You are on page 1of 14

IKATLONG TAON

KASAYSAYAN NG DAIGDIG
Mga Pangkalahtan at Tiyak na Layunin
Pagkatapos ng isang taon pang-aaral sa antas na ito sa mataas na paaralan,
ang bawat mag-aaral ay inaasahang makapagpapakita ng sumusunod na kakayahan:
I.

Ang Simula ng Kabihasnan


1. Naipamamalas ang pag-unawa sa kinalaman ng heograpiya sa pamumuhay ng
mga sinaunang daigdig
A. Heograpiya ng Daigdig
1.1 Nasusuri ang mga teoryang siyentipiko at pahayag mula sa Bibliya
tungkol sa pinagmulan ng daigdig
1.2 Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig bilang tirahan ng tao
1.3 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng heograpiya sa kasaysayan
B. Mga Unang Tao
1.4 Nasusuri ang mga teoryang siyentipiko at pahayag sa Bibliya tungkol
sa pinagmulan ng tao
1.5 Nasusuri ang katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kultura
(paleolitiko at neolitiko)
C. Mga Unang Kabihasnan
1.6 Nasusuri ang mga kaganapan sa Rebolusyong Neolitiko (pasimula
ng agrikultura0 na naging batayan ng mga unang kabihasnan
1.7 Naiuugnay ang heograpiyang pisikal sa paglinang ng mga unang
kabihasnan
1.8 Nasusuri ang pagsulong ng mga unang kabihasnan sa Asia
(Summer/mesopotamia, Indus at China), Africa (Egypt), SouthAmerica (Aztec, Maya at Inca)
1.9 Napahahalagahan ang kontribusyon sa daigdig ngmga unang
kabihasnan

16

II.

Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon


2.

Napahahalagahan ang magkakasabay na pag-unlad ng mga kabihasnan sa


Asia, Africa, South-Amerika at Europe
A. Kabihasnan klasikal sa Asia at Europe
2.1 Nasusuri ang mga elemento ng Kabihasnan Minoan at Mycenean
2.2 Nasusuri ang mga kaganapan sa Kabihasnan Grecco-Roman at
Byzentine
2.3 Nasusuri ang bahaging ginampanan ng kabihasnang Islamik sa
ugnayang Kanluran at Silangan
B.

Kabihasnang Klasikal sa Africa at America


2.4 Nasusuri ang mga kaganapan sa mga klasikal na kabihasnan sa
Africa (Mali at Songhai)
2.5 Nasusuri ang mga kaganapan sa pulo ng Pacific
2.6 Napahahalagahan ang kontribusyon ng Africa at America sa pagunlad ng kabihasnan ng daigdig

C. Pag-usbong ng Europe
2.7

Nasusuri ang mga salik ng nagbigay-daan sa paghina ng


Imperyong Romano

2.8

Nasusuri ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagpasok ng


Gitnang Panahon

2.9

Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagkakabuo


ng Holy Roman Empire

2.10

Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang


Katoliko bilang isang institusyon sa Gitnang Panahon

2.11

Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng mga krusada sa Gitnang


Panahon

2.12

Nasusuri ang paglaganap ng piyudalismo at manoryalismo sa


Europe

17

2.13

Nasisiyasat
ng mapanuri ang mga kaganapan tungo sa
paglinang ng Kabihasnang Europe

2.14

Nasusuri ang pasimula at paglaganap ng mga bayan at lungsod

III. Pag-igting ng Ugnayang Pandaigdig at Pagtatatag ng mga Nation-States


3.

