-ari ng butil kung
bakit niya ito ginawa. Tinanong ng Propeta ang nagtitinda, kahit na alam
na niya kung bakit ito ginawa ng nagtitinda. Ito ay upang ilantad siya at
ang kanyang masamang gawa sa lahat ng mga tao sa palengke. Nais ng
Propeta na gawin siyang halimbawa sa lahat ng mga nagtitinda. Ang mayari ng basang butil ay ipinaliwanag na ang ang butil ay hindi sinasadyang
nabasa ng nakaraang gabi dahil sa ulan. Pinagalitan siya ng Propeta sa
pamamagitan ng pagsabi sa kanya na dapat niyang ipaalam sa mga tao
kung ano talaga ang kanyang itinitinda at huwag subukan na dayain sila.
Kung ang mga paninda ay may mga pinsala, ang nagtitinda ay dapat na
ipaalam ito sa mga mamimili, dahil kung hindi siya ay nanloloko. Matapos
ito, ang Propeta ay bumaling sa ibang mga nagtitinda at sinabihan sila na
sinuman ang mandaya ay hindi tunay na tagasunod ng Islam. Ang ganitong
tao ay hindi isang tunay na Muslim, sapagkat nakalimutan niya na nakikita
siya ng Allah at kinakailangan niyang panagutan kung ano ang kanyang
ginawa sa araw ng Paghuhukom. Binigyang diin ng Propeta ang katapatan
sa pakikipag-ugnayan sa negosyo sa pagsasabi na:
Ang parehong panig sa isang pagbibilihan ay maaari itong bawiin
habang sila ay hindi pa naghihiwalay. Kung sila ay matapat ang
kanilang pagbibili ay bibiyayaan, subalit kung hindi sila matapat ang
biyaya ay mawawala.
Iniulat ni Hakim ibn Hizam at tinipon ni Muslim hadith blg. 3661

Ang ilan sa mga mag-aaral ay hindi nag-aaral ng maayos, subalit sila ay


nakakapasa sa pamamagitan ng pagdadala ng mga kodigo o sa pagkokopya
sa mga sagot ng iba. Ang ganitong ugali ay ganap na hindi Islamiko. Ito ay
isang pandaraya kahit ano pa ang itawag ng mga tao dito o anumang dahilan
ang ibigay nila tungkol dito. Ang Islam ay mahigpit na sumasalungat sa
pandaraya sa anuman sa mga anyo nito. Ang mga nagbibigay ng sagot sa
mga mandaraya ay kalimitang nagsasabi na hindi sila nandadaya, subalit
tinutulungan lamang ang mga nangangailangan. Ang magkakaibigan ay
kinakailangang magtulungan kanilang sinasabi. Subalit ipinagbawal ng
Allah ang pagtutulungan sa paggawa ng kasalanan. Winika Niya sa Quran:


magtulungan sa bawat isa sa kabutihan at kabanalan, subalit
29

huwag magtulungan sa paggawa ng kasalanan at pananalakay


Surah al-Maidah 5:2

Sa isang pagkakataon ang Propeta ay nagsalaysay ng isang pangkaraniwang


kasabihan mula sa mga Arabo noong mga panahon bago sumapit ang
Islam sa kanila.
Tulungan ang iyong kapatid maging siya ay gumagawa ng mali o
ang mali ay ginawa sa kanya. Kayat ang mga tao ay nagtanong:
Sugo ng Allah, matutulungan namin siya kung siya ginawan ng mali
ngunit papaano namin siya matutulungan kung siya ay gumagawa
ng mali? Ang Propeta ay sumagot: Sa pagpipigil sa kanya.
Tinipon nina Bukhari, Tirmidhi at Ahmad

Samakatuwid, ang tanging paraan na matulungan ang isa kaibigan na


nandaraya o nagnanais na mandaya ay ang pigilan siya sa pagsasagawa
nito. Kung hindi, ang pagtulong sa kanya na magawa ang kasalanan
ay isa ring kasalanan. Kahit pa na ang siya hindi nahuli ng teacher,
nakikita siya ng Allah at ang kanyang kasalanan ay naitatala. Maaaring
papangyarihin ng Allah ang ilang kasawian na mangyari sa kanya bilang
isang kaparusahan at isang paalala sa buhay na ito o di kaya ay hahayaan
Niya ito para sa kaparusahan sa Araw ng Paghuhukom. Ang mandaraya ay
hindi makatatakas sa kanyang kasalanan sapagkat winika ng Allah:



At sinuman ang gumawa ng katiting na kasamaan ay pagbabayaran
ito. Surah al-Zilzilah 99:8
Sa kabilang dako ang kabutihan nang pagiging matapat ay pinapagkapuri
sa Islam. Sa katunayan, ang Propeta Muhammad ay kinilala bilang isang
al-Amin (ang mapagkakatiwalaan) ng kanyang tribu, ang Quraish, kahit
na noong bago siya maging Propeta. Malinaw din na isinaad ng Allah sa
Quran:




O mga mananampalataya! Gampanan ang inyong mga tungkulin
Surah al-Maidah 5:1

30

Kung gayon, ang tunay na Muslim ay kinakailangang maging matapat at


maaasahan sa kanyang pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa mga
tao, kung hindi, hindi siya maituturing na isang tunay na Muslim.
mga aral
1.

2.

3.
4.

Ang hadith na ito ay nagtuturo sa atin na ang mga pinuno ng mga


Muslim ay kinakailangan na tignan ang mga tao paminsan-minsan,
upang makasiguro na sila ay nakikipag-ugnayan ng patas sa bawat
isa.
Ito ay nagtuturo rin sa atin na kung may isang nagtitinda ng may
pinsala ang kanyang paninda, hindi niya dapat itago ang mga pinsala
nito sa halip ay ipakita niya ito upang ang mamimili ay malaman
kung ano talaga ang kanyang binibili.
Ang hadith na ito ay isang malinaw na patunay na ang pandaraya
ay ipinagbabawal sa Islam at kinakailangang iwasan, sa lahat ng
pamamaraan.
Ito ay nagpapabatid din sa atin na ang isang Muslim na nandaraya
ay hindi isang tunay na Muslim.

31

Hadith 6

Aralin 7

Ang mAPAgPATAWA




:
.
Si Bahz ibn Hakim ay nag-ulat mula sa kanyang ama na nag-ulat mula sa
kanyang lolo na ang Sugo ng Allah ay nagsabi:
Babala sa kanya na nagsasalita at nagsisinungaling upang
makapagpatawa lamang ng tao, babala para sa kanya. Tinipon nina
Abu Dawud (hadith blg. 4972) at Tirmidhi

Ang nag-ulat
Ang pangalan ng lolo ni Bahz ay Muawiyah ibn Haydah. Siya ay isang Sahabi
mula sa tribu ng Qushayr. Siya ay nanirahan sa Basrah noong pakikilaban
ng military sa Iraq, katagalan ay binawian ng buhay sa Khurasan.
Ang nagtipon
Matatagpuan ang talambuhay ni Abu Dawud sa Hadith 3.
Ang buong pangalan ni Tirmidhi ay Muhammad ibn Issa ibn Surah. Siya
ay ipinanganak sa Tirmidh at nag-aral ng Hadith mula kay Bukhari at Abu
Dawud, gayundin sa ibang mga guro. Siya ay nagsulat ng isang aklat ng
Hadith na tinawag niyang al-Jami, subalit sa katagalan ay tinawag na
as-Sunan. Siya ay nag-ambag ng malaki sa agham ng puna sa hadith at
sumulat ng aklat na tinawag na al-Elal (Ang mga kakulangan) matapos na
siya ay mabulag. Idinikta ni Tirmidhi ang pareho niyang as-Sunan at al-Elal
sa kanyang mga mag-aaral sa Hijaz, al-Iraq at Khurasan. Siya ay binawian
ng buhay sa Tirmidh noong 267 A.H. (881 C.E.)
32

Pangkalahatang kahulugan
Inatasan ng Allah ang mga mananampalataya na maging makatotohanan
sapagkat ang tunay na paniniwala sa Allah ay nangangailangan sa
mananampalataya na iwasan ang kasinungalingan. Kung tunay tayong
naniniwala sa Allah na nakikita at naririnig niya ang lahat ng ginagawa
natin, maaari pa ba tayong magsinungaling? Ang magsinungaling ay
nangangahulugan ng di-paniniwala na tayo ay mananagot sa Allah kung
ano ang ating ginawa. Samakatuwid, mas maraming pagsisinungaling ay
mas mahinang pananampalataya ang kanyang napapala, at ang mas lalong
nagiging makatotohanan ay nagiging mas malakas na pananampalataya
ang kanyang nakakamit. Ang Allah ay nagwika sa Quran:


O kayong nananampalataya! Katakutan ang Allah at makisama sa
mga makatotohanan. Surah at-Tawbah 9:119
Dahil dito at sa mga kautusan ng Quran ay nangangailangan sa mga
mananampalataya na maging makatotohanan, ang Propeta ay nagbawal
sa lahat ng mga uri ng pagsisinungaling sa maraming mga pagkakataon,
halimbawa, siya ay naiulat na nagsabi:
Mag-ingat sa kasinungalingan, dahil sa katiyakan ang
pagsisinungaling ay humahantong sa paninira at ang paninira ay
humahantong sa Apoy.6
Sa ibang mga pagkakataon ay pinipigilan niya ang pagsisinungaling sa
pamamagitan ng paglalarawan ng ibang mga kaparusahan na naghihintay
sa mga sinungaling. Ang Propeta ay nagsalaysay sa atin ng isang panaginip
na kung saan ay kanyang nakita ang mga tao na pinarurusahan sa Impiyerno
at ang mga panaginip ng mga Propeta ay isang anyo ng kapahayagan.
Isinalarawan niya ang isang tao na nasa Apoy na ang kanyang pisngi,
nakita niya, na winawakwak mula sa kanyang bibig hanggang sa kanyang
tainga. At kanyang isinalaysay na mayroong dalawang lalaki sa kanyang
panaginip ang lumapit sa kanya at ipinabatid na ang taong winakwak ang
pisngi magmula tainga hanggang kabilang tainga ay ang tao na nagsasabi
6 Iniulat ni ibn Masud at tinipon ni Muslim, hadith blg. 6309, at Sunan Abi Dawud hadith blg. 4971.
33

ng mga kumalat na kasinungalingan.7


Sa hadith na ito, ang Propeta ay nakapagpasiya na pagtuunan ng pansin
ang isang anyo ng tahasang pagsisinungaling, pagsasabi ng mga biro at
pagmamalabis, sapagkat ang mga ito ay pangkaraniwan. Tinagurian din
ito bilang isang mabuting pagsisinungaling (white lie) upang maiba ito
mula sa sinasadyang mapanirang kasinungalingan, subalit ang Propeta
ay ipinagbawal ito kahit na ang layunin nito ay magpatawa at hindi ito
naglalaman ng anumang nakapipinsala. Ang dahilan nito ay sapagkat ang
isang nagsisinungaling ng palagian upang makapagpatawa ay nawawala
ang takot sa pagsisinungaling at sa katagalan ay maaaring humantong sa
mga mapanirang kasinungalingan. Hinarangan ng Propeta ang bagay na ito
dahil sa patutunguhan nito at sapagkat ang halaga nito ay walang-saysay.
Ang pagbabawal na ito ay tumutukoy sa mga biro na tungkol sa ibat ibang
mga lahi at kultura na nauuwi sa panlalait at pang-aabuso, na ipinagbawal
ng Allah sa Quran:




O kayong naniniwala! Ang isang pangkat sa inyo ay hindi dapat
manlait ng ibang pangkat, sapagkat maaari na sila (ang nilalait) ay
nakahihigit kaysa iba Surah al-Hujurat 49:11
Gayunpaman, ang mga biro na malaya mula sa pagmamalabis at pangaabuso ay pinahihintulutan hanggat sa ang mga nakikinig ay alam na
ang mga kuwento ay hindi totoo. Ang pinakamainam na uri ng mga biro
ay yaong mga totoong pangyayari na nagaganap sa pang-araw-araw na
buhay nating lahat.
Ipinagbabawal din na makinig sa mga kasinungalingan na hindi ipinababatid
sa nagsisinungaling ang kahahantungan ng kanyang gawa, sapagkat
tungkulin ng bawat Muslim na ipag-utos ang kabutihan at ipagbawal ang
kasamaan. Winika ng Allah:


34

7 Bukhari, hadith blg. 118

At mula sa inyo ay may lilitaw na mga pangkat na maghihikayat


sa lahat tungo sa kabutihan, ipag-uutos kung ano ang tama, at
ipagbabawal kung ano ang mali; Sila ang mga magtatagumpay.
Surah al-Imran 3:104

Ang pakikinig sa mga biro na may halong kasinungalingan ay ipinagbabawal


sapagkat ang pagsasawalang-kibo sa Islam ay nagpapahiwatig ng
pagsang-ayon, at ang Propeta ay nag-utos sa atin na ihinto ang kasamaan
o magsalita ng laban dito kung ito ay mangyari na kasama tayo. Kung tayo
ay masyadong nahihiya at hindi makatipon ng tapang upang magsalita
laban sa nagsisinungaling, kung gayon ang pinakamababang magagawa
natin ay ang iwanan ang samahan ng mga taong ibinubuhos ang kanilang
sarili sa ganitong uri ng pagpapalipas ng oras.
Mga aral
1. Ang pagsisinungaling upang magpatawa ay ipinagbabawal sa Islam.
2. Ang pakikinig sa mga kasinungalingan na nagsasawalang-kibo ay
ipinagbabawal din.
3. Ang Islam isinasaalang-alang ang panghaharang ng mga daan na
humahantong sa Haram.

35

Hadith 7

Aralin 8

PAg-iWAS SA di-mAHAHAlAgAng BAgAY


:
:


.
Si Abu Hurayrah ay nagsabi na ang Sugo ng Allah ay nagsabi: Kasama
sa mga bagay na bumubuo sa Islam ng isang tao ay ang pag-iwas sa
mga bagay na walang kaugnayan sa kanya. Tinipon ni Tirmidhi
Ang nag-ulat
Ang talambuhay ni Abu Hurayrah ay matatagpuan sa Hadith 2.
Ang nagtipon
Ang talambuhay ni Tirmidhi ay matatagpuan sa Hadith 6.
Pangkalahatang kahulugan
Ang Propeta, sa hadith na ito, ay nagbigay sa atin ng isang hindi
matatawarang gabay na ang pagsasagawa nito ay mag-aangat sa isang
Muslim sa pinakamataas na mga antas ng Islam. Maraming mga tao
ang kalimitang humahantong sa Haram sa pamamagitan ng pakikialam
sa mga bagay na walang kinalaman sa kanila. Ang kuryusidad ay may
puwang sa agham, gayundin sa pang-araw-araw na pamumuhay, subalit
kinakailangan itong pigilan; dahil kung hindi, mauuwi ang isang nag-uusisa
sa isang kapilyuhan. Ang halimbawa nito ay ang pagsilip sa mga butas ng
tarangkahan upang malaman kung ano ang nangyayari sa mga lugar na
ipinagbabawal. Ang Propeta ay nagbigay ng matinding babala sa ganitong
hilig sa pamamagitan ng paggawa na sapilitan ang paghingi ng pahintulot
bago pumasok sa mga bahay o gusali ng iba. Pinahintulutan din niya ang
36

sinuman na sinalakay ang kanyang pananarili na makasakit sa nanalakay


na walang dapat katakutan na kaparusahan sa pagsasabi na:
Kapag nakita ka ng isang tao (na nakahubad) na wala kang
pahintulot at nabulag mo siya sa pamamagitan ng pagpukol ng bato
sa kanyang mata, walang anumang paninisi para sa iyo. Iniulat ni Abu
Hurayrah at tinipon ni Muslim

Ang mga aali-aligid na mga tao na nanunubok sa mga gawain ng ibang


tao at nakikinig sa kanilang mga pribadong usapan ay nagpapahintulot sa
kanilang pag-uusisa na mauwi sa mga bagay na walang kinalaman para sa
kanila at humahantong sa Haram. Nagbigay babala ang Propeta sa mga
nakikinig ng palihim para sa isang nagbabantang kaparusahan sa kanilang
mga di-mapigilang kuryusidad sa pagsasabi na:
Sinuman ang makinig sa usapan ng mga tao na ayaw nilang marinig
niya ito, sa araw ng muling pagkabuhay ay bubuhusan ang kanyang
tainga ng tinunaw na tanso. Iniulat ni ibn Abbas at tinipon ni Bukhari
Ang hadith na ito, sa ibubunga nito, ay naghihikayat sa atin na na maghanap ng
mga bagay na mayroong mga tunay halaga para sa atin. Ito ay, nararapat na
magsumikap tayo na hanapin ang mga gawang matutuwid na makatutulong
sa atin sa kabilang buhay at iwasan ang mga walang saysay na mga dimahahalagang mga bagay na walang kapararakan maging sa buhay na
ito o sa kabila. Halimbawa, ang panonood ng mga palabas sa mahabang
oras o paglalaro ng mga baraha. Tayo ay may pananagutan sa Allah kung
papaano natin ginugugol ang ating mga oras, at ang paraan kung papaano
natin ginamit ang ating oras ay nagpapakita rin kung saan nakasalalay ang
mga bagay na ating binibigyan ng halaga at kung ang pagmamahal natin
sa Allah ay una sa anupaman kagaya ng pangangailangan nito. Ang Allah
ay nagwika:








37

Sabihin: Kung ang inyong mga ama, mga anak, mga asawa, mga
kamag-anak; kayamanan na inyong naipon; hanapbuhay na inyong
kinatatakutang mawala, at mga tahanan na inyong ikinasisiya ay
mas mahal sa inyo kaysa sa Allah at Kanyang Sugo, at Jihad para
sa Kanya, magkagayon ay hintayin hanggat ang utos ng Allah (sa
kaparusahan) ay dumating Surah at-Tawbah 9:24

At kabilang sa sangkatauhan ay ang mga iba na nagtatambal sa


Allah. Minamahal nila ang mga ito katulad ng pagmamahal nila sa
Allah. Subalit ang mga mananampalataya ay minamahal ang Allah
nang higit sa anuman Surah al-Baqarah 2:165
Sa pag-iwas sa mga bagay na walang tunay na kahalagahan, nakapagbibigay
tayo sa ating mga sarili ng maraming mga oras sa paggawa ng mga bagay
na kapaki-pakinabang. Nakapagtitipid din tayo ng ating mga lakas sa
pamamagitan ng pagtatabi sa mga ito upang huwag masayang sa mga
bagay na walang halaga, na siyang magbibigay sa atin ng mga karagdagang
panustos na maaaring gamitin sa ibang mga pagkakataon na kinakailangan.
mga aral
1.
2.
3.

38

Ang pag-iwas sa mga di-mahahalagang mga bagay ay isa sa mga


dakilang kabutihan sa Islam.
Ang pag-uukol ng pansin sa mga bagay na walang kapararakan ay
madaling makapag-aakay na mauwi sa Haram.
Ang isang Muslim ay kinakailangang maghanap ng mga bagay na
may tunay kapakinabangan (mabubuting mga gawa).

Hadith 8

Aralin 9

mgA PAgBABAgO SA REliHiYOn




:

.
Si Aishah ay nag-ulat na ang Sugo ng Allah ay nagsabi: Sinuman
ang magbago sa ugnayan nating ito ng anuman na hindi
nabibilang dito ay kinakailangang iwaksi.
Tinipon nina Bukhari at Muslim

Ang nag-ulat
Si Aishah bint Abi Bakr ay ang ikatlong asawa ng Propeta. Siya
itinuturing na isang dakilang iskolar sa Islam at maraming mga
mag-aaral ang pumupunta sa kanya upang mag-aral mula sa
kanya matapos bawian ng buhay ang Propeta. Si Aishah ay isa
sa mga nakapag-ulat ng pinakamaraming mga hadith ng Propeta.
Siya ay binawian ng buhay noong ika-57 na taon ng Hijrah A.H.
(679 C.E.), siya ay inilibing sa Madinah.
Ang nagtipon
Matatagpuan ang talambuhay ni Bukhari sa Hadith 2, samantala
sa Hadith 1 naman ang kay Muslim.

Ang pangkalahatang kahulugan


Ang Propeta ay nagbabala sa atin na huwag gumawa ng anumang
39

bagong bagay at pagkatapos ay tawagin itong bahagi ng Islam.


Ang Islam ay kung ano ang dinala ng Propeta sa atin upang
sundin. Kung tayo ay mag-iimbento ng anumang mga bagong
pamamaraan, ito ay hindi tatanggapin ng Allah, at katulad ng
winika Niya sa atin:





At kung anuman ang ipinag-utos sa inyo ng Sugo sundin ito; at
anuman ang ipinagbawal sa inyo iwasan ito Surah al-Hashr 59:7
Kayat nararapat na tiyakin natin na ang lahat ng ginagawa natin sa
pangalan ng Islam ay mula sa Propeta ng Islam at hindi mula sa ating
ibat ibang mga kultura. Ang halimbawa nito ay kung papaanong ang mga
tao ay nagdiriwang ng kaarawan ng Propeta katulad ng mga Kristiyano na
nagdiriwang ng kaarawan ni Hesus kahit na ang Propeta ay hindi nagsabi sa
atin na dapat natin itong gawin at wala sa kanyang mga Sahaba ang ginawa
ito. Sa katunayan, ni hindi natin alam ang eksaktong araw na ipinanganak
ang Propeta. Ipinabatid din sa atin ng Propeta na mayroon lamang tayong
dalawang taunan na pagdiriwang; Eidul Fitr at Eidul Adha. Si Anas ay nagulat na noon gang Propeta ay nagpunta sa Madinah, mayroong dalawang
araw na kung saan kanilang ipinagdiriwang. Nang tanungin sila kung saan
nagmula ang mga pagdiriwang na ito, sinagot nila na kalimitan silang
naglalaro sa mga araw na iyon noong mga panahon bago dumating ang
Islam. Ang Propeta ay nagsabi:
Pinalitan ito ng Allah ng mas higit na mga bagay para sa inyo: ang
Eid ng pag-aalay at ang Eid ng paghihinto sa pag-aayuno.
Abu Dawud hadith blg. 1130

Ang iba sa mga Muslim sa ngayon ay hinahalikan o hinahawakan ang


anumang bagay na may kahalagahan sa relihiyon, pinaniniwalaan na ito ay
magbibigay sa kanila ng pagpapala at magandang kinabukasan. Hinahalikan
at hinahawakan nila ang Quran, ang mga butil na kanilang ginagamit sa
Dhikr (na isa pang uri ng pagbabago), ang mga haligi ng Masjid ng Propeta,
at mga iba pang bagay, subalit ang tanging bagay na may kahalagahang
panrelihiyon na hinalikan at hinawakan ng Propeta ay ang itim na bato (hajr
al-aswad) na nakalagay sa panulukan ng Kabah.

40




Sa araw na ito ay ginawa Kong ganap ko ang inyong relihiyon
para sa inyo Surah al-Maidah 5:3
Kapag tayo ay gumagawa ng mga bagong bagay tayo ay tunay na nagsasabi
na ang relihiyong Islam ay hindi pa ganap at hindi nalalaman ng Propeta
kung ano ang pinakamahusay para sa atin.
mga aral
1.
2.
3.

Dapat nating iwaksi ang lahat ng mga pagbabago na lumalabag sa


mga batas ng Islam.
Dapat nating pag-ingatan ang mahigpit na pagsunod sa Propeta at
iwasan ang mga kabaguhan.
Anuman ang matagpuan sa mga batas ng Islam ay kinakailangang
tanggapin at sundin.

