You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Southern Luzon State University


College of Allied Medicine
Lucban, Quezon
A.Y. 2014-2015

REMOTIVATION THERAPY

Hobbies
Submitted by:

Danica B. Chavez
BSN-IIIA
Submitted to:

Mrs. Estrella Q. Tagbo


Clinical Instructor

DEFINITION
Remotivation Therapy is a simple group interaction between the members, nurses
or staff. It is utilized in the community, at home, hospital or day care center. It is used in
combination reality orientation group. It is done within 45 minutes to one hour.

GENERAL OBJECTIVES
1.
2.
3.
4.
5.

To establish a trusting relationship between the members and the facilitator


To stimulate the patient to follow and explore the real world
To develop patients feeling of acceptance
To promote group harmony and identification
To teach the unwounded areas of personality and to keep the patient towards
reality

TOPICS TO BE USED
1.
2.
3.
4.

Science
Literature
Hobbies
History

5.
6.
7.
8.

Geography
Nature
Sports
Industry

TOPICS TO BE AVOIDED
1. Love
2. Sex
3. Politics

4. Religion
5. Crisis
6. Family Problems

FIVE STEPS IN REMOTIVATION


1.
2.
3.
4.

Creating a climate of acceptance


Creating a bridge to reality
Sharing the world we live in
Appreciation of the works of the world
5. Creating a climate of appreciation

TOPIC: Hobbies
TITLE: Dancing
SETTING: under the big narra tree in a during the day near hospitals garden

PHYSICAL CONDITION:
A.

B.

C.

SITTING ARRANGEMENT
U-shape
SIZE OF THE GROUP
10
MEMBERSHIP
close-ended group

SCENE:
It is March 4, 2015. The weather is conducive for therapy. The group was merely
composed of 10 members gathered together in an open-field, conducive environment and was
sitting in a U-shaped manner in order to conduct a therapeutic nurse-patient and patient-patient
interaction.
The assigned facilitator was standing in front of the group and carries out the discussion.

MEMBERS OF THE GROUP:

Arizza
Charisma
Evan
Herminda
Kianna
Joshua
Kim
Carmela
Jennifer
Darrel

STEP ONE: Creating a climate of acceptance

Objective:
To establish a good trusting relationship with the client.
Activities:
o
o
o
o
o

The facilitator stands straight, smile and greet the client and introduce herself.
Set rules.
Ask patients to introduce themselves one by one especially if it is the first session.
Relax the client by starting to comment about the environment.
Ask the date to assess the client and to orient them.

Facilitator: (Smiles gladly then acknowledges the patients vividly) Magandang umaga po sa
inyong lahat! Napakaliwanag at napakaganda ng sikat ng araw at talaga namang akmang-akma
lang ang panahong ito para sa isasagawa nating mga aktibidad na kung saan ang bawat isa sa
inyo ay malayang makapagbahagi ng kanyang nais iparating, na nasasaiisip at
nararamdaman.Ang aktibidad na ito ay tinatawag nating Remotivation Therapy.
Napakakikisig at napakagaganda niyong lahat sa inyong mga kasuotan at mukhang
pinaghandaan niyo talaga ang isasagawa nating aktibidad ngayon!
Patients: (Patients eyes are all set at the facilitator presenting a host of facial expressions. Some
are gleaming while others are sober)
Facilitator/SN: Bago po tayo magsimula ngayong araw na ito, nais ko munang magpasalamat sa
inyo dahil sa inyong pagdalo dito sa ating munting pagpupulong.
Bago po tayo magsimula ng ating talakayan, mas maayos po na tayoy magpakilala muna
sa isat isa. Sisimulan ko po muna ang pagpapakilala. Ako po si Danica Chavez. Tawagin niyo na
lang po akong Nica. Ako ay labing siyam na taong gulang, kasalukuyang nag-aaral sa Southern
Luzon State University sa malamig na bayan ng Lucban, Quezon.
Matapos ang aking pagpapakilala,maaari po bang kayo naman ang magpakilala sa akin.
Sisismulan po natin ang pagpapakilala dito sa dilag sa aking kanan, sunod sunod hanggan
kaliwa. Bawat isa ay tatayo sa kanilang kinauupuan at magbibigay ng impormasyon tungkol sa
kanilang sarili tulad ng edad, lugar na pinagmulan at iba pa. sige, maari na po nating simulan ang
pagpapakilala.
Patient 1:(happily standup, while smiling) Hello,Kumusta kayong lahat. Ako si Arizza Ruby
Aragon. 19 years of age. Ang tawag ng marami sakin ay Ruby . I came from Lucena City.
Mahilig akong mamasyal at makipag kwentuhan. Thank you.
Facilitator: Salamat Ruby. Maari ka nang umupo. Magpatuloy naman tayo kay (points hand to
the next)