Naipamamalas ang mapanuring pag-aaral sa mga kaganapan sa daigdig


na humantong sa pagtatatag ng mga nation-states

A. Paglakas ng Europe
3.1 Nasusuri ang paglakas ng mga bourgeoisie
3.2 Nasusuri ang pagsilang ng merkantilismo
3.3 Nasusuri ang pagtatatag ng national monarchy
3.4 Nasusuri angmga salik na nagbigay-daan sa Renaiisance
3.5 Nasusuri ang mga kontribusyon ng Renaissance sa daigdig
3.6 Nasusuri ang bahaging ginampanan ng Simbahang Katoliko sa
paglakas ng Europe
3.7 Napahahalagahan ang mga dahilan at bunga ng Repormasyon
B. Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon
3.8 Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng unang yugto ng imperyalismo
at kolonisasyon sa Europe
3.9 Nasusuri ang kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko
3.10 Nasusuri ang kaganapan at epekto ng Enlightenment
3.11 Nasusuri ang kaganapan at epekto ng Rebolusyong Pampulitika at
Panlipunan sa Europe (Rebolusyong Pranses0 at Amerika
3.12 Nasusuri ang kaganapan at epekto ng Rebolusyong Industriyal
C. Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon
3.13 Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng ikalawang yugto ng
imperyalismo at kolonisasyon

18

D. Pagkamulat
3.14 Naiuugnay ang Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses
at Amerikano
3.15 Naihahambing ang nasyonalismong nalinang sa Europe at sa mga
kolonya
3.16 Naiuugnay ang Rebolusyong Pangkaisipan sa pag-unlad ng
nasyonalismo sa mga bansang sakop
3.17 Naipahahayag ang pagpapahalaga sa nasyonalismo sa ibat ibang
bahagi ng daigdig
E. Tunggalian ng Interes
3.18 Nasusuri ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa Unang Digmaang
Pandaigdig
3.19 Nasusuri ang mga epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig
3.20 Nasusuri ang pagsisikap
kapayapaang pandaigdig

ng

mga

bansa

na

makamit

ang

3.21 Nasusuri ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa ikalawang


Digmaang Pandaigdig
3.22 Nasusuri ang papel na ginampanan ng mga pangunahing bansang
sangkot sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
3.23 Nasusuri ang mga epekto ng paniniwala sa siyensiya, teknolohiya, at
materyalismo sa pananaw ng mga Estadong European ukol sa
digmaan
3.24 Nasusuri ang epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europa,
Asia, Africa at mga kolonya
3.25 Nasusuri ang mga tagumpay at kabiguan ng United Nations
IV. Ang Daigdig Ngayon at sa Hinaharap
4. Naipamamalas ang mapanuring pag-aaral sa mga isyu at suliraning
pandaigdig sa kasalukuyan

19

A. Mga Ideolohiyang Laganap


4.1 Nasusuri ang tugon ng mga ideolohiyang pulitikal at ekonomik sa
hamon ng establisadonginstitusyon ng lipunan
4.2 Nasusuri ang bahaging ginampanan ng ibat ibang ideolohiyang
pampulitika sa buhay ng mga tao
4.3 Naiuugnay ang mga pwersang pangkabuhayan sa kalagayang
pulitikal ng bansa
4.4 Napahahalagahan ang kahandaan ng mga bansa sa pagpili ng mga
ideolohiyang yayakapin
B. Cold War at Neo-kolonyalismo
4.5 Natataya ang epekto ng cold war sa mga kaganapan noong ika-20
siglo
4.6 Nasusuri ang mga epekto ng neo-kolonyalismo sa pangkalahatang
kalagayan ng papaunlad at di-maunlad na bansa
C. Pagpaparami ng Armas
4.7 natataya ang mga epekto ng pagpaparami ng armas sa ibat ibang
panig ng daigdig
4.8 Nabibigyang-puna ang mga pulong at kasunduan tungkol sa mga
sandatang nukleyar
D.

Panglobong Terorismo

4.9 Nasusuri ang mga isyung kaugnay


pangkapayapaan at pangkatiwasayan

ng

mga

suliraning

4.10 Nasusuri ang mga anyo, dahilan at bunga ng terorismo


4.11 Napahahalagahan ang nagkakaisang hakbang ng mga bansa sa
daigdig laban sa terorismo
4.12 Nakapagmumungkahi ng mabisang pamamaraan sa pagpigil ng
banta ng terorismo