41

Hadith 9

Aralin 10

Ang iSlAm: SA diWA AT SA gAWA



:









.
Si Ibn Abbas ay nag-ulat na ang Sugo ng Allah ay nagsabi: Katiyakan
na may mga tao mula sa aking nasasakupan na bibigkas ng Quran,
subalit sila ay magsisilisan sa Islam na kasimbilis ng isang pana sa
pagtama sa kanyang tudlaan. Tinipon nina Ahmad at Ibn Majah
Ang nag-ulat
Si Abdullah Ibn Abbas ay ipinanganak sa Makkah noong mga ika-619 C.E.
at siya ay pinsan ng Propeta. Katagalan ay naging isa siya sa mga dakilang
legal-iskolar mula sa mga Sahabah. Ang Propeta na rin ang tumawag sa
kanyang Tarjuman al-Quran8, ang may kakayahan nang higit na magbigay
paliwanag sa Quran, Bukhari Vol. 1 hadith blg. 75. Isa rin siya sa may
pinakamaraming naiulat na hadith. Binawian siya ng buhay sa siyudad ng
Taif sa taong ika-68 A.H. (691 C.E.) sa gulang na 72.
Ang nagtipon

42

Si Ahmad ibn Hanbal (binawian ng buhay noong 855 C.E.) ay isa sa mga
dakilang tagatipon ng hadith. Pinangalanan niya ang kanyang mga natipon
na al-Musnad, subalit ito ay nakilala sa tawag na Musnad Ahmad. Ito ang
pinakamaraming natipon na mga hadith mula sa mga naunang mga aklat at
naglalaman nang humigit sa 40,000 na mga hadith. Ang kanyang koleksiyon
ay nakaayos sang-ayon sa mga pangalan ng mga Kasamahan ng Propeta
na nag-ulat ng mga kagawian mula sa Propeta. Si Ahmad ay naging isa rin
sa apat na pinaka kilalang mga legal-iskolar, pangkaraniwang tinatawag na
8 Sa literal na kahulugan ay Tagasalin ng Quran

apat na mga Imam at siya ang nagtatag ng isang eskuwelahan ng batas


Islamiko na tinatawag na Hanbali Madhab.
Pangkalahatang kahulugan
Ipinabatid sa atin ng Sugo ng Allah sa hadith na ito na mayroong mga tao
mula sa mga bansa ng Islam ang tatawagin ang kanilang mga sarili na
Muslim at napakagandang bumibigkas ng Quran, subalit lilisanin ang Islam
at kikilos ng mga bagay laban sa mga tagasunod nito sa unang pakinabang
na kanilang makukuha. Ang mga taong ito ay maaaring nasa anyo ng isang
sekta na nagsasabing sila ay mga Muslim, subalit, sa katotohanan, ay
nasa labas ng Islam. Halimbawa, ang una sa mga sektang ito na lumitaw
mula sa mga Muslim ay ang tinatawag na Khawarij (ang mga tiwalag).
Nagsimula sila bilang mga tagasunod ng ika-apat na kalipa, Ali ibn Abi
Talib, habang nakikipaglaban kay Muawiyah. Hindi nagtagal at sila (Ali at
Muawiyah) ay nagkasundo, isa sa mga pangkat na tumatangkilik kay Ali
ang humiwalay at nagpahayag na sina Ali at Muawiyah ay parehong mga
di-mananampalataya. Ang pangkat na ito ay nakilala sa kanilang husay sa
pagbigkas ng Quran at katapatan sa pag-aalay ng Salah, subalit marami
silang kinitil na buhay ng mga Muslim na hindi sumang-ayon sa kanilang
mga pananaw. Ipinahiwatig ito ng Propeta sa ibang hadith sa pagsasabi
na mayroong 73 pangkat ng mga tao na lahat nagsasabi na sila ay mga
Muslim, subalit isa lamang mula sa kanila ang tama.9
Ito ay nangangahulugan na ang pagsasabi ng isang tao na siya ay
Muslim, o gumagawa ng mga bagay na ginagawa ng mga Muslim, ay hindi
ginagarantiyahan na siya ay isang tunay na Muslim. Ang mga gawain ng
isang tao ay maaaring magpawalang-halaga sa kanyang pananampalataya.
Halimbawa, sinabi ni Propeta Muhammad na yaong mga nananawagan sa
nasyonalismo, pagkakalipi at pagkakalahi ay hindi mga tunay na Muslim.10
Sinabi rin niya na sinumang pumunta sa manghuhula at maniwala sa sinabi
nito sa kanya ay nawalan ng paniniwala sa Islam.11 At siya ay naiulat din
na nakapagsabi na sinuman ang magsuot ng anting-anting ay naging isang
sumasamba sa diyus diyosan.12
Ang mga taong ito ay maaari ring mga mapagkunwari, katulad ng mga
bumibigkas ng Quran na para lamang pagkakitaan o magturo ng Islam
9 Iniulat ni Muawiyah ibn Sufyan at tinipon ni Abu Dawud hadith blg. 4580
10 Muslim Vol. 3, hadith blg. 4555
11 Tinipon nina Ahmad, Ibn Majah at Abu Dawud
12 Tinipon nina Tirmidhi at Ahmad

43

para lamang sa kikitain dito sa mundo. Sa panlabas ay masasabing sila


ay mga Muslim, subalit sa kanilang panloob ay nilisan nila ang Islam.
Ang hadith na ito ay nagpapahiwatig din sa isang malaking suliranin na
kinakaharap ng mga Muslim sa pangkasalukuyan. Marami ang hindi
nagsasagawa ng anuman sa mga haligi ng Islam, o di kaya ay kalimitan
nilang sinusuway ang mga kautusan ng Allah sa Quran. Gayunpaman,
natutuhan nila kung paano bigkasin ang teksto sa Arabik ng Quran na hindi
nila nauunawaan ang kahulugan nito. Kayat madali nilang nabibigkas ang
mga salitang Arabik na parang mga loro, na lubusang mangmang sa mga
ipinag-uutos ng Allah, habang sila ay naniniwala na sila ay magkakamit ng
gantimpala mula rito at mabubura ang kanilang mga kasalanan. At kapag
ang isa sa kanilang mga kaibigan o kamag-anak ang namatay, sila ay
magtitipon at hahatiin ang Quran sa ilang mga bahagi. At pagkatapos dalidali nilang bibigkasin ng pabulong ang mga bahagi ng magkakasabay. At
kapag sila ay natapos, hinihiling nila sa Allah na ipagkaloob sa kanila ang
gantimpala sa ginawa nila para ibigay sa taong namatay. Gayunpaman,
nakuha nila ang mga titik na binanggit sa batas at binalewala ang diwa nito.
Totoo na sinabi ng Propeta:
Sinuman ang bumasa ng isang titik mula sa aklat ng Allah ay
makatatanggap na isang biyaya, at ang isang biyaya ay katumbas ng
sampung ulit sa kanyang halaga. Inulat ni Ibn Masud at tinipon ni Tirmidhi
Si Abu Umamah ay nag-ulat din na sinabi niya:
Bigkasin ang Quran, sapagkat sa katotohanan ay mamamagitan ito
sa kanyang mga kasama (na bumibigkas nito nang palagian) sa araw
ng Muling Pagkabuhay. Muslim Vol. 2, hadith blg. 1757
Subalit, sinasabi niya sa kanyang mga kasamahan (Sahabah), na silang
lahat ay nakapagsasalita at nakauunawa ng Arabik. Ang kanyang mga
pangungusap ay isang panghikayat na magbasa ng Quran palagi upang
hanggat maaari ay maunawaan ng lubos ang mga kautusan ng Allah. Mas
marami ulit nilang binasa ang Quran, mas marami ang kanilang nalalaman
kung ano ang nais ng Allah sa kanila. Ang pagbigkas nila ng Quran ay may
ibinubunga sa kanilang mga buhay. Ginagawa sila nitong mas mabuting mga
tao at tinutulungan sila na makaiwas sa mga kasalanan. Sa kasalukuyan,
karamihan sa mga komunidad ng mga Muslim, ang pagbigkas ng Quran
ay naging isang ritwal na ginagawa upang simulan ang mga pulong at
iba pang mga pagtitipong panlipunan, para sa paligsahan at sa husay.
44

Ang kahulugan ng panghuling kapahayagan sa tao ay nakalimutan


na sa maraming pagkakataon at ang Quran ay naging panghalina o
pamamaraan ng isang pang-aaliw. Upang ang pagbigkas ng Quran ay
dumaloy sa ating mga lalamunan at patungo sa ating mga puso at isipan,
kinakailangang maunawaan natin ito. Kinakailangang pag-aralan natin ang
mga alpabetong Arabik at bigkasin ito bilang isang hakbang sa pag-aaral ng
balarila at talasalitaan, upang maunawaan ang kahulugan nito. Hanggang
sa maging magaling tayo sa lengguwahe.
mga aral
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

Hindi lahat ng gumagawa ng mga gawain ng mga Muslim ay mga


tunay na Muslim.
Kinakailangan na ang Islam ay isinasagawa sa panlabas at gayundin
sa panloob.
Ang mga kagawian sa Islam ay hindi dapat maging mga ritwal
lamang subalit nararapat na nakabatay sa isang matibay na
paniniwala sa Allah.
Ang Quran ay dapat na nauunawaan at hindi lamang binibigkas.
Kinakailangang maging maingat tayo sa mga pagkukunwari sa ibat
ibang uri ng ating pagsamba.
Dapat nating pag-isipan ang mga kahulugan ng Quran at isagawa
natin ang mga ito sa ating mga buhay.
Maraming maglalabasan na mga sekta mula sa mga Muslim, subalit
sinuman ang sumunod sa mga Sunnah ng Propeta, sila ang mga
sumusunod sa tamang landas.

45

Hadith 10

Aralin 11

PAgSuHOl

:



.

Si Abdullah ibn Amr ay nagsabi: Sinusumpa ng Sugo ng Allah ang mga
taong nagbibigay suhol at ang taong tumatanggap ng suhol. Tinipon
nina Tirmidhi at Ibn Majah

Ang nag-ulat
Si Abdullah ay anak ng kilalang Sahabi na si Amr ibn al-As. Tinanggap
niya ang Islam bago pa tumanggap ang kanyang ama. Bago ang Islam, ang
kanyang pangala ay al-As (ang sumusuway), at pinalitan ito ng Propeta
ng Abdullah. Siya ay nakapag-ulat ng humigit sa 700 mga kagawian ng
Propeta Muhammad at isa sa mga pinagkalooban ng pahintulot ng Propeta
na magtala, sa panulat, ng mga hadith. Isa siya sa mga nangungunang
mga iskolar ng batas Islamiko mula sa mga Sahabah. Binawian siya ng
buhay sa Makkah noong mga ika-65 A.H. (688 C.E.).13
Ang nagtipon
Matatagpuan ang talambuhay ni Tirmidhi sa Hadith 6.
Pangkalahatang kahulugan
Nagbigay ng malubhang babala ang Propeta sa atin tungkol sa pagsusuhol.
Ipinabatid niya sa atin na sinuman ang magbigay ng kanyang kayamanan
sa kinauukulan katulad ng isang hukom, pangulo o iba pang opisyal ng
Siyar Alam an-Nabula, Vol. 3 hadith blg. 17
46

13

gobyerno, na naghahangad na makakuha ng para sa kanyang sarili, ng


isang karapatan na hindi na naman dapat para sa kanya, ay isinusumpa
ng Allah ng dahil sa katiwalian na ibubunga nito sa lipunan. Ang karapatan
na makukuha niya na hindi naman para sa kanya ay magiging sanhi sa iba
na mawalan ng kanyang karapatan. Ang sumpa ng Propeta ay para rin sa
taong may katungkulan, na tumanggap ng suhol upang ibigay ang karapatan
ng iba sa nagsuhol, dahil sa katiwalian na ibubunga nito. Ang huwes na
tumatanggap ng suhol ay hindi maaari at hindi gagawin ang humusga ng
walang kinikilingan. Palagi siyang huhusga para sa kapakanan ng mga
taong nag-alok sa kanya ng kayamanan, at ang mahihirap ay mawawalan
ng kanilang mga lehitimong karapatan.
Ang isa na nag-aayos ng pagsusuhol ay kasama rin sa kasalanan dahil sa
kanyang pakikibahagi sa pang-aapi at katiwalian. Tinutulungan niya ang
mga tao upang kunin ang mga karapatan ng iba, na kung saan siya ay
dapat na pumipigil sa paggawa nito. Ang pag-aasikaso sa pagbebenta ng
mga bawal na gamot o ang magbigay ng plano sa panloloob ng bangko ay
pakikibahagi sa mga kasalanan ng mga nagbebenta ng bawal na gamot at
pagnanakaw.
Pinag-utusan tayo ng Allah sa Quran:

Huwag makipagtulungan sa kasalanan at pang-aapi


Surah al-Maidah 5:2

Tinuturuan tayo ng Propeta sa hadith na ito na magtiyaga, kahit na ang


tanging paraan na lamang natin upang makamit ang isang bagay ay ang
magsuhol, dahil sa kapahamakan na maaaring ibunga nito kung ang
ganitong pamamaraan ay lalaganap. Ang lipunang Islamiko ay nakabatay
sa katarungan na maaari lamang mapanatili kung ang pagsusuhol ay
ipagbabawal. Sa katotohanan na maraming mga bansang Muslim sa
ngayon ang nasalot ng pagsusuhol, katiwalian, pangungurakot, atbp., sa
lahat ng mga antas ng lipunan, ay isang patunay na sila ay malayo mula sa
mga katuruan ng Islam.
Ang pagtawag sa suhol bilang isang regalo ay hindi nababago ang uri
nito. Ang regalo ay naiiba lamang sa suhol sa katunayan na ang isang tao
47

ay wala sa kanyang opisyal na tungkulin, maaari pa rin niyang tanggapin


ang regalo. Si Abu Humayd as-Saidi ay nagsabi:
Ang Sugo ng Allah ay nagtalaga ng isang tao na tinatawag na
Ibn al-Lutaybiyah upang mangalap ng Zakah mula sa mga angkan
ng Sulaym. Nang siya ay bumalik, tinawag siya ng Propeta upang
magbigay ng ulat. Sinabi niya sa Propeta, Ang salaping ito ay para
sa iyo, at ang salaping ito ay ibinigay sa akin bilang isang regalo.
Ang Sugo ng Allah ay nagsabi, Bakit hindi ka manatili sa tahanan
ng iyong ama at ina upang makita mo kung makatatanggap ka ng
regalo, kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan.
Bukhari - Hadith blg. 108

Samakatuwid, ang mga tao na nasa katungkulan ay hindi dapat tumanggap


ng mga regalo hanggang sa ang pagkakataon ay nananatili na maaari itong
isipin bilang isang suhol. Bago o habang panahon ng pag-aaral, ang mga
guro ay hindi dapat tumanggap ng mga regalo mula sa kanilang mag-aaral.
Subalit, kapag ang guro ay umalis na o natapos na ang pag-aaral, maaari
na niyang tanggapin ang mga regalo ng pasasalamat mula sa mga magaaral.
mga aral
1. Ang pagbibigay, pagtanggap, at pag-aayos ng suhol ay ipinagbawal.
2. Sinuman ang makibahagi sa isang gawa ng pagsusuhol ay
sinusumpa ng Allah. Sa hadith na ito, hinihikayat tayo ng Propeta
na mabuo sa atin ang mga katangian ng pagtitiyaga at pagmamahal
para sa katarungan.
3. Ang isang mananampalataya ay kinakailangang maging matiyaga
upang makamit niya ang kanyang mga karapatan at dapat na iwasan
ang pang-aapi sa mga iba.
4. Ang katarungan ay isang mahalagang bahagi ng lipunang Islamiko.

48

Hadith 11

Aralin 12

PAgPiPigil SA SARili


:




.


Si Abu Hurayrah ay nag-ulat na ang Sugo ng Allah ay nagsabi: Ang
malakas na lalaki ay hindi ang nagwawagi sa pakikibagbuno, subalit
siya ang taong nakapagpipigil sa kanyang sarili kapag siya ay
nagagalit. Tinipon nina Bukhari at Muslim
Ang nag-ulat
Matatagpuan ang talambuhay ni Abu Hurayrah sa Hadith 2
Ang nagtipon
Matatagpuan ang talambuhay ni Bukhari sa Hadith 2, at kay Muslim
naman ay sa Hadith 1.
Pangkalahatang kahulugan
Karamihan sa tao ay iniisip na ang tunay na malakas ay yaong kaya
niyang talunin ang lahat ng kanyang mga katunggali sa pamamagitan ng
pamamayani ng kanyang lakas laban sa kanila. Ang mga paligsahan ay
ginaganap na taun-taon sa buong mundo sa larangan ng wrestling, judo,
karate, boksing, at kahit na ang bunong-braso upang patunayan lamang
kung sino ang may pinakamalakas na pisikal. Tinatawag na mga kampeon
ang mga nanalo, subalit ang mga pisikal na pasikatan na ito ng lakas ay
hindi totoong nagpapakita kung sino ang tunay na malakas. Sa hadith na
ito, ang Propeta ay nagsabi sa atin na ang pinakamalakas na lalaki ay ang
taong napipigilan niya ang kanyang sarili kapag siya ay nagagalit. Ang
dahilan kung bakit sinabi ng Propeta na ang tunay na malakas na lalaki ay
49

ang taong kaya niyang pigilan ang kanyang sarili sa sandali na siya ay
nagagalit ay sapagkat napakadali na mawalan ng pagpipigil sa sandaling
ito. Sa kalagayan na nagagalit, ang mga tao na hindi kalimitang nanunumpa
ay nagsisimulang manumpa at nagsasalita ng masama, at ang mga taong
likas na mabait at tahimik ay nagiging maingay at marahas. Kadalasan,
ang galit ay nagiging sanhi sa tao upang makasakit ng kapwa, kahit na ang
kanilang mga minamahal, kung nasa pangkaraniwang kalagayan lamang
ay hindi nila sasaktan ang sinuman. Ang sumusunod ay isang lathalain
mula sa peryodiko na nagsasalarawan kung saan hahantong ang isang
galit na hindi napigilan:
Isang galit na galit na lalaki sinunog ang sariling asawa
Buffalo, New York (AP) Isang lalaki mula rito, na nagsabi na ang
kanyang asawa ay hiniling ito, sang-ayon sa police sinunog ng lalaki
ang isang babae sa pamamagitan ng pagbuhos ng gasolina sa kanya
at pagkatapos ay hinagisan ng nagbabagang sigarilyo. Sinabi ng police
na ang apoy ay malubhang nakapinsala sa mag-asawa at naging
dahilan pa ng pagkasira ng kanilang bahay na nagkakakahalaga ng
$19,000 na dolyares.
Ang pulis ng siyudad Buffalo ay nagsabi na si Robert F. Sherril, 31,
ay nagdanas nang humigit sa 40 porsiyento ng sunog sa kanyang
katawan at ang kanyang asawang si Francez, 34, ay humigit sa 55
porsiyento ng sunog sa kanyang katawan sa insidenteng naganap
noong Sabado.
Sila ay naitala sa malubhang kalagayan noong Linggo sa pagamutan
ng Millard Fillmore. Sinabi ng pulis na si Sherril ay kinasuhan sa
pagtangkang pagpatay, unang antas ng pagsalakay, unang antas ng
pagsunog at walang-bahalang paglalagay sa panganib.
Sinabi ng pulis na wala silang nakuhang motibo para sa insidente
maliban lamang sa isang dokumentong nagsasabi na si Sherril ay
nagsabi na Hiniling niya ito. Nakuha niya. Binuhusan ko siya ng gas
at ang bahay at hinagisan siya ng sigarilyo.
Marahil ang pinaka pangkaraniwang reaksiyon ng mga nagagalit ay sampalin
ang mukha ng isang tao na nagpagalit sa kanila. Subalit, ang ganitong uri
ng asal ay ipinagbabawal sa Islam. Si Abu Hurayrah ay nagsabi na sinabi
50

ng Propeta na:
Kung ang isa sa inyo ay nakikipag-away sa kanyang kapatid, dapat
niyang iwasan na matamaan ang kanyang mukha. Muslim, Vol. 4
hadith blg. 6321

Ang galit marahil ang pinakamapanganib at nakapipinsalang damdamin na


kilala sa tao. Dahil dito, ang Propeta ay nagsabi rin:
Huwag magalit.14 at, Kung ikaw ay nagagalit, manahimik.15
Sa ibang pagkakataon ay kanyang sinabi na:
Kung ikaw ay nagagalit habang nakatayo, umupo, at kung ikaw ay
nagagalit habang nakaupo, humiga.
Iniulat ni Abu Dharr at tinipon nina Ahmad at Abu Dawud

Ipinayo rin niya na ang isang nagagalit ay dapat na magpakupkop


sa Allah laban sa Shaytan upang siya ay huminahon. Bukhari, Vol. 9
hadith blg. 136

Samakatuwid, kung tayo, bilang mga Muslim, ay nais na maging tunay na


malakas, dapat nating sundin ang payo ng ating Propeta at pag-aralang
pigilan ang ating galit.
mga aral
1.
2.
3.

Ang Islam ay lubos na isinasaalang-alang ang pag-aalis ng


mga masasamang gawi at pagpipigil sa mga negatibong
damdamin.
Ang pisikal na lakas ay hindi ang tunay na lakas. Ang lakas
ng isipan at ang lakas pag-uugali ay mas mahalaga sa
Islam.
Dapat nating iwasan na magalit. Kung mayroong isa na
nagagalit, kinakailangang pigilan ito ng isa at huwag na
itong patulan pa.

14 Bukhari, Ahmad, Tirmidhi at Malik


15 Iniulat ni Ibn Abbas at tinipon nina Ahmad at Bukhari
51

SEERAH
SEERAH

ANG A
LAWANG NTA
AN S
KALAW
T

I I

KA

AS

NILALAMAN
Pahina
Kabanata 1
Ang katanungan tungkol sa kaluluwa at ang mga kasama sa yungib

Kabanata 2
Ano ang sinabi ni Al-Walid bin Al-Mughirah tungkol sa Quran
bilang isang pangungulam

Ang pagkahati ng buwan

11

Ang kanilang mga kahilingan para sa mga palatandaan

12

Kabanata 3
Ang pag-alis ng Propeta patungo sa At-Taif

23

ANG ISRA AT ANG MIRAJ

25

Kabanata 4
Ang tungkol sa Hijrah

33

Ang unang Pangako ng Al-Aqabah

34

Tumanggap ng Islam sina Sad bin Muadh at Usaid bin Hudair

35

Ang pangalawang Pangako ng Katapatan sa Al-Aqabah

38

Kabanata 5
Ang paglikas (Hijrah) sa Al-Madinah

44

Ang balak ng mga Quraish na paslangin ang Mensahero ng Allah


sa Dar An-Nadwah

44

Ang kuwento ni Suraqah bin Malik

48

Kabanata 6
Ang kuwento ni Umm Mabad

50

Ang pagpasok ng Mensahero ng Allah sa Al-Madinah

53

Kabanata 7
Ang pagtatayo ng Masjid

57
3

Ang kaganapan ng kanyang pag-aasawa kay Aisha

58

Kabanata 8
Ang pagkakapatiran sa pagitan ng Ansar at Muhajirun

59

Ang mga pangyayari sa Unang Taon

60

Si Abdullah bin Salam ay yumakap sa Islam

61

Kabanata 9
Ang mga pangyayaring sa Ikalawang Taon

62

Ang pagpapalit ng Qiblah

62

Kabanata 10
Ang ilan sa mga Katangian ng Mensahero ng Allah

66

Kabanata 11
Ang unang pulutong na ipinadala ng Mensahero ng Allah

68

Kabanata 12

Ang espidisyon ni Abdullah bin Jahsh

70

Ang pagpatay kay Amr bin Al-Hadrami

70

Ang kahulugan ng Al-Fitnah

71

KABANATA 1

Ang kAtAnungAn tungkol sA kAluluwA At Ang


mgA kAsAmA sA yungib
Nakasanayan nila ang magpadala ng mga katunangan sa mga
angkan ng kasulatan na nagtatanong tungkol sa kanyang relihiyon:
Si Ibn Ishaq ay nag-ulat sa kapahintulutan ni bin Abbas: Ipinadala
ng Quraish si An-Nadr bin Al-Harith at Uqbah bin Abi Muait sa
mga rabi (guro) ng mga Hudyo sa Al-Madinah. Sinabi nila sa kanila,
Tanungin ninyo sila tungkol kay Muhammad at ipaliwanag ninyo sa
kanila ang mga katangian niya. Sila ay mga angkan ng kasulatan na
nagtataglay ng kaalaman sa mga Propeta na hindi natin nalalaman.
Silay naghiwa-hiwalay hanggang sa marating nila ang Al-Madinah,
tinanong nila ang mga Hudyo tungkol kay Muhammad at ipinaliwanag
nila ang kanyang relihiyon sa kanila. Sinabi ng mga rabi ng Hudyo
sa kanila na, Tanungin nyo siya tungkol sa tatlong bagay; kapag
ipinabatid niya sa inyo ang mga ito, siya ay isang Propeta, at kapag
hindi, siya ay isang taong nagkukunwari lamang. Tanungin nyo
siya tungkol sa tatlong kabataang lalaki na lumisan noong unang
kapanahunan pa; ano ang kanilang ginawa? Mayroong kahangahangang kuwento ang tungkol sa kanilang tatlo. Tanungin nyo
ang tungkol sa isang lalaki na nilibot ang buong mundo mula sa
silangan patungo ng kanluran, ano ang kuwento niya? At tanungin
nyo siya tungkol sa kaluluwa, ano ito?
Sila ay naglakbay hanggang marating nila ang Makkah at kanilang
sinabi: Mayroon kaming sasabihin sa inyo na ang mga bagay sa
pagitan ninyo at ni Muhammad ay maaari nang pagpasiyahan:
Sinabi sa amin ng mga rabi ng Hudyo na dapat namin siyang
tanungin tungkol sa mga bagay na ipinabatid nila sa amin.
Pinuntahan nila ang Mensahero ng Allah at tinanong tungkol sa
mga bagay na ipinabatid sa kanila ng mga Hudyo; at ang anghel na
Gabriel ay lumapit kay Muhammad na may dalang Surah Al-Kahf
na naglalaman ng mga kaalaman na kanilang hinahanap tungkol sa
tatlong mga kabataang lalaki at ang taong naglakbay, at dinala sa
kanya ang mga Salita ng Allah, ang Pinakamataas:
5

At ikaw (Muhammad) ay kanilang tinanong tungkol sa Ruh (ang


kaluluwa). Sabihin: Ang Ruh ay isa sa mga bagay, ang kaalaman
tungkol dito ay tanging sa Panginoon ko lamang. At sa kaalaman,
katiting lamang ang ipinagkaloob sa inyo (sangkatauhan).1
Sinabi ni Ibn Ishaq: Sinimulan ang Surah na may papuri sa Kanya at
ang pagbanggit sa Pagkapropeta ng Kanyang Mensahero nang kanila itong
itinanggi; at winika Niya:


Ang lahat ng papuri ay para sa Allah, na Siyang nagbaba sa
Kanyang alipin (Muhammad) ng Aklat (Quran).



At wala itong halo ng anumang kasinungalingan.2
Ito ay nangangahulugan na si Muhammad ay isang Mensahero mula
sa Allah, halimbawa, ito ay isang kasang-ayunan sa mga itinatanong
nila tungkol sa kanyang Pagkapropeta at wala itong halo ng anumang
kasinungalingan, halimbawa, ipinadala Niya ito na balanse, matuwid at
walang makikita na anumang pagsasalungatan. Ipinagpatuloy ni Ibn Ishaq
ang pagpapaliwanag ng Surah hanggang sa mga Salita na:






Iniisip ba ninyo na ang mga tao ng Yungib at ang Inskripsiyon
(ang mga balita o mga pangalan ng mga tao ng Yungib) ay isang
nakapagtataka mula sa Aming mga Palatandaan?3

1 Surah Al-Isra 17:85


2 Surah Al-Kahf 18:1
3 Surah Al-Kahf 18:9

- na ang kanilang nakita ay mula sa Qudrah4 ng Allah sa mga


ugnayan ng mga nilkihang bagay; at mayroon pang mas higit at
kamangha-manghang mga patunay na ginawa ng Allah kaysa dito.
Naiulat mula sa kapahintulutan ni Ibn Abbas na kanyang sinabi:
Ang Quran at ang Sunnah na ipinagkaloob Ko sa iyo ay mas higit
kaysa sa mga gawain ng mga tao ng Yungib. Sinabi ni Ibn Abbas:
At ang pangyayari ay katulad ng kanilang isinalaysay, dahil ang
pananatili nila sa pagkakatulog sa loob ng tatlong daang mga taon
ay isang Tanda na nagpapatunay ng Kakayahan ng Allah at ng
Kanyang Kagustuhan. Ito ay isang Tanda na nagpapatunay na ang
mga katawan (ng sangkatauhan) ay ibabalik ng Allah sa kanila,
katulad ng Kanyang winika:


At magkagayon ay ipinabatid Namin (sa mga tao) ang pangyayari
tungkol sa kanila, upang maaari nilang malaman na ang Pangako ng
Allah ay totoo, at dito ay walang pag-aalinlangan tungkol sa Oras.5
At noong kanilang kapanahunan ang mga tao ay nagtatalo kung ang mga
kaluluwa ba ay babalik ng mag-isa o kasama ang kanilang mga katawan.
Kayat ang Allah ay nagbigay sa kanila ng isang Tanda na magpapatunay
na ang mga katawan ay ibabalik. Ipinabatid Niya sa Propeta ang kanilang
kuwento na walang sinumang tao na nagturo nito sa kanya. Isa itong
palatandaan ng kanyang Pagkapropeta, sapagkat ang kanilang kuwento
ay isa sa mga tanda na nagpapatunay sa tatlong pundamental na simulain:
Paniniwala sa Allah, Kanyang Mensahero at ang Huling Araw. Subalit
maliban sa lahat ng ito ay mayroong mula sa mga Palatandaan ng Allah na
mas nakahihigit kaysa rito.
At binanggit ng Allah ang tanong na kanilang hinihingi sa kanya tungkol
sa mga Palatandaang ito upang malaman kung siya ba ay isang totoong
Propeta o isang sinungaling, sa Salita ng Allah:

4 Qudrah: Ang kakayahan ng Allah na gawin ang lahat ng mga bagay.


5 Surah Al-Kahf: 18:21

At tinanong ka nila tungkol kay Dhul-Qarnain. Sabihin: Bibigkasin ko sa


inyo ang anumang kuwento sa kanya.6
- at ang Kanyang mga Salita:


Katotohanan, kay Yusuf at sa kanyang mga kapatid, ay mayroong
mga Ayat (mga patunay, palatandaan, talata, aral, tanda,
kapahayagan, atbp.) para sa mga nagtatanong.
- hanggang sa Kanyang mga Salita:





Nang kanilang ayusin ang kanilang balak, at habang sila ay
nagsasabuwatan.7
Ang Quran ay puno ng mga kaalaman mula sa Allah ukol sa mga pangyayari
nang nakalipas na hindi na napag-alaman, na walang sinumang nilalang
ang nakababatid ng anuman, maliban sa pamamagitan ng mga Propeta,
hindi sa pamamagitan ng mga Awliya, o di kayay nang kahit na mga sino
pa. Nalalaman nila na hindi niya ito natutuhan mula sa sinumang nilalang,
at dahil dito ay mayroong isang Tanda at hindi mapagtatalunang patunay ng
kanyang pagkamakatotohanan at kanyang Pagkapropeta.