Patient 2: (stares blankly at the facilitator)


Facilitator: Maari mo bang ipakilala ang iyong sarili sa iyong mga kasama upang makilala ka
nila at magkaroon tayo ng masaya at magandang talakayan.
Patient 3: Oo nga naman, magpakilala ka na. Dali! Nauubos na ang oras natin. Tagal aba.
Patient 2: (slowly stands up) okey. Ahhhhh ahhh pano ba? Ah, ako nga pala si Evan
Bategalao. Labing siyam na taong gulang mula sa Jomalig, Quezon. (slowly takes his seat)
Facilitator: Kaya mo naman pala e. Maraming salamat Evan. Palakpakan naman natin si Evan.
Sinong may sabi na mahirap magpakilala? Nagawa mo nang tama di ba?
Patient 2: (stares blankly)
Facilitator: Matapos nating makilala si Evan, ang kasunod naman nating makilala ay ang
excited na kanina pa naghihintay na si
Patient 3: (stands up hurriedly) Im Charisma P. Ayala 20 years old and im beautiful, sexy and
intelligent. Im from Lucena, City. At saka pala kung hindi niyo natatanong magaling nga pala
akong kumanta. Gusto niyong sample?
Patients: Sample Sample
Facilitator: Palakpakan naman natin si Charisma. Maraming Salamat Cha. Maari ka nang
umupo. Ang sususnod naman ay si
Patient 4:Hi sa inyong lahat! (Laughs) Ako si Jennifer Mendoza. Galing ako sa
Sariaya,Quezon.Labing syam na taong gulang. Galing na ako sa ibat ibangbansa. Sikat akong
tao. Yun lang. (Laughs again)
Facilitator:Maraming salamat Jennifer. Maaari ka nang maupong muli sa iyong kinauupuan.Ang
susunod ay si?
Patient 5:
Ako si Kianna Castillo. Galing akong Lucena. Ako ay isang intelehenteng tao at
marami akong naimbento gaya ng telepono, ilaw at marami pang iba.
Facilitator: (Smiles at the Patient) Salamat sa iyo Kianna. Maaari ka na ring umupo gaya ng
ginawa ni Jennifer. Ngayon, pakinggan naman natin ang kasunod.
Patient 6: Uhmm. Nakakahiya. (Bows her head as if shes shy at us)
Facilitator: Maaari mo bang ipakilala ang iyong sarili sa iyong mga kasama upang makilala ka
nila at ng magkaroon tayo ng masaya at magandang talakayan?
Patient 6: Sige na nga. Ako si Kim Formeloza. Galing akong Nagcarlan,Laguna. Mahiyain
akong tao. Pero maganda ako.

Faciltator: Maraming Salamat Kim.. Ang kasunod na magpapakilala ay si


Patient 7: ako naba? Ah ah bakit hindi nyo naman ako sinabihan? . . hehe joke.. ako si Darrel,
Dar for short, astig pero mabaet.
Facilitator: salamat Darrel . . at ang kalapit mo ay si. .
Patient 8: Ako naman si Joshua Espiritu ako ang pinakamatanda dito, marami akong alam halos
lahat ng bagay ay alam ko at masasabi kong matalino ako.
Facilitator: Maari ka ng umupo sa iyong kinauupuan Joshua .. ang kasunod na magpapakilala ay
si..
Patient 9: Ako naman si Carmela Imperial..labing syam na taong gulang din at galing sa Lucena,
City.. sexy, maganda at seductive.. mahilig akong matulog.
Facilitator: Salamat Carmela at ang huling magpapakilala ay si
Patient 10: (screeches in joyous tone) Sobrang excited ako! Ako si Herminda Cabusa.Ako ang
pinakamaganda at pinaka- mabait dito, maraming may gusto sakin, mapagbigay ako, kaya yung
gusto lapit lang at bibigyan!!!
Facilitator: Maraming salamat sa inyong lahat. Ngayon ay kilala na natin ang isat isa.