E. Populasyon, Kalusugan at Pag-unlad

20

4.13 Natatalakay ang


pampopulasyon

mga

isyung

kaugnay

ng

mga

suliraning

4.14 Nagbibigyang-halaga ang mga programang pampopulasyon sa


daigdig
4.15 Nabibigyang-puna ang mga makabagong sakit na nagbabanta sa
buhay ng mga tao (SARS, AIDS, at iba pa)
F. Teknolohiya at Kalagayang Ekolohikal
4.16 Nasusuri ang mga isyu at suliraning may kinalaman sa paggamit ng
teknolohiya (isyu at suliraning ekolohikal, paglipat ng teknolohiya at
iba pa)
G. Mga Karapatang Pantao
4.17 Naipaliliwanag ang mga anyo ng paglabag sa mga karapatang
pantao
4.18 Nasusuri ang mga epekto ng paglabag sa mga karapatang pantao
4.19 Nakapagmumungkahi ng mabisang pamamaraan sa pangangalaga
ng karapatang pantao
H. Globalisasyon
4.20 Nasusuri ang mga dahilan at epekto na dulot ng World Trade
Organization at ng globalisasyon sa mga bansang may ibat ibang
antas ng kabuhayan at pag-unlad
4.21 Naiuugnay ang pangkasalukuyang mga isyu na kinakaharap ng
daigdig tungo sa pandaigdigang pagkakaisa, kapayapaan at
kaunlaran

IKAAPAT NA TAON
21

EKONOMIKS
Mga Pangkalahatan at Tiyak na Kakayahan
Pagkatapos ng isang taong pag-aaral sa antas na ito sa mataas na paaralan, ang bawat
mag-aaral ay inaasahang makapagpapamalas ng sumusunod na kakayahan;
I.

Mga Saligan ng Pag-aaral ng Ekonomiya


1. Napahahalagahan na ang pag-unawa sa mga batayang kaisipan at pamamaraan sa
ekonomiks ay may kaugnayan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao
A. Ang Ekonomiks Bilang Isang Agham
1.1

Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na


pamumuhay bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan

1.2

Nasusuri ang ekonomiks bilang isang agham panlipunan

1.3

Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na


pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan

B. Pinagkukunang-Yaman
1.4

Nauuri ang pinagkukunang-yaman ng Pilipinas

1.5

Nasusuri ang mga datos tungkol sa mga yamang likas ng Pilipinas tungo
sa matalinong paggamit nito

1.6

Natatalakay ang bumubuo sa yamang-tao ng Pilipinas


1.6.1 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng balangkas
ng populasyon ng Pilipinas sa ekonomiya ng
bansa
1.6.1.1 nasusuri ang katangian ng balangkas ng
populasyon ng Pilipinas ayon sa kasarian, edad,
bilang ng may trabaho/walang trabaho,
edukasyon, relihiyon
1.6.1.2 naiisa-isa ang pangangailangan ng populasyon sa
Pilipinas
1.6.1.3 nahihinuha ang implikasyon ng ibat ibang
katangian ng balangkas ng populasyon
1.6.2 Natataya ang uri, dami, kalidad at kahalagahan ng lakaspaggawa (labor force) sa pagkakaroon ng produktibo at
mataas na kalidad na antas ng produksyon
1.6.3 Nagkakaroon ng pagnanais na mapaunlad ang sarili bilang
paghahanda sa pagiging produktibo