6 Surah Al-Kahf 18:83


7 Surah Yusuf 12:7-102

KABANATA 2

Ano Ang sinAbi ni Al-wAlid bin Al-mughirAh


tungkol sA QurAn bilAng isAng pAngungulAm
Naiulat sa kapahintulutan ni Ibn Abbas (ra) na kanyang sinabi: Si
Al-Waleed Bin Al-Mughirah ay nagpunta sa Propeta (saw) at nagsabi:
Bigkasin mo sa akin. Kayat kanya itong binigkas sa kanya:






Katotohanan, iniatas ng Allah ang Al-Adl (hal. Katarungan at ang
hindi pagsamba sa iba maliban sa Allah lamang) at Al-Ihsan (hal.
Ang maging matiyaga sa pagsasagawa ng iyong mga tungkulin sa
Allah at naaayon sa Sunnah (pamamaraan ng Propeta), at pagbibigay
tulong sa mga kamag-anakan (hal. Lahat ng inutos ng Allah na ibigay
sa kanila: kayamanan, pagdalaw, pagkalinga, o anumang uri ng
tulong). Surah An-Nahl 16:90
At kanyang sinabi muli: Ulitin mo. Kayat inulit ito ng Propeta at
kanyang sinabi: Sumpa man sa Allah, katotohanan na ito ay may
katamisan at karangalan, dahil ang unang bahagi nito ay makahulugan
at makapangyarihan, at ang huling bahagi naman nito ay marangal at
dakila. Walang makalalagpas o makadadaig nito dahil ito ay hindi salita ng
sinumang tao.
Sa ibang salaysay ay naiulat na ang balitang ito ay umabot kay Abu Jahl
at siya ay lumapit sa kanya at nagsabi: O aking amain! Ang iyong mga
tao ay nagnanais na mangalap ng salapi para sa iyo. Kanyang sinabi: At
Bakit? Kanyang isinagot: Nagpunta ka kay Muhammad upang bayaran
kung ano ang mayroon siya. Kanyang sinabi: Alam ng Quraish na ako
ay isa sa mga pinakamayaman sa kanila. Sinabi ni Abu Jahl: Magsabi
ka ng anumang bagay na makararating sa iyong mga tao upang ipakita
sa kanila na hindi mo siya tinatanggap. Sinabi niya, Ano ang dapat kong
sabihin, dahil, sumpa man sa Allah, walang sinuman ang nakababatid ng
labis tungkol sa tula maliban sa akin.
9

Sa ibang salaysay, naiulat na si Al-Waleed bin Al-Mugherah ay nagsalita


habang siya dumadalo sa pagdiriwang ng Hajj: May mga grupo mula sa
mga Arabo ang darating sa inyo mula sa bawat direksiyon at maririnig nila
ang tungkol sa inyong kasama (ang Propeta, saw) kayat magkasundo tayo
sa ating palagay tungkol sa kanya at walang dapat sumalungat upang hindi
lumabas na pinasisinungalingan natin ang bawat isa. Sinabi nila: Sabihin
mo kung ano ang dapat naming sabihin. Sinabi niya: Hindi, kayo ang
magsabi at ako ay makikinig. Kanilang sinabi: Sasabihin namin na siya ay
nasisiraan ng bait. Kanyang sinabi: Hindi siya nasisiraan ng bait; alam natin
kung paano mawala sa katinuan ang isang tao; hindi siya umaasal katulad
ng isang nasisiraan ng bait, o kaya ay nakikipag-usap sa kanyang sarili,
o kaya ang kanyang isipan ay naguguluhan. Kanilang sinabi: Sasabihin
namin na siya ay isang makata. Kanyang sinagot: Hindi siya makata;
alam natin kung ano ang mga uri ng tula maging ito ay nasa sukatan ng
Rajaz o sa sukatan ng Hazaj, Qareed, Maqbud o Mabsut. Kanilang sinabi:
Sasabihin namin na siya ay isang mangkukulam. Kanyang sinabi: Hindi
siya mangkukulam; nakakita na tayo ng mangkukulam at ang kanilang
pangungulam at hindi siya nagbubuhol ng kanilang mga tali o di kaya
ay hinihipan sila. Kanilang sinabi: Kung gayon ano ang dapat naming
sabihin, O Abu Abd Shams? Ano man sa mga bagay na ito ang aming
sabihin, malalaman na ito ay mali, subalit ang pinaka-kapani-paniwala ay
ang sabihin na siya ay mangkukulam na nagpapahiwalay sa pagitan ng
isang lalaki at ng kanyang kapatid, sa pagitan ng isang lalaki at ng kanyang
asawa, at sa pagitan ng isang lalaki at ng kanyang pamilya at sa ganito
iiwasan siya ng mga tao. Kayat nagsimula silang umupo at maghintay sa
mga tao at walang lumalagpas sa kanila na hindi nila binibigyan ng babala
laban sa Mensahero ng Allah . Kayat inihayag ng Allah ang tungkol kay
Al-Waleed bin Al-Mugherah:
Hayaan Mo Ako (na makitungo) sa sinuman na Aking ginawa na nag-iisa
(walang anumang kayamanan o mga anak, atbp, hal., Al-Waleed bin AlMugherah Al-Makhzumi).
- at hanggang sa Kanyang Sabihin:


ihahagis ko siya sa Apoy ng impiyerno.
Surah Al-Muddaththir 74:26

10

At tungkol naman sa mga tao na kasama niya na nagkawatakwatak, ano ang nasabi tungkol sa Mensahero ng Allah at ano ang
kanyang dinala mula sa kanyang Panginoon, inihayag na:

Na ginawa ang Quran ng ibat ibang bahagi (hal. Naniwala sa isang


bahagi ng Quran subalit hindi naniwala sa ibang bahagi nito).
Surah Al-Hijr 15:91

At sila ay palagian nang humihingi sa Mensahero ng Allah ng mga Patunay


o Palatandaan at ang iba sa mga ito ay ipinapagkaloob ng Allah para sa
ilang mga Kaalaman na tanging Siya lamang ang nagnais.

Ang pAgkAhAti ng buwAn


Dahil sa palagian nilang paghiling sa Propeta (saw) na magpakita ng mga
palatandaan kayat ipinakita sa kanila ng Allah ang paghati sa buwan at
Kanyang inihayag ang Kanyang mga Salita:






Ang Oras ay papalapit na, at ang buwan ay biglang nahati (ang mga
taga-Makkah ay humiling sa Propeta (saw) na magpakita ng isang
himala, kayat ipinakita sa kanila ang paghati sa buwan.)
- at hanggang sa Kanyang Sabihin:

At ang bawat ginawa ay may katumbas (sang-ayon sa uri ng


kanyang mga gawain, ang mabubuting gawa ay mag-aakay
sa tao patungo ng Paraiso, at gayundin, ang masasamang
gawa ay magtutulak sa tao na mapunta sa Impiyerno).
Surah Al-Qamar 54:1-3

11

At kanilang sinabi: Nilinlang niya kayo. Tanungin ninyo ang mga


manlalakbay at kung kanilang nakita ang inyong nakita, magkagayon siya
ay nagsabi ng katotohanan. At sila ay nagmula sa ibat ibang mga lugar at
nagsabi: Nakita namin ito.
Maaari na ang Mensahero ng Allah ay nagpakita ng ganitong mga
Palatandaan na kanilang hiniling dahil sa pagnanais na makita kung ano ang
dapat nilang paniwalaan sa Propeta (saw) at ang kanyang mga panalangin
ay pinakinggan dahil sa katotohanan na sila ay hindi nangangailangan ng
gabay; sa halip sila ay dapat na patawan ng kaparusahan ng pagkawasak
para sa kanilang pinasisinungalingan.
Ang kanilang mga kahilingan para sa mga palatandaan
Ang Allah ay nagpakita ng maraming mga Palatandaan, kaalinsabay nito
ay ang pagsarado ng mga puso ng mga di-mananampalataya, katulad nia
Firaun; winika ng Allah:






At sila ay sumumpa ng pinakamasidhi nilang mga pangako sa
Allah, na kung may darating sa kanilang palatandaan, tiyak na sila ay
maniniwala dito.
- at hanggang sa Kanyang Sabihin:





Subalit karamihan sa kanila ay nagmamataas.
Surah Al-Anam 6:109 - 111

- at Siya, ang Pinakamataas ay nagwika:


12

At walang makapipigil sa Amin sa pagpapadala ng mga


Palatandaan (mga patunay), subalit ang mga sinaunang tao ay
winalang-bahala ang mga ito.
Surah Al-Isra 17:59

Ipinaliwanag ng Allah na walang makapipigil sa Kanya mula sa pagpapadala


sa kanila maliban na ang mga sinaunang tao ay winalang-bahala ang mga
ito. At kung itinanggi rin nila ito, sila ay nararapat na patawan ng parusa ng
pagkawasak.
Ang mga iskolar ng Tafseer at ang mga iskolar ng Hadeeth ay nakapagulat sa kapahintulutan ni Ibn Abbas (ra) na kanyang sinabi: Ang mga
taga-Makkah ay humiling sa Propeta (saw) na gawing ginto ang bundok
ng As-Safa at alisin ang bundok para sa kanila upang kanila itong mapagtaniman at nasabi sa kanya na, Kung iyong nais, bibigyan namin sila ng
pagkakataon, o kung iyong nais ibibigay namin sa kanila ang kanilang
hinihiling at kung silay hindi maniwala, sila ay mawawasak katulad ng mga
nauna sa kanila na winasak. Kanyang sinabi: Hindi, ako ang magbibigay
sa kanila ng pagkakataon. Hanggang sa inihayag ng Allah:






At walang makapipigil sa Amin sa pagpapadala ng mga Palatandaan
(mga patunay), subalit ang mga sinaunang tao ay winalang-bahala
ang mga ito. Surah Al-Isra 17:59
Si Ibn Abi Hatim ay nag-ulat sa kapahintulutan ni Al-Hasan (Al-Basri) tungkol
sa talatang ito na kanyang sinabi: Bilang habag sa inyo, oh mga Muslim
kung ipadadala namin ang mga palatandaang ito at kayoy hindi naniwala
sa mga ito, na kung ano man ang kinahinatnan ng mga nauna sa inyo
ay maaari ding mangyari sa inyo. Ang mga Palatandaan ay dumating sa
kanila na magkakasunod at sila ay hindi naniwala sa mga ito. Ang Allah ay
nagwika:

At walang isang Ayah (tanda) ang dumating sa kanila mula sa mga


Ayat (palatandaan, patunay, talata, mga aral, kapahayagan, atbp.) ng
kanilang Panginoon, malibang sa ito ay kanilang binale-wala.
Surah Al-Anam 6:4

13

Ipinabatid ng Allah sa kanila na ang mga Palatandaan ay dumating


sa kanila, subalit binale-wala nila ang mga ito at kanilang makikita ang
katotohanan kung ano ang inihatid sa kanila ng mga Mensahero (asw) ng
Kanya silang wasakin katulad ng pag-wasak Niya sa mga nauna sa kanila
dahil sa kanilang kasalanan na pagtanggi sa mga Mensahero (asw), dahil
ang Allah, ang Pinaka-Maluwalhati, ang Pinaka-Mataas ay nagwika:


At hindi wawasak ang inyong Panginoon ng mga bayan (mga tao)
hanggat hindi Siya nagpapadala sa kanilang inang bayan ng isang
Mensahero. Surah Al-Qasas 28:59
At ipinabatid Niya sa kanila na ang kanilang kawalan ng paniniwala ay
lubos napakalaki na kahit na ang isang Aklat na naka-limbag sa isang
papel ang bababa mula sa langit at kanila itong mahawakan ng kanilang
mga kamay, ito ay kanila paring itatanggi. Nilinaw din ng Allah na kahit na
gawin pa Niyang anghel ang mga Mensahero, magagawa din Niyang itong
mag-mukhang tao, dahil hindi nila makikita ang anyo ng mga anghel kung
papaano sila nilikha at magka-gayon ang kanilang pinagka-iba ay kitangkita, dahil sila ay naniniwala na ang Mensahero ay isang tao at hindi anghel.
Ang Allah ay nagwika:

At kanilang sinabi: Hindi kami dapat maniwala sa iyo (O


Muhammad, saw), hanggat hindi mo napapabukal ang tubig mula sa
lupa para sa amin. Surah Al-Isra 17:90
At kung ang mga Tandang ito ay ibinigay sa kanila at hindi nila pinaniwalaan
ang mga ito, ang parusa ng pagkawasak ay mapapasa-kanila at hindi
nangangailangan sa kanila ng paniniwala, tanging ang pagkakaroon
lamang ng patunay (laban sa kanila) at nagkaroon lamang ng mga patunay
dahil sa mga bagay maliban sa kanila; at hindi rin sila nababagay, dahil
ang kanilang mga salitang hanggat hindi mo nabubuksan sa amin mula
sa lupa ang isang bukal ay nangangailan ng pagbukas nito sa Makkah at
ang pagdaloy ng ilog kung saan ito ay bumuhay ng mga pananim at ang
14

Allah ay malaon nang nagsabi na ang Kanyang Tahanan ay malalagay


sa isang tuyong lambak, upang walang anumang dapat ikabuhay dito na
makaaakit sa mga tao, na maaaring maging dahilan ng isang maglalakbay
(Hajj o Umrah) dito na gawin itong pangkabuhayan.
At kung ito ay mayroong mga pananim na dates at ubas, magdudulot ito ng
ginhawa at kagaangan sa buhay dito sa mundo na siyang magiging dahilan
ng pagbaba ng kinalalagyan nito. Kahalintulad kung mayroon din ditong
palasyo ng Zukhruf, i.e. ginto.)
At para sa pangyayari na bumagsak ang langit na pira-piraso, hindi ito
mangyayari hanggang sa Araw ng Pagkabuhay na Muli.
At para ipakita ang Allah at ang mga anghel sa kanila, nang hilingin ng mga
mamamayan ni Moises ang mas mababa kaysa dito, sila ay tinamaan ng
kidlat. Winika ng Allah:

Ang mga angkan ng Kasulatan (mga Hudyo) ay hiniling nila sa iyo


na magpababa sa kanilang harapan ng isang aklat na mula sa langit.
Surah An-Nisa 4:153

Nilinaw ng Allah na ang mga sumasamba sa mga diyus-diyusan at ang mga


Angkang ng Kasulatan ay humiling sa kanya na magpababa ng isang Aklat
mula sa langit at nilinaw Niya na wala sa kanila ang maniniwala kapag ito ay
bumaba sa kanila. Ang kanilang pagtatanong ay upang inisin lamang siya
at gambalain. Ang Allah ay nagwika:

At kahit na magpababa Kami sa iyo (O Muhammad) ng isang


Mensahe na nakasulat sa papel nang sa gayon ay kanila itong
mahawakan. Surah Al-Anam 6:7
At tungkol sa mga Angkan ng Kasulatan, Kanyang winika:

15

Katunayan, hiniling nila kay Moises ang mas higit pa diyan,


- hanggang sa Kanyang winika:



Isang matibay na kasunduan. Surah An-Nisa 4:153-154
Subalit kahit sa ganitong pagkakataon, ay sinira nila ang kanilang
kasunduan, hindi sila naniwala sa mga Palatandaan ng Allah at pinatay nila
ang mga Propeta. At mayroon itong babala na kung ang mga Palatandaan
na kanilang hiniling ay dumating sa mga taong hindi ginabayan, wala itong
pakinabang sa pagdating sa kanila. Sa katunayan, nangangailangan silang
patawan ng parusa ng pagkawasak kung hindi sila maniniwala sa mga ito.
Lalo pang pinalubha ang pangyayari para sa kanila, katulad ng winika ng
Allah, ang Pinakamataas:



Para sa mga katiwalian ng mga Hudyo. Surah An-Nisa 4:160
At nang humiling ang mga disipulo mula sa Mesiyas (Hesus) ng isang
hapag ng pagkain, isa ito mula sa mga Palatandaan na nangangailangan na
makatanggap ng parusa ang mga hindi naniwala dito. Walang kahalintulad
sa lahat ng mga mundo ang kaparusahang ito na iginawad ng Allah.
Bago inihayag ang Torah, ang mga hindi naniwala sa mga Mensahero ay
dagliang winasak ng kaparusahan ng pagkawasak. Nagpakita ang Allah
ng napakaraming mga Palatandaan ng ipinadala niya si Moises na ang
mga alaala ng mga ito ay maaari pa ring nanatili dito sa mundo, sapagkat
matapos inihayag ang Torah, hindi na Siya nagwasak pa ng isang bansa ng
kaparusahan ng pagkawasak. Winika ng Allah:




At katotohanan na pinagkalooban Namin si Moises matapos
Naming wasakin ang mga sinaunang henerasyon ang Kasulatan.
Surah Al-Qasa 28:43

16

Sa katunayan, nang makagawa ng kasalanan ang Banu Israil katulad


ng kanilang nagawa kasama na ang kanilang mga gawa ng pagsuway
pinarusahan ng Allah ang ilan sa kanila at hinayaan ang iba sa kanila
na manatili, sapagkat hindi sila nagkakasundo sa kanilang di-paniniwala
at dooy may natitira pa rin sa mundo na nananatili sa matuwid na landas.
Winika ng Allah:


At hinati Namin sila sa ibat ibang magkakahiwalay na mga pangkat
sa ibabaw ng mundo: ang iba sa kanila ay matutuwid at ang iba ay
malayo mula ruon. Surah Al-Araf 7:168
- at Kanyang winika:


Isang pangkat sa angkan ng Kasulatan ay maninindigan sa tama,
binibigkas nila ang mga Talata ng Allah sa mga oras ng gabi,
nagpapatirapa sa kanilang pagdarasal. Surah Al-Imran 3:113
Bahagi ng Kaalaman at Habag ng Allah na nang Kanyang ipadala
si Muhammad ay hindi niya winasak ang kanyang mamamayan ng
kaparusahan ng pagkawasak. Sa halip, pinarusahan Niya ang ilan sa kanila
ng ibang mga uri ng kapurasahan katulad ng mga nilait, na winika ng Allah:

Katotohanan, bibigyan Namin kayo ng kasiyahan laban sa mga


mapanlait. Surah Al-Hijr 15:95
At ang tao na kalaban ng Propeta ay kanyang ipinanalangin na kung maaari
ay ipadala ng Allah ang isa sa Kanyang mga aso rito ay ginutay-gutay ng
isang leon, na winika ng Allah:

17




Sabihin: Maghihintay pa ba kayo sa amin (ng anumang bagay)
maliban sa dalawang pinakamabuting bagay (pagiging martir o
tagumpay), habang hinihintay namin ang para sa inyo na ipapataw
ng Allah, ang isang kaparusahan na nagmula sa Kanya.
Surah At-Tawbah 9:52

Ipinababatid sa atin ng Allah na kapag minsan ay nagpaparusa Siya ng


mga di-mananampalataya sa mga kamay ng mga mananampalataya sa
panahon ng Jihad, sa mga pinahihintulutang mga kaparusahan at kung
minsan ay sa iba pang pamamaraan. At ito ay nang dahil sa kanilang
mga paniniwala, katulad ng nangyari sa mga Quraish at iba pa. Sapagkat
kung sila ay Kanyang winasak, maaaring wala nang natira sa kanila. Ang
pakinabang mula sa kanila ay mawawala na rin at wala na ring matitira
sa kanilang mga angkan na naniwala, kabaligtaran ng pagpaparusa sa
kanila sa pamamagitan ng pagkahiya at panlulupig sa kanila. Ang mga
ito ay nagiging sanhi sa kanila upang maging mahina, kung nakakamit ng
mga tao ang kanilang mga pangangailangan sila ay nagiging abala dito
na siyang kabaligtaran kung wala silang kakayahan na makamit ang mga
ito, kayat wala silang ibang magagawa kundi ang manumbalik sa Allah.
Katulad ng isang kasabihan: Ang pagiging mahina ay walang kakayahan
ay isang panangga (laban sa kasalanan at pagsuway). Ito ang dahilan
kung bakit ang karamihan sa kanila ay naniwala.
Sinabi ng Allah kay Moises sa Torah na, Patitigasin ko ang puso ng Paraon
upang hindi siya maniwala sa iyo, nang sa gayon ay makita ang Aking mga
Palatandaan at Aking mga Himala.
Nilinaw Niya na mayroong aral mula rito: Ang pagkalat ng Kanyang mga
Palatandaan na nagpapatunay sa katotohanan ng Kanyang mga Propeta.
Dahil sa ipinabatid ni Moises sa mga tao na nakipag-usap ang Allah sa
kanya, naisulat ng Allah ang Torah para sa kanya, at ipinakita sa kanya ang
mga Palatandaan ng Allah, ang tungkol sa mga ito ay nanatili sa mundo.
Mauunawaan mula rito at sa pagpapatigas ng puso ng Paraon ay mayroong
nakaumang na pagkawasak sa kanya at sa kanyang mga mamamayan.
Itinanggi ng Paraon ang pagkakaroon ng Tagapaglikha na siyang naging
18

dahilan kung bakit nagpakita si Moises ng mga Palatandaan sa kanya na


nababagay para sa kanyang mga kalagayan.
At para naman sa mga pag-uugali ng Banu Israil tungo sa Mesiyas (Hesus),
kinilala nila ang unang aklat ng Allah kayat hindi na nila kinailangan pa kung
ano ang sinasabi ni Moises. Hindi na siya nangailangan pa ng anumang
patunay ng Pagkapropeta dahil ang Mensaherong nauna sa kanya ay
nagdala ng patunay para rito. Kailangan lamang niya ng pagpapatunay sa
kanyang Pagkapropeta.
Sa kabila nito, pinakita ng Allah sa kanyang mga kamay ang mga Palatandaan
katulad ng mga palatandaan ng mga nauna sa kanya na mas higit pa
sa mga ito. At sa kabila rin nito, hindi siya nagdala ng mga Palatandaan
ng pagkawasak. Sa katunayan, nilinaw ng Allah sa Quran na hindi sila
makikinabang dito, sa halip ito ay makapipinsala sa kanila, sapagkat batid
ng Allah ang kanilang mga puso ay katulad ng mga naunang henerasyon,
at Kanyang winika:



Gayundin, walang Mensahero na dumating sa mga nauna sa kanila
ang hindi nila sinabihan na Isang mangkukulam o isang nasisiraan
ng bait! Isinalin ba nila (ang mga tao ng nakalipas) ang salitang ito
sa kanila (mga paganong Quraish). Surah Adh-Dhariyat 51:52-53
- at winika ng Allah:

Kayat sinabi ng mga taong nauna sa kanila ang parehong mga


pananalita. Surah Al-Baqarah 2:118
- at winika ng Allah:


Ang mga di-naniniwala (O Quraish!) ba sa inyong panahon ay higit
pa sa mga taong ito (mamamayan ni Noah, Lut, Salih at ang mga tao
ng Paraon, na winasak) Surah Al-Qamar 54:43
19

- at nasa Surah Iqtabarat (hal. Al-Qamar) kung saan ang pagkahati ng


buwan ay nabanggit, ang pagtanggi nila sa mga Palatandaan at ang
kanilang sinasabi, Ito ay pagpapatuloy ng pangungulam at dito ay Kanyang
winika:





At katotohanan na may dumating sa kanilang balita (sa Quran na
ito) na mayroon itong (sapat na babala) dapat na alamin (ang mga ito
mula sa kasamaan). Surah Al-Qamar 54:4
Halimbawa, ang magkaroon ng maayos na kaisipan upang mabatid nila sa
kanilang mga sarili kung nakagagawa ba sila ng di-paniniwala, yamang ang
balitang ito ay (mayroong patunay) makatotohanan tungkol sa mga Propeta
at isang babala ng kaparusahan na nakamtan ng mga naunang tao. Ito ang
dahilan kung bakit Niya sinasabi sa tuwing matatapos ang kuwento:



Magkagayon ay anong lupit ng Aking parusa at Aking mga Paalala.
Surah Al-Qamar 54:16

Pagkatapos ay Kanyang sinabi, Kayo bay mga di-naniniwala O


mamamayan (ng Quraish) mas higit sa mga tao na hindi naniwala sa
mga Mensahero na nauna sa inyo:

O kayo ba ay may panangga (laban sa Aming kaparusahan)


sa Banal na mga Kasulatan? O kaya ay sabihin nila: Kami ay
napakarami, mapagwagi? Surah Al-Qamar 54:43-44
Kung bakit kayo hindi pinarusahan ng katulad nila ay maaaring hindi
karapat-dapat sa inyo ang ipinataw na parusa sa kanila o dahil ipinahayag
ng Allah na hindi Niya kayo parurusahan. Ito ay may kinalaman sa Gawa ng
Allah, at ang tungkol sa lakas ng Mensahero at kanyang mga tagasunod,
sila ay nagsabi, Kami ay isang pangkat na mapagwagi sapagkat sila ay
20

mas marami at mas malakas, katulad ng kanilang sinabi:






Alin sa dalawang mga pangkat (mananampalataya at dimananampalataya) ang may pinakamahusay na (puntos ng) katayuan
at ng tungkol sa kanilang kinalalagyan (lugar ng kanilang pagtitipon
para sa kanilang talakayan).
- hanggang sa Kanyang winika:

Kabutihan at panlabas na katangian. Surah Maryam 19:73-74


- sa kayamanan at sa kanilang itsura, winika ng Allah:





Ang kanilang dami ay mauuwi sa pagtakbo, at ipakikita nila ang
kanilang mga likuran. Surah Al-Qamar 54:45
Ipinabatid ng Allah sa Kanyang Mensahero na ang mga kalaban ay
magsisipagtakbo. Ito ay isang Surah na inihayag sa Makkah noong iilan
pa lamang ang mga tagasunod at sila ay mahina pa. Kalimitan, walang
sinuman ang mag-iisip bago ang kanyang paglikas sa Al-Madinah na ang
kanyang katayuan ay paaangatin at siya ay makikipaglaban sa kanila.
Subalit, ang Allah ang nagpabatid sa kanila na ito ay mangyayari na ito na
nga ang Badr at ito ang Paraan ng Allah, katulad ng Kanyang winika:

Ganito na ang paraan ng Allah sa kanila na mga nakalipas.