STEP TWO: Creating a bridge to reality


Facilitator: Ngayong tapos na tayong magpakilala sa bawat isa, maari na tayong magsimula sa
gagawin nating aktibidad ngayong araw na ito. Pero bago muna iyon, Darrel, maari mo bang
sabihin kung anong petsa at araw na ngayon?
Darrel: Ngayon po ay Miyerkules. (Scratches head in question) Mam, limot napo ako kung
anong petsa ngayon.
Facilitator: Ok lang yun. Cha, maari mo bang tulungan si Darrel?Anong araw at petsa ngayon?
Cha : Ngayon ay Wednesday, March 4,2015.
Facilitator: Herminda tama ba si Cha?
Herminda: tumpak!!!
Facilitator:Sang-ayon ba ang lahat?
All: OPO

Facilitator: tama si Cha . ngayon ay martes March 4,2015. Ngayon naman ay tumingin kayo sa
ating kapaligiran , ano ang nakikita nyo?. Gusto ko namang marinig si Evan.
Joshua: (raised his hand) ako! Ako!
Facilitator: sige Joshua anong nakikita mo?
Joshua: nakikita ko ang araw at ang ulap.
Facilitator: maraming salamat Joshua.
Kayo ba? Nakikita nyo din ba ang araw at ang ulap?
Carmela: oo, kitang kita naman eh.
Facilitator: Maraming salamat Carmela. . maliban sa mga nabanggit ano pa ang nakikita nyo. . .
Kianna ano ang nakikita mo?
Kianna: nakikita ko na sumasang ayon ang panahon sa ating aktibidad ngayon. Maganda ang
panahon ngayon.
Facilitator: tama, , maraming salamat Kianna. Jennnifer ano naman ang nakikita mo?
Jennifer: May puno po ng Narra?
Facilitator: Magaling Jennifer! Nasa ilalim tayo ngayon ng punong narra. Ikaw kim, ano ang
napapansin mo?
Kim: Damo po. Maraming damo. Matangkad at pandak na mga damo.
Facilitator: Magaling Kim! Ikaw naman Ruby!
Ruby: Ako na ba? Ahhh.Chair po. A chair made of wood
Facilitator: Maraming salamat Ruby. Tama! Magaling.Ikaw naman Darrel.
Darrel: ibon na nasa puno.
Facilitator: Magaling! Maraming salamat sa inyong lahat! Si Evan naman ang kasunod.
Evan: (slowly stands) Ah. Ano po.Ahm.tao po.Tayong mga tao.
Facilitator: Magaling Evan. Hindi ka na masyadong mahiyain. Ipagpatuloy mo lang yan ha.
Facilitator: Mukhang nagugutom na kayo. pagkatapos ng ating aktibidades ay maari na tayong
kumain. Maraming salamat sa lahat ng inyong mga tugon. Ok, ano ang gusto niyong pagusapan
para sa araw na ito?.

Kim: okay lang pos akin kahit anong topic natin


Kianna: Masarap pagusapan pag tungkol sa gawain.
Joshua: Oo, tulad ng mga mga talento, sports at mga hobbies natin.
Facilitator: Dahil nabanggit na rin naman ni Joshua ang mga talento, sports at hobbies, meron
akong ipapakita sa inyong larawan.

STEP THREE: Sharing the world we live in


Facilitator:

(The facilitator will show the picture)

Patients:Wow!
Facilitator:O, ano ang nakikita niyo sa picture? Magsisimula uli tayo kay Ruby papuntang
kanan
Ruby: Babaeng nakasuot ng bistida.
Facilitator:Magaling Ruby. O, ikaw naman Charisma.
Charisma:Nasayaw po siya.
Facilitator: Sumasayaw nga ang batang iyan. Magaling, Charisma! Pakinggan naman natin si
Evan.
Evan: Masaya po sya.