22

1.7 Naitatangi ang mga wastong pagpapahalaga sa paggamit ng


pinagkukunang yaman sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas sa
konserbasyon, kapaligiran at likas-kayang paggamit (sustainable use)
C. KAKAPUSAN
1.8 Nakikilala ang mga palatandaan ng kakapusan bilang isang
suliraning panlipunan
1.9 Nasusuri ang kaibahan ng kakapusan sa kakulangan bilang batayan sa
matalinong pagdedesisyon
1.10 Naipamamalas ang responsableng paggamit ng mga limitadong likas na
yaman
D. Alokasyon
1.11 Naisasaalang-alang ang kapakanan ng iba sa pagbabahagi ng mga likas
na yaman sa pamilya at lipunan
1.12 Nasisiyasat nang mapanuri ang mga pamamaraan at mekanismo ng
alokasyon sa ilalim ng ibat ibang sistemang pang-ekonomiya sa pagtugon
sa mga pangangailangan ng mamamayan
1.13 Naipahahayag ang damdamin tungkol sa mga hakbangin ng pamahalaan
sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayang Pilipino
E. Kagustuhan at Pangangailangan
1.14 Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa pangangailangan
(needs) bilang batayan sa pagbuo ng matalinong desisyon
1.15 Nakabubuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan
batay sa mga teorya ng pangangailangan
F. Pagkonsumo
1.16 Naipaliliwanag ang konsepto ng pagkonsumo
1.17 Nasusuri ang mga epekto ng pag-aanunsyo sa pagkonsumo
1.18 Nasisiyasat nang mapanuri ang mga anunsyo tungo sa matalinong pamimili
1.19 Naipamamalas ang talino sa pagkonsumo sa pamamagitan ng paggamit ng
pamantayan sa pamimili
1.20 Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga tungkulin
bilang isang mamimili
1.21 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagiging mapagmasid at mapanuri ng
mga mamimili laban sa mga tiwaling gawain ng mga nagbibili
23

G. Produksyon
1.22

Nasusuri ang mga salik (factors) ng produksyon bilang batayan sa


matalinong paggamit ng mga ito

1.23

Naipahahayag ang damdamin ukol sa mahalagang papel ng


entrepreneurship sa ekonomiya at sa produksyon

1.24

Nasusuri ang tungkulin ng ibat ibang organisasyon ng negosyo sa


ekonomiya at produksyon ayon sa pakikisapi at pananagutan sa
pagkakaroon ng matatag na ekonomiya

1.25

Nasusuri ang konsepto ng aring intelektuwal (intellectual property),


kopirayt (copyrights) at iba pang mga karapatan sa aring intelektuwal
(intellectual property rights) kaugnay sa pag-unlad ng mga industriya
ng bansa

1.26

Nabibigyang-halaga ang aring intelektuwal (intellectual property),


kopirayt (copyrights) at iba pang mga karapatan sa aring intelektuwal
(intellectual property rights) bilang proteksyon sa mga katangi-tanging
likha, akda, o imbensyon ng bawat indibidwal

II Pagsusuri ng Ekonomiya
2

Napahahalagahan ang kaugnayan ng maykroekonomiks at makroekonomiks sa buhay ng


bawat isa bilang kasapi ng lipunan
A. Maykroekonomiks
2.1 Nasusuri ang saklaw ng maykro-ekonomiks
2.2 Nailalapat ang kahulugan ng demand sa pang-araw-araw na pamumuhay ng
bawat pamilya
2.3 Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa demand
2.4 Nakapagpapasya nang matalino sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik
(factors) na nakaaapekto sa demand
2.5 Nahihinuha na ang presyo ng bilihin ay may epekto sa demand ng mamimili
2.6 Nailalapat
ang kahulugan ng suplay batay sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng bawat pamilya
2.7 Nasusuri ang mga salik ng produksyon na nakaaapekto sa suplay
2.8 Nakapagpapasya nang matalino sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik
(factors) na nakaaapekto sa suplay
24

2.9 Nasusuri ang epekto ng presyo at non-price


paglilingkod

sa suplay ng kalakal at

2.10 Nahihinuha na ang presyo ng bilihin ay may epekto sa suplay ng nagbibili


2.11 Nakapagkukuwenta ng elastisidad ng demand at suplay
2.12 Naiuugnay ang elastisidad ng demand at suplay sa presyo ng kalakal at
paglilingkod
2.13 Naipaliliwanag ang interaksyon ng suplay at demand sa kalagayan ng
presyo at ng pamilihan
2.14 Nasusuri ang mga epekto ng kakulangan at kalabisan sa presyo at dami ng
kalakal at paglilingkod sa pamilihan
2.15 Naimumungkahi ang paraan ng pagtugon/kalutasan sa mga suliraning dulot
ng kakulangan at kalabisan
2.16 Nasusuri ang ibat ibang anyo ng pamilihan na tumutugon sa maraming
pangangailangan ng mga tao
2.17 Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa pagtatakda ng
presyo sa isang pampamilihang ekonomiya
2.18 Napangangatwiranan ang pangangailangang pakikialam at regulasyon ng
pamahalaan sa mga gawaing pangkabuhayan sa ibat ibang anyo ng
pamilihan
B. Makroekonomiks
2.19

Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan sa makroekonomiks


2.19.1

2.20

Nasusuri ang papel na ginagampanan at epekto ng


sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas na
sektor sa mga sumusunod:
- implasyon
- deplasyon
- pamumuhunan
- pag-iimpok
- empleyo (employment, unemployment,
underemployment)

Nasusuri ang pambansang produkto (Gross National Product-Gross


Domestic Product) bilang panukat ng kakayahan ng isang ekonomiya
2.20.1 Nakikilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng
pambansang produkto
2.20.2 Nasusuri ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang
kita sa ekonomiya

2.21

Nailalahad ang mga salik na nakaaapekto sa pambansang kita at


pambansang produkto (GNP)
25

C. Implasyon
2.22

Nakikilala ang palatandaan ng implasyon gamit ang Consumer Price


Index (CPI)

2.23

Natutukoy ang dahilan at epekto ng Implasyon

2.24

Nasusuri ang mga paraan sa paglutas ng implasyon

2.25

Nakikilahok nang aktibo sa paglutas ng mga suliranin kaugnay ng


implasyon bilang isang mag-aaral

2.26

Nakapagpapamalas ng wastong pagpapasya bilang isang mamimili at


nagbibili kaugnay ng suliranin sa implasyon

D. Patakarang Piskal (Fiscal Policy)


2.27 Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang piskal
2.28 Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng pamahalaan kaugnay
ng mga patakarang piskal na ipinatutupad nito
2.29 Nasusuri ang mga pinagkukunan ng pananalapi ng pamahalaan
2.30 Nasusuri ang badyet at ang kalakaran ng paggasta ng pamahalaan
2.31 Nakapaghahayag ng pagsang-ayon o pagtutol sa mga paggasta ng
pamahalaan
2.32 Nakapagsasanay ng tamang pagkompyut ng buwis
2.33 Nakababalikat ng pananagutan
pagbabayad ng buwis

bilang

mamamayan

sa

wastong

2.34 Naiuuugnay ang mga epekto ng patakarang piskal sa katatagan ng


pambansang ekonomiya
E. Patakarang Pananalapi (Monetary Policy)
2.35

Nauunawaan ang kahulugan ng patakarang (monetary) pananalapi

2.36

Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang pananalapi


2.36.1 Naipahahayag ang kahalagahan ng pag-iimpok at
pamumuhunan bilang isang salik sa ekonomiya
2.36.2 Nakikilala ang bumubuo ng sektor ng pananalapi
2.36.3 Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng bawat
sektor sa pananalapi
- mga bangko
26

- kooperatiba
- pawnshop
2.36.4 Nasusuri ang bahaging/tungkuling ginagampanan ng
institusyon ng pananalapi sa ekonomiya
2.36.5 Naipaliliwanag ang uri at gamit ng salapi
2.36.6 Nasusuri ang dahilan at epekto ng pagbabago ng halaga
ng salapi sa buhay ng mga mamamayang Pilipino
2.36.7 Nakapagsisiyasat nang mapanuri sa mga paraan at
patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang
mapatatag ang halaga ng salapi
2.36.8

Naiuugnay ang pandaigdigang


pambansang sistema ng pananalapi

pananalapi

sa

2.36.9 Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa bahaging


ginagampanan ng mga pandaigdig na institusyon ng
pananalapi tulad ng International Monetary Fund at World
Bank sa pananalapi ng bansa