Surah Al-Fath 48:23

At ng magwagi ang mga di-mananampalataya, ito ay dahil lamang sa mga


21

kasalanan ng mga mananampalataya na naging sanhi ng paghina ng


kanilang pananampalataya na sa kanilang pagsisisi ay tutulungan sila ng
Allah:

Kayat huwag maging mahina (laban sa inyong mga kalaban), o di


kayay malumbay, at kayo ay mananaig (sa tagumpay) kung kayo ay
tunay na mga mananampalataya. Surah Al-Imran 3:139
At kung ito ay bahagi ng pagiging ganap ng Kanyang Kaalaman at Habag
na sila ay hindi dapat mapatay sa pamamagitan ng kaparusahan ng
pagkawasak katulad ng mga nauna sa kanila, winika ng Allah:

Ang mga di-naniniwala (O Quraish!) ba sa inyong panahon ay higit


pa sa mga taong ito (mamamayan ni Noah, Lut, Salih at ang mga tao
ng Paraon, na winasak) Surah Al-Qamar 54:43
Hindi Niya sila winasak kahit na naihayag ng Allah ang mga patunay laban
sa kanila. Sa halip ay ipinakita ng Allah ang pinakaganap na Kaalaman at
Habag sa pangyayaring ito, yamang ang relihiyon na Kanyang ipinadala sa
kanila ay naghatid ng halos ganap na gabay at patunay. At ang pagpigil ng
Allah sa pagpapataw ng kaparusahan ng pagkawasak sa kanila ay nagbigay
bunga na ang karamihan sa mga natitirang mamamayan ay nagabayan
at naniwala. At sa pagpapadala ng Pangwakas ng mga Mensahero ay
mayroong malaking karunungan at masaganang pagpapala na wala
sa mga Mensahe ng ibang mga Propeta naway ang mga pagpapala,
kapanatagan at habag ng Allah ay mapasakanilang lahat.

22

KABANATA 3

Ang pAg-Alis ng propetA pAtungo sA At-tAif


Nang madagdagan ang mga pagpapahirap ng Quraish sa Mensahero ng
Allah makaraang bawian ng buhay ang kanyang amain, siya ay naghandang
tumungo sa At-Taif. Umaasa siya na aalalayan at pangangalagaan ng mga
taga roon laban sa mga taga Makkah upang ng sa gayon ay maaari niyang
ihatid ang Mensahe ng kanyang Panginoon at mailapit sila sa Allah, ang
Pinakamakapangyarihan. Subalit wala ni isa mang kumalinga sa kanya, o
di kaya ay nakakita siya ng tutulong sa kanya. Sa halip ay nagdulot sila ng
pinakamalubhang pananakit sa kanya at pinakitaan siya ng kasamaan na
hindi ginawa ng sarili niyang mamamayan. Kasama niya si Zaid bin Haritha,
ang kanyang alipin.
Nanatili siyang kasama nila sa loob ng sampung araw, na hindi nag-iiwan
ng mahahalagang bagay kung hindi nila siya kakausapin, datapuwat sila
ay nagsabi, Iwanan mo ang aming siyudad. At sila ay nag-utos ng mga
hangal na tao upang puntahan ang Propeta habang sila ay nagmamasid sa
kanya. Pinagbababato nila ang Propeta at pinagsasalitaan ng masasakit
na salita na mas masakit sa kanya kaysa sa mga bato na tumatama sa
kanyang katawan. Hindi sila tumigil hanggat sa dumugo ang mga paa niya.
Ipinagsanggalang ni Zaid bin Harithah ang kanyang katawan laban sa mga
nambabato sa Propeta hanggang sa siya na rin ay natamaan. Pinagtiisan
niya ang sakit ng pinsala sa kanyang ulo at nagbalik sa Makkah na lungkot
na lungkot.
Sa paglalakbay niya pabalik sa Makkah, nanalangin siya sa Allah ng mga
kilalang salita na ito:
O Allah! Idinadaing ko sa Iyo ang aking kahinaan, ang aking kakulangan,
at ang kawalang-halaga ko sa harap ng mga tao. Ikaw ang Panginoon ng
mga mahihina at Ikaw ang aking Panginoon; sa kaninong mga kamay Mo
ako ihahabilin? Sa isang malayong kamag-anak na kinamumuhian ako, o
sa isang kalaban na pinakikialaman ang aking mga gawain? Subalit kung
ang Iyong Poot ay hindi mapupunta sa akin, magkagayon ay wala ito sa
akin. Ang Iyong Kabutihan ay sapat na para sa akin. Nagpapakupkop ako
sa Liwanag ng Iyong Mukha kung saan ang karimlan ay pinagliwanag,
ang mga gawain ng mundong ito, at ang Kabilang-buhay ay inihanda ng
23

tama, na hindi Mo ipinadala sa akin ang Iyong Poot o ang Iyong Galit.
Karapatan Mo na magalit hanggang sa Ikaw ay malugod, walang lakas at
walang kapangyarihan maliban lamang sa Iyo.8
Pagkatapos ay nagpadala ang kanyang Panginoon ng anghel para sa mga
kabundukan na hinihingi ang kanyang pahintulot na tabunan ang At-Taif sa
ilalim ng Al-Akhshaban ang dalawang mga bundok na pinapagitnaan ito
ngunit kanyang sinabi:
Hindi, bibigyan ko sila ng pagkakataon, na baka-sa-kali ay magpadala
ang Allah mula sa kanilang angkan ng mga sasamba sa Kanya at hindi
magbibigay ng anumang mga katambal para sa Kanya.
Nang siya ay huminto sa Nakhlah sa paglalakbay niya pabalik, siya ay
tumayo sa kanyang pananalangin sa gabi sa tagal na ninais ng Allah.
Nagpadala ang Allah sa kanya ng mga Jinn at narinig nila ang pagbibigkas
niya samantalang hindi namamalayan ng Mensahero ng Allah na naroroon
ang mga ito hanggang inihayag sa kanya:




At (alalahanin) nang nagpadala Kami patungo sa iyo (Muhammad)
ng isang pangkat (tatlo hanggang sampung bilang) na mga Jinn,
- Hanggang sa Kanyang winika:


Ang mga iyon ay nasa malinaw na kamalian.
Surah Al-Ahqaf 46:29-32

Nanatili siya sa Nakhlah ng ilang mga araw. Si Zaid bin Haritha ay nagsabi,
Papaano mo sila haharapin kung pinalayas ka nila? na ang ibig niyang
sabihin ay ang mga Quraish. O Zaid! Katiyakan na ipagkakaloob ng Allah
ang ginhawa mula sa mga nakikita mo. Itataguyod ng Allah ang Kanyang
relihiyon at ipagwawagi Niya ang Kanyang Propeta. ang kanyang itinugon.

24

8 Pinagkahulugan ito ni As-Suyuti kay At-Tabarani sa Al-Jami sa Al-Kabeer, sa kapahintulutan ni Abdullah


bin Jafar (Paalala ng tagasalin: Sang-ayon kay Shaikh Nasir Ad-Deen Al-Albani (kahabagan nawa siya ng
Allah), ang kuwentong ito ay Mursal (mahina) at ang kabuuan ng panalangin na nag-uumpisa sa: O Allah!
Idinadaing ko sa Iyo ang aking kahinaan ay mahina. Si Al-Haithami ay nagsabi, Sa daloy si bin Ishaq na
isang mapanlinlang. Kaya ang Hadith ay mahina.

Dumating siya sa Makkah at isinugo niya ang isang lalaki mula sa Khuzaah
kay Al-Mutim bin Adiyy na may dalang mensahe: Maaari ba akong
pumasok sa ilalim ng iyong pangangalaga? Sumagot si Al-Mutim, Oo.
Pagkatapos ay tinawagan niya ang mga anak niyang lalaki at ang kanyang
tribu at nagsabi, Ihanda ang inyong mga sandata at umantabay kayo sa
bawat sulok ng Bahay, sapagkat ipinagkaloob ko kay Muhammad ang
proteksiyon, kayat walang sinuman sa inyo ang magpapabaya sa kanya.
Nagpunta sa sulok (ng Yemeni) ang Propeta at hinawakan ito, pagkatapos
ay nag-alay siya ng 2 Rakah ng salah, at tumuloy siya sa kanyang tahanan
samantala si Al-Mutim at ang kanyang mga anak na lalaki ay nakabantay
sa kanya na may mga sandata hanggang sa makapasok ng bahay niya ang
Propeta.

Ang isrA At Ang mirAJ


Ang literal na kahulugan ng Isra ay ang paglalakbay ng gabi at ang literal
na kahulugan naman ng Miraj ay ang hagdanan o elevator, halimbawa;
anumang gamit na mag-aangat sa isang bagay. Subalit sa Islam ang Isra
ay tumutukoy sa isang mahimalang paglalakbay-ng-gabi na ginawa ng
Propeta (saw) mula sa Makkah patungo ng Jerusalem, at ang Miraj naman
ay tumutukoy sa sinakyan ng Propeta (saw) na nagdala sa kanya mula sa
Jerusalem paakyat at palabas ng kalawakan, sa pamamagitan ng pitong
mga kalangitan, hanggang makarating sa Allah.
Ang paglalakbay ng gabi (isra)
Bago matapos ang katahimikan ng gabi, isang taon bago ang Hijrah
(paglikas), ang bubungan ng bahay ni Propeta Muhammad ay pahating
bumukas at ang Anghel Jibril ay bumaba sa silid ng Propeta (saw).
Pinuntahan niya ang Propeta (saw), binuksan ang kanyang damit at hiniwa
ang kanyang dibdib. Tinanggal niya ang puso ng Propeta at hinugasan ang
loob nito ng tubig ng Zamzam. Nang matapos niya itong hugasan, siya ay
nagdala ng isang gintong pinggan na puno ng Iman (pananampalataya) at
Hikmah (kaalaman), ibinuhos lahat sa didbdib ng Propeta (saw) at saka ito
isinarado.
Niyugyug niya ang Propeta (saw) hanggang sa siya nagising. Nang tumayo
ang Propet (saw), hinawakan ng Anghel Jibril ang kanyang kamay at inakay
siya palabas ng kanyang bahay patungo sa pintuan ng Kabah. Dito nakita
25

ng Propeta ang isang kakaibang hayop. Ito ay mas maliit sa kabayo


subalit mas malaki sa buro, puti ang kulay at may pakpak ang bawat
likuran ng binti. Buraq ang pangalan nito, ang pangalang hinango mula sa
salitang Arabik na Barq na ang ibig sabihin ay kislap ng kidlat. Tinulungan
ni Jibril na sumakay ang Propeta at sila ay umalis patungo ng hilaga. Sa
bawat pag-lakdaw ni Buraq ay inaabot nila ang dulo ng kalayuan kayat
wala sa oras ni inabot nila ang Jerusalem.
Bumaba ang Propeta at itinali ang hayop sa isang buklod sa pintuan ng alMasjid al-Aqsa na ginamit ng mga propeta. Pumasok ang Propeta sa Masjid
at nag-Salah ng dalawang Rakah. Nang siya ay matapos, napansin niya
ang grupo ng ibang mga propeta na nagsa-Salah din dito. Nakita niya mula
sa kanila sina Propeta Musa, Propeta Issa at Propeta Ibrahim (mapasakanila nawa ang kapayapaan). Si Propeta Muhammad ay nasabihan na
mamuno (mag-imam) sa Salah. Nang matapos ng Propeta (saw) ang Salah
na ito, may nagsabi sa kanya Ito si Malik, ang tagapag-bantay ng Impiyerno
kayat bumati sa kanya ng Salaam. Bumaling siya upang bumati ng Salam
subalit nauna ang anghel na bumati sa kanya ng Salam.
Ang Anghel Jibril ay nagdala ng dalawang inuman at ipinakita sa Propeta
(saw). Ang isa ay puno ng alak at ang isa naman ay puno ng gatas. Pinili ng
Propeta ang gatas at uminom mula dito. Ang Anghel Jibril ay nagsabi, Ikaw
ay naigabay sa Fitrah.
Ang pag-akyat (miraj)
Nilisan ng Propeta ang masjid at ang Miraj ay dinala para sa kanya.
Tinulungan siya ni Jibril na sumakay dito, at isang-iglap itong umakyat
patungo ng kalangitan at palabas ng kalawakan. Naglalakbay sa kamanghamanghang bilis, ang Propeta (saw) at ang Anghel Jibril ay nilagpasan ang
ating galaxy at matuling nilagpasan din ang ibang mga galaxies hanggang
sa marating nila ang dulo ng kalawakan. Sa dulo ng kalawakan ay narating
nila ang hangganan ng pinakamababang langit. Hiniling ng Anghel Jibril na
ang pintuan nito ay buksan para sa kanila. Ang Anghel Jibril ay tinanong
kung sino siya at sino ang kasama niya. Sinabi niya kung sino siya at ang
kanyang kasama, tinanong siya kung ang Propeta (saw) ba ay pinapunta. At
nang sabihin niya na ito ang dahilan ng kanilang pagpanhik ang tagabantay
ng langit ay nagsabi Pasok! Ang kanyang pagdating ay mabuti, at ang
pintuan ay binuksan.
26

Nang pasukin nila ang pinakamababang langit, nakita ng Propeta ang


isang lalaki na nakaupong kasama ang malaking grupo ng mga tao sa
kanyang kanan at malaking grupo din sa kanyang kaliwa. Tumingin ang
lalaki sa kanyang kanan at tumawa; tumingin siya sa kanyang kaliwa at
nanangis. Tinanong ng Propeta (saw) ang Anghel Jibril kung sino ang lalaki
at kanyang sinabi Siya ang iyong Ama na si Adan, batiin mo siya. Bumati si
Propeta Muhammad (saw) at ibinalik naman ito ni Propeta Adan at nagsabi
Maligayang Pagdating! O mabuting anak at mabuting Propeta. Sinabi
ng Anghel Jibril Ang mga grupo ng mga taong ito sa kanyang kanan at
kaliwa ay mga kaluluwa ng kanyang kaapu-apuhan. Ang mga nasa kaliwa
ay mapupunta ng Impiyerno, kayat nung tumingin siya sa kanyang kanan
siya ay tumawa at nung tumingin siya sa kaliwa siya ay umiyak.
Dinala ang Propeta (saw) ng Anghel Jibril sa ikalawang langit kung saan
niya nakita at binati sina Propeta Issa at Yahya; hanggang sa pangatlong
langit kung saan niya nakita at binati si Propeta Yusuf; hanggang sa pangapat kung saan niya nakita at binati si Propeta Idris; hanggang sa ika-lima
kung saan niya nakita at binati si Propeta Harun; at hanggang sa ika-anim
kung saan niya nakita si Propeta Musa. Nang madaanan niya si Propeta
Musa, si Propeta Musa ay umiyak, at nang tanungin niya kung bakit siya
umiyak, kanyang sinabi Umiiyak ako dahil mas maraming tagasunod ang
isang batang lalaki, na ipinadalang propeta matapos ang panahon ko, ang
papasok ng paraiso kaysa sa mga tagasunod ko.
Tumuloy sila ng Anghel Jibril paakyat sa ikapitong langit, hiniling ang
pagpasok at kanilang naabutan si Propeta Ibrahim na nakasandal ang
kanyang likod sa bahay-dalanginang tinatawag na al-Bayt al-Mamur.
Napagmasdan ni Propeta Muhammad (saw) na humigit pitumpong libong
mga anghel ang pumapasok sa makalangit na bahay-dalanginan na ito na
hindi na nakikita ang sinuman sa kanila na umaalis. Iginabay ng Anghel
Jibril ang Propeta (saw) sa puno ng lote sa may hangganan, na kanyang
isinalarawan na mayroong mga dahon na katulad ng tainga ng mga
elepante at mga prutas na kasing laki ng mga banga. Ang puno ng lote ang
palatandaan ng lugar, ang lagpas nito ay hindi mapuntahan kahit ng Anghel
na Jibril, subalit pinahintulutan ng Allah si Propeta Muhammad (saw) na
lagpasan ito at makipag-usap sa kanya ng malapitan.
Inihayag ng Allah sa Propeta (saw) ang mga huling talata ng Surah
al-Baqarah at ipinangako sa kanya na ang malalaking kasalanan ng
kanyang mga taga-sunod ay patatawarin kung hindi sila nakagawa ng
Shirk (pagtatambal). Ginawa rin ng Allah na obligado ang pagsa-Salah ng
27

limampung beses sa isang araw para sa Propeta at kanyang mga tagasunod. Sa pagbaba ng Propeta (saw) ay nadaanan niyang muli sa Propeta
Musa na nagtanong sa kanya kung anong pagsamba ang iniatas sa kanya.
Nang ipabatid ni Propeta Muhammad (saw) sa kanya, sinabi ni Propeta
Musa Hindi kaya ng mga tao mo na makagawa ng limampung beses ng
pagsa-Salah sa mag-hapon. Sumpa man sa Allah na nasubukan ko ang
mga tao bago ang iyong panahon at sinikap ko ang magagawa ko para sa
mga Israelita, bumalik ka sa iyong Panginoon at hilingin mo sa Kanya na
pagaangin ang mga bagay para sa iyong mga tao. Ginawa naman ito ni
Propeta Muhammad (saw) at binawasan ito ng Allah na maging sampu, muli
ay iminungkahi ni Propeta Musa na bumalik siya at humiling na bawasan
pa ito sa parehong kadahilanan, kayat siya ay bumalik. Ang Propeta (saw)
ay patuloy na nag-akyat panaog sa pagitan ng kanyang Panginoon at kay
Propeta Musa hanggang winika ng Allah:
Sila ay inaatasan na mag-Salah ng limang beses maghapon, Muhammad,
at ang bawat Salah ay gagantimpalaan ng sampu, kayat ito ay makagagawa
ng limampung ulit ng pagsa-Salah. Siya na nagnais gumawa ng kabutihan
at hindi ito ginawa magkakaroon ito ng isang mabuting gawa na maitatala
para sa kanya, at kapag kanya itong ginawa, sampung mabubuting mga
gawa ang maitatala para sa kanya; Gayundin, siya na nagnais gumawa ng
isang masamang gawa at hindi niya ito ginawa ay walang maitatala laban
sa kanya, at kapag kanya itong ginawa, isang masamang gawa lamang ang
maitatala laban sa kanya.
Nang siya ay bumaba at sinabihan siya ni Propeta Musa na bumalik,
kanyang sinabi Nakahiling na ako sa aking Panginoon at nahihiya na akong
humarap sa Kanya. Tama na sa akin ito at ako ay tatalima.
Ang Propeta ay dinala sa Paraiso at kanyang iniulat na nakita niya dito
ang mga naglalakihang mga kumpol ng perlas at ang lupa nito ay nilikha
mula sa musko. Dinala din siya sa Impiyerno at ipinakita ng Allah sa kanya
ang mga tagpo sa hinaharap. Nakita niya sa Impiyerno ang mga taong
lumalasap ng matitinding parusa mula sa ibat ibang mga kasalanan.
Kinuha ng Propeta ang Miraj at bumaba na kasama ang Anghel Jibril sa AlMasjid Al-Aqsa. Mula naman dito ay sinakyan niya ang Buraq at bumalik sa
kanyang tahanan sa Makkah kung saan niya naabutan ang kanyang higaan
na mainit pa.

28

Ang pagbabalik
Kinabukasan, ang Propeta (saw) ay nagpunta sa lugar ng tagpuan ng mga
tribung Quraish, at nang lumapit sa kanya si Abu Jahl, isinalaysay niya ang
kanyang paglalakbay. Tinawag ni Abu Jahl ang mga tao upang makinig sa
kuwento ng Propeta (saw), at nang isalaysay niya ito sa kanila, tinitigan
nila ng pagkamangha at di-paniniwala ang Propeta (saw). Ang iba sa mga
bagong yakap sa Islam na mahina ang Iman ay lumisan sa Islam at nagbalik
sa Kufr (kawalan ng paniniwala), dahil sa isang di-kapani-paniwalang
salaysay na ikinuwento ng Propeta (saw).
Ang iba sa mga tao ay nagtungo kay Abu Bakr at sinabi sa kanya at sa
kanyang mga kasamahan na isinalaysay ni Propeta Muhammad (saw) na
siya ay nagpunta sa Jerusalem, nag-Salah doon, at bumalik sa Makkah sa
isang gabi. Sinabi ni Abu Bakr na pinagsisinungalingan nila ang Propeta
(saw), dahil ang salaysay ay di-kapani-paniwala, subalit kanilang sinabi
na ang Propeta (saw) ay nasa Kabah at nagsasalaysay sa mga tao. Nang
sabihin nila ito, sila ay nakasisiguro na siya ay lilisan din sa Islam, dahil
malinaw sa kanila na si Muhammad (saw) ay nagsisinungaling. Subalit
si Abu Bakr ay nagsabi Sumpa man sa Allah, kung talagang sinabi niya
ito, siya ay nagsabi ng katotohanan. Wala tayong hindi dapat ikapaniwala,
dahil nabanggit niya sa akin na ang kaalaman na dumarating sa kanya ay
nagmumula sa Allah, mula sa langit pababa sa lupa, sa isang iglap maging
gabi man o umaga at naniniwala ako sa kanya. At ito ay higit pa sa bagay
na di-kayang-paniwalaan. Dahil sa salitang ito ni Abu Bakr, ang Propeta
(saw) ay binansagan siyang as-Siddiq (ang makatotohanan).
Hiningian ng mga tao ng patunay ang Propeta (saw) tungkol sa kanyang
salaysay. Alam nila na hindi siya naglakbay sa Jerusalem, kayat ang iba sa
kanila ay humiling na ipaliwanag niya ito. Nag-alala ang Propeta (saw) dahil
nakalimutan na niya ang karamihan sa mga detalye nito. Isang gabi lang
siyang naparoon at hindi niya napagtuunan ng pansin ang mga detalye nito.
Subalit biniyayaan siya ng Allah ng pag-alaala kung saan niya nakita ang
Jerusalem na para bang siya ay naroroon. Kayat naisalarawan niya kahit
na ang pinaka-maliit na detalye para sa kanila. Para sa iba, sinabi niya sa
kanila na noong patungo siya sa Jerusalem ay nadaanan niya ang isang
ligaw na kamelyo na pag-aari ng isa sa mga tribu na humimpil sa isang
lambak. Nakatakas ito mula sa grupo at inakay sila dito. Sinabi rin niya na
sa kanyang pagbabalik ay nadaanan niya ang caravan ng parehong tribu
at natagpuan silang lahat na natutulog. Mayroon silang inuman na may
lamang tubig na kanilang tinakpan, binuksan niya ito, ininom ang laman nito
29

at ibinalik takip katulad ng dati. Sinabi niya na ang caravan ay patungo ng


Makkah at isinalarawan pa niya ang kamelyong nauuna. Ang mga tao ay
tumakbong paalis upang masalubong ang caravan at kanilang nasaksihan
ito kung papaano isinalarawan ng Propeta (saw). Tinanong nila ang tribu
tungkol sa kamelyong naligaw at sa inuman, at kanilang sinabi Sumpa man
sa Allah! Siya ay nagsasabi ng katotohanan, kami ay humimpil sa lambak na
kanyang nabanggit at ang isa sa aming mga kamelyo ay tumakas. Narinig
namin ang tinig ng isang lalaki na itinuturo ito sa amin hanggang sa ito ay
mahuli namin. Binanggit din nila na sila ay nag-iwan ng tubig sa inuman at
sila ay nagulat ng ito ay nasimot pagsapit ng umaga.

Ang kahalagahan ng miraj


nagpapalakas ng pagka-propeta
a)

Sa maikling panahon bago ang Hijrah (pag-likas tungo sa Madina)


ang tiyuhin ng Propeta (saw) na si Abu Talib ay binawian ng buhay.
Kahit na sinikap ng Propeta (saw) ang lahat ng kanyang magagawa
upang tanggapin niya ang Islam, pinili pa rin niya na manatili sa
pananampalataya ng kanyang mga ninuno. Labis na nasaktan ang
Propeta (saw) dahil si Abu Talib ang nagpalaki sa kanya at nangalaga
sa kanya mula sa pananakit ng mga Quraish. Kayat ang pagkamatay
ni Abu Talib ay naka-apekto sa Propeta (saw) sa dalawang
pagkakataon: (1) Hindi niya tinanggap ang Islam at (2) Hindi na niya
mapangangalagaan ang Propeta laban sa pananakit ng mga Quraish.

b)

Tatlong araw pagkamatay ni Abu Talib, ang asawa ng Propeta (saw),


si Khadijah bint Khuwaylid ay binawian ng buhay. Si Khadijah ang
nagpagaan ng kanyang kalooban noong una siyang dumanas ng
hirap sa pagtanggap ng kapahayagan at sa mga unang paglusob at
pagtakwil sa kanya ng mga tao.

c)

Sumunod dito, ang Propeta (saw) ay nagpunta ng Taif sa pag-asa na


maipalaganap dito ang Islam, subalit bigo ang panghihikayat niyang
ito. Siya ay itinaboy palabas ng siyudad at pinagbababato hanggang
sa ang kanyang sandalyas ay napuno ng dugo.

Mula sa mga pangyayaring ito na naganap nang magkakasunod, makikita


natin na ang Propeta (saw) ay nagdanas ng sunud-sunod na mga
nakapanglulumong mga kasawian at pagsubok. Dahil dito, ay kinuha siya
30

ng Allah paakyat sa Kanya upang palakasin ang kanyang diwa at ihanda


siya para sa pagdating ng susunod na bahagi ng hirap ng pagka-Propeta.
Ang kahalagahan ng isra
patunay ng pagka-propeta
Ang mahiwagang paglalakbay ng gabi ng Propeta (saw) ay nagdulot sa
kanya na makapag-dagdag ng patunay upang maipakita sa mga tao na
siya ay isinugo ng Allah. Maaaring imposibleng maipaliwanag sa mga
tao ang patunay ng kanyang pagka-Propeta sa paglalarawan lamang ng
kanyang paglalakbay patungo ng mga kalangitan, dahil wala sa mga ito ang
nakaranas nito. Ito ay mistulang panaginip lamang para sa kanila o isang
alamat. Subalit ang ilan sa kanila ay nakapunta ng Jerusalem, at maaari
nilang tanungin ang caravan upang patunayan ang kanyang salaysay.
Ang wastong paglalarawan niya ng al-Masjid al-Aqsa at ang detalye ng
kapaligiran nito, gayundin ang nawalang kamelyo at ang pagsimot ng tubig
sa inuman ay magbibigay patunay sa kanila, na walang bahid ng pagaalinlangan, na siya ay Propeta mula sa Allah.
mga Aral mula sa isra at miraj
1.

Ang Allah ay nasa itaas ng mga nilikha


Ang pangyayari sa mahiwagang paglalakbay ng Propeta (saw) paakyat
sa mga kalangitan hanggang sa makalapit sa Allah, ay nagpapahiwatig
ng katotohanan na ang Allah ay hindi napapaloob sa Kanyang nilikha.
Ito ay nagpapakita na hindi Siya bahagi ng Kanyang nilikha o di kaya
ay napapalibutan ng Kanyang mga nilikha, sa halip Siya ay nasa itaas
ng Kanyang mga nilikha. Dahil, kung Siya ay kahit-saan (everywhere)
katulad ng sinasabi ng ibang mga tao, hindi na kinakailangan pa ng
Propeta kahit na lumabas man lamang ng kanyang silid upang lumapit
sa Allah. Gayunpaman, nakikita at naririnig ng Allah ang lahat ng
bagay at walang anuman ang maililihim mula sa Kanya. Ang Kanyang
kaalaman ay kahit-saan (everywhere), subalit hindi na kailangan para
sa Kanya na maging kahit-saan, batid ng Allah ang lahat ng bagay
kahit na hindi Niya puntahan ang lahat ng lugar.

