You are on page 1of 2

BUOD KARUGTONG

Ang malawig ay tulad din ng ibang nayon sa Luzon na may makitid, paliko-liko, at
maalikabok na daan. May mga puno at kawayan. Ang mga bahay roon ay yari sa
pawid. Walang maganda roon kundi ang langit, sabi ng kutsero ng karitelang
sinakyan nila.

Pagdating doon ay marami pala silang kamag-anak. Lahat halos ng naroon, bata't
matanda ay kamag-anak niya at halos hindi matapos-tapos ang pagpapakilala sa
kanya.

Pagdating sa itaas ng bahay ay lumapit siya sa kabaong at namalas niya ang


pagkakahawig nito sa kanyang ama.

Pagkapananghali, nagtungo siya sa bukid at nakita niya si Lolo Tasyo na nagkakayas


ng kawayan. Sinabi ni Lolo Tasyo na pareho niya ang ugali ng kanyang ama sa
pagiging tahimik at hindi mahilig sa maraming tao. Isinalaysay sa kanya ni Lolo
Tasyo ang kabataan ng kanyang ama, ang pagsasaranggola sa bukid, ang
pagkahulog sa kalabaw, ang pagtatago sa mga Kastila, ang pagsulat ng tula, ang
dalaga sa bunton ng palay na siyang naging sanhi ng pagkaluwas niya sa Maynila.

Unti-unting pinutol niya ang pakikipag-usap sa matanda upang magbalik sa bahay.

Kinabukasan, inilibing ang patay sa isang libingang nasa gilid ng simbahan na


nagpagunita kay Danding ng sumpa ng Diyos kay Adan at sa mga anak nito.
Nagunita niya na sa bakurang ito nahihimlay ang alabok ng kanyang mga ninuno, at
mga labi ng katipunan kaya't sinikap niyang huwag masaling ang maliit na
halamang naroroon.

Hindi pa man nalilibing ang bangkay ay umuwi na si Danding at nagtuloy sa bukid


at muling ginunita ang kabataan ng kanyang ama.

Sa sandaling iyon ay nadama ni Danding ang pag-ibig sa lupang tinubuan. Doon


niya naunawaan kung bakit ang pagpapatapon sa ibang bansa ay napakabigat na
parusa, at kung bakit ang nawawalay na anak ay sumasalunga sa bagyo makauwi
lamang sa Inang Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sina Rizal at
Bonifacio.

Namayani sa kay Danding na ang kapirasong lupa, na kinatitirikan ng kanilang


tahanan, kanilang kinabubuhayan, na naging kasalo sa kanilang lihim at nagtatago
ang pamana ng kanilang angkan.

TEMA: pag-ibig
Paksa: Pag-ibig sa bayan at pamilya
(Ipaliwanag nlng....)

You might also like