III

Mga Sektor ng Ekonomiya

Naipamamalas ang pagpapahalaga sa bahaging ginagampanan ng ibat ibang sektor ng


ekonomiya para sa kapakanang panlahat
A. Sektor ng Agrikultura (Agrikultura, Pangingisda, at Paggugubat)
3.1 Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda at
paggugubat sa ekonomiya at sa bansa
3.2 Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura,
pangingisda, at paggugubat sa bawat Pilipino
3.3 Nabibigyang-halaga ang mga institusyon at programa na nakatutulong sa
sektor ng agrikultura (industriya ng
agrikultura, pangingisda, at
paggugubat)
3.4 Naitataguyod ang mga programang may kaugnayan sa sektor agrikultura
(repormang pansakahan)
B. Industriya
3.5 Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng
pagmimina, tungo sa isang masiglang ekonomiya

industriya tulad ng

3.6 Nakapaghahanda sa mga kasanayang pang-industriya ng Pilipinas

27

3.7 Naipahahayag ang opinyon tungkol sa nasyonalisasyon ng ilang korporasyon


at pagsasapribado ng korporasyong pamahalaan
3.8 Napagtitimbang ang papel na ginagampanan ng mga korporasyong multinasyonal sa pamumuhay ng mga Pilipino at sa pambansang ekonomiya
3.9 Naimumungkahi ang mabisang pamamaraan
pamamahala ng mga korporasyon sa Pilipinas

sa

pagmamay-ari

at

3.10 Natataya ang kahandaan ng bansa sa paggamit ng makabagong


teknolohiya tungo sa pagsulong ng ekonomiya
3.11 Nasusuri ang pagkakaugnay ng sektor agrikultural at industriya tungo sa
pag-unlad ng kabuhayan
3.12 Nasusuri ang mga institusyon at mga programang nakatutulong sa sektor
ng industriya at ng pangangalakal
3.13 Nasusuri ang pagpapatupad ng batas sa nasyonalisasyon ng kalakalang
pagtitingi
3.14 Naihahayag ang damdamin ukol sa pagpapanatili ng mataas na
pamantayan ng sektor ng industriya at mga kalakal tungo sa matatag na
ekonomiya
C. Paglilingkod
3.15

Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod

3.16 Nasusuri ang kahandaan at kalidad ng mga manggagawang Pilipino sa


sektor paglilingkod ng bansa
3.17 Naibabahagi ang damdamin ukol sa pagpapanatili ng mataas na kalidad ng
manggagawang Pilipino sa sektor ng paglilingkod
3.18 Nasusuri ang mga institusyon at mga programang nakatutulong sa sektor
ng paglilingkod
Impormal na Sektor
3.19 Nasusuri ang ibat ibang anyo ng impormal na sektor ng ekonomiya
3.20 Nakapaglalahad ng saloobin ukol sa pamumuhay ang mga Pilipinong
kabilang sa impormal na sektor ng ekonomiya
3.21 Natataya ang ambag o papel ng impormal na sektor sa kabuuang
ekonomiya
E. Kalakalang Panlabas
3.22

Natataya ang kalakaran ng kalakalang panlabas ng bansa


28

3.23 Natitimbang ang epekto ng mga patakaran at programa sa kalakalang


panlabas ng bansa sa buhay ng nakararaming Pilipino
3.24 Nakapaghahayag ng saloobin ukol sa kahalagahan ng kontribusyon sa
ekonomiya ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat
3.25 Nasusuri ang kaugnayan at epekto ng exchange rate sa
panlabas ng bansa

kalakalang

3.26 Nasusuri ang epekto sa kalakalang panlabas at sa ekonomiya ng


pagbabago ng palitan ng piso laban sa mga dayuhang salapi
3.27 Nasusuri ang mga kabutihan at di-kabutihan ng kalakalang panlabas tungo
sa isang masigla at maunlad na ekonomiya
3.28 Nasusuri ang kahalagahan ng pagtangkilik sa mga lokal na kalakal at
paglilingkod
3.29 Natitimbang ang epekto ng globalisasyon sa antas ng pamumuhay ng mga
Pilipino batay sa mga patakarang
-liberalisasyon
-deregulasyon
-pagsasapribado ng mga korporasyong pag-aari ng pamahalaan
3.30 Napahahalagahan ang ugnayan ng mga bansa tulad ng World Trade
Organization at Asia-Pacific Economic Cooperation tungo sa patas na
kapakinabangan ng mga mamamayan ng daigdig

29

You might also like