2.

Ang Allah ay hindi makikita sa mundong ito


Tinanong ang Propeta (saw) kung nakita niya ang Allah noong siya
ay naglakbay, sinabi niya Mayroon lamang liwanag, papaano ko Siya
31

makikita? Ang katotohanan na hindi makikita ng Propeta (saw) ang


Allah, kagaya ni Propeta Musa bago siya ay hindi rin nakita ang Allah,
ay nagpapahiwatig na walang taong makakikita sa Allah dito sa buhay
na ito. Samakatuwid, tayo ay nakatitiyak na ang mga taong nagsasabi
na nakita nila ang Allah ay maaaring tuwirang nagsisinungaling o kaya
naman ay nalinlang ni Shaytan na maniwalang nakita niya ang Allah.
3.

32

Salah: Ang pinaka-dakilang haligi ng Islam


Ang Salah ang unang uri ng pagsamba na ginawang obligado ng Allah
para sa mga Muslim at ito lamang ang tanging ini-atas Niya sa Makkah.
Ang ibang mga haligi ng Islam ay ginawang obligado sa Madinah,
matapos ang Hijrah (pag-likas). Ang haligi na ito ay napaka-halaga
na pinili ng Allah na ihayag ito sa Propeta sa itaas ng mga kalangitan
noong Siya ay nakipa-usap ng malapitan sa Propeta (saw).

KABANATA 4

Ang tungkol sA hiJrAh


Nabanggit na natin na ang Propeta ay palagiang dumadalo sa panahon ng
Hajj bawat taon, sinusundan ang mga naglalakbay ng Hajj sa kanilang mga
himpilan at sa Ukaz at iba pang mga pagdiriwang at saka sila pananawagan
para sa Allah. Subalit wala sa kanila ang tumugon sa kanyang panawagan
o di kaya ay binigyan siya ng pagkakataon.
Isa sa mga biyaya na ipinagkaloob ng Allah sa Kanyang Mensahero, na
sina Al-Aws at Al-Khazraj ay palaging nakikinig sa kanilang mga kakampi
na mga Hudyo sa Al-Madinah na isang Propeta ang ipadadala sa panahong
iyon. Susundin siya nila; siya at sila ay papatayin ang mga Arabo kung
papaano pinatay ang mga Ad.
Ang mga Ansar ay palaging nagsasagawa ng paglalakbay katulad ng
ginagawa ng ilan sa mga Arabo, na wala ang mga Hudyo. At nang makita
ng mga Ansar ang Mensahero ng Allah na nananawagan para sa Allah,
minataan nila ang kanyang ginagawa at isa sa kanila ay nagsabi sa
iba, O mga kasama! Sumpa man sa Allah, Alam ninyo na ito ang taong
pinagbantaan tayo ng mga Hudyo, kayat huwag ninyo silang palapitin sa
kanya bago kayo. Matapos ito, itinalaga ng Allah na itatakwil siya ng mga
Hudyo, katulad ng winika ng Allah:

At nang may dumating sa kanila (ang mga Hudyo), isang Aklat (ang
Quran) mula sa Allah na nagpapatunay kung ano ang mayroon sa
kanila (ang Taurat) at ang Injil (Ebanghelyo), kahit na noong unang
panahon ay humiling sila sa Allah (sa pagdating ni Muhammad)
upang magwagi sa mga di-naniniwala, at nang dumating sa kanila na
kanilang natatandaan, silay hindi naniwala dito. Kayat hayaan ang
sumpa ng Allah na mapunta sa mga di-nananampalataya.
Surah Al-Baqarah 2:89

33

Ang unAng pAngAko ng Al-AQAbAh


Noong panahon ng Hajj, ang Mensahero ng Allah ay nakipagkita sa anim
na tao mula sa Ansar. Lahat sila ay nagmula sa tribu ng Al-Khazraj, kasama
sa kanila ay sina: Asad bin Zurarah at Jabir bin Abdillah bin Riab AsSulami na nanawagan sa kanila sa Islam. Kumalat ang Islam sa kanila
hanggang sa walang natirang tahanan sa Al-Madinah na hindi nito napasok.
Nang sumunod na taon, labindalawang mga kalalakihan mula sa kanila ang
dumating ang unang anim, ang bahagi mula kay Jabir at kasama nila si
Ubadah bin As-Samit, Abul Haitham bin At-Tayyihan at mga iba pa. Lahat
sila ay binubuo ng labindalawang kalalakihan.
Sinabi sa kanya ng unang anim na tumanggap ng Islam, Mayroong
poot at kasamaan sa pagitan ng aming mga mamamayan, umaasa kami
na pagbubuklurin sila ng Allah sa pamamagitan mo. Dapat natin silang
hikayatin sa iyong relihiyon, sapagkat kung pagbubuklurin sila ng Allah sa
pamamagitan mo, wala nang pinakamamahal na tao ng higit sa iyo. Sina
Al-Aws at Al-Khazraj ay magkapatid sa amat ina. Sila ay tubong Saba sa
Yemen. Ang kanilang ina ay si Qailah bint Kahil, isang babaeng nagmula sa
Qudaah, na naging dahilan kung bakit sila tinawag na mga anak na lalaki
ng Qailah. Nasasaad sa tula:
mula sa mga anak na lalaki ng Qailah,
sinuman ang makihalubilo sa kanila ay hindi makakikita ng
kamalian sa kanila.
Dahil sa pagpapatayan at digmaan ay lumaganap at nagpatuloy ang
poot sa pagitan nila sa loob ng isang daan at dalawamput limang taon
hanggang sa pawiin ito ng Allah sa pamamagitan ng Islam. Pinagbuklod
sila sa pamamagitan ng Mensahero ng Allah, na binanggit sa mga Salita
ng Allah:




At alalahanin ang Biyaya ng Allah sa inyo, dati kayong
magkakaaway sa bawat isa subalit pinagsama Niya ang inyong mga
puso, upang sa gayon, sa pamamagitan ng Kanyang Pagpapala,
kayo ay naging magkakapatid (sa Pananampalataya).
34

Surah Al-Imran 3:103

At nang dumating sa kanya ang labindalawang kalalakihan nang sumunod


na taon ang mga nabanggit at kasama nila ay dalawang lalaki mula sa
Al-Aws: sina Abul Haitham at Uwaim bin Saidah, samantala ang natitira ay
mula sa Al-Khazraj.
Nang sila ay lumisan, ipinasama ng Mensahero ng Allah si Musab bin
Umair sa kanila. Ang layunin ay upang magturo ng Quran at turuan
sila tungkol sa Islam. Nanatili siya na kasama ni Abu Umamah Asad
bin Zurarah at umalis siyang kasama ni Musab sa isa sa kanyang mga
paglalakbay at pumasok sila sa isang hardin na pag-aari ng Banu Zafar.
Sila ay umupo doon at ang ilan sa mga kalalakihan doon na tumanggap ng
Islam ay umupong kasama nila.

tumAnggAp ng islAm sinA sAd bin muAdh At usAid


bin hudAir
Si Sad bin Muadh pinuno ng Al-Aws ay nagsabi kay Usaid bin Hudair,
Puntahan mo ang dalawang lalaki na dumating upang lokohin ang mahihina
sa atin at palayasin mo sila, dahil si Asad bin Zurarah ay anak ng tiyahin ko
sa ina. Kung hindi lamang dito, ako na mismo ang gagawa nito sa sarili ko.
Sina Sad at Usaid ay mga pinuno ng kanilang mga mamamayan, kayat
kinuha ni Usaid ang kanyang sibat at pinuntahan sila. Nang makita siya ni
Asad bin Zurarah, sinabi niya kay Musab na Siya ang pinuno ng kanyang
tribu na lalapit sa iyo, kausapin mo siya ng tapatan. Sinabi ni Musab, Kung
kakausapin niya ako, dapat ko siyang kausapin. Siya ay lumapit sa dalawa
at nagsabi, Bakit kayo naparito sa amin? Niloloko ninyo ang mga mahihina
dito sa amin! Magsialis kayo, kung mayroon man kayong binabalak na
masama. Si Musab ay nagsabi, Baka maaari kang umupo at makinig;
kung magugustuhan mo ang sasabihin namin, maaari mo itong tanggapin,
subalit kung hindi mo ito magugustuhan, maaari mong patigilin ang hindi mo
nagustuhan mula rito. Kanyang sinabi, Matapat kang magsalita. Itinusok
niya ang kanyang sibat sa lupa at umupo. Nagsalita si Musab tungkol sa
Islam at binigkas ang Quran sa kanya. Sumpa man sa Allah, nakikita namin
sa kanyang mukha ang Islam bago pa siya magsalita dahil sa kinang at
tuwa na taglay nito, ang sinabi ni Usaid. Pagkatapos ay kanya pang sinabi,
Anong husay nito at anong ganda ito! Anong dapat mong gawin kung nais
mong yakapin ang relihiyong ito? Sinabi ni Musab sa kanya, Maligo at
linisan ang iyong damit, pagkatapos ay saksihan mo ang katotohanan (hal.
banggitin ang Shahadatain) at magdasal ng dalawang Rakah. Sinabi ni
35

Usaid, May isang lalaki na kasama ko na kung susunod siya sa inyo


ang kanyang mga mamamayan ay hindi magpapaiwan, kayat dadalhin
ko siya sa inyo ngayon (ang kanyang pangalan ay) Sad bin Muadh.
Pagkatapos ay binunot niya ang kanyang sibat at umalis patungo kay Sad
na natagpuan niyang nakaupo kasama ng kanyang mga mamamayan sa
kanilang bulwagan.
Sinabi ni Sad, Sumusumpa ako sa Allah na siya ay haharap sa inyo ng
may ibang pagmumukha mula sa kung anong mayroon siya nang iwanan
niya kayo. Nang siya ay nakatayo sa harap ng pagpupulong, tinanong siya
ni Sad, Anong ginawa mo? Siya ay sumagot, Kinausap ko ang dalawang
lalaki at sumpa man sa Allah, walang akong nakita na dapat itanggi sa
kanila. Pinagbawalan ko silang mangaral at kanilang sinabi; Gagawin
namin kung ano ang gusto mo. At ako ay napagsabihan na hinahanap ng
Banu Haritha si Asad bin Zurarah upang kanilang patayin, sapagkat alam
nila na siya ay anak ng tiyahin mo sa ina upang pangalagaan ka nila.
Dahil sa narinig niya ay tumayong galit si Sad na bitbit ang kanyang sibat.
Subalit nang makita niya na mapayapang nakaupo ang dalawa, napag-isip
niya na nais lamang ni Usaid na pakinggan niya ang dalawa, kayat siya
tumayo sa kanilang harapan at nagsalita ng mga pagsumpa, at sinabi niya
kay Asad bin Zurarah, Sumpa man sa Allah, O Abu Umamah, kung hindi
lamang sa pagkakamag-anakan natin, hindi ka makatatanggap ng ganito
(konsiderasyon) mula sa akin! Pupunta ka ba sa amin sa sarili naming lugar
na may dalang bagay na kinamumuhian namin? Nasabi na ni Asad kay
Musab, Sumpa man sa Allah, ang pinuno ng kanyang tribu ay lumapit na
sa iyo; kung susunod siya sa iyo, wala sa kanila ang hindi sasama.
Nagsalita si Musab, Baka maaari kang umupo at makinig; kung
magugustuhan mo ang sasabihin namin, maaari mo itong tanggapin,
subalit kung hindi mo ito magugustuhan, maaari kaming tumigil at umalis
kung ano ang hindi mo nagustuhan mula rito. Kanyang sinabi, Matapat
kang magsalita. Itinusok niya ang kanyang sibat sa lupa at umupo.
Nagsalita si Musab tungkol sa Islam at binigkas ang Quran sa kanya.
Sumpa man sa Allah, nakikita namin sa kanyang mukha ang Islam bago pa
siya magsalita dahil sa kinang at tuwa na taglay nito, ang sinabi ni Usaid.
Pagkatapos ay kanya pang sinabi, Anong husay nito at anong ganda ito!
Anong dapat mong gawin kung nais mong yakapin ang relihiyong ito?
Sinabi ni Musab sa kanya, Maligo at linisan ang iyong damit, pagkatapos
ay saksihan mo ang katotohanan (hal. banggitin ang Shahadatan) at
magdasal ng dalawang Rakah.
36

Ginawa niya ito at pagkatapos ay kinuha ang kanyang sibat at nagbalik


sa bulwagan ng kanilang mamamayan. Nang siya ay makita nila, sila ay
nagsabi, Sumpa man sa Allah, siya ay nagbalik na may ibang pagmumukha
mula sa kung papaano siya umalis. Kanyang sinabi, O Banu Abdil Ashhal!
Ano ang katayuan ko sa inyo? Ikaw ang aming pinuno, ang anak ng aming
pinuno at ang pinakamatalino sa amin, ang pinakamapagkakatiwalaan sa
pag-uugali, ang sagot ng mga tao. Siya ay nagsabi, Ang salita ng inyong
kalalakihan at inyong kababaihan ay ipinagbabawal sa akin hanggat hindi
kayo naniniwala sa Allah at Kanyang Mensahero. Sa pagsapit ng gabi ng
araw na yaon, bawat lalaki at babae mula sa kanila ay tumanggap ng Islam
maliban kay Al-Usairim na hindi tumanggap hanggang sa araw ng Labanan
ng Uhud. Sa araw na iyon, tinanggap niya ang Islam at nakipaglaban. Napatay
siya sa labanan na wala man lamang siyang nagawang pagpapatirapa sa
Allah. Sinabi ng Propeta ang tungkol sa kanya:
Ang kanyang mga gawa ay kakaunti, subalit ang kanyang biyaya ay
napakalaki.
Nanatili si Musab sa tahanan ni Asad na nananawagan ng mga tao sa
Islam hanggang sa wala nang tahanan ang natira mula sa tahanan ng mga
Ansar na walang Muslim, maliban sa mga tahanan ng Banu Umayyah bin
Zaid, Khatmah, Wail at Waqif.
Ito ay sa dahilan na kasama nila si Qais Ibn Al-Aslat, isang makata na
palagi nilang pinakikinggan na siyang pumigil sa kanila sa pagtanggap sa
Islam hanggang sa taon ng Labanan ng Trench, matapos na lumikas ang
Mensahero ng Allah sa Al-Madinah.
Nang sumunod na taon, pagsapit ng panahon ng Hajj, ang mga yumakap
ng Islam mula sa mga Ansar ay nagsabi, Hanggang kailan natin dapat
pabayaan ang Mensahero ng Allah na itapon sa mg kabundukan ng Makkah
at binabatikos?! Sila ay nagsialis kasama ng mga sumasamba sa diyusdiyusan mula sa kanilang mga mamamayan bilang mga manlalakbay ng
Hajj.

37

Ang pAngAlAwAng pAngAko ng kAtApAtAn sA


Al-AQAbAh
Nang silay dumating, sila ay nakipagkasundo na makipagkita ng palihim
sa Propeta sa Al-Aqabah sa kalagitnaan ng mga Araw ng Tashreeq9 upang
magbigay ng kanilang pangako ng katapatan sa kanya. Nang matapos nila
ang kanilang Hajj, si Al-Abbas ay nagsabi sa kanya, Hindi ko kilala ang
mga taong nagsidating sa iyo. Kilala ko nang lubos ang mga taong taga
Yathrib10. At nang sumapit ang gabi, sila ay panakaw na umalis mula sa
kanilang kampo. Kasama nila si Abdullah bin Amr bin Haram Abu Jabir
na isang sumasamba sa diyus-diyusan. Inilihim nila ang mga bagay na
ito mula sa kanya, at nang sumapit ang gabi na pinagkasunduan nila na
makatagpo ang Mensahero ng Allah, sinabi nila sa kanya, O Abu Jabir!
Isa ka sa mga pinagpipitagan namin at hindi namin nais na ikaw ang maging
sanhi ng pagbabaga ng Apoy sa panghinaharap. Kayat ipinabatid nila sa
kanya ang tungkol sa Islam, niyakap niya ang pananampalataya, lumahok
ng pagpupulong sa Al-Aqabah at isa siya sa mga pinuno (ng kanyang
sariling mamamayan).
Makalipas ang ikatlong gabi, nagtungo sila sa tagpuan at nakatagpo ang
Propeta, dumarating ang isa o dalawa sa iisang pagkakataon. Kasama ng
Propeta ang kanyang amain na si Al-Abbas na noong panahon na iyon
ay sinusunod pa ang relihiyon ng kanyang mamamayan subalit ninais
niyang makilahok upang mapangalagaan ang mga gawain ng kanyang
pamangkin at makatiyak sa kanyang kaligtasan.
Nang tignan ni Al-Abbas ang mga mukha ng naroroon, sinabi niya, Ito ang
mga tao na hindi natin kilala; sila ay mga bago. Siya ang unang nagsalita
sa kanila at nagsabi, O mga mamamayan ng Khazraj! kalimitang
tinutukoy ng mga Arabo ang parehong tribu ng Madina bilang Khazraj
Alam ninyong lahat ang katayuan na tinataglay ni Muhammad mula sa
atin. Hanggat maaari ay pinangalagaan natin siya mula sa ating mga
mamamayan. Siya ay pinararangalan at iginagalang sa kanyang bayan,
subalit siya ay tumatanggi sa halip ay lisanin sila upang makasama kayo.
Kung sa inyong palagay ay mapanghahawakan ninyo ang inyong mga
pangako na anyayahan siya (sa inyong bayan) at pangalagaan siya mula
sa mga kumakalaban sa kanya, kung gayon ay panghawakan ninyo ang
tungkulin na inyong inako. Subalit kung sa inyong palagay ay isusuko
nyo siya at pabayaan siya matapos niyang sumama sa inyo, sa gayon ay

38

9 Mga Araw ng Tashreeq: Ang tatlong mga araw matapos ang Araw ng Pag-aalay.
10 Yathrib: Ang sinaunang pangalan ng Al-Madinah

iwanan nyo na siya ngayon, sapagkat siya ay minamahal ng mabuti at


pinangangalagaan.
Sila ay nagsabi, Narinig namin ang iyong tinuran, kayat magsalita ka, O
Mensahero ng Allah! At pagkatiwalaan ang aming pangako tungkol sa iyong
sarili at sa iyong Panginoon kung iyong mamarapatin.
Pagkatapos ay nagsalita ang Mensahero ng Allah at nagsabi:
Pinanghahawakan ko ang pangako ninyo na pangangalagaan ako kung
pupunta ako sa inyo mula sa anuman na pinangangalagaan ninyo ang
inyong mga asawa at mga anak at makakamit ninyo ang Paraiso.11
Ang unang pangako ng katapan sa kanya ay si Al-Bara bin Marur na nagsabi,
Sa Kanya na nagpadala sa iyo ng may katotohanan, pangangalaagan ka
namin mula sa kung papaano namin pinangangalagaan ang aming mga
asawa, kayat tanggapin ang pangako ng katapatan mula sa amin, O
Mensahero ng Allah! Sapagkat kami ay mga mandirigma at mga armado,
na minana pa namin sa aming mga ninuno. Si Abul Haitham bin At-Taihan
ay sumingit sa kanya at nagsabi, Mayroong mga pinagkasunduan sa
pagitan natin at ng mga mamamayan, ipawawalang-bisa namin ang mga ito,
mangyayari ba na kung gagawin naming ganito ay ipagkakaloob sa iyo ng
Allah ang tagumpay, magbabalik ka sa iyong mga mamamayan at iiwanan
kami? Sa puntong ito, nangiti ang Mensahero ng Allah at nagsabi:
Hindi, sumpa man sa Allah, dugo sa dugo at buhay sa buhay. Kayo ay sa
akin at ako ay sa inyo. Makikipagdigma ako laban sa mga makikipagdigma
sa inyo at makikipagkasundo ako sa mga makikipagkasundo sa inyo.
At nang sila ay nagsipagtayo upang ibigay ang kanilang mga pangako ng
katapatan sa kanya, ang pinakabata sa kanila Asad bin Zurarah ay
hinawakan siya sa kamay at nagsabi, Huwag tayong magmadali, O mga
mamamayan ng Yathrib! Hindi tayo naglakbay sa kanya gayong nalalaman
natin na siya ay ang Mensahero ng Allah, ang pagtanggal sa kanya ay
magiging sanhi ng pagkakahiwalay ng lahat ng mga Arabo at ang pagpatay
ng mga pinakamahusay sa inyo at kayo mahahampas ng espada. At para
naman sa inyo, magtimpi sa ganitong pagkakataon, kayat dalhin nyo siya
at ang biyaya ay nasa Allah. Subalit kung kayo ay nangangamba para sa
inyong sarili, kung gayon ay iwanan nyo na siya ngayon upang kayo ay
magkaroon ng mas maraming dahilan sa pagharap sa Allah. Subalit sila
11 Iniulat ni Imam Ahmad at Al-Baihaqi na mayroong mapaniniwalaang daloy ng tagapagsalaysay.

39

ay nagsabi, Alisin mo ang iyong kamay mula sa amin, sapagkat sumpa


man sa Allah, hindi namin dapat pabayaan ang pangakong ito, o di kaya
ay itigil namin ito.
Pagkatapos ay isa-isa silang tumayo sa kanyang harapan at tinanggap niya
mula sa kanila ang mga pangako at magkagayon ay pinagkalooban sila
ng Paraiso. Ang ingay at kaguluhan ay nadaragdagan kayat sinabi ni AlAbbas, Dahan-dahan kayo, may mga matang nagmamasid sa atin.
Sinabi ng Propeta ng Allah:
Magpadala kayo sa akin ng labindalawang mga kinatawan mula
sa inyong mga mamamayan, katulad ng mga kinatawan ng mga
disipulo ni Hesus, ang anak ni Maria at ako ang kinatawan sa aking
mamamayan.
Sa ibang salaysay, naiulat na siya ay nagsabi, Katulad ng pagtatalaga ni
Moises ng labindalawang mga tao bilang mga pinuno mula sa kanyang
mga tao.12
Ang pinuno ng Banu An-Najjar ay si Asad bin Zurarah; ang mga pinuno ng
Banu Salamah ay sina Al-Bara bin Marur at Abdullah bin Amr bin Haram;
ang mga pinuno ng Banu Saidah ay sina Sad bin Bin Ubadah at Al-Munzir
bin Amr; ang pinuno ng Banu Zuraiq ay si Rafi bin Malik bin Ajlan; ang
mga pinuno ng Banul Harith bin Al-Khazraj ay sina Abdullah bin Ruwahah
at Sad bin Ar-rabee; ang pinuno ng Al-Qawaqil ay si Ubadah bin As-Samit;
ang mga pinuno ng Al-Aws ay sina Usaid bin Hudhair at Abul Haitham bin
At-Tayyhan; at ang pinuno ng Banu Awf ay si Sad bin Khaithamah.
Ang kabuuan ng bilang ng mga tao sa Al-Aqabah ay umabot sa pitumpung
kalalakihan at dalawang kababaihan.
Nang ipinangako nila ang kanilang katapatan sa kanya, ang demonyo ay
humiyaw sa pinakamalakas na tinig na noon lamang narinig, O tao ng
mga kampo! Mag-ingat! Si Muhammad at ang kanyang mga nahikayat
ay nagtipon upang makipagdigma sa inyo! Ang Mensahero ng Allah ay
nagsabi:
Magsibalikan kayo sa inyong mga kampo.

40

12 Iniulat ni Imam Ahmad at Al-Baihaqi na mayroong mahusay na daloy ng mga tagapagsalaysay.

Si Al-Abbas bin Ubadah bin Nadlah ay nagsabi, Sa Kanya na nagsugo


sa iyo na may dalang katotohanan, lulusubin naming ng aming mga
sandata ang mga tao sa Mina bukas. Subalit sumagot ang Mensahero ng
Allah:
Hindi tayo inutusan na gumawa niyan. Magsibalik sa inyong mga
kampo.
Nang gumising sila kinaumagahan, ang mga pinuno ng Quraish ay nagtungo
sa kanila at nagsabi, Kami ay pinagsabihan na kayo ay nagpunta sa aming
kasama (Muhammad), upang maialis nyo siya sa aming gitna at kayo ay
nangako na makikipagdigma sa amin. Sumpa man sa Allah! Walang tribu
ng Arabo na kamumuhian namin ng labis sa digmaan nang higit sa inyo.
Ang ilan sa mga kalalakihan na hindi alam ang pangako ay sumumpa sa
kanila sa pamamagitan ng Allah na wala itong katotohanan. Samantala,
yaong mga nakalahok sa gabi ng pagpupulong ay nagpalitan lamang ng
tingin sa isat isa. Si Abdullah bin Ubayy bin Salul ay nagsabi, Ito ay hindi
totoo! Hindi ito nangyari, ang aking mga mamamayan ay hindi babalewalain
ang aking kapangyarihan sa paggawa ng mga bagay na ganito. Kung ako
ay nasa Yathrib, ang aking mamamayan ay hindi ito gagawin kung hindi nila
ako natatanong.
At ang mga tao ay nagsitayuan, gayundin si Al-Harith Hisham at siya ay
nakasuot ng bagong sapatos at si Kab bin Malik ay nagsabi ng ilang
bagay na para bang nais niya itong iugnay sa mga nabanggit ng mga tao
kanyang sinabi, O Abu Jabir! Hindi mo ba kayang magsuot ng katulad
ng sapatos ng batang ito, samantalang ikaw ay isa sa mga pinuno mula sa
aming mga pinuno? Narinig ito ni Al-Harith at hinubad niya ang kanyang
sapatos, at inihagis niya ito sa kanya at nagsabi, Sumpa man sa Allah, tiyak
na susuutin mo ang mga iyan! Si Abu Jabir ay nagsabi, Tama na! nasaktan
mo na ang batang ito, isauli ang sapatos sa kanya! Siya ay sumagot, Hindi
ko isasauli ang sapatos niya sa kanya; sumpa man sa Allah, ito ay isang
mabuting palatandaan. Kung mapatunayan na ito ay totoo, itatatago ko ang
mga ito.13
Nang lumisan ang mga Ansar sa Makkah, napatunayan sa mga Quraish
na ang kuwentong ito ay totoo kayat sila ay naghanda sa paghahanap sa
kanila at nahuli na si Sad bin Ubadah at Al-Munzir bin Amr. Nakatakas si
Al-Munzir. At si Sad, sinabi nila sa kanya, Sinusunod mo ba ang relihiyon
13 Paalala: Ito ay iniulat ni Imam Ahmad sa kapahintulutan ni Kab bin Malik, subalit ito ay nagtataglay kay
Muhammad bin Ishaq sa daloy ng mga tagapagsalaysay nito, na isang mahina.