Facilitator: Magaling Evan. Tama ang obserbasyon mo. Nakangiti ang bata habang
nagsasayaw na nagpapakitang masaya siya. Ikaw naman Herminda?
Herminda: May iba din pong nasayaw sa likod.
Facilitator: Magaling Herminda! Hindi lang sya ang nag-iisang sumasayaw. Pakinggan naman
natin ang masasabi ni Kianna.
Kianna:Nag-eenjoy sya sa ginagawa niya.
Facilitator:Magaling na obserbasyon, Kianna. Kagaya ng sinabi ko kanina, nakangiti ang bata
habang sumasayaw. Pinapakita lang nito na nag-eenjoy siya sa ginagawa niya. Ang lahat ay
nakapagsabi ng kanilang mga nakikita sa kung anong nasa larawan. Lahat ay tama at
magagaling.
All:Yehey!
Facilitator:May mga nais pa ba kayong idagdag?
All:Wala na po.
STEP FOUR: Appreciation of the works of the world
Facilitator: Matapos nating talakayin ang mga nakita nyo sa larawan, ngayon ay dadako naman
tayo sa mga kahalagahan ng pagsasayaw. Kim, nais mo rin bang sumayaw o kaya naman ay
mahilig ka din bang sumayaw?
Kim: Yes Mam. Sumasayaw din ako tulad ng ipinakita kanina sa larawan nag eenjoy kase ako.
Joshua: Tama po si Kim. Nakakaenjoy nga ang pagsasayaw nakatutulong din po ito sa ating
katawan dahil isa din itong paraan ng pag eehersisyo.
Facilitator: Tama. Maganda ang dulot nito sa ating katawan at kalusugan. Oh, ano pa ang
maidudulot sa ating buhay ng pagsasayaw?
Carmela: Maaari tayong yumaman kung likas na may talento tayo sa pagsasayaw eh puwede din
tayong sumali sa mga dance contest at yumaman.
Facilitator: yumaman?
Jennifer: Pwede ba yun?
Carmela: kung likas na may talento tayo sa pagsasayaw eh puwede din tayong sumali sa mga
dance contest at kumita ng pera at yumaman.

Facilitator: oonga naman tama ang sinabi ni Carmela.. May gusto ka din bang ipahayag
Jennifer?
Jennifer: Sisikat tayo kung magaling tayong sumayaw o kaya naman kung libangan na natin ang
pagsasayaw ay maaari nating ibahagi ang ating talento sa mga tao sa pamamagitan ng pagtuturo
yung tinatawag na Dance Instructor.
Facilitator: Magaling Jennifer, mabuti naman at gusto mong ibahagi ang kaalaman mo sa
pagsasayaw. May gusto ka bang ibahagi sa grupo Darrel?
Charisma: Oo nga, kanina ka pa dyan tameme eh.
Darrel: Naalala ko lang po na yan ang madalas naming ginagawa ng mga katropa ko ang
pagsasayaw may kanya kanya kaming step tuwing may mga okasyon
Facilitator: Siguro ay namimis mo lang ang mga kaibigan mo ngayon, Darrel. Sa takdang
panahon ay makikita mo din sila.
Ruby:Nandito lang kaming pamilya mo dito sa institusyon.
Darrel: Maraming salamat sa inyong lahat.
Facilitator: Sino pa ang may gustong idagdag?
Patients: Wala na po.

STEP FIVE: Climate of Acceptance


Facilitator: Nasiyahan ba kayo sa ating pinag-usapan?
All: OPO
Facilitator: Kung ganoon, Kianna, maaari mo bang sabihin kung ano ang mga ginawa natin
simula sa simula n gating talakayan hanggang sa matapos ito?
Kianna: Tinalakay po natin ang katangian at kahalagahan ng pagsasayaw, kung saan maari
tayong mag enjoy, yumaman at maari ring bonding time natin sa ating mga kaibigan.
Facilitator: Maraming salamat sa iyo Kianna, talagang nakita ko na kayong lahat ay nakilahok
sa ating ginawang activity. Sana naman ay nasiyahan kayo sa ating talakayan at lubos pa sana
ninyong naunawaan ang kahalagahan ng pagsasayaw at ang mga magagandang dulot nito.
At dito napo nagtatapos ang ating talakayan pero nais ko munang tanungin sa inyo kung
ano ang gusto niyong paksa sa susunod nating talakayan?

Carmela: trabaho para yumaman tayo (laugh)!!!


Facilitator: Dahil karamihan sa inyo ay sumang-ayon naman, tungkol sa mga trabaho, yan ang
ating magiging paksa sa susunod na talakayan. Muli, maraming salamat sa inyong lahat.
Patients: Wala anumang po! Sa uulitin! Woooo! (Some stood up and do away)

You might also like