41

ni Muhammad? Oo, ang sagot niya. Itinali nila ng "siya" ng kamelyo


ang kanyang mga kamay hanggang sa kanyang leeg. Kinaladkad nila si
Sad mula sa kanyang buhok at pinagpapapalo ang kanyang buhok ay
makapal hanggang sa mapasok nila ang Makkah. Si Mutim bin Adiyy
at Harith bin Al-Harb bin Umayyah ay pinalaya siya mula sa kanilang mga
kamay. Nagtanungan ang mga Ansar sa isat isa kung sila ba ay dapat
bumalik o hindi para sa kanya nang siya ay dumating. Sila ay nagpatuloy
patungo ng Al-Madinah.
Ang lalaki na nakahuli sa kanya ay si Dhirar bin Al-Khattab Al-Fihri, na
nagsabi:
Nahuli ko si Sad sa pamamagitan ng lakas at ginawa ko siyang bihag,
At mas magagalak ako kung si Munzir ay aking mahuhuli,
At kung mahuli ko siya, paduduguin ko siya na nararapat para sa
kanya,
Upang siya ay alipustahin.
Si Hassan bin Thabit ay sumagot sa kanya sa pagsasabi ng:
Ipinagmamalaki mo ang pagkakabihag kay Sad,
At iyong sinabi, Mas magagalak ako kung si Munzir ay aking mahuhuli,
At katiyakan, may isang lalaki na nagbibigay sa atin ng mga taludtud
ng tula,
Katulad ng isa na naglalako ng "dates" sa mga mamamayan ng
Khaibar,
Kayat huwag matulad sa isang tupa na hinuhukay ang sarili niyang
libingan sa pamamagitan ng kanyang mga paa,
Ngunit hindi natuwa na ang hinukay ay para rito,
O di kayay katulad ng isang natutulog na nananaginip na
Siya ay nasa siyudad ng Khosrau o sa siyudad ng Caesar,
O di kayay katulad ng isang naulilang babae na nananangis sa
kanyang nawawalang anak,
Na para bang sa pamamagitan ng pag-aalaala ng puso siya ay
maibabalik,
O di kaya ay katulad ng isang umaalulong na hayop na nahaharap sa
kanyang kamatayan,
At hindi niya ito kinatatakutan mula sa mga pana dahil sa kanyang
pagkagutom,
Ipinagmamalaki mo ba ang "linen" kapag itoy iyong isinuot,
Samantala ang mga Nabateans ay nagsusuot ng isa at maikling piraso
42

ng tela?
Kung hindi dahil kay Abdul Wahab, ang mga taludtud ay maaaring
lumipas,
Sa ibabaw ng mga bulubundukin ng disyerto,14 na mahinang
nabubuwal.
Narinig ng mga Quraish na may isang nagsasabi sa gabi sa (Bundok) Abu
Qubais:
At kung ang dalawang Sad ay yumakap sa Islam, Muhammad
Sa Makkah ay hindi katatakutan ang pagsalungat ng anumang kalaban.
Sila ay nagtanong, Sino sila? Sinabi ni Abu Sufyan, Asad bin Bakr, o
si Sad bin Huzaim? At nang sumunod na gabi, narinig nila na siya ay
nagsabi:
O Sad Sad Al-Aws ikaw ay tumulong,
At O Sad Sad Al-Khazrajain ang marangal na tao,
Sagutin ang aking panawagan para sa gabay at makaaasa ka,
Na ikaw ay pagkakalooban ng Allah ng Al-Firdaws,
Sapagkat sa katunayan, ang Biyaya ng Allah ay para sa kanya na
naghahangad ng gabay,
Ang mga Hardin ng Firdaws na naglalaman ng lahat ng ganda ng paguugali.
Si Abu Sufyan ay nagsabi: Sa pamamagitan ng Allah, ito ay tumutukoy kay
Sad bin Ubadah at Sad bin Muadh.

14 Sang-ayon kay Ibn Hisham, sinasabi na, Sa itaas ng Barqa (magaspang, mabatong lupa.)

43

KABANATA 5

Ang pAglikAs (hiJrAh) sA Al-mAdinAh


Pinahintulutan ng Mensahero ng Allah na magsilikas ang mga Muslim
sa Al-Madinah at nagmamadali nilang ginawa ito. Ang una sa kanila na
lumisan ay si Abu Salamah bin Abdil Asad at ang kanyang asawa, Umm
Salamah, subalit siya ay napigilan na sumama sa kanya sa loob ng isang
taon. Siya ay nawalay mula sa kanyang anak. Pagkatapos ay lumisan siya
na kasama ang kanyang anak patungo ng Al-Madinah.
Pagkatapos ay nagsilisan sila na pangkat-pangkat, sunud-sunod at walang
naiwan sa kanila sa Makkah maliban sa Mensahero ng Allah, Abu Bakr at
Ali, na parehong naghihintay sa utos ng Mensahero ng Allah. Maliban sa
kanila, walang naiwan bukod sa mga pinilit na pigilan ng mga pagano mula
sa paglisan.
Ang Mensahero ng Allah ay gumawa ng kanyang mga paghahanda,
naghihintay ng utos na lumisan at gayundin si Abu Bakr na gumawa rin ng
kanyang paghahanda.

Ang bAlAk ng mgA QurAish nA pAslAngin Ang


mensAhero ng AllAh sA dAr An-nAdwAh
Nang malaman ng mga pagano na ang mga Kasamahan ng Mensahero
ng Allah ay naghanda at lumisan na kasama ang kanilang mga pamilya
patungo ng Al-Madinah, alam nila na ito ay lugar na ligtas, na ang mga tao
ay armado at malakas at pinangangambahan nila na ang Mensahero ng
Allah ay lilisan at magiging mas mahirap na ang pakikipag-ugnayan sa
kanya. Kayat sila ay nagtipon sa Dar An-Nadwah at ang Satanas ay lumapit
sa kanila sa anyo ng isang Shaikh mula sa mga mamamayan ng Najd.
Pinag-usapan nila ang bagay tungkol sa Mensahero ng Allah. Ang bawat
isa sa kanila ay nagbigay ng kanya-kanyang mungkahi, subalit hindi ito
tinanggap ng Shaikh. Walang tinanggap ang Shaikh na kahit na ano mula
sa kanilang mga mungkahi hanggang si Abu Jahl ay nagsabi, Mayroon
akong naiibang ideya, na hindi naisip ng kahit na sino sa inyo. Sila ay
nagtanong, Ano ito? Siya ay nagsabi, Ito ay sa aking palagay na kumuha
44

tayo ng mga bata at matipunong lalaki sa bawat tribu, pagkatapos ay


bigyan siya ng isang matalim na espada. Hayaan ang bawat isa sa kanila
na makasakit sa kanya ng minsan nang sa gayon ay mapaghatian ng
mga tribu ang pagdanak ng kanyang dugo. Ang Banu Abd Manaf ay hindi
malalaman kung ano ang kanilang gagawin matapos ito at hindi na nila
pa kayang gumawa ng gulo laban sa lahat ng mga tribu; pagkatapos ay
paghahatian natin ang pagbabayad sa pagtubos ng dugo. Dahil dito, ang
Shaikh ay nagsabi, Anong husay ng taong ito! Sumpa man sa Allah, ito
ang tamang pananaw! Sila ay naghiwa-hiwalay na napagkasunduan ang
ganitong balak.15
Subalit ang Anghel Gabriel ay nagpunta sa Mensahero ng Allah at
ipinabatid sa kanya ang kanilang balak at pinagsabihan siya na huwag
matulog sa kanyang higaan ng gabing iyon.
Nagpunta ang Mensahero ng Allah kay Abu Bakr sa kalagitnaan ng araw,
sa sandali na hindi pa niya nagagawang dalawin siya. Ang kanyang mukha
ay nakatakip at kanyang sinabi, Paalisin ang sinuman na kasama mo.
Sumagot si Abu Bakr, Sila ay mga pamilya mo lamang, O Mensahero ng
Allah! Kayat ang Mensahero ng Allah ay nagsabi sa kanya:
Pinahintulutan ako ng Allah na umalis.
Nagtanong si Abu Bakr, Sasamahan ba kita, O Mensahero ng Allah? Siya
ay sumagot, Oo. Si Abu Bakr ay nagsabi, Kung gayon ay kunin mo ang
dalawang mga sasakyan kong ito. Ang Propeta ay nagsabi, Babayaran ko
ito. Pagkatapos ay inutos niya kay Ali na magpalipas ng gabi sa pagtulog
sa kanyang higaan.
Ang mga mamamatay-tao ay nagtipon at naghintay sa labas, sinisilip sa
siwang ng pintuan at naghihintay. Nagsisikap na makita ang natutulog dito at
nagmamasid sa bawat isa sa kanila kung sino ang kriminal na makatatama
ng pinakamalakas na paghampas.
Lumabas ang Mensahero ng Allah sa kanila at dumakot siya ng buhangin
at isinaboy ito sa kanilang mga ulo, habang kanyang binibigkas:
15 Paalala: Ang kuwentong ito ay isinalaysay ni Ibn Hisham, sa kapahintulutan ni Ibn Ishaq, subalit ito
ay isang mahinang salaysay, dahil ang taong pinagkunan ni Ibn Ishaq ng salaysay ay hindi kilala, katulad ng
sinasabi ni Ibn Ishaq, Naipabatid sa akin ng isang tao na aking pinagkakatiwalaan Karagdagan, si Ibn Ishaq
sa kanyang sarili ay mahina.

45

At nakapaglagay kami ng isang balakid sa kanilang unahan, isang


balakid sa kanilang likuran, at Amin silang tinakpan upang hindi na
sila makakita. Surah Ya Sin 36:9
- at inihayag ng Allah:

At alalahanin na noong ang mga di-mananampalataya ay nagbalak


ng masama laban sa iyo (O Muhammad) upang bihagin ka, o patayin
ka, o ang kunin ka nila palabas (mula sa iyong tahanan, hal. Makkah);
sila ay nagbabalak at ang Allah ay nagbabalak rin; at ang Allah ang
Pinakamahusay doon sa mga nagbabalak.
Surah Al-Anfal 8:30

Nagtuloy ang Mensahero ng Allah sa bahay ni Abu Bakr at sila ay lumisan


ng gabi na dumaan sa siwang ng kanyang bahay. Isang lalaki ang dumating
at nakita niya ang mga nag-aabang sa pintuan ni Abu Bakr at nagsabi,
Anong hinihintay nyo diyan? Sila ay nagsabi, Si Muhammad. Kanyang
sinabi, Bigo kayo at talunan! Sumpa man sa Allah, dinaanan niya kayo at
sinabuyan ng buhangin ang inyong mga ulo. Sila ay nagsabi, Sumpa man
sa Allah, hindi namin siya nakita! At sila ay nagsitayo at pinagpag ang mga
buhangin sa kanilang mga ulo.
Kinaumagahan, bumangon si Ali mula sa higaan at siya ay kanilang tinanong
tungkol kay Muhammad. Wala akong alam sa kanya. ang kanyang tugon.16
Samantala, ang Mensahero ng Allah at si Abu Bakr ay nagtuloy sa isang
yungib na kilala bilang Ghar Thawr. Isang gagamba ang nagpaikot ng sapot

46

16 Paalala: Ang kuwento na ang Propeta ay nagsaboy ng buhangin sa mga ulo ng nagbabalak na pumasalang
sa kanya ay mahina, sang-ayon sa mga iskolar ng hadith. Ito ay iniulat ni Ibn Sad, sa pamamagitan ni AlWaqidi, na isang mahina at ni Hisham, sa kapahintulutan ni Ibn Ishaq, na palaging nakagagawa ng Tadlees at
ni Ahmad, sa pamamagitan ni Uthman bin Amr bin Saj, na isang mahina, sang-ayon kay bin Hajar.

sa may bukana nito.17


Inupahan nila si Abdullah bin Uraiqit Al-Laithi, na isang bihasang gabay
na sumunod sa relihiyon ng kanyang bayan, subalit siya ay kanilang
pinagkatiwalaan kahit pa sa ganitong pangyayari. Pinagpahinga nila ang
kanilang sinasakyan at nag-ayos na masalubong siya sa Ghar Thawr
pagkatapos ng tatlong araw.
Samantala, nagsikap ang mga Quraish na makita sila at nagdala sila ng
tagahanap hanggang umabot sila sa may bukana ng yungib at dito tumigil.
Si Abu Bakr ay nagsabi, O Mensahero ng Allah! Kung ang isa sa kanila ay
titingin sa kanilang mga paanan, makikita nila tayo. Ang Mensahero ng
Allah ay tumugon:
Ano itong maiisip ng dalawa kapag ang Allah ang pangatlo sa kanila?
Huwag kang mangamba, sapagkat katiyakan, ang Allah ay kasama natin?18
Naririnig nila ang mga usapan ng naghahanap sa kanila, subalit ginawa ng
Allah na sila ay maging bulag sa kanilang harapan.
Si Amr bin Fuhairah ay palaging nagpapastol ng tupa para kay Abu Bakr,
siya ay nakikinig kung ano ang sinasabi tungkol sa kanila sa Makkah,
nakikinig siya ng balita sa kanila kapag gabi, at pagdating ng umaga,
sumasama siya sa mga tao.
Si Aishah ay nagsabi, Inihanda namin ang kanilang kakailanganin at
inilagay ang kanilang pagkain para sa paglalakbay sa isang bag na yari sa
balat. Si Asma (bint Abu Bakr) ay nagputol ng piraso mula sa kanyang paha
at ipinantali sa bibig ng bag. Ito ang dahilan kung bakit siyang tinawag na
Zat An-Nitaqain (ang nagmamay-ari ng dalawang paha).19
Inabot sila ng tatlong araw sa pananatili sa yungib, hanggang sa humupa
ang init sa paghahanap sa kanila. Si Ibn Uraiqit ay nagtungo sa kanila na
dala ang kanilang mga sasakyan at sila ay lumisan, si Abu Bakr ay nakaupo
sa likuran ni Amr bin Fuhairah.
17 Sang-ayon sa mga iskolar ng Hadith, ang kuwento tungkol sa gagamba ay hindi pa naiulat mula sa
mapagkakatiwalaang pinagmulan, o di kayay ang kuwento ng mga kalapati na nangingitlog sa harapan bukana
ng yungib.
18 Iniulat ni Al-Bukhari sa kapahintulutan ni Abu Bakr.
19 Iniulat ni Al-Bukhari, sa kapahintulutan ni Aishah bint Abu Bakr.

47

Ang kuwento ni surAQAh bin mAlik


Nang nagsawa na ang mga Quraish sa paghahanap sa kanila, sila ay
handang magbigay ng pabuya sa sinumang makahuhuli sa dalawa o isa
man sa kanila. Nagbuhos ng mga sarili ang mga tao upang hanapin sila,
subalit ang Allah ang Nakababatid ng Kanyang mga Gawain.
Nang madaanan nila ang lugar ng Mudlij, paakyat mula sa Qudaid, isang
lalaki ang nakakita sa kanila na huminto at nagsabi, Kakikita ko lang ng
mga kalalakihan na malapit sa tabing-dagat at palagay ko sila ay walang
iba kundi si Muhammad at ang kanyang mga kasamahan.
Napag-isipan ni Suraqah bin Malik ang pagkakataon at siya ay naghangad
na makakuha ng pabuya para sa kanyang sarili, subalit ang kinalabasan ay
nakatanggap siya ng gantimpala na hindi niya inaasahan.20 Siya ay nagsabi,
Hindi! Sila ay kung sinu-sino lamang na naghahanap ng mga bagay na
kanilang pag-aari. Nanatili siya sandali, pagkatapos ay tumayo at pumasok
sa kanyang tolda at sinabi sa kanyang alipin na babae, Lumabas ka at
dalhin ang kabayo ko mula sa likod ng tolda at magkita tayo sa likod ng
burol. Kinuha niya ang kanyang sibat at ibinaba ang dulo nito na gumuguhit
ng isang linya sa dumi at siya ay sumakay sa kanyang kabayo. Nang
malapit na siya sa kanila, narinig niya ang tinig ng Propeta na bumibigkas
at namataan niya sa Abu Bakr na nagmamatyag mabuti. Samantalang hindi
napansin Mensahero ng Allah, si Abu Bakr ay nagsabi, O Mensahero ng
Allah! Iyan si Suraqah bin Malik na inunahan pa tayo. Pagkasabi nito, ang
Mensahero ng Allah ay nanalangin laban sa kanya at ang apat na paa
ng kabayo ni Suraqah ay lumubog sa lupa. Siya ay nagsabi, Alam ko na
ang nangyari sa akin ay dahil sa panalangin mo, ipanalangin mo ako sa
Allah at ililigaw ko ang mga tao na malayo sa iyo. Kayat ipinanalangin siya
ng Mensahero ng Allah at ang apat na mga paa ng kanyang kabayo ay
napakawalan.
Pagkatapos ay humingi siya ng sulat sa Mensahero ng Allah at isinulat ito
ni Abu Bakr sa utos ng Propeta sa isang pinatuyong balat.21 Itinago niya ang
sulat na ito hanggang sa araw ng Pananakop sa Makkah, nang dalhin niya
ito sa Mensahero ng Allah at kanya itong tinupad.
Siya ay nagbalik at natagpuan ang mga tao na naghahanap kayat kanyang

48

20 Ito ay ang pagyakap niya sa Islam at noong araw ng pagsakop sa Makkah, ang pangako na nakasulat na
nakuha niya mula sa Mensahero ng Allah ay mahusay na natupad.
21 Iniulat ni Al-Bukhari at Al-Hakim, sa kapahintulutan ni Suraqah.

sinabi, Natingnan ko na ang daan dito. Sa panimula ng araw, tinutugis


niya sila at sa panghuli ng araw, pinangangalagaan niya sila.

49

KABANATA 6

Ang kuwento ni umm mAbAd


Sila ay nagpatuloy sa kanilang paglalakbay at nadaanan nila ang mga tolda
ng Umm Mabad ng tribu ng Banu Khuzah. Nakagawian niyang imbitahin
ang mga tao na napapadaan sa kanila na umupo, habang siya ay nakaupo
ng naka-ekis ang mga paa sa bukana ng kanyang tolda, at pakakainin sila
at bibigyan ng maiinom. Tinanong siya nila kung mayroon siya na anuman
na maaari nilang mabili mula sa kanya, subalit kanyang sinabi, Sumpa
man sa Allah, kung mayroon man kami, hindi ako magkukulang ng ihahain
sa inyo, subalit ang mga tupa ay hindi na nagbibigay ng gatas. At ito ang
panahon ng tagtuyot kayat ang Mensahero ng Allah ay tiningnan ang
isang tupa sa sulok ng tolda at nagsabi: Ano ang tupang ito? Kanyang
sinagot, Iniwanan na ito ng isa pang tupa. Siya ay nagtanong, Mayroon
ba itong gatas? Kanyang isinagot, Tuyo na ito para diyan. Ang Propeta
ay nagsabi, Pahihintulutan mo ba ako na gatasan ito? Siya ay sumagot,
Oo, ialay nawa ang aking ama at ina para sa iyo, kung sa palagay mo ay
mayroon ka pang makukuha na gatas dito, e di gatasan mo yan.
Ang ginawa ng Propeta ay hinawakan ang mga dede ng tupa at nagsabi,
Bismillah (sa panimula ay ang pangalan ng Allah) at nanalangin, kung
saan ang gatas ay masaganang dumaloy, at saka siya humingi ng lalagyan
para dito na sasapat para sa kanilang grupo at ginatasan niya ang tupa
hanggang sa ito ay mapuno at binigyan niya ang babae ng maiinom at siya
ay uminom hanggang sa mapawi ang uhaw ng babae. Binigyan niya ang
kanya ng mga kasamahan upang makainom hanggang sa ang kanilang mga
uhaw ay napawi, pagkatapos ay uminom siya. Pagkatapos ay ginatasan pa
niya ito sa pangalawang pagkakataon at pinuno ang lalagyan, at iniwanan
niya ito sa babae at sila ay lumisan.
Hindi na siya nanatili ng matagal nang dumating ang kanyang asawa na
may dalang mapapayat na mga kambing, na halos hindi magatasan. Nang
makita niya ang gatas, siya ay nagsabi: Saan galing ito, ang mga tupa ay
tuyot at wala namang hayop na mapagkukunan ng gatas sa bahay. Siya
ay nagsabi: Hindi, sumpa man sa Allah, hanggang ang isang pinagpalang
lalaki ang dumaan at nagsabi ng kung anu-ano. Siya ay nagsabi: Sumpa
man sa Allah, naniniwala ako na siya ay walang iba kundi ang hinahanap
ng mga Quraish, ilarawan mo nga siya sa akin, O Umm Mabad! Inilarawan
50

niya ang Mensahero ng Allah na dumaan sa kanyang kubol sa kanyang


paglalakbay ng paglikas, sinabi ni Umm Mabad Al-Khuzaiyah sa kanyang
asawa: Napakaliwanag at maaliwalas ang kanyang mukha. Pino ang
kanyang mga kilos. Ni hindi lumalaylay ang kanyang tiyan o di kayay ang
kanyang ulo ay natatakpan ng buhok. Maganda ang maiitim niyang mga
mata na inarkuhan ng mga kilay na magkarugtong. Makintab at itim ang
kanyang buhok na pakulot, mahaba ang suot niya. Ang kanyang tinig ay labis
na mapag-utos. Ang ulo niya ay malaki, bagay-na-bagay sa balingkinitan
niyang leeg. Ang kanyang pananalita ay matalinhaga at palaisipan, malinaw
at dakila. Nahahalina ang makakita sa kanya sa malayo at hindi nagtatagal
ay mapapalapit ka sa kanya nang higit sa pagkahalina at ito ay nauuwi sa
katapatang-loob at paggalang. Ang kanyang mga ngiti ay napakatamis at
naiiba. Ang kanyang mga salita ay napakaayos at hindi gumagamit ng mga
salita ng pagmamalabis, na para bang ito ay magkakadugtong na perlas.
Ang kanyang tindig ay hindi masyadong mataas o di kaya ay masyadong
mababa na nakasasawa sa paningin. Siya ang panggitna sa tatlo, nagiisang makinang at walang-kupas. Palagi siyang napalilibutan ng kanyang
mga kasamahan. Kapag siya ay magbibitaw ng anumang salita, taimtim
silang nakikinig at kapag nagbigay siya ng anumang utos, nag-uunahan sila
sa pagsunod nito. Siya ay isang guro at isang pinuno. Ang kanyang mga
salita ay markado ng katotohanan at katapatan, malaya sa lahat ng uri ng
mga kamalian at kasinungalingan.
Naway ang Allah, ang Panginoon ng sangkatauhan ay biyayaan ng
higit sa mga biyaya,
Ang dalawang kasamahan na nanatili sa mga kubol ni Umm Mabad,
Nanatili sila ng may kabaitan at lumisan ng ganoon,
At matagumpay yaong nagiging kasama ni Muhammad,
O mga anak ni Qusai! Pinagkalooban kayo ng Allah ng higit na
tagumpay,
Na hindi namin kayang tumbasan,
At pamumuno (sa Makkah),
Tanungin ang iyong kapatid na babae tungkol sa kanyang alaga na
inahing tupa at ang lalagyan niya ng gatas,
Sapagkat kung tatanungin mo ang inahing tupa, ito ay sasaksi,
Kumuha siya ng isang inahing tupa na hindi na nagbibigay ng gatas,
At ito ay nagbigay ng maraming gatas sa kanya, kahalintulad ng isang
nagpapasusong ina,
Nakikita ng Propeta kung ano ang hindi nakikita ng mga nakapalibot
sa kanya,
At binibigkas niya ang Aklat ng Allah saan mang lugar,
51

Isang araw kung mayroon siyang sasabihin na anuman, na nabibilang


sa mga kaalaman ng mga hindi nakikita,
Makikita mo itong nagaganap ngayon o kinabukasan,
Iniwanan niya ang mga tao at silay nawalan ng mga isipan,
At dumating siya sa mga tao na mayroong linaw ng pagbabago
Ginabayan sila ng kanilang Panginoon at pagkatapos nito sila ay
naligaw,
Ang pinakamatuwid sa kanila ay yaong sumunod sa katotohanan at
naging matagumpay,
Hayaang magdiwang sa biyaya ng kanyang mga pagsisikap si Abu
Bakr,
Sa kanyang pagsasama sa Propeta,
Sapagkat sinuman at itulot ng Allah ang kaligayahan, siya ay magiging
maligaya,
At hayaang magdiwang ang mga Banu Kab sa lugar ng kanilang anak
na babae,
Na naghanda sa lugar ng pahingahan ng mga mananampalataya.
Si Asma ay nagsabi: Nanatili kami sa loob ng tatlong gabi, hindi nalalaman
kung saang direksiyon patungo ang Mensahero ng Allah, isang lalaki mula
sa mga Jinn ang lumitaw mula sa baba ng Makkah na binibigkas ang mga
talatang ito at ang mga tao ay sumusunod sa kanya, pagkarinig sa kanyang
tinig, subalit hindi siya nakikita hanggang sa siya ay lumabas mula sa itaas
ng Makkah. Siya ay nagsabi: Nang marinig namin ang kanyang sinabi,
nalaman namin kung saang direksiyon parating ang Mensahero ng Allah.
Siya ay nagsabi: At nang lumisan si Abu Bakr, dinala niya ang lahat ng
kanyang salapi at ang aking lolo, Abu Quhafah, na isang bulag ay pumasok
sa bahay at nagsabi: Sumpa man sa Allah, sapalagay ko ay inilalagay niya
kayo sa alanganin sa pamamagitan ng pagdadala ng lahat ng kanyang
mga salapi. Ako ay nagsabi: Sumpa man sa Allah, iniwanan niya kami
na may kasapatan. Kumuha ako ng ilang mga bato at inilagay ang mga
ito sa isang nitso sa bahay at nagsabi: Ipatong ang iyong kamay sa salapi
at inilagay niya ang kanynag kamay sa ibabaw ng mga bato at nagsabi:
Walang dapat alalahanin, kung ito man ang iniwan niya sa inyo, mabuti
ang kanyang nagawa. Siya ay nagsabi: Sumpa man sa Allah, wala siyang
iniwan sa amin na anuman, subalit nais ko lamang ipalagay ang isipan ng
matandang lalaki.

52

Ang pAgpAsok ng mensAhero ng AllAh sA


Al-mAdinAh
Nang ang mga Ansar ay nasabihan na ang Mensahero ng Allah ay
lumisan ng Makkah, sila ay araw-araw lumalabas sa mga bahay na putik
upang maghintay sa kanya, at kapag tumindi ang sikat ng araw, silay
magsisibalikan sa kanilang mga bahay. At pagkatapos, noong Lunes, ika
labindalawa ng Rabi Al-Awwal, sa panimula ng ika labintatlong taon ng
kanyang Pagkapropeta, sila ay lumabas kagaya ng dati at nang tumindi
ang sikat ng araw, silay nagsibalikan. Matapos ito, isang lalaking Hudyo
ang umakyat sa isa sa mga burol ng Al-Madinah (para sa sarili niyang
kadahilanan) na nakita ang Mensahero ng Allah at kanyang mga
Kasamahan, nakasuot ng puti, kitang-kita mula sa gitna ng kainitan at siya
ay tumawag sa pinakamalakas niyang tinig: O Banu Qailah! Narito ang
inyong kasama! Narito ang inyong lolo na inyong hinihintay! Nagmamadali
ang mga Ansar sa pagkuha ng kanilang mga sandata upang salubungin
ang Mensahero ng Allah .
Ang hiyawan at mga sigaw ng Allahu Akbar ay narinig mula sa Banu Amr
bin Awf. Nag-Takbir ang mga Muslim dahil sa galak sa kanyang pagdating
at nagsilabasan upang salubungin siya. Tinanggap nila ang Propeta at binati
siya ng pagbati ng Pagkapropeta, pinalilibutan at pinagkukumpulan siya.
Nang dumating siya sa Al-Madinah, nagpatuloy siya hanggang sa siya
ay huminto sa Quba mula sa mga tribu ng Banu Amr bin Awf at siya ay
nanatili kay Kulthum bin Al-Hadm at nasabi rin na siya ay nanatili kay Sad
bin Khaithamah at nanatili sa kanila sa loob ng labing-apat na mga gabi at
nagtayo rito ng Masjid ng Quba, na unang masjid na itinayo matapos ang
panimula ng Pagkapropeta.22
Isang Biyernes, sumakay siya sa kanyang kamelyo sa utos ng Allah at
sa Biyernes ay natagpuan siya mula sa Banu Salim bin Awf at kaya siya
ay nagsagawa ng salah ng Jumuah sa masjid na nasa ibaba ng lambak,
at pagkatapos ay sumakay siya sa kanyang kamelyo at kinuha nila ito sa
pamamagitan ng tali nito na nagsasabing: Halina kung saan maraming
kalalakihan, mga sandata at proteksiyon, subalit kanyang sinabi: Hayaan
mo siyang maglakad kung saan niya gusto, sapagkat siya ay nasa ilalim
ng (Banal na) Utos. Nagpatuloy ang kamelyo sa paglalakad na sakay ang
Propeta at hindi ito dumaan sa anumang bahay mula sa mga bahay ng
22 Iniulat ni Ibn Sad sa At-Tabaqat at si Al-Bukhari ay nag-ulat ng kahalintulad, sa kapahintulutan ni Urwah
bin Az-Zubair.

53

mga Ansar na hindi sila nagnais o humiling na siya ay bumaba subalit


siya ay nagsabi: Hayaan nyo ang kamelyo, siya ay nasa ilalim ng (Banal
na) Utos. Nagpatuloy ang kamelyo hanggat sa ito ay umabot kung saan
nakatayo ang kanyang masjid ngayon, sa lugar na ito lumuhod ang kamelyo
at hindi siya bumaba mula rito hanggat hindi ito tumayo at umusad ng
kaunti, pagkatapos ito ay bumalik at nagtungo sa lugar na pinanggalingan
at lumuhod muli at saka bumaba ang Propeta mula rito; at ito ay sa lupa ng
Banu An-Najjar, ang kanyang mga amain sa ina. Isang malaking kayamanan
mula sa Allah ang pagluhod ng kamelyo doon sapagkat hinangad ng
Propeta na lumunsad doon, upang sa gayon ay mabigyan sila ng parangal.
Nagsimula silang mangalap sa kanya upang pasukin ang kanilang mga
tahanan, subalit si Abu Ayyub ay nauna nang nagdala ng kanyang siya sa
bahay ng Propeta, ang Propeta ay nagsabi: Ang isang lalaki ay umaalis na
dala ang kanyang siya. Si Asad bin Zurarah naman ay dumating na dala
ang kanyang kamelyo at ito ay nanatili sa kanya. Siya ay naging katulad ng
sinabi ni Qais bin Sirmah Al-Ansari at si Ibn Abbas ay palaging dumadalaw
sa kanya at naisaulo ang mga talatang ito mula sa kanya:
Nanatili siya sa mga Quraish sa loob ng labintatlong mga taon,
Nagpapaalala sa kanila (tungkol sa Allah) at umaasang makatagpo ng
isa,
Na magiging kaibigan at tutulong sa kanya,
Pinakikilala ang kanyang sarili sa mga tao sa mga pagdiriwang,
Subalit walang natagpuan na magbibigay sa kanya ng tahanan,
At walang natagpuan na mag-aanyaya sa kanya,
At nang dumating siya sa amin, na kanyang napag-isip,
At siya ay nagalak at nalugod sa Taibah (Al-Madinah),
At hindi na niya kinatakutan ang pang-aapi ng mapaniil sa malayo,
O di kayay isang rebelde mula sa sangkatauhan.
Inalay namin ang aming mga likas na kayamanan para sa kanya,
At (inalay namin) ang aming mga sarili sa panahon ng digmaan,
At ibinahagi namin sa kanya anuman ang mayroon sa amin,
Kinakalaban ang lahat ng mga taong kumalaban sa kanya,
Kahit na sila pa ay mga mahal sa amin,
At alam namin na walang panginoon maliban sa Allah,
At ang Aklat ng Allah ang naging tanging gabay namin,
katulad ng sinabi ni Hassan bin Thabit:
Ang aking mamamayan na nagbigay ng tahanan sa kanilang Propeta,
At pinaniwalaan siya samantala ang mga tao sa mundo ay mga di54

mananampalataya,
Maliban lamang sa ilang mga piniling tao na sumunod sa mga
matutuwid,
Kasama ng mga Ansar, Ansar na nagbunyi sa pagbabahagi mula sa
Allah,
Nang may dumating sa kanila na isang pinili mula sa kanilang mga
ninuno,
Sila ay nagsabi: Sumama sa pamilya at maging matiwasay, sa
kaligtasan at kaginhawaan,
Ang pinakahigit sa mga Propeta, ang pinakahigit sa mga bahagi at
kapitbahay,
Kayat siya ay inilagay nila sa isang tirahan na wala siyang kinatakutan,
Sila yaong kanyang mga kapitbahay ang isang bahay na isang tunay
na tahanan,
At dooy pinagsaluhan nila kung ano ang mayroon sa kanila noong
dumating ang mga Muhajirun,
At ang bahagi ng mga nagtatanggi ay ang Apoy.
at katulad ng kanyang sinabi:
Tinulungan at kinupkop namin si Propeta Muhammad,
Kusang-loob laban sa mga kaaway at sa mga taong nag-aalangan
Si Iban Abbas ay nagsabi: Ang Propeta ay nasa Makkah at ipinag-utos
niya ang Hijrah at inihayag ng Allah:

At sabihin (O Muhammad): Aking Panginoon! Hayaang ang


pagpasok ko (sa siyudad ng Al-Madinah) ay maging mabuti, at
(gayundin) ang aking paglabas (mula sa siyudad ng Makkah) na
maging mabuti. At pagkalooban Mo ako mula sa Iyo ng isang
kapangyarihan na tulungan ako (o isang malinaw na tanda o isang
patunay). Surah Al-Isra 17:80
At alam ng Propeta na siya ay walang kakayahan sa pagkakataong ito
maliban na lamang sa Kapangyarihan kayat kanyang hiniling sa Allah ang
55

isang Kapangyarihan na tulungan at ipinagkaloob Niya ito sa kanya.


Si Al-Bara ay nagsabi: Ang unang tao na dumating sa amin mula sa mga
Kasamahan ng Mensahero ng Allah ay si Musab bin Umair at bin Umm
Maktum at nagsimula silang magturo ng Quran sa mga tao. Dumating
naman si Ammar bin Yasir na kasama si Bilal at Sad, pagkatapos ay
dumating si Umar bin Al-Khattab mula sa dalawampung mangangabayo, at
ang Mensahero ng Allah ay dumating. Hindi ko pa nakita ang mga tao na
ganoon kasaya nang siya ay dumatig; nakita ko rin ang mga kababaihan,
mga bata at mga aliping babae na nagsasabi: Siya ang Mensahero ng
Allah ang dumating.
Si Anas ay nagsabi: Naroroon ako sa araw nang pasukin niya ang AlMadinah at wala pa akong nakita na mas mabuti o mas maliwanag na
araw kaysa sa araw na siya ay dumating sa amin sa Al-Madinah; at ako
ay naroroon sa araw na siya ay pumanaw at wala pa akong nakita na mas
masama o mas madilim na araw kaysa sa araw nang siya ay pumanaw.23
Siya ay nanatili sa bahay ni Abu Ayyub hanggang sa ang kanyang silid at
kanyang masjid ay natapos itayo. Habang nasa bahay siya ni Abu Ayyub,
ipinadala niya si Zaid bin Haritha at Abu Rafi sa Makkah na may dalang
dalawang mga kamelyo at limang daang Dirham. Sila ay nagbalik sa kanya
na kasama sina Fatimah at Umm Kulthum, ang kanyang mga anak, si
Sawdah, ang kanyang asawa, sina Usama bin Zaid at ang kanyang ina,
Umm Ayman.
At para kay Zainab, ang kanyang asawa, Abul As, ay hindi siya
pinahintulutang umalis. Si Abdullah, anak ni Abu Bakr, ay lumisan na
kasama nila, dala ang pamilya ni Abu Bakr, kasama si Aishah.

56

23 Iniulat ni Ahmad at Ad-Darimi sa kapahintulutan ni Anas bin Malik.

KABANATA 7

Ang pAgtAtAyo ng mAsJid


Si Az-Zuhri ay nagsabi: Ang kamelyo niya ay lumuhod sa lugar kung saan
itatayo ang masjid at sa panahon ngayon ang mga tao mula sa mga Muslim
ay nagsa-salah dito. Ito ay lugar na pinagpapatuyuan ng mga dates na
pag-aari ng dalawang ulila sa pangangalaga ni Asad bin Zurarah. Ang
Mensahero ng Allah ay nagtanong sa kanila ng halaga nito, subalit sila
ay nagsabi: Hindi, ibibigay namin ito sa inyo. Subalit siya ay tumanggi at
binili niya ito mula sa kanila ng sampung dinar.
At mapagkakatiwalaang naiulat na siya ay nagsabi: O Banu An-Najjar!
Imungkahi nyo sa akin ang halaga ng lupang ninyong ito. Sila ay sumagot:
Hindi, sumpa man sa Allah, hindi kami hihingi ng anumang halaga para
dito maliban sa Allah. Si Anas ay nagsabi: Mayroong mga libingan ng mga
pagano dito at ang iba sa mga ito ay hindi pantay ay mayroong ilang mga
puno ng dates dito. Ipinag-utos ng Propeta na ang mga libingan ng mga
pagano ay hukayin, pantayin ang lupa at putulin ang ilang mga puno ng
dates. (Ang lahat ng mga ito ay nagawa). Ipinantay nila ang mga pinutol
na puno ng dates patungo ng Qiblah ng masjid (bilang dingding) at ginawa
nila ang haba nito mula sa direksiyon ng Qiblah papunta ng likod na may
sukat na sandaang cubits (isang cubit katumbas ng sukat magmula dulo
ng gitnang daliri [hinlalato] ng kamay hanggang siko), gayundin sa tagiliran
nito. Ang pundasyon nito ay humigit sa tatlong cubits. Itinayo nila ito sa
pamamagitan ng mga adobeng tisa at ang Mensahero ng Allah ay katulong
sa pagtayo nito, nag-aayos ng mga tisa at mga bato sa pagsasalansan nito
at nagsasabi na:
O Allah! Walang ibang kabutihan maliban ang nasa Kabilang-buhay,
Kayat patawarin Mo nawa ang mga Ansar at ang mga Muhajirun.
at siya ay nagsabi:
Ang gawang ito ay hindi mga gawa ng Khaibar,
Ito ay higit na matuwid, O aming Panginoon at mas dalisay.
At nagsimula silang bumigkas ng mga talatang patula at ang isa sa kanila
ay nagsabi sa kanyang pagbibigkas:
57

Kapag tayo ay nakaupo habang ang Mensahero ng Allah ay


nagtatrabaho,
Ito ay tiyak na magiging isang gawa ng pagkaligaw para sa atin.
Ginawa niya ang Qiblah na nakaharap sa Bayt Al-Maqdis at nilagyan niya
ito ng tatlong pintuan. Isa sa likuran at ito ay tinatawag na Bab Ar-Rahman
(Ang Pintuan ng Habag) at ang pintuan na lagi niyang pinapasukan. Ang
mga haligi nito ay gawa mula sa mga katawan ng punong palmera at ang
bubungan nito ay mga dahon ng palmera.

Ang kAgAnApAn ng kAnyAng pAg-AAsAwA kAy


AishA
Matapos niyang itayo ang mga bahay, ginawa niyang ganap ang pag-aasawa
niya kay Aishah sa bahay na kagagawa lamang niya para sa kanya sa
silangang bahagi ng Masjid. Ginawa niya ang kaganapan ng pagpapakasal
niya sa kanya sa buwan ng Shawwal, sa unang taon matapos ang Hijrah.
Hindi nagustuhan ng ibang mga tao ang kaganapang ng kasal na ito sa
buwan ng Shawwal. Nasabi na ang pinagmulan nito ay ang pagdating ng
salot nuong Jahiliyyah (ng buwan na ito) at si Aisha ay binalak sa kanyang
pagkababae na maging ganap ang kanilang pagpapakasal sa buwan ng
Shawwal upang maging iba mula sa kanila. At siya ay gumawa ng isa pang
bahay para kay Sawdah.

58

KABANATA 8

Ang pAgkAkApAtirAn sA pAgitAn ng AnsAr At


muhAJirun
At ang Propeta ay nagpahayag ng pagkakapatiran sa pagitan ng Muhajirun
at Ansar; sila ay siyamnapung kalalakihan ang kalahati sa kanila ay
mula sa Muhajirun at ang kalahati sa kanila ay mula sa Ansar na upang
pagbahaginan nila kung anuman ang mayroon sila at magmana sa bawat
isa kapag may namatay, hanggang sa naganap ang Digmaan ng Bader. At
nang ang talata:

Subalit ang pagkakakamag-anakan sa dugo ay mas malapit sa isat


isa (tungkol sa mana) sa utos na itinalaga ng Allah. Surah Al-Anfal 8:75
ay naihayag, ang karapatan sa mga mamanahin ay naibalik sa mga
malalapit na kamag-anak.
Mapagkakatiwalaan naiulat na si Aisha ay nagsabi: Nang dumating ang
Mensahero ng Allah sa Al-Madinah, si Abu Bakar ay nagkasakit; at nang
tumaas ang kanyang lagnat, siya ay nagsasabi:
Ang bawat tao na gumigising sa umaga kasama ng kanyang pamilya,
Nalalaman niya na ang kamatayan ay mas malapit sa kanya kaysa sa
kanyang sintas ng sapatos.
At kapag ang lagnat ay bumaba para kay Bilal, siya ay magsasabi:
Dahil dito ay makapananatili ako ng gabi sa isang lambak kung saan
ako makararating,
Pinalilibutan ng Izkhir at Jalil (dalawang uri ng mababangong damo),
Na isang araw dito ay makaiinom ako ng tubig ng Majinnah?
At sa ganito ko rin makikita ang Shamah at Tafil (dalawang mga bundok
sa Makkah)?
59

O Allah! Sumpain si Utbah bin Rabiah, Umayyah bin Khalaf at Shaibah


bin Rabiah, sapagkat pinalayas nila kami mula sa aming lupa patungo sa
lugar na may salot.
At pagkatapos ay lumisan ako at ipinabatid ko sa Mensahero ng Allah ang
tungkol dito, kung saan niya sinabi: O Allah! Gawin Mo na mahalin namin
ang Al-Madinah ng katumbas o higit ng pagmamahal namin sa Makkah. O
Allah! Gawin Mo itong malusog at pagpalain ang Mudd at Sa nito para sa
amin, at alisin ang lagnat dito at ilagay sa Al-Juhfah. Si Aishah ay nagsabi:
Pagkatapos nito, sa tuwing may isisilang na bata sa Al-Juhfah, hindi niya
aabutin ang pagbabaguntao na hindi siya dinadapuan ng lagnat.

Ang mgA pAngyAyAri sA unAng tAon


Sa unang taon, ang mga salah para sa mga naninirahan ay dinagdagan ng
dalawang Rakah kayat ito ay naging apat na mga Rakah (para sa mga
salah ng Dhuhur, Asr, at Isha).
Gayundin sa taong iyon, ang mga Ahl As-Suffah (mahihirap na mga tao
na walang kinikita o nasisilungan na nakatira sa Masjid ng Propeta) ay
nagpunta sa Masjid at doon ay mayroon isang lugar kung saan ang mga
mahirap at nangangailangan mula sa mga nagsilikas na walang pamilya at
walang ari-arian ay binibigyan ng kanlungan. At kapag sumasapit ang gabi,
ang Mensahero ng Allah ay nagbabahagi sa kanila sa pagitan ng kanyang
mga Kasamahan at ang ilan sa kanila ay kakain ng kanilang hapunan na
kasalo nila, hanggang sa sila ay binigyan ng Allah ng kayamanan.
Ito ang ikalabing-apat na taon ng Pagkapropeta at ito ang unang taon
na sumunod sa Hijrah, katulad ng nabanggit na at dito nagsimula ang
(Islamikong) kalendaryo.
Ilan sa mga kilalang tao na namatay nang taong iyon ay: Asad bin Zurarah
bago makumpleto ng Mensahero ng Allah ang pagtatayo ng Masjid
Al-Bara bin Marur sa buwan ng Safar, bago ang pagdating ng Mensahero
ng Allah sa Al-Madinah at siya ay isa mga namatay mula sa mga piniling
pinuno ng Propeta sa araw ng ikalawang pangako ng katapatan at AlAqabah.
Sa taon din na iyon, si Damrah bin Jundub ay pumanaw; siya ay naging
60

malubha sa Makkah at sinabi niya sa kanyang mga anak na lalaki: Isama


ninyo ako mula sa Makkah. Kayat siya ay isinama nila, sa paghahangad
niya na makalikas, subalit nang abutin nila ang Adah Bani Affar o kaya
ay At-Tanim siya ay namatay, at inihayag ng Allah:






At sinuman ang lisanin ang kanyang tahanan bilang isang migrante
para sa Allah at Kanyang Mensahero, at ang kamatayan ay sumapit
sa kanya, ang kanyang gantimpala sa gayon ay nararapat na
ipagkaloob ng Allah. Surah An-Nisa 4:100
At si Kulthum bin Al-Hadam kung saan nanirahan ang Mensahero ng Allah .
At sa taon na iyo, ang Mensahero ng Allah ay gumawa ng kasunduan sa
mga Hudyo sa Al-Madinah at siya ay sumulat ng kasunduan sa pagitan niya
at nila.

si AbdullAh bin sAlAm Ay yumAkAp sA islAm


Ang mga iskolar at rabbi ng mga Hudyo, Abdullah bin Salam ay isa sa mga
maagang yumakap sa Islam, subalit ang karamihan sa kanila ay tumanggi
at hindi naniwala.
Sila ay binubuo ng tatlong mga tribu: Qainuqa, An-Nadeer at Quraizah
at lahat silang tatlo ay hindi tumupad sa kasunduan kayat ang Propeta
ay nakipaglaban sa kanila; pinatawad niya ang Banu Qainuqa, pinalayas
ang mga Banu An-Nadeer at pinatay ang (mga tao ng) Banu Quraizah. At
tungkol sa Banu An-Nadeer ang Surah Al-Hashr ay inihayag, samantala
tungkol naman sa Banu Quraizah ang Surah Al-Ahzab ay inihayag.

61

KABANATA 9

Ang mgA pAngyAyAring nAgAnAp sA ikAlAwAng


tAon
Sa ikalawang taon, si Abdullah bin Zaid bin Abd Rabbih ay napanaginipan
ang Adhan at ipinag-utos ng Mensahero ng Allah na isigaw ito ni Bilal.
Sa taon na iyon, ang pag-aayuno ay ginawang obligado at ang tungkulin
sa pag-aayuno sa araw ng Ashura ay napalitan, subalit ito ay nagpatuloy
bilang isang pag-aayuno na iminumungkahi.
At sa taon na iyon, ibinigay ng Mensahero ng Allah ang kanyang anak na
babaeng si Fatimah upang maging asawa ni Ali.
At sa taon na iyon, pinalitan ng Allah ang Qiblah mula sa Bayt Al-Maqdis
paharap sa Kabah.

Ang pAgpApAlit ng QiblAh


Nang dumating ang Mensahero ng Allah sa Al-Madinah siya ay nagsasalah na nakaharap sa Bayt Al-Maqdis ang direksiyon kung saan ang
mga Hudyo ay humaharap sa kanilang pagdarasal sa loob ng labing-anim
na mga buwan. Ninais niya na baguhin ito ng Allah paharap ng Kabah at
sinabi niya ito kay anghel Jibril. Si Jibril ay sumagot: Ako ay alipin lamang,
kayat manawagan sa iyong Panginoon at hilingin sa Kanya. Kayat iniharap
niya ang kanyang mukha patungo ng langit at nagpatuloy sa paghiling nito
hanggang inihayag ng Allah sa kanya:


Katotohanan, nakita Namin ang pagtingala ng iyong mukha sa
kalangitan (Muhammad). Katiyakan, nararapat Naming ibaling ka sa
isang Qiblah (direksiyon ng pagsa-salah) na dapat mong ikalugod,
kayat iharap ang iyong mukha sa direksiyon ng Al-Masjid Al-Haram
(sa Makkah). Surah Al-Baqarah 2:144
62

At para dito ay mayroong dakilang kaalaman at isang pagsubok sa mga


tao, parehong sa mga Muslim na kasama nila at sa mga di-nanampalataya:
At para sa mga Muslim, sila ay nagsasabi:


Naniniwala kami rito; ang kabuuan nito (malinaw at hindi malinaw
na mga Talata) ay nagmula sa aming Panginoon. Surah AlImran 3:7
At sila yaong mga ginabayan ng Allah kayat hindi ito mahirap para sa
kanila. At para naman sa mga politista, sila ay nagsabi: Ngayon lamang
siya humarap sa aming Qiblah, hindi magtatagal at babalik siya sa aming
relihiyon. At para naman sa mga Hudyo, sila ay nagsabi:



Anong nagpabago sa kanila (mga Muslim) mula sa kanilang Qiblah
(pagharap sa Jerusalem) na kanilang kinaugaliang direksiyon ng
pagharap sa kanilang pagdarasal. Al-Baqarah 2:142
At para sa mga mapagkunwari, sila ay nagsabi: Kung tama ang unang
Qiblah, kung gayon ito ay kanilang pinabayaan. At kung ang pangalawa ay
tama, kung gayon siya ay (dating) sumusunod sa bagay na mali.
At dahil sa ito ay isang dagliang pangyayari, ang Allah ay naghanda ng
paraan bago Niya ito (pagharap sa Bayt Al-Maqdis sa pagdarasal) palitan
sa pamamagitan ng pagpapalit ng bagay na mas mainam (pagharap sa
Kabah sa pagdarasal) at pinatunayan Niya ang Kanyang kakayahan sa
paggawa ng ganito at ipinabatid Niya sa atin na Siya, ang Pinkamataas
ay nagpapalit ng bagay na mas mainam o ang katulad nito. Pagkatapos
ay sinundan Niya ito ng pagwiwika sa mga nakikipagtalo sa Mensahero
ng Allah at hindi sumunod sa kanya. Matapos ito, binanggit Niya ang
hind pagkakasundo sa pagitan ng mga Hudyo at mga Kristiyano at ang
pagpapatunay ng ilan sa kanila laban sa mga iba na hindi sila sumusunod sa
anumang bagay. Pagkatapos ay binanggit Niya ang kanilang pagtatambal
sa Allah sa kanilang sinasabi: Ang Allah ay nagkaanak.
Pagkatapos ay ipinabatid Niya sa atin na ang silangan at kanluran ay pagaari ng Allah at kung gayon saanman humarap ang alipin ay naroroon ang
63

Kanyang Mukha.
At ipinabatid Niya sa Kanyang Mensahero na ang Angkan ng mga
Kasulatan ay hindi masisiyahan sa kanya hanggat hindi niya sinusunod
ang kanilang relihiyon.
Pagkatapos ay binanggit niya ang Kanyang Khaleel, Abraham at ang
pagtatayo niya ng Bahay, sa tulong ng kanyang anak na si Ismail, sa ganito
ay ginawa Niya si Abraham na Imam para sa mga tao at sa gayon ay walang
magtatakwil ng kanyang relihiyon maliban sa isa na niloloko ang kanyang
sarili.
Pagkatapos ay iniutos Niya sa Kanyang mga alipin na sundin ang kanyang
mga halimbawa at ang maniwala sa kung ano ang inihayag Niya sa
Kanyang Mensahero at kung ano ang ibinaba Niya sa kanila at sa lahat ng
mga Propeta. At ipinabatid Niya sa atin na ang Allah na naggagabay ng
Kanyang naisin sa Tuwid na Landas Siya ang naggabay sa kanila dito sa
Qiblah na siyang pinakagitna ng mga Qiblah at sila ang katamtamang bansa,
sapagkat pinili Niya para sa kanila ang pinakahigit sa mga Mensahero at
ang pinakahigit sa mga Aklat.
At ipinabatid Niya sa atin na ginawa Niya ito upang ang mga tao ay
walang dapat pagtalunan tungkol sa kanila (mga Muslim), maliban sa mga
mapaggawa ng masama, sapagkat sila ay tututol laban sa kanila sa ganitong
mga mahihina at walang saysay na mga pagtatalo, ang kahalintulad nito ay
hindi na dapat ihain pa laban sa Mensahero at (ginawa Niya rin ito) upang
gawin Niyang ganap ang Kanyang kagandahang-loob sa kanila at upang
igabay sila.
Pagkatapos ay binanggit Niya ang kagandahang-loob Niya sa kanila sa
pagpapadala ng Huli sa mga Mensahero at ang kapahayagan ng Aklat at
ipinag-utos Niya na alalahanin Siya at pasalamatan, hinikayat Niya sila na
gawin ito (sa pagbabanggit) na inaalala Niya sinuman ang nag-aalaala sa
Kanya, nagdadakila, at sinumang nagpapasalamat sa Kanya.
At ipinag-utos Niya sa kanila na gumawa ng anumang bagay na kung
wala ito ay hindi nila magagampanan ito ang paghingi ng Tulong sa
pamamagitan ng taimtim na pagtitiyaga at pagdarasal, at ipinabatid Niya sa
kanila na Siya ay kasama ng mga matiyagang nagpupunyagi.

64

KABANATA 10
Nang manirahan ang Mensahero ng Allah sa Al-Madinah at tinulungan
siya ng Allah na kasama ng mga mananampalataya at pinagbuklod Niya
ang kanilang mga puso matapos ang kanilang mga poot, pinangalagaan
siya ng mga Ansar laban sa lahat ng sangkatauhan. Ang mga Arabo at mga
Hudyo ay tumuligsa sa kanya bilang isang tao at naghanda na salungatin
at labanan siya, subalit ipinag-utos ng Allah sa kanila na huwag lumaban
at magpatawad hanggang sa ang kanilang puwersa ay madagdagan. Sa
puntong ito, pinahintulutan Niya na sila ay makipaglaban subalit hindi Niya
ito ipinag-utos sa kanila; Kanyang winika:

Ang pahintulot sa pakikipaglaban (laban sa mga dimananampalataya) ay ipinagkakaloob sa kanila (mga


mananampalataya) na nilalabanan, sapagkat silay ginawan ng mali;
at katiyakan, Kaya ng Allah na bigyan sila (mananampalataya) ng
tagumpay. Surah Al-Hajj 22:39
at ito ang unang Talata inihayag tungkol sa pakikipaglaban.
Pagkatapos ay ipinag-utos sa kanila ang pakikipaglaban sa mga
kumakalaban sa kanila, katulad ng winika ng Allah:


At makipaglaban sa landas ng Allah sa mga kumakalaban sa inyo.
Surah Al-Baqarah 2:190

Ang pakikipaglaban sa lahat ng mga politista ay ipinag-utos sa kanila,


katulad ng Kanyang winika:


65

At labanan ang mga Mushrikun (politista, pagano, sumasamba


sa diyus-diyusan, mga hindi naniniwala sa Kaisahan ng Allah) ng
sama-sama katulad ng pakikipaglaban nila sa inyo ng sama-sama.
Surah At-Tawbah 9:37

Ang ilAn sA mgA kAtAngiAn ng mensAhero ng


AllAh
Ang Mensahero ng Allah ay humihingi ng pangako mula sa kanyang
mga Kasamahan na hindi sila tatakbo sa digmaan; at maaaring hingiin
pa niya ang pangako mula sa kanila na sila ay makikipaglaban hanggang
mamatay; at maaaring hingiin pa niya mula sa kanila na magsagawa ng
Jihad; at maaaring hingiin pa niya mula sa kanila na sumuko sa Allah; at
hiningi niya ang pangako mula sa kanila na lumikas sa Al-Madinah bago
ang pananakop sa Makkah; at hiningi niya ang pangako mula sa kanila na
pagtibayin ang Kaisahan ng Allah (Tawhid) at ang tungkulin na sundin ang
Allah at ang Kanyang Mensahero.
At hiningi niya ang pangako mula sa ilan sa kanyang mga Kasamahan na
hindi sila manghihingi ng anuman sa mga tao at (bunga nito), isang hagupit
ang matitikman mula sa kamay ng isa sa kanila, siya ay bababa at aakuin
ito at hindi siya tatawag ng sinuman upang ipasa ito sa kanya.
Magpapadala siya ng mga espidisyon at sila ay darating sa kanya na may
dalang balita sa mga kalaban at magpapauna siya ng mga pangkat at
magpapakalat siya ng mga bantay at espiya, upang sa gayon ay walang
mailihim sa mga binabalak ng kanyang mga kalaban.
At kapag nakaharap niya ang kalaban, siya mananalangin sa Allah at
hihingin ang Kanyang Tulong laban sa kanila, siya at ang kanyang mga
kasamahan ay babanggitin ang pangalan ng Allah at mananalangin ng labis
sa Kanya.
Palagi niyang hinihingian ng payo ang kanyang mga kasamahan sa panahon
ng Jihad.
Siya ay pumupuwesto sa mga guwardiya sa likuran at hinihimok ang
mahihina, umuupo sa tabi niya ang isa na nawalay mula sa pangunahing
puwersa.
66

Kapag binalak niyang labanan ang isang partikular na kalaban, siya ay


magkukunwaring pupunta sa ibang puwesto.
Isinasaayos niya ang mga tropa at mga tagapagtanggol, nagtatalaga ng
isang may kakayahang mamuno ng isang pulutong.
Ang mga sundalo ay makikipaglaban ng isahan sa harap niya dahil sa
kanyang utos. At siya ay nagsusuot ng kanyang armor at mga sandata,
kung minsan ay nagsusuot siya ng dalawang balabal ng panangga, katulad
ng ginawa niya sa labanan ng Bader.
Mayroon siyang mga brigada at kapag matatalo niya ang tao, siya ay
mananatili sa kanilang lugar sa loob ng tatlong araw, pagkatapos ay babalik
sa kanyang tahanan.
Kapag nais niyang lusubin ang tao, siya ay maghihintay at kapag narinig
niya ang tawag ng isang Muadhdhin, hindi siya lulusob, subalit kung hindi
niya narinig, siya ay lulusob.
Naibigan niya ang paghahanda sa paglalakbay sa tuwing kaagahan ng
umaga ng Huwebes.
Kapag ang kalagayan ay naging mahirap, siya ay pangangalagaan nila at
palagi siya ang pinakamalapit sa kanila sa kaaway.
Nais niyang magpakita ng pagmamalaki at tiwala sa digmaan at
ipinagbabawal niya ang pagpaslang ng mga kababaihan at kabataan,
ipinagbawal niya ang paglalakbay na may dalang Quran sa lupa ng mga
kalaban.

67

KABANATA 11

Ang unAng pulutong nA ipinAdAlA ng mensAhero


ng AllAh .
Ang unang pulutong na ipinadala ng Mensahero ng Allah, sang-ayon kay
Musab bin Uqbah ay ang kay Hamzah bin Abdil Muttalib sa buwan ng
Ramadhan, sa unang taon. Siya ay ipinadala na pamunuan ang tatlumpung
mga kalalakihan mula lamang sa mga Muhajirun, upang tambangan ang
karabana na pag-aari ng mga Quraish na nanggaling mula sa Ash-Sham
na binubuo ng tatlong daang katao na pinamumunuan ni Abu Jahl. Nang
marating ng karabana ang Saif Al-Bahr mula sa direksiyon ng Al-Ees, sila
ay nagpang-abot at naghandang magsagupaan, subalit si Majdi bin Amr
Al-Juhani ay namagitan sa pagitan nila. Si Majdi ay may mabuting ugnayan
sa magkabilang panig kayat ang labanan ay hindi natuloy.
Ang espidisyon ni ubaidah bin Al-harith
Pagkatapos ay ipinadala niya si Ubaidah bin Al-Harith bin Al-Muttalib
bin Abdu Manaf sa buwan ng Shawwal sa taon na iyon na manguna sa
espidisyon patungo ng Batn Rabigh, na pinamumunuan ang animnapung
kalalakihan mula lamang sa mga Muhajirun. Nakaharap niya si Abu Sufyan
at Rabigh at ang pagpapalitan ng mga pana ay sa pagitan nila ay naganap,
subalit hindi sila nagsagupaan ng mga espada. Ito ay panandalian lamang.
Si Sad bin Abi Waqqas ang unang nagpakawala ng pana para sa Allah. At
naghiwalay ng landas ang magkabilang panig. Sang-ayon kay Ibn Ishaq,
ang espedisyon ni Hamzah ay unang naganap.
Ang espidisyon ni sad bin Abi waqqas
Pagkatapos ay ipinadala niya si Sad bin Abi Waqqas sa buwan ng
Dhul Qadah ng taong iyon sa Al-Kharrar sa lupain ng Al-Hijaz, sila ay
dalawampung kalalakihan. Sila ay sumulong ng nakayapak, naglalakbay
sa gabi at nagtatago sa umaga, hanggang sa marating nila ang Al-Kharrar
kung saan nila napag-alaman na ang karabana ay dumaan ng makalipas
na araw.
68

Ang labanan ng Al-Abwa


Ang Propeta na rin ay nakilahok sa Labanan ng Al-Abwa at ito ang unang
labanan kung saan siya lumahok ng personal. Pinangunahan niya ang
pangkat mula lamang sa mga Muhajirun upang tambangan ang karabana
na nabibilang sa mga Quraish, subalit hindi niya ito natagpuan. Sa takbo
ng espidisyon na ito, siya ay gumawa ng kasunduan sa mga Banu Damrah
na hindi siya makikipaglaban sa kanila at hindi siya kakalabanin nila, o di
kaya ay susuportahan nila ang sinuman laban sa kanila.
Ang labanan ng buwat
Pagkatapos ay nakipaglaban siya sa Labanan ng Buwat sa buwan ng Rabi
Al-Awwal. Siya ay naghanda upang tambangan ang isang karaban na
nabibilang sa mga Quraish na binubuo ng isang daang kalalakihan mula
sa mga pagano, pinamumunuan sa pamamagitan ni Umayyah bin Khalaf.
Narating niya ang Buwat na isa sa mga kabundukan ng Juhainah at siya
ay nagbalik na hindi niya ito natatagpuan.
Ang kanyang paglisan sa paghahanap kay karz bin Jabir
Pagkatapos ay naghanda siya sa paghahanap kay Karz bin Jabir Al-Fihri,
na sumalakay sa mga pastulan ng Al-Madinah at ninakawan sila. Hinanap
siya ng Mensahero ng Allah hanggang marating niya ang Safwan, malapit
sa Bader, subalit natakasan siya ni Karz.
Ang labanan ng Al-ushairah
Sa buwan ng Jumada Al-Akhirah, sumulong siya sa unahan ng isang daan
at limampung mga kalalakihan mula sa mga Muhajirun upang tambangan
ang isang karabana na nabibilang sa Quraish na patungo ng Ash-Sham.
Naghanda siya ng tatlumpung mga kamelyo na pinagpapalitan nilang
sakyan. Narating nila ang Dhu Al-Ushairah mula sa direksiyon ng Yanbu
subalit napag-alaman niya na hindi nila naabutan ang karabana sa loob ng
ilang araw. At ito ang karabana na pinaghandaan nila upang tambangan
sa araw ng Labanan ng Bader, sapagkat ito ay nagbalik sa Ash-Sham.
Habang nasa espidisyong ito, siya ay gumawa ng kasunduan sa mga Banu
Mudlij at kanilang mga kakampi.
69

KABANATA 12

Ang espidisyon ni AbdullAh bin JAhsh


Pagkatapos ay ipinadala niya si Abdullah bin Jahsh sa Nakhlah sa buwan
ng Rajab na pinangungunahan ang labindalawang mga kalalakihan mula
sa mga Muhajirun na sakay ng mga kamelyo. Dumating sila sa Nakhlah at
naghintay na matambangan ang isang karabana na nabibilang sa Quraish.
Ang Mensahero ng Allah ay sumulat sa kanila ng isang liham na ipinagutos niya kay Abdullah na huwag itong basahin hanggang sa makalipas ang
dalawang araw. Nang buksan niya ang liham, binasa niya ito: Kapag binasa
mo ang sulat kong ito, magpatuloy hanggang sa marating mo ang Nakhlah,
na nasa pagitan ng Makkah at Taif at hintayin nyo na matambangan ang
Quraish at ipaalam sa amin anumang impormasyon ang mayroon sila.
Nang ipabatid niya ito sa kanyang mga kasamahan at sinabi niya na hindi
siya mamimilit sa kanila na gawin ito, sila ay nagsabi: Ang marinig ay ang
pagsunod.
At habang sila ay nasa daan, nawala ang mga kamelyo nina Sad bin
Waqqas at Utbah bin Ghazwah kayat sila ay nagpahuli upang hanapin
ang mga ito, at sila (mga sasalakay) ay nagpatuloy hanggang marating nila
ang Nakhlah.

Ang pAgpAtAy kAy Amr bin Al-hAdrAmi


Ang karabana ng Quraish ay dumaan sa kanila, may dalang mga pasas at
mga panindang bagay, kasama nila si Amr bin Al-Hadrami. Pinatay siya
ng mga Muslim at binihag nila sina Uthman at Nawfal, ang mga anak ng
bilanggong si Abdullah bin Al-Mugheerah, kasama niya si Al-Hakam bin
Keesan, ang alipin ng Banu Al-Mugheerah.
Ang mga Muslim ay nagsabi: Kami ay nasa huling araw ng Rajab at kung
makikipaglaban kami sa kanila ay malalabag namin ang Sagradong Buwan,
sa gayon, kung hahayaan namin sila hanggang gabi, mapapasok nila ang
Sagradong Pook. Kayat sila ay nagkasundo na sagupain sila at ang isa
sa kanila ay nagpakawala ng pana kay Amr bin Al-Hadrami na pumatay
70

sa kanya. Nabihag nila sina Uthman at Al-Hakam subalit si Nawfal ay


nakatakas. Sila ay dumating na may dalang mga kamelyo at dalawang
mga bihag, itinabi nila ang ikalimang bahagi ng labi (Al-Khums) ng digmaan,
ito ang unang Khums sa Islam, ang unang pagpatay sa Islam at ang unang
paghuhuli ng mga bihag. Pinuna ng Mensahero ng Allah ang kanilang
ginawa. Labis ng sinumpa ng mga Quraish ang kanilang ginawa, sapagkat
nakakita sila ng isang bagay na sasabihin (laban sa mga Muslim) dahil
kanilang sinasabi: Pinahintulutan ni Muhammad ang labanan sa buwan na
ipanagbabawal. Ito ay napakahirap para sa mga Muslim hanggang inihayag
ng Allah:








Tinatanong ka nila tungkol sa labanan sa Sagradong mga Buwan
(una, ika-7, ika-11 at ika-12 mga buwan ng Islamikong kalendaryo).
Sabihin, Ang pakikipaglaban dito ay isang malaking (pagsuway)
subalit isang mas malaking (pagsuway) sa Allah ang pigilan ang
mga tao mula sa pagsunod sa Allah, ang huwag maniwala sa Kanya,
ang pigilan ang pagpasok sa Al-Masjid Al-Haram (sa Makkah), at ang
itaboy ang mga naninirahan dito. Surah Al-Baqarah 2:217
Ang Pinakadakilang Allah ay nagsabi: Ang bagay na ito na inyong itinanggi
kahit na ito ay maging isang pangunahing kasalanan ay nananatili pa
ring kasalanan na inyong nagawa, katulad ng hindi paniniwala sa Allah at
ang paglihis sa mga tao tungo sa landas ng Allah, mula sa Kanyang Bahay,
at ang pagpapalayas sa mga Muslim mula rito ay higit na mas malalaking
kasalanan sa Paningin ng Allah.

Ang kAhulugAn ng Al-fitnAh


Ang salitang Al-Fitnah ay nangangahulugan ng pagbibigay ng mga
katambal sa Allah,




71

At makipaglaban sa kanila hanggang sa mawala na ang Fitnah


(di-paniniwala at mga pagsamba sa mga iba kasama ng Allah)
Surah Al-Baqarah 2:193

at hanggang sa Kanyang mga Salita:

Mawawala na nga ang Fitnah (mga dahilan o pangungusap o


pagtatalo) para sa kanila sa pagsasabi ng: Sumpa man sa Allah,
aming Panginoon, hindi kami yaong itinambal ang mga iba sa
pagsamba sa Allah. Surah Al-Anam 6:23
Ito ang ibubunga ng kanilang Shirk at ang kanilang panghuling kalagayan
ay walang iba kundi itanggi nila ito at ihayag sa kanilang mga sarili na wala
silang kinalaman dito.
At ang katotohanan nito ay: Ang Shirk na kung saan ang mga sumasamba
sa mga diyus-diyusan ay nananawagan at kung saan siya ay nagpaparusa
sa mga naligaw sa pamamagitan nito, kayat inihayag ng Allah, ang
Pinakamataas ay nagsabi:

Katiyakan, yaong mga sinubukan na mga mananampalatayang mga


kalalakihan at kababaihan (sa pagpapahirap at pagsunog sa kanila),
at pagkatapos ay hindi manunumbalik sa paghingi ng kapatawaran
(sa Allah). Surah Al-Buruj 85:10
(Ipinaliwanag bilang kahulugan ang pagpapahirap sa mga mananampalataya
at pagsunog sa kanila sa pamamagitan ng apoy, upang pilitin sila na bumalik
muli sa kanilang relihiyon).
At ang Al-Fitnah ay maaari ring mangahulugan ng pagsuway, katulad ng
sinabi sa mga Salita ng Allah, ang Pinakamataas:

72


At kabilang sa kanila ay siya na nagsasabi: Pabayaan mo ako (na
hindi makasama mula sa Jihad) at ako ay bigyan ng pagsubok.
Surah At-Tawbah 9:49

Ganito ang Fitnah (pagsubok) ng isang tao mula sa kanyang pamilya,


kanyang kayamanan, kanyang ama at kanyang kapit-bahay o ang Fitan na
nangyayari sa pagitan ng mga Muslim.
At para sa mga iniuugnay ng Allah sa Kanyang Sarili, ang kahulugan nito ay
ang pagsubok, isang kahirapan o isang pagsusulit.

73

QUR'AN

ANG AN
LAW
TA
S
KA

NILALAMAN
Pahina
Aralin 1
Surat Al-Kafirun (Ang mga Di-Mananampalataya - 109)

Aralin 2
Surat Al-Kawthar (Ang Batis sa Paraiso - 108)

Surat Al-Asr (Ang Panahon - 103)

Aralin 3
Surat Al-Maun (Ang Munting Kabutihan - 107)

Aralin 4
Surat Quraysh (Ang Tribu ng Quraish - 106)

Aralin 5
Surat Al-Fil (Ang Elepante - 105)

Aralin 6
Surat Al-Humazah (Ang Mapanirang-Puri - 104)

10

Aralin 1

)( ) ( ) (

) (
)(


)(


TrAnsliTerATion

sUrAT Al-KAFirUn (KAbAnATA 109)


1.
2.
3.
4.
5.
6.

QUL YA AYYUHAL KAFIRUN


LA ABUDU MA TABUDUN
WA LAA ANTUM ABIDUNA MAA ABUD
WA LAA ANA ABIDUMMAA ABATTUM
WA LAA ANTUM ABIDUNA MAA ABUD
LAKUM DINUKUM WA LIYA DIN
KAhUlUgAn

(Ang MgA Di-MAnAnAMPAlATAYA)


1.
2.
3.
4.
5.
6.

Sabihin (O Muhammad sa mga di-mananampalataya): O Al-Kafirun!


Hindi ko sasambahin kung ano ang inyong sinasamba,
O di kaya ay sasambahin ninyo kung ano ang aking sinasamba
At hindi ko dapat sambahin kung ano ang inyong sinasamba.
O di kaya ay sambahin ninyo kung ano ang aking sinasamba.
Sa inyo na ang inyong relihiyon, at sa akin ang aking relihiyon (Islam).

Aralin 2

)( ) ( ) (
TrAnsliTerATion

sUrAT Al-KAWThAr (KAbAnATA 108)


1. INNAA ATAYNAKALKAWTHAR
2. FASALLI LI-RABBIKA WANHAR
3. INNA SHAANIAKA HUWAL ABTAR

KAhUlUgAn

(Ang bATis sA PArAiso)


1. Katiyakan, Ipinagkaloob Namin sa iyo (O Muhammad) ang Al-Kawthar
2. Kayat manalangin sa iyong Panginoon at mag-alay (lamang sa
Kanya).
3. Sapagkat siya na kinamumuhian ka (O Muhammadr), ay mawawalan
(mula sa kasaganaan at bawat mabuting bagay sa mundong ito at
sa Kabilang-buhay.)





)(

)(










)(

TrAnsliTerATion

sUrAT Al-Asr (KAbAnATA 103)


1. WAL-ASR
2. INNAL-INSAANA LAFI KHUSR
3. ILLAL-LADHINA AMANU WA AMILUS-SAALIHAATI
TAWAASAW BILHAQQI WA TAWAASAW BISSABR

WA

KAhUlUgAn

(Ang PAnAhon)
1. Sumpa man sa Panahon
2. Katotohanan, ang tao ay nasa kawalan,
3. Maliban sa mga naniniwala (sa Islam) at gumagawa ng mga
mabubuting gawa, at nanghihikayat sa bawat isa sa katotohanan na
siyang inatas ng Allah, at umiiwas sa lahat ng mga uri ng kasalanan
at masasamang mga gawa (Al-Munkar) na ipinagbawal ng Allah, at
nanghihikayat sa bawat isa sa pagtitiis.

Aralin 3




) (
)(


) (


) (





)(
) (
) (
TrAnsliTerATion
sUrAT Al-MAUn (KAbAnATA 107)
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

ARAAYTAL LADHI YUKADHIBUBID DIN


FADHALIKAL LADHI YADU UL-YATIM
WA LA YAHUDDU ALA TAAMIL MISKIN
FAWAYLUL LILMUSALLIN
ALLADHINA HUM AN SALATIHIM SAHUN
ALLADHINA HUM YURA UNA
WA YAMNAUNAL MAUN

KAhUlUgAn
(MgA MUnTing KAbUTihAn)
1.
2.
3.
4.

Nakita mo ba siya na itinatanggi ang Pagtutuos?


Siya yaong (walang-awang) nagpapalayas ng ulila.
At wala man lamang kusa na magpakain ng mga nagugutom.
Kayat babala sa mga taong nagsasagawa ng kanilang pagdarasal
(ng pakunwarin).
5. Sila na mga nag-aantala ng kanilang pagdarasal (mula sa mga
itinakdang oras).
6. Yaong mga gumagawa ng kabutihan upang mapansin (ng mga tao).
7. At ipinagdadamot ang Al-Maun (pagbibigay ng mga munting bagay
katulad ng asin, asukal, tubig).

Aralin 4




)(
) (



) (
)(

TrAnsliTerATion
sUrAT QUrAYsh (KAbAnATA 106)
1.
2.
3.
4.

LI ILAFI QURAYSH
ILAAFIHIM RIHLATASH-SHITAAI WASSAYF
FALYABUDU RABBA HAADHAL-BAYT.
ALLADHI ATAMAHUM MIN JUIN WA AAMANAHUM MIN KHAWF

KAhUlUgAn
(QUrAish)
1. (Isang dakilang biyaya mula sa Allah) para sa kapakanan ng mga
Quraish,
2. (At sa lahat ng yaong mga biyaya at pangangalaga, na Aming
pinangyari) na ang mga (Quraish) mangangalakal na maglakbay ng
ligtas sa taglamig (patungong Timog) at sa tag-init (patungong hilaga
na walang anumang pangamba),
3. Kayat hayaan silang sambahin (Ang Allah) ang Panginoon ng Bahay
na ito (ang Kabah sa Makkah),
4. (Siya) na nagpakain sa kanila laban sa pagkagutom, at ginawa silang
ligtas mula sa pangamba.

Aralin 5

)(


) (

)(
) (



)(

1.
2.
3.
4.
5.

TrAnsliTerATion
sUrAT Al-Fil (KAbAnATA 105)

ALAM TARA KAYFA FAALA RABBUKA BI-ASHAABIL-FIL


ALAM YAJAL KAYDAHUM FI TADLIL
WA ARSALA ALAYHIM TAYRAN ABAABIL
TARMIHIM BIHIJAARATIM-MIN SIJJIL
FAJAALAHUM KAASFIM-MAKUL

KAhUlUgAn
(Ang elePAnTe)
1. Hindi mo ba nakita (O Muhammad) kung papaano pinakitunguhan ng
iyong Panginoon ang mga Nagmamay-ari ng Elepante? (Ang hukbong
may elepante na nagmula sa Yemen sa ilalim ng pamumuno ni
Abrahah Al-Ashram na naglalayong wasakin ang Kabah sa Makkah)
2. Hindi ba Niya ginawang sawi ang kanilang balak?
3. At nagpadala Siya ng mga kawan ng ibon laban sa kanila,
4. Na nagpupukol sa kanila ng mg bato ng Sijjil (pinatuyong putik)
5. At ginawa Niya silang animoy (isang pinagkainang) busal (na kung
saan ang mga butil ng mais ay kinain ng tupa).

Aralin 6



) (

)(



) (

) ( ) (

)( ) ( ) ( ) (
TrAnsliTerATion
sUrAT Al-hUMAZAh (KAbAnATA 104)
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.

WAYLUL-LIKULLI HUMAZATIL-LUMAZAH
ALLADHI JAMAA MAALAN WA ADDADAH
YAHSABU ANNA MAALAHU AKHLADAH
KALLA LAYUMBADHANNA FIL-HUTAMAH
WA MAA ADRAAKA MAL-HUTAMAH
NAARUL-LAAHIL-MUQADAH
ALLATI TATTALIU ALAL-AFIDAH
INNAHAA ALAYHIM MUSADAH
FI AMADIM-MUMADDADAH

KAhUlUgAn

(Ang MAPAnirAng-PUri)

1. Kasawian sa bawat mapagkalat ng alingasngas at mapanirang-puri.


2. Siyang naglilikom ng mga kayamanan at nagtatago nito.
3. Iniisip niya na ang kanyang kayamanan ay makapagpapanatili sa
kanyang habang-buhay.
4. Magkagayon! Katotohanan, siya ay itatapon sa tumutupok na apoy.
5. At ano ang magpapaliwanag sa iyo kung ano ang tumutupok na
Apoy?
6. Ito ang Apoy na pinag-ningas ng Allah.
7. Na nanunuot sa mga puso (ng tao).
8. Katiyakan, ito ang babalot sa kanila,
9. Sa mga nagtatayugang mga haligi (hal. Sila ay parurusahan sa Apoy
na mayroong mga haligi).
10

ARABIC

ANG AN
LAW
TA
S
KA

NILALAMAN
Pahina
Aralin 1
Kawalan ng Katinig

Aralin 2
Alif Maddah

Waaw Maddah

Aralin 3
Yaa Maddah

Aralin 4
Pinagsamang mga Baybay

10

Aralin 5
Pagbabalik-aral

15

Aralin 6
Pagbabalik-aral

18

Aralin 1

Aralin 2

Magkadugtong / di-magkadugtong

Aa

Ta
Fa
Ka
La
Ma
Na
Qa

=
=
=
=
=

Magkadugtong / di-magkadugtong

Da
Ra
Ba
Ja
Sa

Sa

Ta
Ha

=
=
=

=
=

=
=

Waaw

Magkadugtong / di-magkadugtong

Magkadugtong / di-magkadugtong

Mu
Nu
Hu
Yu
Du
Zu
Su
Tu

Aralin 3

Magkadugtong / di-magkadugtong

Magkadugtong / di-magkadugtong

Pinagsama

Yaa Maddah

Waaw Maddah

Alif Maddah

Aralin 4

2
Baa Haa Raa

Laam Alif

Aieen Aieen

Laam Jeem

Aieen Noon Haa


Laam Haa

Kaaf Laam

Laam Yaa Haa

Kaaf Alif

Khaa Dhaal Taa


Taa Meem Taa

Taa Kaaf Thaa

Yaa Haa
Seen Hamzah Laam

Baa Laam Baa

Thaa Meem Yaa

Qaaf Daad Yaa


Yaa Thaa Noon

Taa Haa Taa

Thaa Baa Laam

Baa Aieen Daal


Yaa Seen

Baa Laam Daal

Taa Gheen Dhal

10

Yaa Faa Raa

Noon Saad

Sa La Ma

Aa Ba

Ra Za Qa

Da Ma

Ba Da Na

Ra Sa

Da Ra Sa

Wa La

Wa Ra Tha

As Ma La

Sa Fa
Ba Sa

Da Ra Ba

Ya Da

Ma Ra Da

Ja Ra

Ha La Ka

Ka Ta

Dha Ka Ra

Ma Aa

Ra Fa Aa

La Ka

Sa La Ma

Ta Na

11

12

Du Ru Su

Uu Bu

Mu Ru Du

Du Mu

Ju Ru Fu

Ru Su

Uu Lu Mu

Wu Lu

Su Hu Fu

Du Uu

Ru Su Lu

Ju Fu

Shu Khu Dhu

Ku Lu

Ku Tu Bu

Shu Khu

Uu Nu Qu

Nu Su

Mu Ru Du

Hu Shu

Mu Ru Du

Hu Du

Su Ru Ru

Uu Qu

13

14

Aralin 5

15

16


Ay Na

Law Hi

Aw

Ay

Khay Ra

Daw

Khaw Fu

Day

Bay Ti

Jaw

Qaw Su

Jay

Ay Ni

Shaw

Yaw Ma

Shay

Haw Du

Law

Kay Fa

Lay

Khay La

Haw

Lay Li

Hay

17

Aralin 6

18

You might also like